Chapter 21
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
____________________________________________________________________________
It is probably the most controversial morning in NorthEast State University.
Lahat ng mga estudyante ay iisa lang ang pinaguusapan. Lahat halos ay hawak-hawak ang LAMPARA Daily para sa pinaka-eksplosibong kontrobersiya na nagyari sa kasaysayan ng unibersidad.
NASUDI's Prince of Rock & Singing Heartrob trashed BABAYLAN's Event
BABAYLAN mourned 'bout Dela Cruz' death
Lloyd Dela Cruz' lifeless body found at NSU ground
Paulit-ulit na parang sirang plaka ang mga headline sa ulo ni Red. Sariwang sariwa pa ang nangyari sa kaganapan kagabi sa alumni homecoming. Dapat sana ay papalapit na si Adrian sa kanya para sumayaw kasama siya. Nabigla siya ng tumakbo ito at hindi na itinuloy ang performance. Kaagad namang sumunod si Jake para sundan ang matalik niyang kaibigan. Tatakbo na rin sana siya ng pigilan siya ni Director Lee, sinabi niyang kailangan daw tapusin ang number nila sapagkat nakakahiya raw sa mga bisita. Kaya ang nangyari ay kinanta niya ang nalalabing bahagi ng kanta at ang dapat sanang sayaw ay napunta sa pagawit niya. Nahagip rin ng mata niya ang titulo ng iba pang balita.
Red Antonio wows audience with his Bleeding Love version
Red Antonio to replace the 2 Js as lead singer of NASUDI?
'Red Antonio is the next big thing' says NorthEast studs
Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung anuman ang balita patungkol sa kanya. Mas nag-aalala siya sa kapakanan ni Adrian. Ngayong sunod-sunod ang patayan sa loob ng kanilang campus ay malamang sa hindi ay si Adrian ang isa sa maging biktima ng karumaldumal na krimeng ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito.
Nagbihis na siya para pumunta sa opisina ni Director Lee. Nakatanggap siya ng text message at nagpatawag ito ng emergency meeting sa kanilang tatlo. Hindi pa man nagsisimula ang meeting na iyon ay parang alam na niya ang paguusapan.
He prepared himself for excuses he needed to say. Kung bakit pa kasi ay hindi siya nakainom ng gamot sa tamang oras. Now he is back on the track. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Its good that he doesnt have to wear again those eyeglasses. Hubad niyang nakita ang kanyang kabuuan. Its funny how he managed to survive those pain that made him this way. Wala na ang inosenteng nakilala nila. The next thing he knew ay nakadamit na uli siya ng purong itim. And it read:
Just because I love black doesn't mean Im bad.
Kinuha niya ang eyeliner nasa tabi ng salamin. He used this to murder his eyes. Nang matapos ay nagbagong anyo uli ang kanyang mata. He had again those sharp eyes. Kinuha niya na ulit ang buhok bahagya itong nagulo dahil nagising siya kagabi na may gel ang buhok niya. Nahirapan siyang banlawan ito. To avoid bad hair day ay kumuha siya ng itim na bonnet at ipinantakip sa ulo leaving his red bangs out. Inilagay niya ulit ang mga hikaw sa dapat nilang kalagyan.
Napukaw ang kanyang konsentrasyon sa pagbibihs ng marining ang tunog ng kanyang cellphone. It was an unregistered number.
"Sino to?" malamig agad niya na bati sa kabilang linya.
"Jude, this is Max"
"Max" nagbago agad ang kanyang mood ng marinig ang boses nito.
"Im just checking on you... Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito
"I guess. wag kang mag-alala when this is all over, Ill go back there"
"No worries.. bukas naman lagi ang bahay but by the way.. do you still have meds?"
"Yun nga ang problema ko.. Im running out of meds"
"Kuha ka na lang sa bahay, I have an appointment here in Manila"
"Sige.. Pupunta na lang ako pag may oras"
"Ok.. I dont care kung asan ka ngayon but please.. Just take care."
"Ok"
Namalayan niya na lang na patay na ang linya sa kabila. Ibinaba na niya ang cellphone at nagtungo ulit sa salamin. Katabi nito ang ang isang kalendaryo.
Malapit ng matapos wika niya sa sarili. Hinanda na niya ang kanyang gamit. Kailangan na niyang harapin ang Director.
Ang opisina ni Director Lee ay tila may kakaibang presensiya sa araw na iyon. Ang hangin sa loob ay parang nababalot ng galit at hinagpis. Waring sinumang pumasok sa loob ay mahahawa sa nasabing emosyon. Naroon silang tatlo. Siya, si Jake at si Red. Napapagitnaan siya ng dalawa bagaman hindi siya nangahas lumingon sa kung sino man dito dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata nitong siguradong magtatanong sa kanya.
"First, I was of course sad and grieving that a friend of mine, Lloyd Dela Cruz passed away and was brutally murdered. Ang nakakapanghinayang lang ay sa loob pa siya ng campus namatay which is suppose to be a safe haven for any administrator or students. But what makes me infuriated is the fact na bago siya namatay ay nasaksihan niya muna ang pagkadiskarel ng programang siya mismo ang nagorganisa" singhal ng Director sa kanilang tatlo.
Ang mga mata nito ay nakapako sa kanila. Halatang hindi ito nasiyahan sa mga nangyari kagabi.
"Jude..." tawag nito sa kanya. Umangat naman ang kanyang mukha para salubungin ang titig nito.
"You actually had my faith. Umasa ako na tulad ng mga nakaraan mong performance ay mapapaganda mo ang performance mo kagabi or even better than the previous ones... But what you just did is so embarrassing. Hindi mo lang ipinahiya ang sarili mo, ipinahiya mo ang buong NASUDI. You know how this damage would affect the club? Syempre magsisimulang mag doubt ang mga event organizers at iba pang mga club sa propesyonalismo na meron tayo. You know how much we dont like to breach trust to everyone."
Mas pinili na lang niyang huwag sumagot. Wala talaga siyang pakialam kung nagkalat siya kagabi ang importante sa kanya ay nandito pa rin siya being worshipped as NASUDI's Prince of Rock. Siguro naman ay mas marami pang pagkakataon para mapatunayan niya ang sarili. Mas mabuti na rin na nangyari iyon at least hindi natuloy ang kung anumang corny performance na nakatakda niya sanag gawin.
"At ikaw naman Jake... humabol ka pa.. and the way the audience see it ay parang tinakbuhan mo na lang din sila sa stage. Remember that the show must go on kahit na anong mangyari but then anong ginawa mo? hinabol mo rin to... leaving Red alone on the stage" singhal ng Director kay Jake. Punong-puno ng disappointment ang mukha nito.
"Im sorry" puno ng sinseridad na wika ni Jake.
"Dont sorry me if both of you will repeat the shame... Hindi niyo na ikinonsidera ang posisyon at impluwensiya na merong kayong dalawa. It would be easier if it is the other members who created the scene. Kaso hindi!! My lead singers went away and ruin a suppose to be majestic performance. Alalahanin niyong malapit na ang NASUDI Recital. And what you both did jeopardize your chances on becoming the performer of the year"
Shit! mura niya sa sarili. Yun ang isa pinaka-aasamasam niyang titulo na makuha. If he will get this ay para na rin niyang nasampal si Jake at maagaw ang ambisyon nito.
"And I would like to take this opportunity to thank Red for saving the performance. You have proven yourself as NASUDI's valuable asset. So I came up with this abrupt decision and I would like to inform you two, Jude and Jake that effective today, I am elevating Red's status from NASUDI member to the newest lead singer of this organization. All of you three are sharing the same status now."
Tiningnan niya ang reaksyon ni Red sa sinabi ng Director ngunit wala siyang nababakas na excitement sa mukha nito. Lumingon siya kay Jake ngunit nakatungo pa rin ang ulo nito.
"And before I forgot... Jude and Jake you are both suspended on your posts. From the moment you get out here gusto kong umuwi muna kayo sa kanya-kanya ninyong bahay. Its not healthy na pakalat kalat kayo dito sa Bldg at sa school. Both of you are a complete disgrace. Ang ibang singers na lang muna ang bahala sa ibang event... That's all ... makakalabas na kayo"
Dire-diretso siyang lumabas ng pintuan. Hindi siya magaabalang magsorry dito. Wala rin siyang pakialam kung nakaladkad ang NASUDI. He will never make apologies for who he is. And he will never apologize to anybody, kasalanan niya man o hindi. Ang sorry ay para lamang sa mga taong hindi mapanindigan ang mga pinag-gagagawa nila sa buhay.
Pumasok na siya sa loob ng kanyang kuwarto at nagsimulang magimpake ng gamit. Madali lang naman talaga siyang kausap kung ayaw ng Director na makita siya dito ay wala pang alas-otso na lalayas siya sa kuwarto niya. Kinuha niya ang maleta na nakalagay sa ilalim ng kanyang kama at binuksan ito. Naalala niya ang paguusap nila ni Max kanina, maybe he will just crash in their house instead of going to hotels. Pakiramdam niya ay mas maganda kung sa bahay na lang nito siya pupunta. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng malakas na katok sa kanyang pinto. Kung sino man ito ay talagang makakatikim sa kanya. Kung makakatok naman kasi ito ay parang gusto ng gibain ang pinto.
Binuksan niya ang pinto at akma na sanang sasalubungin ng suntok ang kumakatok ngunit napatda siya sa nakita.
Si Red.
Hindi niya alam ang rason kung bakit ganun na lang ang galit na nakita niya sa mukha nito ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon.
"Kung kakatok ka naman sana mas nilakasan mo pa ng konti" sarkastiko niyang wika dito
Hindi nito pinansin ang sinabi niya at agad na pumasok sa loob ng kuwarto niya. Nang makita nito ang kanyang maleta at kaunting damit na nailagay niya roon ay binalingan siya nitong muli.
"Ito na ba ang lahat ng gamit mo?" tanong ni Red sa kanya
"Anong pakialam mo?"
"Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos"
Bahagya man siyang nagulat sa paraan ng pagtatanong nito ay pinilit niya pa ring ipagsawalang bahala ito.
"Kumatok at pumasok ka ng wala man lang kaayos-ayos tapos ngayon hihingin mo na sagutin kita ng maayos?"
"Hindi ko na kailangan tratuhin ka ng maayos dahil tulad ng sinasabi mo ay nagbago ka na. Hindi ka na nadadala sa pakiusap Moks kaya kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa dito sa kuwarto mo ay sumunod ka na lang sa akin"
"Bakit anong gagawin mo kung hindi ako susunod?"
"Maghuhubad ako" may himig pagkapilyong wika nito sa kanya
"Eh di maghubad ka" wala sa loob niyang turan dito.
Akala niya ay hindi nito kayang gawin ang banta ngunit ilang segundo lang ay nakaharap na ulit sa kanya si Red na tanging brief lang ang nakatakip sa hubad na katawan. Napalunok siya ng makita muli ang bukol na iyon sa puti nitong brief.
"Anong kalokohan to? Ano bang gusto mo ha?" iritableng tanong niya.
"Gusto kong sumama ka sa akin sa bahay at doon ka mamamalagi sa tatlong araw na suspension mo"
"Nagpapatawa ka ba? Anong gagawin ko sa bahay niyo?"
"Sa ayaw mo at sa hindi sasama ka..."
"At kung hindi ako sumama"
"Wala akong choice kundi ipa-alala sa iyo ang nangyari sa atin sa hospital bago mo napagdesisyunang magrebeldeng ganyan" makahulugang sagot nito at sinabayan pa ng pagkindat ng kanang mata.
"Bwisit... Bitbitin mo yang maletang yan!.. Hihintayin kita sa labas" wika niya at tuloy tuloy na lumabas sa kanyang kuwarto ngunit natigilan siya ng sumagot muli ito
"Sus ang arte mo Moks.. kahit kailan pikon ka talaga"
"Damo mong satsat.. dalian mo na"
"Opo Adrian Dela Riva... Kunwari pa.. Gusto mo lang naman ako makasama. Hehe"
"Its Jude" pangbabalewala niya sa pangaasar nito
"Ang arte mo talaga.. Nageyeliner ka lang umaapaw ka na sa katarayan.. Pero mas maganda.. mas may challenge"
"Bilisan mo bago pa magbago isip ko"
"Eto na po Moks ko...Binibilisan na"
Hindi na lang siya umimik at pinagmasdan itong nagiimpake ng gamit niya. Napadako ang tingin niya sa nakabukol pa rin nitong alaga. Napapalunok siya kapag nahahagip ito ng tingin. Bakit pa kasi hindi ito nagbibihis? bwisit na tanong niya sa sarili.
"O anong tinitingnan mo Moks?" nakangiting wika nito
"Yang maleta" wika niya sabay irap
"Maleta ba talaga?" nangaasar na namang tanong nito
"Ang kulit mo! Nakakairita ka na"
"Sabi ko nga maleta.. Ang kulit mo talaga Red!" wika nito sa sarili habang tumatawa.
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sa inaasal nito sa kanya. Kung meron mang pakiramdam na dapat niyang kitilin sa ngayon ay ang nararamdaman niya pag nasa tabi niya ang taong ito. Kinikilig ba siya? Bwisit! wika niya sa sarili.
"O ayan.. eto na po maleta niyo" nakangiting tugon nito
"O bat hindi ka pa nagbibihis?" tanong niya dito ng makalapit. Naka brief pa rin kasi ito at hindi siya makagalaw ng maigi kapag ganitong nakikita niya itong nakaunderwear lang.
Nginitian siya nito ng sobrang tagal
"Excuse me may nakakatawa ba?" tanong niya dito ng mapansing nakangiti pa rin ito sa kanya
"Sabi na nga ba hindi mo rin ako matiis Moks eh" nakangiti pa ring tugon nito
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Alam mo wag kang mag-alala nirereserve ko talaga tong view na to sa iyo lang.. Hahaha" natatawang sagot nito sa tanong niya
Sa sobrang pagkapikon ay lumabas na lamang siya sakuwarto niya. Hindi niya alam kung nabibwist ba siya rito o sa sarili niya. Balak niyang hintayin na lamang ito sa labas ng kuwarto.
Maya-maya pa ay nakita na niya itong nilock ang pintuan niya at humakbang na rin sa kinaroroonan niya.
"Akin na po maleta niyo" nakangiting wika nito sa kanya.
Irap lang itinugon niya
Tila nag-galit-galitan lang ito kanina para mapapayag siya na tumira sa bahay nito. Ngunit huli na ang lahat dahil nakapagbitiw na siya ng salita.
"Moks?"
"Ano?" irita niyang tugon
"Uy lumingon siya.. First time yan ah... Gusto mo na uling maging Moks ko no? Aminin mo na kasi namiss mo rin ako no?"
"Ewan ko sa iyo" pangbabalewala niya dito
"Pero Moks.. namiss kita" biglang seryosng tugon nito
Lumingon siya para tingnan ito. Nagkataon din palang seryoso itong nakatingin sa kanya. Pinili niyang unang umiwas ng tingin at unang tahakin ang daan. Wala dapat kalugaran ang emosyong nararamdaman niya.
Magtatanghali na ng narating nila ang bahay nito. Parang sasakit na naman ata ang ulo niya ng makita ang puwerta ng bahay. Parang may mga ala-ala na namang nais pukawin ang bahay na ito.
Nang makapasok sa loob ay sinundan niya ito patungo sa isang kuwarto na marahil ay magiging kuwarto niya sa loob ng tatlong araw. Siguro naman ay kaya niyang tiisin ito sa mga araw na iyon.
Pumasok siya sa loob ng kuwarto at nakita niyang dalawang kama ang naroon.
"Bakit dalawa ang kama na nandito sa kuwarto ko? tanong niya agad dito na kasalukuyan inaayos ang damit niya sa isang closet na malapit sa isang kama.
"Ah iyan ba? higaan nating dalawa. pinalipat ko yung isang kama dito sa kuwarto ko para tulugan mo"
"Ano? Isang kuwarto ang tutulugan natin?"
"Oo.. yung ibang kuwarto diyan nakalock.. walang extrang kuwarto.. kaya sa ayaw mo at sa gusto eh iisang kuwarto lang ang tutulugan natin."
"Shit!" napamura na lang siya sa kawalan ng pagpipilian. Kanina lamang ay iniisp niya na matitiis niya ito ngunit heto ngayon at iisa pa pala angtutulugan nila.
"Huwag kang magalala Moks... tatabihan naman kita kapag kailangan mo ng yakap ko" wika ni Red sa kanya sabay kindat uli.
"Subukan mo lang at dila mo lang walang latay"
"Yan ang Moks ko... palaban.. ang sarap..."
"Ang sarap?"
"Ang sarap yakapin.... Halika nga dito" wika uli ni Red sa kanya sabay lahad ng dalawang kamay
Hindi niya ito pinansin at saka tuluyang humiga sa isang kama. Wala na siyang panahong makipagbalagtasan dito
"Pikon ka pa rin hanggang ngayon" tatawa-tawang wika nito at nagtupi ulit ng gamit niya
"Manyak" wala sa loob na sagot niya dito
"Yan ang pang-asar mo sa akin noon ah.. naaalala mo pa pala? Sabi ko na nga ba ikaw pa rin yung Moks ko.. mahilig nga lang sa eyeliner.." tudyo nito ulit sa kanya
Hindi na lang siya sumagot. Dahil alam niyang sa sandaling sumagot siya ay lalwig pa ang usapan nila.
"Moks ko... kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" malambing nitong tanong sa kanya
"Hindi"
"Ako na lang kainin mo gusto mo?"
Tiningnan niya ito ng masama.
"Sorry.. nagbibiro lang.. kahit kailan pikon ka talaga.. kaya kita mahal eh"
"Anong sabi mo?"
"Ah wala sabi ko puro itim tong damit mo ngayon ah pwere dito sa blue na panyo"
Kinabahan siya ng makita nito ang isang blue na panyo. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mabasa nito ang nakaburda sa panyong hawak nito.
"Lloyd Dela Cruz" wika ni Red ng mabasa ang nakaburda.
Itutuloy....
sulit talagang basahin ang way back into love... Si Sabrina siguro ang may kagagawan sa patayan sa university. Thanks sa author sa laging pag-update sa kwento, sana lahat ng author kagaya mo. goodjob..._Dereck_
ReplyDeleteNice..........i hope i can find friends here....kahit cno ka basta mabait..smart
ReplyDelete09395578158 coy
whoa araw2x may update!! The best ka mr. Author. Genius!
ReplyDelete-uno
Adrian is the Serial Killer.. OMG ano kaya ang dhilan ng mga pagpatay na ginagawa nya.. or maybe isa sa mga boys nya...? C jake dhil nagseselos or si Red? sino kya.. grabe ha.. hehehe
ReplyDeletenaaawa pa rin ako kay Adrian..kung babalikan natin yung mga nangyari sa kanya maaawa ka talaga sa kanya..grabe sobra na akong nae excite sa mga mangyayari pa..
ReplyDeletekudos Rogue!! :))
Adrian has two personalities na dinulot nung nagkasakit sya.. and maybe that's the reason why he became capable of doing such horrible killings as Jude... hay how sad.. pero sana talga HINDI pa rin xa iyon...
ReplyDeleteAnd still I'm a REDARIAN... babalik sa dati si Adrian and they (Red and Adrian) will live happily ever after.. hehehe
Naniniwala na ako sa Fairy tale because of this.. choz.. hehehe
you never falter Rogue, i'm running out of words hahaha. Awesome job.
ReplyDeleteI knew it..Jude was the serial killer..I pity Adrian but not Jude..
Deleteso nice and exciting! tnx author sa magandang flow at mabilis na update.
ReplyDeleteRogue!. Clap clap. Are you a journalist or something? Hahaha. Wala lang, curious lang ako. :D O bka nman ABComm stude lang? Lol.
ReplyDeleteAnyways, sosyal ang LAMPARA daily, everyday ata nagrerelease sila ng publication. bonggi.
i miss the scene lovely cute,
ReplyDeletetnx for fast updated.....da