Followers

Friday, May 17, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 8.1




318 (Ang textmate ko)

By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel


Authors note:

Hello guys. Eto na po pala ang first part ng chapter 8 ko =) hinati ko na po sa dalawa ang chapter 8 para maupdate ko na rin po kayo ASAP =) Salamat po..


Happy Reading guys =) Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng akda ko at sa mga nagcocomment. Pati na rin po sa mga silent readers, thank you pa rin po =) God Bless us all..



PS: Add nyo naman po ako sa FB hehe (nielisyours@yahoo.com.ph) tumal pa po friends ko e hehehe XD mag-popost din po ako dyan ng mga preview for the incoming chapters =)).




Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)




Chapter 8.1


Tristan’s Point of View:


Shit! Shit talaga! Sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Colby sa school ay bumabalik sa akin ang lahat e. Hindi niya alam kung gaano kasakit tong nararamdaman ko. Since nalaman ko lahat lahat ng pagsisinungaling niya, unti unting namuo yung galit sa kalooban ko! Know how it hurts? Sobra!


So, I decided to transfer na lang. Grabe! Dahil sa galit ko gumawa ako ng isang desisyon na walang kaalam-alam sila Mama at Papa, ang tanging nasa isip at damdamin ko lang kasi ay yung galit, galit na binuo ni Colby dito sa loob loob ko. Another thing yung ex ko sa computer department, si Raphael. Yeah! Ang pakilala ko kay Colby ay siya ang tropa ko na taga subdivision nila, pero ang totoo ay siya ng ex-boyfriend ko. Alam din yun ni Grace, bestfriend niya kasi si Rafael, pero ang balita ko ngayon ay may iringan sila kaya hindi sila nagpapansinan. Eto kasing si Rafael, masyado yang seloso, kahit sa bestfriend niya na may makitang kasamang lalaki magseselos yan. Rason kung bakit kami naghiwalay, dahil sa walang humpay na away. Ewan ko, pero parang affected pa rin ako sa break up namin. Hindi naman sa hindi ako maka-move-on pero yung memories di ba? Naging mag-bestfriend din kasi kami ni Raphael since high school before kami nagka-relasyon, and the relationship destroyed our friendship. (More stories about Raphael? Not now ^_^ hehe)


So, nilakad ko na nga ang request ng Transcript of Records ko. Shit! 1 month pa daw bago ito i-release, okay lang naman iyon dahil octoberian class naman ang aatenan ko, I decided na mag-aral sa province namin sa Quezon, gusto ko malayo dito. Gusto ko muna malayo sa mga taong nagdadala lang sa akin ng sakit ng ulo.


One day, habang nagaayos ako ng mga papers bigla akong hinarang ng kapatid ni Colby, si Grace.


“Tristan, can we talk?” Mataray na yaya ni Grace. Don’t tell me? May alam siya sa amin ni Colby?!


“For what?” Malamig kong tugon. “Si Raphael ba?”


“Nope, my brother. He is the subject, no actually both of you.” Huh? May idea talaga to?! So, sumama na nga ako sa kanya at umupo kami sa bench malapit sa gate ng university namin.


“Anong gusto mong pag-usapan tungkol sa kapatid mo?” Cold kong tanong sa kanya. Ayoko siyang pag-usapan pero respeto ko na lang siguro kay Grace, naging kaibigan ko rin naman si Grace.


“Tristan, hindi niya sinasadya ang lahat.” Maikli ngunit may pagtaas na boses na paliwanag ni Grace. Whats wrong with Grace?! Kinukunsinti niya ang kamalian ng kapatid niya?


“So? What are you trying to do Grace?”


“Inaayos ko lang kayo Tristan.”

“Inaayos? Alam mo ba kung anong klaseng kagaguhan ang ginawa ng kapatid mo? Alam mo ba kung anong klaseng sakit yung binuo nya dito?!” Sabay hawak sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.


“Yeah Tristan, alam ko ang lahat. At naiintindihan kita, pero sana Tristan ay pakinggan mo rin yung side ni Colby. I’m sure, hindi niya ginusto yun. Mahal ka niya e.” Mahinahon na paliwanag ni Nerrisse.


“Wow!” Sarkastiko kong sagot. “So? Ganyan na pala ang pagpapakita ng pagmamahal ngayon Grace?! Iyong tipong nasasaktan ka na tapos sasabihin sa iyong mahal ka?!” Pagtataas ko ng boses kay Grace. 

“Kaya pala, same as your bestfriend. Ganun ba siya magpakita ng pagmamahal? Iyong wala niya sa lugar na pagseselos?!”


“I don’t know Tristan, were not good alam mo yan. Pero sana wag mong isumbat iyon, tandaan mo, yung selos na yun nabubuo iyon kung nakukutuban, yung mga tampuhan na yan.” Panunumbat sa akin ni Grace. 

“Aalis na ako, salamat sa oras mo. Lawakan mo ang pangunawa mo Tristan?! Wag ka magpa-stuck-up diyan sa galit mo. Just try to understand na ang lahat ng bagay na nangyayari, masama man or mabuti. Kung sa tingin mo ikaw ang naapi, lahat iyon may rason.” Sabay walk-out. Umalis na si Grace at naiwan ako sa bench. Napaisip din ako sa sinabi ni Grace. What if patawarin ko si Colby? Pero hindi magiging madali, masakit pa, hindi ko kaya.


Maya maya ay chineck ko ulit ang mga papers ko. Shit! Bakit nawawala iyong registration form ko? Kahapon lang ay kumpleto to e. Baka na-misplace ko lang.


Nagpunta ako sa gym upang kunin ang mga naiwan kong gamit doon. Nag-quit na rin ako sa basketball team kaya pinapa-pack up na ng coach namin ang gamit ko.


Sinilid ko lahat ng gamit ko sa bag ko hanggang sa may makita akong isang kulay dilaw na papel na nakatiklop. Yes! Nahanap ko rin ang registration form ko. Sinilid ko na agad ito sa bag ko.


Pagkauwi ko noon sa bahay ay tinignan ko ulit ang mga papers ko. Dropping of subjects na lang ang kulang ko at balak ko na itong i-process by next week. Kapag na-drop ko na ang lahat ng subjects ko sa accountancy, final na talaga, well hindi na naman ako nagdadalawang isip kung hindi ko itutuloy to. Itutuloy ko na talaga!


Until napansin ko iyong registration form ko. Bakit pala nakatiklop ito? E never naman ako nagtitiklop ng registration form e. So inopen ko ang dilaw na papel na iyon at pagkatingin ko ay isa itong sulat. Isang sulat mula sa taong kinamumuhian ko, sulat mula kay Colby.


Itatapon ko na sana ang papel ngunit parang may nag-uudyok sa aking basahin iyon. I don’t know pero hindi ko tinuloy ang pagtapon bagkus sinimulan kong basahin ang sulat..





Dear Tristan,


                Unang una sa lahat, I want to say Sorry T.T , sa lahat ng kagaguhan ko na nagawa ko sayo. I know, napakatanga ko na hindi ko agad inamin sa iyo at tinigil ang kagaguhang ginawa ko pero wala akong magagawa, dahil doon mo lang ako sa mamahalin, sa pekeng identitiy na iyon.


                Sa simula Tristan, hindi ko alam na magiging ganitong kakomplikado ang lahat. Kahit naman siguro sino ay may tinatagong katauhan na hindi nila pwedeng isapubliko dahil baka may makakilala, lalo na’t sa kalagayan ko. Pero hindi iyon ang dahilan ko Tristan, maaring isa lang iyon, ngunit ang pinakadahilan ko ay lagi akong ni-rereject. Ang hirap din nang kalagayan ko noon, kaya napilitan akong itago ang sarili ko sa larawang hindi naman ako, sa identity na malayong malayo sa tunay kong katauhan. Hindi ko sinasabi to Tristan para kaawaan mo ko at balikan mo ko, ang dahilan ko kung bakit ko sinasabi ay dahil gusto kong maliwanagan ka. Na hindi lahat ng bagay ginusto ko, hindi ng lahat ng ito nangyari ayon sa kagustuhan ko. Nagmahal lang talaga ako Tristan, at nalulungkot ako at nakokonsensya dahil gumamit ako nang dahas para makuha ka upang mahalin ka. Noong oras na magka-text tayo, wala akong idea na magiging kaklase kita, pero dineny ko sayo na dito lang ako sa maynila nagaaral dahil natatakot ako na makita mo ko, natatakot na baka ayawan mo ako at nakakasa na ang katauhan ko kay Vince at sa litratong ni hindi ko kilala. Gulat na gulat ako noong malaman kong magkaklase tayo, aaminin ko, naging masaya ako, ngunit sa loob loob ay nasasaktan, nakokonsensya at nahihirap kung ano ang mangyayari sa oras na malaman mo ang lahat. Nang maging tayo, hindi ko na ininda ang sikretong hawak ko. Napaka-selfish ko pala, ako kaharap ko na ang boyfriend ko, ngunit ikaw umaasa na mayroong boyfriend na malayong malayo sa akin. And for that I’m very sorry :’(


                Sa natuklasan mo, totoo na ako si Vince. Ang pagkakamali ko lang ay tinago ko pa ang sarili ko sa pekeng katauhan. Ngunit sana tandaan mo Tristan, mahal na mahal po kita. Maybe naloko kita sa aking pisikal na anyo ngunit hindi nang nararamdaman ko. Itong nararamdaman ko? Totoo ang lahat ng ito, minahal kita Tristan.


                Hindi ko na hinihiling na ibalik ang dati Tristan, wala na akong mukhang ihaharap sa iyo. Nahihiya 
ako sa mga katarantaduhang ginawa ko. Ang tanging hiling ko lang ay sana mapatawad mo ako. Iyon na lang at para na rin sa ikakapantag mo, titigilan na kita sa pangungulit ko sa iyo.


                Maraming maraming salamat Tristan, mali man ang naging takbo ng love story natin, mananatili ka pa rin sa alala-ala ko. Sorry ulit, sana hindi mo na ako kamuhian Tristan. Sorry :’( Mahal na mahal kita.



-Colby

Hindi ko alam pero bakit ganito? May tumulong luha sa mga mata ko?! Nasaktan ako sa sinabi ni Colby. Nakaramdam ako ng guilt sa sarili. Na hiniya ko siya, sa inasal ko, sa ginawa kong pagtataas ng pride. Napansin ko rin sa papel na ginamit ni Colby na nag-leak yung tinta ng ballpen. Nakakatiyak ako na umiiyak siya habang sinusulat niya ito.


Tama ba tong ginagawa ko. No, I mean normal lang naman ang magalit sa nalokong tulad ko e, pero tama ba yung hindi ko pakingan ang side niya? Another thing, hindi naman alam ni Colby na picky ako sa itsura e. Masisisi ko ba siya kung before pa nung pasukan niya ako nakilala? Na nagtatago siya sa pekeng identity dahil sa inaayawan siya ng madami?


“There is always a room for forgiveness.” Sigaw ng utak ko. Tama! At least pakinggan ko lang iyong side niya.



Higit pa akong tinamaan noong nabasa ko ang parte ng sulat na “..Ngunit sana tandaan mo Tristan, mahal na mahal po kita. Maybe naloko kita sa aking pisikal na anyo ngunit hindi nang nararamdaman ko. Itong nararamdaman ko? Totoo ang lahat ng ito, minahal kita Tristan… “ Sa tingin ko ay totoo naman, totoo naman na minahal ako ni Colby. Na gusto niya mang aminin na siya si Vince ngunit wala siyang lakas ng loob dahil huli na, nakakakasa na siya sa identity na pinakilala niya sa akin. Alam ko, ramdam ko na minahal niya ako. Noong tinawag ko si Nerrisse sa canteen ay nakita ko ang namumugto niyang mga mata.


Nang mabasa ko ang sulat ni Colby para sa akin, para akong nasisiraan. Hindi alam kung dapat ko ba siyang patawarin. Alam ko masakit pa ang lahat ng ginawa niya sa akin ngunit dinidikta naman ng kabilang parte ng utak ko na wala namang masama kung magpapatawad ako, wala namang mawawala, bagkus may uusbong, yung pagibig.


“Deserve ko maging masaya, deserve ni Colby maging masaya.” Bulong ng isip ko. Tama! Siguro tama nga na patawarin ko din siya. Napakasarap kapag wala kang galit na tinatago sa dibdib mo. Nakapasaya kasi alam mong nakapagpatawad ka, hindi dahil iyon ang tama kung hindi dahil alam mong magkaroon ka ng taong magiging masaya sa piling mo at sa piling niya. At tama si Colby, dinaya niya man ako sa pisikal niyang katauhan ngunit hindi ng kanyang puso. At alam ko iyon dahil, naging kami, though sa text lang pero ramdam ko yun.



Napagdesisyunan kong wag na lang ituloy ang pag-transfer ko sa ibang school. Maluwag na kasi sa dibdib ko ang lahat at magiging komplikado ka lang ito, I know naging padalos dalos ako sa desisyong ginawa ko, hindi ko man lang iniisip kung may mahihirapan.


Papasok sana ako ng sabado ng umaga upang isoli ang kinuha kong certificate of dismissal. Bahala na >.< Kung pagalitan man ako ng dean namin sasabihin ko na lang na naging padalos dalos lang kasi ako sa desisyon ko. Ngunit, imbis na pumasok ako ay may naisip akong mas magandang plano.


Tanghali noong mapagdesisyunan kong maligo at magsuot sa attire na alam kong gwapo ako. Lagi namang gwapo e, sa kahit anong suot, kahit wala pang suot hihi ^_^ Assumming here. Dinala ko na din ang gitara ko na ginagamit ko pa since sumali ako ng banda noong high school. Dumaan muna ako sa mall upang bumili ng tatlong pirasong bulaklak at pizza..


“Handa na ako Colby, handa na akong patawarin ka.”




Colby’s Point of View:




Nang marating ko na ang gate namin dahan dahan ko itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko ng aming gate ay tila nanlaki ang mga mata ko sa nakita..



It was him.



Teka?



“Tristan?” O.o gulat na tugon ko sa kanya. Teka? Bakit nandito si Tristan? Nope I mean hindi naman sa umaarte ako at nandito na siya sa harap ko pero di ba galit siya sa akin? Sa aking pagkakaalam ay suklam na suklam siya sa ginawa kong pagsisinungaling. Noong mga nakaraang araw kasi pinaparingan niya ako noong nasa classroom kami, sinabi niya nga na chameleon ako e. Pero? Bakit nandito siya sa mga harap ko ngayon. At.. Bakit may dala siyang tatlong pulang rosas at may nakasabit pa na gitara sa likod niya? Anong ibig sabihin nito?!



“Sorry Colby.”Mahinahon niyang sagot. His aura was very different compare to his aura this past few days.  Huh? Sorry? Di ba dapat ako ang nag-sosorry sa kanya? From the very start alam ko ako ang may kasalanan e, pero bakit siya nag-sosorry? Ano kayang nakain nito ni Tristan? Again, hindi naman sa umaarte ako, pero bakit naman kaya siya nagso-sorry ngayong alam ko namang ako ang may kasalanan ng lahat..



“Huh? Sorry? Tristan alam mong..” Nagtataka kong sagot ngunit nilapat niya ang kanyang mga hintuturo sa aking labi. Bakit hinututuro pa? Bakit hindi na lang yung labi niya. Chos! XD



“Ikaw ang nagkasala sa akin?” Tanong ni Tristan sabay muestra ng hawak niyang papel. Yung goodbye letter na ginawa ko. “Nabasa ko na to Colby.” Dagdag pa niya.



“Nabasa mo na? So.. d-does i-t mean?” Nauutol kong tanong. Shet! Kung nabasa niya? Bakit siya nandito? Wiling niya na ba akong patawarin sa lahat ng kagugahang nagawa ko?



“Oo Colby, pinapatawad na kita.” Shet! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga oras na ito mga ateng! Pakiramdam ko ay lumulundag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. “Oh para sa iyo.” Sabay abot sa akin ng handog niyang mga pulang rosas.



“Para sa akin?”



“Ay hindi, para kay manang. Haha!” Aba’t nambara pa?! Pero syempre kinilig naman ako. Feeling ko tuloy ay umabot na sa gate ng subdivision ang gate ko. Sarap suklayin! Haha!



“Thank you..” Pasasalamat ko sa kanya, halata sa mga mata ko ang pangingilid ng luha. Ang saya kaya sa pakiramdam. Ako na yata ang pinakamasayang bakla sa mga oras na ito.



“Bakit ka umiiyak?” Alala niyang tugon.



“Masaya lang ako Tristan. Sobrang saya. Napakasaya. Uber sa saya.” Pagbibiro ko. Tawanan naman kami ni Tristan. Hinila niya ako ng mas malapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Grabe! Yung yakap niya, ramdam na ramdam ko at yung pagkakahigpit parang ang tagal tagal naming hindi nagkita. At ang bango bango pa! <3 <3 <3



“ARRRGGGGHHH!! Sa wakas nayakap na rin kita. At sa wakas, nagmeet na rin tayo.” Malambing niyang sabi habang nakayakap sa akin at tila pinangigilan ang pagkakayakap sa akin. GRRR! Ang sarap sarap mong yakapin Tristan! Haha napatawa naman ako sa sinabi niyang ‘nagmeet na rin kami’ hahaha.



“Ano ka ba? Matagal na tayo nagmeet.” Sagot ko sa kanya. Bigla tuloy nalungkot ang mga mukha ko , naisip ko na naman ang pagsisinungaling na nagawa ko kay Tristan.



“Ayyy?! Wag mo na isipin yun. Past is past na. Ngayon? Pwede bang magusap na tayo?” Paglalambing ni Tristan sa akin ni Tristan habang nakayakap pa rin sa akin.



Napagdesisyunan namin ni Tristan na umupo sa bench ng mini park kung saan niya ako kinantahan and at the same place kung saan nabulgar ang sikreto ko. Pakiramdam ko tuloy it was a very memorable place to me. Napansin ko siyang may dala dalang karton ng pizza. Teka? Ano to date? Gawd! Kakapatawaran pa lang namin date na agad? Kinilig naman daw ako?!



Naupo kami ni Tristan sa bench na inuupan namin dati. Nakatingin siya sa mga bituin at tila hindi maipaliwanag ang ngiti sa kanyang mga labi..



“Colby?” Pagbasag niya sa katahimikan.



“Po?” Thoughtful kong sagot na parang bata na nakatingin sa kanya.



“I just want to make it clear, bakit mo nagawa sa akin yun? I mean, nabasa ko na iyong letter mo e but I want to hear those words from you..”  Seryoso niyang tanong.. I know may gusto pa siyang alamin mula sa akin..



“Una Tristan, hindi ko naman talaga gusto ang lahat. Nagawa kong itago ang real identity ko sayo dahil lagi akong nirereject ng mga taong nakakatext ko. Dati kasi Tristan sa tuwing may katext or ka-chat ako lagi nila akong inaayawan. I don’t know why, pero sa hindi nila pag-reply sa akin, I know ayaw nila. Hindi sila interested. Kita naman sa itsura di ba? Haha!” Pagbibiro ko. Well, may point naman ako dun ah?!



“Don’t say that.” May pagtaas niyang boses na tugon sa akin at tumingin sa akin na parang galit pero concern. “Ako I have something to tell you. Ii-interupt muna kita sa kwento mo ah?” Pagpapalam niya..



“Okay Trist, ano yun?” Malambing kong tanong.



“Alam mo Colby, I’m not that kind of person na sinasabi mo na choosy or yung nagrereject. Ang akin kasi, gusto ko munang kilalanin yung tao bago ko husgahan. Nagkataon lang siguro na hindi mo ko natyempuhan sa tamang paraan.” Shit! Yung reaksyon ko? Ito oh? (O.O) Kung alam ko lang sana na hindi siya choosy tulad ng inaakala ko, di sana hindi na naging komplikado pa ang lahat kung saan may masasaktan pa.



“I’m sorry Tristan..”


“No, hindi na kita sinisisi. I’m just sharing, tapos na rin naman e, at wala na dapat pagsisihan kasi I already forgive you..” Malumanay niyang sabi. Habang sinasabi niya iyon, ang tingin ko sa kanya ay isang napakagwapong anghel. Ang bait bait niya kasi at hindi ko inaakala na masasabi niya ang lahat ng ito. Akala ko kasi hindi niya na ako mapapatawad. Ang hinihiling ko lang naman ay ang mapatawad niya ako, of course I wished na magkausap kami pero hindi ko in-expect na ito, kakausapin niya ako, he gave me a chance with matching three red roses and pizza pa. Naluha tuloy ako.



“Ehh.. Umiiyak ka na naman! Iyakin ka pala talaga..” Pagbibiro niya sabay hawi ng mga luha na tumutulo sa mga mata ko. “Huwag ka nang umiyak okay?”



“Hindi lang kasi ako makapaniwala e, higit pa to sa hinihiling ko Tristan.” Maluhaluha kong sabi sa kanya. Tologo nomon e!



“Sus haha.” Matawatawa niyang alinlangan.



Tawanan..



Katahimikan..



“Tristan?” Pagbasag ko sa katahimikan..



“Hmmm??”



“What makes you think para mapatawad ako?” Mahinahon kong tanong.



“Uhhhmm? Ikaw anong sa tingin mo?” Patawa to e noh? Kaya nga nagtatanong e. Haha! Joke lang! Mahal 
ko pa rin to. Sa isip ko lang kayang mambara haha XD.



“Hindi ko rin alam e. Kaya nga nagtataka ako e, sa laki ng kasalanan ko akala ko hindi mo na ako mapapatawad. Hopeless na din ako tapos eto, nandito tayo ngayon..” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Sa letter mo Colby. Grabe yung sinabi mo dun na minahal mo naman talaga ako. Eventhough nagsinungaling ka alam kong totoo ang naging trato sa akin ng puso mo noong nakatago ka pa sa katauhan ni Vince.” Pagpapaliwanag ni Tristan. At again and again, hindi ko na naman napigilan ang maluha sa sobrang saya. “May surprise ako sayo.” Sambit niya habang nilalabas ang gitara sa loob ng case nito.



“Wow, ang ganda naman niyan. Alam mo, matagal ko nang pinangarap matuto niyan kaso ilang tutor na rin ang sumuko sa akin e.” Pagkamangha ko, actually dati pa ako nagpapaturo mag-gitara kay Xander, magaling kasi siya sa mga musical instruments ngunit hindi ako matuto haha! Sorry naman pssshhh -_-



“Gusto mo turuan kita?” Tanong niya in a romantic way. GRR!! Hahaha!



“Nako, wag na Tristan, baka sumuko ka din sa sobrang pagka-slow ko matuto ng pag-gigitara, magsosolve na lang ako ng mathematical equations kaysa turuan mo ako niyan. Isa pa, sayang ang oras mo. Haha!” Pagbibiro ko sa kanya.



“Haha..”  Pagtawa niya. “Ikaw talaga, ang cute cute mo..” Sabay pisil niya sa mga pisngi ko. Gosh! Hindi ko na keri to! Pwedeng sumigaw? Kung hindi lang sana makakabulabog ng mga tao sa subdivision ay naglulumpasay na ako dito haha!



“Talaga?” Maluha luha kong tugon.



“Oo naman. Oh teka? Naluluha ka na naman? Inborn ba yang pagka-iyakin mo? Haha!” Pagbibiro niya sabay punas ng panyong hawak niya sa mga mata ko.



“Hindi naman haha! Ikaw lang kasi ang taong nagsabi na cute ako, ikaw lang iyong taong nakakaappreciate ng epic fail na mukha to! Bwahaha!” Pagbibiro ko. Napansin ko namang kumunot ang noo nitio.



“Hindi ka naman panget e, masyado mo lang kasing dinodown ang sarili mo. Basta lagi ka lang ngumiti.” Pagpapayo niya sa akin. “Alam mo Colby may sasabihin pala ako sayo.”



“Ano yun?”



“Alam mo ba dati pa lang crush na kita?” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tsss! Kung alam ko lang sana na masisikmura pala ni Tristan tong itsura ko e di sana hindi ko tinuloy pa ang pagsisinungaling ko. Siguro masaya kami ngayon.



“Talaga? Na-attract ka sa patpating bakulaw? Bwahaha!” Pagbibiro ko. “Joke lang!”



“Ewan ko sayo! Lagi mong hinahard ang sarili mo.” Pagtatampo niya. “Pero oo totoo, ang tali-talino mo kasi e, tapos mapagbiro ka pa, lagi mo kaya akong napapangiti sa klase, minsan nga hindi buo ang araw ko kapag hindi ka nagpapatawa e, at syempre cute ka.” Pag-amin niya. Aba’t ginawa pa akong clown nito ha?! Pero ayos lang, ang dami kong kilig sa sinabi niyang iyon.



“Haissttt.” Pagbubuntong hininga ko. “Alam mo kung alam ko lang sana na hindi ko na pala kailangan pang magtago dahil tanggap mo naman ako sana hindi ko na ginawa.”



“Ano ka ba? Tapos na iyon Colby. Ang gusto ko ngayon ay bumuo tayo ng bago. Gusto kong ayusin ang lahat sa atin. Gusto kong patunayan sayo Colby na minahal kita noon bilang Vince, at mas mamahalin kita ngayon bilang Colby. At least I know, nakapagpatawad na ako, at hindi na mangyayari ang lahat. Ang gaan kaya sa kalooban kapag nasasabi mo ang gusto mo at pinapakawalan mo ang lahat ng galit.” Grabe! After all the damn that I have done? Still? He is willing to accept me? Tristan, hindi mo alam kung gaano mo ko pinapasaya.



“Anong ibig mong sabihin Tristan?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Mahal niya daw ako? At mamahalin niya ako bilang si Colby? Does it mean na? Shit! Hindi ko in-expect. Ang akala ko lang ay makikipagusap siya sa akin upang ayusin ang lahat sa amin. Ang akala ko ay hanggang kaibigan na lang?



Ngunit imbis na sumagot siya, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan niya ako. Ginalaw niya ang kanyang malalambot na labi sa marahan na paraan. Ramdam na ramdam ko ang halik niyang iyon. At tulad nga kanina naluha na naman ako.


“I love you Colby. Yes, Colby handa akong ibigay ang sarili ko sa iyo. I’m yours. I’m all yours.” Maluha luha niyang sabi. Napansin ko na may namumugto ding luha sa kanyang mga mata. Oo, ramdam ko! Tears of joy iyon!


“I’m all yours too Tristan. You don’t know how happy I’am, hindi to yung ine-expect ko. Napakasaya ko Tristan. I love you too..” Maluha luha kong sagot sa kanya. So? This is it! We are official. Yung wala nang tinatago . Yung hindi na tulad nang dati na kikiligin ako ng may kasamang kaba at pangongonsensya dahil nakatago ako sa isang pekeng katauhan. Ngunit hindi na ngayon, ibang iba sa dati. Napakasaya ko. It was more than enough.  Hinalikan niya ako sa noo at napaluha na naman ako.


“Wag ka nang umiyak. Nakakahawa ka e. Haha.” Pagbibiro niya sabay hawi ng mga tumutulong luha mula sa kanyang mga mata. I know, Tristan feels the same emotion as mine. “Eto na pala yung surpresa ko sayo.” Sambit niya sabay tipa sa string ng kanyang napakagandang gitara. Nakaharap siya sa akin habang ginagawa niya iyon.



It Might Be You (Stephen Bishop)


Time I've been passing, time watching trains go by
All of my life lying on the sand, watching seabirds fly
Wishing there would be someone waiting home for me.
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you all of my life



Looking back as lovers go walking past all of my life
Wondering how they met and what makes it last
If I found the place, would I recognize the face?
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it might be you


So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And we've so much love to make
Oh, I think we've gonna need some time
Many be all we need is time


And it's telling me it might be you all of my life

I've been saving love songs and lullabies
And there're so much more no one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you all of my life


May be it's you(It's you)
Maybe it's you(It's you)
I've been waiting for all of my life


Napakaganda ng mga boses niya. Napakalamig. Iyon bang goosebumping iyong pagkanta niya dahil alam mong punong puno iyon ng emosyon, alam mong kinakanta niya iyon ng hindi basta basta lang, mararamdaman mo naman iyon e, iyong pagkanta niya? I know, lahat yun galing sa puso niya. Every word from the lyrics of the song, I know it was from his heart.


<3


Pagkatapos namin kainin ang pizza na binili niya at pagkatapos niya ako kantahan ng ilan pang mga love songs. Napagdesisyunan naming maglakad lakad muna sa loob ng subdivision. Napakaganda ng gabing iyon, maaliwalas, nagkalat ang mga magagandang butuin sa langit at ibang iba sa gabing umuulan kung saan nalaman ni Tristan ang lahat. Tila nakikiayon ang panahon sa aming nadarama sa mga oras na ito.


Habang naglalakad kami ay naramdaman ko naman ang kamay ni Tristan na kumapit sa mga kamay ko ng mahigpit. It was our first HHWWPSSP (Holding hands while walking pa-sway sway pa!) Haha! Napaka-romantic ng gabing iyon. Kitang kita sa ngiti ng labi ni Tristan na masaya siya, pati ako. Kulang na nga lang ay mapunit ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko e. Oooopppss! OA lang?! Haha.


Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Tristan sa kaisa isang tindahan dito sa subdivision namin.


“Anong gagawin na’tin diyan?”


“Sa tingin mo anong ginagawa sa tindahan? Malamang bibili haha! Kaw talaga love.” Pamimilosopo niya sabay pisil sa aking mga pisngi. Kinikilig? Oo e, tinawag pa ako ng love. Grabe na! Haha!


“Hahaha. Pilosopo ka ha?” Paglalambing ko sa kanya sabay kurot sa tagilirin niya.


“Oooopppsss. Wag ngayon love, may oras para dyan haha mamaya.” Sabay kindat at tila nang-seseduce. Loko to ah?! Haha pero aaminin ko tinamaan ako sa sinabi niyang iyon.


“Grrr!! Haha. Loko ka. Tara na nga.”


“Ate pabili po ng choco-choco.” Sambit niya si Tindera. Nakakatawa siya dahil para siyang batang bumubili ng candy sa tindahan.


“Ilan hijo?”


“Anim po.” Para niya pa ring batang sagot. Bakit naman kaya anim? Ano naman kaya itong pa-utot ni Love?
Pagkatapos namin bumili ay bumalik ulit kami sa paglalakad sa loob ng subdivision namin.


“Love, bakit naman choco choco ang binili mo?” Curious kong pagtatanong.


“Favorite ko to e, simula pagkabata hanggang ngayon.” Namangha naman ako sa kanya, syempre sa age niya ay bihira na ang kumain ng mga ganung klaseng candy. Pero siya game na game pa rin at parang bata. GRRRR! Lalo tuloy akong na-iinlove sa kanya. “Oh eto, tigtatlo tayo.” Sabay bigay ng tatlong choco choco. 

“Ang ibig sabihin niyan, tatlo kasi I LOVE YOU tapos yung choco choco ibig sabihin naman niyan yung sweetness natin.” Sambit niya, syempre ako naman si kilig.


“Haha! Mais lang?” Pagbibiro ko.


“Corny na kung corny. Mahal naman kita.” Banat ni Tristan. Syempre ako naman tong nag-blush at kinilig ng sobra sa sinabi niya.


“Haha! Mahal din kita Tristan.” Banat ko rin.


“Aba’y bumabanat ka love ha?!”


“Haha. Banatan kita dyan e.” Pagbibiro ko habang kinakain namin ang napakatamis na choco choco tulad ng aming pagiibigan.


Habang naglalakad kami ay may napansin akong isang lalaking may tangkad na 5’7. Mukhang pamilyar sa akin ang lalaking iyon at parang nakita ko na siya sa school, hindi ko lang maalala kung paano at hindi rin ako sigurado dahil madilim at hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Ang tanging nakikita ko lang sa kanya ay ang kanyang spiky hair at slight portion ng kanyang mukha. Nakatingin siya sa amin sa di kalayuan, nagtaka din si Tristan dahil napansin kong tinitignan niya ang lalaki ngunit hindi niya na ito pinansin, lumakad kami hanggang sa makalabas ng subdivision namin.


“Colby, punta tayo sa bahay.” Pagyayaya niya.


“Huh? Ahh.. Ehh.. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay mommy e.” Pagaalinlangan ko. Maya maya ay dinukot niya ang cellphone niya atnag-dial.


“Hello Tita? Papasama lang po sana ako kay Colby sa bahay, overnight na po sana kung maari lang po.” Huh? Overnight?! Ayos to ah? Mukhang alam ko na kung ano ang gusto nito hahaha! “Osige po tita bukas ko na lang iuuwi si Colby hehe, ako na po bahala sa kanya. Bye po.”


“Overnight pa talaga ah?”


“Syempre gusto kong masolo ang Colby ko sa unang gabing naging tayo.” Paglalambing niya sabay akbay sa akin.


At sumakay na nga kami sa isang bus papunta sa kanilang bahay.


Habang nasa bus, nakatulog si Tristan sa mga balikat ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mala-anghel na mukha. Napaka-gwapo niya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na akin na siya, na sa kabila ng lahat ng pagtatago ko ay papatawarin niya ako at pinasaya niya ako. Tulad ng sabi ko kanina it was more that enough dun sa ine-expect ko. Kaya naman sobra ang sayang nadarama ng puso ko. Iyon bang pakiramdam na parang ayaw mo na matapos to? O pwede ka nang mamatay dahil sa sobrang saya.


Magaalas-10 na ng gabi noong makarating kami sa bahay nila Tristan. Gising pa ang mga magulang niya at ang kanyang bunsong kapatid. Napaka-ganda ng kanyang nanay at napaka-gwapo naman ng kanyang tatay, ngayon alam ko na kung kanino nagmana ang boyfriend ko. Pinakilala ako ni Tristan bilang kaibigan niya. Ang sabi niya ay sasabihin din daw naman niya ito sa family niya ngunit wag daw muna ngayon.


Dumeretso kami sa kwarto ni Tristan. Pagkapasok na pagkapasok niya ng kwarto ay kiniliti niya ako sa tagiliran ko. Aba’t mukhang tototohanin ang harutan na sinasabi niya sa akin kanina habang naglalakad kami ah? Hanggang sa pati ang leeg ko ay pinuntirya niya ng kiliti.


Hanggang sa mapagod kami sa paghaharutan ay tawanan pa rin kami, tila ang saya saya namin sa mga nangyayari. Parehas kaming hingal na hingal sa kakatawa sa ginawa naming harutan.


“I love you Colby ko.” Malambing niyang sabi sabay bitaw ng isang smack kiss. Gosh! Alam mol yung pakiramdam na kahit ilang beses na itong dumampi sa mga labi ko ay hindi ako nagsasawa. Dahil alam kong mahal ko iyong taong humahalik sa akin.


“I love you too Tristan ko! Mahal na mahal kita..” Malambing kong sabi..


Napakasaya ko sa gabing iyon. Iyon bang sayang hindi mo maipaliwanag? Yun bang napaka-perpekto na ng lahat. Sana hindi na matapos to.. Sana..


(Hello guys =)) Yung bed scene po nina Tristan at Colby upon request po siya and baka sa Saturday ko pa po siya ma-release. Para makakuha po ng copy, contact me on my fb account.. Thanks po.)





-I T U T U L O Y 



Thank you for reading :)))

22 comments:

  1. Ang bigat ng dibdib ko nung last post mo ay napalitan na ng matinding saya ngayon sa chapter na ito...

    Ang galing mo magpakilig dalang-dala talaga ako haha... Im sure ganoon din ang nararamdaman ng ibang mga readers.

    Fan mo ako kaya dapat bigyan mo ko ng copy ng torrid scene ha :D





    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha thanks @daredevil :) message mo lang po ako sa fb or sa email :) thanks baka sa saturday ko i-release :))

      Delete
    2. hello mr.daredevil:) meron na po akong Bed Scene hihi ^_^ request na lang po kayo sa email ko bukas, i mean mamaya hihi ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph)

      Delete
  2. Masarap sa pakiramdam talaga ang magbasa ng mga ganitong klaseng story.

    Keep up the good work Mr. Author!

    ReplyDelete
  3. Ganda naman..at least tanggap na sya..more twists pa sna haha..

    Rated SPG na ang nxt haha

    ReplyDelete
  4. ung kilig q dito wagas. Nakakainggit cla sobra! :3

    ReplyDelete
  5. Cute ng story... Kakaiba kc tumatalakay sa ibang side ng katauhan ng hindi binigyan ng perpektong itsura pero may karapatan pa rin magmahal at mahalin...alam ko madami makakarelate sa story mo. Tnx. Keep it up. Sayang lang wala yung bedscene nila hehehe.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. Ang cute nong story.. Kka ilove...

    ReplyDelete
  7. Ang ganda ng story kkaiba kkainlove.. Haizzzt....

    ReplyDelete
  8. Ang cute nong story.. Kka ilove...

    ReplyDelete
  9. Neil yon oh naintindihan ko na. Grabe chada kaayo haha kilig much! iba rin style mo naiiyak na tumatawa ako haha

    Adik ka talaga!

    Pero panira ng moment yong umabot sa gate ng subdivision ang gate ko sarap suklayin...haha kilig na sana confused mode tuloy. hayzt!

    Oip friend kita sa fb send mo nalang dun ang ehem haha hilig lang ang peg lols!

    ReplyDelete
  10. how sad :( I cannot send you a request coz I'm on duty right now I don't have access for email, fb, twiter etc... Social networking kasi is blocked per company policy. The only thing I can do is to search stories from google. Maybe they can actually detect me if I will try to log in hu hu!!! By the way just a quick question lang will you post ba yung bed scenes on your fb account? bed scenes will be sent ba via fb or yahoo mail upon request?
    please reply coz I am really hooked sa story mo... :)




    Rohan-o07




    ReplyDelete
    Replies
    1. hello. :) hindi ko po siya i-popost sa facebook account ko e, uhm? via request po siya, email or sa facebook :)) thanks po...

      Delete
  11. ok I'll send you a request





    Rohan-o07

    ReplyDelete
  12. tsk. tsk. tsk.

    block fb ko for 7 days..

    kinikilig
    @fb

    ReplyDelete
  13. kuya inadd n kita sa fb paki send po sa akin ung bed scene nila sa 8.1 pls

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails