Followers

Friday, October 26, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 1




            Kamusta po sa inyong lahat?! ^_^

            Unang una ay gusto ko muling magpasalamat sa mga sumumbaybay sa first 3 books ng MNB. At ngayon, hayaan ninyo akong i-wecome kayo sa bagong yugto ng aking "Minahal ni Bestfriend" series.

            Pero bago ang welcome ay may favor muna ako. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

             WELCOME!!! ^_^

             Ayan, since na welcome na kayo, ay patuloy na ng opening remarks ko.. Ang series na ito ay magkakaroon ng malaking pagbabago. Magkakaroon ako ng mga kaunting mature scenes. Kung ano man yun, ay kayo na lang po muna ang umalam.

             At dahil dyan ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.   


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






            Ang kwento ko ay napaka pangkaraniwan. Isang nagmamahal na walang patutunguhan. Alam ko, maraming makakarelate sa sa sitwasyon ko. Nagmamamahal ng isang tao kahit alam mong walang pagtingin sayo. Pilit nagiging kaibigan kahit pa iba ang sinisigaw ng isip mo. Bumubuo ng mga eksena sa isip mo kung saan masaya kayong dalawa. Kung saan, ikaw ang mahal ng minamahal mo. Na dadating ang araw na sasabihin din nya sayo ang mga bagay na gusto mong marinig mula sakanya. Umaasa. Umaasa ng umaasa.

            Mahirap maging kaibigan lang sa isang taong itinitibok ng puso mo. Pilit mong winawaksi ang mga bagay na ipinapakita nyang maganda sayo kasi alam mong “kaibigan” lang ang tingin nya sayo. Pilit mo ding kikiligin pag nagkukwento sya tungkol sa nagugustuhan at kinapupusuan nya. Pilit na maging masaya kahit pa sa loob mo’y umiiyak ka na. At ang higit na masakit ay ikaw ang unang tatawagin nya sa oras na malungkot sya dahil sa bigo o may problema sa minamahal nya. Yung tipong iiyak pa sya sa harap mo. Yung madudurog ng doble ang puso mo habang nakayakap sya at umiiyak. Hindi mo mapigil isipin at sabihin sa sarili mo na “Kung ako lang sya..”, o “Ako na lang kasi..” o ang korny pero masakit na “Kung ako na lang sana..”

            I was not a person who was seeking love and attention. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nangangarap. Of course, gusto ko ding magmahal at mahalin. Sino ba namang hindi? Lahat naman siguro ay alam ang sinasabi ko.

            “What a good looking man.”, they always say. Nasa 5’9 ang taas, magaganda ang pangangatawan dahil sa hilig sa sports. May kaputian, at ang higit na maipagmamalaki ko ay ang pantay pantay at mapuputi kong ipin. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero this are the things that people use to describe me.

I must say na hindi ako ang typical na binata. Usually, guys my age ay adventurous, impulsive at buhay na buhay ang dugo. Pero ako ay hindi, kung bakit ay yun ay dahil sa masasabi kong may pagka loner ako. Well, not really, mas maganda siguro kung magiging honest na lang ako at ipagtatapat ko sa inyo na medyo “choosy” ika nga akong tao. It’s not that may qualifications ako para maging kaibigan ang isang tao, siguro ay I don’t really do well in crowd.

By the way, I’m 25 years old… and believe it or not. I’m still a virgin.

I don’t remember much about my childhood. As a matter of fact, parang kusang binura ng utak ko ang memory ko ng aking pagkabata. Maybe they were too painful. I just woke up one day na nalimutan ko na ang aking nakaraan. Or dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid ko ay nakalimutan ko ang pait na dala ng kahapon.

Again, I was lying. Bat ba hindi ko na lang masabi ang totoo? Dahil masakit? Dahil hindi ko matanggap? O dahil tao lang din ako at yun ang ginagawang defense mechanism ng utak ko pantawid at pagharap sa buhay ko?

Ito ang totoo.

I’m a guy without an identity. Hindi ko alam saan ako nagmula, kung sino ang magulang ko, o kung ilang taon na nga ba ako talaga. Pwede mo ng sabihin na I am a man with no soul. Atleast, that is how I consider myself. Yun din ang rason ng pagiging aloof ko sa mga tao. Dahil sa inggit. Inggit na kahit mahirap ang buhay ay may kasigaraduhan sila kahit man lang sa sariling pangalan, sariling pagkatao….







Cyrus










“Cyrus!!!”, sigaw ni Mang Berto.

Cyrus- yan ang pangalan ko, o ang tawag nila sakin. At si Mang Berto naman ang kumupkop sa akin. Sya na ata ang pinaka mabait na taong nakilala ko. Kahit pa alam kong hindi kami magkamag anak ay turing nito sa akin ay parang sariling anak.

Una pa lang ay alam ko ng hindi kami magkamag anak ni Mang Berto dahil na rin sa magkaibang magkaiba ang ichura naming. At hindi rin naman ito itinago ni Mang Berto sa akin.

“Po?”, sagot ko kay Mang Berto.

“Andyan na ang sundo mo.”, sagot nito sa akin.

Agad akong nagsuot ng tshirt at lumabas ng kwarto ko. Agad ko syang nakita, ang taong nagbibigay kahulugan sa bawat gising ko. Si Cedric. Binati naman agad nito ng ngiti.




Cedric









“Ano, tara na?”, ngiting bungad nito. Gumanti naman ako ng ngiti at nagmano kay Mang Berto bago tuluyang lumabas.

Maganda ang gabi. Kakaunti lang ang ulap kaya naman litaw na litaw ang mga kumikislap kislap na butuin sa langit. Malamig din ang simoy ng hangin.

Sobrang sweet na tao si Cedric. I’ve been inlove with him for as long as I can remember. Napaka thoughtful at maaalahanin pa nya. Sino ba namang hindi maiinlove.

Araw araw ay sinusundo ako ni Cedric sa bahay at sabay kaming pumapasok sa trabaho. Kapwa kami mga waiter sa isang bar. Ngunit nagkakilala naman kami dahil na rin sa magkapitbahay kami. Tatlong bahay lamang ang pagitan ng aming bahay at ng kanila.

Pagpasok na pagpasok naming ng bar ay agad kaming nag time in. At pagkatapos ay nagpunas ng mga table, inayos at chineck ang mga tissue sa bawat table, etc.. Mga usual na gawain ng isang waiter.

Hindi pa man din kami natatapos ng nagsidatingan na ang banda. Sila ang regular band sa bar na ito at masasabi mo naman na magaling talaga sila dahil ang dami naming naging parokyano ng dahil sakanila.

Nang matapos kami makapag ayos ng bar ay lumapit kami sa banda. Katropa kasi namin ang mga ito. Lalo na ang kanilang lead vocalist na si Geoffrey, o “Geoff” na nakagawian naming itawag sakanya.







Geoff





Umupo kaming tatlo nila Geoff at Cedric sa isang table. Dahil nga band member si Geoff ay pwede ito kumuha ng kahit anong inumin ng libre. Isa yun sa mga benefits nila bilang banda ng aming bar.

“Orange Juice muna. Kakakain ko lang, eh. Mamaya na ko lalaklak.”, patawang sabi ni Geoff sakin. Agad ko naman kinuha ang juice nito.

Pagkabalik na pagkabalik ko sa table ay naupo ulit ako. Napapatitig lang ako paminsan minsan kay Geoff habang naguusap kami ni Cedric. Magaling mang magkubli si Geoff ay alam kong may gusto ito kay Cedric. Obvious na obvious naman kasi sa mga titig at kilos nito. Kulang na nga lang ay ihagis ako ni Geoff para masolo nya si Cedric. Pero hinahayaan ko lang sya, total, alam kong ako ang mahal ni Cedric.

Alam na sa bar ang relasyon naming ni Cedric at wala namang tumututol doon. Basta’t sinabihan kami na hindi dapat maipaalam ito sa kahit kaninong customer. Kailangan din daw na pairalin naming ang aming professionalism pagdating sa trabaho.

Napakagaling makisama at masarap talagang kasama ni Cedric. He could make anyone like him just by talking. Talent nya ata yun, plus, he really is likeable. I mean, with those puppy dog eyes, makakapal na kilay, matangos na ilong at maliit na lips? Oh! Cmon! Sino bang hindi mapapangiti pag nakita mo sya?

Kaya naman everytime na nagtatagpo ang mga mata naming ay talagang nalulusaw ako paunti unti. I just keep on falling for him everyday. And I know he feels the same. Kahit pa araw araw na lang ay ang daming nagpapapansin at nagpapacute sakanya ay deadma lang ito. He would always look at me at magbibigay ng isang kindat. It was his way of making sure na ako lang ang mahal nya.

Kitang kita ko ang inggit sa mata ni Geoff habang naguusap kaming tatlo at hawak hawak ni Cedric ang mga kamay ko. Kahit pa lingid sa kaalaman ng iba ang natatagong pagmamahal ni Geoff kay Cedric ay amoy na amoy at kitang kita ko ito. Pero ano bang magagawa nya? Ako ang mahal ni Cedric! Ako….

Again.

Again, I was lying.

Gawd! I wish I could just stop lying at sabihin na lang ang totoo.

Hindi si Geoff ang inggit na inggit sa t’wing nagtatagpo ang mga mata namin. It was me. It was me who is wishing na sana ako yung tinititigan ni Cedric. Ang kinikindatan nito sa t’wing maraming nagpapacute sakanya. At ang hawak hawak na kamay ni Cedric sa t’wing kami kami lang ang tao.

Ilusyonado ba? Oo, I admit.

Paulit ulit kong iniimagine na ako si Geoff. Na ako ang mahal ni Cedric. Ang totoo ay ako ang taong sinasabi ko kanina na kulang na lang ay halos ihagis na lang si Geoff para mapasakin si Cedric. At ako din yung taong walang ibang nakakaalam sa pagmamahal ko para kay Cedric. Hindi naman kasi binibigyang malisya ng lahat ang pagkakaibigan naming ni Cedric. Not even Geoff. Para lang kasi kaming magkapatid ni Cedric daw. Close, oo, pero not to the point na pinaghihinalaan nila. Lagi naman kasing pinagmamalaki ni Cedric na utol nya ako.

Masarap sa pakiramdam. Dahil kaya  ko ipakita ang pagmamahal ko para sakanya kahit sa harap ng iba. Hindi ko kailangang magalala sa sasabihin ng iba.

GAWD!! Tama na ang pagpapanggap!!

Actually, masakit. Napakasakit. Na kahit anong gawin kong pakita ng intension ay hindi nya ito makita kita. Na kahit ano pang gawin at ipakita ko sakanya ay kapatid lamang ang turing nito sa akin. Na sa araw araw ay pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa mga ilusyon at pantasya ko para sa aming dalawa. Na sana.. ako na lang ang mahal nya…

Natapos ang buong gabi at pagod na pagod kami. Ang dami nanaman kasing mga customer na nagsidatingan. Meron pang may birthday kanina kaya naman nagdagsaan ang mga tao. Halos latang lata akong nagbihis para umuwi. Napansin ko naman na pagod at tahimik lang si Cedric habang nag aayos din.

“Ito nanaman po kami…”, sambit ko sa aking sarili.

As usual, kung sabay kaming pumasok sa trabaho ay sabay din kaming umuwi. Nauna akong makapag bihis kaya naman nauna na akong lumabas at nagsindi ng yosi habang naghihintay lumabas si Cedric.

Halos kakasindi ko pa lang ng agad namang lumabas si Cedric. Hindi ito nagsasalita. Sumenyas lang sa akin na aalis na kami. Ako namn ito, si sunod lang sa paglalakad habang nagyoyosi pa din.

“Yosi ng yosi…”, sabay hablot ni Cedric sa yosi ko at hithit.

“Pasensya naman ha! Nakakahiya naman sayo. Ito oh, hindi pa nasisindihan!”, sabay abot ng stick ng yosi. At kuha ulit sa yosi ko.

“Sindihan mo na.”, malamig at malungkot na sabi nito.

“Arte! Sisindihan na lang, ako pa!”, pagbibiro ko. Pero sinindihan ko pa din naman.

Tahimik pa rin si Cedric hanggang sa maka abot na kami sa harap ng aming bahay.

“Sige, kita na lang tayo bukas.”, malungkot at pagod na sabi nito.

“Teka, sandal!”, pagtawag ko dito.

“Huh?!”, pagod na sabi nito.

Agad kong binuksan ang bag ko.

“Oh, eto. Nanenok ko kanina.”, sabay abot kay Cedric ng plastic na may lamang pagkain sa loob. Actually, hindi ko naman talaga ninakaw yun. Nadaan ko lang sa pambobola sa mga customer kanina.

“Huwag na, para sa inyo na lang yan ni Mang Berto.”, sagot nito. Sabay labas muli ng isang plastic sa bag ko.

“Meron na din!!”, buong ngiti kong sabi sakanya. Medyo natawa ito at umiling iling.

“Ikaw, bilib din ako sayo dumiskarte eh, noh!”, medyo ngiti na nitong sabi. Natuwa din naman ako dahil napangiti ko rin sya sa wakas. At ang mga ngiting yun ay dahil sa akin Kaya naman mas ikinatutuwa ko yun.

Gumanti lang ako ng ngiti sabay kaway sakanya habang naglalakad sya palayo.

Pagpasok ko ng bahay ay tulog na si Mang Berto. Inilagay ko na lamang sa lamesa ang pagkain upang may kainin ito pag gising. Ang totoo kasi, pang dalawang tao lang ang pagkaing nanenok ko kanina. Kaya isa para kay Mang Berto at isa para kay Cedric.

Kumuha ako ng mainit na tubig at dinala ito sa kwarto ko. Wala na kasing pagkain kaya naman yun na lang ang ipantatawid ko ngayong gabi. Nagshower naman ako sandali para pagbalik ko ay din a gaanong mainit ang tubig at pwedeng pwede ng inumin.

Nang matapos ako ng pagshower ay humiga ako ng bahgya. Yung tipong kalahati nakahiga, kahati, nakaupo. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para itext si Cedric ng goodnight ng…

Beep. Beep.

“Gcng ka pa?”, pagbasa ko sa text. Si Cedric.

Beep. Beep.

“Oo. Pero patulog na..”, pagreply ko.

Beep. Beep.

 “Pwd b q m2log jan?”

Beep. Beep.

“Ha? D k p b ngsswa s mukha ko?! XD”, birong reply ko.

Beep. Beep.

“Ano na nga?”, tanging reply nito.

Beep. Beep.

“K. Miscol k pg nsa baba k n.”, reply ko nmn.

Ngunit tatayo na sana ako papunta sa baba ng biglang may pumasok mula sa bintana ko na sya namang ikinagulat ko.

“Anong nangyari sana nagmiscol ka pag nasa baba ka na?!”, pagsaway ko kay Cedric.

“Arte neto.”, sabay higa nito sa kama ko. Napansin ko namang may bitbit ito.

“Oh, ano yang dala mo?”, tanong ko.

Muling umupo si Cedric at nilabas mula sa maliit na bag nito ang dalawang platito at kutchara’t tinidor.

“Hoy, ano to? Picnic?!”, sarkastiko kong sabi.

Bigla naman itong lumingon sa lamesito ko sa gilid ng kama.

“Oh, eh eto? Ano to?! Sinasabi ko na nga ba, eh. Binigay mo nanaman sakin ang pagkain mo.”, pangmamata nito sa akin.

“Hoy! Hindi, ah! Ah.. Ano.. Ano kasi.. Diet ako!!!”, maang maangan kong sagot. Natawa nanaman ito ng bahagya.

“Diet mo muka mo! Anong ididiet mo? Buto?! Tingnan mo nga yang katawan mo!”, pang aasar neto.

“Grabe naman to! Kala mo naman payat ako.”, pagdedepensa ko.

Tiningnan lang ako neto.

“Payat nga akong tingnan, pero puro muscle naman ako, noh!”, dagdag ko pa.

“Ah so, ayaw mo nga kumain? Dinala ko pa naman to dahil gusto sana kita kasabay kumain.”, kunwaring panghihinayang nito.

“Eh kasi naman ilabas mo na agad agad yan ng makakain na tayo naman kasi..!”, bigla kong upo sa harap nya at kuha ng platito at kutsara.

Isa to sa mga moments na hindi naman talaga matatawaran. Ang pagiging sweet nya lalo na sa akin. Ang masakit nga lang, ay nagkakaroon ito ng ibang ibig sabihin sakin kahit ang sakanya ay pawing kapatid lang talaga ang tingin nya sa akin. Ako lang tong laging nagbibigay ng malisya.

“Sa susunod nga ha. Wag puro mainit na tubig ang pantawid mo sa gutom. Huuwag mo ibibigay sakin kung wala ka namang kakainin.”, medyo galit na sabi nito.

“Eh diet nga ako!”, ppang iinis ko.

“Ah… Diet ha!! Hmmm!”, sabay dukot ng pagkain mula sa plato ko.

“Aba!”

“Oh, may reklamo?! Diet ka, diba?”

“Huwag muna ngayon! Piknic to! Picnic!!”, sabay tawa ko. Tumawa din naman si Cedric.

Ngunit habang kumakain kami ay balik sa pagkatahimik nanaman si Cedric. Hanggang natapos na lang kami kumain ay tahimik pa din ito. Inabutan ko lang ito ng tubig na maiinom at tapos ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na kami.

Tahimik.

Paikot ikot si Cedric sa higaan. Tipong naghahanap ng pwesto para makatulog. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.

“Magsasalita ka ba, o huhulaan ko na lang?”, bigla kong sambit. Tumigil naman ng pagkilos si Cedric.

“Who is it this time?”, tanong ko. Ngunit hindi sumagot si Cedric. Tumayo lang ito at kinuha ang pantalon ko at kumuha ng yosi at nagsindi.

Tahimik lang akong nakahiga hanggang natapos magyosi si Cedric at muling nahiga.

“Wala. Praning lang ako. Nakita ko kasi kanina yung sa table numbe…”

“Number 8.”, sabat ko.

“Huh? Paano mo…”

“Nako, tell me something I don’t know.”, pagsagot ko.

“Wala, syempre. Alam ko naman eh, na parte ng trabaho nya ang may magkagusto sakanya dahil ikaw ba naman ang nasa banda, at bokalista ka pa. Tapos, hindi mo pa magawang magselos dahil sa patakaran sa bar.”, malungkot na sabi nito. Bigla namang umupo si Cedric.

“Ito nanaman.”, bigay ko ng malalim na buntong hininga sabay upo din.

“Nakakapagod na kasi. Ilang beses na ito. Nung una, pacute lang sya sa mga tao. Kasi syempre, para balikan sya. Pero recently, nakikipagkita na sya sa mga yun. Tapos ang dami ko pang nababasa sa cellphone nya.”, narinig ko ang pagccrack sa boses ni Cedric. Dama ko ang lungkot at sakit sa boses nya.

“Masakit na kasi, eh. Dalawang beses ng niloko nya ako. Oo, pinatawad ko na sya pero. Lagi na lang paulit ulit yung gantong eksena sa amin. Tapos kanina…”

“Ano meron kanina?”, tanong ko.

“Ah, wala. Lasing lang kasi sya non.”, pagtanggi nitong sabihin.

“Eh lasing naman pala sya eh. Edi tulog na tayo.”, pagkukunwari kong higa. Kundi kasi ako magiinarte ng ganito ay hindi nya tuluyang sasabihin.

“Sinabihan nya ko na kung di ko matanggap ang trabaho nya eh mabuti ng maghiwalay kami…”, biglang iyak na sabi nito.

Wala akong nagawa kundi hagurin ang likod nito. Buti na lang at madilim kaya hindi nya nakikita na sa pagiyak nya ay napaiyak na rin ako.

“Ssshhh… Okay lang yan.. Magkakaayos din kayo.”, sagot ko sakanya sabay ipit ng hikbing pilit na kinukubli.

“Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit, eh…”, malungkot at iyak pa din na sabi nito.

“Mas alam ko. Alam na alam ko…”, tanging naisagot ng utak ko. Sabay punas ng luha habang walang maisagot sakanya.

“Pasensya ka na, ikaw nanaman ang hiningahan ko, ah..”, pagsabi nito.

“Sus! Wala yun! Ikaw pa! Lakas ka sakin, diba? Utol nga, diba?”, magiliw kong sabi.

Kahit pa ang gusto kong sabihiin sakanya ay…

“Ako na lang kasi Ced… Ako na lang…”





8 comments:

  1. Walang bang like button kc wala akong macomment ehh! Two thumbs up author..I like it..





    Jepoy from Doha Qatar

    ReplyDelete
  2. hays...madrama nman itong tagpo na eto excited nku for the nxt chapter....good work poh hehehe

    ReplyDelete
  3. Ooopsss!!! ngayon lang nagcomment,hahaha,dating silent reader but now,hindi na...

    -first part pa lang pamatay na what more sa susunod. Walang kupas ang husay ni kenjie,thumbs up ako sayo!!!

    Next chapter na :)

    ReplyDelete
  4. nakakalungkot na nman..hays...babaha ata luha ko sa kwentong ito...

    krisluv

    ReplyDelete
  5. wow ang gandang start naman nito. sigurado mahohook nnnmn ako d2 hehehe.

    stay safe and keep on writing....

    ReplyDelete
  6. napapadalas ang pagpupuyat ko dahil sa kakabasa haha very touching

    ReplyDelete
  7. hayss nakikita ko sarili ko dito. ganito din kwento ko ang mangarap pero sa huli ng pangarap ko bigla na lang ako nalulungkot kasi alam ko di mangyayari at hangang pangarap na lang ito . masakit man pero hanngang ganito na lang buhay ko ang mangarap

    ReplyDelete
  8. umpisa pa lang kaabang abang na ang mga susunod na chapter...nice ang ganda ng takbo ng story....

    sai....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails