By:
Mikejuha
Email:
getmybox@hotmail.com
blog:
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com
Author’s Note:
PEBA ENTRY
Gusto ko pong i-promote ang aking entry sa PEBA na
pinamagatang, “Si Angelo, Ang Kanyang
Itay At Ang Facebook”. Heto po ang link. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search?q=si+angelo
need ko po ng comment.
At para po sa hindi pa nakaboto,
please vote po, http://pinoyblogawards.com
nasa right side po ang mga entries, nasa OFW
Division po ang entry ko na may 7 entries lamang. #2 ang Michael Shades Of Blue. Please click the box beside entry #2
at pagkatapos ay click “Submit Vote”.
MSOB BOOK ANTHLOGY
Ang MSOB Book Anthology po na pinamagatang “Michael’s Shades Of Blue: Love, Hunger and
Paranoia” ay released na po. Ang price nito ay Php 349.00. Heto po ang mga
outlets ng publisher naming - http://central.com.ph/centralbooks/outlets/
Paki check po ang nearest outlet sa inyo. Or, you can contact Rovi Yuno, paki
search na lang siya sa fb and pm him.
At may good news din po kami sa inyo. May plano na
naman kaming gumawa ng Anthology Book II. May idagdag kaming mga authors sa
aming lineup. Para pos a mga interesadong sumali, open po ito sa lahat ng
MSOBians. Heto ang gagawin: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/11/to-all-interested-neophyte-writers.html
BOOK SIGNING EVENT:
Tungkol sa “Michael’s
Shades Of Blue: Love, Hunger and Paranoia”, isingit ko na rin po pala dito
ang plano naming mga Anthology Writers na magkarooon ng Book Signing sa –
Date:
January 26, 2013
Time: at 4:30 pm – 7:00 pm
Venue: Central Book Supply, Inc., 927 Quezon Avenue Phoenix Building
Tel: (632)
372-3550-52 ext.31
Para po sa mga balak bumili ng nasabing book,
magbenta po kami niyan on that book signing event. At sa mga nakabili na rin at
gusto ninyong ipa-autograph ang mga nabili na ninyong books, please come.
Isali na rin po ninyo ang IDOL KO SI SIR na book,
pipirma po ako kapag may copy kayo at kung wala pang copy, magbebenta rin po
kami sa nasabing event.
“IDOL KO SI SIR” NATIONAL BOOKSTORE OUTLETS
Tungkol naman sa librong “IDOL KO SI SIR” nasa
National Bookstores na po ito.
Salamat din sa mga taong patuloy na tumatangkilik
sa mga kuwento ng MSOB. Kung wala kayo, wala rin kaming mga writers ng MSOB.
Dahil sa inyong patuloy na pagbabasa at apgsuporta, kaming mga writers ay
patuloy na magbigay-saya sa inyo.
-Mikejuha-
---------------------------------------
“H-hi...”
ang sagot ko ring halos hindi makapagsalita gawa nang pagkabigla sa hindi
inaasahang pagsulpot niya.
Lumapit
siya sa pinto ng bahay kung saan ako nakatayo sa harap nito. Nahinto na rin ang
pagtatahol ng mga aso at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga puwesto. Napansin
ko ang bitbit niya. Dalawang malalaking bag sa magkabilang kamay at may
knapsack na nakasukbit sa kanyang likod.
Nang nasa harap ko na siya, ibinaba niya ang bitbit
na mga bag at niyakap niya ako. Sinuklian ko ang kanyang yakap. Ramdam ko sa
higpit nito ang kanyang kasabikan. “A-akala ko ba ay hindi ka pinayagan ng
daddy mo na umalis? At bakit ang dami mo atang dalang bagahe?” ang tanong ko.
“Eh...”
hindi siya nakasagot.
Kumalas
ako sa aming yakapan at tiningnan siya. “L-lumayas ka? Nagrebelde ka?”
Tumango
siya.
“B-bakit???” Ang tanong kong nabigla sa kanyang
dahilan, ipikita ang aking pagkadismaya.
“N-nasaktan ako. Nag-away kami ng daddy ko... Ayaw
na niyang magkita pa tayo.” Sambit ni Brix na ang boses ay nag-crack na sanhi
ng pigil na pag-iyak. “D-doon na raw ako mag-aaral sa Amerika upang hindi na
tayo magkita. A-ayaw kong malayo sa iyo, love.”
Hindi ko alam kung maawa sa kanya o mainis sa aking
narinig. “P-paano na iyan? Ginawa mong kumplikado ang sitwasyon natin... Alam
mo bang lalo lang tayong mahirapan niyan?”
At
doon na siya humagulgol. “Hindi ko kayang hindi kita makita eh...”
Hindi na ako sumagot pa. Litong-lito rin kasi ang
isip ko at wala akong maisip na tamang gawin o maipapayo sa kanya. Nagyakapan
na lang kami habang naupo sa bangko sa harap ng aming bahay, kapwa umiiyak.
Maya-maya, pagkatapos naming mag-usap, inanyayahan
ko na siya sa loob ng bahay. Noong pasukin na sana naming dalawa ang loob ng
aming bahay, naroon pala ang inay sa di kalayuan ng bungad ng pinto. Medyo
nagulat ako dahil maaaring narinig niya ang lahat ng aming pinag-usapan ni
Brix, nakita ang aming pagyayakapan at ang aming pag-iiyakan.
Ngunit syempre, wala na akong nagawa. Litong-lito ako
sa kalagayan namin kung kaya ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.
Kumbaga, ano pa ba ang puwed kong gawin kung nakita niya kami?
Ipinakilala ko kaagad si Brix sa kanya. “Nay... si
Brix. M-matalik kong kaibigan” at baling kay Brix, “Ang inay ko...”
Nagmano
si Brix sa inay. “Magandang gabi po.”
Hinayaan naman ng inay si Brix na magmano ito sa
kanya. “O siya... bukas na tayo mag-usap. Dalhin mo muna sa kuwarto mo itong
iyong bisita upang makapagpahinga at gabing-gabi na.” Sambit ng inay. “Alvin...
may kumot at unan sa cabinet ng kuwarto namin ng itay mo, kunin mo na rin.”
dugtong niya.
Inihatid
ko muna si Brix sa aking kuwarto. “P-pagpasensyahan mo na ang kuwarto ko. Alam
mo naman na mahirap lang kami.”
“Ito
naman o...” ang sagot n Brix. “Parang hindi mo naman ako kilala.”
Pinuntahan
ko ang kuwarto ng inay at itay upang kunin ang kumot at unan. Nasa kama si itay
at himbing sa kanyang pagtulog.
“Alvin...
sino ba si Brix?” ang mahinang boses na tanong ng inay.
“Eh...
kaibigan ko po inay. Matalik na kaibigan. A-anak mayaman po at malaki ang
naitutulong niya sa aking mga pangangailangan sa pag-aaral...”
“Iyon
lang ba?” ang casual niyang pahabol na tanong bagamat ramdam kong may gusto itong
bagay na hukayin mula sa aking isip.
Nilingon
ko ang inay. May bahid na pagsususpetsa ang kanyang tingin. Ngunit hindi ako
nagpahalata. Itinuon ko muli ang aking paningin sa kumot at unan na hinugot ko
na galing sa kabinet. “Iyon lang po...” Ang kaswal ko ring sagot sabay tumbok
na sa pinto noong nakuha ko na ang kumot at unan. Naramdaman ko, nakita ng inay
ang pagyayakapan namin ni Brix, narinig niya ang aming pag-iyak at pag-uusap.
Kinabahan ako ngunit tapos na ang lahat. Hindi ko na kontrolado pa ang kanyang
isip bagamat umasa ako na hindi ako magiging kagaya ni Brix na hindi
matanggap-tanggap ng ama ang kalagayan.
“Love...
ano ba ang plano mo ngayon?” ang tanong ko kay Brix noong nasa loob na ako ng
kuwarto at inilatag ko na ang unan sa aming higaan.
“Hindi
ko alam love... Pero mag-aaral pa rin ako, magdo-dorm na lang upang kasama pa
rin kita.”
“P-paano
iyan kung hindi ka na nila suportahan sa pag-aaral? At may gamot ka pang
binibili, pang-maintainance dahil sa operasyon mo? Saan ka kukuha ng pera?”
Natahimik
siya sandali. “B-bahala na...”
“Love...
hindi nakukuha iyan sa bahala. Buhay mo iyan. Kinabukasan mo ang nakasalalay
dito; kinabukasan natin.”
Tahimik.
“G-gusto
kong bumalik ka sa inyo at manghingi ng tawad sa mga magulang mo.”
“Nasaktan
na ako love...”
“Tiisin
mo lang love. Ganyan talaga eh. Minsan, may mga bagay o plano ang ang ating mga
magulang para sa atin na hindi natin naiintindihan o hindi naaayon sa ating
kagustuhan o sariling plano. Ngunit dahil sila naman ang bumuhay sa atin, sa
kanila tayo nakadepende sa ating mga pangangailangan, susundin natin sila kasi
sa paningnin nila ay nakabubuti para sa atin ang kanilang desisyon. Kumbaga,
alam na nila ang mga pasikot-sikot sa mundo samantalang tayo, nagsimula pa
lang.”
“Paano
na lang tayo? Sa Amerika nila ako ipadala upang doon na mag-aral?”
“Iyon
na nga... E di, mag-aral ka roon. Sa bandang huli, pagkatapos mong mag-aral, ikaw
rin ang masusunod. Kasi pagdating ng panahaon, dalawang bagay lang iyan kapag
natapos ka na sa iyong pag-aaral: either magustuhan mo na rin ang gusto nila
o... malaya ka nang gawin ang sarili mong kagustuhan. At bakit ka matatakot
magpunta ng Amerika? Ayaw mo ba akong makasama roon? Hindi naman ako mawawala
sa iyo kapag doon ka mag-aaral di ba? At kapag nakapagtapos ka na, may trabaho,
independent na sa mga financial mong pangangailangan, magagawa mo na ang lahat
nang gusto mo. Magagawana natin ang gusto natin. At doon tayo magsama. Sigurado
naman, tapos na rin ako sa aking pag-aaral kapag dumating ang panahong iyon.
Payag ako na doon tayo manirahan love.”
“Masakit
kasing mawalay sa iyo eh...”
“Sa
ngayon lang iyan. At hindi naman talaga nawawala ang sakit at pagsasakripisyo
sa buhay, di ba. Nandito nga tayo, nagsama, hindi naman makapag-aral dahil baka
hindi ka na nila tutustusan sa iyong pag-aaral. At baka pati ako ay hindi na
makapag concentrate sa pag-aaral dahil sa problema natin. Tapos, kapag nangyari
iyan, hindi tayo sigurado sa future. Kumbaga, walang silbe an gpagdurusa natin
dahil mahuhulog lang ang lahat s awala. Ngunit kung sa Amerika ka, pareho man
tayong nagsakripisyo, iyan ay dahil may hinihintay tayong katuparan sa ating
mga plano, sa ating pangarap. Iyan ang mahalaga; ang magsakripisyo dahil sa kinabukasan.”
Hindi
siya nakasagot.
“Ayaw
mo bang sa bandang huli ay sasaya ang buhay natin, malaya tayong nagsama,
pareho tayong may narating? Ayaw mo bang makatungtung ako ng Amerika at
maranasan ang snow? Hindi ko pa naranasan ang snow. Ikaw naranasan mo na kasi
nakailang balik ka na roon. Paano naman ako?”
Napatingin
siya sa akin. Ngumiti.
“Kung
pataloy na lalabanan mo ang iyong mga magulang ngayon, talo ka. Talo tayo.
Kasi, pareho tayong magdusa ngayon at sa paglipas ng 10 taon, maaaring hindi
natin parehong maabot ang ating mga pangarap dahil... baka lang... hindi ka na
makapag-aral. At ako, baka hindi ko rin ma-maintain ang aking scholarship dahil
sa mga distractions sa problema natin. Masisira ang buhay mo, masisira ang
buhay ko. Masisira ang pangarap ko para sa aking mga magulang. Masisira ang
pangarap mo para sa akin.”
“Kaso
natatakot nga ako love eh...”
“Saan?”
“Na...
kapag nagkalayo tayo, malimutan mo na ako. Na baka may iba kang mamahalin.”
Natigilan
naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko nga siya masisisi kung ganoong may
takot siyang naramdaman. Naintindihan ko ang panig niya dahil iyon din ang
naramdamn ko noong nagkalayo kami ni kuya Andrei. Masakit sa kalooban,
natatakot sa maaring kahinatnan na malayo siya sa akin, may makita siyang iba,
mahalin niya at tuluyan nang malimutan ako. At nangyari nga ang lahat. Nakabuntis
siya, may babae... At sa kaso naman naming ni Brix, napansin din niya sigurong
napilitan lang akong mahalin siya. Kaya naisip din siguro niyang hindi mahirap
para sa akin ang kalimutan siya.
Tinitigan
ko siya. Hinaplos ang kanyang pisngi. “Di ba dapat ako ang mas matakot? Mayaman
ka, may hitsura, may porma. Maraming maghahabol sa iyo. Samantalang ako...
mahirap lang at heto, nakatira sa isang mundong halos kilala mo na rin ang
lahat ng mga taong nakapaligid.”
“Ikaw
ang mahal ko eh. At mahal na mahal kita. Handa kong gawin ang lahat para sa
iyo.”
“Iyon
naman pala eh. Kaya kung kaya mong gawin ang lahat para sa akin, pumunta ka ng
Amerika. Iyan ang gusto ko. Dahil isang araw, gusto ko ring pumunta roon at
doon tayo magsama.”
Tahimik.
Yumuko siya. Siguro nasabi niya sa sariling napakadaling sabihin para sa akin
ngunit mahirap gawin sa panig niya.
“K-kapag
para talaga tayo sa isa’t-isa love, kahit ano man ang mangyayari, tayo pa rin.
At kung sakali lang... na hindi tayo magkatuluyan, ang ibig lang sabihin niyan
ay may mga taong sadyang tunay na nakatadhana para sa atin.”
“Ayoko
Love... kung may ibang nakatadhana man para sa akin, ayoko sa kanya. Gusto ko
ikaw.”
“Kaya
kung ganoon... tayo ang gagawa ng ating tadhana. I-prove mo sa akin na ikaw ang
nakatadhana para sa akin. Kaya mo ba? Huwag nating gawing hadlang ang pag-aaral
mo sa Amerika.”
“Ikaw
ba, kung sakaling susundin ko ang gusto ng daddy na sa Amerika ako mag-aaral,
maipangako mong hindi mo ako ipagpalit sa iba... na hindi mo ako iiwan? Na
panindigan mo sa kabila ng mga pagsubok na ako pa rin ang mahalin mo? Maipakita
mo ba sa akin na ikaw ang siyang nakatadhana para sa akin?”
Mistula
naman akong nabilaukan sa aking narinig. Bigla kong naitanong sa aking sarili
kung kaya ko ba talaga; kung siya na ba ang para sa akin. Kasi, sa kaibuturan
ng puso ko, si kuya Andrei pa rin ang naramdaman kong itinitibok nito.
Pakiwari
ko ay may dalawanag magkatunggaling grupo na naghilahan sa aking isip.
Napatitig
muli ako sa kanyang mukha. Kitang-kita ko ang paghihintay niya sa aking
kasagutan. At naramdaman kong masasaktan siya kapag ang ibibigay kong sagot ay
hindi naaayon sa kanyang ninanais na marinig. Kaya, “Oo naman.” ang naisagot
ko.
Binitiwan
niya ang isang nakabibighaning ngiti.
Nginitian
ko rin siya. “Hug ka na lang sa akin. Lika...”
At
hayun, nagyakapan kami.
“Bukas
na bukas din love... gusto ko bumalik ka sa inyo ha? Para hindi na lumala pa
ang problema mo.”
“Ayaw
mo bang dumito muna ako, kasama ka habang nagbabakasyon ka rito?”
“Paano
ang daddy mo? Ang mommy mo na siguradong naghahanap na sa iyo?”
“Itext
ko ang mommy bukas at sasahinin ko sa kanya na nagbakasyon muna ako sandali...
nagpalipas ng sama ng loob.”
“O,
e... sige. Kung pumayag ba eh, di ayos. Ikaw ang bahala...” ang sagot ko na
lang.
Kaya
iyon ang napagkasunduan namin ni Brix. Sundin ang kagustuhan ng kanyang daddy
na sa Amerika siya mag-aral.
Para
rin akong nabunutan ng tinik. Sa isip ko lang, maganda rin sigurong nasa
Amerika si Brix. Baka kapag naroon siya, doon namin malalaman kung talaga bang
kaya ko siyang mahalin na katulad sa pagmamahal ko kay kuya Andrei at kung
hindi man, at least malayo siya sa akin. At kung talagang para kami sa
isa’t-isa, pasasaan ba’t magtagpo pa rin ang aming landas; babalik siya para sa
akin o ba kaya ay kunin niya ako upang doon na nga kami magsama.
Bago
kami natulog ni Brix, muli naming pinakawalan ang bugso ng aming pagnanasa.
Medyo may dalang lungkot lang ito sa aking panig dahil habang nagtatalik kami,
ang mukha ni kuya Andrei ang pumapasok sa aking isip. May nararamdaman akong guilt.
May naramdaman akong pangungulila. Tila may isang bagay na pilit na humahadlang
sa aming ginagawa ni Brix.
Paano
kasi, sa kuwartong kong iyon nangyari ang unang karanasan ko kay kuy Andrei.
Maraming bagay tungkol sa amin ni kuya Andrei ang naganap sa kuwartong iyon.
Ang kuwartong iyon ay ang buhay na saksi sa pagmamahal ko kay kuya Andrei.
Simula noong bata pa lang ako hanggang sa paglaki ko, saksi ang kuwartong iyon
sa pagnungulila ko sa kanya, sa paghahanap ko sa kanya, sa pagnanais kong
bumalik siya. At noong nakabalik na siya, sa kuwarto pa ring iyon muling
naganap ang lahat.
Pakiwari
ko ay pinagtaksilan ko siya. Imbes na siya lang ang natatanging lalaking dapat kong
dadalhin doon at makatabi sa pagtulog, si Brix na ang katabi ko, sa parehong
kama kung saan kami unang ipinalasap sa akin ni kuya Andrei ang sarap ng
pagmamahal.
Unang
nakatulog si Brix. Habang tulog na siya, hindi ko naman maiwasang manumbalik sa
ala-ala ko si kuya Andrei. Pakiwari ko kasi ay talagang sinira ko na ang mga
mumunting lihim namin; ang pangako kong hindi ko gagawin ang bagay na iyon sa
iba maliban sa kanya. Isang lihim na lang ang natirang pinakaiingat-ingatan ko
sa sarili; ang pangakong hindi ko ibubunyag kahit kanino ang bagay na
ipinapagawa niya sa akin simula noong ako ay bata pa lamang.
Binitiwan
ko na lang ang isang malalim na buntogn-hininga. “Patawad kuya... Sana ay
patuloy akong maging matatag upang hindi ko mabasag ang huling lihim natin.”
ang bulong ng isip ko bagamat hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng
paghiganti sa kanyang ginawang pagtaksil.
Naramdamn
ko ang pagpatak ng aking mga luha sa unan. Lihim na pinahid ko ang mga ito.
Kinabukasan,
maaga akong nagising. Tulog pa si Brix kung kaya ay iniwanan ko na lang muna
siya sa aming higaan. Sa kusin ko nadatnan ang aking inay na abala sa paghanda ng
aming almusal. Noong napansin niyang naroon ako, tinanong niya kaagad ako. “O
kumusta ang bisita mo?”
“Hayun
po... tulog pa.”
“Mabuti
at nakatulog naman. Saan pala siya humiga?”
“S-sa
kama ko po...”
“At
ikaw, saan ka humiga?”
“N-nagtabi
po kami...”
“Nagtabi...”
Napahinto siya sandal, tila nag-isip kung ano ang sunod na sabihin. “Ganyan na
ba talaga kayo kalapit sa isa’t-isa?”
“O-opo...”
Nahinto
sa kanyang ginagawang paggawa ng apoy sa saingan at hinarap ako. Wala kasi
kaming stove o gas range kaya ang makalumang paraan ng pagluluto ang gamit
namin. Iyon bang parang counter-top na ang ibabaw ay buhangin o lupa at panggatong
ang ginagamit sa paggawang apoy.
“Alvin...
tapatin mo nga ako anak. Ano ba talaga si Brix sa iyo?”
Pakiramdam
ko ay sinakal ako sa pagkarinig ko sa tanong na iyon ng aking inay. Parang
hindi ako makahinga, hindi malaman kung ano ang isasagot. “E... w-wala po. M-magkaibigan,
ganyan lang po kami.”
Tumalikod
ang inay at ipinagpatuloy ang paghihip sa mga panggatong na nagsisimula pa
lamang mag-apoy. “Hindi ako magagalit kung may sasabihin ka.”
“W-wala
nga po nay...”
Hininto
niya muli ang ginagawa at hinarap ako. “Alvin... narinig ko na kagabi ang
lahat. Ang sabi niya, mahal ka niya, ipaglaban ka niya, hahanap-hanapin ka
niya... at kahit itakwil siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang pagmamahal sa
iyo, ito ay tatanggapin niya. Ano iyon, wala lang?”
Hindi
na ako nakakibo pa. Syempre, hindi ko akalaing sa kabila ng pilit kong pagdeny
sa aming kalagayan ni Brix, sa ganoon lang pala malalaman ng aking inay ang
lahat. At pakiramdam ko ay naramdaman niya ang aking saloobin. Pakiwari ko ay
nakahanap ako ng kakampi sa kanya.
Nagpatuloy
siya. “Ang gusto ko lang malaman galing sa bibig mo kung ok ka lang, masaya ka
ba, hindi ka ba naguguluhan. Nag-alala ako para sa iyo. Para sa pag-aaral mo,
para sa kinabukasan mo.”
Pinigilan
kong huwag pumatak ang aking mga luha. Ngunit kusang bumagsak pa rin ang mga
ito. Tumalikod na lang ako at pinahid ang aking pisngi.
“Anak...
gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Na kung may problema ka man, narito
lang ako. Maintindihan kita. Pero kung ayaw mong sabihin, nasa iyo iyan. Basta
kapag hindi mo na kaya, sabihin mo lang sa akin.” dugtong pa rin ng inay habang
patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.
“M-may
relasyon po kami ni Brix nay... m-mahal niya ako at malaki ang naitutulong niya
sa akin. Ako ang dahilan kung bakit siya nagbagong-buhay. Spoiled iyan siya
dati ngunit dahil sa akin, tumino na siya...”
“At
ikaw... mahal mo ba siya?” ang tanong niya habang ang inayos naman niya ang
kawali upang magprito ng daing. Tila normal lang niya akong kinakausap, parang
walang kakaiba sa nalaman niya tungkol sa main ni Brix.
“S-sa
palagay ko po...”
“Pero
tutol ang mga magulang niya sa iyo?”
“O-opo...”
“Anong
balak niya?”
“P-pinayuhan
ko pong sundin ang kagustuhan ng mga magulang niya kasi... bata pa rin naman
kami at kung para kami sa isa’t-isa, kami pa rin ang magkatuluyan sa bandang
huli.”
At
doon na ako hinarap ni inay. “Tama ang sinabi mo sa kanya anak. Pilitin mong
kumbinsihin siya na para sa kabutihan niya ang lahat. Para sa kabutihan ninyong
dlawa, kung sakaling kayo nga ang magkatuluyan. Konting sakripisyo lang naman
iyon, di ba? Kasi ako, magulang din. Masakit para sa mga magulang na nakikitang
sinusuway ang kagustuhan nila para sa kanilang mga anak.” ang malumanay na sabi
niya sa akin.
At
doon na ako yumakap sa aking inay. “Salamat sa pag-intindi mo sa kalagayan ko
nay...” tuluyan ko na ring pinakawalan ang aking saloobin. Umiyak ako sa
kanyang mga balikat habang hinahaplos naman niya ang aking likod.
“O
siya... puntahan mo na si Brix at maya-maya lang ay kakain na tayo ha? Sana ay
magugutuhan niya itong ulam natin na tuyo. Wala tayong ulam na iba eh.”
“Huwag
po kayong mag-alala kay Brix inay. Walang pili iyan sa pagkain.“
“Mabuti
naman kung ganoon”
Kumalas
na ako sa pagkayakap ko kay inay at tutungo na sana sa aking kuwarto noong
nabigla naman ako sa aking nakita.
Si itay.
Nakaupo siya sa may hagdanang kawayan sa akyatan patungo sa kuwarto ko.
Nakayuko siya, malungkot ang mukha na parang nag-isip ng malalim.
Sobra
ang aking naramdamang pagkabigla. Kasi, kung nandoon lang pala siya, siguradong
narinig niya ang aming pinag-usapan ng inay.
Mistula
akong napako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw, nanatiling nakatingin sa
aking itay, ang aking dibdib ay mistulang sasabog sa tindi ng kalampag nito na
baka narinig niya ang lahat at bulyawan niya ako o baka bugbugin.
Maya-maya
lang ay tumayo na siya at walang pasabing tinumbok ang pinto palabas sa aming
bahay. Hindi siya lumingon sa akin at sa aking inay.
“Hala...
puntahan mo na si Brix. ako na ang bahala sa itay mo.” ang biglang pagsingit ng
inay noong napansin niya ang reaksyon ng itay.
Dali-dali
naman akong tumalima at umakyat na sa aking kuwarto. Gising na si Brix.
“S-saan
ka nanggaling love?”
“Sa
baba... tiningnan ko ang inay.”
“Ay
nagluto ang inay?” At inay pa talaga ang kanyang tawag sa nanay ko. “T-tulungan
ko siya love!” sabay balikwas sa higaan.
“Huwag
na... OA mo. Ang feeling bisita ay hanggang 24 oras sa bahay. Paglampas noon, saka
ka na tumulong sa mga gawain.”
“Ganoon
ba? So bukas pa pala ako nito makatulong sa mga gawain dito?”
“At
ano naman ang maitutulong mo?” ang biro kong tanong.
“Maglinis
ng bahay, maglaba, mag...” hindi na niya ipinagpatuloy ang sunod na sasabihin,
pilyong nakatingin lang sa akin.
“Ano?”
“Magpa-cute
sa iyo...” sabay din kurot sa pisngi ko.
“Maligo
na nga lang tayo.” sambit ko.
At
tinumbok niya ang kanyang mga damit na nasa loob pa ng kanyang malaking bag,
naghalungkat ng maisuot, may pasipol-sipol pa. Masigla. Kitang-kita ko ang
kasayahan ni Brix sa kanyang mukha.
Ngunit
kung gaano kasaya ni Brix, kabaligtaran naman ang aking naramdaman. Kinabahan
ako sa nakitang naging reaksyon ng itay at kung paano ko siya harapin sa hapag
kainan. At sa panigni Brix, may pangamba rin ako sa kung ano ang iniisip ng
kanyang mommy at daddy sa kanyang pag-alis ng walang paalam dahil sigurado, ako
ang numero unong pagbintangang dahilan kung bakit siya umalis.
“Ay...
may lugar pala upang iparada ko ang sasakyan ko rito love!” ang sambit ni Brix
noong nasa baba na kami. Sa labas ng bahay kasi an gaming paliguan.
“Ha???
Dala mo ang iyong kotse?” ang gulat kong tanong. Mahirap kasi tahakin ang aming
lugar at kung may daanan man, hindi halos matawag itong kalsada dahil makitid,
batuhin, kalabaw na may hila-hilang karwahe lang ang dumadaan. Ang mga
motorsiklo nga ay nahihirapan din tumahak sa daan namin.
“Oo...
saglit lang at iparada ko rito sa gilid ng bahay ninyo.”
Bumalik
siya sa itaas at kinuha ang susi at noong nakababa na, sinamahan ko na rin siya
sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse niya.
Noong
natumbok na namin ang lugar, pinaligiran na ito ng mga nag-uusyusong
kapitbahay. Syempre, nagtaka sila kung bakit may nakaparadang kotse sa lugar na
iyon ng talahiban. At hindi lang basta iyong mumurahin o second hand na kotse.
Bagong-bago ito, at mamahalin.
Syempre,
proud din ako noong nakatingin sa amin ang mga tao noong pumasok na kami sa
loob ng kotse. Makikita sa mga mata nila ang pagkamangha at paghanga. Parang sa
isip nila ay napa-”Wow!” sila sa ganda ng kotse ng aking bisita.
Sa
labas ng aming bahay kami naligo, sa isang balon na pag-aari ng baranggay.
Nagkataon kasing halos nasa bukana lang ito ng aming bahay. Iyon bang balon na manual
na ihahagis mo pa talaga ang balde sa kalaliman noon upang makuha ang tubig. Sa
gilid naman noon ay may gawa-gawang paliguan na walang atip at tanging nipa
lamang ang nagsilbing harang kapag may naliligo sa loob.
Enjoy
pa rin naman siyang naliligo. Sa kabila nang ang tubig na pinaligo namin ay
direktang galing pa sa ilalim ng lupa, hindi kagaya sa tubig na nakasanayan
niya na galing sa gripo o nawasa na filtered, treated, at siguaradong walang
bacteria, hindi niya ito alintana. At talagang bumilib ako sa kanya. Sa kabila
ng hirap ng buhay namin, nagawa pa niyang mag-enjoy at makisabay.
“O,
ako na ang magsabon sa iyo...” sabay dampi niya sa sabon na hawak-hawak niya sa
aking katawan.
Ngunit
pumalag ako. “Kanya-kanya na lang tayo please...”
“B-bakit?”
“A-ayokong
makita tayo ng mga kapitbahay. Hindi ako naglalantad dito...” napansin ko
kasing kahit pala sa paliligo namin ay may mga batang nanunuod, nakiusyoso ba
na parang nakakita sila ng artista.
“Ah,
ok...” ang sambit niya sabay din bawi sa sabon sa aking katawan at sa katawan
niya itinuloy ang pagsasabon. Parang wala lang naman kay Brix ang mga bata at ibang
taong nanuod sa amin. Paminsan-minsan pa siyang kumakaway sa kanila,
ngumingiti.
“Sa
kuwarto ko na lang ha?” ang bulong ko.
“Sa
kuwarto kita sasabunin?” bulong din niyang biro.
“Kahit
papakain mo pa ang buo kong katawan, ok lang basta sa kuwarto.” biro ko rin.
Tawanan.
“Alvin!
Brix! Kain na tayo!” ang sigaw ng inay noong nakabalik na kami sa kuwarto at
nakapagbihis na.
Doon
na kumalampag ng malakas ang aking dibdib. Alam ko, makakaharap ko ang itay sa
hapag-kainan.
Yari
sa kawayan ang aming hapag kainan. Yari rin sa kawayan ang aming upuan. Dahil
sa kalumaan, med’yo sira-sira na ang mga ito at may karupukan na. Pati ang
aming mga puting plato na yari sa lata ay tila napupudpod na ang mga gilid sa
kalumaan. Ngunit hindi ko naman napansin na nandiri si Brix. Nahiya man ako sa
aming kalagayan ngunit hindi ko rin naman itinago sa kanya ang aming kahirapan.
“O,
Brix... pagpasensyahan mo na ang aming nakayanan” ang sambit ng inay noong
nakaupo na kami. Ang itay ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi ng inay, sa harap
naming ni Brix. Parisukat kasi ang hugis ng aming lamesa at maliit ito.
Tamang-tama lamang sa aming apat.
“Huwag
po kayong mag-alala. Hindi po ako mapili. Wala po sa akin iyon, nay...” at inay
pa talaga ang tawag niya sa aking inay.
Hindi
ko mawari ang aking naramdaman sa pagtawag ni Brix ng “inay” sa aking ina. Para
bang hayan parang hindi na nga ako halos makahinga dahil sa takot ko sa aking
itay, sinakal pa niya ako sa leeg. Parang gusto ko siyang batukan.
Hindi
na nakasagot pa ang inay. Nagkasalubong ang aming mga tingin na para bang may
pangamba rin sa narinig na sabi ni Brix.
Ibinaling
namin ang aming paningnin kay itay. Nakayuko itong ipinagpatuloy lang ang
kanyang pagkain. Parang wala lang siyang narinig. Hindi ko alam kung ano ang laman
ng kanyang isip.
Tahimik.
Parang nasa loob lang kami ng simbahan at nakinig sa sermon ng pari. Ang
kaibahan lamang ay wala kaming naririnig. Para akong nanginginig na namumutla
na di mawari. Hindi ko alam kung paano basagin ang katahimikan.
“T-tay,
si B-brix po... schoolmate ko po.” ang biglang lumabas sa aking bibig.
Mistulang
nakakabingi ang kalampag ng aking puso sa paghihintay ng kanyang sagot.
Tahimik
uli.
Yumuko
na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkain. Iyon bang feeling napahiya. At
dahil sa pagkaseryoso at sensitibo sa issue dahil magulang ko siya, sobrang
nalungkot ako.
“Hanggang
kailan ka rito?” ang biglang pagsasalita ng itay, tinanong si Brix.
Napatingin
sa akin si Brix.
“I-isang
linggo po tay.” ang casual na sagot ni Brix, hindi alintana ang tensiyon na
nadarama ko sa pagkakataong iyon. At lalo na “itay” pa talaga ang tawag niya sa
aking itay.
Mistula
talagang ilang beses na pinokpok ng bato ang ulo ko. Hindi ko naman masisi si
Brix dahil hindi niya alam. At ayokong malaman niya.
Hindi
na sumagot si itay, itinuloy ang kanyang pagkain na parang wala lang, parang walang
kasamag ibang tao sa hapag-kainan.
At
doon na ako tuluyang nalungkot. Kasi ni hindi man lang niya inaya si Brix na
tumagal pa sa amin. Iyon bang karaniwang sinasabi mo sa bisitang, “Dumito ka
muna... ay ang dali naman, sana mas mahaba pa ang pagpanatili mo rito...” mga
ganoong salita na kahit respeto na lang na kunyari nagustuhan mo ang pagdalaw
ng tao. Parang ang dating sa akin ay inisnab niya si Brix. Ansakit.
Kaya
sumungit na lang ako ng, “D-dalawang araw lang po siya rito, tay... Bukas ay
aalis na siya... a-at sasamahan ko po siya. Babalik na lang uli ako sa
dormitory ng school.” ang malungkot kong sabi.
Napatingin
sa akin si Brix. Nagtatanong ang kanyang tingin. Wala naman kasi kaming usapan
na dalawang araw lang siya sa amin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Ewan ko,
siguro sa biglaang pagbitiw ko ng ganoong desisyon ay may naamoy na siyang hindi
maganda.
“B-bakit
ang bilis naman yata anak?” ang tanong ng inay.
“M-may
nalimutan pala akong research work nay. Kailangang matapos ko iyon kasi
requirement iyon sa final grades namin.” ang pag-aalibi ko na lang.
Iyon
lang. Tinapos namin ang aming almusal na wala nang nagsasalita pa.
“Love...
g-galit ba ang itay mo sa akin?” ang tanong ni Brix noong nakabalik na kami sa
aming kuwarto.
“Galit?
Hindi ah! Marami lang iniisip iyon kasi may mga bagay na hindi sila nagkasundo
ng may-ari ng lupang sinasaka namin. Pero huwag ka nang magtanong kasi sariling
problema namin iyon. Basta hindi siya galit sa iyo” ang palusot ko na lang.
Iyon
lang. At sa tingin ko ay tanggap naman niya ang aking dahilan.
Akala
ko ay iyon lang ang hinanakit na maranasan ko sa araw na iyon. Sadyang
mapaglaro lang siguro talaga ang pagkakataon. Parang iyong sinabi nilang “When
it rains, it pours...” At hindi nga lang “it pours”. “It floods and it drowns”
pa.
Magtatanghalian.
Bumili si Brix ng stove at iba pang gamit sa kusina at bahay. At siya rin ang
nagvolunteer na magluto ng aming tanghalian. Tumulong ni Brix sa mga gawaing
bahay, pag-igib ng tubig, pamalengke, pagluto.
Nasa
loob kami ng kuwarto ni Brix noon, hinintay na lang ang pagdating ng itay
galing sa kanyang pagsasaka noong biglang narinig na naman namin ang kahol ng
mga aso kasabay sa isang sigaw ng, “Tao po! Tao po! Nay? Tay???”
Kilala
ko ang boses na iyon. “Si kuya Andrei!” Sigaw ng isip ko.
Hindi
ko lubusang masisalarawan ang aking naramdaman. Pakiwari ko ay may naglulundag
ang aking puso sa matinding kasiyahan sa pagkarinig ko sa kanyang boses bagamat
may galit din akong nadarama na di ko mawari.
“S-si
kuya Andrei love!” ang excited kong sabi kay Brix. At dali-dali kong binuksan
ang bintana upang makita siya.
Ngunit
kung gaano ka tindi ang tuwa ko sa aking narinig, ganoon din ka-tindi ang aking
biglang paglungkot noong nakita ko ang kanyang kasama. Si Ella. At halata na
ang tiyan sa kanyang pagbubuntis.
Pakiwari
ko ay nawala nang tuluyan ang gana kong bumaba at harapin sila. Hinayaan ko na
lang na ang inay ang magbukas ng pinto.
“Andrei!!!”
ang narinig kong sambit ng aking inay noong nakita niya si kuya Andrei.
“Napadalaw ka!”
“Opo
nay... gusto kong ipakilala sa inyo si Ella.”
“Ay
siya ba? Ang ganda naman niya!” sambit ng inay. “Hala pasok kayo.
Pagpasensyahan mo na ella itong bahay namin ha?” ang narinig kong dugtong ng
inay.
“Sanay
sa gubat iyan nay, kahit saan itapon iyan nabubuhay iyan.” ang narinig ko ring
pagsingit ni kuya Andrei.
“Halatang-halata
na ang tiyan niya, Andrei. Malapit ka nang maging ama!” ang pagsingit uli ni
inay.
Parang
piniga ang puso ko sa aking narinig. Nanumbalik na naman sa isip ko ang dati
niyang sinabing pangarap niyang magkaroon ng anak. Pero pinilit ko ang sariling
maging manhid na lang. Kunyari ay wala akong narinig.
“Lalabas
ba tayo love?” ang tanong ni Brix.
“Hindi...
dito lang tayo.”
“Kotse
ni Brix iyang nasa labas nay, ano?” ang narinig ko uling tanong ni kuya Andrei.
“Ay
oo! Dumating dito ‘yan kagabi, sinundan si Alvin. Magkakilala pala kayo?”
“Opo...
K-kaibigan siya namin ni Alvin.”
“Ah
ganoon ba... O sya pasok na kayo. Tamang-tama. Mananghalian na tayo, ihanda ko
na ang pagkain.”
Narinig
ko ang ingay ng pagbukas ng aming kawayang pinto at natahimik sila saglit,
marahil ay pumasok na ng bahay.
“Sina
Brix at Alvin ang nagtulungang magluto. Magaling palang magluto iyang si Brix.
At mabait na bata pa.” sambit ng inay.
“Oo...
mabait iyang si Brix. Pero... wala pa ring tatalo sa kabaitan ko nay, di ba?”
ang sagot ni kuya Andrei.
“Kapal!”
ang bulong ko sa sarili.
“A-anong
sabi mo?” tanong naman ni Brix sa akin.
“Wala...
may naalala lang ako. P-parang makakapal yata ang pagkahiwa mo sa karne ng
inadobong baboy mo.” ang pag-aalibi ko kay Brix.
“Nasaan
na ba si bunso nay? Miss na miss ko na siya!” ang narinig kong tanong tanogn ni
kuya Andrei kay inay.
“Ay...
nasa taas lang sila ni Brix. Sa kuwarto niya.” At sumigaw na. “Alvin! Alvin!
Nandito ang kuya Andrei mo!!!”
“Bababa
tayo?” ang tanong ko kay Brix. Sa totoo lang kasi, excited na rin akong makita
siya.
“Tara...”
Noong
nasa baba na kami at nagkaharap na kay kuya Andrei, nagkunyari akong parang
wala lang akong emosyon. Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti sa kanya at pahapyaw
na kumaway.
“Hi
Alvin!” ang sambit naman ni Ella sa akin. Ang ganda pa rin niya kahit halata na
ang kanyang tiyan.
“Hi!”
ang maiksi kong tugon sabay tumbok na sa lutuan kung saan naroon ang mga kaldero
at ang niluto naming pagkain. Isa-isang binuksan ko ang mga ito.
“Si
Brix pala... kaibigan namin ni Alvin” ang pagsingit naman ni kuya Andrei. “Siya
ang sinabi kong mayaman na kaibigan ni Alvin...” ang sambit ni kuya Andrei, pagpakilala
niya kay Brix kay Ella.
“Ay
siya ba? Ang guwapo-guwapo naman!” sagot ni Ella.
Tawanan.
“H-hindi naman po...” ang narinig kong sagot ni Brix.
Hindi
ko na sila pinakialaman sa kanilang pag-uusap. Nagkunyari akong busy sa aking
ginawa. Patuloy ko lang inusisa ang aming mga niluto. “Nay... kakain na ba
tayo? Magsandok na ba ako?” ang tanong ko kay inay.
“Ang
sungit naman ng bunso ko. Palibhasa nandito sa bahay kasama ang boyfriend.” ang
pasimpleng pabulong na sabi sa akin ni kuya Andrei upang huwag mahalata nina
Brix at Ella. Tinabihan pa talaga niya ako, nagkunyari ring usyusuhin ang mga
niluto namin ni Brix.
“Ano
ngayon kung kasama ko siya? Bakit kasama mo rin naman iyang aasawahin mo ah!”
ang sagot ko ring pasimpleng pabulong bagamat may pagdadabog.
“Doon
din ba kayo nagtabi sa pagtulog sa kama natin?” bulong uli niyang pang-aasar.
“Kama
natin? Sure ka? Kama ko lang iyon. Hindi mo kama iyon no! At oo! Nagtabi nga kami.
Alangan namang kami ng inay ang magtabi sa kama ko at sila ng itay ang magtabi
sa kama nila inay sa kabilang kuwarto! Tanga!”
“At
may nangyari naman?”
Feeling
ko talaga ay gusto ko na siyang batukan sa linya ng kanyang tanong. Nang-aasar
ba. Nambubuwesit. Kaya ininggit ko na rin isya. “Oo! Mayroon!” Ang padabog ko
nang sagot. At dahil inis na inis na ako at ayaw ko na siyang patulan pa,
sumigaw na ako ng, “Inayyyyy! Magsandok na ba ako!!!”
Na
pasigaw na ring sinagot ng inay na nasa labas ng bahay, “Oo! At bakit ba kung
makasigaw ka...?!!! Magsandok ka na at tinatawag ko lang ang itay mo para sabay
na tayong kumain!”
“Kuwento
ka naman sa nangyari sa inyo kagabi tol o.” ang patuloy pa ring lihim at pa-simpleng
pang-aasar niya.
“Gusto
mong isaboy ko sa mukha mo ang sabaw nitong kumukulong tinulang manok? Di ka
nakakatuwa, alam mo ba iyon? Nakakainis ka! Nakakabuwesit!” At upang mahinto na
siya sa pang-aasar at mabaling ang atensyon nina Ella at Brix sa amin, sumigaw
na ako, inutusan siya ng, “Kunin mo ang isang mesa sa labas at idugtong sa mesa
natin dito sa loob para magkasya tayo! Huwag kang puro pang-aasar d’yan!”
“Ako
na! ako na love...” ang mabilis naman na pagsingit ni Brix noong narinig ang
aking utos. At binanggit pa talaga ni Brix ang tawagan naming “love”
Mistula
akong nadaganan ng tren sa narinig. At pati si Ella ay tila nabigla rin,
napatingin sa akin at kay kuya Andrei na ang mga mata ay may bahid na
pagsusupetsa.
Napatingin
na rin ako kay kuya Andrei. Nakatingin din siya sa akin at ang kanyang bibig ay
tila bibigay sa isang tawa, ang mukha ay nang-aasar. Iyon bang sarkastikong
expression na parang sa isip lang ay, “Oww? May ganoon kayo? Sweet naman!”
Alam
ko, na kung hindi pa man alam ni Ella ang tungkol sa akin o sa amin ni Brix,
malaking katanungan ito sa isip niya. At maaari ring kung alam na niyang hindi
pala kami tunay na magkapatid ni kuya Andrei, at matalas ang kanyang pang-amoy,
ay talagang may maitagpi-tagpi niya sa mga kilos namin, pati na ang sobrang
pagbibigay ng atensyon ni kuya Andrei sa kain na ang kahit pagpapakasal nila ay
kailangang ako pa ang magdesisyon.
Ngunit
wala na akong pakialam kung ano man ang iisipin niya. Ano pa ba ang ikakatakot
niya kung sakaling malaman niya o madiskubre niya ang tungkol sa amin. Ikakasal
na kaya sila. Kaya dedma na lang ang drama ko. “Hindi ikaw... Si Kuya Andrei na
ang magbubuhat ng mesa. May operasyon ka, makasama iyan para sa iyo.”
Ngunit
sinagot pa rin ako ni Brix ng “Ako na... antagal na noong operasyon na iyon.
Wala na iyon love...” at dali-dali siyang lumabas upang kunin ang mesa.
“Ano
bang naoperahan sa kanya love...” ang pabulong uling pang-aasar ni kuya Andrei,
ginagad ang pagkabigkas ni Brix ng “love”
“Wala
kang paki!” bulong ko rin. “Kapal mo. Dapat ikaw ang magbuhat noong mesa!”
Nasa
ganoon kaming pag-aasaran nang biglang “Blaggg!”
Nalaglag
ang isang bowl na sabaw ng tinolang manok.
“Ano
iyan Alvin!” ang sigaw ng inay na kasalukuyang pumapasok kasama na ang itay.
“Iyan
kasi! Iyan kasi!!!” ang sigaw kong paninisi kay kuya Andrei. “Si kuya kasi...
kinukulit ako eh!”
“Hay
naku... pati ba ngayong matatanda na kayo, hindi pa rin maaawat sa
pag-aaway-bati? Para kayong mga aso’t pusa!”
“Lambing
lang po, inay. Miss na miss ko na kasi ito eh.” sabay naman kurot sa pisngi kong
nakasimangot na para bang gigil na gigil sa akin.
“Aray!!!”
ang sigaw ko, hinaplos ang nakurot na pisngi. “Ansakit noon ah!” At dahil
yumuko na siya upang pulutin ang nalaglag na bowl. Binatokan ko naman. “Ummmm!”
Napangiti
na lang siya ng hilaw, tiningnan ako habang hinaplos ng isa niyang kamay ang kanyang
ulo.
“Ako
na, akin na ang bowl at ako na ang magsandok.” ang pagsingit naman ng inay
noong sasandok na sana si kuya Andrei ng sabaw at ilagay sa bowl. “Doon na kayo
sa mesa.”
Kaya
doon na ako sa mesa. Habang ipinagdugtong ni Brix ang dalawang mesa upang magkasya
kaming anim, inihanda ko naman ang mga plato at kutsara.
Si itay
naman, si kuya Andrei kaagad ang kanyang nilapitan. Nagkumustahan sila, biruan,
tawanan. Dating gawi. Ganyan naman palagi silang dalawa. Parang magkapatid din
lang ang turingan. Pansin ko talaga ang sobrang saya ng itay kapag nand’yan si
kuya Andrei.
Tapos
ipinakilala pa ni kuya Andrei si Ella. “Ang ganda ng mapapangasawa mo, Andrei!
At mukhang magkaapo na ako nito!” sambit ng itay.
At
doon na muli ako natamaan sa salitang “apo”. Para bang may phobia na ako sa mga
salitang iyan. Pag-aasawa, anak, apo... Pero kunyari di ko narinig ang mga
pag-uusap nila. Tiniis ko na lang ang sakit bagat parang tinusok ang puso ko.
Sa
hapag kainan, pansin ko naman ang sobrang kasayahan ng aking itay, kabaligtaran
sa eksena noong kami ay nag-almusal. Hindi silang dalawa ni itay at kuya Andrei
sa pagkakantyawan, pagbibiruan. Pakiwari ko ay hindi kami nag-exist ni Brix.
Nasaktan ako, syempre. Para bang ano ba to? Nasaktan ka na nga dahil nandyan
ang taong tunay mong mahal at ipinamukha pa sa iyo ang kanyang babaeng
pakakasalan tapos, ang sarili mong itay ay parang inetsapuwera ka na lang,
kasama ang iyong bisita.
Pinigilan
ko pa rin ang aking sariling huwag bumigay, huwag umiyak. Tiniis ko pa rin ang
lahat. Pakiramdam ko ay tinoturture ang aking kalooban na nasa harap ko na nga
ang mahal ko, katabi ng babae niyang halata na ang tiyan, out of place pa ako
sa usapan.
Ewan
kung nahalata ni Brix na nasaktan ako. Ngunit bilib pa rin ako sa kanya. Alam
niya kung saan sumisingit sa usapan, kung paanong hulihin ang kiliti nina itay
at kuya Andrei sa pagpapatawa, kung paano pumasok at magbukas ng usapan.
Ngunit
doon na ako tuluyang napuno noong nagtanong ang inay kay kuya Andrei. “Bakit
pala kayo napadalaw Andrei?”
Bigla
rin silang nahinto sa pagtatawa. Naging seryoso ang mga mukha. Tiningnan ni
kuya Andrei si Ella at pagkatapos, tiningnan niya ako. “Naka-set na po kasi ang
aming kasal ni Ella nay, tay, dalawang lingo mula ngayon. At sana ay dadalo
kayo.” At baling sa akin, “At ikaw ang best man ko tol... Ok lang?”
Parang
isang napakalakas na bomba ang sumabog sa aking harapan sa pagkarinig sa
balitang dala niya...
brix all day.
ReplyDeletehaha..grabe natakot ako sa blagggg kanina akala ko si brix..buti na lang yung tinolang manok lng..
ReplyDeletesakit naman nun ang ma invite ka sa kasal.ng taong mahal mo..at kulit dn tlga ni brix..isang huwarang boyfriend..hehe
Oo nga akala ko si Brix ay napano na sa BLAGG!!! Hay kawawang Alvin...baka maulit ito sa kanya pag pinilit ng tatay ni Brix na maikasal ito sa di nya mahal. :(
Deleteang sakit naman non...pero sana kayanin ni Alvin..wala na talagang choice huhuhu
ReplyDeleteAyun..best man..tsk tsk...wawa naman! Hay...ang haba pa siguro ng kwentong to! Next chapter please!
ReplyDelete-caranchou
hay ang sakit naman sobra huhuhuh.... kuya ayaw q hehehe
ReplyDeleteSna tuluyan na makalimutan ni Alvin si Andrei..If I were him, mas pipiliin kong mahalin si Brix. Deserving din naman kasi si Brix at talagang napatunayan nya na kung gaano nya kamahal si Alvin.......
ReplyDeleteYes si Brix ang dumating.. Alvin - Brix na lang kasi.. hehe..
ReplyDeletegrabe ang kilig ko kay Brix.. sna sila na lng ni Alvin magkatuluyan..
ReplyDeleteganda tlga ng story kuya mike, next na po, please!!!
<07>
wahhhhhh! excited uli ako sa next chapter :)
ReplyDelete.sana di matuloy ang kasal ni andrie at ni ella, kwawa naman si alvin
ReplyDeletearay ku po, ms msakt pa un sa matapunan ng sabaw sa muka :(
ReplyDeletego for brix..kuya
ReplyDeleteang tagal mag update neto pero sulit naman ung pag hihintay..
ReplyDeletethanx kuya mike... galing neto!!!
OUch :')
ReplyDeletehahaha.. Buti na lng wala kaming communication ni ex di nya aq maiinvite sa kasal nya hehehe.
ReplyDeletechange vote ako..alvin-brix nalang hehe..
ReplyDeletekaso hnd my kilig factor prin alvin-andrei
kawawa nmn damdamin ne alvin panu kya ending???
galing tlga ng stori from d very start
tanx idol author..
musta mga co-followers
AtSea
kay brix na ako.. ok na buhay ni andrei at ella.. brix pa rin..
ReplyDeleteBat parang nanamlay yung blog na to..i mean parang kumonti followers unlike other blogsite e.g. dark_ken na dahil lagi updated almost 100comments per chapter...
ReplyDeletebut ANYWAYz, still kuya MIKE PARIN FOR ME!!! thanx kuya ha,, ganda ng ML grabehhhh
oo nga all brix. May napansin ako sa tay at kay kuya andrie parang may lihin din k kanila ano kya yun. Kuya tnx ha. Keep it up kuya.
ReplyDeleteit's just a twist i'm sure:)
ReplyDeleteANDrie <3 alVIN
next chapter pls...
walastik ang saya saya ng life mo alvin, kompletos rekado ahhhh,san kapa,,,
ReplyDeletetama lang talaga na c brix n ang piliin ni alvin kc mahal sya noon...
thanks po..........
ina abangan ko talaga ang part 19, ang ganda kuya mike. every time i'll check your blog.
ReplyDeleteI'm looking forward for the upcoming chapters of the story. Its nice how's the story goes by, and it became more and more exciting! :) ngaun lang ako nakabasa ng story ni Sir Mike Juha and I must say, i am a big FAN now! :)) keep up the goodwork Sir. - rickø
ReplyDeleteWow... You and sir joemar are the writers... I love sir joemar ancheta novels too... Ksi if wlapkyo update s knya aq ngbabasa at both of you poay sobrang aling
ReplyDeleteSHARE KO LANG...
ReplyDeleteMY TOP 3 BEST AUTHOR:
- Mike Juha
- Joem Ancheta
- Dark Ken
MY TOP 10 BEST STORY (yung mga may ending na:
1. Minahal Ni Bestfriend 2&3: Memories
2. Ang Kuya kong Crush ng Bayan
3. 9 Mornings
4. Pa Raffle ng Pag Ibig
5. Salamin
6. Tol I love You
7. Everything I have
8. Si Utol Ang Chatmate ko
9. Idol Ko si Sir
10.Inlove with Kuya Brando
ALTERNATE...
MY TOP 5 BEST STORY (yung di pa tapos yung series:
1. Chaka (Inibig moy Pangit)
2. Munting Lihim
3. Someone Like Rhon
4. Strange Love
5. Minahal ni Bestfriend 4: Desperado
~kym
grabe tawa ako ng tawa kay brix ang kuleeeettttt lang ehehhehe, talagang may "love" talaga kahit maraming nkakarinig, i started to like brix ehehehe...tnx kuya chapter 18 nko -- JhayL-Dubai
ReplyDelete