Astig Kong Mahal - 14 |
Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 14)
Pagkadating ni Prince ay ikinuwento na rin ni
mama ang tungkol sa tunay na pagkatao naming dalawa. Niyakap rin namin si
Prince dahil alalang-alala kami ni mama. Mabuti nalang at natanggap rin ni
bunso.
"Patrick, anak.. isa lang ang mapapayo ko sa
iyo"
"Ano poi yon ma?"
"Sundin mo ang inuutos ng puso mo. Huwag
mong pairalin ang iyong utak. Kapag nagmahal ang isang tao, ibinubuhos niya ang
lahat kahit walang kasiguraduhan"
"Ano ang ibig niyong sabihin ma?"
"Patrick! Piliin moa ng taong
makapagpapasaya sa iyo"
"Hay naku ma! Ikaw na ang ikatlong tao na
nagpayo sa akin niyan"
Tumingin ako kay Prince at nakita ko namang
ngumiti siya. Nginitian ko rin si Prince at inakbayan.
"Bunso. Ang galing mo nang magbigay ng
payo"
"Syempre! Ako pa!"
"Prince. Bunso! Galingan mo sa biyernes
ha?"
"Sure! Para sa inyo ni Naks. Ay sorry!"
"Speaking of Naks. Kuya, hindi mo pa rin ba
siya nacontact?"
"Hindi eh. Tinatawagan ko na siya kanina pa
pero hindi ko macontact. Nagsend nalang ako ng mensahe sa kanya. Sana mabasa
niya iyon at bigyan niya ako ng pagkakataong maipaliwanag ang saloobin ko"
"Tama iyan anak. Suportado ko ang kasiyahan
mo"
Pagkatapos naming mag-usap ay kumain na rin kami.
Pinagusapan rin namin ang magiging plano ko. Itutuloy ko nga ba ang kasal?
Bahala na. Basta isa lang ang hihilingin ko sa Diyos. Kahit isang sinyales lang
galing kay Naks. Iiwanan ko ang pinangarap na buhay para lang sa kanya.
Peksman!
Gumala kami buong maghapon at ipinasyal namin si
mama sa mga tourist spots dito sa amin. Umuwi rin kami ng gabing iyon. Patuloy
pa rin ako sa pagtawag kay Philip pero ganoon pa rin. Hindi ko siya macontact.
Doon na ako natulog sa room ni Prince at si mama naman sa kwarto ko.
Kinaumagahan…
"Ma, alis na kami ni Prince. Maaga pa ang
kanilang practice at may class rin ako."
"Sige mga anak. Mag-ingat kayo sa daan. Dito
nalang muna ako. Makikipag kita rin ako kay Jessice. Patrick hihintayin kita.
Mas mabuting mag-usap kayo ni Jessica tungkol dito."
"Bahala na ma. Sisiputin ko naman siya sa
kasal"
"Ha? Talaga Kuya? Paano si Naks mo?"
Ginulo ko nalang ang buhok ni Prince. (Bahala na.
Basta! Isang sinyales lang sa iyo Philip)
Pagkadating namin sa skul ay dumiretso na rin si
Prince sa covered gym. Dumiretso na rin ako sa class. 8AM na at absent pa rin
si Philip. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi ko pa rin siya macontact.
Nag-alala na talaga ako. Sisimulan ko n asana ang aking class ng biglang may
kumatok sa pintuan.
"Excuse me!" sambit ng secretary ni
Mrs. Cheng"
"Yes"
"Sir Sandoval, pinapatawag po kayo sa
office. Emergency po"
(Ha? Bakit? Ano kaya iyon) sa isip ko lang.
"Class excuse me for awhile. May emergency
meeting lang kami. For the meantime, please review your notes. I'll give a quiz
afterwards"
Lumabas na ako ng classroom at tinungo ang office
ni Mrs. Cheng. Pagpasok ko ng office ay nagulat naman akong naroon si Sir
Silverio ang chancellor namin.
"Mr. Sandoval, please have a seat"
Umupo ako ng biglang nagsalita ulit si Mrs. Cheng.
"I called your attention dahil emerge…"
naputol na sambit ni Mrs. Cheng ng biglang nagsalita si Chancellor.
"Mr. Sandoval! How dare you!"
"Ha? Why sir?"
"I went back here at the soonest possible
time! ipinagkatiwala ko sa iyo si Philip pero ano ang ginawa mo?!" galit
na sambit ni Chancellor
"What do you mean Chancellor?"
"What do you mean! I trusted you
Patrick!"
Magsasalita pa sana ako ng ipinakita ni
Chancellor ang litratong kinuha niya. Sigurado akong kay Philip iyon. Nagulat
lang ako dahil maraming sugat ang tinamo
ng kanyang forearm. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga salitang
"PATRICK SANDOVAL.. BAKIT?"
"Don't you know that my son nearly
died?"
Napatayo ako sa kinaroroonan ko dahil sa balitang
iniabot ng Chancellor, ang ama ni Philip.
"Sir I didn't do anything?"
"Oh really! I know everything! I know there
is something between you and my son!"
"Chancellor.. let me exp…" naputol kong
sambit ng biglang nagsalita ulit si Chancellor
"Kaisa-isang anak ko lang si Philip. Kaya
nga pinauwi ko nalang siya dito sa pilipinas dahil muntik na rin siyang mawala
sa akin noon. OO aaminin ko, alam kong ganyan si Philip at tanggap ko iyon.
Pero natatakot ako nab aka mangyari sa kanya ulit ang nangyari noon. Binigo mo
ako Mr. Sandoval!"
"But Chance.."
"Stop it! I don't want to hear any of your
excuses! See the HR department and submit your resignation letter asap!"
Lumabas si Chancellor sa office ni Mrs. Cheng.
Umupo ako at natulala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng nagsalita si
Mrs. Cheng
"Mr. Sandoval, pasensya na. pilitin ko mang
ipaliwanag ang lahat kay Chancellor pero wala akong kaalam-alam dito. You
disappoint me. Of all, student mo pa! Ang mas masaklap Mr. Sandoval anak pa ni
Chancellor! I need your resignation at my table tomorrow!"
"Pero Mrs. Cheng. Hindi mo
naiintindihan"
"Gusto kitang tulungan para diyan pero wala
na akong magagwa. Dean lang ako. Chancellor ang kinontra mo"
"But Mrs. Cheng wala naman tala…"
naputol kong sambit ng nagsalita ulit si Mrs. Cheng
"I'm sorry Patrick."
"Okay Mrs. Cheng. Sorry if I disappoint you,
kung pinakinggan lang sana ni Chancellor ang side ko."
"I'm so sorry Patrick Sandoval"
"Okay lang po Ma'am. Sige po ma'am aalis na
po ako"
"By the way, before you leave Mr. Sandoval.
Please kahit papaano, umattend ka na ng acquaintance party bukas"
"Sige po ma'am. I'll try. Hindi naman po
mababago ang desisyon ni Chancellor kahit umattend pa ako ng acquaintance
party"
Lumabas na ako ng office ni Mrs. Cheng. Masakit
para sa akin ang natanggap na balita. Sunod-sunod ang mga masaklap na
pangyayari. Una, nawala bigla si Philip, pangalawa, ikakasal na ako sa sabado,
pangatlo, hindi ko pala tunay na ama si papa, pang-apat, muntik ng mamatay si
Naks at ang huli, pinareresign na ako.
Siguro nga ito ang sinyales na ibinigay sa akin
ng Panginoon. Mas tama na nga sigurong magpapakasal na lang ako kay Jessica at
hanapin ang aking sarili sa Americe. Masakit man isipin at tangapin pero ito na
ang tadhana ko.
Bumalik ako sa classroom at kahit papaano ay
pinagpatuloy ko na rin ang exam. Pagkatapos ng exam ay pumunta na ako ng
faculty room. Gumawa ako ng resignation letter at ibinigay kay Mrs. Cheng.
Ibinigay ko na rin ang mga records ng students. Bumalik ulit ako sa faculty
room at kinuha ang mga gamit ko. Bago pa naman ako umalis ng faculty room ay
pinagmasdan ko ang bawat sulok nito. Naalala ko tuloy ang mga kagaguhan na
ginawa namin ni Philip. Pumasok ako sa comfort room at naalala ko rin ang
nagyari noon. Natawa ako at napaluha rin.
Lumabas ako ng faculty room at nakasalubong ko si
Prince.
"Kuya? Bakit ka umiiyak?"
"Prince. Pinareresign na ako"
"HUH! BAKIT?!"
"Nalaman na ni Chancellor ang
lahat-lahat"
"SHIT! Paano niya nalaman kuya?"
"Muntik ng magpakamatay si Philip,
bunso"
"Hah? Ano ang nangyari Kuya?"
"Hiniwa ni Philip ang kanyang forearm, ang
masaklap lang kasi ay iginuhit niya ang pangalan ko. Kaya iyon tuloy, akala ni
Chancellor, ako ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay"
"My GOD! Asan na si Philip? Asan si
Chancellor, ako ang magpapaliwanag"
"Huwag na Prince. Hindi nga ako pinakinggan
ni Mrs. Cheng at ni Chancellor. Ikaw pa ka ya na estudyante lang"
"Kahit na Kuya. Paano iyan? I'll quit
then!"
"HUWAG! Okay lang ako. Siguro ito ang
sinyales na ibinigay ng Diyos sa akin bunso. Mali nga talaga ang Bawal na Pag-Ibig"
"Hindi KUYA! Walang mali diyan! Nagmamahal
ka at alam natin na mahal ka rin ni Philip!"
Kinuha bigla ni Prince ang phone ko at sinubukang
tawagan si Philip pero nabigo rin siya. Hindi macontact si Philip.
"Kuya! Hindi pwede. Hindi tama to! Alam kong
nagkamali lang si Chancellor ng akala!"
"Sige na Prince. Hayaan mo nalang sila.
Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo. Tutulungan kita."
"Kuya. Sasama ako sa iyo. Kung magreresign
ka, eh di aalis na rin ako. Kukuha na lang ako ng ibang kurso sa ibang
skul"
"NO! Don't do that! Mas lalong akong
magagalit!"
"Pero Kuya"
"Wala ng pero, pero Prince! Please.."
Hindi na rin nagsalita si Philip. Umalis na rin
kaming dalawa sa skul. Hindi na rin siya pumasok ng class niya sa hapon.
Ikinuwento ko rin kay mama ang balitang natanggap ko. Mabuti na lang at hindi
ako pinabayaan ni mama.
Umalis kami ni mama at prince. Nakipagkita kami
kay Jessica.
"Honey! I miss you so much!" sambit ni
Jessica at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya. Hinalikan niya ako sa bibig
at kitang-kita ko naman reaksyon ni Prince na parang masusuka. Kaya sinapak ko
siya sa ulo.
"Aray! Hmmmm. Sapakan marathon na!"
"I miss you too honey" matamlay kong
sagot
Tumingin ulit ako kay Prince at umakting ulit na
parang masusuka kaya lumanding ulit ang kamay ko sa ulo niya.
"Are you ready on Saturday honey?"
"Ah……"
"Honey? Ready ka na ba sa sabado?"
"Yes honey…"
"Oh, bakit parang ayaw mo"
"Hindi honey. Pagod lang ako"
Sinabi ko na rin kay Jessica na nagresign na ako
at ikinatuwa naman niya ngunit hindi ko na ikinuwento ang dahilan ng pagresign
ko. Mahirap na at baka magkaproblema pa. Pero kahit ganito, masakit pa rin sa
akin ang mga hakbang na ginagawa ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga
nangyari. Nagalala pa rin ako kay Philip. Wala na akong pakialam kung nawalan
ako ng trabaho, mas importante sa akin gang kalagayan ni Philip. Nasa ganoon
akong pag-iisip ng bigla namang nagsalita ulit si Jessica.
"Honey.. ano baa ng nangyayari? Parang wala
ka naman sa sarili eh"
"Wala hon, napagod lang talaga ako"
"Eh gusto mo, umuwi nalang tayo?"
"Ha?"
"PATRICK! Ano ba?!"
"Sorry Honey"
"Hay naku! Nakakainis naman. Pero okay lang,
na miss kita kasi eh!"
"Hon, pwede bang umuwi nalang tayo? Napagod
kasi ako"
"Gusto mo doon ka nalang sa hotel?"
"Ha? Sorry Hon walang kasama si mama at
Prince"
"Ganoon? Okay. By the way, naka ready na ang
lahat. Ipinadala ko na rin ang susuotin mo sa sabado."
"Okay…"
"Hmmmmmmmmmmm. Bahala ka na nga honey!"
Lumabas na kami sa restaurant at hinatid ko na
rin si Jessica. Gusto pa sana niyang doon na ako sa hotel pero mabuti nalang at
nakahanap ako ng alibi. Kaya pumara na kami ng taxi at umuwi na sa apartment.
"Hay naku Kuya! So YUCKY!"
Sinapak ko ulit si Prince
"KUYA NAMAN! Mama si Kuya hu. Ginagawa akong
punching bag!"
"Prince, maiba lang ako, bukas na ang
contest. Ready ka na ba?"
"Well, kahit ngayon pa!"
"Lakas ng loob mo tol!"
"Hindi k aba manonood Kuya?"
"Ano kaya sa tingin mo? Gusto mo bang masipa
pa ako doon?"
"Okay! But I'll assure you Kuya na mananalo
ako!"
"Mabuti naman! Siguraduhin mong hindi ka
papalpak sa interview!"
"Hahahaha! Given kaya lahat na
questions!"
Itutuloy…
bakit bglang naging BOBO si Pat? Imbis na harapin at lutasin,tinakasan? Halos mamatay na nga c Philip itutuloy pa din nya kasal? Now questionable na sa akin ang pagmamahal ni Pat kay Philip tsk! Kung mahal nya si Philip,kht anung gawin at sbhin ng chancellor hndi sya papa apekto at titigil,bagkus gagawa sya ng paraan dapat! What a coward action! Tsk.
ReplyDeleteSince Valentines ngayon. I'll be posting the rest of the chapters. Happy Heart's Day Everyone!
ReplyDeleteTo tzekaaaii.
ReplyDeleteKung marunong ka ring umintindi sa sitwasyon ni Sir Patrick, mailalagay mo rin sarili mo sa kanya. For me, it's not questionable. Unang una, it's his first time to indulge himself in a same-sex relationship na hindi pa masyadong accepted sa society kaya ganun.
Madali lang kasi nating sabihin ang mga bagay-bagay dahil wala tayo sa sitwasyon na 'yan. Pero sa totoo lang, mahirap 'yan.
tagal n pla tong story n ito tgal q kc ndi nakakadalaw s blog n ito bc s work,anyway thanks po for sharing your story nalibang ako at natuwa tlga q s mga rule ng major character......
ReplyDelete