Followers

Friday, October 12, 2012

Strange Love 03



By: Chris Li
Cover Photo: Erwin Joseph Fernandez
Blog: mydenoflions.blogspot.com



Author's Note:

Hello MSOB! 

Simula sa chapter pong ito ay magbabalik po tayo kung saan nagsimula ang lahat. Gusto ko rin po humingi ng sorry sa matagal na updates. Wala po kasing time masyado para makaharap sa sarili kong laptop. Pero sisikapin ko pa rin po na bilisan hahahaha!

Maraming salamat po sa mga nag-iwan ng mga comments nila. Isa po iyon sa dahilan kung bakit pinagpapatuloy ko pa rin mag-sulat. Maraming salamat din sa mga masugid na mambabasa at kakulitan ko at sumasabay sa saltik ko Hahahaha!!

Muli, sana po ay magustuhan niyo po itong kabanatang ito at mangyari po lamang mag-iwan kayo ng mga kumento. Enjoy!









------------Jaime

            Nakapag-desisyon na ako. I have to let him go… even if it means na masasaktan ko siya ng lubos. I have to this because, I love him so much na kaya kong ibigay lahat kahit ang kalayaan niya. Masakit sakin na hindi sa piling ko siya magiging masaya. Gustong-gusto ko siya alagaan pero paano ko gagawin yun ngayon?

            Dalawang linggo ko na rin siya hindi nakikita, kung ano anong paraan na ang ginawa ko para umiwas and it hurts like hell to see his tears falling down his cheeks. Nagpaka-tatag ako not to show him any emotion. I keep on leaving him behind whenever he tried to talk to me, minsan hindi ko na mapigilan at gusto kong tumakbo pabalik sa kanya at yakapin siya ng mahigpit, hawakan siya at hagkan muli… I’m sorry mahal ko. I’m sorry my Mikael…



            Jaime Serafin, that’s me alright. Teacher’s enemy number one. Campus Bully. At kung ano ano pang tawag. Yes! Tama kayo, I’m indeed a rebel and for one reason… I grew up without feeling loved by my parents. Mas mahal pa nila ang pera nila kaysa sa akin. They were not even around sa mga important events in my life. Birthdays, graduation, first communion, first heartache.

            The only person I am thankful to have is my loyal yaya, Nay Ising. Siya na nga halos kinikilala kong ina. Sa kanya ako tumatakbo noon kapag nadapa ako at umiiyak. I never felt na iba ako sa kanya na hindi ko siya kadugo. Pero ngayon kahit siya nasasaktan ko na sa pagiging rebelde ko sa aking mga magulang.

“Nay, ano pong almusal?”, sambit ko habang niyayakap ko siya sa kanyang likuran habang naglulto ito.

“Aba gising ka na pala, nak. Ito nagluluto na ako ng sinigang para na rin sa tanghalian.”

“Hmmm, ambango Nay, tamang-tama lang sa hangover ko. Hihihi”, nakakaloko kong tawa sa kanya.

“Naku, ikaw talagang bata ka. Hala, sige maupo ka na at malapit na din maluto ito. Tatawagin ko din na muna sila Sir at Madam para makakain na kayo.”, umalis ito at umakyat para tawagin ang magagaling kong MAGULANG.


Maya-maya narinig ko na itong bumaba at umupo na ang mga ito sa hapag. Siyempre ang dakila kong ama nasa sentro at sa kanan naman si MAMA, habang ako nasa kaliwa, three seats from them.

“Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi.”, matabang na salita sa akin ni Papa, he didn’t even looked at me, kaya mas lalo ko lang naramdaman na walang laman ang kanyang pag-aalala sakin.

“Bahay ko pa rin naman ito diba?! So, I could go home whenever I want to, right Pa?!”, sarkastiko kong sambit at ibinaba ko na ang kubyertos ko dahil sa nakakawalang gana ang pagkain. And heck!was this really a “home”??

I was about to leave the dining table and head up to my room para makapag-bihis na ng pamasok when he slammed the table with his fist.

“You, young man! Nagtitimpi lang kami ng Mama mo sa iyo pero sobra ka na. Wala kang galang!”, my father’s voice was harsh and fierce. Nilingon ko siya at binigyan ito ng matalim na mga tingin.

“Nagtitimpi?? Walang galang? For your information Papa, ganito niyo ko pinalaki kaya wala kayong karapatan mag-reklamo na ganito ako makitungo sa inyo! Do you need my respect, ha? I think RESPECT cannot be just given. It is being gained, Papa. And both of you, NEVER had the chance to even get the slightest of my respect. You don’t deserve it!”
Mabilis ang mga pangyayari, narinig ko na lang si Mama sumigaw while I found myself on the floor. Sinuntok lang naman ako ng magaling kong ama. He grabbed my shirt and held me up, he pushed me to the wall. His eyes, those eyes never look at me with love, instead he looked at me like he was about to kill me.

“Masakit ba, Pa?”, nakangisi kong tanong sa kanya. He’s about to punched me again pero pinigalan siya ni Mama. For the longest time, nagalak ako sa ginawang yun ni Mama. She cared for me… I thought.

“Tama na yan, Franz… Nakakahiya sa mga kapitbahay”, she said frantically. Nawala bigla yung saya ko, dahil inakala ko na she CARED for me, mali na naman pala ako.

“Nakakahiya kayo…”, nakayuko akong nagsalita while my father’s hand is still holding my shirt.

“Anong sab…”, pinutol ko kaagad ang sasabihin nito at kumawala sa kanya.

“Nakakahiya kayo bilang magulang ko! You never think of me. Mas mahalaga pa rin talaga sa inyo ang status niyo sa buhay. Tinitingala ng mga tao, pero hindi ba kayo nahihya na sarili niyong anak… hindi man lang kayo tinitingala at nirerespesto?? Bakit pa kayo ang nagging magulang ko?! I never felt your love alam niyo ba yun?? Did you ever ask yourself kung mahal niyo ang anak niyo kesa sa karangyaan niyo??”, isinigaw ko na lahat ng nararamdaman ko sa kanila noon. Nakatulala lang sila sa akin na tila gulat na gulat.

“’Wag niyo na pahirapan sarili niyo para maghanap pa ng excuse. Hayaan niyo, Ma, Pa, itong taong ‘to sa harap niyo… mawawala na dito sa bahay niyo. Wala na magpapasakit ng ulo niyo.”, buong lakas kong tinakbo ang aking kwarto at minadaling ilagay ang mga gamit sa travelling bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nun. Bahala na, makaalis lang sa mala-impyernong bahay na ito.

“Jaime, anak…”, tawag sakin ni Nay Ising habang nagliligpit ako ng mga damit ko.Nilingon ko siya at nakita ko itong umiiyak.
“Nay… hindi ko na matatagalan dito.Ayoko man iwan ka pero sana maintindihan mo na hindi ko na kaya yung sakit na sariling magulang ko walang maibigay na pag-mamahal sa akin…” Parang gripo ang mga luha ko habang sinasabi ito habang binabalumbon ang bawat mahawakang gamit at ilagay sa maleta.


            Hindi na ako nag-atubili pa noon, niyakap ko si Nay Ising bago ako umalis. Nangako akong bibisitahin ko siya doon at babalitaan kung nasaan ako. Nagsinungaling ako sa huli kong pangako. Ayokong hanapin pa ako ng magulang ko, as if naman they’ll do, baka nga mag-celebrate pa sila sa pagkawala ko.

“Jun, pare, nasan ka? Pwede bang dyan muna ako sa inyo makituloy? Naglayas ako eh.”, pagtawag ko sa telepono kay Jun.

“ANO? Naglayas ka pare? Ano na naman ‘tong ginawa mo kolokoy ka!?”, kagigising lang nito at yamot sumagot sa akin.

“Sige na pare, kahit isang linggo lang habang wala pa ko malipatan.”, pagmamakaawa ko sa kaniya.

“Pare ano nalang sasabihin ko sa Ermats ko? Ibabahay na kita??”, insultong sagot nito sa akin.

“Sige pare, pasensya na sa abala, sa kalsada na lang muna ako matulog… Sige bye”, patampong pagpapaalam ko sa kanya.

“Hala, nagtampo na… Oh, siya sige na pero isang linggo lang.. Bahala na si Batman kung ano ipapaalam ko kay Mommy. Saan ka ba ngayon?”


Hindi talaga ako matiis nitong si Jun kapag ginamitan ko na siya ng pagtatampo act ko. Napagkasunduan naming sunduin niya na lang ako sa may malapit na mall. Nag-withdraw na din ako sa savings ko baka ipa-freeze pa nila ang account ko, mahirap na.

“Pre, ano bang nangyari at naglayas ka?” Kasalukuyang tinatahak na naming pauiwi ang bahay nila Jun nang magtanong ito.

“ I don’t belong there.”, simpleng tugon ko sa kanya habang nakatalumbaba ako at nakatingin sa gilid ng kalsada.

“Okay, I get it… It’s about your parents again. Setting that aside, I managed to convince my mother to let you stay ng dalawang linggo, hindi din kasi madali makahanap ng matitirhan ngayon.”, kunot noo nitong sambit sa akin. I know he is exasperated to what was happening tapos hindi ko magawa man lang ikwento sa kanya kung ano nangyari. He chose to be silent during the trip to their house.

“Jun, salamat ha… tatanawin ko itong malaking utang na loob. Makakabawi din ako sa iyo.”, nakayuko at nahihiya kong sinabi sa kanya.

“No problem pare, malakas ka sa akin eh.”, sabay mahinang sinuntok ang braso ko.

“Tara na sa loob, hindi na lang din muna ako papasok ngayon para mabantayan ka. Baka sa bahay ka pa namin mag-bigti. Hihihihi”, sabay baba nito sa sasakyan nung aktong babalyahan ko siya sa kanyang sinabi. Para itong bata at dumila pa bago tumakbo papasok sa bahay nila.




“Magandang umaga ho, Tita Claire. Salamat po at pumayag kayo na dito muna ako tumuloy sa inyo.”, pagbati ko sa ina ni Jun na ngayon ay nagkakape na. Nakatulog kaagad ako kagabi dahil na rin sa stress noong nagdaan na araw.

“Naku, hijo ‘wag mo na intindihin yun. Magulang ako kaya naisip ko na kapag anak ko ang nasa kalagayan mo, sana may kumupkop din sa kanya. Don’t get me wrong ha, anak.”, nakangiti itong nagpaliwanag sa akin. Ang sarap pakinggan ng salitang “anak”, parang gustokong umiyak ng sandaling yun dahil never ako tinawag ng magulang ko na “anak”.

            Magkakaklase kami Jun sa first subject kaya sabay na kaming umalis. Nag-paalam at nagpasalamat uli ako sa ina nito bago umalis.Excited na ko pumasok dahil dito ako nakakagalaw nang malaya.

            Pagkapasok pa lang sa room agad na nangilag ang mga kaklase naming, na siyang ikinatuwa ko. Kulang kasi sa pansin kaya dito na lang ako bumabawi sa school.Ginawa ko lahat para maging sentro ako ng atensyon kahit na sa maling paraan. But then I notice this one person na walang pakialam sa pagdating ko.

            Jan Mikael, the Loner. Yan ang bansag sa kaniya, kung ako kilala sa pagiging rebel ko siya naman ay kilala sa pagiging “nobody”. Hindi ko malaman kung bakit ako biglang nagka-interes at pagbuntungan siya ng mga oras na yun. Siguro dahil na rin sa pride ko na hindi man lang ito natinag or nagbigay pansin sa pagdating ko, nakatuon lang ‘to sa kanyang pagbabasa. Natapos ang buong period at nakaisip na ako ng paraan para matakot ito sa akin. Kaunti na lang ang mga tao sa room noon, tama lang para sa audience ko. Hahahaha. Kinuha ko ang mga materials ko sa project ko at lumapit sa kaniya.

"Nerd! Gawin mo nga ‘tong project ko kung ayaw mo masaktan.”, sigaw ko sa kanya, nagulat ito nang ihagis ko sa kanya ang mga ito, na siya naman ikinatuwa ko.

"Nerd?! Gago ka pala eh! Bakit hind ikaw gumawa niyan? Kaliit-liit na bagay lang hindi mo magawa? Anong silbi ng malaki mong katawan?? Ano yan panay hangin lang laman?!", tumayo ito at ibinagsak sa sahig ang mga materials ko. Nagulat ako sa mga sinabi nito, hindi ko akalain na matapang ito. Also, his word hit me so hard na hindi ako nakasagot kaagad. I was flabbergasted to hear that from someone who is so reserved. Para makabawi sa pagkapahiya, nilapitan ko ito at akmang susuntukin ng pigilan ako ni Jun.

"Tarantado ka pala eh!!", hinawakan ako ni Jun sa balikat at nilayo kay Mikael.

"Pre, tama na yan. Tara na, kain na lang tayo. Mikael, pag pasensyahan mo ‘tong si kolokoy ha. May pinagdadaanan kasi. Hahahaha… Nireregla ata. Nyahahaha.", nainis ako sa nangyayari at mas lalo na at hindi ko pa rin makalimutan ang mga binitawang salita nito. Sobrang napahiya na ako kaya binatukan ko na lang si Jun at umalis.

            Nagtatakbo ako patungo sa paborito kong lugar, ang Tree House. Dito ako palagi pumupunta kapag gusto ko tumakas na sa pagkukunwari ko, na ako ay matapang at walang magpapatumba sa akin. I can feel every emotion was rushing into me while climbing up the stairs. Pumunta ako sa veranda at doon umupo sa mahabang bench. I gazed into the beautiful horizon na ngayon ay kulay pula na dahil sa paglubog ng araw.

            The beautiful view did not stop the ill feeling I was enduring for a very long time. Sumuko na rin ang mga mata ko at itinuloy na nito ang pagbuhos ng mga inipong luha.

            Pity... Iyan ang nararamdaman ko para sa sarili ko during that time, napatigil na lang ako sa pag-iisip nung may biglang may tumawag sa akin. Hindi ko ito nilingon dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak, na ang pinaka matikas na tao sa campus ay mahina rin pala.

"Jaime… Pwede ka bang makausap?... Hihingi lang sana ako ng tawad sayo sa mga nasabi ko kanina...", it was Mikael, I was surprised na sinundan niya ako instead of Jun.

            Nagpatuloy ito sa paglapit sa akin at umupo sa tabi ko noong hindi ako umimik sa mga sinabi niya.

"Pasensya ka na ha, nasobrahan ako sa pagsasalita sayo. Ikaw naman kasi eh, tinawag mo kong nerd. Pwede naman kita tulungan sa project natin pero ‘wag mo naman ipagawa sakin lahat.", mahina ang boses niya habang nagsasalita, I feel guilty sa mga sinabi nito na willing siyang tulungan ako kahit na magspang ang ugali ko. My eyes and throat betrayed me dahil bigla ako napa-hikbi. He looked up at me and saw that I was crying. Yumuko ulit ito at humingi ulit ng tawad.

"Don't say sorry… I'm not crying because you've embarassed me.", malungkot kong pagpapaliwanag sa kanya. He was about to leave after mag-sorry ulit dahil nakapanakit siya sa mga sinabi niya kanina, pero hinawakan ko ang kamay nito at hinatak ng kaunti. I know… desperado na ako sa tunay na atensyon kaya siguro nagawa ko yun. I’ve pleaded to him to stay, hindi ko na inintindi pa kung yung mga sinasabi ko ay nakakahiya, ang gusto ko lang noon ay ‘wag mapag-isa.

"Huwag ka muna umalis… Please… Samahan mo muna ako dito. Ayoko na mag-isa.", ito ang mga salitang nasabi ko sakanya habang nagmamakaawa ako at umiiyak. Umupo ulit si Mikael at tila nag-iisip, medyo nahiya ako kaya tumingin ulit ako sa paglubog ng araw.

            May inilabas ito sa kanyang bulsa at sandaling tinignan ito. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngunit nakita ko atang may pumatak na luha mula sa kanyang mata, tumuwid ito ng upo kaya naman inalis ko ang paningin ko sa kanya.

            Suddenly, he raised his hand in front of my face holding a white handkerchief. Ito pala yung kinuha niya sa bulsa niya. Tinignan ko siya para tanungin pero nag-salita ito agad tila nabasa ang nasa isip ko.

"Bigay sakin yan ni Itay, sana mapatahan ka niyan tulad ng ginagawa nito sa akin kapag nalulungkot ako at umiiyak…"

"Sabi niya sa akin hindi ko daw kailangan mag-isa sa bawat hirap kaya na rin siguro binigay niya sa akin yan. Jaime… I know I’m not in the position to ask you what you're going through right now. But, I'm willing to listen kung yan ang ikakagaan ng pakiramdam mo.", sa mga sinabing iyon ni Jaime ay kinuha ko ang panyo at isinubsob ang mukha ko dito. Inilabas ko na ang emosyon na dati ay pinipigilan ko pa. Humiyaw ako at humagulgol, Mikael was still there at lumapit ito para haplusin ang likod ko. I wanted to hug him pero nahihiya ako baka kung ano pa isipin niya sa akin.

"I feel empty Mikael…”,I said admittedly.

“Alam ko you're surprise to see me like this. It hit me hard when you say those words to me kanina. Tama ka naman eh, useless ako. I actually envy you, kasi kahit na loner ka sa school, you seems to be fine and peaceful. Eh ako?? Ang dami ko ngang kabarkada, but none of them are true." Just by saying that na-realize ko na wala isa man sa kanila ang narito para samahan ako at isang tao pa na hindi ko inaasahan ang mapaglalabasan ko ng sama ng loob. He’s a blessing in disguise.

            Tuluyan na akong tumahan at nakapagdesisyon. Masaya ako sa naisip ko, matagal ko na rin hindi naranasan magkaroon ng tunay na kaibigan and he was here. Oh, yes si Mikael ang tinutukoy ko. Sana lang tanggapin niya din ako bilang kaibigan niya…

"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka? Hindi mo ko kilala baka pagsisihan mo lang sa huli.", nagaalangan at malungkot nitong sagot nung sinabi ko na kaibigan ko na rin siya. I was about to ask him kung bakit ako mag-sisisi but, I chose not to spoil the moment na nabigyan ako ng bagong kaibigan. Instead, sinigurado ko sa kanya na I’m proud of my decision at hindi kailanman magsisisi.

            Saksi ang Tree House sa mga pangakong binitiwan ko kay bunso. I’ve decided to be his Kuya at ipagtatangol ko siya kahit kanino. Matagal na rin kasi ako nagaantay ng kapatid but since ang magagaling kong parents ay palaging wala at kahit sila ay minsan lang magkasama, nagging imposible na ang pangarap na iyon. Now, I can’t help but to smile in front of my bunso, sa wakas may kakampi na ako. Sa wakas naramdaman ko na din maging masaya ulit.




“Jaime, anak, si Nay Ising mo ito. Nasa telepono si Mikael, nakikiusap na kausapin mo daw siya kahit sandali lang.”, naputol and pag-iisip ko ng marinig ang pangalan ng… mahal ko.

“Bababa ba ako at kakausapin siya?”, tanong ko sa aking sarili.

“Akala ko ba nakapag-desisyon ka na…”, nagtatalo pa ang isip ko nun ng magsalita ulit si Nay Ising, nasa pinto pa rin pala siya, nakikiramdam.

“Nak, ano bang nangyayari… gusto mo ba pag-usapan natin. Nag-aalala na ako eh, hindi ka na halos kumain at nagmumukmok lang dyan sa loob ng kwarto mo. Narito lang ako anak kung kailangan mo ng kausap, hindi ka naman iba sa akin at anak na tuna yang tingin ko sa iyo…”, narinig ko na itong umalis kaya binuksan ko ang pinto para tunguhin ang telepono.

“Hello.”, malamig kong bati sa tao sa kabilang linya.

“Jai… Ah, Kuya Jaime… pwede ba tayo magkita ngayon? Gusto ko  sana mabigyan na ng linaw ang lahat… nahihirapan na kasi ako.”, rinig na rinig ko ang bawat paghikbi nito sa kabilang linya but I kept my cool and responded.

“Sige. Saan.”, binigay na nito ang lugar at oras, pagkatapos kong ibaba ang telepono ay marahang dumaloy na ang aking mga luha. Gagawin ko ito dahil mahal ko siya, ito ang tama para hindi siya masaktan ng husto. Kailangan mong tatagan ang sarili mo, Jaime – para kay Mikael.

            Bawat hakbang ng aking mga paa patungo sa kwarto ay sobrang bigat. Binuksan ko ang pinto at parang pinaglalaruan ang mata ko, naroon siya nakaupo sa kama at naka-ngiti sa akin. Ang ngiti na nagpapawala ng lahat ng problema ko, ang ngiting hindi ko na muling makikita pa… I closed my eyes for a moment at tumingin uli sa aking kama, wala na siya doon. Napakatahimik ng kwarto ko pati na rin ng buong bahay. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at niyakap ang unan ko, inamoy amoy ko ito dahil hindi pa nawawala ang natural na bango ni Mikael mula ng huli niya itong ginamit. Iniiyak ko sa unan kong iyon ang lahat.

“I will miss you so much… my love… my all. I love you, Mikael… forever.”














......Itutuloy

8 comments:

  1. Hahahhah nice..

    Pwede habaan pa ang kwento mr author medyo maiksi eh..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po Franklin, hahaha sige ba tignan ko kung kayanin ng utak ko ang mahabang chapter. Salamat po at nagustuhan mo. :)

      Delete
  2. confusing naman pala to.. hindi ko tuloy alam kung sinong boto ko para kay JM...nice one Mr. Author..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaa Diumar naconfuse ka ba?hihihi Salamat sa pagbabasa! Sa uulitin po. :)

      Delete
  3. i like the story..unpredictable...

    Reyan

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. Sana po ay subaybayan mo Foxriver! Maraming salamat sa iyong feedback.:)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails