Followers

Wednesday, February 6, 2013

Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor - Final Chapter

The Knight and His Shining Armor



Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
By PrinceSky
Part 9 (Final Chapter)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paalam Jayson at Dennis.
Salamat sa mga bumasa at sumubaybay ng Kwentong ito.
I’ll take this Opportunity to say thank you to my friend who permitted me to post his pic as my main character. Thank you pare for allowing me to use your photo.

Secondly, I would like to thank Boss Mike for giving me the chance to post my story. I have never imagined this before. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga ganito until I read Boss Mikes’s “Si Utol ang Chatmate Ko”. That story simply inspired me to write my own stories, as well.

Thanks to my love “migz” for giving me support especially sa mga time na parang nawawalan na ako ng gana sa pagsusulat ng kwento. Kasi minsan guys madali lang makahanap ng mga concept pero pagnasa kalagitnaan ka na ng pagsusulat ay nawawala na ang kulay ng kwento.

Finally, I would ike to extend my heartfelt appreciation to everybody who reads this story. Sorry kung minsan may mga technical problem sa stories but I’ll do my best to keep it right. Hindi ko na kais masyadong inievaluate through proofreading ang mga naisulat na kwento. Sana maintindihan niyo po.

Sa huli, salamat sa lahat.

Your’s truly,
PrinceSky of Roxas City

Peace J
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagpasok ko sa room ay nakita ko na punong-puno ito ng mga drawings. Mga drawings na iginuhit gamit ang lapis. Ito ay mga larawan ng mga bagay na mayroong koneksyon na nakaraan namin ni Jason.

Inisa-isa kong pagmasdan ang bawat larawan na ginuhit sa papel hanggang sa nadatnan ko ang pinaka-sulok na bahagi ng kanyang room. Nakita ko ang litrato ko.

“Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na..” naputol na sambit ni Jason ng hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Jay, alam ko na ang lahat. Masakit para sa akin ang itago moa ng buong katotohanan. Hindi ko man ito tanggap pero naiintindihan kita”

Niyakap rin ako ni Jayson at nakita kong dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Pinahiran koi to ng aking panyo.

“Tahan na Jayson. Huwag ka nang umiyak. Halika, labas tayo”

Natigil na rin si Jayson sa kaiiyak pero alam kong pinapalakas niya lang ang kanyang loob. Ganoon din ang aking ginawa. Pinalalakasan ko lang ang aking loob kahit ramdam kong masakit ang mga nangyayari. Pinipilit kong intindihin ang tadhanang ito pero wala na akong magagawa kung hindi pasayahin si Jayson hanggang sa huling hininga niya.

Lumabas kami ng ospital at tinungo ang park kung saan kami huling nagkita. Umupo kami sa malapit na bench at sabay pinagmasdan ang langit.

“Jay? Alam mo bang kay tagal kitang hinanap?”

Hindi sumagot si Jayson. Alam kong hindi niya kayang sagutin ang aking tanong kaya ang ginawa ko nalang ay ipinasandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Inakbayan ko rin siya para maging komportable. Habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat ay naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin habang wala siya.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagkwento ko ay biglang naradaman ko ang mabilisang hininga ni Jayson. Nahihirapan na pala siyang huminga kaya tinawagan ko si Alex at humingi ng tulong sa kanya. Maya’t-maya ay dumating na rin ang ambulansya at isunugod pabalik si Jayson sa ospital.

Nasa labas ako ng ospital at nakaharap sa tapat ng bintana ng room ni Jayson. Bumuhos ang napakalakas na ulan at patuloy lang akong nakatayo at nakaharap pa rin dito. Basang-basa ako ng ulan at ramdam kong nilalamigan na ako ngunit tiniis koi to. Mas gustuhin ko pang ako nalang ang mamatay kaysa ang pinaka-matalik kong kaibigan ang mawala sa aking buhay.

Nang sumunod na araw…

Pinaki-usapan ko ang Lolo ni Jayson. Kinausap ko rin si Alex na tulungan akong gawin ang plano kong pasayahin si Jayson kahit sa huling sandali.

Naset-up na ang lahat na mga gamit. Kinausap ko rin ang doctor at nurse ni Jayson pero kahit labag ito sa kanilang patakaran ngunit nagmakaawa ako. Pinahintulutan rin naman nila ako kaya pumasok na ako sa room ni Jayson. Nakita ko siyang nakahiga. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat rin si Jayson at nakita ko siyang ngumiti.

“Bakit nandito ka Dens?”

“Wala lang, gusto lang naman kitang bisitahin eh. Jay?”

“Ano iyon Dens?”

“Pwede bang samahan mo muna ako?”

“Saan tayo pupunta?”

“Basta sumama ka lang sa akin. May sorpresa ako sa iyo”

Nginitian ko si Jayson at niyakap ng mahigpit. Tinulungan ko siyang makatayo sa pagkakahiga. Dahan-dahan kaming lumakad patungo sa wheelchair at lumabas ng room. Sumakay kami ng taxi at tinungo ang daan papunta sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Sa paaralan namin ng bata pa kami.
Pagkadating naming doon ay bumaba kami sa daan kung saan dito rin kami unang nagkita. Lumapit sa amin ang Lolo ni Jayson bitbit ang kanyang lumang bag. Andito na rin Tiyo Bert at bitbit na rin ang aking lumang bag. Sumakay ako sa bike at humarap kay Jayson. Nagsimulang pinadyak ni Tiyo Bert ang bike at naglakad na rin sina Jayson at ang kanyang Lolo. Habang nasa kalagitnaan kami ng daan, sinimulan ko na rin ang walang kamatayang “London Bridge” na kinanta ko noong una kaming nagkita.

“London bridge is falling down.. falling down.. falling down.. London bridge is falling down.. I’m your first knight!”

Patuloy lang ako sa pagkanta at nakita kong umiiyak si Jayson. Nagsimula na ring namuo ang aking mga luha sa mata ngunit pinigilan ko ito. Kailangan kong magpakatatag para kay Jayson ngunit maya’t-maya ay parang nahihilo si Jayson. Bumaba ako at dali-daling nilapitan si Jayson.

“Jay Ok ka lang?”

“Medyo Dens. Nahihilo kasi ako”

“Lakasan mo lang ang iyong loob Jay. Halika bubuhatin na lang kita”

Sumakay si Jayson sa aking likura. Kahit ang bigat niya pero tiniis ko ito dahil ayokong mahirapan pa si Jayson. Tinahak namin ang daan patungo sa harap ng paaralan namin. Nasa tapat na kami ng gate ng..

“Jay? Gusto mo bang makita ang sorpresa ko sa iyo?”

Hindi sumagot si Jayson pero naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkahawak sa akin. Tugon iyon na gusto niyang makita ito. Kaya sumenyas na ako kay Alex na buksan ang mga ilaw.

Maya’t-maya ay nakabukas na ang ilaw at nagulat si Jayson sa kanyang nakita.

Mayroong red carpet sa harapan namin. Mahabang red carpet na pinalilibutan ng maraming bulaklak at lobo. Sa dulo nito ay mayroong isang mesa at dalawang upuan. Maraming pagkain na niluto pa ni Tiyo Bert. Mga pagkain na paborito ni Jayson.

Inalalayan ko si Jayson patungo doon at sa bawat hakbang niya ay mayroon akong inilagay sa gilid na mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol sa mga nangyari sa amin.

Naroon ang isang kulungan na mayroong salamander. Nasundan ito ng isang stick na ginamit ng guro namin sa pagpalo ng aming mga kamay noong pinagalitan kami. Kasunod nito ang mga piraso ng blackboard eraser at walis paypay kong saan ito ang mga ginamit namin ng kami ay naparusahang maglinis ng room.

Sinundan ito ng tshirt na ibinigay ko sa kanya ng muli kaming nagkita. Isang maliit na barko na pinuntarahan pa ng ginto dahil naalala ko na naniniwala si Jayson na mayroong barko na dumadaan sa kabilang tulay kung kaya palagi itong nasisira. Naroon din ang mga papel at lapis na ginamit ni Jayson ng kami ay gumagawa ng drawing sa bahay ng Lolo niya. Naroon din ang mga bato, natuyong tatlong rosas, basket at telang ginamit ko ng sinorpresa ko si Jayson at naroon din ang posas na ginamit ko ng muling nagkita kami ni Jayson sa prisento.

Pagkarating namin sa may flagpole ay pinaupo ko siya at sinimulang subuan siya ng pagkain.
Kitang-kita ko ang bakat ng kasiyahan sa kanyang mukha. Patuloy ring dumadaloy ang kanyang mga luha.

“Pare bakit mo ginagawa ito?”

Hindi ko na siya sinagot at sinibuan ko nalang siya ng sphagetti at garlic bread. Pagkatapos naming kumain ay nilapitan ko siya at niyakap. Maya’t-maya ay suminyas ako kay Alex. Biglang pinatay ang mga ilaw na nakapaligid at dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Jayson. Narinig kong nagulat si Jayson at pasigaw na hinahanap ako ngunit hindi ko siya sinasagot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang pinasindi ko ang mga ilaw na nakapalibot sa flagpole. Nakita rin ito ni Jayson at nagulat siya dahil sa gilid ng flagpole ay ang isang malaking kalesa. Bumaba ako sa kalesa at naguat rin si Jayson sa kanyang nasaksihan.

Nakasuot ako ng armor, helmet, boots at pants. Ito ay mga basic na equipment ng isang knight. Hawak-hawak ko rin ang isang sword. Lumapit ako kay Jayson. Patuloy pa ring nakatingin sa akin si Jayson at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha. Pagkalapit ko sa kanya ay inangat ko ang aking kamao. Nagfist toss kaming dalawa. Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayang tumayo sumakay siya sa aking likuran at binuhat patungo sa kalesa. Dahan-dahang bumaba si Jayson sa aking likuran at inalalayan ko siyang sumakay ng kalesa. Pagkapasok namin ay ibinigay ko sa kanya ang wooden shield na nakuha ko sa bata  doon sa ospital.

“Jay, sana huwag mo nang ipamigay ito. Isusuli ko ulit sa iyo ang binigay ko noon. Tanda ito ng ating pagkakaibigan. Mahal kita Jay, alam kong alam mo na mahal kita higit pa sa pagiging magkaibigan. Hindi ko rin ng naintindihan pero bata pa tayo naramdaman ko na ito”

Ibinigay ko sa kanya ang wooden shield. Ngumiti lang si Jayson pero nahihirapan na siyang huminga.

“Jay, pwede ba kitang mahalikan?”

Pinikit ni Jayson ang kanyang mata at dahan-dahan kong itinapat ang aking bibig sa kanyang bibig. Naghalikan kaming dalawa kahit alam kong hirap na hirap na si Jayson sa kakahinga.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Nagsimulang dumaloy ang luha sa kanyang mata at ganoon din sa akin. Alam kong malapit na kaming magkakahiwalay ulit ni Jayson pero ang masakit dito ay ito na ang huling hiwalayan at pagkikita namin ni Jayson.

Naramdaman kong biglang humina ang pagkayakap ni Jayson ngunit hindi pa rin nakaalis ang kanyang mga kamay sa pagkayakap. Hinigpitan ko ang aking pagkayakap sa kanya ng biglang kinuha ni Jayson ang kanyang mga kamay at hinarap ako.

“Dens, mahal na mahal kita. Tatandaan mo iyan. Palaging nasa isip kita. Simula ng tayo ay naging magkaibigan, hindi ka na nawala sa aking pag-iisip. Alam kong alam mo rin na mahal na mahal kita. Naramdaman ko rin na mahal mo ako. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko rin namang gustong saktan ka Dens, kasi alam kong balang araw ay mawawala rin ako kaya pinili kong lumayo sa iyo. Ngunit hindi ko kayang mawala ka, kaya binabalikan kita.”

“Jay, please..”

“Dens?”
“Aaaanooooooo iii iiiiyoooo yooon Jaaaaay?”

“Pwede bang humingi ng pabor?”

“Oo. Jay baa baaaki baakkkiitt?”

Lumabas kami ni Jayson sa kalesa. Tumayo kami sa harap ng flagpole.

“Jay?”

“Pweede bang tuuumaaliiikoood kaaaa?”

“Plleeeeeaaassseee. Jaaaaayyyyy. Kaaaaahiiiit saaaa huuuuliiing ssaaaaanddaaaallliiiii”

“Deennnsss,, pleaaaaasseeee”

Humagulhol na ako sa sakit dahil ito na ang oras ng paghihiwalay namin ni Jayson. Masakit na masakit. Parang hihimatayin ako ngunit nilabanan ko ito. Alam kong hindi ko kayang mawala si Jayson pero tulad ng dati, ayaw ko siyang suwayin.

Tinaluran ko si Jayson at mas lalong dumaloy ang aking mga luha. Sumisikip na ang aking dibdib sa pagkahinga. Nahihirapan na rin akong huminga. Gustuhin ko mang lingunin si Jayson pero pinipigilan niya ako. Sinuntok ko ang aking dibdib sa sobrang sakit. Mas lalong tumindi ang paghagulhol ko ngunit naramdaman kong niyakap ako ni Jayson.

Ramdam ko ang hirap na paghinga ni Jayson pero tiniis niya ito. Hinigpitan ni Jayson ang kanyang pagkayap sa akin at may ibinulong.

“Dens, salamat sa lahat”

“Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Ang makita kang muli. Ikaw ang pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko dahil kahit papaano ay ipinaramdam mo sa akin ang tunay na halaga ng pagmamahal. Maituturing rin nilang bawal na pag-ibig ito ngunit naging masaya ako sa huling sandali.”

“Ikaw ang knight with shining armor ko”

“Deeeennnnnnssss…. IIiiiiiiingggggaaatttt aaaaatttt paaaaaaaaalllllaaaammmm”

Nakawala si Jayson sa pagkayakap at narinig ko ang pagkatumba niya. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“JAYSON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!””
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ng ilang buwan…

“Sir, ano po ba ang order niyo?”

“Ah isang sphagetti at garlic bread lang”

“Okay, isang spaghetti with garlic bread, coming up”

Pagkatapos kong mailatag ang inorder ng customer namin ay lumabas ako ng restaurant. Bitbit ko ang isang pirasong box kung saan nakalagay ang ID ni Jayson. Binuksan ko ito at kinuha sa loob. Hinalikan koi to dahil kinasanayan ko nang halikan ito araw-araw sa parehong oras. Ito ang oras kung kailan huling nahalikan ko si Jayson bago kami tuluyang naghiwalay.

Kinakausap ko rin palagi ang ID ni Jayson at ikinukwento ang mga bagay na nangyayari sa akin araw-araw. Pagkatapos ko sa aking litanya ay tumingala ako sa langit.

“Jays, kung nasaan ka man ngayon. Palagi mong tatandaan. Ikaw ang una at huli kong mamahalin”

Biglang may nakita akong falling star. Natuwa rin naman ako dahil naalala ko kaagad ang kinantang London bridge noong una kaming nagkita ni Jayson. Kaso nga lang hindi bridge ang nahulog kung hindi isang star.

Pinikit ko ang aking mata at nanalangin. Maya’t-maya ay hinalikan ko ulit ang kanyang ID, ipinasok sa loob ng box at bumalik na rin sa loob ng restaurant.





The End…

I Would like to extend my heartfelt gratitude to everyone who read my stories. I know that it is not fair enough for someone who hold on to their love but no matter how they tried still they failed. Moreover, this is just a test of how much we love someone. It is not about the extent of time that we spent on them but it is the quality of feelings that we invest into it. As what they always say "true love never dies". Admittedly, I am on the verge of emotional situation right now. Sorry if I ended this story in this way. I hope you understand that not all stories has good endings.

Sincerely, PrinceSky



Soundtrack for Bawal na Pag-Ibig: The Knight and Hist Shining Armor
PagLisan by Color-It-Red

Kung ang buhay ay isang

Umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin



Di mo man silip ang langit
Di mo man silip
Ito'y nandirito pa rin



Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig



Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi ng langit



Di man umihip ang hangin
Di man umihip
Ika'y nandirito pa rin



Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

29 comments:

  1. ED! Hay naku! Nakakaiyak ang kwento mo! Shit! Bakit ba naman namatay pa si Jayson! Huhuhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Hero,

      Thank you for allowing me to use your pic as one of my characters. Pasensya na kung sad ending ang kwentong ito but it doesnt imply to what i really intend to do. Kasi minsan d naman lahat mg kwento ay may good ending. Ang importante ay may lesson na makukuha. Diba? Anyway, salamat talaga.. :-) peace

      Delete
  2. Whew.... Mr. PrinceSky!

    natouch ako sa kwento mo. I really like your message. In fairness! Nice eyes! Love it. By the way, nakakaiyak ang kwentong ito. Napaiyak mo naman ako! Ito ang tunay na BROMANCE!

    ReplyDelete
  3. Hala sige! Paiyakin mo ako Mr. Author! Kahit ang saya-saya ko ngayon pero nadala talaga ako sa kwento mo. Ang sakit lang isipin kasi kahit kathang isip lang pero nadadala ako sa mga ganito.

    Kudos! More pa ng kwento mo. Sana happy ending naman.

    ReplyDelete
  4. hayst! :'( what a sad ending. Pero maganda naman,ipinakita ng story na ito ang ibig sbhin ng tunay at wagas na pag ibig. Pag ibig na kht ndi naging cla ay ipinadama nila,pag ibig na iningatan nila at inalagaan sa mahabang panahon. Actually mahirap paniwalaan na may lalaking magmamahal sa kapwa lalaki kht naman ndi cla bi o homo, pero ika nga,love is sexless and selfless,dahil kht c greek god na zeus nainlove sa lalaking c ganymede,kht c alexander the great at hapeustheus(ewan kung tama ang name) ay minahal ang isa't isa kht hndi cla at walang mababakas na kabaklaan sa kanila.

    Thanks author sa story na ito,isa na namang patunay na ang pag ibig ay hindi kumikilala sa kasarian at estado sa buhay. Goodjob! Congrats! Dun naman ako sa mga natira mu pang story ^_^

    ReplyDelete
  5. hayst! :'( what a sad ending. Pero maganda naman,ipinakita ng story na ito ang ibig sbhin ng tunay at wagas na pag ibig. Pag ibig na kht ndi naging cla ay ipinadama nila,pag ibig na iningatan nila at inalagaan sa mahabang panahon. Actually mahirap paniwalaan na may lalaking magmamahal sa kapwa lalaki kht naman ndi cla bi o homo, pero ika nga,love is sexless and selfless,dahil kht c greek god na zeus nainlove sa lalaking c ganymede,kht c alexander the great at hapeustheus(ewan kung tama ang name) ay minahal ang isa't isa kht hndi cla at walang mababakas na kabaklaan sa kanila.

    Thanks author sa story na ito,isa na namang patunay na ang pag ibig ay hindi kumikilala sa kasarian at estado sa buhay. Goodjob! Congrats! Dun naman ako sa mga natira mu pang story ^_^

    ReplyDelete
  6. Wagas na pag-ibig hindi bawal na pag-ibig! So in love!

    ReplyDelete
  7. Huhuhuhuhu! So touching to the max! Nakakaiyak ang kwentong ito. Hindi ko akalain na ganito ang ending. I thought this will be a happy ending story but I was wrong. Pero in fairness kuya. Ang galing mo sumulat!

    ReplyDelete
  8. hahaiii naikyak ako dito ah.... hanggang ngaun masakit pa rin sa dibdib ... hahay bakit ganun....


    zie frm ksa

    ReplyDelete
  9. sad ending but talagang nangyayare kahit sa tunay na buhay ang ganun. at naipadama naman nila ang wagas na pagmamahalan sa isat isa.

    ReplyDelete
  10. Damn it! Ansakit! Parang hindi ako makaget over sa kwento mo princesky! Ang ganda pero pinaiiyak mo ako!

    ReplyDelete
  11. Ito ay isang maganda na halimbawa sa isang klase ng pagibig kung saan walang may makakatumba sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Tangung kamatayan lng ang magigung sanhi ng kanilang hiwalayan.

    Mr.Author, isa kang henyo! Tatak noypi! Tatak Msob! Sana marami pang kwento ang gagawin mo. Mahal na kita!


    -AlterEgo

    ReplyDelete
  12. Kua, can i share this? Anganda ng story. Kahit sad ending kumirot ang puso ko dito.


    ReplyDelete
  13. First time kong makapost ng comment.

    First of all, i would like to commend your effort for writing such a heartwarming story. Napaiyak tuloy ako. Second, tama nga ang ibang nagcomment, sad ending pero sulit ang kwentong ito. Kahit maikli pero it displayed the true essence of patience and loyalty. Third, naawa ako kay dennis dahil maikling panahon lang sila ngsama ng kaibigan niyang si jayson. Fourth, sana marami pang kwentong katulad nito. Hindi masyado malandi pero patok na patok sa panglasa ko. At sa huli, sana magkaroo n ka pa mr. Princesky ng lakas upang makagawa ng obra maestro.

    Salamat sa kwentong ito. Nabuhay ulit ang aking puso.

    ReplyDelete
  14. Truly epic story!

    Love hurts...

    ReplyDelete
  15. galing! sad lang and ending..pero thumbs up sa writer..kip it up!

    ~kym

    ReplyDelete
  16. Ang pangit ng ending. Sana hapi ending kasi fiction na nga at lubuslubosin nalang ang pagpapasaya ng mga mambabasa. Walang twist!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello

      I understand you. Hehehehe. Oo nga pero don't worry ginawa ko lang naman kasi ito na sad ending pero ang tunay na goal ko dito is to give lessons to everybody. Love endures everything. Diba bro hindi naman lahat ng love story ay may happy ending? Hehehe. Anyway, salamat po. Yong astig kong mahal gagawing kong happy ending at maraming twist. :-) Peace

      Delete
  17. Grabe ED. Walang kupas. In 2 days, nabasa ko mga kwento mo. Idol ko si Sir, Si Utol at Ang Chatmate ko, Ang Idol Kong Kuya, pati ito at marami pa...di ko na maalala yun iba. Ewan ko lang ikaw nga ba ang ED dun pero yun ang alam ko. Marami salamat at nakakapulot ako ng aral sa mga storya mo lalo na yung Idol Ko si Sir. Napamangha ako dun. Pati yung Ang Utol ko at si Chatmate, grabe...napaiyak, napatayo mga balahibo at very inspiring yung mga kwento mo. Lahat ng kwento mo, EXCELLENT LAHAT! More power at sana di ka magsawang magbigay inspirasyon sa aming mga Bi pati na rin Gays and Transgender. Maraming maraming salamat. Pasenya na kung dito lang ako nakapagkoment ha. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello.

      Thank you for reading the story. Actually, si Kuya Mike Juha ang may gawa mostly ng mga stories dito. Ang sa akin lang ay iyong lahat na stories na may "BAwal na Pag-Ibig" so far 3 po ang stories na gawa ko. Thank you for reading po. :-) Peace

      Delete
  18. ang galing galing nmn ng story at ng author.OBRA talga kayong maitatawag pag dating sa pag gawa ng mga story ... kanina hbng binbasa ko siya napapa iyak na ako..ipapakita lng nito ang realidad n hndi lhat nagiging happy ending lahat ng love story.pero khit malungkot mn yung nging story nila jayson at dennis.nasbi pa rin ni jayson yung nararamdamn niya para kay dennis...kaya khit iniwan niya si dennis masaya pa rin ito dhil alam nito na mahal din siya.. tc and god bless u always PRINCE SKY

    ReplyDelete
  19. Nakakaiyak naman to grabe..parang ung "Strongest Weak Heart" lang ni Dark Ken...huhuhu..sad ako.. :(((

    ReplyDelete
  20. grabe namang magpaiyak ng author nito,ang ganda ng love story,,,kaya lang nakakaiyak,mayron din palang ganyang storya ng pag ibig

    ReplyDelete
  21. MARK XANDER MENDIOLAApril 8, 2013 at 9:38 AM

    hayz..grabe ang lungkot ng story...kakaiyak...huhuhu..bumigat ang puso ko eh..tnx mr.author sa isang story na ngpakita ng tunay na kahulugan ng pag-ibig..pag-ibg na walang katapusan......

    ReplyDelete
  22. MARK XANDER MENDIOLAApril 8, 2013 at 9:42 AM

    (zionmarth02)..hayz...kakalungkot ang kwento...huhu,,ang bigat ng puso ko...tnx mr.author sa isa n namang unfrogettable story mo....kht hnd happy ending atleast marami kng naturong lesson..tnx for showing the true meaning of love....love that is forever..love that is fore eternity..tnx

    ReplyDelete
  23. thank u,princesky sa magandang story mo khit sad ang ending...sabagay ganyan talaga ang buhay hindi lahat ay nagtatapos sa masaya...good job..

    ReplyDelete
  24. Mapanood ko na to sa Cinema one. Korean movie ang pinagkuhaan ng story ni mother.

    ReplyDelete
  25. Ang ganda nman ng story,,,umiyak tlga aq na parang bata..gani2ng story tlga ang mgppaiyak skin,,,nkkalungkot kc nmatay c jayson na sobrang mahal ni dennis...very touching tlga,,,slmat sir princesky s story.im looking forward n mkbasa pa ng iyong story...godbless,,tnx

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails