Astig Kong Mahal |
Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 11)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mr. Silverio, where are you going?"
Hindi sumagot si Philip at patuloy lang siya sa
paglakad.
"Pat, sige na sundan mo na siya at kausapin
mo" utos ni Borj Araque
Dali-dali akong lumakad at hinabol si Philip.
Patuloy ko rin siyang tinatawag ngunit hindi siya humaharap at patuloy din siya
sa kanyang paglakad.
Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa
naabutan ko siya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinablot siya.
"Ano ba Sir! Bitawan mo nga ako!"
"Ano ba ang problem Mr. Silverio?"
"Hindi ba obvious?!"
"Kung ano man ang iniisip mo, mali
iyan"
"Oo nga. Tama ka nga. Mali nga ang lahat
kaya nga aayusin ko na ang bawat gusot na ginawa ko!"
"What do you mean?"
"Just leave me alone. Uuwi na ako sa
amin"
Hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong galit
nag alit si Philip. Pero bakit naman siya magagalit? Eh di ba siya nga itong
nagpapakita ng bagay na ikinaseselos ko. Hinayaan ko nalang siya ngunit sa
kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay nakita ko namang may 3 lalaking nakaabang
na parang nag-uusap at tinuturo siya. Inobserbahan ko lang silang 3 hanggang sa
malapit ng magtapat si Philip sa kanila ay bigla naman silang kinorner si
Philip.
Dali-dali akong tumakbo upang maabutan si Philip.
Nakita kong susuntukin na ng isang lalaki si Philip ng hinarap ko ang kanyang
kamao. Sapul ang ulo ko at maya't-maya ay nagsitakbuhan sila. Nakita rin nang
mge security guards ang nangyari kaya hinabol nila ito. Napahandusay ako sa
lupa. Namamaga ang aking mukha sa tinamong suntok ng lalaki.
"Paps!"
"Ok lang ako naks. Ikaw? Ok ka lang
ba?"
Sasagot pa sana si Philip ng nasa likuran na rin namin
si Borj.
"Pat. Okay ka lang ba?"
Tinulungan ako ni Borj sa pagtayo ngunit iniwan
kami ni Philip at bumalik nalang ulit sa loob ng skul.
Pagkatayo ko ay tumakbo na rin ako at hinabol si
Philip.
"Mr. Silverio. Please wait for me. I need to
talk to you" pasigaw kong tawag sa kanya habang hinihimas ang namamagang
mukha ko.
"Naks! Please magusap tayo."
"Ano pa ang pag-uusapan natin? Malinaw na
ang lahat sa akin Sir. Okay lang naman sana sa akin na hindi mo ako kayang
mahalin pero ang ipaglandrakan mo sa aking mukha ang pagmamabutihan niyo ng
ulol na iyon ay iba na ang kwentong iyon"
"Hindi mo ako naiintindihan naks."
"Please tama na ito. Sorry sa lahat na
ginawa ko. Mas mabuti na tapusin na natin ito. Alam kong kasalanan ko ang
lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako sa mga ginawang kagaguhan ko sa
iyo. Pero umaasa ako na sana balang araw ay matutunan mo rin akong
patawarin"
"Naks. Hindi sa ganyan. Ang gusto ko lang
kas…" naputol kong sambit ng biglang nagsalita ulit si Philip
"Sir. Starting today, please stop calling me
Naks"
"Pero.. Na…"
"I saide stop it!"
Umalis si Philip sa harapan ko at tinungo ang
parking area. Pumasok siya sa kotse. Hahabulin ko pa sana siya ngunit mabilis
niyang pinaandar ang kotse at umalis.
Umuwi rin ako ng bahay at baka sakaling doon siya
pupunta ngunit wala si Philip. Naghintay ako. Tinawagan ko siya ngunit hindi
siya sumasagot sa tawag ko. Tinatawagan ko siya hanggang sa hindi ko na siya
macontact.
Umupo ako sa sala at nag-isip kung ano ang
susunod na hakbang. Maya't-maya ay dumating si Prince.
"Kuya. What happened?"
"Ok na ako Prince. Walang problema.
Aksidente lang ito"
Lumapit sa akin si Prince at hinaplos niya ang
aking mukha. Tumayo siya at kumuha ng ice pack. Nilagay niya ito sa namamagang
pisngi ko. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng tinanong ko si Prince.
"Prince. May itatanong sana ako eh"
"Ano po iyon kuya? Tungkol ba kay
Philip?"
Sasagot na sana ako ng pinagpatuloy ni Prince ang
kanyang pagsasalita.
"Kuya, halatang-halata naman eh. Alam kong
mahal mo si Philip. Nagtataka nga ako bakit ka nagkaganyan"
"What do you mean?"
"Kuya naman. Huwag ka na ngang magdedeny pa
diyan. Sa umpisa pa lang na nakita ko kayo, alam ko na meron kayong
kaugnayan"
"Eh ikaw? Di mob a siya gusto?"
Hindi nakasagot si Prince ngunit kinukulit ko
siya para malaman ko rin ang kanyang saloobin.
"Prince. Please be honest with me. Gusto mob
a si Philip?"
Huminga ng malalim si Prince. Hinarap niya ako at
hinawak ang aking kamay.
"Kuya, huwag kang magagalit ha? Unang kita
ko pa lang kay Philip, alam kong mabuting tao siya. Hindi ko nga akalaing
ganito pero gusto ko siya."
Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi.
Nagulat din naman ako dahil alam kong lalaki si Prince at chickboy iyon. Ngunit
hindi ko naman kayang utusan ang kanyang sarili na pigilan kong saan siya
magiging masaya.
"Kelan ka pa naging ganyan Prince?"
"Ewan ko kuya pero masaya ako kapag kasama
ko si Philip. Mabuting tao si Philip kuya. Iyon nga lang, minsan naiinis ako
dahil palaging ikaw ang kanyang ikinukwento sa akin. Palagi siyang nagtatanong
tungkol sa iyo."
"Huh? Bakit naman?"
"Basta Kuya. Please huwag na nating
pag-usapan iyan"
"Kuya?"
"Ano iyon Prince?"
"Pwede po bang akin nalang si Philip?"
Tumingin ako sa mata ni Prince para malaman kung
totoo ng aba ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko lubos maisip at matangap ang
kanyang mga sambit dahil na rin ayaw kong mawala sa akin si Philip. Pero ano ng
aba ang magagawa ko? Mahal ko nga si Philip pero wala naman akong lakas na loob
upang upagmalaki ang ganitong uri ng relasyon.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Prince?"
Nginitian lang ako ni Prince habang patuloy pa
rin niya akong ginagamot gamit ng yelo. Maya't-maya ay nagsalita na rin siya.
"Kuya, bakit ang daming bandaid sa leeg mo?
Hanggang dito baa ng mga tinamo mong sugat?"
Sasagot pa sana ako ng bigla naman niyang kinuha
ang isang bandaid sa kaliwang bahagi ng leeg ko.
"Aray! Shit naman Prince hu!"
"Ay. Sorry Kuya. WOoooooooooo! Parang hindi
naman ito gawa sa suntok Kuya ah!"
Tumayo ako sa kauupo at umalis papalayo
sa kanya. Hawak-hawak ko na rin ang yelo na dinidiin sa aking pisngi.
"Mind your own business
Prince!"
"Hahahaha! Kuya ha! Alam ko kung ano
iyan. Markang romansa iyan no?"
"Ulol!"
Nilapitan ko siya at sinapak sa ulo!
"Aray! Kuya naman eh!
"Pasensya na Prince pero sa totoo
lang na miss kita talaga bunso"
Habang kinukulit ko si Prince at ginugulo
ang kanyang buhok ay bigla naman niyang kinuha ang isa pang bandaid sa kanang
bahagi ng leeg ko.
"Shit! Nakakaintindi k aba ng sakit
Prince?"
"Woooooooooooooooooo! Another one!
Ay sobra naman yata ang pagkakagawa. Isa, dalawa, tatlo, apat, Kuya ang dami!
Don't tell me lahat na natatabunan ng bandaid na iyan ay may markang
romansa?!"
Sinapak ko ulit si Prince sa sobrang inis
dahil sa kanyang kakulitan. Isa pa medyo nahiya na rin ako sa mga natuklasan
niya.
"Kuya ha! Sino ang may gawa niyan?
Hahaha! Siguro kung sino man ang gumawa niyan alam kong maalab na maalab ang
moment ninyong dalawa"
"So what? Ano baa ng.." naputol
kong sambit ng biglang may pumasok sa apartment.
"HELLO!" si Philip
"Bro! Saan ka ng galing? Nag-alala
agad ako kasi iniwan mo ako kanina. Musta ka? Nasaktan ka ba? Kasi sinabi ni
Sir Araque na muntik na ka na raw suntukin ng mga palaboy sa labas. Mabuti na
lang at nandyan si Kuya. To the rescue ang DRAMA"
Lumanding agad ang kamay ko sa ulon ni
Prince.
"Aray naman Kuya! Hindi ka pa ba quota niyan? Ang sakit na
kaya!"
"Iyan kasi ang mga dapat na
maranasan ng mga taong suwail at pakilamero!"
"Talaga? Hmmmmmmm"
"Bakit?"
"Bro, lumapit ka nga dito. May
sasabihin lang ako sa iyo"
Tiningnan ko si Prince at parang naamoy
ko na ang kanyang balak. Lumapit rin si Philip sa tabi ni Prince ng biglang
ininspect niya ang leeg ni Philip.
"AHA!" sigaw ni Prince
"Bakit?" sabay na sambit namin
ni Philip
Hindi na sumagot si Prince at kinuha niya
ang isang bandaid sa likurang bahagi ng leeg ni Philip.
"Damn! Ano ba trip mo Bro?"
"WOooooooooooo! Don't tell me…."
Naputol na sambit ni Prince ng bigla ko namang ipinasok ang hawak-hawak na yelo
sa bibig niya.
"Bwaaaaaaaaaaa! Kuya ano ba!"
"Medyo mainit na kasi ang bibig mo
parang umuusok sa init kaya nilagyan ko na ng yelo. Tara Philip bili tayo ng
makakain para sa panghapunan" sambit ko sabay hatak kay Philip.
Hindi ko alam kong bakit bigla-bigla na
lang napalitan ang galit ko kanina sa inasal ni Philip ng kasiyahan. Hindi na
rin umimik si Philip at sumabas sa akin palabas. Pero alam ko naman na hindi
magpapatalo si Prince at hinabol rin kami sa labas. Nagulat na lang ako ng
biglang sumingit si Prince sa gitna namin at inakbayan kaming dalawa.
"Excuse me. Hehehehe! Umamin nga
kayong dalawa. Kayo ba?"
Nagtinginan kami ni Philip na parang
nangungusap ang aming mga mata. Humahanap ang bawat isa sa amin ng maisasagot.
"Oo!" sagot ko
"Hindi!" sagot naman ni Philip
"Ay! Ano ba iyan! Busted ka
kuya?"
Huminto ako sa paglalakad dahil sa
nangyari. Humarap din si Philip at Prince sa akin.
"Joke! Syempre naman!" sambit
ni Philip
"Hay naku! Parang nagseselos naman
ako niyan" si Prince
Ngumiti ako dahil na remedyuhan naman ni
Philip ang kanyang sinabi kanina.
"Talaga Phi.." naputol kong
sambit
"Ehem! Ganyan ba ang tawagan natin
Paps?"
"Ay sorry! Oo Naks!"
"Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Paps at
Naks? Ang dami namang endearment diyan eh bakit iyan pa ang tawagan niyo?"
Ano ba ang significance niyan?"
Tumingin sa akin si Philip na parang
humihingi ng basbas ngunit umiling lang ako dahil hindi pa ako handa sa mga
bagay na maaring matuklasan ni Prince. Alam ko namang hindi bobo si Prince para
hindi niya malaman ito. Syempre ano ba naman ang palaging ginagawa ng magjowa?
Iyon nga lang, sa sobrang alab ng aming pagtatalik ay sa hindi tamang lugar pa
nangyayari.
"Wala lang. Kasi siyempre Paps for
papa ko siya at Naks for Anak niya ako"
"Oh WOW! Kelan pa naging kayo? HOY
Kuya ha! Hindi ko akalaing isa ka palang agila!"
Sinapak ko ulit si Prince at kinurot
naman siya ni Philip.
"Kuya sobra ka na! Alam kong quota
ka na, kanina pa. Pero okay lang naman na kurutin mo ako Philip. Nakakaisa ka
pa lang at isa pa handa akong masaktan, mapasaya ka lang"
Tumawa ng malakas si Philip dahil sa
sinabi ni Prince.
"Makatang-makata ang dating mo
BUNSO! Pero pasensya ka na ha. Akin na kasi si Naks eh"
Humarap sa akin si Philip at nakita ko na
parang namumula siya. Namumuo rin ang luha sa kanyang mata. Siguro dahil masaya
siya sa mga sinabi ko.
"Talaga paps? Mahal mo na ako?"
"Aaminin ko na sa iyo Naks. OO!
Mahal kita kaya nga medyo nagseselos ako sa inyong dalawa ni bunso dahil parang
AAGAWIN ka pa niya sa akin eh!"
Tumawa naman ng malakas si Prince dahil
sa mga sinabi ko. Maya't-maya ay bigla silang nag-apir.
"See! Sabi ko na sa iyo Bro. Lahat
na mga plano ko ay nagkakaroon talaga ng magandang resulta!"
Naguluhan naman ako sa sinabi ni Prince
kay Philip. Ano ba ang plano niya at bakit parang masayang-masaya silang
dalawa.
"Aha! Siguro nagkuntsaba kayong
dalawa para lang mapaamin niyo ako noh?"
"Kuya nga kita! Alam mo naman lahat
na kabalastugan ko pero hindi ka pa rin nadadala!"
Sasapakin ko pa sana si Prince ng biglang
tumakbo siya papalayo sa amin.
"Bleeeeeeeeeeeeeee! NAKS at PAPS!
WOW! Hahahahaha"
Itutuloy...
hehehe ang galing naman ng story na toh..
ReplyDeleteThank you for reading po. I'll be posting the remaining chapters starting tomorrow til Feb. 16. Thanks ulit. :-) Peace!
DeleteAno ba yan parang mga kalog pero ang ganda ng kilig moments! Mag.open na kaya sila sa public? Paano si chancellor? Tanggal sa trabaho si paps kaya?
ReplyDeleteHay abangan!
Maramin pa ang aabangan sa mga huling chapters. Thank you for reading the story po. :-) Peace!
DeleteSana hapi ending Mr. Author. Yong unexpected twist naman tapos yong hindi bitin ang arrhve at sana may epilogue para malalamanpa namin ang mga susunod na mga pangyayari. Haha demanding naman ako but why not?
Deletehow about the note on the wall author?kelan po update??
Deletehow about note on the wall?kealn ang update??ganda din kasi ng story nun eh.plsssss author
ReplyDeletehow about note on the wall??kelan po ang update???ganda din kasi ng story nun eh plssssssss author
ReplyDeletei love it! Pat and Philip forever! :'>
ReplyDeleteAng cute talaga ng story nina naks at paps. Hindi nko makawait sa nxt chapter. Thanks
ReplyDeleteRandz of QC
Wow kinilig naman ako dun...next chapter pls..
ReplyDeletehehehe..kakilig din pti pan naman ako ni paps at naks e..hehe..
ReplyDeleteBet na bet ko tong chapter na to...nakikilig at light lang ang story...buti naman at umamin na rin si Patrick kay Philip..next na po..
ReplyDeleteThis story always put a smile on my face..
ReplyDeleteMr. Author matanong lang kita... nakatawa ka ba habang nagsusulat nito ahahha :D