Author's Note:
Thank you to Erwin for my wonderful cover photo.
Most especially to those who are continuously reading and supporting this story of mine.
Maraming salamat din sa mga nagbigay panahon para makapagbigay ng kanilang mga feedbacks. Natutuwa po akong malaman ang mga iyon at talaga namang ginagamit ko rin para makapag-improve.
Enjoy reading po!
Chris Li
Strange Love 07
---Mikael
“Oh ano? Ok ka pa ba? Isang round pa! Lakas mong mag-aya hindi mo naman pala ako kakayanin!”
Tinignan ko ang taong kanina pa ako inaasar dahil sa hindi ko na kayang dalhin ang aking sarili. Manhid na ang buong katawan ko buhat noong nag-simula kami ni Jun. Hindi ko rin alam ano bang pumasok sa isipan ko at inaya ko siyang gawin ito. Sa totoo lang ngayon lang ako nakatikim nito kaya naman hindi sanay ang aking katawan at ito para akong nahahapo.
Siguro ayos na rin ito para pag-uwi ko eh sobrang pagod na at hilo pa ay makakatulog kaagad ako. Umayos ako ng pagkakaupo at humarap kay Jun at sabay itong binatukan. Ang lakas kasi maka-kantyaw, pero natutuwa naman ako sa taong ito. Para bang hindi niyang kayang hindian basta ang kaibigan niya.
“Ang yabang mo! First time ko kaya!”, natatawang sagot ko sa kanya.
“Eh ano ba kasing problema at bigla ka na lang nagyaya uminom?” Alam ko kanina pa niya gustong itanong ito sa akin, ngayong nakahiram na siya ng tapang sa espiritu ng alak ay nagawa na rin niyang bitiwan ang kanyang pagtataka.
“Wala no! Gusto ko lang subukan, ngayon lang naman eh. Ahmmm, Jun… uwi na tayo, umiikot na talaga ang paningin ko eh. Parang slow motion na din ang paningin ko. Tignan mo nga naging gwapo ka na rin sa paningin ko. HAHAHAHAHA!”, humagalpak ang tawa naming sa aking nasambit.
“Tanga! Dati na akong gwapo no, mabuti pa nga at iuwi na kita sa bahay niyo. Baka kung saang lugar ka pa mapunta pag hinayaan kita. Kaya mo bang maglakad??”
“Anong akala mo sa akin? Lumpo?!”, para mapatunayan kay Jun na kaya ko pang maglakad ay bigla akong tumayo at humakbang papunta sa labasan, ngunit mali ako ng ikinilos. Naka-isang hakbang palang ako ay napatumba na ako pero maagap si Jun kaya naman nahawakan niya kaagad ako sa isang braso. Ang sakit ng pagkakahatak niya sa akin, tila nabalian ako doon.
“Pare, ‘wag ka na kasing magpasikat. Alam ko naman di ka na makakalakad ng diretso eh.”, salita ni Jun na pilit tinatago ang kanyang pagtawa.
“Oo na, sige na, tara na at nakakahiya na itong sitwasyon ko!”,bulyaw ko sa kanya.
Madaling-araw na rin noon kaya naman hindi na kami nahirapang bumyahe pa. Pinipilit pa nga ako ni Jun na matulog ngunit hindi ko ginawa dahil baka makaidlip rin siya habang nagmamaneho. Nakainom nga ako pero alam ko pa rin naman ang nangyayari at marunong pa naman ako mag-isip.
“Jun, dito na lang ako. Huwag mo nang ipasok si Buknoy sa kalsada namin para di ka na rin mapalayo. Kaya ko na sarili ko, para na rin makapahinga ka na.”
“Sigurado ka? Baka kung saan ka lang matulog niyan.”
“Sigurado ako. Kaya ko na ito, salamat.Ingat ka.”
“Sige mag-ingat ka rin. Kung pwede ‘wag mo na rin ulitin yun kundi lagot ako kay Jaime. Speaking of…”
“Jun, umuwi ka na.”, pagputol ko sa kanya at sabay baba ng kotse. Kumaway ako sa kanya bago ako tuluyan maglakad. Napailing na lang ito at sumaludo na lang sa akin at pinaandar na si Buknoy.
Ilang minuto pa ay nasa harapan na ako ng aming bahay. Bukas pa ang ilaw sa salas. Hinihintay niya kaya ako? Tsss.. ASA! Dinukot ko ang susi sa aking bulsa pero nahulog ito sa sahig.Pagkatapos kong pulutin ito ay siya namang pagbukas ng pinto at niluwa ang taong matagal ko nang hindi nakakausap. Dating kakilala ngayon ay parang estranghero na lang na nasa bahay.
“Oh, gising ka pa pala…”, tuloy-tuloy lang akong pumasok at pumuntang kwarto.
“Saan ka ba galing?”, tanong niya noong nakapasok na ako sa kwarto.
Ano ulit yun? Concern lang kunwari?! Nagsimula na ako magbihis ng pambahay ng biglang pumasok si Jaime. Mukhang naiinis ito at aburido. Tinignan siya ako sandali bago ito nagsalita ulit, tila sinusukat ang aking reaksyon sa pagpasok niya ng kwarto. Nakikiramdam kung pwede na ba niya ko makausap ng ganitong nakainom ako.
“Bakit di mo ko sinasagot? Hindi mo ba alam na kanina pa ako nag-aalala sayo kung saan ba kita hahanapin? Gusto ko na tawagin si Tita pero hindi ko ginawa dahil mag-aalala din iyon sayo.”, tuloy=tuloy nitong pagsasalita.
“Naglasing ka pa! Alam ba iyan ni Tita?”
“ANO?? Tama ba ang narinig ko? Nag-aalala ka? Teka!Naisip mo ba yan nung IKAW yung walang pasabi sa amin ni Inay? Nakalimutan mo na???”, di ko na napigilan ang init ng ulo ko sa kanya at nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Unti-unti nang lumalabas lahat ng kinimkim kong sama ng loob. Ito ang masama kapag pinili mong tumahimik na lang at huwag nang pagusapan pa ang problema, himbis na maresolusyunan ay nadadagdagan lamang. Bandang huli, ang simpleng bagay eh lalaki at sasabog pa ng matindi.
“Bakit bigla mo kong kakausapin ngayon para pagalitan ako sa isang bagay na ikaw din ay ginawa mo. At bakit ko kailangan mag-explain sa iyo?!Where in the first place you haven’t done the same for me!! Kanino ko lang ba nalaman ang nangyari? Sa ina ko pa! Oh ano?! Ngayon mag-salita ka. Preach me kung ano ba ang dapat kong gawin KU-YA!”, sarkastiko kong pagpapatuloy sa pagsasalita sa kanya. Mukhang hindi ito nakahuma sa aking mga sinambit at naka-tingin lang sa akin na tila naghahanap ng maisasagot.
“Hinintay ko na kausapin mo ako noong umaga na iyon. Mas matindi pa sa pag-aalala mo sa pag-iisip ko sayo noong hindi ka pa nakakauwi. Idagdag mo pa na nung nakaraan eh nabugbog ka pa sa kung saan. Have you ever thought of that? Did you ever tried to talk to me kahit na hindi tungkol sa nangyari kahit bilang mag-kaibigan lang?”, naiinis na talaga ako, nawala ang aking hilo sa nangyayari. Buong inis kong isinuot ang t-shirt at umupo sa kama. Nakatayo lang ito at nakatingin lang kung saan.
Wala… wala pa ring imik. Tila ba lahat na ng dugo eh umakyat sa ulo ko kaya tumayo ako at pumunta sa pintuan para lumabas.
Ngunit nagulat ako sa ginawa niya, nasa pintuan na ang isang kamay ko at pipihitin ko na ito ng hinatak niya ang isa kong braso. Masakit… yun kasi ang nahatak kanina ni Jun sa bar noong ma-out-of-balance ako. Iniharap niya ako sa kanya at niyakap ako. Sa sobrang pagka-bigla ay hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko.
“Sorry…”, mahinang sambit nito sa aking kaliwang balikat.
“Sorry Mikael, na hindi ko man lang nagawang kausapin ka. Hindi ako sanay manuyo ng kaibigan o kahit na sino pa man. Hindi ko rin alam kung paano ba ang gagawin noong pagkauwi ko dito at tinignan mo ako ng ubod ng tindi. Naisip kong walang silbi lahat ng gusto ko sabihin sayo noon. Hanggang sa hindi na talaga tayo nagpansinan. “
“I’m such a brat, I know.”, bahagya itong natawa sa pag-amin niya, habang yakap pa rin ako, na siya namang ikinangiti ko rin. Ito lang naman hinihintay ko eh, ang kausapin niya ako at lahat na ng bagay ay ok na para sa akin.
Yayakapin ko na rin sana siya noong sandaling iyon ngunit nag-alangan ako kaya hinayaan ko siya na lang ang humawak sa akin.
“Bakit wala kang imik? Hindi na ba tayo pwedeng bumalik sa dati?”, malungkot nitong tanong sa akin. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at nakayukong nagsalitang muli.
“Sorry ulit sa lahat.” Tumalikod ito at papalabas na ng kwarto. Ayun, hindi ko rin natiis ang taong ginusto ng puso ko. Hinatak ko ang laylayan ng sando niya at nagsalita.
“Kuya Jaime… nagugutom ako.”, ewan ko nga ba bakit yan ang nasabi ko sa kanya.
Lumingon ito sa akin bahagyang nakangiti pero nalilito.
“A-ano bang gusto mong kainin??”, nakakunot noo niyang tanong sa akin. Marahil ay nagtataka kung ano ba tumatakbo sa isipan ko, kung ok na ba kaming dalawa o gutom lang talaga ako.
“Ikaw…”
“A-ako??”, mas lalong kumunot ang noo nito at napakamot ng ulo niya.
“O-opo, ikaw…ikaw na bahala kung ano bang pwede mong lutuin. Tulungan na lang kita.”
“Ahhh, yun lang pala eh. Ok na ba sayo kung initin ko na lang yung puchero? Kanina pa kasi kita hinihintay eh. Sabi ni Tita Jean iyan ang paborito mo…”,medyo nahihiya niyang pag-amin.
“Talaga? Nag-luto ka para sa akin? Anong lasa nun??”, ngumingiti na ito ngayon sa akin. Marahil nakuha na niya na ok na ang lahat.
“Ang sama mo! Marunong na ako mag-luto no. Tinuruan ako ni Tita kapag wala ka dito. Palibhasa hindi ka na napirmi dito kaya di mo alam mga ginagawa ko.” Lumabas na ito ng kwarto para initin ang ulam, ngunit muli ay hinaltak ko ang laylayan ng sando niya. Lumingon ito sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon.
“Hmm, bakit?”
“Wala... na-miss lang din kita, kuya.”, nakayuko kong sabi sa kanya.
“Ikaw talaga, gutom lang yan. Tawagin na lang kita pag kakain na ha. Maligo ka na din muna siguro, amoy chico ka eh!HAHAHAHA!”, sabay gulo sa aking buhok.
Ang gaan sa pakiramdam dahil sa wakas ay nagka-ayos na kaming dalawa. All I wanted is for him to swallow his pride because I’m not gonna tolerate that kind of attitude he has.
Naligo ako para tuluyan ng mawala ang epekto ng alak sa aking katawan. Hinayaang kong dumaloy ang tubig sa aking katawan ng matagal – napakapresko. Naalala ko ang eksena namin noong humingi siya ng tawad. It was just a simple word but it melted my heart dagdagan mo pa na niyakap niya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang sinseridad niya sa paghingi ng tawad at wala ng ibang eksplenasyon pa ang kailangan.
Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa tagpong iyon at pinagluto pa niya ako ng paborito kong ulam kaya punong-puno ang dibdib ko sa tuwa.
“Mikael?Bilisan mo na para makakain na tayo. Inaantok na rin ako eh.”,pagtawag niya sa akin habang ako ay nagbibihis.
“Opo, lalabas na rin po!”
“Hmmm, mukhang masarap Kuya ah. Sana totoo nga. Hihihi!”, pang-aasar ko sa kanya.
“Umupo ka na nga lang at kumain! Nang-aasar pa eh!”, yamot nitong sambit pero nangingiti rin naman.
-----Jaime
I can’t belive that I had it in me. Nagawa ko yun? Never in my entire life na may sinuyo akong tao. Well hindi naman talaga siya pag-suyo but it seems that I’ve surrendered unto him. Natutuwa ako dahil nagawa ko iyon at heto kami ngayon maayos na kami.
At parang walang nangyaring awayan dahil ang kulit na naman ng isang ito. Ang lakas mang-asar na hindi daw masarap ang luto ko pero pangatalong kuha na niya ng kanin. Akala ko pa naman eh hanggang sa sembreak eh mukhang tanga kami dito sa iisang bahay, that would be really awkward and baka lalo kaming mapalayo sa isa’t-isa.
“So umiinom ka pala bunso?”,pag-uusisa ko sa kanya. Gusto ko malaman kung ano nangyari sa kanya.
“Opo, ng tubig, eh kung hindi malamang patay na ako ngayon diba?”
“Pilosopo! I mean alak!” Ang lakas talaga mang-asar nitong taong ito.
“Oha! Talsik mo lumalaway, eeew! Kanina ko lang nasubukan iyon. K-kasi gssko mtlg na.. uwi!”, pilit nitong pagsasalita habang nginunguya ang isang bloke ng kanin sa kanyang bibig. Ang takaw!Grabe!
“Ano? Nguyain mo nga yan bago ka mag-salita.”
“Ang sabi ko ay gusto ko na matutulog na ako kaagad pagdating dito. Kasi nga… hindi t-tayo okay.”, pahina nang pahina nitong sinabi.
“Ahh, at si Jun pa talaga ang inaya mo?? Eh, parang tubig lang ang alak sa taong yun eh. Sa susunod kung gusto mo uminom ako isama mo, kahit dito na lang tayo sa bahay para diretso na ang tulog. Huwag ka nang iinom sa labas tignan mo nga yung ayos mo kanina parang isang hipan lang sayo tulog ka na.”
“Uyyy, concern siya. Hahaha!”
“Ewan ko sayo, hugasan mo yang pinggan mo mag-isa mo. Hihiga na ko, mukhang nahimasmasan ka naman na eh kaya mo na ‘yan.”, balik ko sa kanya.
“Ay asar-talo, biglang pinag-hugas ako ng pinggan. Sige na nga dun ka na sa kwarto.”, pagsan-ayon nito.
Hindi pa naman talaga ako inaantok dahil mahaba-haba rin ang itinulog ko kaninang hapon. Inaasar ko lang talaga siya, ang kulit kasi.
“Hoy Kuya, bakit ka naka-ngiti dyan? Para kang baliw! Urong nga at gusto ko na rin mahiga.”,pagbasag nito sa aking pagmumuni-muni.
“Ikaw talaga napaka-bully mo sa akin.”
“ Hala! Ako ba ang “Campus Bully” sa ating dalawa??”
“Ah ganun? Halika ka nga dito ng makita mo kung paano ako mang-bully!”
Hinatak ko siya sa kama at nagpam-buno kaming dalawa. Habulan dito, habulan doon na parang mga timang lang. Daig pa namin ang magkasintahan kung mag-harutan. Ano bang magagawa ko eh na-miss ko itong taong ito eh. Hanggang sa sinunggaban ko siya at bumagsak sa sahig.
“Kuya, masakit sa likod, pwede ka nang tumayo para kang namaligno eh.” Hindi ko namalayan na natitigan ko pala ang kanyang mukha.
“Ay sorry, tara na nga at matulog na tayo. Ang gulo mo kasi eh.”
Tinignan ko siyang muli pagkabangon ko. Tignan mo nga naman ang isang ito, isang saglit pa lang eh tulog na kaagad? Pambihira pagbubuhatin na naman ako nito. Sinubukan ko siyang gisingin pero para saan pa nga ba eh kung matulog ito ay parang hindi na gigising.
Iniayos ko siya sa kasama at kinumutan at tulad ng dati hinawakan ko ang kanyang kamay. This is wrong I know pero ano pa nga bang magagawa ko?
The more I deny it…
The more it is evident that I have fallen…
I will give in this time but soon I should divert this feeling, I have to. Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan na meron kami ngayon dahil lamang sa maling nararamdaman ko para sa kanya.Lahat ng ito ay bago sa akin,hindi ko alam kung paano ko gagawin ito ng maayos. Mas magandang ibaon ko na lang ito sa limot, sana ay magawa ko.
Sa mga nagdaang linggo na hindi kami nag-usap. Iniisip ko na baka ako ay nag-seselos lamang kay Jun o kahit sino mang nilalapitan niya. Inisip ko din na baka na-mimiss ko siya ng sobra kaya naman balisa ako. Itinanim ko lahat nang iyan sa utak ko, na walang mali sa nararamdaman ko dahil normal ito lahat.
Ngunit nagbago ang lahat simula noong yakapin ko siya kanina. It’s like I can never let go of him and it was agonizing noong wala ako makuhang sagot sa kanya. Habang ang mga katawan ay magkadikit, I felt like his body is designed for my hug, na I can go on hugging him forever. I know it is insane and unreasonable pero…
Wala eh…Hanapin ko man ang sagot ng paulit-ulit o halughugin ko man ang aking isipan ko kung bakit ito ang nararamdaman ko para sa taong ito ay wala akong makuha.
Ang alam ko lang eh… MAHAL ko siya. Mahal ko na si Mikael.
......Itutuloy
Super kilig tong part na to..buti naman at may update na..sana mabilis ung update..tnx autor!!! by the way it's my first time to comment here..
ReplyDeleteastig,mamamatay aq sa kilig nito..haha.
ReplyDeletenxt chapter pho...
Kilig much ako..
ReplyDeleteGo next chapter na po..
good author,, sa susunod maganda uli ah.. TC.
ReplyDelete