Followers

Thursday, March 28, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 4


Chapter 4 – Competition Day

------------
Kung gusto nyo lang naman, walang pilitan.
You can add me up on fb: facebook.com/ignis.dominguez
Or follow me on twitter: https://twitter.com/ignisdominguez

Fair warning though, suplado po talaga ako. Haha.

-----------

Author's Note: I received many comments na maikli yung mga chapters. I apologize kasi maikli din ang chapter na ito. I am trying my best to lengthen the chapters without adding too much fillers kasi boring din kapag andaming nakasulat na non-essentials. Bawi na lang po ako sa mga succeeding chapters. Sana po maintindihan ninyo. Salamat.

---------

“ Ano kaya ang topak ni Evan?” tanong ko kay Nanay Letty.
                                                                                                 
Para namang hindi narinig ni Nanay Letty ang tinanong ko at busy siya sa pagkain. Binasa ko na lang yung text.

“Hi si Evan pla 2...ask k lng ung details nung s project ntin sa philo...tnx...”

Hindi ko na lang inusisa kung kanino niya kinuha yung number ko kaya nireplayan ko na lang.

“ung mga quotes tol n mku2h u ky sir s mga cnsbi nia tol...”

Hindi na din siya nag-reply. Pagkatapos namin kumain ni Nanay Letty eh balik practice na kami.

OOOOOOOOOO

A week before the grand opening of the Intramural ang event nila Rey. Doon malalaman kung sila ang magiging representative ng buong college sa Mr. and Ms. Intrams sa buong pamantasan. Iyon din ang sumunod na pagkakataon kung kailan nag-text uli si Evan sa akin.

“Tol, di k b nood d2 s theatre? ksli si Rey dba?” si Evan.

The hell do I care. Iyon na sana ang ire-reply ko sa kanya. “Ai oh? ksli din nga ung clasm8 q dun tol..d mn kmi pde mnood eh my rehearsals pa kmi..”

“gnun b? syng nmn..cge glingn u ah..hehe..godbless” reply niya.

Magrereply pa sana ako sa text ni Evan pero pinatawag na kami ng choreographer at kinuha na for safekeeping ang mga cellphone namin para daw hindi istorbo sa practice.

Sayaw, lift, toss. Swabe ang bagsak nasiko pa ako ng flyer namin. Sapul ang siko niya sa pisngi ko. Isa pa uling toss. Ganun pa din. Masakit na talaga ah. Sinabi na kasing i-extend ang arms para madali siyang masalo ng spotter sa likod eh. Isang linggo na lang takot pa din. Sige ang sayaw ni Nanay Letty na hindi pwede buhatin sa bigat ng muscles niya daw. Malaki pa kasi ang gastrocnemius (muscle sa lower leg) niya kesa sa aming mga lalaki.  Pagtapos ng 5 hours na practice isinoli na din ang pinaka-iingat-ingatan kong 3310. Dahil sa ako ay isang pinoy, pagkakuha ko ng cp ko ay nagtingin na ako kung may nag-text. Puro si Evan ang nagtext sa akin. Sinasabing ayos daw yung production at magaganda daw yung mga contestant ng Ms. CAH, 1st runner up lang daw si Rey, at sayang daw at hindi ako nakapanood, hinahanap pa man din daw ako ni Rey pagkatapos para makapag-celebrate ng konti.

Ang weird naman hinahanap pa ako ng mokong na iyon at kailangan pang sabihin sa akin talaga? Hindi na ako nag-reply past 11pm na din kasi kami natapos.

Sa last week before the opening, halos hindi na kami nakakapasok sa klase namin dahil nga sa pukpukan na ng practice. Hindi na din nag-tetext si Evan maliban sa mga ilang quotes na hindi ko nirereplyan sayang load ko at Smart ang gamit niya samantalang ako Suncell.

Matulin lumipas ang mga araw at opening na din sa wakas ng Intrams namin bukas at ang pinaghirapan namin ay magagawa na din sa wakas sa harap ng buong pamantasan. Maaga akong natulog dahil iyon ang bilin sa amin para daw maaga kami gumising dahil 6am ang call time para ayusan kami para sa competition.

<><><><><><><><><><><><><><><> 
"Ignis, mahal mo ba ako?" tanong ng isang taong kinakainisan ko.

Tinignan ko ang mukha niya na napakaamo at nagsusumamo ng pagmamahal?(weh)

"Ano? Ignis?" tanong niyang muli at umakbay pa sa akin.

“Ah...Eh...Kwan...” sagot kong natutulilihan.

Napanaginipan ko na ito dati ah. Bakit ganoon? Hindi tumutunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko ang mukha ng taong nagtanong at naglapat ang nangugusap naming mga mata. Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam ang hininga niya na dumadampi sa aking mukha. Bakit kasi dapat lahat ay slow motion at hindi ako makakilos?

<><><><><><><><><><><><><><><><><> 

BLAG!

Nagising ako mula sa isang bangungot na iyon. Bangungot nga ba? O isang magandang panaginip na natapos. Tiningnan ko ang relo. Ay teka! 5:30 na! Hindi nag-alarm ang cp ko at low batt na naman pala. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng simplent t-shirt na puti at pantalong maong. Sa school na lang ako magpapalit ng uniform kasi para namang engot kung naglalakad ako na naka-uniform. Sobrang proud ba. Dinala ko pa din naman ang cp ko pati charger sa loob ng backpack ko at gumayak na ako patungo sa school na isang tawid lang ng kalye mula sa boarding house.

Pagdating ko sa room, sinaksak ko sa charger ang cp ko at nagsimula na mag-ayos ng sarili at magpaayos ng buhok sa mga magaling mag-ayos. By 9am nagsimula na ang competition. Una pa kami sa magpeperform. Nagpalagay din ako ng make-up para di magmukhang maputla ang mukha ko pag tinamaan ng ilaw. Sinubukan ko dati na ayusan ang sarili ko pero powder pa lang sablay na. Nagmukha akong espasol at kinailangan pang maghilamos ako at ulitin ang paglalagay ng make-up.

Pumunta na kami sa venue. Kami ang una kaya tinawag na kami kaagad. Tulad ng dati kong pakiramdam kapag sumasayaw ako, wala akong ibang nakikitang tao, madilim ang bleachers sa gym, walang audience, walang judges, kami lang ang nandoon. Sa pagsisimula ng tugtog hanggang sa matapos ang routine namin, hindi namin alintana na marami pala ang nanonood sa amin.

Pumailanlang ang tugtog na halos di mo marinig dahil sa sigawan ng mga tao. On cue nagsimula ang sayaw. Basic steps lang with change formation in preparation sa first stunt namin na kinakatakutan ng flyers. Simple toss lang naman yun basic lang kung iko-compare sa mga stunts ngayon. Ang kinakatakutan nila ay yung height ng toss. Ang instructions kasi ng choreo dapat daw umabot yung flyer sa level ng upper bleachers. Isa ako sa mga lifters kahit na payatot ako (noon..haha). Tatlo yung formation to toss. Sa gitna ako nakasali. Nag-toss na yung dalawa sa gilid at parallel ang lipad nung flyer. After two counts kami naman. Hinihintay namin bumaba yung flyer namin para saluhin siyempre pero parang ang tagal. Nasa 38kg lang kasi siya kaya madali siya i-toss pero nung pababa na siya parang ambagal talaga. Parang dahon sa mga cartoons at anime na nag-sway pa ng konti. Buti ganun lang ngayon. Noong rehearsals namin kasi sa outdoor court humangin ng malakas pagka-toss namin sa kanya parang sumama pa siya sa direction at hinabol pa namin. Nung nasalo na namin sila, gawa naman ng lift. Synchronized lahat ng galaw namin. Double base na overhead extension then naging single na lang. Yung flier  nag liberty, arabesque, then under the chin tapos dismount na. Basta ang alam namin, we did our best and that is it.

Pagkatapos namin magperform pwede na kami magliwaliw ng konti tutal may 6 pa naman na ibang competitors at may Mr. and Ms. Intrams pa. Pumunta ako kaagad sa room na kung saan nandoon ang phone ko na iniwan ko. Pagbukas ko ng cp, 12 missed calls ang nandoon. Kaya siguro ako na low batt. Ang iba dun galing sa mom ko pero halos lahat galing kay Evan. Tiningnan ko na din pati ang inbox ko at nandoon ang 20 messages na hindi ko nabasa. Lahat ng iyon ay naglalaman ng mga mensaheng “good luck” at “break a leg” para sa event. Nanood din pala si Evan kasi sinasabi niya sa akin sa text na ang galing ko daw sumayaw.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga text messages ng may isang pamilyar na boses ang pumukaw sa aking atensyon.

"I don't think that my Ice would be enough to match your hotness when you dance"

12 comments:

  1. ..wow. me something an atang mangyayari?

    ..ahrael

    ReplyDelete
  2. Haha. Iksi nga pero ok naman kasi mabilis ang update. Pero mas ok nga pag mas mahaba. :p
    This is exciting. :)

    -tomas

    ReplyDelete
    Replies
    1. will do my best po sir tomas. =)

      Delete
  3. Well despite the essence of the story, there is still essence to it.
    This really captured my eyes.
    Looking forward to the next one.
    Ang ganda po eh. =D


    -Nico

    ReplyDelete
  4. oo nga snob c kuya sa twitter hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka naman natabunan lang. suplado man ako sa personal I am trying to interact with everyone kaso di naman everytime I can accomodate each person eh. sensya na.

      Delete
    2. haha ok lng un kuya:)

      Delete
  5. nakaka-aliw ang story na eto...lakas makahighschool ....

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks dhyames. high school talaga?

      Delete
  6. parang nabasa ko na ung story mo sir.. Di ko lang maalala kung sanung site naipost. Hehehe...

    Eto ung mga stories na sarap basahin :]

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails