True Love Never Dies - Final Chapter |
Bawal na Pag-ibig: True Love Never Dies
by
PrinceSky
Part 5
(Final Chapter)
Sumisigaw-sigaw
si raymun sa likuran namin at patuloy sa pagmumura.
“Bhe
magpapaliwanag ako” si arbie habang itinulak ako papalayo sa kanya.
Mabilis
na umalis si raymun sa apartment at hinabol naman siya ni arbie. Napatigil ako
sa loob ng CR. Hindi ko alam kong bakit nagawa ko iyon. Nakaupo na ako sa sahig
ng CR at umiiyak. Nakalipas ang ilang minuto at patuloy pa rin akong nakatingin
sa ceiling ng CR. Nag-iisip ng malalim kung ano ang ginawa ko.
Alam ko
na magagalit si arbie sa akin. Naisip ko na rin na baka ito na ang magiging
katapusan ng aming pagkakaibigan ni arbie. Maya’t-maya ay narinig kong may
dumating na tao. Sinilip ko kong sino at nakita ko si arbie na nakayuko.
Lumabas
ako ng CR at hinarap si arbie
“Arbs,
sorry hindi ko sinasadya. Patawarin mo na ako please..”
Ngunit
nagulat ako ng hinarap ako ni arbie at sinuntok sa mukha. Tinangap ko ang
suntok na iyon dahil sa nagawa kong kasalanan. Hindi na ako naghigante sa sakit
na tinamo ko sa kanyang suntok.
“Arbs
please. Sorry. Patawarin mo ako” pilit kong paliwanag sa kanya.
“Fuck
you! Get out of my life! I’m leaving!” galit na sagot ni arbie.
Nakaluhod
ako sa harapan niya at niyayakap-yakap ang kanyang tuhod. Pinipilit ni arbie ni
itakwil ang pagkayakap ko sa tuhod niya hanggang sa natadyakan niya ako.
Namilipit ako sa sakit at nakahandusay na sa sahig ngunit hindi pa rin ako ng
higanti sa mga pasakit niya sa akin. Nasa ganoon akong sitwasyon ng nakita kong
pumasok si arbie sa room.
Maya’t-maya
ay lumabas siya hawak ang isang bag.
“Arbs
please don’t leave me. Ikakamatay ko ang pag-alis mo.”
Patuloy
pa rin ang pag-agos ng aking luha.
“Damn
YOU! Putang-ina mo ka!” galit na sigaw ni arbie.
Lumabas
siya sa apartment pero hinabol ko pa rin siya. Niyakap ko si arbie sa likod at
nagmama-kaawa na bumalik na sa apartment ngunit itinulak niya ako. Napahandusay
ulit ako sa lupa. Pinilit kong tumayo at patuloy pa rin ako sa pagmamakaawa kay
arbie. Nasa kalagitnaan na kami ng daan at alam kong maraming tao ang
nakatingin sa amin.
“ARBS
PLEASE! Huwang mo akong iiwan.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Hindi pa
rin siya humarap sa akin.
“ARBS
luluhod ako dito. Isisigaw ko sa lahat na nakakarinig. Wala na akong pakialam
kong ano ang sasabihin nila. ARBIE DELGADO! MAHAL KITA!” napatigil si arbie at
hinarap niya ako.
“FUCK YOU! Ikakasal kana tapos nanglalalaki
ka! BAKLA! Umalis ka sa buhay ko!” nagulat ako sa mga sinabi ni arbie at nakita
kong pinagtatawanan ako ng mga tao.
“OO I
admit bakla nga ako pero kahit ganito ako hindi ko ikinahihiya ang pagkatao ko
at isinisigaw ko sa buong mundo na ikaw lang ang tanging laman ng puso ko”
pasigaw kong sagot.
Ngunit
hindi na humarap si arbie at nakita kong sumakay na ng taxi. Nasa ganoon akong
sitwasyon at bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi na ako tumayo at sadyang
niyakap ko na lang ang aking sarili. May mga taong sumisigaw na tumayo na ako
at baka magkasakit pa. Ngunit hindi ko ito pinansin dahil kahit ano mang
pisikal na sakit ang aking mararanasan ay hindi pa rin mahihigitan ang sakit na
natamo ng puso ko.
Maya’t-maya
ay may dumating na lalaki at inalalayan ako. Hindi ko na nasilayan ang kanyang
mukha at tumayo na rin ako. Niyakap niya ako pero nakapikit lang ang aking
mata. May ibinulong ang lalaki sa akin
“Pare
tama na. Itigil mo na iyan” .
Tiningnan
ko ang lalaki pero hindi ko siya kilala. Nagpasalamat ako sa kanya ngunit
instead na umuwi ako sa apartment ay umalis ako. Lumalakad-lakad sa daan at
nagmumuni-muni kung ano ang gagawin. Napatigil ako sa isang shed at patuloy pa
rin sa pag-iiyak. Buo na ang isip ko. Pupuntahan ko si arbie.
Pumara ako
ng taxi.
“Villa
Anita boss” sambit ko sa driver.
Habang
tinatahak naming ang daan patungo sa pad ni arbie ay patuloy pa rin sa pag-agos
ng luha sa aking mata. Nakita ko rin na nakatingin sa akin ang driver ngunit
hindi ko na siya pinansin. Maya’t-maya ay naglakas loob ang driver na magsalita.
“Sir
pag-ibig ba ang dahilan?” sambit ng driver habang patuloy sa pagmamaneho.
Hindi ko
siya pinansin at dumadaloy pa rin ang luha sa aking mata. Nasa ganoon akong
sitwasyon habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang driver.
“Sir,
hindi naman bawal ang umibig ng isang tao. Ngunit nagiging mali lang ito kapag
sobra-sobra na ang pagmamahal” sambit ng driver.
Hindi ko
na kinaya ang mga pinag-sasabi ng driver kaya pinatulan ko na rin siya.
“Bakit?
Ano ba ang alam mo sa lintek na pag-ibig na ito?” galit kong tugon sa driver.
“Sir, ang pag-ibig ay isang bagay na maari
mong ikamatay kung isang tao lang ang gumaganap nito ngunit ang pag-ibig ay isa
ring bagay na makakabuhay sa iyo kung ito ay ang pag-ibig na ginagampanan ng
dalawang tao” mahabang paliwanag ng driver.
Hindi ko
na siya pinansin dahil alam ko na may punto rin siya. Ngunit ito ang pinili ko.
Alam ko naman na walang hahantungan ang pinipilit kong pag-ibig. Nasalabas na
ako ng pad ni arbie. Binayaran ko na and driver at bago pa rin ako nakalabas ng
pag-ibig ay may binitawang salita ang driver
“Sir,
isipin mo rin ang sarili mo.”
Tuluyan
ko nang isinara ang pintuan ng taxi at tinungo ang gate ng pad ni arbie.
“Arbs?
Andito ako sa labas. Please kausapin mo naman ako” pasigaw kong sambit.
Pero wala
akong natanggap na sagot. Ni hindi ko alam kong andito si arbie. Patuloy pa rin
ang pagbuhos ng ulan at nanginginig na ako sa lamig. Nilabanan ko ang lamig at
patuloy pa rin ako sa pagtawag kay arbie. Lumipas ang ilang minuto at nakaupo
na ako sa labas ng gate. Basang-basa na ako ng ulan at umaagos pa rin ang aking
luha. Niyakap ko na lang ang aking sarili para mainitan ang aking katawan.
Nakalipas
ang isang oras at ganoon pa rin ang sitwasyon ko. Maya’t-maya ay may dumating
na taxi. Nakita ko na si arbie ang sa loob nito. Bumaba siya at nakita niya
akong nakaupo sa labas ng gate niya. Lumuhod ako at niyakap siya ngunit sinipa
niya ako at nabangga ang likod ko sa gate niya.
“Arbs
please patawarin mo naman ako. Mahal kita arbie.” Buong puso kong sambit kay
Arbie.
Ngunit
hindi niya ako pinansin.
“Get out
from here. I don’t want to hear your explanation. You ruin our friendship!”
pasigaw na sambit ni arbie.
Hindi pa
rin ako umalis sa gate at itinulak niya ako. Pumasok siya sa gate at inilock
ito. Tumayo ako at sumisigaw
“Arbie
please nagmamakaawa ako. Patawarin mo na ako” patuloy si arbie na lumalakad
papunta ng pad niya hanggang sa nakapasok siya at sinirado ang door.
Hindi na
ako nagpumilit pang suyuin si arbie pero hindi rin ako umalis sa lugar na iyon.
Naabutan
na ako ng umaga at nandoon pa rin ako sa labas ng gate. Naalimpungatan na lang
ako na maraming estudyante ng isang unibersidad malapit sa lugar niya ang
dumadaan at nakatingin sa akin. May parang naawa at may mga tumatawa.
Hindi ko
pa rin sila pinansin. Maya’t-maya ay nakita kong lumabas si arbie. Tumayo ako
at nahihilo pa. Masakit na masakit ang aking katawan at parang nilalagnat ako.
“Arbs,
please patawarin mo na ako.” Mahinang sambit ko sa kanya.
Binuksan
niya ang gate ngunit hindi niya ako pinansin.
Pumara
siya ng taxi at umalis. Wala na akong nagawa at pinilit ko ang aking sarili na
umalis na lang doon. Umuwi na rin ako ng apartment at namahinga. Ang
sakit-sakit ng ulo ko at parang lumulutang ako sa himpapawid. Alam ko ang
taas-taas ng lagnat ko at parang mamatay na ako. Pinilit ko tawagan si arbie
ngunit hindi niya sinasagot. Makailang ulit akong tawag sa kanya para humingi
ng tulong ngunit pinatay na niya ang cellphone niya. Pinilit kong tumayo at
tinawagan ang isa sa grupo ko sa banda.
“Pa….re,
tu…lu..ngan mo a…a…ako. An…di…di…to a…ko… sa ap…pa…part.. ment.” Napahandusay
na ako sa sahig at hindi ko na namalayan ang nagyari.
Pagmulat
ko ay napagalaman ko na nasa ospital ako. Ang unang taong hinanap ko ay si
arbie.
“Arrbb??
Patawarin mo ako..” mahinang tugon ko.
Lumapit
sa akin ang kasamahan ko at hinaplos ang aking ulo.
“Magrest
ka muna pare. Andito kami para alagaan ka” sambit ni Carlo, ang guitarist
namin.
“Salamat
pare. Siguro kung hindi dahil sa iyo namatay na ako” mahinang sagot ko kanya.
Hindi na
siya sumagot at nakita kong nagtitinginan silang lahat. Pinikit ko ulit ang
aking mata. Kinabakusan ay inabisuhan na ako ng doctor na pwede na akong ma
discharge.
After my
friends settled my bills ay umuwi na rin ako sa apartment. Hindi pa rin maalis
sa isip ko ang nangyari sa akin. Para akong basang sisiw. Maya’t-maya ay umalis
ako ng apartment at pumunta sa SM City.
Pagkadating
ko doon ay bumili ako ng isang singsing. Pina-engrave ko ang singsing ng mga
numero at pagkatapos nito ay umuwi na rin ako. Tinawagan ko sina mama at papa.
“Ma, uuwi
na ako diyan. Magreresign na ako sa makalawa.” sambit ko habang pinagmamasadan
ang singsing.
“Sigurado
ka anak? By the way, uuwi na pala si ava at para maisaayos na ang engagement
niyo” si mama sa kabilang line.
“Ah ganun
hu ba? Eh di tamang-tama yong pag-uwi ko. Kailan daw siya dadating?” sambit ko
kay mama.
“Tatanungin
ko nalang si balae kasi wala naman akong direct contact sa kanya” sagot ni mama.
“Ganun?
Ma, sige aayusin ko lang ang mga naiwang bagay dito at pagbibigyan ko na ng
pansin ang tadhana ko” sagot ko naman kay mama.
“Oh sige
hijo. Hihintayin ka nalang namin” sambit ni mama at tinapos ang call.
Humiga
ako sa kama at inalala ang mga masayang panahon namin ni arbie. May mga time na
umiyak ako pag-naalala ko ang nangyari sa akin ngunit ngumingiti rin naman ako
kapag maalala ko ang mga bagay na masaya kami.
Buo na
ang isip ko. Tama na ito. Masakit na at nakakapagod na rin. Tumayo ako at
umalis. Tinawagan ko si arbie at mabuti naman ay sinagot niya ito.
“Hello.
Arb, alam ko naririnig mo ako. Hindi ko na pipilitin pa ang sarili ko sa iyo.
Gusto ko sanang magkita muna tayo kahit sa huling sandali. Maghihintay ako sa
esplanade 8PM ng gabi. Salamat” mahaba kong sambit sa kanya at tinapos na ang
call.
Quarter
to 6PM na ng pinuntahan ko ang ospital. Isinubmit ko na ang resignation letter
ko at inabisuhan naman ako ng chief nurse namin. Pagkatapos ay dumaan muna ako
sa Molo Church at nagdasal. Humihingi ako ng sinyales kong tama ang aking
desisyon. Sana matugunan ang aking panalangin at malaman ko na rin kung nasa
tamang lugar ang aking pupuntahan.
Lumabas
na ako ng church at pumunta ng esplanade. Naghintay ako doon hanggang 8PM.
Maya’t-maya ay nagtext si Arbie
“Asan ka?
Andito na ako sa entrance. Pakibilisan mo lang at hindi ako magtatagal” text ni
arbie.
Tinawagan
ko siya “Arbs, andito ako sa harap ng medicus building dito nalang ako
maghihintay.”
Maya’t-maya
ay dumating na rin si arbie. Nginitian ko siya ngunit wala akong nakuhang
reaksyon sa mukha niya “Ano ba ang gusto mo at bakit pinapunta mo pa ako dito?”
inis na tanong ni arbie.
Hindi ko
siya sinagot at hinatak ko siya sa malapit na bench. Umupo kaming dalawa.
“Arbs,
naalala mo pa yong time na hinalikan mo ako para lang makapagkalas ka kay
Jeff?” mahinahong tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy
ko nalang ang pagkuwento.
“Iyon ang
isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko. Kasi kahit papaano, naranasan
ko rin ang halik sa taong pinakakamahal ko. Matagal-tagal na rin tayong nagsama
bilang mag-kaibigan. Nong high school pa tayo, ang saya-saya ko ng nakapasok ka
sa varsity team. Ikaw pa nga ang naging team captain eh.”
“Naalala
ko rin yong time na ako ang gumagawa ng projects at assignments mo kasi wala ka
ng time para doon dahil nga busy ka na sa practice niyo.”
“Masayang-masaya
ako lalo ng grumaduate tayo at napagdesisyunang dito sa Iloilo tayo mag-aaral
for college.”
“Nursing
ang kinuha ko at hrm naman ang kinuha mo.”
“Palagi
kitang sinusundo dahil gusto ko magkasama tayo.”
“Nalaman
ko rin na may kinakasama kang mga lalaki at alam ko na masayang-masaya ka”
“Hindi ko
rin malilimutan ang mga panahong iniisa-isa mo ang mga gwapong lalaki dito at
binubusted mo sila. Siyempre kasama naman ako don. Kahit labag sa loob ko pero
sinasabayan ko ang gusto mo”
“Alam mo
ba na sa bawat taong dinudurog mo at palagi ako ang back-up mode mo ay
nadudurog rin ang puso ko?” tiningnan ko si arbie ngunit nakabaling ang tingin
niya sa ilog.
Patuloy
pa rin ako sa aking litanya.
“Sa bawat
pagkakataon na nagpapangap tayo na maging boyfriend ay naging masaya rin ako.
Kahit alam ko na lahat na iyon ay isang pag-pangap lang at walang katotohanan.”
“Sa bawat
pagkakataong niyayakap mo ako at niyayakap rin kita para lang maipakita sa mga
lalaking binabusted mo na tayong dalawa ang nagmamahalan ay unti-unting
nadudurog ang puso ko.”
Hindi ko
na namalayan na unti-unting dumadaloy na ang luha sa aking mata. Wala pa ring
reaksyon si arbie sa mga kinukwento ko.
“Ngunit
pinilit kong tagpi-tagpiin ang durog-durog kong puso, maibigay lang sa iyo ng
buong-buo pero pilit mo pa ring winawasak ito.” Natigilan ako sa aking
pagsasalita at nakita ko namang dumadaloy na rin ang luha sa mata ni arbie.
“Masayang-masaya
ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko. Dahil doon hindi ko napigilan ang umibig
sa iyo.”
“Alam ko
na alam mong mahal kita. Hindi naman kita kayang turuan na mahalin ako dahil
nga palaging bumabalik sa isip ko ang mga katagang binibitawan mo everytime na
binibigay ko sa iyo ang durog-durog kong puso na pilit buuin.”
“Naalala
mo ba ang mga sinabi mong: I will never fall in love, never been, never was,
and never will be?”
“I know
that you are living to your claims pero hindi ako nag-give up sa pagmamahal ko
sa iyo”
“I know
na hindi mo ako kayang mahalin ngunit ako itong nagpupumilit na ibigin mo ako”
“Masakait
para sa akin pero inisip ko na kahit masakit at hindi maganda ang hahantungan
ng pagmamahal ko sa iyo ay ginusto ko pa rin.”
“Bakit?
Kasi sa bawat sakit na nararanasan ko sa pag-ibig ko sa iyo ay ito lang ang
tanging paraan na magpapaligaya sa akin” natigilan ulit ako sa aking pagsasalita
at pinahid ang luhang pumapatak sa aking mga mata.
“Sabi nga
nila. Love leads to laughter but love leads to pain”
“Alam ko
na hindi mo kayang mahalin ako pero ipinaramdam ko ang lahat na makakaya ko sa
iyo. Marealize mo lang na mahal kita”
“Hindi ko
alam kong nakikita mo ito pero ang mas mahalaga ay maiabot ko sa iyo ang
tanging bagay na matagal ko nang nararamdaman para sa iyo”
“Arbs, sa
huling pagkakataon, bago akong tuluyang mawala sa paningin mo. Kaya mo bang
mahalin ako?” mahinahong tanong ko kay arbie habang patuloy pa rin ang pag-agos
ng luha ko.
Hindi
sumagot si arbie pero nakikita ko na umiiyak rin siya.
“Arbs,
kung hindi mo kayang ibigin ako pwede bang kahit ngayon lang ay mayakap kita?”
dagdag kong sambit kay arbie.
Hindi pa
rin kumibo si arbie at tuluyan ko nalang siyang niyakap.
“salamat
naman arbs kasi pinahintulutan mo akong yakapin ka” “siya nga pala bago ako
tuluyang umalis na, may ibibigay sana ako sa iyo” sambit k okay arbie habang
may kinukuha sa loob ng bulsa ko. Tumingin na rin si arbie sa akin at nakita
niyang hawak-hawak ko ang isang singsing.
“Ibibigay
ko itong singsing sa iyo arbs” sambit ko sa kanya habang itinutusok-tusok ito
sa aking dibdib.
“Bro, bat
mo tinutusok-tusok ang singsing sa dibdib mo?” mahinang tanong ni arbie.
Pero
hindi ko na siya sinagot at patuloy pa rin ako sa aking ginagawa.
Pinikit
ko ang aking mata at patuloy sa pagdaloy ng luha sa aking mukha. Nanalangin ako
sa may kapal na handa na akong tapusin ang lahat na namamagitan sa amin ni
arbie kahit bilang mag bestfriend lang. Minulat ko ang aking mga mata at nakita
ko na nakatingin si arbie sa akin at umiiyak na rin.
“Arbs,
tinutusok-tusok ko ang aking dibdib gamit ng singsing na ito dahil gusto kong
ilagay ang lahat na nararamdaman ko para sa iyo dito sa singsing na ito.”
Natahimik
si arbie sa mga binitawan kong salita.
“Arbs,
I’m giving you this ring as a sign of letting you go. Eto na rin ang huling
pagkakataong maipadama ko sa iyo ang pag-ibig ko. Arbs pwede ba kitang
mahalikan?”
Hindi ko
na hinintay ang sagot ni arbie at hinalikan ko na siya. Nagpaubaya rin si arbie
sa paghalik ko sa kanya. Sinamsam ko ang bawat segundo na hinalikan ko siya.
Ramdam ko
ang sakit ng aking dibdib na parang sasabog. Ngunit kinaya ko ang aking sarili.
Minulat ko ang aking mata at nakita kong umiiyak si arbie. Pagkatapos noon ay
tumayo na ako at bago ako umalis ay niyakap ko ulit si arbie.
“Salamat
arbs. Hanggang sa susunod na tadhana” mahinang bulong ko sa kanya.
Inilatag
ko na ang ring sa bench at umalis papalayo sa kanya. Narinig kong sumisigaw si
arbie
“Bro!”
Ngunit
hindi na ako lumingon pa at sumakay na ng taxi.
Umuwi na
ako ng apartment at kinuha ang mga gamit. Sumakay ng inukupahang taxi at umuwi
na sa amin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dumaan
ang ilang buwan at wala na akong communication kay Arbie. Iniba ko na rin ang
aking number at hindi ko na ginagamit ang aking mga account sa internet.
Pinaputol ko na rin ang landline namin at nag-apply ng panibagong number.
“Hijo,
bukas makalawa na pala ang engagement niyo ni ava” si mama habang umiinom ng
kape.
“Oo ma,
excited na rin ako dahil magkikita na rin kami” sambit ko sa kanya na may bahid
na lungkot.
“Ma, siya
nga pala, pwede bang pupunta ako ng Iloilo ngayon? Gusto ko sang imbetahin ang
ka banda ko e” mahinahong tanong ko kay mama.
“Oo sige
hijo, at least makita rin naman nila ang roxas city” sagot ni mama.
Nagimpake
ako at umalis na rin patungo sa Iloilo gamit ang family car.
Nang
nakarating na ako sa Iloilo ay binisita ko muna ang ospital.
“Ma’am
musta po kayo?”
“Oh,
naparito ka? Anong balita? Namiss ka namin” sagot ng chief nurse.
“Ok naman
po ako ma’am . Siya nga pala baka bakante kayo sa makalwa, may engagement party
kasi sa amin. Gusto ko sanang pumunta kayo” paliwanag ko sa kanya.
“Ok sige, gagawan ko ng paraan ha?”
Umalis na
rin ako sa ospital at hinanap ang kabanda ko.
Habang
tinatahak ko ang daan ay namalayan ko naman na nasa tapat na pala ako ng hotel
kung saan nagtatrabaho si Arbie. Parang gusto kong bumaba ngunit inisip ko na
para ano pa?
Kaya
tinungo ko na ang lugar kung saan kami magkikita ng banda ko.
“Pare! Na
miss ka namin!” sambit ni carlo.
“Ako rin
nga mga pare. Siya nga pala may engagement party ako sa makalawa. Pwede ba
kayong lahat?” tanong ko sa kanila habang umiinom ng softdrinks.
“Sure
pare! Ikaw pa! ang lakas mo sa amin.” Sambit ni Jon na drummer ng banda.
Nasa
kalagitnaan kami ng pag-uusap at nabaling na man ang aking atensyon sa isang
lalaki na siguro ay isang guro. Malungkot siya at parang nakikita ko sa kanya
ang aking sarili.
Gusot ang
damit, mukhang basang sisiw. Gusto ko sana siyang lapitan ngunit anong
karapatan kong makisali sa buhay ng ibang tao. Nakita ko na lang na umalis ang
lalaki.
Nagkuwentuhan
pa rin kaming magbanda.
“Pare
pwede bang mag gig tayo mamaya? Kahit for the last time pare” sambit ni Carlo.
“Oo
naman, iyon nga rin ang isa pang purpose ko sa pagpunta dito. Kasi kahit bago
umiba ang takbo ng buhay ko ay maenjoy ko rin for the last time ang pagiging
single ko” mahabang paliwanag ko.
Naghiyawan
rin naman ang aking mga kasamahan at napagdesisyunan namin na umalis at
maglunch sa ibang restaurant.
Umalis
kami sa aming table at nadaanan ko ang table ng lalaking nakita ko kanina.
May sulat
na naiwan ito. Kinuha ko at inilagay sa bulsa. Baka kasi makita pa ng kasamahan
ko kaya minabuti ko na itago nalang.
Nag lunch
na rin kami pagkatapos ay nagjamming sa bahay ni carlo.
6 PM na
ng natapos ang aming jamming at namahinga. Maya’t-maya ay dumating ang inorder
naming pagkain for dinner. After dinner ay hinanda na namin ang aming sarili at
pumunta ng pirates.
Naginuman
muna kami pero konti lang kasi magpeperform pa mamaya.
Exactly
10PM na at naka ready na rin kami sa aming performance. Marami-rami na rin ang
mga tao sa loob ng pirates ng kinuha naman ni carlo ang mic.
“Good
Evening guys. Thanks for coming here tonight. Isang especial na gabi ito kasi
makakasama ulit namin ang pinakamamahal naming vocalista. Although this will be
his last night to perform with us pero at least magkakasama pa rin kaming
lahat. Before anything else, I would like to take this opportunity to say thank
you for your patronage. We will make this night a memorable one. Siya nga pala
ibibigay ko na ang mic sa vocalist namin, pare.” Mahabang litanya ni Carlo.
Nahawakan
ko na ang mic at magsisimulang magsalita ng nakita ko naman ang taong hindi ko
inaasahan sa mga pagkakataong ito. Si Arbie.
Napalunok
ako ng laway at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay iba ang lumabas sa aking
bibig.
“I would
like to take this opportunity to extend my heartfelt gratitude for coming here.
I would also like to say thank you to someone who taught me how to stand alone.
Someone who let me feel the essence of love. Someone whom I dedicated my life
but someone who chooses to break my heart. This song is for you” mahaba kong
lintanya.
Hinarap
ko ang kabanda at hiniling ang gusto kong kantahin. Nagulat din naman sila kasi
bakit heart-break song ang gusto kong kantahin. Nagulat din si Carlo sa mga
binitawan kong salita.
“I hope
you like it” maikli kong salita sa mic.
My whole life
Waiting for the right time
To tell you how I feel
You know I tried to
Tell you that I need you
But here I am without you
I feel so lost but what can I do
Coz I know this love seems real
But I don’t know how to feel
Sa bawat
katagang binibigkas ko ay nakatingin lang ako kay Arbie. Kitang-kita ko sa
mukha niya ang panginginig. Hindi ko nalang namalayan na unti-unting namumuo
ang luha sa aking mata. Tinalikuran ko muna ang audience at pinahid ang mata at
hinarap ulit sila. Pinagpatuloy ko ang aking kanta.
We say goodbye in the pouring rain
And I breakdown as you walk away
Stay… stay…
In all my life I felt this way
But I could never find a word to say
Stay.. stay..
Nakita ko
si Arbie na papalapit sa entablado. Medyo kinabahan ako sa magiging reaksyon o
sa gagawin niya kaya patuloy pa rin ako sa pagawit.
Alright
Everything is allright
As you came all along
And before you
I had nowhere to run to
And nothing
I came so close to giving it up
And I wonder if you know
How it feels to let me go…
Napahagulhol
ako sa mga katagang iyon at mistulang iniwan ang mic at ang banda. Bumaba ako
sa stage dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili. Alam ko na tanggap ko na
ang pagpapalaya kay Arbie.
Matagal
na akong nagsimula sa buhay na hindi siya ang laman ng puso at isip ko. Pero
bakit ganito? Nakita ko lang siya ulit, bumalik lahat na mga alaala ko sa
kanya. Putang-ina. Hindi puwede ito. Tumingin ako sa banda at si Carlo na ang
nagpatuloy ng kanta.
Dire-diretso
akong lumabas ng bar at sa pagkakataong iyon ay nakaharap ko si Arbie.
Nagkatinginan kaming dalawa. Pero hindi kami umimik. Dumaloy ang luha sa aking
mga mata at iniwasan siyang harapin. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hinablot
niya ang aking kamay. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili. Kaya hinarap ko
siya at niyakap. Sinuklian rin niya ako ng mainit na halik.
Hinalikan
ko rin siya ngunit patuloy akong nagsasalita.
“Putang-ina
ka! Bakit ka pa bumalik?” sambit ko kay Arbie habang patuloy sa paghahalik.
“Putang
ina ka rin bro, bakit mo ako iniwan?” sambit ni arbie habang naghahalikan pa
rin kami.
“Mas
putang-ina ka dahil hanggan ngayon mahal pa rin kita!” pigil kong pagsasalita
at patuloy pa rin sa paghahalikan.
“Mas lalo
kana dahil sa iyo nagbago ang buhay ko! Minahal rin kita!” tugon ni Arbie.
Natigilan nalang kami ng nahalata namin na marami na pala ang nakatingin sa
amin.
Hindi na
ako nahiya sa aming ginawa. Patuloy pa rin akong nakayakap sa kanya ngunit
nagulat ako ng biglang kumalas si Arbie sa akin.
Hinarap
ko siya at nakita kong nakatayo sa unahan ko na parang pinprotektahan ako.
Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya ng may sunod-sunod na putok at
tinamaan si arbie sa dibdib.
Mabilis
ang pangyayari at humarorot ang isang motorsiklo. Nakita kong dahang-dahan
humarap si arbie na duguan sa akin at sinambit ang mga salitang
“Bro! I
will never fall in love. Never been… never was.. and never will be… dahil ikaw
lang ang taong mamahalin ko.” Kablagggg! Napahandusay si Arbie.
Sumigaw
ako at humingi ng saklolo. Mabilisang hinatid si arbie sa ospital. Nasa ER na
kami at hawak-hawak ko ang kanyang kamay.
“Arbs.
Huwag mo akong iiwan. Please.. lumaban ka” mataimtim kong sambit habang
humahagulhol sa iyak.
Maya’t-maya
ay nakita kong mahinang pagmulat ni arbie sa kanyang mata
“Bro..
na…ga…wa ko la… lang na…man… ma… ma…ging… wasted… da..da..da..hil a..a..lam
..kong… hi..hi..ndi.. ka.. rin… ma… ma..mama…pu..pun..ta sa…” pautal-utal na
salita ni arbie hangang naibigay na niya
ang huling hininga.
“Arb!
Gumising ka. Please huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita!” nabitawan na ni
arbie ang aking kamay at hinila na ako ng nurse..
Nawalan
na ako ng malay sa nangyari…
Magkalipas
ang15 taon…
“Dad, ano
ba ang problema?” si Ava. Hindi pa rin ako umimik sa kanya.
“Alam ko
naman na ang lintek na lalaki pa rin ang nasa loob ng puso mo. Sabihin mo lang.
tang-ina. Makikipaghiwalay ako sa iyo!” seryosong tugon ni Ava.
Hindi ko
pa rin siya kinausap.
“Putang-ina
ka! Bahala ka na sa buhay mo! Mga salot kayo!” pasigaw ni ava at sinadyang
umalis na.
Iniwan na
niya ang aming anak. Tinungo ko ang esplanade kung saan dito ko ibinuhos ang
aking nararamdaman. Napatingin ako sa langit at iniisip kong nasaan man si Arbie
ngayon. Napahaguluhol naman ako sa tuwing maalala ko si Arbie.
Dahil
kahit sa napakaliit na panahon ay nalaman ko rin na mahal ako ni Arbie hindi
bilang bestfriend kundi bilang isang boyfriend. Napatingin ako sa paligid at
wala gaanong tao doon. Hindi ko na pinalampas ang panahon na ito. Sa labing-limang
taon akong nagdusa sa pagka-walay ni Arbie.
Tumingala
ulit ako sa langit. “Arbie, hintayin mo ako.. Magsasama na rin ulit tayo”
mataimtim na sambit ko.
Sinimulan
kong tahakin ang perimeter fence at hindi na nagdalawang isip. Tumalon ako at
naramdaman kong lumulubog na ako. Wala na akong maalala kung hindi ang isang
liwanag at alam ko na sa paroroonan kong ito ay makikita ko si Arbie at
magsasama kami sa kabilang buhay.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ito ang
naging kuwento ng buhay na natuklasan ko. Masakit para sa akin ang natuklasang
kuwento pero hindi ko naman puwedeng ipagkait ang kasiyahang dapat ay naranasan
ng mga taong involve dito. Alam ko na masaya na rin sila kung nasaan man sila
ngayon. Bago ko tatapusin ang kuwentong ito, ipinapanalangin ko na sana maging
masaya si daddy at ang kanyang bestfriend na si Arbie.
Ito ang
naging kuwento ng daddy ko at ang kanyang bestfriend kung saan kinuha ni daddy
ang aking pangalan kasama ng pangalan niya. Hindi ko malilimutan ang mga
sinambit ni daddy sa akin.
“Anak.
Para malaman mo. Ang pangalan mo ay dinugtungan ko ng pangalan ng isang taong
minahal ko at patuloy kong mamahalin habang-buhay. Ikaw ang natatanging ala-ala
ng aking pagmamahal sa kanya” mataimtim na sambit ni daddy.
Kaya eto
ako. Kasama sa ala-ala ni daddy at ang nadiskubre kong aklat kong saan naka
lahad lahat na detalye tunkol sa kuwento nilang dalawa. Hanggang dito na lang
po.
Ang nagkukuwento.. Paul Arbie Medina..
J. Salmazan as Paul Arbie Medina |
Is this for real?? True to life?
ReplyDeletemejo bitin, anu ibig sbihin ni arbie na hind rin magiging cla f tanggapin anya pag ibig ni paul though kaya syang ipaglaban nito. ang gulo, d me ma getz! he he he he
ReplyDeletewooo..
ReplyDeleteang ganda sobra...sayang nga lang kasi namatay si arbie...
medyo bitin nga lang kasi parang marami pang pwdng mangyari...pero yun, hanggang dun nlng ang kwento...ang ASTIG:)
Sa lahat ng kwentong sinulat mo, ito ang d best. Iyak ako ng iyak while reading. Ang ganda ng pagka.express ng feelings at dialogues. Ito pala ang genre na dapat sa yo. Sayang lang namatay si Arbie. Ang hirap makapag.move on sa wento mo.
ReplyDeleteI salute u PrinceSky for this "master piece". Please write another story na ganito ang way of expressing the dialogues. Yong serious and intimate. And take note, dapat hapi ending at wag patayin ang bida.
Aabangan ko bro.
-Sam of Cebu-
Wow as in wow! Parang MMK ang dating! I like this, ever!
ReplyDeletePrinceSky, nag improve ka sa kwentong ito. Ang ganda ng pagkalahad ng mga saloobin. Panalo ito!
ReplyDeleteGawa ka uli sir.
The best of all time. Astig ng mga bida! Parang may malalim na pinaghuhugutan. Grabeee...kakaiyak!
ReplyDeletePrince, pwede po bang ishare or ipost ko to sa fb ko? Fan mo na ako. Sanay magkameet tayo kung makapasyal ako sa Roxas City. Magdala lang ko ug lana para dili kadool ang mga wakwak haha...joke!
ReplyDeleteSam of cebu
Ang ganda ng kwento. Pinataub ng wentong ito ang previous mong stories. Ito ang panalo para sa akin. May pinaghuhugutan talaga!
ReplyDeleteAll I could say, may ibubuga ka rin pala, PrinceSky! Pls continue writing bro.
I wil giv u 9 stars (*********) out of 10 haha
Akong hulaton ang sunod nimong estorya bro.
ReplyDeleteNaa pa pod kaha? Hinaot dili ka mohunong.
Prince, di ba isa ka talagang Nurse? Ito bay story ng totoo mong buhay? Ang ganda naman! Astig talaga!
ReplyDeleteKakainis naman si Arbie sabi ko na nga ba mahal din nya best friend nya tapos naginarte pa. Too late na tuloy. Hay buhay talaga!
ReplyDeleteAng galing ng author. Bow ako sa galing!
Hala ano pala pangalan sa bestfriend ni arbie parang di nabanggit. si princesky kaya?
ReplyDeletePrincesky ang ganda ganda naman nito. Naiba ito sa mauna mong stories. Super kilig nito. Ikaw na!
ReplyDeleteGrabe kakainlove talaga nito. Wagas na pagibig na di naipaglaban. Sana sila nagkatuluyan.
ReplyDeleteAuthor pinaiyak mo ako kakainis ka. 2 thumbs up ako sa ganda nito.
Kakaloka talaga to. Kahit ilang ulit ko na itong binasa di pa rin ako makamove on. Sumisikip pa rin dibdib ko. Superganda talaga!
ReplyDeleteBest friends ay best lovers too! Sayang lang namatay si Arbie.
kelan po ang update ng astig kong mahal book 2 d na po ksi nauupdate :(
ReplyDeleteTouching naman.
ReplyDeleteAhrael
Sht! Nakaka iyak nman to.
ReplyDeleteSht, Say to me that this is Fiction! Wag nman sna Real life to. Naiiyak ako! Ayoko nung ending :( Gosh' I cant breath na talaga ;( Anyways, Thumbs up author.
ReplyDeleteI am from Panay Island and can't imagine there will be a great story with that island. Bravura to you. You made a great story. Napa-iyak mo ako sa kwento mo.
ReplyDeleteGrabe sobrang touching ang story,,umiyak tlga aq ...pkiramdam q aq ang nsaktan sa ngyari,,,,gosh ngpkamtay xa pra sa true love nia no matter what ginib up nia lhat to be with his one and only love,,,,slamat story....godbless
ReplyDeleteDelikado palang magmahal tong si Paul, kahit na edukado ay wala nang itinirang respeto sa sarili. kung ako si Arbie ay magdadalawang isip ako kung mamahalin ko ba tong si Paul. Grabe kung ipagpilitan ang sarili.
ReplyDeleteBen