By: INARO
Magandang araw po sa inyong lahat. Medyo napatagal ang post ko sa kadahilanang dito na po ako sa Manila nagwowowrk ang super adjust ako sa buhay ko ngayon sana po may nagbabasa pa rin ng story ko kahit napabayaan ko ng panandalian ito. Pasensya na po tlga so bare with me guys. Pasensya na po medyo maikli itong post ko kasi sobrang exhausted talga ako, at hindi pa ako ganoon nakakapag adjust sa environment ko. sorry po.
Gusto ko po sana magpasalamat kila kuya Mike Juha at Dark Ken for giving me an opportunity na magsulat sa blog ninyo, salamat mga idol. Salamat na rin sa mga readers ng story ko namely: Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza, iChaenix, Frostking, diumar, ThiSisMe, rascal, Melmar Jones, Josue Altoveros, ferdinand, riley delima at sa mga anonymous readers at sa mga hindi ko nabati maraming salamat po sa mga comment niyo mapa-good or bad man ayos lang po yun!
So guys sit back, relax and spread your love.
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 9
January 2010, 4:50pm
“Naniniwala ka ba sa love at first kiss?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Jek-jek.
“Ha?.... baka love at first sight ang ibig mong sabihin…” nagtataka kong turan sa tanong niya.
“Hindi… love at first kiss nga..” pamimilit pa rin nito.
“Hanep, ano ba yun? Nahalikan ka lang, na-inlove na agad? Parang one night stand, ganoon ba?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“ahahahaha…” tumawa na ito habang ako ay gulong-gulo sa mga sinasabi niya.
“Linawin mo kaya yang love at first kiss na sinasabi mo..” naiinis kong sabi.
And beyond his laugh, hid story continued….
---------------------------------------------------
June 2006, 6:00pm, Monday
Mahigit isang buwan ang mabilis na lumipas, simula nang umalis si Sir Ton-ton, ay para akong tanga na naghihintay sa kaniyang pagbabalik. Wala man kasiguraduhan ay umaasa pa rin ako na babalik siya tulad ng sinabi niya sa sulat. Walang gabi na hindi ko pinapanalangin sa Maykapal na sana ay bumalik na ito.
Sinubukan kong labanan ang anumang nararamdaman ko para kay Sir Ton-ton pero hindi ko rin iyon nagawa sa halip ay parang lalo pang tumindi ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Minsan nga naiinis na ako sa sarili ko dahil kahit sa oras ng trabaho ay laging sumisingit ang mga alaala namin ni Sir Ton-ton. Oo nga at nagsimula kami sa isang cold war ay nahulog pa rin ang loob ko sa kaniya. Gustuhin ko man na kalimutan siya ay hindi ko nagawa dahil mapa noarding house o sa restaurant ay parang nakikita ko si Sir Ton-ton.
Ewan ko ba, kung tutuusin wala naman kaming magandang alaala sa isa’t-isa maliban noong huling gabi na nagkausap kami at kahit paano ay nagka-ayos,
Tulad din sa sinabi ni Sir Ton-ton sa kaniyang sulat ay sobra-sobra rin ang panghihinayang ko dahil hindi nga kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-bonding man lang, kung sakali man na bumalik ito ay ipinangako ko sa aking sarili nagagawin ko ang lahat maging magkaibigan lang kami.
“Magkaibigan nga lang ba?....” minsan ay naitatanong ko sa aking sarili. Oo, hanggang magkaibigan lang kami. Hindi naman ang tipo ni Sir Ton-ton ang papatol sa kapwa niya lalaki. Kaya hangga-t maaari ay sinusubukan ko siyang kalimutan.
Naaalala ko pa noong unang sahod ko, bumili ako ng bag na katulad ng bag ni Sir Ton-ton na nasira ko. Ibibgay ko iyon kung sakali man na bumalik ito.
Minsan sa sobrang pagka-miss ko dito hinihiram ko ang cellphone ni King at susubukan na tawagan si Sir Ton-ton pero hindi ko ito makontak. Sabi ni King mahina raw ang signal sa probinsya nila dahil nasa kabundukan ang tahanan ng mga ito. Kaya ipinagdarasal ko na lang na sana ay nasa mabuti itong kalagayan.
Araw ng lunes, pauwi na ako galing trabaho. Unang araw ng pasikan sa school, sa liit ng naipon ko ay hindi iyon naging sapat upang makapag-enroll ako sa college kaya napagpasiyahan ko na lang na mag-iipon pa ako. Nakasakay ako sa jeep katabi ang mga ilang estudyante na marahil ay nag-mall muna bago umuwi. Pagka-inggit ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Sobrang saya nila habang nagkwekwentuhan tungkol sa nagdaang bakasyon. Kung hindi lang huminto ang jeep na sinasakyan ko sa kanto na bababaan ko ay baka nabatukan ko ang mga ma-iingay na estudyante na iyon.
Naglalakad na ako pauwi ng boarding house. Sa loob ng isang buwan puro kalungkutan ang nararamdaman ko sa tuwing uuwi dahil hinahanap-hanap ko ang presensiya ni Sir Ton-ton. Mas ok pa yung dati kasi kahit sinusungitan at sinusupladuhan niya ako eh ayos lang atleast nakikita ko siya at nakakasama, hindi tulad ngayon na nagkakasya na lang ako sa mga alaala niya.
Ipinilg ko ang aking ulo para maiwaksi sa aking isip si Sir Ton-ton bago tuluyang pumasok sa gate ng boarding house.
“Pssst… Jek-jek..” pagtawag sa akin ng landlady namin.
“Ay tikbalang ng ina mo..” gulat kong sabi sa biglaang pagsulpot nito.
“Pasensiya ka na hijo… nagulat pa ata kita…” natatawang sabi ng landlady namin.
“Okay lang po, pasensiya na rin kayo,…eh ano po ba atin?..” tanong ko.
“Gusto ko lang sana sabihin sayo na may bago ng uupa sa kuwarto niyo ni Anthony…” balita niya sa akin.
“Eh babalik pa po si Anthony..” sagot ko sa kaniya.
“Kailan pa?... aba eh malulugi naman ang negosyo ko..” reklamo ng landlady namin.
Matapos noon ay iniwan na nito habang ako ay nagmamaktol at hindi makapaniwala na may bago na akong roomate. Mabibigat na paa ang humakbang papasok sa loob ng bahay. Agad akong sumalangpak sa sala na para bang pagod na pagod.
“Anong nagyari sayo?” salubong na tanong sa akin ni Jay-ar.
“Wala…” walang gana kong sagot.
“Wala?...eh bakit parang pasan mo ang daigdig kung makasimangot ka diyan?” gatong pa ni Andrew.
Napabuntong-hiniga ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang pinagdaramdam ko. Alangan naman sabihin ko na ayoko ng may roomate siyempre magtataka sila kung bakit eh hindi ko naman puwedeng sagutin iyon na para sa amin lang ni Sir Ton-ton ang kuwarto baka kung ano pang isipin nila.
“Nasaan sila King at Noel?” tanong ko para ilihis ang tanong ni Andrew.
“Naroon sa kuwarto nila, naglalampungan.” Sagot ni Jay-ar.
“Ganoon ba, sige akyat na ako sa kuwarto.” Sabi ko sabay tayo.
“Ahm Jek-jek, may kasama ka-…” pinutol ko ang sasabihin ni Andrew.
“Yeah I know… sinabi na sa aking ng landlady natin… sige akyat na ako gusto ko na magpahinga…” pinutol ko na ang sasabihin ni Andrew dahil alam ko naman na may kasama na o kahati na ako sa kuwarto. Iniwan ko na sa sala ang dalawa bago pa ako tuluyang kulitin baka mapa-amin ako ng di-oras.
Pagbungad ko sa pinto ng kuwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan. Walang tao, isang maleta lang ang naroon sa gilid ng kama na dating ginagamit ni Sir Ton-ton. Totoo nga na may bago na akong roomate. Hindi ko magawang pumasok, parang ayaw i-absorb ng utak ko na may iba na akong kasalo sa silid naiyon kung hindi lang rin si Sir Ton-ton.
“Ehem…” pagtikhim ng tao sa likod ko. Dahil sa gulat ay agad akong pumasok sa kuwarto at umupo sa kama ko. Hinintay kong pumasok ang roomate ko. Nakayuko lang ako, ayokong makita ang roomate ko baka mapansin niya sa aking mga mata ang pagkadisgusto ko na may kasama ako sa silid na iyon.
“Ehem…” pagtikhim ulit nito. Doon na ako nag-angat ng mukha.
Isang malaking pagkakamali ang ginawa kong iyon. Tila isang anghel ang mukha ng taong kaharap ko. Automatic na napatayo ako. Wala na akong pakialam kung nakanganga ako, kasi naman umaapaw ang pagkamangha at paghanga ko sa lalaking ngayon ay nakangiti na sa akin. Ang kaniyang ngiti, literal na nagpahinto sa tibok ng puso ko, parang kakapusin ako ng hininga sa mga ngit niyang iyon.
“Hi!..” pagkuwan ay masiglang bati nito, sabay lahad ng kaniyang mga kamay.
Ang simpleng Hi niya ay nagpatayo ng balahibo ko. Ang kaniyang boses ay tila musika sa aking pandinig. Ano bang meron sa taong ito at tila nagmukha akong tanga sa harap niya. Panaginip lang ba ito?
“Hi… i-ikaw ba ang ro-roomate ko?” pautal-utal kong sabi sabay-abot ng kaniyang kamay.
Nagdulot ng kakaibang kuryente ang nangyaring pagdadaupan ng palad namin.
“Yeah… I’m Anthony Lacsamana…” nakangiting pagpapakilala nito. Natameme ako, hindi ko alam ang sasabihin.
“Ahm..ako si…Jericho… Jericho Sta.Maria”
Matapos kong magpakilala ay bigla niya akong kinabig at niyakap ng pagkahigpit. Nanghina ang tuhod ko, kunti na lang ay baka himatayin na talaga ako sa mga oras na iyon.
Mula sa pagkakayakap niya sa akin ay bumulong ito.
“Na-miss kita Jek-jek…” sapat na ang mga salitang iyon ni Sir Ton-ton para mawalan ako ng malay at magdilim ang paligid ko.
Joke lang, hindi talaga ako hinimatay medyo nag over-react lang ako sa aking pangarap. Kasi naman kung makayakap itong si Sir Ton-ton akala mo ganoon na kami ka-close. Amoy na amoy ko ang pabango nito, lintek parang ayoko ng kumawala pa kaniyang mga yakap.
“Na miss talaga kita Jek-jek…” nagsalita muli ito. Ano bang problema ng taong itp, hindi ba niya alam ang epekto ng ginagawa niya sa akin.
“Ha?.....ano?.... ikaw lang pala….” Ang wala sa huwisyo kong sagot. At sa mga oras na iyon, totoo na ito, hinimatay na ako sa sobrang kilig.
-itutuloy
Nice
ReplyDeleteSa wakas nakabalik nadin si Sir Ton-Ton :))
ReplyDeletei never expect po na may magbabasa pa rin...akala ko iniwan niyo na ako hehehe... for almost a week na nagwowork ako dito sa manila eh kahit paano nakapag adjust na ata ako... every weekend na po ang posting wew salamat po sa inyong lahat!!!!
ReplyDeletewaaaaahh. kinilig naman ako dun! LOLs... more! :)
ReplyDelete