318 (Ang textmate ko)
By: ImYours18
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Authors note:
Hello sa lahat. Eto na po pala ang chapter 6 nang
aking akda. Pasensya na po kung natagalan ang update ko, bilang pangbawi,
hinabaan ko na po ang chapter na ito hanggang sa, ah basta hahaha :D
Happy Reading guys =) Maraming salamat sa mga patuloy
na nagbabasa at sumusuporta ng akda ko. Take Care and Godbless =)
PS: Add nyo naman po ako sa FB hehe (nielisyours@yahoo.com.ph)
tumal pa po friends ko e hehehe XD mag-popost din po ako dyan ng mga preview
for the incoming chapters =)).
Warning: Some words used in the story are foul words. Also,
there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers.
This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names
to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and
comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its
use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 6…
“Hahaha. Love. May tanong ako sayo?” Nakaramdam naman
ako ng kakaibang kaba sa tanong na iyan. Pakiramdam ko kasi kapag magtatanong
siya ay may kaugnayan sa kalokohang ginawa ko e. Pero, sa tono ng boses
niya,may naramdaman akong sinseridad, pero ewan ko kung bakit ako kinakabahan.
“Ano naman iyon love?” Paguusisa ko.
“Pwede bang maging tayo na? What I mean is can you be
my partner?”
Shocked. Hindi ako makapaniwala sa offer or proposal
niya. Syempre, mahal ko na si Tristan, pero hindi ko aakalain na seseryosohin
niya din kung anong mayroon kami. Hindi ko naman inakala na gusto niya pang
lagpasan iyong linya ng relasyon namin na “mutual understanding” lang e. Teka,
teka teka! Ano bang isasagot ko? Oo kaya? Mahal ko naman si Tristan e, siguro
napakaswerte kung magkaroon ako ng boyfriend na halos full package na ang
itsura at ang ugali at saka ang sama ko naman kung i-rereject ko yung offer
niya, bakit? Maganda ka ba Colby?! Haha. Hindi kaya ang isasagot ko? Magiging
komplikado ang lahat. Sa simula pa lang noong makita ko siya sa gate ng
university at nangyari ang makasaysayang pagkadulas ko alam kong magiging
komplikado na, hanggang sa naging kaklase ko siya at naging kaibigan, sa tuwing
tumatagal ang pagsasama namin sa personal at habang lumalalim ang namamagitan
sa amin sa pamamagitan lamang ng “text” ay mas lalo itong nagiging komplikado.
Paano pa kaya kung naging kami?
“Love? Andyan ka pa ba? Hindi mo ba nagustuhan iyong
proposal ko?” Pagtatanong ni Tristan. I noticed na medyo malungkot ang boses
niya sa tanong na iyon. Gawd!! anong isasagot ko? O.O
Sa sobrang kalituhan ko dahil hindi ko alam ang
isasagot ko sa kanya..
“Huh? Hindi ah? Oo , Tristan, oo, gusto kita maging
partner ko. Mahal na mahal kita.” Taos puso kong sagot. Ewan ko ba? Bigla na
lang iyon ang dinikta ng puso ko e. Kanina litong lito ako pero parang biglang
nag-trigger sa aking puso at isipan na sagutin ang proposal niya. Siguro ito
nga yung sinasabi nilang kapag mahal mo ang tao nagiging bulag ka, hindi mo
nakikita ang kamalian basta kapag dinikta ng puso mo ay dapat mong sundin.
“Yes! I love you too Love. Mahal na mahal din kita
Vince! Hooooo!!!” Pasigaw niyang sabi. Ramdam na ramdam ko ang kagalakan ni
Tristan sa sinabi niya.
“Mahal na mahal din kita, Tristan. You don’t know how
happy I’am.” Sambit ko. Tumulo naman ang luha ko sa sobrang saya, alam mo yung
feeling na dati sa pangarap mo lang iyong tao, pero sa ngayon abot kamay mo na
sya? Ganoon akong kasaya, pakiramdam ko
nga ay daig ko pa ang maging big winner sa PBB at maging soul survivor sa
Survivor. Basta! Higit pa doon ang kagalakang nararamdaman ko. Pansamantala ko
nga atang nakalimutan na may problema ako e, basta ang alam ko masaya ako sa
ngayon.
TRISTAN POINT OF VIEW :
I think I was the happiest person nang sagutin niya
ako. Taken na ulit ako! After I had a broke up with him (my ex) malamang? Haha!
Ayun nga taken na ulit ako. Hindi ko naman hinihiling na maging taken lang
syempre gusto ko ulit maging masaya at maging inspired tulad ng dati. Mahal ko
na si Vince., kahit na sabihin na sa text lang kami nagkakakacommunicate, may
facebook naman e, at least pwede naming makita ang isa’t isa through pictures.
Isang gabi noon,lungkot na
lungkot ako sa nangyaring break up sa amin ng ex-boyfriend ko. I was waiting
for his reply, sa text lang kasi ako nakipag-break, masyado bang formal?
Masasabi bang break up kung through text lang ito isinagawa?, Ginawa ko iyon
dahil sa aking palagay iyon ang tama. Sa mga nakaraang linggo kasi puro na lang
away, sa text? away, sa chat? away, sa persona? away, kapag magkasama?
nagtatapos sa away, nakakatulog nang hindi nagbabati, nakakasawa! So I decided
to end our relationship. Alam ko masakit at mahirap sa kanya, sa akin din naman
e. Back to our story, that night habang nagiintay ako sa reply niya. Biglang
may nagtext sa akin na unknown number.
09*********: Hi
Ako: Hello, NASL pare?
Sya: Im Vince, 17 bi manila. And you?
At nagpakilala na ako sa kanya, siguro naman ay nakita niya
na ang facebook account ko sa mga oras na iyon. Ako naman ang nanghingi ng
facebook account sa kanya. Noong nakuha ko ang kanyang facebook account,
nagulat ako dahil sa angking ka-gwapuhan nito. Noong una ay nagtaka ako kung
poser ba itong Vince na to, madami na kasi akong na-encounter na poser e, iyon
bang gumagamit nang picture ng iba, lalong lalo na kapag may itsura ang ginamit
na profile picture. Ewan ko ba? Kung bakit wala silang confidence na iharap ang
sarili nila. Hindi naman ako choosy na tulad ng ibang tao, ang gusto ko lang ay
totoo sa akin.
Nag-surf pa ako sa ibang albums niya, ang palatandaan ko
kasi sa mga posers kapag profile picture lang ang mayroon sila at kapag may isa
o dalawang albums lang ito. Ngunit, nagkamali pala ako, siya pala talaga ito
dahil mayroon itong pitong albums at ang mga pictures ay mukhang nakuhaan sa
mga magagandang lugar. Mayroon kuha sa beach, sa bahay, sa mga malls at iba
pa..
Pinagmasdan ko ang picture ni Vince. Sa tingin ko ay may 5’7
itong tangkad at maputi ito. Bilugan ang mga mata at makinis ang balat, kung
titignan mo siya at your first impression mapagkakamalan mo siyang koreano o
miyembro ng isang k-pop group, ganoon kasi ang porma niya sa mga pictures.
Sa gabing iyon, pansamantala kong nakalimutan ang lungkot
dahil sa break up namin ng ex-boyfriend namin ko. Ewan ko ba kung bakit ganito?
Magaan ang loob ko kay Vince kahit na sa text lang kami nakakapagcommunicate.
Noong unang beses din siyang tumawag, labis din akong natuwa dahil parang
kahalihalina ang boses niya. Ewan ko ba? Nahalata ko na sa boses niya na medyo
tagilid siya, pero I keep on talking with him kasi parang ang gaan na agad ng
loob kong kausap siya.
Akala ko nga hindi ako mahuhulog sa kanya. Mayroon kasi
akong nabasa na article sa internet na normal lang naman daw ang magkaroon ng attraction
ang isang tao sa isang tao lalo na kapag may napansin kang somewhat attractive
dito kaya hindi ko na masyado pinansin. Pero mali ako, tuwing magkatext kami,
para akong natotorete sa pagmamadali magreply, kahit may ginagawa ako, pilit kong
isinisingit ang pagrereply sa kanya. May pagkakataon nga na naliligo ako,
binalot ko pa talaga ang cellphone ko sa dalawang plastic na transparent para
lang mareplyan si Vince. OA di ba? Pero ganoon talaga e. I don’t know kung
bakit ganoon na lang iyong pakikitungo ko sa kanya.
Hanggang sa dumating ang pasukan. Nag-shift nga pala ako ng
course from IT to Accountancy dahil sa parang hindi ko na kaya ang course na
iyon, medyo hirap kasi ako sa programming subjects, pero sa accounting subjects
namin ay hindi naman ako nahirapan. Okay na sana ang pag-shishift ko ng IT
until someone’s ruined it (to be discussed on further chapters hahaha!). May
mga nakilala din akong mga new friends sa school, yung mga boys ng klase namin
na nakakasama ko minsan sa basketball games at dota (irregular student lang
kasi ako kaya bihira lang kami magkabonding), si Nerrisse ang medyo chubby
ngunit ma-appeal na classmate ko at ang kaibigan niyang si Colby na medyo
nahalata ko sa simula pa lang na may gusto sa akin ^_^. Hindi naman sa assuming
ako ah? Nahalata ko kasi sa kanya noong first day of school na parang ang
lagkit ng tingin sa akin. Minsan nga ay nahuli ko itong nakatitig sa akin at
may pagkakataon na parang nag-iimagine ito na parang ewan, iyon bang parang
wala sa sarili at may papikit pikit pa? HAHA!
Kay Vince? May napansin akong kakaiba sa kanya. Sa tuwing
nasa school ako, bihira kami magkatext, iyon bang kamustahan lang. As in
bihira, hindi naman sa masyado kong pinanghihimasukan ang ka-busyhan ng tao.
Pero parang nakakaramdam talaga ako ng awkwardness sa tuwing nasa school kami
at nagkakatext kami. Paano ko ba ipapaliwanag? Sige ganito, kapag nasa school
kami ayaw niya na tawagan ko siya, noong una tumatawag ako e, pero pinagbawalan
niya. Noong una naintindihan ko kasi syempre school yun at busy hours pero
kapag minsan katext ko siya ng break ayaw niya magpatawag, inintindi ko na
lang. Pagkauwi ko naman saka lang niya gusto ako tumawag or saka siya tatawag.
Ewan? Inintindi ko na lang. Ganun ba yun?
Kahit ba through text pwede
maramdaman ang awkwardness?
Hanggang sa dumaan ang isang buwan. Ganoon pa rin ang
sitwasyon namin ni Vince, sweet pero awkward pa din kasi ayaw niyang
makipag-eyeball, puro text lang, pero parang ewan ko, kahit sa text at tawag
lang namin kinikilig ako. Sa school naman, mas dumami pa ang mga naging
ka-close ko, lalo na sa BSA101A. Mas naging close ko na rin ang mga boys sa
room, maganda rin ang aking performance sa school. Isa rin sa mga kaibigan ko
ang naging crush ko. Ang kulit niya kasi e, at saka ang cute niya, masayahing
tao, palatawa, joker, pero medyo halata siyang bakla sa kinikilos niya, si
Colby. Oo, iyong kaibigan ko na sinasabi kong palagay ko at nahalata ko na may
gusto sa akin, naging crush ko rin siya, humanga kasi ako sa kanya, sa very
jolly personality niya. Ngunit, dinikta naman nang isip ko na hindi pwede at
hanggang crush lang iyon, may Vince na ako e. ^_^ haha!
Enough with the flashback, sa ngayon kami na ni Vince. Sa
mas medaling salita, akin na siya, at siya’y akin hahaha. Ewan ko ba? Sa mga
past girlfriend ko pati boyfriend nag-popropose ako personally, never pa sa
text, I don’t know kung ano bang nakain ko kung bakit ko ginawa tong proposal
na to. Basta I have only one thing to assure, masaya ako na naging kami, kahit
through text lang.
“Ako rin love, ako na ang pinakamasayang lalaki ngayon .”
Buong galak kong sabi. Corny noh? Pero totoo yan.
“I love you Tristan!”
“I love you more Vince!” Malambing kong sabi. Narinig ko
naman na parang humihikbi siya, ibang klaseng hikbi e, hindi ko malaman kung
humihikbi ba siya sa kagalakan o dahil sa kalungkutan. Huh? Kalungkutan? E
paano naman? Mukha bang nakakalungkot ang nangyayari ngayon.
“Umiiyak ka?” Pag-uusisa ko.
“Huh? Ah.. Ehh.. Hindi, masayang masaya lang ako love.” Tugon
niya, syempre kinilig naman ako. Pero kinakabahan pa din ako kung bakit siya
umiiyak. Bakit kaya?
“Ako din, ang saya saya saya ko.” Pagdugtong ko sa sinabi
niya. “Oo nga pala love, ngayong tayo na siguro naman hahayan mo na akong
makipag-meet sayo?”
“Huh? Ahh.. Ehh.. Pero..”
Pag-aalangang sagot niya.
“Wala nang pero pero, ako na ang pupunta dyan sa inyo, di ba
18 ngayon? Ito ang monthsary natin, pupunta ako dyan next month. Sa darating na
first monthsary natin, sabik na sabik na akong makita ka..” Malugod kong sagot
sa kanya. Natahimik siya, di ko alam kung anong iniisip niya. Parang nabusalan
siya sa pagyayaya ko. Na-curious tuloy ako, bakit ba parang pigil na pigil
niyang magkita kami? Ano bang meron siya at parang may tinatago. “Oh natahimik
ka love?”
“Ahh. Ehh.. Sige.” Simpleng sagot niya.
“Napipilitan ka lang ata e.”
“Huh? Hindi ah? O sige love, matutulog na ako, maaga pa kasi
ang pasok ko bukas e, sorry love.” Pagpapalam niya. Huh? 8pm pa lang ah? Saka
hindi naman ito ang usual na tulog ni Vince e, kapag magkatext kami at
magkatawagan usually inaabot kami ng 12 midnight. Hindi ko na lang pinuna,
mahal ko naman iyong tao e, baka pagod at inaantok na talaga.
“Ahh ganun ba love?” sabi ko na medyo may halong lungkot ang
boses. “Sige love, tulog ka na, goodnight! I love you!” Malambing kong sabi.
“ I love you too!”
“I love you more!” Dagdag ko pa. At hindi pa talaga
nagpa-awat ahaha :D
“I love you most!” Ahhmff! Talo na ako hahaha.
“Haha, talo na ako.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Haha, ikaw talaga love, osige tulog na ako, tulog na rin
ah? Goodnight, I love you.”
“Opo, I love you too po.” Paglalambing ko.
In-end ko na ang call conversation. Hayyyss, hindi pa rin
ako makapaniwala, nagmamahal na ulit ako. Iba pala talaga iyong feeling na
kapag nagmamahal ka, pakiramdam mo, gusto lumabas ng puso mo sa sobrang saya,
lalong lalo na kapag alam mong mahal ka rin ng taong gusto mo. Iyon ang nararamdaman
ko sa ngayon, parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya. Habang nagmumuni ako
sa kama ko sa mga oras na iyon, kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog..
God Gave Me You.
For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh must confess
I've been blessed
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why)
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You)
God gave me you
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh must confess
I've been blessed
God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why)
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You)
God gave me you
Sobra naman ang kilig na naramdaman ko habang pinatugtog ang
kanyang iyon sa cellphone ko. Tamang tama kasi lyrics na iyon sa nangyayari
ngayon. Sana siya na nga ang biyaya sa
akin, sana siya na ang magpakita sa akin ng katotohanan, at sana siya na ang
magparamdaman sa akin ng lubos na kasiyahan bilang kasintahan.
Group Message:
“Happiness is being with someone who will stick to you no
matter what.”
Goodnight guys!!
Taken! :p
Tulog na kami ng mahal ko hahaha <3
~groupmessage
#T&V
#18 <3
Colby’s Point of View:
Pagkabasang pagkabasa ko ng Group message na iyon ni
Tristan, hinagis ko na sa kama ko ang cellphone ko. Buti pa siya, nakuha niyang
maging masaya pero ako ang lungkot lungkot ko. Oo, masaya na sana e kaso hindi
ko naman expected na mas mapapadali ang date ng eyeball namin, hello? Kahit
almost 1 month pa iyon darating at darating din iyong araw na iyon.
Kahit siguro masaya siya ngayon, ano kaya ang mararamdaman
niya kapag nalaman niya? Panigurado mas malala pa sa nararamdaman ko ang
mararamdaman niya at sa pwedeng maramdaman ko kapag dumating iyong revelation
ng sikreto ko.
Sa sobrang gulo ng isip ko, namalayan ko na lang na lumuluha
ako. Actually kanina pa e, habang nag-uusap kami, noong una tears of joy talaga
kung bakit ako naluluha, ngunit tila napalitan ito ng tears of sorrow sa offer
niyang eyeball. Gawd! Sinong ihaharap ko sa kanya?
Aaminin ko na kaya? Kasi kung hindi, magiging malala pa ang
lahat e. Hahanapin ko kaya kung sino ang nasa ginamit kong picture ko sa
facebook ko? Hala, baka kapag nahanap ko iyon at sinabi ko sa kanya na ginawa
ko siyang front at ang mas malala ay sa kapwa niya lalaki ay baka ma-jombag
niya ako, and worst? Baka hindi na ako makauwi ng buhay O.O haha.
“Bahala na, aaminin ko na lang siguro.” Bulong ko sa sarili.
:’(
At nakatulog na ako ng gabing iyon. Kinabukasan, nagising
ako ng maaga. Walang bago, siya pa rin ang nasa isip ko. Haiiisstt, oo,
kinikilig ako sa nalaman pero hindi ko makuhang ngumiti dahil sa problemang
meron ako ngayon. Ano ba yan? Dito pa lang problema na agad? Paano pa kaya
kapag nagkaalaman na? Delubyo!
Pumasok ako ng parang wala sa sarili. Nakikitawa na lang sa
mga classmates ko kapag nagbibiruan. Nanibago naman sila sa akin, hindi kasi
ako nag-jojoke ngayon tulad ng dati. Tinanong ako ni Nerrisse kung ano bang
problema pero sinuklian ko lang to ng ngiti.
“To naman! Wala hahaha. Nakakapanibago ba?” Pagkukunwari ko
kay Nerrisse. Tumabi kasi siya sa akin nun.
“Tsss! Nako teh, sa akin ka pa magdedeny?” Pang-iintriga
niya.
“Haha, okay lang ako teh, thanks sa concern.” Pagpapasalamat
ko.
“Basta If you want to unload dito lang din ako ah? Katok
katok lang pag may time.” Pagbibiro niya, napangiti naman ako. Iba talaga itong
si Nerrisse, para siyang si Xander, iyong bestfriend ko na kinekwento ko, kasi
kapag ayaw niyang mag-unload ako bibiru-biruin niya na lang ako. At least kahit
papaano ay gagaan ang loob ko sa pamamangitan ng pagbibiro.
“Hey okay ka lang? parang ang lungkot mo ata ngayon.” Sabi
ng isang pamilyar na boses habang tinatapik ang balikat ko sa aking likuran, si
Tristan. Napangiti naman ako ng dumating ito.
“Oo naman. Haha, I’am okay” Magiliw kong sabi. Nginitian ko
siya. Hayss Tristan, ikaw talaga ang lakas ko sa mga iniisip ko, pero ikaw din
ang nagpapahina sa akin e. Iyong sikreto ko sayo. :’( Haissstt..
“Good. Hehe, namiss ko lang kasi iyong masayahing Colby araw
araw e. Nanibago ako.” Pagpapaliwanag niya. Syempre, na-touch ako sa sinabi
niya, kasi at least kahit papano ay may na-appreciate din siya sa pagiging si
Colby ko. Nginitian ko na lang siya.
Sa maghapong iyon sinubukan kong maging masaya, pilit kong
inaalis sa isip ko iyong tungkol sa pagsisinungaling ko kay Tristan. Kaya ang
ginawa ko, dating gawi, nakipagbonding ulit ako sa mga classmates ko kapag may
free time kami. Kapag oras naman ng pag-aaral, seryoso akong nakikinig sa turo
ng mga professor, sunog kilay din kasi ako sa pag-aaral at dito ko na lang
ibubuhos ang lahat ng iniisip ko..
Group Message:
(As Colby)
Good Afternoon Guys :D
On my way home. Ingat sa ating lahat.
Hayyyssst, sana ganoon na lang kadali lahat. :’(
-gm
#CT :D
Syempre ang kahulugan ng CT ay Colby at Tristan, wala namana
sigurong makakahalata nun kaya iyon ang ginamit ko. Kahit si Tristan ay
pinadaanan ko ng group message na iyon, pero syempre yung cp number ko na
pang-public ang ginamit ko.
Sa hapong iyon, ang tanging laman ng isip ko ay si Tristan.
Ang hirap! Oo, kami na. Kungtutuusin, dapat nga ay magtatalon ako sa tuwa di
ba? Sana kasi hindi na lang ako pumayag sa gusto niyang mangyari, pero paano
naman ako makakatangi? E kung magtaka siya? E kung makipaghiwalay siya? Parang
hindi ko na yata kaya. Uulitin ko, mahal ko na si Tristan, mahal na mahal.
----------------------
Tristan’s Point of View
Tatlong lingo na pala ang lumipas simula nang maging kami ni
Vince. One week na lang, first monthsary na namin. Masayang masaya ako sa
mayroon ako ngayon, kahit minsan nakakaramdam ako ng lungkot at awkwardness sa
mga bagay bagay na nangyayari ay hindi ko na iniisip. Sino ba naman ang hindi
makakaramdam ng pagka-awkward, were in a relationship but out communication is
through text and call lang, walang meet up, at walang actual communication, oh
di ba?
Sa tingin ko nga, he
is my strength if I have a problem. Nakakatuwa kasi, lagi na siyang tumatawag
sa akin, kahit minsan nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness kapag nasa school
ito at ayaw makipagtext o tumawag ako kahit sandal. Inintindi ko na lang dahil
baka busy nga siya.
My ex-boyfriend? Unti-unti na rin siyang nabura sa isip ko,
pero ewan, minsan nararamdaman ko pa rin na namimiss ko siya. Syempre, for
almost half a year na pinagsamahan namin as lovers and 3 years as bestfriend
before we became lovers, mahirap kalimutan ang lahat especially the good memories.
At least ang mahalaga ngayon, in love ako at unti unti na siyang naalis sa isip
ko.
Haha! Oo nga pala, nakakatuwa kasi may mga insidente rin sa
school na hindi sinasadya. Tulad na lamang nang nangyari sa amin ng kaibigan
kong si Colby. (Ooooppss :D wag green hahaha!) May nangyari kasing nakakatuwa
sa aming dalawa noong nagkaroon ng retreat ang section namin sa Baguio. Pero,
hindi naman nagdala ng kalituhan sa akin ang mga pangyayaring iyon, oo crush ko
siya, pero hanggang doon na lang iyon, may Vince na ako e. Hehe!
Naging masaya ang buwan na iyon para sa akin. Parang perfect
ang lahat. Ang mga kaibigan ko sa school tulad na lamang nila Colby, Nerrisse,
Christine, at ang mga makukulit na dota/basketball boys ng blocked namin. Ang
aking pamilya ko na lagi ding nandyaan para sa akin, at syempre si Vince, ang
pinakamamahal ko.
May natuklasan din akong isang nakakabiglang kaalaman mula
kay Colby…
(Flashback)
“Colby?!” Pagtawag ko sa kanya sa canteen ng school namin.
Nakita ko kasi siyang mag-isang kumakaen. Ewan ko ba? Tinotopak na naman siguro
tong si Colby. Ganito kasi siya kapag tinotopak o may iniisip madalas hindi mo
matatagpuan kasama ng mga kaibigan.
“Oh? Tristan? Naparito ka?” Gulat niyang tugon.
“Haha! Bakit? Is this your property para tanungin ako ng
ganyan? Haha.” Pagbibiro ko sa kanya. Syempre, gusto ko lang tumawa siya, ang
cute niya kaya kapag tumatawa >.<, siya lang itong walang self confidence
na sinasabi sa classroom namin na kesho pangit siya, na kesho bansot siya.
“Biro lang cute!” Dagdag ko.
“Haha, yeah this is my property!” Medyo sarkastik niyang
sagot. Alam ko namang nagbibiro lang ito. Nakita ko naman ang kanyang mga
ngiti, iyon bang parang kinikilig haha, I don’t know, pero baka siguro dahil
dapatwat sa sinabi kong ‘cute’.
“Lunch?” Pagaalok ko sa kanya. Actually kasi kanina pa ako
gutom, nagaantay lang ako nang kasabay, then I saw Colby, tutal, may pakay din
naman akong itanong sa kanya e.
“No thanks. Kakatapos ko lang.” Ani niya sabay sipsip sa
drinking straw ng iniinom na chocolate shake.
“Haha! Uy, may itatanong ako sa iyo?”
“Ano po iyon?”
“Hahaha, itigil mo muna iyang kaka-‘po’ mo sa akin. Haha”
Pagbibiro ko pa.
“Okay po. Haha.” Pagbibiro ni Colby, “Biro lang!”
“Haha sige ganito, hmmm? Di ba nasabi mo dati na taga
bulacan kayo dati? Remember? Noong hinarana kita? este kinantahan kita sa mini
park sa subdivision sa inyo? Haha.” Pagpapa-alala ko sa kanya.
“Yeah. Ah.. Eh.. Okay, natatandaan ko na.” Tipid niyang
sagot. I noticed something from his voice and reaction, nauutal utal pa, bakit
kaya?
“May tropa kasi ako from bulacan, ang sabi niya may
kamaganak daw siya dito sa manila. Matagal ko na kasing hindi nakikita iyon e.
Childhood bestfriend ko kasi. Ang pinagtataka ko lang kasi parehas kayo ng
apelyido at probinsya, anyway baka kilala mo haha.” Pagpapalusot ko, pero iyong
tropang iyon ay si Vince, sobra na ata akong obsessed sa kanya, ako pa talaga
ang pupunta. Pagibig nga naman oo! =’)
Napansin ko si Colby na parang nag-isip sa sinabi ko. Ewan
ko ba? Pero I feel something sa loob loob niya e, parang natatakot?
Kinakabahan? Then why?
“Ahh. Vince ba kamo Tristan? Vincent Rivera?” Medyo nalilito
niyang tanong sa akin. Parang nangangasim iyong mukha niya, ewan! Hindi naman
ganito si Colby e, parang ang lalim ng iniisip.
“Yeah, exactly!” Shit! Bakit niya kilala si Vince, parang
tama ang kutob ko ah?!
“Ahh kasi Tristan, he’s my cousin.” Parang nahihiya niyang
sagot. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Shit! Antagal na ko nang nasa
harap si Colby tapos ito? Pinsan niya
pala ang taong pinakamamahal ko? Shit! Parang ang saya! Haha, pero napansin
kong parang may mali sa sinabing iyon ni Colby, yung “eh kasi Tristan” medyo
malakas ang pagkakasabi niya, ngunit yung “He’s my cousin.” Pansin ko na humina
ang pagsasalita niya. Hindi ko na lang ininda.
Natatandaan ko, yung time na tinawagan ko kasi siya. May
tumawag sa pangalang Colby, at ang sabi ni Vince, pinsan niya iyon. Shit! Tama
nga ang kutob ko. Magpinsan sila.
“What?! Pinsan mo siya?” Gulat kong reaksyon. “Pinsan mo
talaga si Vince?” Pagkukumpirma ko.
“Yup.” Malungkot niyang tugon. Bakit kaya? “Bakit? Anong
pakay mo sa kanya?” Tanong niya. Napaisip naman ako, ang OA pala ng reaksyon
ko, ganoon ba ang reaksyon kapag nalaman mo na ang tropa (kuno) mo ay pinsan ng
kaibigan mo? Parang ang hirap paniwalaan na kaibigan lang. Maliban na lang
siguro kung straight si Colby. I know, may naamoy siya sa sinabi kong iyon,
kaya siguro ganoon ang rekasyon niya sa pagkagulat ko, marahil at nagiisip ito.
“Ah, wala naman Colby, kasi kapit bahay niya iyong
nililigawan ko haha.” Pagdadahilan ko. “Through text na ligawan lang namin,
kaibigan daw ng pinsan mo, nireto sa akin.” Pag-aalibi ko sa kanya . Napansin
ko naman na parang tumahimik siya, may nararamdaman akong kakaiba sa mga mata
niya e, parang ang lungkot? Parang ang daming problema? E kanina ang ganda
ganda ng ngiti niya sa akin e. “Are you alright Colby?”
“Yeah, yeah! I’am okay, sorry napuyat lang kagabi.”
Pagpapaliwanag niya, para naman tong nagising sa ulirat sa tinanong ko. “Paano
pala kayo nagkakilala ni Vince?”
Isip isip ng alibi..
“Ahh.. Ehh.. Kasi, yung uncle ko taga bulacan. Nagbaksyon kasi
kami doon ng kuya ko. Kaibigan siya ng brother ko, tapos iyon naging
magkaibigan na din kami. Nakuha ko lang iyong number nya kumakailan lang noong
nagka-chat kami sa fb, tas yan yun may nireto siya sa aking chicks!”
Pagdadahilan ko sa kanya. Hindi man ganung kapani-paniwala ngunit bahala na.
Hindi siya sumagot. Mistula siyang wala sa sarili at parang
ang lalim ng iniisip.
Tahimik.
“May favor sana ako sayo?”
“Ano iyon Tristan?”
“Pwede bang samahan mo ko kay Vince? This weekends? Sagot ko
pamasahe mo.” Mungkahi ko sa kanya.
“Ano?! Makikipagkita kay kay Vince?!” Gulat niyang sabi.
Napansin ko na mistula siyang binatukan ng maraming beses sa reaksyon nya.
Nakakatawa nga e, pero napaisip ako. Para saan iyong reaksyon na iyon?
“Yep, may masama ba dun?” Confident kong sabi.
“Ahh.. Ehhh.. Kasi Tristan, may gagaw..”
“Please?” Pagmamakaawa ko kay Colby. Hay nako Tristan!
Ganyan ka ba ka-desperado magmahal? Namimilit pa ng tao?
“May gagawin pa kasi ako this weekends e, remember? Iyong
assignment natin sa accounting?”
“Please? Sandali lang naman e, saka pwede naman natin iyon
gawin dun. Tutulungan kita? Please?” Pagmamakaawa ko. Desperado? Oo e, si Vince
naman kasi e, kung dati pa sana nag-meet up na kami hindi n asana ganito pa na
kailangan kong mamilit ng tao.
“Ahh.. Sige. Fine.” Cold na sabi niya. Parang napilitan
lang.
“Thanks talaga Colby, salamat!” Yes! Napapayag ko na siya
and finally, magkikita na rin kami ni Vince!
“Pumunta ka na lang sa bahay ng Friday 6 p.m. huh?” Pagyayaya
niya.
“Sure, salamat talaga Colby.” Pagpapasalamat ko. Binigyan
nya lang ako ng isang ngiti.
(flashback ends here XD)
So this is my plan, pupunta ako kila Vince sa darating sa
sabado. Sa sabado na rin kasi ang monthsary namin e, and I want to surprise
him. Also, eto na rin siguro iyong mothsary gift ko sa kanya.
Buti na lang talaga at napapayag ko si Colby sa gusto kong
mangyari. Nagulat talaga ako sa rebelasyon niyang iyon. Kung matagal ko na
sanang alam, malamang sa malamang matagal na kami nagkita ni Vince.
Wednesday in the afternoon, I decided na pumunta sa mall
para bumili ng another monthsary gift para kay Vince. Bumili ako ng isang
mamahaling wrist watch para sa kanya. Maganda iyong wrist watch na binili ko
for him, ang sabi nga sa akin ng sales lady ay bagong labas lang daw iyon. Ang
mahal nga e, halos maubos iyong allowance ko sa pagbili nun, pero ayos lang,
that’s for my love of my life.
<3
Colby’s Point of View.
Tatlong lingo na ang nakalipas since naging kami ni Tristan,
hindi pala ako, si Vince at si Tristan =(.
Halo halong emosyon naman ang naramdaman ko sa halos tatlong lingo na
iyon. May mga kilig moments din syempre as a Vince, pero isang hindi inaasahang
pangyayari ang naganap sa amin ni Tristan as ako si Colby.
Retreat namin iyon, sa Baguio. Ayaw nga ako payagan ni Mom
dun kasi nga malayo pero pinaalam ako ni Nerrisse kay Mom kaya pinayagan niya
na rin ako. And take note! Nandoon din si Tristan para ipagpaalam ako before
out retreat, syempre, kilig naman ang lola niyo.
(flashback…)
Dumating kami ng 4 in the afternoon sa venue. Syempre kapag
retreat, may mga activities na may kaugnayan sa religion at kay God. Nagkaroon
ng mga games at may mga pastor pa na nag-speech sa harap about sa sacrifices ni
God dahil sa pagmamahal sa atin. Hindi naman ako nabored na retreat na iyon
dahil sa masaya ito, madami kang ma-rerealize at may mga comedian pang emcee ang
mga activities na isinagawa tulad ng mga games nga, pagdadasal, pagkanta ng mga
religious songs at pagmemedidate.
It was eight in the evening noong nag dinner kami. At nine
in the evening noong pinagprepare kami para matulog dahil 10:00 p.m. ang lights
off sa dormitory. Hiwalay ang boys at girls sa dormitory, syempre alam na, at
iyon ang ina-avoid ng university namin kaya pinaghiwalay.
Nasa baba ng double deck noon si Tristan, pinili niya daw
talaga ang babang parte ng double deck dahil malulain daw iton at malikot
matulog.
“Tol, sa taas ka na lang ha? Malikot kasi ako matulog e,
saka malulain, baka malaglag ako pag ako sa taas.” Pakikiusap niya.
“Okay sige.” Pagsasangayon ko sabay bigay ng isang ngiti.
Nagulat naman ako dahil kinurot niya ang aking mga pisngi, parang nangigil o
nakyukyutan? Haha. Assuming here :D (Cute daw e, gwaarrrrkk! XD)
Habang nasa taas ako ng double deck narinig ko naman ang
usapan ng ibang boys ng room namin.
“Pare, may multo daw dito sa dormitory na to.” Ani ni Carlo,
isa sa mga classmates ko. Kinilabutan naman ako sa narinig. Oo, mahilig akong
mag-explore at mag-research about creepy things, pero ako din naman tong takot
at hindi makatulog kapag nag-eexplore ako.
“Oo nga daw pare, sa taas daw ng dorm? Malapit sa may
terrace? May namatay daw kasing security guard na nagbabantay ng terrace na
iyon. Napagtripan daw ng mga loko lokong nag-retreat dito, kaya madalas daw
nagpaparamdam daw iyon namatay na guard na iyon sa mga nagreretreat dito.” Kwento
ng isa ko pang kaklase, si James. Shit! Lalo tuloy akong kinilabutan. Dalawang
palapag lang kasi ang layo naming mula sa terrace e, tapos na sa may bandang
pintuan pa ako. Malawak pa naman ang imahinasyon ko lalo na sa ganyang mga
bagay.
“Saan mo naman nalaman yang kwentong yan?” Tanong ni Tristan
na parang hindi naniniwala sa kwento ng mga kaklase naming.
“Dati na kasi kaming nag-retreat dito pre, noong 4th
year high school pa lang ako. Nag-ghost hunting kasi kami dito, kami walang
nakita pero iyong dalawang kasama naming, may nakita daw pagkabukas nila ng
pinto palabas ng terrace.” Kwento pa ni James, o__o tama na please, kinikilabutan
ako sa kwento mo James e, naiimagine ko kaya!
“Sus, barbero ka tol!” Si Tristan, sabay hagis ng dalang
unan kay James.
“Hindi ako nagloloko tol, promise. Ang kwento pa nga minsan
rumoronda ang guard na iyon kapag lights off na e. Nagpapakita daw sa mga
nag-reretreat dito. Hindi naman daw lahat pinapakitaan nun, pero malas mo kapag
napakitaan ka. Walang mata ang guard na namatay na iyon at duguan ang ulo.”
Grabe na! Pwede pa bang mag-backout at umuwi na lang sa Manila? Natatakot na
talaga ako e.
Habang nasa ganoon silang kwentuhan, biglang…
LIGHTS OFF!
“Shit! Ano ba to? Ang dilim!” Bulong ko sarili. Ang dilim
kaya! Lalo tuloy akong kinilabutan! :\
At ayun nga! Lights off na nga pero tuloy pa rin sila sa
pagkekwentuhan ng mga nakakatakot na bagay.
“Gusto nyo i-try natin mamaya mag-ghost hunting para malaman
natin kung totoo nga ang sinasabi nito ni Mokong?!” Yaya ni Rex, isa sa mga
kaklase ko. Sabay turo kay James na nagkwento ng mga kababalaghan na iyon.
“Baka naman mahuli tayo nyan ng mga facilitators, wag na!”
Tangi ni John.
“Oo nga.” Pagsang ayon pa ni Yro. Isa sa mga classmate ko.
“Sus! Mga duwag. Bilis na mga parekoy, wala namang
makakakita kasi tulog na ang mga facilitator. At iyong mga gising pa, nasa baba
iyon ng dorm kasi nag-peprepare pa iyon ng breakfast para bukas.” Pag-iinsist
ni Rex. Parang may naguundyok sa aking katauhan na sumama sa kanila, pero
natatakot naman ako dahil baka nga totoo yung kwento na kinekwento ng mokong na
James. Tssss! Kinwento pa kasi e, teka sino ba nagsimula nito? Pitikin ko kaya
sa pancreas to? XD
“Sige guys, try natin.” Pag-iinsist ng mahal ko :D. Noong
marinig ko naman na sasama siya, aba’y parang mas lalo tuloy akong ginanahang
sumama sa kanila. Haha. Talande!
“Deal?” Si James, buset to! Pasimuno. Nagkwento pa kasi e.
Sana makatulog mamaya :’(
“Tara! Game.”
“Game.”
At napagdesisyunan na nga nilang anim na mag-ghost hunting.
Si mahal, si James, si Carlo, si Yro, si Rex, at si William. Dahil sinasama
nila si mahal kong Tristan, parang may nag-udyok sa akin na sumama rin. Kaya
tulad ng ginagawa nila, naghanda rin ako ng, kumuha ng flashlight at nang
panyo, syempre kapag nakakakita ng multo may magagamit akong panakip ng mata,
Haha!
Akmang lalabas na sila ng pinto ng dorm, nagdahan dahan lang
sila dahil baka may mga facilitator sa labas ng dorm. May iilan din silang mga
kasabwat na mga kaklase naming na kasama sa dorm, pero iniiwasan nila magising
ang ibang mga sumbungero naming kaklase upang hindi mabuko sa makasaysayang
ghost hunting. Palabas n asana sila ng biglang..
“Sandali lang..” Pagpigil ko sa kanila. Lumingon naman sila
sa akin. Ang akala kasi nila ay hindi ako sasama sa kanila dahil hindi naman
talaga ako kasama sa kwentuhan nila before. “Sasama ako..” Tipid kong proposal
sa kanila.
“Wow sure baby…” Pangaasar ni James, loko to ah? Sino siya
para tawagin akong baby? Si Tristan lang ang pwede :D
“Tara na, bilis.” Si Yro.
Habang dahan dahan kaming naglalakad papunta sa hagdan
paakyat sa sinasabing terrace nitong James na to..
“Maghiwa-hiwalay tayo, tignan niyo din sa ibang floor kung
may ibang kababalghang nangyayari..” Insist ng tapang tapangang Rex.
“Eh, wag na. Wala namang ganyanan.” Tangi ni John, hahaha
duwag talaga to! Hahaha parang ako hindi e noh? Pero sa totoo pa lang kanina pa
ako pawis na pawis dahil sa takot, sa kwento pa lang ng mokong na James.
“Sige na, disperse mga parekoy.” Ani ni Boss Rex :3
Umakyat ako sa susunod na palapag, samantalang ang iba ko
namang kasama ay nag-explore sa iba pang floor nang dorm na iyon, karamihan sa
amin ay bumaba. Dala dala ang flashlight na nagiisang ilaw sa kadiliman.
Sobra akong nanginginig sa mga oras na iyon, iyon bang napakagulo
ng aking isip. Gusto kong mag-backout ngunit gusto ko ding mag-explore kung
totoo nga ang sinasabi ni James.
Bawat hakbang ko sa bawat palapag ng hagdan, pakiramdam ko
ay parang nalalapit na ako sa kamatayan. Ano kaya ang gagawin sa akin ng multong
guard ng terrace na iyon kapag nakita ko
siya? Harujusku! Baka himatayin ako at magulat na lang ako at kaladkarin isama
niya ako sa kabilang buhay. Harujusko!
“Kalma Colby, Kalma.” Bulong ko sa sarili.
Maya maya ay narinig akong mga yapak ng paa na parang
tumatakbo sa kabilang hagdanan. Takot na takot akong naghikahos makaakyat at
napasandal ako sa isang pintuan. Dalawang pintuan ang nandoon, sa tingin ko ang
isa ay isang pintuan para sa restroom dahil may nakalagay na sign na “Restroom”
Malamang sa malamang restroom yun. Tsk Colby talaga. Samantala, tinapatan ko
naman ng flashlight ang pintuan ng terrace. Pinilit ko itong binuksan ngunit
sarado ito.
Sunod ko namang pinaplanong buksan ay ang pinto ng CR, ewan
ko ba? Pero parang kinakabahan ako sa itsura ng pintuan at ang ambiance sa
tapat ng pintuan na iyon. Parang mayroong tao sa loob, Jusmiyo! Wag naman sana
si Manong guard :’(
Takot na takot kong hinawakan ng doorknob ng banyo malapit
sa pintuan ng terrace. Pawis na pawis ako sa mga oras na iyon. Para akong
hihimatayin sa takot. Ewan ko ba kung anong klaseng espirito ang pumasok sa
katauhan ko para subukan tong ghost hunting na to. Si James kasi e, bakit niya
pa kasi naisip na maghiwahiwalay kami sa pag-goghost hunting e.
Hawak sa doorknob.
Unti-unting binuksan ang pinto habang hawak hawak ko ang flashlight ko.
Tagaktak ang pawis sa sobrang takot.
Sigh!
Nanlalamig ako! Sobra!
Aktong pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto napasigaw ako sa nakita, isang
salamin. Hindi naman ako natakot at nabigla sa sarili ko. Bagaman sa isang
lalaking may hawak ding flashlight sa likod ko.
"Ahhhhh!!!!" Pagsigaw ko. Shit! Multo! Hala.
“Ahhhhhh!!!!!” Sigaw din ng multo, hala, manong guard? Ikaw
na ba yan? Wag ka naman ganyan oh? Hindi ako ang pumatay sayo. Teka, teka,
teka, bakit ka natakot sa akin? Multo natakot sa tao? Bago yun ah?
Tumalikod ako at kakaripas sana ng takbo ng biglang bumanga
ang buong katawan ko sa gitna nang dibdib ng multong iyon. Mabilis kaming
bumagsak sa lapag, napaibabaw ako sa multo.
Pero teka? Di ba kapag multo dapat tatagos ka sa kanya? Pero
bakit ganito? Parang hindi siya multo? Shit! Buhay si Manong guard? At
naghihiganti? Hindi naman ako ang pumatay sa iyo ah? Wag ka sa akin maghiganti.
At saktong pagkalapat ng likod ng lalaki sa lapag gawa ng
lakad ng impact ng pagkatulak ko, aksidenteng sumubsob at naglapat an gaming
mga labi. Laking gulat ko sa pangyayaring iyon, mistula akong natigilan at
pakiwari ko ay tumigil din ang oras sa mga oras na iyon. Teka, teka, teka? Sino
ba ito? Shit! First kiss ko ay Multo? Manong Guard? Bakit ikaw pa? Pero teka?
Nakikiss ba ang multo? Haha.
Hindi pa rin naalis ang pagkakalapat ng aming mga labi sa sobrang galit naming
dalawa, naamoy ko ang isang pamilyar na pabango, teka, ito yung pabango ni..
At kumalas na kaming dalawa mula sa pagkakalapat ng aming
labi. Kinuha ko ang flashlight ko at tinutok sa mukha ng taong nakadaganan at aksidente kong nakahalikan.
Gulat na gulat ako sa nakita ko, si Tristan. Shit! Teh?
Penge namang isang bakantang lugar oh? Namumula na ako sa sobrang kilig.. Shit!
He is my first kiss.. My boyfriend, este, Vince’s boyfriend. =( Pero kinikilig
talaga ako e.
Nakita ko ang ekspresyon ng mukha nito, noong tinutukan ko
siya ng flashlight para itong nasilaw, hindi ko man lang nakita ang pagkagulat
sa kanya. Parang natatawa tawa pa ito. Wow! Baka nagustuhan niya mga ateng ang
“as soft as a cotton kong labi” :D pweeee!
“Uhh.. Ehh.. Tristan? Anong ginagawa mo dito? At sa ka?..”
Utal kong tanong sa kanya ng bigla niyang hinarang ang kanyang hintuturo sa
labi ko.
“Shhhhtt. Its okay. Sa atin lang naman iyon e, at least
walang nakakita.” Sabi ni Tristan. Iyong boses niya. Shit! Iyong parang
nangaakit? Napaka-romantic. Potteekk! Tinitigasan tuloy ako ^_^
“Huh? Ah.. Ehh.. Sorry..” Nahihiya kong sagot ko sa kanya.
Plastic ka Colby, kinikilig ka kaya. Basta iyon, nauutal ako sa pagsasalita sa
pagkagulat at sobrang kilig na hindi ma-release release.
“Do you want to continue? Ok lang, atin atin lang.” Mapangakit niyang
tanong, oh yeah baby sige lang haha! Pero parang may bumalot sa aking katauhan
na huwag ituloy ang makamundong pagnanasa na iyon kay Tristan. “Joke lang.”
Dagdag niya T.T Potek, buti na lang at hindi ako pumatol at baka hinuhuli lang
ako nitong si mahal. Haha XD
“Haha. Loko ka Tristan. Tigilan mo nga ako..” Pakipot kong
sabi. Kulang na lang ay hawiin ko ang buhok ko at ipatong sa tenga ko para
maturing na pakipot e haha XD.
“Sus. Hahaha! Tara na nga at bumaba na tayo. Wala naman
atang multo dito e. Loko yang James na yan ang daming kabarberuhan.” Sambit
niya sabay hawak sa mga kamay ko at hinila ako pababa ng hagdan. Shit! Kilig
rate(1,000,000,000,000,000%).
Bumaba kami ng hagdan ng magkahawak ang mga kamay. Nakita na
namin ang aming mga kasama na parang mga bigong pusa na hindi nakakain ng inaasam
na tinik.
Tama nga ang hinala ko, mga wala rin silang nakita. Tinanong
nila kami ni Tristan kung may nakita ba kami sa taas, nagkatinginan muna kami
at sabay naming binigkas.
“Wala.” Sabay naming bigkas.
Pero may ang totoo, may nasaksihan naman talaga kami. Ang
insidenteng hindi ko makalilimutan ang first kiss ko.
Pagkabalik na pagkabalik ko ng kama ko. Kinuha ko ang aking
unan at itinabon ko ito sa mukha ko at nagsimulang tumili, buti na lang at
tinabon ko ang dala kong unan upang hindi ako makalikha ng ingay. Grabe mga
ateng! ngiting tagumpay ako. Kung pwede nga lang sana umurong ang oras at
ulitin ang mga pangyayari hindi na ako kakawala pa sa kanyang mga labi. Ngunit,
tapos na e. Naunahan ako ng pagkabigla at sobrang kilig kanina.
(flashback ends here XD)
Sobra ang tuwa ko nung araw na iyon. Halos hindi nga ako
makatulog e. At last, nakatamtan ko na rin ang aking fist kiss ko, sa unang
lalaking pinakaminahal ko. Grabe! Pahawak hawak pa ako nun sa mga labi ko.
Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng bakla sa buong mundo sa mga oras
na iyon. Ikaw ba naman? Ang lalaking ang tagal tagal mo nang pinapantasya ay
nahalikan mo. Hayahay ang buhay.
Ngunit, isang malaking problema naman ang haharapin ko
ngayon. May tatlong araw na lang pala at hindi pa ako nakakaisip ng alibi
upang mapurnada ang balak ni Tristan.
Miyerkules ng gabi habang naglalakad lakad ako sa loob ng
village namin, ang dami daming laman ng isip ko.
Unang una, paano mapupurnada
ang makasaysayang eyeball na magaganap? Pangalawa, dapat ko pa bang ipagpatuloy
ay pagtatago ng sarili ko sa katauhan ni Vince? Pangatlo, ano kaya ang magiging
reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo? Pangapat, matatangap niya pa kaya
ako? Bilang Colby? Bilang Colby na naging kaibigan niya? Ang dami daming
katanungan ang umiikot sa isip ko ngayon.
Hanggang sa ito na lang ang choice ko, ang umiyak. Bakit ko
pa kasi ginawa to e? Edi sana hindi na ganung ka komplikado ang lahat.
Napakalakas ng daloy ng luha ko, sa sobrang dami ng iniisip, parang hindi ko na
ata kaya. Lalo na noong mabasa ko ang text ni Tristan kanina sa akin.
Tristan:
Love? Malapit na eyeball na tin ah? Surprise yung date. =) I love you…
Hindi man lang ako nakaramdam ng kilig sa text niyang iyon.
Sobrang bigat kasi ng dinadala ko e. Ang komplikado na, at ang malala, wala
siyang kaalam alam kung gaano na kakumplikado.
“Ang hirap. Ang sama sama kong tao, manloloko ako. Naawa ako
sa kanya kapag nalaman niya, parehas kaming dehado.” Sambit ko sa sarili habang
umiiyak at nakaupo sa parehas na upuan kung saan kami umupo nung kinantahan
niya ako.
Habang nasa ganoon akong pag-iyak, naramdaman ko naman ang
tulo ng tubig sa aking balikat. Umaambon nap ala. Ngunit hindi ako nagpatinag
sa ambon, naupo pa rin ako sa upuan na iyon.
Hanggang sa lumakas ang ulan. Tila nakikisama naman ang panahon
sa emosyon ko sa mga oras na ito. Bakit ba ganito ang ulan? Ang sabi sa
napanuod ko na koreanovelang “Love Rain” na ang pag-ulan daw ay sumisimbolo ng
pag-ibig. Pero bakit ganito? Hindi ko maramdaman iyong pagibig? Hindi ko
maramdaman iyong saya ng isang taong umiibig. Napakakomplikado ng lahat. Ang
hirap. Kung pwede lang sana lagpasan ang araw ng biyernes at sabado ay matagal
ko nang ginawa. Bakit ang aga naman ng kirot na nararamdaman ko? Bakit hindi
man lang ako hinayaan ng tadhana na namnamamin ang pag-iibigan namin ni
Tristan? Sabagay, hindi naman talaga kami ang nagiibigan, ako lang ang
nagmamanipula.
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok ng school, sobrang taas
kasi ng lagnat ko dahil sa pagpapaulan ko kagabi. Hindi pa naman ako sanay na
magpaulan at kapag nauulanan ako ay paniguradong kasunod nito ay sakit.
Tinawagan ko na rin si Nerrisse na hindi ako makakapasok dahil sa sobrang taas
ng lagnat ko.
“O sige teh magpagaling ka ah? Nagalala kami sayo.” Alalang
sambit ni Nerrisse.
“Salamat, oo nga pala teh, di ba bukas wala na tayong klase
ng 10a.m. onwards punta ako sa inyo. May sasabihin ako.” Balak kong mag-unload
kay Nerrisse at baka may maitulong siya sa akin.
Kinabukasan, magaling na ako mula sa katakot takot na
lagnat. Medyo sinisinat na lang pero kaya ko na namang kumilos. Hindi na ako
pumasok ng unang subject dahil dumeretso ako sa clinic at nagpahinga sandal
upang bumawi ng konting lakas.
Natapos ang klase nila, nakita ko pa si Tristan na
nagmamadaling lumabas ng school gate..
“Siguro, magiimpake na siya..” Sambit ko sa sarili.
“Huy teh?” Si Nerrisse, pagkakalabit sa akin ng kaibigan
agad akong humarap sa kanya at niyakap to.
“Colby..” Paglalambing niya sabay haplos sa likod ko. I
know, alam niya na may problema ako. “Its okay.” Dagdag niya pa. Unti unti nang
dumaloy ang mga patak ng luha sa pisngi ko. Tumulo naman ito sa mga balikat ni
Nerrisse.
Pumunta na kami ni Nerrisse sa bahay nila. Saktong nasa
trabaho ang mga parents niya kaya napagdesisyunan naming sa sofa na lang
mag-usap instead sa kwarto niya, hindi pa daw kasi siya nakakapaglinis.
“Teh, now tell me. Ano bang problema?” Bungad na tanong niya
sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
“I’m sorry teh.”
“Sorry? For what? May nagawa ka bang kasalanan sa akin? Kung
ano man iyon? Napatawad na kita.”
“Partly meron.”
“And what is it?”
“I lied on you.”
“Na?”
“Na tuwid ako, na hindi ako bakla. Teh, bakla ako. Umiibig
ako sa kapwa ko lalaki.” Naluluha kong sambit.
“Teh, kahit hindi mo sabihin matagal na kitang tanggap.
Hindi ako galit, pero teh ang gusto malaman iyong full. Ang sabi mo nagkasala
ka sa akin partly, e kanino iyong fully?”
At ikinwento ko kay Nerrisse ng buong detalye ang lahat ng
pangayayari simula pa lamang nung magkakilala kami ni Tristan through text.
Maging siya ay nagulat kay Tristan, hindi niya inaakala na nagmamahal din pala
ito ng kapwa babae. Nagulat din siya sa napakadaming twist of fate na nangyari
sa amin ni Tristan. Nang hingi din siya ng sorry dahil pinaalala niya pa dati
iyong dapat itanong ni Tristan sa akin.
“Teh, ang sama sama ko.” Sambit ko sa kanya habang tumutulo
ang mga luha ko.
Niyakap niya ako.
“Hindi teh. Iyan ang huwag na huwag mong paniniwalaan.” Sabi
ni Nerrisse habang hinahaplos haplos ang likod ko. Patuloy pa rin ako sa
pag-iyak.
“Ang hirap na kasi teh, sobrang komplikado na. Nanloko ako
ng tao, ang sama sama ko.”
“No, naniniwala ako Colby. Nagawa mo na lang iyan dahil sa
nagiging turing ng karamihan sa iyo, pero I know, hindi mo ginusto iyan. I
know, nararamdaman ko hindi mo ginusto iyan. Lahat ng nangyayaring bagay sa
atin ay hindi natin ginusto, may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito,
I know, may rason ang lahat.” Pag-cocomfort niya. I was amaze sa mga sinabi
niya, tama siya. Lahat ng nangyayaring to ay may rason, na hindi lang aksidente
kung bakit kami nagkakilala at nagkandabuhol-buhol ang mga pangayayari.
“Ano bang dapat kong gawin teh? Hirap na hirap na ako.”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga
kamay ko..
“Colby, you have to tell him. May karapatan siyang malaman
ang lahat. At least, habang maaga pa ay malaman niya na. Kung mas late mo pang
sasabihin at ipagpapatuloy mo pa ang pagpapangap mong iyan mahihirapan ka,
mahihirapan siya. Kaya tell him Colby, I know magiging masakit iyon pero para
iyon sa ikakabuti niyong dalawa. Hindi niyo man maisalba ang pagiging
magkasintahan niyo o ang pagkakaibigan niya ang mahalaga magkalaman na. Mas
masakit Colby kung sa iba niya pa malalaman.” Sambit ni Nerrisse, tama siya,
magiging mas mahirap kung sa iba niya pa malalaman.
At nakagawa na ako ng desisyon. Tama! Isisiwalat ko na sa
kanya ang lahat. Oo, magiging mahirap at masakit ang mangyayari pero para na
rin iyon sa ikakabuti naming dalawa. Malalagpasan ko to. I know, everythings
gonna be fine.
Sa buong maghapong iyon ay nag-stay na muna ako kila
Nerrisse. Naglaro kami ng xbox niya at nagbonding sa kusina. Napaka-swerte ko
na magkaruon ng isang totoo at matulunging kaibigan tulad ni Nerrisse. Maraming
salamat sa kanya at naliwanagan ako at tila gumaan ang makiramdam ko.
“Handa na akong harapin ka Tristan, no matter what happen,
at least. Masasabi ko na rin sa iyo.”
Hinatid ako ni Nerrisse sa sakayan ng bus, niyakap niya
ako..
“Teh, tawagan mo ko kahit anong mangyari ah? Nandito lang
ako. Kaya mo yan, basta ang isiksik mo sa isip mo, hindi ka masama. Lahat ng
tao hindi perpekto, nakakagawa ng mali. Isipin mo na may rason to kung bakit
nangyayari, lahat ng bagay may dahilan.” Sabi ni Nerrisse habang nakayakap siya
sa akin.
“Salamat teh, hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat
sayo. Naliwanagan ako.” Pagpapasalamat ko sa kanya.
“Basta ikaw teh, sige na. Ingat ka. Tumawag ka mamaya ah?”
Pagpapaalam niya..
Habang nasa bus
ako, tinignan ko ang isang cellphone na ginagamit ko sa public, mayroon itong 3
missed calls mula kay mommy at 10 mula kay Tristan. Pagkatingin ko naman ng
cellphone kong isa na ginagamit ko pang-contact kay Tristan, nagulat ako
dahil mayroon din itong missed calls mula sa kanya. Hindi na ako nagtataka kung
tumawag siya, pero parang may naramdaman kasi akong kaba noong makita ang mga
missed calls na iyon sa number na gamit ko upang makatext siya.
Pagka-skip ko naman ng missed call tab, nakita ko naman ang isang message mula sa kanya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako noong makita ang laman ng message na iyon.
Pagka-skip ko naman ng missed call tab, nakita ko naman ang isang message mula sa kanya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako noong makita ang laman ng message na iyon.
Tristan: Shit! Manloloko ka! Bistado ka na!
-I T U T U L O Y
hirap nga nyan. hayyy :( hirap pa jan nalaman agad ni Tristan bago pa nya makausap to :((( anu ba yan. Pero pano kaya nalaman ni Tristan? ung sa retreat scene super kilig hehehe pero laughtrip nung sinabi ni Tristan na joke. hahahaha can't wait sa next chapter Niel :)
ReplyDeleteThanks Leigh :)
DeleteAng ganda pla ng story na to. Marathon reading ako from chapter1.
ReplyDeleteExciting. Sana lng hindi matagal interval ng next chapter :D
Salamat po ^_^ :*
Deletewawa nman ang bida... lesson learnt na rin para sa kanya.... magpakatotoo ka brother.... hehehe
ReplyDeleteHaha :D Oo nga po e.
DeleteAnyways thank you po sa pagbasa :)
:] yeah may update na :]
ReplyDeletesana may next agad! hahaha
Thank you po for reading :) sana po makapag-update na agad ^_^ hehe
Deletekinilig ako promise heheheheh
ReplyDeletekinilig ako promise :-)
ReplyDeletehehe ^_^ thanks po, kaso the next chapter ewan ko na lang kung nakakakilig hehe, anyway po salamat po sa pagbasa ^_^
Deleteang ganda ng story na toh kakainis sana inamin nya na kay tristan hehehehe
ReplyDeletethanks po ^_^
Deletehmm naalala ko tuloy si tristan yung txtmate ko na taga laguna. Mga 17 din ako nung naging txtmate ko sya, and I'm 21 yrs old na ngayon.
ReplyDeletesya una nagtxt, nakita nya daw number ko sa isang journal. Pero yung phone number ko ay pinost ko talaga sa Wantedtxtmate .com
noong una halatang nanloloko, nagpanggap kasi kuno na na-wrongsend sakin, ipong nangungumusta yung txt nya, kaya ayun inaway ko pero dahil nagsorry ang mokong, tinanggap ko pero hindi ko binigay ang tiwala ko, tinatanong ko fb nya pero wala daw syang account, tapos kinukuha nya fb add ko pero ganito ang sinabi ko "saka ko nalang ibibigay sa'yo pag may account ka na", pero matalino sya, sabi nya may fb account daw kapatid nya, yun nalang muna daw gagamitin nya.
Pero hindi ko talaga ibinigay kahit nagmakaawa ang mokong.
Natigil lang aming komyunikasyon nung nagpalit ako ng number.
Sinubukan ko din syang itxtmate gamit ang ibang sim ko para malaman ko kung sino ba talaga sya kasi curious ako baka kasi taga dito lang samin ang mokong kaso magaling talaga syang magtago. Haha
Ilang taon na ang nakaraan at nakita ko lang kanina yung sim ko pero INVALID na ngayon.
Nakita ko ang mga dating mensahe ni tristan at natatawa ulit ako nung nabasa ko ang mga makahulugan message nya.
makahulugan dahil para syang matanda na sinesermonan nya ako kasi hindi ko sya magawang pagkatiwalaan.
hala pasensya na po kung na-ikwento ko dito ang tungkol sa txtmate ko na si tristan . .
TRISTAN 0927****847
actually ANG GANDA ng istoryang ginawa mo po..
anu kaya meaning ng 318 sa title, gusto ko ng malaman.
hello :) nice story hehe medyo related sa novel ko. hehe =))
Deleteyung 318 po ? Di ko po alam kung i-aanounce ko siya hehehe. Yung readers na lang po siguro ang bahala maghanap kung bakit 318 hehe :) pero dont worry, hindi po siya twist hehe :)