Followers

Thursday, December 27, 2012

Aking artista. [Short story] Part 1/2

"I don't care how we met, I'm just happy we did."


----------


Ako si Dylan. Labin-limang taong gulang. Sa edad kong 'to maraming nagsasabing masyadong mature ang mukha ko. Ganun na talaga siguro ang generation ngayon. Gwapo naman ako, katamtaman ang katawan. May mga makakapal na kilay ang mapupungas na mata. Sa itsura kong 'to walang mag-aakalang lalaki din ang nais kong ibigin, although naka-tatlong girlfriend na ako, at sa katunayan, minahal ko sila nang parang isang tunay na lalaki.

Akala ko magiging isang normal na araw lang para sakin dito sa America ang November 30, Friday. Akala ko gigising lang ako, kakain, papasok, uuwi, magcocomputer, at patuloy na iiyak dahil sa pagiging "forever alone." Akala ko. Akala ko. Pero mga bandang alas-4 ng hapon, dahil nga bored ako, nagpunta ako dito sa isang chatroom. Parang chatroulette lang siya, once-on-one cam kayo ng isang estranghero, at kung maboryong ka, pwede kang mag-next para maka-chat naman ang iba. Worldwide chatroom siya, kaya lahat ng taong nasa parehong chatroom mo, makaka-chat mo kahit nasa kabilang dako pa yun ng mundo. Dahil sa sexual preference ko, dun ako sa "gay chatroom."

Next.

Next.

Boring.

Next.

Too old.

Next.

Napatigil ako.

You are now chatting with a stranger.
Location: Philippines

Me: Musta?
Stranger: Sabi ko na nga ba pinoy ka eh.
Me: Haha, oo :)
Stranger: May skype ka?
Me: Meron.

At ibinigay ko nga ang Skype ID ko. Siya si Par, sa skype na kami tuluyang nag-usap. Umalis na kami pareho sa chatroom. At doon sa skype, ipinakita niya na ang mukha niya. Gwapo si Par, 14 years old, mas bata sa akin ng isang taon. Katamtaman lang din naman ang pangangatawan. Parang pwede nga siyang mag-artista eh. Mabait siya at makulit kahit saglit pa lang kaming nagkakausap.

Simula nung araw na yun, araw-araw na kaming nag-uusap. Kahit mga 16-hours difference ang time zone namin, naghahanap pa din kami ng daan para magkausap. Bago siya pumasok sa school, magoonline muna yan para lang magkita kami kahit sa videochat, at magpapaalam.

Lumipas ang isang linggo at iba na ang nararamdaman ko para kay Parr. Yung parang tuwing naiisip ko siya sa school, lagi akong kinakabahan at nawawalan ng focus. Yung parang tuwing makikita ko ang pangalan niya sa mga messages ko sa facebook, nae-excite ako. Yung parang isang araw ko lang siyang hindi makausap, eh wala ako sa mood buong araw, o kaya naman makausap ko lang siya kahit saglit, masayang-masaya na 'ko. At alam kong ganun din ang nararamdaman niya. Alam ko. Alam ko. Ewan, pero kahit di kami magkakilala sa personal, o di nagkikita sa personal, in love ako. Pwede siguro 'tong tawaging "Love at first chat."

Meron pa nga kaming convo nun na talagang nagpasaya sa akin.

Parr: brb :)
Me: ahh sige tol :)
-Makalipas ang tatlong oras-
Parr: Siguro kuya [kuya tawag niya sakin dahil nga isang taon ang tanda ko] tulog ka na, good night po! :)
Me: Ui tol, di pa ko tulog, hinintay kita.
Parr: Ayy bakit?
Me: Sabi mo kasi brb eh.
Parr: Ayy sorry kuya akala ko nag-bye ako hehe. Sorry!
Me: Ok lang yun, ang mahalaga bumalik ka.
Parr: Aww kuya naman para tuloy tayong LDR neto. Haha. Parang ganito: Sorry babe pinaghintay kita pero alam mo namang ikaw lang mahal ko eh. :)
Me: Ok lang babe, mahal naman kita eh. :D
Parr: Haha kuya ang landi natin xD
Me: Oo nga eh. Oh sige na, matutulog na ko. Good night tol! I love you. :)
Parr: I love you too kuya, good night!

Yun. Nakatulog ako ng mahimbing. Kahit walang aminan sa pagitan namin, alam naming in love kami sa isa't isa. Kahit walang linawan ng tunay na kami, umaarte kami na parang tunay na mag-boyfriends.

Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na 'kong nahulog kay Parr. At noong December 20, chi-nat ko siya.
Me: Tol, may tatanong ako.
Parr: Ano yun kuya?
Me: Pwede ka bang ligawan?

At noong na-send ko ang tanong na yun, kumakalampag ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako kung ano ang maisasagot niya.
Parr: Aww syempre naman kuya. :)
Me: Talaga?! Yay! O pano ba yan, simula ngayon nililigawan na kita ah.
Parr: Opo kuya. :)
Me: Ikaw nalang bahala kung sasagutin mo na si kuya. Maghihintay ako.
Parr: Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?

"Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?"
"Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?" ang pag-uulit ko sa binasa ko. At dahil dun, agad-agad akong nag-online sa skype at vinideocall si Parr.

"Tol," ang sabi ko agad nang sinagot ni Parr.

"Po?" ang sagot naman niya nang nakangiti.

Kinakabahan ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nangangatog ang mga tuhod ko. Ang mga kamay kong nakahawak sa keyboard at mouse ay parehong nanginginig. Nakakabaliw.

"Uhm.. uh.. w-will y-y-ou b-be m-my b-boyfriend?" Sa wakas. Naitanong ko din!
Nakatitig lang ako sa screen, pinagmamasdan ang mukha niya habang hinihintay ang sagot niya.

"YES KUYA! YES!!!" ang pagsigaw niya habang nakangiti.

Yun na ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang maging official boyfriend ni Parr. Mahirap siyang pakawalan, kaya agad-agad akong kumilos, dahil malay natin, may dumating na iba, at kung mangyari man yun, at least hindi siya makukuha sakin, dahil akin na siya, mahal ko siya.

Dahil nga December 'yun, madalang na lang kaming nakakapag-usap ni Parr. Busy siya sa pamilya niya at sa mga handaan. Mga invitations sa kanya sa mga ganito-ganyan ay kaliwa't kanan. Sa makatwid, wala na siyang time para makapag-online. Ako naman, sa kabilang banda, ay lagi lang nasa computer at naghihintay lang ng araw na makakapag-online si Parr, dahil ang pasko dito sa ibang bansa ay ibang-iba kumpara sa Pilipinas. Boring at walang kagana-gana. Lalo kong hindi na-enjoy ang christmas break ko dahil nga hindi ko nakakausap si Parr. Medyo nagtampo lang ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako mahanapan ng oras para makausap.

January na nang magsimula ulit kaming mag-usap ng maayos ni Parr.
Parr: Hi kuya did you miss me?
Me: ya
Parr: Awww kuya sorry na, alam mo namang family yun eh diba? Sorry na, smile ka na! Love ka ni utol mo. :)
BLAH BLAH BLAH. At ayun, at the end of the day, masyado ko pa din siyang mahal para magtampo sa kanya.

Lumipas ang anim na buwan, going strong pa din kami, at masaya kahit LDR, nang may sinabi siyang balita sa akin.
Parr: Kuya! Guess what!
Me: Ano yun?
Parr: Natanggap ako sa isang teen modelling contest dito sa isang sikat na network! Makikita mo na ako sa TV!
Nakakagulat, masaya ako para sa kanya, pero at the same time, may tampo ako dahil hindi niya sinabi sa akin ang plano niyang yun.
Me: Bat di mo sinabi sakin na nag-audition ka?
Parr: Syempre kuya I don't want to get yours and I's hopes up. Kung hindi ako matanggap, no biggie, at kung matanggap ako, edi surprise ko yun sa boyfriend ko!
May point naman siya.
Me: Masaya ako para sayo tol. Congrats! :)

Dun na nga nagsimula ang career niya. Magaling magdala ng damit si Parr, lalo siyang gumagwapo sa TV screen at sa mga sinusuot niyang damit. Sa edad niyang 15 noon, mukha na siyang isang propesyonal na model. At dahil nga madaming suporta sa madla, si Parr ang tinanghal na panalo. May malaki siyang cash prize, modelling contract, modelling school, at TV show contract. Akalain mo yun, ang lalaking minahal ko ng lubos 7 buwang nakakalipas, artista na. Buhay nga naman, parang life.

Kahit busy at hectic ang schedule ni Parr, naghahanap pa din siya ng oras para sakin. Minsan kahit madaling araw na dun, at tanghaling-tapat dito, magoonline pa yan, at kakauwi lang niya galing photoshoot. Kahit alam kong pagod na pagod na siya. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Ang laki na ng eyebags niya, tinatakpan nalang ng make up kapag photoshoot na niya, laging kulang siya ng tulog.

December 21, first year anniversary namin. Ang saya-saya ko. Isang taon na din pala kaming nagmamahalan. Kahit may ups and downs kami, nakayanan namin. Kahit napaka-tight ng schedule naming dalawa, nalampasan namin.
Parr: Kuya!
Me: Po?
Parr: Happy first year anniversary! I love you sooooooooo much po! :)
Me: Awww yung utol ko naman. Happy Anniversary din! Mahal na mahal kita, aking artista. :)
Parr: May surprise ako sa'yo!
Me: Ano yun?
At sa videochat, pinakita niya sakin ang isang papel.
Me: Papel lang yan eh!
Parr: Papel nga. Papel na magdadala sakin kung nasan ka.
At dun. Dun na sumabog ang nararamdamn ko. Napakasaya ko. Tumulo pa nga ang luha ko eh. Dahil sa wakas, magkikita na kami ng aking arista. 





Itutuloy.

2 comments:

  1. waahh! Ang ganda! Nasan na ang Part 2? :D

    ReplyDelete
  2. wow na touch naman ako sa 2nd surprise ni parr, un n ata ang kakakilig moments ng mga lovers who meets online....
    thanks po,...next part plsssssssssss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails