It’s our imperfection that makes us human.
But have you ever thought about the feeling of being perfect? Yung tipong wala kang kapintasan? Walang masasabi na kahit ano ang mga tao sa iyo? Na tipong pag tiningnan ka nila ay matutulala lang sila?
Well, I guess you will envy me.
Hindi sa pagmamayabang but I know I’m perfect. My flawless skin, lean, sexy body that everyone is dying for. I have em all.
And isa pang ikakaiinggit mo sa akin? I have everything you could only dream of. Nice clothes, shoes, everything.
Malamang naiinis ka sa pagkayabang ko. Pero what makes you think I care? Wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng nasa paligid ko. I stand tall wearing clothes that you are dying for. I also have set of jewelries and accessories na hanggang sa pangarap mo lang mabibili.
But then again, sa akin? Meron ako nyan.
Envy me? Sue me!
People pass by and would always stare on how I look. And there, I proudly show off myself. I stand tall habang nakatingin sa kawalan kahit alam kong nakatitig ang karamihan. I can even see you staring at me sometimes.
Dedma.
I get to experience ang buhay na comparable sa mga gods.. Dahil sa sobrang pagkaperpekto ko, kahit tagalinis ng katawan ko ay meron ako. I don’t do it on my own. People are paid para lang linisan at pati bihisan ako. Yes, even to the last clothing na meron ako ay may tagahubad at suot ako. At lahat ng gumawa nito, napahanga lang talaga sa katawan ko. Sabi ko nga, I’m perfect.
Did I mention na perfect ako? Huh?! I did? Para kasing kulang pa!
“Nobody’s perfect.”, madalas kong marinig sa mga taong humahanga sa akin. Pero muli, Dedma. Inggit lang kayo!
Dedma dahil manhid ako at walang pakiramdam.
It’s our imperfection that makes us human.
Kaya nga perfect ako.
Those rules don’t apply to me.
After all..
I’m a mannequin.
LIke it
ReplyDeleteMannequin lang pala tama nga naman ,lagi syang nakatayo at mistulang pinag mamayabang ang meron sya na wala ang iba ang katawan,muka,alahas,damit,sapatos at kung ano ano pa pero may mga ganyan talagang tao parang mannequin;manhid,walang puso at minsan plastik hahahaha
ReplyDelete