Followers

Tuesday, March 26, 2013

Look at me with Love Part 6 – Problems



Look at me with Love Part 6 – Problems
By: simonusimon
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ikatlong linggo ng Enero, midterm na, binuhos ko ang aking oras sa aking pag-aaral, isang paraan na rin para makalimot sa sakit na aking nararamdaman. Maaga akong nakauwi ng bahay ngayon. Naabutan kong nagtatalo ang aking mga magulang. Umiiyak si mommy, tatanungin ko bsana sya kung anong problema ngunit bigla nalamang itong pumasok sa kwarto at nagkulong. “Tay, bakit?” katahimikan lang ang namayani. Wala akong nakuhang tugon mula kay tatay.
Lumipas ang dalawang araw, wala akong pasok, mag-isa lang sa bahay, si mommy ay nagbabayad ng kuryente habang si tatay ay nasa trabaho. May dumating na sulat para kay tatay, na labis kong ikinataka  dahil wala naman akong alam na magbibigay ditto ng sulat, ‘mula sa bangko?’ tanong ko sa isip ko. Dito na ako kinutuban. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng isang notice. Binasa ko ang nilalaman, nakasaad duon na meron na lamang kami hanggang katapusan ng Marso para bayaran ang utang naming kung hindi ay kukunin na nila ang bahay naming. ‘Bakit? Nakasanla ang bahay namin? Kelan pa?’ tanong ko sa sarili ko.
Duon ko naalala ang naabutan kong pagtatalo ng aking mga magulang. Unti-unti ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat. ‘Pero bakit naming kelangan isanla ang bahay namin? Para saan naman kami gagastos  ng ganuon kalaki?’ nanatiling tanong ko.
Naabutan ako ni mommy na hawak pa rin ang sobre. Nakita nya ang mukha kong puno ng pagtataka. “Mommy ano to? Bakit nakasanla ang bahay natin? Mahinahon kong tanong.
Duon ay bumuhos na ang luha ni mommy. Inilahad nya lahat. At nalaman kong nitong nakaraang linggo lang din nya nalaman ang lahat. Nuon kasi ay nalulong sa sugal si tatay at ito ang nagging dahilan para isanla nya an gaming bahay.
“Alam na ba to ni ate?” habang hinihimas ko ang likod ni mommy dahil wala pa din itong tigil sa kanyang pagtangis. Si ate asi ang major source of income naming. Umiling lamang si mommy bilang tugon.
“Ha? Bakit hindi pa? Mommy hanggang March nalang to.”
“Hindi ko pa kasi alam kung pano sasabihin, tsaka sabi ng tatay mo, magagawan daw naman nya ng paraan e”
“Mommy sabihin natin to kay ate, mas makakatulong sya.”
“magagalit ang tatay mo, wag muna, antayin muna natin sya. Ipinangako nya na magagawan naman daw nya ng paraan.
Lumipas pa ang oras at dumating na si ate at tatay. Nakumbinsi ako ni mommy na wag munang sabihin ito kay ate. Balak kasing magpakasal na ni ate ngayong taon. At ayaw na ni mommy na abalahin pa si ate sa problemang ito. Marami ng naitulong si ate sa pamilya.
Ganuon pa man ay hindi ako makatulog sa kakaisip, nakakatakot pa rin, walang kasiguraduhan ang lahat.
Malapit na ang graduation ko, tatlong buwan na lang. Iniisi ko kung pano ako makakatulong sa gastusin para dito. Inisip ko buong magdamag kung anung aksyon ang gagawin ko. Hanggang sa napagdesisyunan kong magkaroon ng part time job.
Kinabukasan ay prinepare ko na lahat ng kakailanganin ko sa pag-aaply ng part time job sa isang fast food malapit sa aking eskwelahan para na din mabawasan ung conflict sa schedule ko kung sakali.
Di naman ako nabigo, at natanggap ako makalipas ng tatlong araw na interview at training ay makakapagsimula na ako. Mahirap, nakakapagod palang magtrabaho sa ganitong trabaho, kahit nakatayo lang ako at kumukuha ng order ng mga customer.
Naging smooth naman ang daloy ng lahat kahit na minsan ay di ako nakakaattend ng mga make-yp class dahil nga sa mga conflict sa schedule. Bahay-tulog konti-gising-school-work-bahay ang routine ko, tuwing Sunday ay full time ako sa trabaho, kailangan e.
Samantala, “ya ok ka lang ba?” tanong ni John sa matanda.
“oo, napakain lang ng sobra kanina” wika ng matanda “tumawag nga pala ang mama mo, nangangamusta” dagdag pa nito
“ya may problema nga e. bumabagsak ang sales naten”
“Anak magpahinga ka muna. Pansin ko ngang di ka na nakakatulog”
“Kailangan ya e, baka magalit sina mama” malungot na wika ni John “Ayoko silang madisappoint”
“Hay anak alam mo namang proud na proud sila sayo” pilit na ngiti lamang ang tugon ni John sa matanda sa winika nito. “Oh sya sige maghapunan ka na at magpahinga.”
                Madaling araw pa lamang ay nagising na si John sa tili ng katulong nila. Napabalikwas naman si John at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng katulong. Naabutan nya itong lumuluha. At nakita nya rin ang kanyang Yaya na nakahandusay sa sahig ng kanilang banyo.
                Agad na inutusan ni John ang katulong ipahanda sa kanilang driver ang sasakyan, binuhat naman ni John ang matanda sa sasakyan at tumngo na nga sila sa hospital.
                Dead on arrival ang matanda, napahampas ang ulo nito sa sahig dahil sa pagkakadulas at nagkaroon ng pagdugo sa loob ng ulo nito.
                Labis itong dinamdam ni John, ang matanda na kasi ang tumayong magulang nya. Gabi gabi syang naglalasing. Hanggang isang gabi mataopos mag-inom ni John ay nakaramdam sya ng gutom at dumaan sa fast food na pinagtatrabahuhan ko.
                Napansin agad naming si John da  hil nga sa sobrang kalasingan nito, luckily hindi ako ang kumuha ng order nya dahil sobra ang kakulitan nito.
                Magsasara na kami ng mapansin naming tulog na ito sa kanyang lamesa. Inutusan ako ng manager naming na gisingin ko na sya. Dalawa nalang kami ng manager ko nuon dahil umuwi agad ang mga kasama ko matapos ayusin ang gamit.
                “Sir, magsasara na po kami”
                “Sige lang” si John na nanatiling nakatungo sa lamesa.
                “Sir uwi na kayo”
                ‘5 mins” sabi ni John.
                “Sir sasara nap o namin e”
                “Sabing----- ikaw?” sigaw ni John na mukhang nakakita ng multo
                “ha?” Sabay bagsak uli ng ulo ni John sa lamesa
                “naku, anu bay an, gabi na e, tiganan mo kung may wallet pahatid nalang natin sa tricycle” wiaka ng manager ko..
                Nakuha naman naming agad ang address nya mula sa kanyang i.d. at dun ko nalaman ang buong nyang panagalan. John Toledo. “Oh malapit lang pala sa inyo, katabing village nyo yan diba? Ihatid mo na kaya?”
                Itutuloy…



4 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails