Followers

Friday, February 22, 2013

A Dilemma of Love: Chapter 14



“PA, ANONG INIISIP NIYO? IPAGKASUNDO AKO SA TAONG HINDI KO PA NAMEET, AT KUNG NAMEET KO MAN, HINDI KO MATANDAAN?!!!”
Biglang umihip ang malakas ng hanging may dalang kilabot na galing sa labas. Parang may kasabay na babaeng lulutang-lutang sa hangin.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang nag-aalala.
Biglang sumindi ang ilaw sa kusinang hindi naman namin binuksan. Nagpatay sindi ito, kasabay ng pagtayo ng mga balahibong bumabalot sa katawan ko.
Nanatili lang na nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya.
Biglang sumara ang mga pinto sa kusina, kasabay ng pagbabgong-anyo ng mga dingding at tila naging nag-aapoy na rehas. Saka tumugtog ang nakapaghihilakbot na tutugtugin mula sa isang organ.
...Pero exaggeration lang ang mga iyan...
“Oh, relax lang, masyado kang hot. Sabi ko na nga ba eh, kaya nag-aalangan akong sabihin sa’yo eh...”
“Pa, seryoso ka ba?”
“Of course, well, you know, lagi akong seryoso pagdating sa ...” Natigilan. Tinitigan lang niya ang nalilito kong mga mata. “...well, I mean, I’m just safeguarding your future. I mean, bakit hindi nating isipin na kung mag-aasawa ka, bakit hindi na doon sa alam nating bigatin, at makakatulong pa sa atin...”
Nailapag ko na lang ang baso sa  counter at inilupaypay ang katawan ko.
“Teka, bakit grabe ka naman makakontra. Ano naman problema kung ipagkakasundo kita sa babae? Eh kung sino-sino naman babae ang pinapatos mo, basta maganda...”
Bigla ko uling kinuha ang baso na nasa mesa. Fuck. Napunta na naman sa ganito ang usapan. At higit sa lahat tatay ko pa ang kausap ko.
Eh ano nga naman ang problema ko? Eh kailangan ko pa bang sabihin kung ano? Halata naman eh...
Teka, hindi kailangang mahalata ni Papa.
Lumapit ako sa kanya at inilagay sa bibig ang kamay para kunwari ay bumulong. “Maganda at  hot ba si Mylene?”
Kinagat ni Papa ang labi niya at umarteng parang nasa langit. “Panalo...sobra, sobra sa sobra.”
Busit.
“Edi kailangan ko mas lalo ko siyang makita!!!” ang kunwari’y natutuwa kong sagot. Putek!
Saka ngumiti si Papa ng sobrang laki, parang nasa langit, kasama ng pagsabi ng pigil ng “Yes!”
Pero bakit nga ba hindi ako makipagkita...
“Kailangan ko pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na...”
O sige na, kahit na wala namang connect ‘yung sumagi sa isip ko, kailangan ko pa ring isipin si Chong!
“Pero Pa, hindi ba parang ang bilis naman...?” Biglang naglie-low ang sigla ko.
Tinitigan lang niya akong parang nanibago sa akin. “Anak, kailan ka pa nagkaroon ng konseptong bilis at bagal pagdating sa mga babae. Diba kapag may maganda at sexy, sunggab kaagad...” Idinemo pa niya ‘yung kurba ng babae sa dalawa niyang kamay.
“Eh iba naman ‘to Pa, eh. Kasal na ‘to, pangmatagalan na...” Angal ko sa kanya.
“Fonse, hindi pa kayo ikakasal kaagad. Magiging girlfriend mo muna siya, then ie-engage kayo, then kasal...”
Oo nga pala. Shet!
“Ah...” Nalilito kong sagot. Eh ano pa bang ilulusot ko.Tae naman.
“Oh, edi bale, bukas makikipagkita tayo kay Mr. Chua ah. Gabi naman namin iseset ‘yun, kaya makakasama ka. Oh tulog na, at maaga pa ang pasok mo bukas...”
Ayun oh, BINGO!!!
“Eh dad, paano naman ‘yung pag-aaral ko...” Natigil siya sa paglalakad.
Bingo talaga. “Paano naman ‘yung pangarap kong maging engineer?”
Lumingon siya. “Anak, magiging girlfriend mo pa lang siya, hindi magiging asawa. Makakapag-aral ka pa naman.”
“Pero, Pa, what I mean is, paano ko hahatiin ‘yung oras ko sa dalawang bagay na parehong kumakain ng oras.”
“Fonse, kung pagtutuunan mo ng pansin si Mylene, hindi mo na kailangan pang seryosohin ang pag-aaral...”
“Pero Pa, may pangarap ako...” Tinitigan ko lang siya. Tinitigan ng may pag-aaalala sa mata.
Natigilan siya. Saka ako nilingon ng dahan-dahan. Tiningnan akong gulat, na parang may ningning at awa sa mata. Na parang naranasan at naramdaman na niya ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
“Pa, okay lang naman sa akin na ipagkasundo niyo ako sa ‘Mylene?’. Pero tingnan niyo po si Fred. Si Fred may girlfriend, at tingnan niyo ‘yung nangyayari sa kanya. Minsan muntik sa siyang bumabagsak. Hindi niya mapagsabay ‘yung dalawa. Okay lang naman po ‘yung plano niyo, pero sana po kapag handa na ako. Kapag tapos na ako sa pangarap kong maging engineer...”
Natigilan siya. Matatag na tumayo sa papalabas ng kusina. Ngunit unti-unting lumapit sa akin. At tiningnan ako ng may awa.
“Naintindihan ko. Naintindihan ko.” Saka ako tinapik ng dahan-dahan sa likod. “Pasensiya na’t nakalimutan ko....” Saka siya tumalikod at lumabas sa kusina.
At tuluyan na siyang nakalayo.
“YES!!!” ang pigil kong pagsigaw. May kasama pang pagbatak pababa ng braso kong nakaflex at ng clench fist ko. Yes!!! Nakalusot ako. Ang dali talagang lumusot, ilang dahilan lang na medyo pagsisinungaling, ayos na!
Pero teka, hindi naman ako nagsinungaling ah. Meron naman talaga, may pangarap naman talaga ako...
...Pangarap kong makasama si Chong ngayon katulad ng kanina, haaaayyyy.....
“Okay, tapos na ‘yung sayaw...”
SINABING TAMA NA E!!!!
--------------------------------------------------------------------------------------
“Oh Fonse, DOTA tayo...”
“Kailangan ko pa bang sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga unggoy...”
“Unggoy...”
“Uy, Fonse, anong sinasabi mo...”
“Gago! Not to close, sayaw ‘tong ginagawa natin, hindi porn!”
“...Porn...”
“Tarantado ka Fonse, sino na namang babae ang tinira mo’t nabangag ka!”
“HA?” Bigla akong natauhan. Hindi ko namalayan na nakaakbay na pala sa akin si Brix. At para akong bibe na naglalakad sa buwan dahil sa sobrang bagal ko na para kong ninanamnam ang bawat hakbang ko.
Teka, wala ba si Chong, kinakausap niya ako eh,” ang sabi ko sarili ko habang lumilinga.
“UY, FONSE!!!”
“Oh, bakit?”
“Sabi ko sino na namang babae ang nabola mo?”
“Ah...Ah. Wala, napuyat lang ako sa laro....” Hinimas ko ang noo ko. Kailangan kong mahimasmasan. Mas matindi pa yata ang epekto ni Chong sa akin kesa sa kahit anong prohibited drugs.
“Laro...” saka siya umaktong alam niyang nagsisinungaling ako. “...baka ang sabihin mo nasobrahan ka sa PORN...” Talagang madiin niyang ibinigkas ‘yung porn. Napatingin tuloy sa amin ‘yung babaeng dumaan.
Pero hindi ko na lang siya pinansin. Tumanga na lang ako sa alapaap at naglakad ng mabagal habang nakalagay sa bulsa ko ang dalawa kong kamay. Inalala ko na lang lahat ng mga nangyari sa amin ni Chong, ang paghaplos namin sa isa’t isa, ang pagdikit ng aming mga balat, at ang pagsalo ng aming la...
“FONSE, DOTA NA!!!” binulyawan na niya ako sa tenga.
“Ha?”
“Taydana, nagdrugs ka ‘no...”
“Hindi nga...”
“Oh, edi mag-DOTA na tayo...”
Tumigil ako sa paglalakad. Padabog na tumigil. Taydana. Busit. Ngayon ko na nga lang naranasan na mag-daydream, tapos hindi pa ako lubayan ng bangag na ‘to! TIPAKLONG!!!
“Dali na, naghihintay sina Lem at Fred ‘no...”
Bigla akong nagising. Fred. Puta, andiyan pala siya. Bigla ko siyang nilingon sa likuran...
...At nakita ko siyang nakatingin sa akin ng masama habang nakayakap ang mga braso niya sa kanya. Bigla niyang iniwas ang tingin niya ng makita ko siya, pero iniwas niya iyon ng may pagdadabog, pagdadabog na nawawalan na siya ng pasensiya...
...Mukhang namumuro na ako sa kanya. At mukhang namumuro sa siya sa akin sa dami ng nalalaman tungkol sa amin ni Chong...
Biglang lumaki ang singkit kong mga mata habang tinitingnan ang oras sa relo ko. “Teka, hindi kayo papasok ng Philosophy?”
“Tsk, wala namang gagawin doon, next meeting na lang tayo pumasok. Makibalita na lang tayo...”
Napakamot ako ng ulo. “Bro, sorry, papasok ako ng Philosophy...eh.” nag-aalangan kong sagot sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kakagat lang siya sa ganoon. Baka mamaya manghingi pa siya ng dahilan. At patay na naman ko kung ganoon.
“Taydana, Fonse, kailan ka pa naging ganyan? Ang sama ng drugs na tinira mo...”
Ngumiti na lang ako. Ngumiti ng pilit.
“O, aakyat na ako. Balitaan niyo na lang ako kung sinong panalo, at kung may naka-initan...” Tinapik ko siya sa balikat. Parang pagpapa-alam na rin.
Tiningnan lang niya akong nakatanga. Saka niya kinamot ang ulo niya, at tumingin kina Lem. Itinaas lang ni Lem ang balikat niya. Habang si Fred naman ay hindi nakatingin sa amin.
Mukhang magbabago na nga ang takbo ng mundo ko. Maraming maninibago sa akin, pero siguro mas madalas na maninibago ako sa sarili ko. Maraming pagbabago, sa ibang tao, sa paligid, sa sarili ko...
...edi magbago ang dapat magbago...
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan, ninanamnam ko bawat hakbang sa nakatiles na hakbang. Daydream. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin lahat ng nangyari sa pagpapraktice namin ng sayaw ni Chong. Tipaklong! Kahapon pa ‘yun, bakit hindi ko makalimutan...
...saka ko hihimasin ang ulong kong nauntog kahapon...
Hindi na rin naman masakit ang ulo ko. Hindi naman ganoon kataas ‘yung kinauntugan ko eh. Pero hindi ko alam, sa tuwing maaalala ko na muntik ng magdikit ang labi namin, tuwing maaalala kong inihulog niya ako at nauntog ako, mapapangiti na lang ako. Hindi man ganoon kasweet ‘yung alaala, actually masakit pa nga eh,  pero ang sarap alalahanin. Isang alaalang masarap ngitian.
...at bigla na lang akong mapapangiti...
Ganito ba talaga ‘yun. ‘Yung kahit masakit ‘yung naidulot sa’yo ng experience, basta naranasan mo kasama ng ma...ng karelas...’yung nga...ng karelasyon mo...bakit parang nagiging matamis na alaala. Hindi pa sex ‘tong pinagdaanan namin pero ganito na. Eto rin ba ‘yung nararanasan ng maraming naghahabol sa mga dati nilang karelasyon, kahit na paulit-ulit na silang nasasaktan. Nagmamahal ba talaga sila, o masokista lang talaga sila.
Teka, masokista na rin ba ako...
Ah basta! Ang importante, masaya ako ngayon...
Nahinto ako sa paglalakad. Nasa harap na pala ako ng classroom namin...sa classroom kung saan makikita ko na naman si Chong! YAHOO!!!
Kaya hindi ako sumama sa pagdo-DOTA nila Fred eh dahil kaklase ko rin si Chong sa Philosophy. Hindi pa ba sapat na reason ‘yan! Kung hindi pa, malay ko na lang kung anong reason ang sapat!
...At diyos ng mga diyos, mukhang sapat na nga ang dahilan ko, dahil naroon na si Chong sa loob ng classroom...
Dali-dali akong pumasok sa loob. Wala akong paki maski na hinahambalos ako ng malamig na hangin mula sa aircon o kung pinagtitinginan na ako ng mga sasampung estudyanteng nasa loob din ng kwarto. Basta kailangan kong makapasok at makasama si Chong!!!
“Oh, pre...” sabay abot ng kamay pa sa handshake.
Hindi ko pinansin. Inabot ko na lang ang kamay ko pero nakatingin lang ako kay Chong.
“Hello, Fonse...” bati ng mga parang nagpapacute na babae.
Hindi ko pinansin. Itinaas ko lang ang kamay ko pero nakatingin lang ako kay Chong.
“ Oh bro, kamusta?” sabay akbay sa akin.
Hindi ko pinansin. Hinayaan ko lang siyang akbayan ako pero nakatingin lang ako kay Chong.
“Oh, karelasyon kong CHRIS, kamusta na...” ang bulong ko kay Chong na nagsusulat.
Hindi ako pinansin. ‘Yun, wala siyang ginawa. Walang taas ng ulo, walang kibo, wala.
Nanatili lang ako nakatingin kay Chong, nakatinging napahiya.
Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako. Pumasok ang isang lalaking kalbo na may konting katabaan at may dalang leather bag na pormang attache case. May itsura din, mukhang Amerikano, parang Espanyol, pwera lang sa built, pero tinatago ‘yun ng mukha niyang halatang stressed. Mas dark pa sa kayumanggi ang balat niya. At kahit na ganoon ang kulay niya, pinili pa rin niyang magsuot ng kulay violet na polo.
“Okay, class, let’s pray...”
Ang prof namin sa Philosophy. Si Sir Arroceros.
Actually cool ang taong ito. Masaya ang philosophy class namin dahil sa kanya. Joker eh. Hindi ‘yung joker na tipong mambabatok, mamamalo ng diyaryo, at kung ano-ano pa na katulad ng mga palabas sa T.V. Joker siya dahil witty siya. Tawa kami ng tawa kapag nagdidiscuss na siya. Inggit nga sa amin ang ibang sections dahil ang saya ng philosophy class namin. ‘Yung sa iba kasi, puro Powerpoint, wala ng discuss, wala ng hearing, puro tulog na lang. Actually, hindi namin inakala na ganoon ka cool ang prof na iyon, pagkapasok kasi niya sa classroom, ‘yung seryoso niyang mukha ang bumungad sa amin. Medyo maingay rin kasi nung pumasok siya sa classroom. Pero pagkatayo niya, joke kaagad ang ibinungad niya...
“..ANG LATANG MAINGAY, MALAMANG WALANG LAMAN...”
Ang witty ‘no. Saya. Napakasaya. Napakasayang klase.
Kaya wala kaming magawa kundi manahimik. Manahimik sa buong period niya. Manahimik lang talaga. Hindi pwedeng matulog, kundi kakausapin ka niya. Hindi rin pwedeng magsalita, kundi kakausapin ka rin niya, syempre pwera na lang kung recitation, o kung may tinatanong siya, o kung gusto ka niyang kausapin...
...At madalas, babae ang gusto niyang kausap. Alam niyo na, eh sino ba namang babae ang maattract sa isang masungit na lalaking katulad niya. Kaya ayun, sa mga babaeng estudyante bumabawi...
“We will just continue the group activity na hindi natapos noong nakaraang meeting. I believe may dalawang grupo na lang na hingi naiprepresent ang group reflections nila. Tama ba?”
Tumanga lang siya. Walang nagtangkang sumagot.
“I’m asking you class, dalawang grupo na lang ba ang natira?”
“Yes, sir...” Pabibo kong sagot. Saka ako tumingin kay Chong, nakasalumbaba lang siyang kumukurap ng dahan-dahan, na katulad ng dati niyang ginagawa.
Saka kinuha ni Sir ang mga yellow paper na may listahan ng mga grupo namin. Wala man lang thank you. “Okay, so, I believe, Amon’s group will be the next to present...”
Wala na naman akong gagawin ngayon kundi sumalungbaba, o tumingin kay Chong. Dalawang araw pa lang yata akong may ginawang iba eh, noong first day ng klase, bago pumasok si Sir, at nung last meeting, nung ako ang napiling magsalita at magpresent ng group reflection namin...
“Oh, alam mo na ba ang sasabihin mo sa harap...” sabi ng kagroup kong hindi ko naman talaga kilala at masyadong close. Si Sir kasi ang pumili ng mga kagroup namin. At katulad ng dati, mapaglaro at K.J. talaga ang tadhana, maski si Sir Arroceros, hindi kami naging magkagroup ni Chong.
“Oh, syempre naman, ako pa...Wala kang tiwala sa akin eh...”
“Oh sige nga, what’s something about death that makes it something undesirable for us?”
“Oh, magandang tanong iyan...sandali...nasa reflection ba natin ‘yan?” saka ko flinip ang ten page reflection na ipapasa namin.
“Why is death so life changing? Natatapos ba lahat sa kamatayan?” ang sabi niyang nakataas ang kilay.
“...Ah...” Natameme ako. Nabakas naman sa mukha niya ang pag-aalala.
Oh sige na, pinili ko ang sarili ko. Pinili ko ang sariling kong magsalita magpresent sa harap.
May anim na grupo lang sa klase namin. At bawat grupo pinapili ni Sir sa anim na topic: Death, Faith or Religiosity, Power, Humanity, Destiny...
...at LOVE...pero DEATH ang pinili ng mga kagrupo ko...
“So, Alfonse.” Kinamot ni Sir ang ulo niya, “dahil sa binasa mo lang naman sa harapan namin ang 10-page reflection ng grupo mo, na duda akong wala ka namang kinalaman, could you please explain to us your TOPIC, and your stand about it...”
Boplaks. Uulitin ko na naman. Umubo ako para tanggalin ang kung ano mang bara sa lalamunan ko. Atsaka ako ulit naghanap ng sagot sa 10-page reflection namin...
“...ng walang hawak na 10-page reflection sa kamay mo...” habol ni Sir Arroceros.
Wasak.
Kung LOVE ba naman ang pinili nila edi sana hindi ako nagkakaganito...
Pinaupo na lang ako, at ‘yung mga kagrupo ko na lang ang nagexplain. And all the while na nasa harap ako at tinitingnan ko si Chong, wala siyang ginawa kundi tawanan ako ng pigil. Sweet.
“Wait, can you please repeat that. Did you just say na nature talaga ng mga TAO, nating mga TAO, ang pumatay? Did you just say that! Can you just please expound more about that...” ang sabi niyang sarkastiko. Parang sinasabi niyang mali sila Amon, pero parang sinasabi rin niya tama ang mga ito. Hindi ko nga lang alam kung sa opinyon sila tumama o sa pader.
Actually, hindi ko rin maintindihan si Sir eh. Syempre, hindi-hindi ka makakapasa ng Philosophy hangga’t hindi mo kilala si Socrates. At sabi niya sa amin noong unang araw, wala daw tala ng mga teaching ni Socrates. Naniniwala daw kasi ito na ang tunay na karunungan ay hindi daw dapat na isinusulat. Dapat nanggaling daw mismo sa may alam nito at isinasabuhay. Basta ganyang sense. Pero heto kami ngayon, at libo-libo at milyon-milyong tao sa buong mundo na pinag-aaralan ang mga KARUNUNGAN ni Socrates at ng iba pang pilosopo. Pero sa tingin ko may tama nga si Socrates. Hindi tama sa pader, tama sa opinyon. Tingnan mo na lang, ilang quotes na ba ang naipost mo sa Facebook mo? Sa Twitter? Sa Instagram, habang nakasulat pa sa Red Ribbon cake? At ilan sa mga quote na iyon ang naalala mo ba hanggang ngayon? Lima? Apat? Countdown? Isa? Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay mas mabaho pa sa malansang isada? Siguro nga, ‘yung motto mo sa buhay. Pero naisasabuhay mo ba iyon? Nagagawa mong magsalita ng walang halong Tag-lish?
“Just sit Amon. You’re almost there na eh. You’ve got the point already. Listen, Amon was right, nature talaga nating mga tao ang pumatay.” Ang sabi niyang kumikinang ang mga mata.
Medyo umingay ang classroom, parang maraming nagdisagree. Lalo na sa mga babae. Tiningnan ko si Chong, hindi na siya nakasalumbaba ngayon. Nakangiti na siya. Nakangiti habang tinitingnan si Sir.
Mukhang nagtama ang paniniwala ng dalawang ‘to. Parehas na weirdo...
...Pero ma...mah...maha...Putik! Hindi ko pa rin masabi!!!
“Look, it has been proven na nanggaling tayo sa mga hayop right, at nature ng mga hayop na umatake at pumatay, lalo na kung threatened sila. In its most basic sense, ‘yung ang essence ng mundo, survival of the fittest, if you’re threatened by someone, slap his ass off.”
Lalong umingay ang classroom.
“But do you think Sir, na we are bound to follow what are nature really is, even though how stinky are nature is?”
Natahimik ang klase. Napalingon sa kung sinong sumagot kay Sir. At syempre, wala ng iba kundi si Chong.
“Yes, well, in most cases...”
“But Sir, what if you’re designed to be a feces eater, would you follow that nature of yours?”
Nabakas sa mukha ni Sir ang pagkapahiya. May mga pigil na pagtawa. Pero tumingin lang ako kay Chong.
“Well, actually, I have the same thoughts as yours. What I’m just trying to say was, minsan, we just can’t let our NATURE rule over us, lalo na kung hindi appropriate, at may mga masasaktan. I agree with you na one of this world essence was to outdone others. To survive. To survive against the attacks of others. But that was the way of the animals, and we are above animals. Killing members of our own specie was not the only way for us to survive in this world.”
Biglang nagningning ang mata ni Sir. Hindi ningning sa mata ng kontrabida, ningning na parang may nakita siyang kayamanan.
At saka siya pumalakpak. Dahan-dahan. Hanggang bumilis. Hanggang sa buong klase na ang pumapalakpak.
Hindi ako pumalakpak. Tiningnan ko lang si Chong, tiningnan ng nakangiti...
...Pero bigla siyang tumingin sa akin, at ipinakita ang kanyang mga nakakuyom na ngipin na parang sasagpang ng tao.
“Well, done. Well done. Akala ko, ako na lang ang nag-iisip sa kwarto ito.My goodness. Okay...Okay, class, I hope the next group will give us a discussion more juicy than this, okay. So where’s the other group.
Bigla akong napatingin kay Sir. Naalala kong sila Alfred pala ‘yung panghuling grupo, kaso mas pinili nilang mag-DO...
“Sir!!!” Sigaw ng pamilyar na boses. Si Fred. Saka siya pumunta sa harap.
Bigla akong napatingin sa kanya. At tumingin siya sa akin. Tiningnan niya ako ng mula sa ibaba ng kanyang mata, tiningnan niya ako ng pagkaliit-liit, ng may ngiting parang nang-iinsulto...
...Ano na namang tinira ng taong ito?...
“Okay, so I think kayo ‘yung pumili sa love, right?”
“Yes, Sir...”
“Then, start...”
“Ah, okay, katulad nga ng sinabi ni Sir, kami ang pumili sa topic na Love, at...” Huminga siya ng malalim. “Dahil sa malawak ‘yung topic katulad ng sa iba, pinili naming magreflect tungkol sa natural complementarities ng man at woman...”
Huh? Natural complementarities?
“Well, seems odd. I thought you would be talking about our everlasting notion about love, or what if love given is not returned. Why would you be talking about an already established notion?”
“Ah, sir, we just thought that THIS ‘already established notion’ na sinasabi niyo, eh hindi naman po talaga ‘established notion’. Marami pa ring hindi alam ang mga natural complementarities na ito. Oh kung alam man nila, mukhang nalilihis sila ng landas...” saka siya tumingin sa akin ng patagilid.
“Oh, okay, then start...”
“Okay, so, we are the final group, and we are going to present th...”
“...Start...”
Biglang nahinto si Fred at napatingin kay Sir. “Ah, so all of us know that God created a MAN and a WOMAN to be each other’s companion right. And also, only a man and a woman, and only a man and a woman can be attracted to each other, and only a MAN and a WOMAN can fall in love with each other...”
Teka, bakit puro MAN at WOMAN ang ipinagdidiinan ng taong ito? Mukhang may tinira si Fred, eh alam naman ng lahat ng tao ‘yan eh, bakit kailangan pang ulitin ng ulitin?
 “At katulad ng sinabi ni Sir kanina, na though we are higher form them, we are still animals, and we tend to behave like animals, and of the “tasks” or nature of the animals is to reproduce, so they can somehow fulfill their instinct to survive. As we all know, reproduction can only occur from the union of a MAN and a WOMAN...”
“Don’t you think those were already established and well-known facts?” putol ni Sir Arroceros.
Biglang nairita si Fred, kinagat ang labi niya at muling ngumiti, “Sir, we need these ‘established’ facts to establish our stand...”
Natameme si Sir. “Okay...”
“So there, let’s simplify what we are pointing by using metaphors, okay. Hindi natin mabubuksan ang isang padlock by using another padlock, that’s non-sense, purong non-sense. Also using another key to another key would make them nothing but useless...” saka tumingin si Fred kay Sir. Pero tiningnan lang siya nitong hindi interesado.
Teka, may pinupunto ang taong ito...sandali...
“Walang mangyayari kung isasaksak mo ang isang casette tape sa isang CD player. That won’t do, wala. Walang mangyayari dahil hindi naman ginawa ang CD player para sa casette tape, at hindi para sa casette tape ang CD player. Kung may mangyayari man, that would be destruction...” saka siya tumingin sa akin, tumingin ng isa, dalawa, tatlong segundo.
Mukhang alam ko na kung bakit niya ginagawa ‘to. Putang-ina! Alam na niya!!!
“At last example, kailanman, at kahit kailan, hindi mag-aattract ang north pole ng isang magnet sa north pole ng isang magnet. Hindi, hindi...” saka siya umiling. “Pwede mong ipilit silang mag-attract, pero in the end...” Tumingin si Fred kay Chong, malamlam na tingin sa singkit niyang mga mata, tingin na may kasamang ngiti.
“...maghihiwalay din sila...”
Tumingin ako kay Chong. Nanatili siyang kalmado. Unti-unting sumandal sa kanyang upuan at inilagay ang kanyang mga braso sa kanyang harapan. Saka siya kumurap, kumurap ng dahan-dahan. At dahan-dahan ring tinginan si Fred ng matalas.
Katahimikan.
“And then...”
Natauhan si Fred. Maski ako. Nagsalita na pala si Sir.
“That would be all, sir...”
Biglang umasim ang mukha ni Sir. “That’s it...are you sure?”
“Yes, definitely...”
Lalong umasim ang mukha ni Sir. “My God! Sit!” Nabiglang bumalik si Fred sa upuan niya. “Dont’ you realized what you have done is just like reciting the Philippine preamble, that you don’t understand, in front of people, who also knows the Philippine preamble but don’t understand it! Goodness, para mo na ring pinatunayang nararapat kang tawaging tao kahit na halata ka naman tao...”
Bigalang umingay ang klase dahil sa pigil na pagtawa.
“Okay class, I was dissapointed. And ganda na ng discussion nating kanina eh!!!”
Pero wala akong paki. Nakatingin pa rin ako kay Chong, nakatinging tulala sa kanya. Hindi ko rin alam ang kung anong dapat kong maramdaman, at kung ano ang dapat kong gawin? Dapat ko bang kausapin si Fred? Dapat ko bang puntahan si Chong ngayon, o mamaya na lang? Dapat ko bang sagutin si Fred at salungatin ‘yung mga sinabi niya?
O, dapat ko na ba ‘tong itigil at iwanan si...
At biglang tumingin sa akin si Chong...
Tingin na patagilid. Alam ko kung ano dapat ang maramdaman ko sa tingin niyang iyon. Sinasabi niyang ako ang dahilan ng ginawa ni Fred. Sinasabi niyang patikim pa lang ang lahat ng mga ito, at marami pang pwedeng mangyari. Sa nakaraang dalawang buwan, puro tuwa at saya ang ibininigay sa akin ng matatalas niyang tingin, hindi ko alam kung bakit nakikita ko ‘yun na parang paglalambing. Pero ngayon, muli ko na namang nakita ang tingin niyang iyon. Tingin noong pilit niya akong iniiwasan. Tingin noong sinabi niyang gusto niya ako...
...Tingin noong sinasabi niyang layuan ko siya...
Mag-isa akong umuwi. Aasahan ko pa bang sasamahan akong umuwi ni Chong. Kahit naman naging kami, hindi kami nagkasamang umuwi. At aasahan ko pa bang sasamahan ako ni Fred matapos nung nangyari? Malamang kung magkasama kami, walang mangyayaring imikan, o kung meron man, tatanungin niya ako kung anong meron sa amin ni Chong? Anong isasagot ko? Mas mabuti na siguro ‘to. Tsaka ngayon lang naman. Bukas okay lahat niyan, makakalimutan ko na lahat, maski sila Fred makakalimutan na nila lahat. Pero mukhang napakalaking bagay nung nalaman ni Fred para makalimutan niya eh. Sabihin ko kaya kay Fred na mali siya ng iniisip? Eh paano si Chong? Puta, bahala na nga!
Hinang-hina ako pagdating sa bahay. Maski si mama tinanong na ako kung bakit. “Ang dami pong ginawa sa school, ma.” Ano pa bang isasagot ko, na nalaman ni Fred na may karelasyon akong lalaki, at ipinnoint out niya iyon sa harap ng klase namin sa Philosophy? Bullshit! Bakit!
“Bakit hindi mo kasabay si Fred?”
Bigala akong lumingon. Nasa hagdan na kasi ako. “Wala pa si Fred, ma?”
“Wala pa, dear. I thought magkasama kayo...”
Ibinaba ko na lang ang nanghihina kong balikat. “I don’t know, Ma... Baka nagDOTA pa iyon. O baka kasama si Andrea.” Saka ako pumunta sa kwarto. Nagpatihulog sa kama. Naglupasay. At tumingin sa kisame.
Halos limang oras akong nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame. Maski maglaro hindi ko magawa. Dati naman, kung may roblema ako sa babae, iDOTA ko lang, mawawala na. Pero ngayon, hinang-hina ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Parang lahat ng pwede kong gawin, hindi ko pwedeng gawin. Parang lahat, me mawawala. Kung uunahin ko ang mga si Chong, mawawala ang pamilya ko, at ang mga tao sa paligid ko. Kapag inuna ko ang pamilya ko, si Chong naman ang mawawala sa akin.
AHHHHH!!! Bakit ba ganito? Putang-ina naman eh! Bakit ba nangyayari ‘tong mga ‘to! Paano ba nagagawa ng isang tao na gawing puro kabaliwan at i-landscape ng matataas na bangin ang buhay ng isang taong katulad ko! At ang mas nakaka-inis pa, habang mas lalo kang nababaliw at nahuhulog sa mga bangin na ini-landscape niya, mas lalo mo itong nagugustuhan at mas nasasarapan!!!
Pero kailangan kong may gawin. Kailangan talaga. Hindi pwedeng ganito na hahayaan ko na lang na magparinig ng magparinig si Fred sa kung kani-kanino. Siguro makakausap ko naman ang taong iyon ng matino. Kambal ko naman siya. Bakit hindi ko subukang kausapin?
Kaya pumunta ako sa kwarto ni Fred. Alam kong pwedeng wala pa siya doon, pero bahala na. Unti-unti kong inikot ‘yung knob, at umikot naman, hindi naka-lock. Okay! Gagawin ko na ‘to! Teka sigurado ba ako sa gagawin ko? Anong patutunguhan ng usapan namin?
“Bro, kami na ni Chong...Hiling ko sana tigilian mo na ‘yung pagpaparinig at inilihim na lang natin ito...”
Tapos titingin siya sa akin ng naawa, na parang natouch, tapos...
“...Nag-sex na kayo?”
Puta!!! O di kaya...
“Fred, gusto ko sanang sabihin na kami na nga ni Chong. Oo, alam kong mali, pero, bigla ko na lang nakita ‘yung sarili kong ganoon, eh, hindi ko maipaliwanag, basta bigla ko na lang naramdaman...”
Tapos titingin siya sa akin ng naawa, na parang natouch, tapos...
“Pwede mo ba akong turuan ng gay lingo?”
Puta! Bahala na nga!
Pumasok ako, at nakabukas na ‘yung mga ilaw. Bahala na. Basta kailangan kong gawin ito. Mapapaki-usapan naman ‘yun eh. Syempre, kambal ko ‘yun.
Pero wala tao. Pero rinig mo ‘yung shower. Mukhang naliligo. Parang mas pangit yatang hintayin ko siyang matapos maligo, baka mamaya ano bang isipin niya. Pero bahala na! Alam ko uurong na naman ako kapag lumbas ako ng kwarto at hinintay ko siya. Basta bahala na...
Umupo ako sa kama niya para maghintay. Saka ako tumingin-tingin sa paligid. Wala namang pinagka-iba ang kwarto ko sa kwarto ni Fred. Parehas ng interior, magkaiba lang ng kulay. Kulay yellow na may pagkadim ‘yung akin, kulay deep blue naman ‘yung sa kanya. At isa pang magkakaiba ng kwarto namin eh kalat. ‘Wag munang umangal, aaminin ko namang makalat ang kwarto ko eh, o ayan inamin ko na, pero mas makalat ang kwarto niya.
Naging abala ako sa pag-iisip ng hindi ko namalayang nasa dulo na pala ng kamay ko ang cellphone ni Fred.
Iphone 4s. Katulad ng akin. Kaya minsan madalas kaming magkapalit. Malalaman na lang naming nagkapalit kami kapag mali ang code na inenter namin. Syempre, alam namin ang passcode na isa’t isa, eh ano pa bang itatago namin sa isa’t isa...
Oo nga pala...may dapat na akong itago ngayon...
Inenter ko yung code. Numbers. Pero ang alphabetical equivalent nun eh ‘MariaOzawa’. Eh ano pa ba? Matinik eh. ‘Yung akin naman eh...secret.
Nag-unlock naman. Mukhang hindi pa niya pinalitan. Mukhang may pag-asa ako. Nagulat lang ako dahil ng nag-unlock, hindi porn ang nakita ko...
...kundi isang recording...
“Weird, hirap nito ah, puro sounds lang, pero pwede na rin...”
Teka, eh paano kung lalaki na pala ‘yung humahalinghing?
Iplinay ko ‘yung recording. Weird thing na naman, samu’t saring ingay ‘yung nasa recording. May medyo mahinang ‘Party in the USA’, may mga malalakas na kwentuhan ng sino-sino...
“Sir heto na po ‘yung shake niyo...”
“Thanks..”
Teka, ano ‘to?
Katahimikan.
Katahimikan.
Katahimikan.
Halos sampung segundong katahimikan.
“Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa...”
Bigla kong chineck ko kung kelan nirecord, February 11, ngayon, at kanina lang nirecord.
Binalikan ko yung recording.
“...kaya kita gustong kausapin, eh para linawin kung ano man ang meron sa amin ng kakambal mo...”
Teka, kilala ko ang boses ng taong ito, eh. Hindi ganoon kalaki, pero hindi rin ganoon kalaki. At medyo malambing. Kilala ko ‘to. Kilala ko.
“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yung ginawa mo kanina. Ibinaba mo lang ang sarili mo. You should have talk to me instead...”
Puta! Si Chong ‘to! Mula sa pananalita, si Chong talaga ‘to!
Teka, paano ako nakakasigurong si Chong nga ‘to? ‘Yung taglish? Eh kahit sino naman kaya ‘yun? Kahit sino naman pwedeng magkaroon ng hindi gaanong kalaki at hindi gaanong kaliit na boses? Kahit sino pwedeng may malambing na boses lalo na kung nilalandi si Fred. Pero lalaking boses ‘yung eh.
Katahimikan.
Para akong tangang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa Iphone.
Katahimikan.
Puta! Bakit walang nagsasalita? Si Chong nga ‘tong nasa recording na ‘to? Puta, bilis!
Katahimikan.
“Well, bago ako magsalita, pwede bang makipatay muna ‘yang inirerecord mo?”
“HA?”
“Mister, kanina ka pa tingin ng tingin sa ibaba ng mesa mo, particularly sa kanang bulsa mo.Parang kang nanonood ng porn sa isang public area at nag-aalalang mahuli ka ng kung sinong tao...”
“Anong sinasabi mo?”
“At kung matatandaan mo, naabutan kitang nagtetext kanina pagkadating mo at nang makita mo ako, inilagay mo sa kanang bulsa mo. Saka ka pumunta sa banyo, not for too long. Bakit? Dahil in the first place hindi ka naman talaga nagbanyo, pumunta ka lang sa banyo para i-on ‘yang recorder mo ng hindi ko nakikita.”
“Sandali...”
“Mister, hindi mo rin magagamit ‘yang recording na ‘yan against sa akin. I mean, I haven’t mention any name since nagstart ‘yang recording mo. I didn’t mention YOUR name, and YOUR TWIN’S name...”
“Ch...”
“Don’t you dare speak. Hindi mo ba naisip na pwede makilala ng kung sino ang boses mo. Sige sabihin na nating wala ka naman talagang kinalaman dito, pero alam napakamalisyoso ng utak ng mga tao, of all the people, you should know that. At kahit na dineny mo ang dapat mong ideny, gagawa at kakalat pa rin ang mga balitang wala naman talaga sa plano mo…”
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Parang wala naman talaga akong nararamdaman noong mga sandaling iyon. Basta bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung magagalit ako. Parang hinahabol ko ang puso ko sa paghinga.
Katahimikan.
“What do you think mister? Pwede na ba akong magsalita?”
At saka natapos ang recording.

6 comments:

  1. love na love ko talaga ang fonse-chong loveteam apart from a good story..... galing!!!!

    ReplyDelete
  2. kuya anu ung taydana

    ReplyDelete
  3. tagal naman nito... please update na hehehe
    peace

    #mainipingreader28

    ReplyDelete
  4. Pasensiya na po, tao lang...XD Pero maraming salamat at may mga nag-aabang pa pala dito XD

    ReplyDelete
  5. asan na po ung next chapter? hehehehe cant wait to read it. so ibig sabihin knows na ni fred ang secret affair ni fonse and chong.. hehehehe please update na po..


    thanks.

    #iansky#

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails