Followers

Tuesday, September 18, 2012

Way Back Into Love (Chapter 1)





Rogue Mercado's


Way Back Into Love


Chapter 1





_____________________________________________________________________________


"Ang ganda naman niyang tinutugtog mo." 



Umanagat ang ulo ng lalaking kanyang tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung tipong lahat ng babae o pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng tuhod at kakabog ang dibdib.


"Moks kanina ka pa ba diyan?"  tanong nito



"Hindi naman Moks" tugon niya dito.


"Halika kantahin natin ng sabay?" mungkahi ng lalaki sa kanya.



"Haha. Kahit kailan... Red Antonio.. hindi ka talaga nagsasawa sa kantang iyan" pang-aalaska niya sa matalik na kaibigan.



"Adrian Dela Riva slash... Moks... Kahit kailan hindi ako magsasawa sa kanta na to. Alam mo yan" pagsalungat naman ni Red sa kanya


"I Know Right? Eh yan na yata ang Lupang Hinirang ng buhay mo eh? Sabi mo sa akin Theme Song natin yan tapos nalaman ko na lang yan rin pala theme song niyong dalawa ng girlfriend mo" kunwari ay nagtatampo siya dito pero alam naman niyang paboritong talagang awitin ni Red ang kantang iyon. Samakatuwid eh ito pa nga ang nag mungkahi na iyon na ang official theme song nilang magbest friend. Tulad niya ay musically inclined rin itong si Red. Nakahiligan na nilang kumanta dahil simula bata pa sila, itong si Red ay sumasali sa amateur singing contests sa barangay nila samantalang siya eh member ng choir. Divine Diva lang ang peg. Char. 


But seriously, musika talaga ang nagbond sa kanilang dalawa bukod sa pagiging magkapit bahay nila at hindi maitatangging close ang pamilya nila. Kaya nga ito rin mismo ang pinaka unang taong nakatanggap ng sekswalidad niya. Si Red, ang kanyang bestfriend ang siyang pinaka unang taong sinandalan niya when he decided to come out of the closet. High school siya noon and that was a critical phase of his life dahil saka niya naamin ang katotohanan sa sarili niya kung kailan pa alam ng lahat na straight siya. Pero hindi niya pinagsisisihan iyon at laking pasasalamat niya na nandyan ang matalik na kaibigan niya para damayan siya... sa hirap o ginhawa.



"Nagseselos ka Moks?" biglang pagbasag nito sa kanyang pagbabalik tanaw. Itinigil nito ang pagtugtog ng piano at bumaling sa kanya. At ang loko ngising demonyo lang talaga.


Bigla naman siyang namula ng todo sa sinabi nito. Paano naman kasi eh simula ng inamin niyang hindi siya straight ito talaga mismo ang nang issue na baka nagka gusto na siya rito. Dun siya nahihiwagaan kay Red. Inaasahan niya kasi na bigla na lang tong iiwas o kaya pandidirihan siya pero ito mismo ang nagsabi na tanggap siya nito kahit sino pa man siya at siya lang ang Moks niya. Pwede siyang kiligin. Pero alam niyang hindi pwede dahil una sa lahat straight ito at walang posibilidad na magkagusto ito sa tulad niya. Sadya lang talagang alaskador tong best friend niya.




"Alam mo Mr. Red Antonio.. Ngayon ko lang napatunayan na ang kapal talaga ng pagmumukha mo" pagtataray niya dito sabay irap ng mata niya. Sa totoo lang yung tawagan nila ng Moks, eh galing sa expression niya na makapal ang mukha.



Ok din naman si Red if you have to exclude his gender preference. Sa edad 17 eh di maikakailang matipuno na ang pangangatawan nito. Kayumanngi ang balat nito at ang katamtaman ang iksi ng buhok, lalaking lalaki kumbaga. 



"Nagseselos ka eh..." pilit pa rin na Red na ngayon ay nagsisimula ng humakbang  papalapit sa kanya.



"Hindi ah!" pinagsalikop niya ang kanyang dalawang braso para lang ipakita na hindi siya interesado sa pangaalaska nito.


"Moks alam ko... Nagseselos ka eh" wika nito na kanina pa pala nakalapit na rin ito sa kanya.


At sa puntong ito eh nakatitig sa kanya ng mariin si Red. This is what he hates the most, yung tititigan siya nito na parang wala ng bukas! Sa lahat ng taong nakilala niya si Red lang kasi yung alam niyang may matang ganun yung tipong pag masaya ito o malungkot sobrang expression ang makikita mo sa mata nito. Kaya sinisikap niyang iwasan ang mga titig nito just to avoid sending him a message. Ayaw niya namang isipin na totoo nga ang hinala nito na nagkakagusto siya dito.



"Assuming much lang? Sabi ng hindi eh" tinalikuran niya to para hindi niya salubungin ang mata nito.



"Eh bakit hindi ka makatingin sa kin ng diretso?" nanunukso pa rin ang boses nito. 



Hindi na siya nagsalita dahil totoo naman eh. Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh ayaw niyang tumingin dito ng diretso kapag nanunukso ito ng ganun. Pumunta ito sa harapan niya at nangiinis na naman na tinititigan siya.



"Sabi ko na nga ba nagseselos ka eh... Sige ibahin na lang natin ang theme song natin.. Ahm Bawal na Gamot na lang kaya" sinabayan nito ng nakakalokong tawa ang nakakatwang suhestiyon nito.



Hindi niya napigilang tumawa na rin sa pinagsasasabi nito. Bestfriend niya nga talaga si Red. He never fails to make him laugh kaya nga ganun na lang ang pagpapahalaga niya sa kaibigan.



"Oh eh bakit naman Bawal na Gamot?" tuloy pa rin ang pagtataray niya kahit natawa na siya sa sinabi nito


"Kasi ako iyong Bawal at ikaw ang Gamot ko Hahaha.... O tingnan mo kahit sa kanta perfect match tayo... tayo na lang kaya?"



Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya ng marinig ang mga huling sinabi nito. Hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha sa sinabi nito. Sa tagal ng panahon na lagi siyang inaalaska nito ng ganun eh noon lang nito sinabi ang mga katagang iyon. Kumbaga sa musika para siyang na LSS sa sinabi nito "tayo na lang kaya?"...tayo na lang kaya?"...



"Whatever that is so illogical.. Ano naman kaya yun? Bawal tapos Gamot.. Anong konek? Nakatira ka yata ng Marijuana." singhal niya dito kahit sa totoo eh kilig na kilig yata siya sa pinagsasasabi nito. Ito ang kauna-uanahang pagkakataon na lumakas ang pagkabog ng dibdib niya sa pangaalaska nito.



"Ah illogical pala ah.. Eh bakit ka namumula? Saka bakit hindi ka makatingin sa kin ng diretso Moks?" hinahawakan na nito angmukha niya at pilit na na pinupwersa na ilihis patungo sa mga mata niya



"Aray! Red Antonio Ano ba! hindi ka na nakakatawa!" nagsisimula na siyang mairita sa pang aalaska nito.



Pero hindi natinag si Red at talagang pinihit ang ulo niya.



"Ayan nakatingin na siya sa akin tapos nagba blush pa" tawang demonyo ni Red habang tinititigan siya.



"Moks naman kasi eh!!!" para siyang kawawang sisiw na nagmamaka-awang palayain ng lawin. Syempre kung pisikalan ang usapan, talo talaga siya dito.



"Wag mo ng pilitin kumawala... Ayaw mo talaga akong tingnan Moks? Sayang o ganda ng view" sabay kindat sa kanya ni Red na talagang nagpapa torete na sa pagkabog ng dibdib niya. 



"Ayaw nga Moks eh... Please ayoko ngang tingnan ka.. Nasisira kinabukasan ko"  nagmamaka-awang nagtataray lang siya ng mga oras na iyon.



"Ah ganun pala ah sige mas lalo kung sisirain kinabukasan mo!" giit nito sabay hapit sa kanya sa baywang at yakap sa kanya.



Nagulantang siya at hindi niya napigilang manlaki ang mata. Sa tinagal tagal ng pagiging magkaibigan nila eh ngayon lang siya nakalapit ng ganito sa katawan ni Red. And he can feel his warmth.



"O ayan.. ayaw mo pa kong tingnan?" seryosong bulong ni Red na ngayon ay titig na titig sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan eh alam niyang parang kinakapos na rin Si Red sa paghinga. Nararamdaman niya ang init ng hininga nito.



"Ayaw!!!' sumigaw siya para madistract ito.



"Eh yung bawal na gamot ayaw mo yun?" si Red



"Ayaw!" simangot niya dito




"Eh ako Moks?... ayaw mo na sakin?" tila naglalambing lang ito sa kanya na para bang magkarelasyon sila. Kung hindi lang proven na straight itong si Red eh matagal na niya itong pinaghinalaan. Lalo na ngayon na kakaiba ang pinag-gagagawa nito.



Nagdalawang isip na tuloy siya kung anong sasabihin niya.



"Moks naman eh... Naiinis na ko!!!" sigaw niya ulit dito. Talagang para lang silang tanga sa ayos nila. Ang braso nito ay nakayapos sa kanya kaya at isa naman ay nakahawak naman sa likod ng ulo niya. 



"Ok... Relax.. To naman para naglalambing lang eh. Ang sungit pero ang sarap" tatawa-tawang sabi nito sa kanya sabay bitiw sa katawan niya



"Anong sarap pinagsasasabi mo?" baling niya dito



"Ang sarap asarin? bakit anong sarap ba iniisip mo Moks?" balik tanong nito sa kanya.



Napatingin siya dito at hindi siya nagkamali. Ngiting demonyo na naman ang loko.



"Ewan ko sa iyo aalis na ko... Una na ako sa school." tinalikuran niya ito at akmang kukunin na niya ang bag nang pigilan siya nito.



"Oh sandali....sandali.. Relax.. Sus... Hindi ka na malambing Moks ah.. tatanda ka ng mabilis niyan sige ka" pagpigil ni Red sa kanya ng tangkang hahablutin na niya ang bag sa ibabaw ng piano. 





Talagang hindi kumpleto ang araw ni Red pag hindi niya naaalaska si Adrian. Kahit ganun ito ay kumportableng kunportable siya sa rito at sa sekswalidad nito. Noong mga panahong inamin nito sa kanya ang tunay na pagkatao nito ay hindi niya maitatangging nabigla siya, akala niya kasi eh ang pagkalampa at pagkalamya ni Adrian eh pansamantala lamang. Hindi niya akalain na pusong babae talaga ito. Hindi niya rin maikakaila na isang bahagi ni isip niya ay gusto ng mailang dito ngunit nananaig pa rin ang pagiging matimbang nito sa puso niya. Hindi na yata siya makakahanap ng sobrang bait as in sobrang bait na kaibigan tulad ni Adrian.



Noong niligawan niya ang girlfriend niya eh si Adrian ang ginawa niyang mastermind ng lahat ng plano sa panliligaw. Kung tutuusin mas lalaki pa ito sa kanya pag dating sa mga bagay na ganun. Ito ang nagturo sa kanya ng maaari niyang gawin para mahulog sa kanya si Sabrina, ang girlfriend niya ngayon at syempre si Adrian din ang dahilan bakit napasagot niya ito. May mga pagkakataon pa na hinarana niya sa isang restaurant ang girlfriend niya at si Adrian ang pinag gitara niya. Pareho kasi silang mahilig tumugtog ng kung ano-anong musical instruments at higit sa lahat mahilig silang kumanta. Naaalala niya rin yung isang punto na pinag suot niya ito ng Santa Claus costume noong nakaraang pasko at alam niya ang dinanas nitong hirap para magsuot ng patong patong na damit at sumayaw sayaw sa harap ni girlfriend niya. Kaya pinagpapasalamat niya na sa dinami dami ng tao sa mundo si Adrian yung ibinigay ng Diyos sa kanya na maging matalik na kaibigan.




Pinagmasdan niya ng maigi ang matalik na kaibigan habang umuupo ito sa sa harap ng piano. Sa totoo lang, hindi naman magpapahuli ang kaibigan niya kung hitsura din lang ang paguusapan, yun nga lang napaka -conservative ng hitsura nito. Yug buhok,nahati sa gilid at kung hindi niya alam na wax ang ginagamit ni Adrian eh baka napagkamalan niyang pomada ang gamit nito. Suot suot nito yung oversize sigurong eyeglasses gawa ng may sira ito sa mata. Ilang beses na niyang kinumbinsi na mag contact lense na lang ngunit tumanggit ito. Mas komportable daw ito sa eyeglasses niya. Tinatawag niya nga itong "Ninoy" minsan dahil sa magkaparehong magkapareho ang sukat at hugis ng salamin nito sa yumaong senador.



Sa tuwing magkakasama sila nito, pinaka paboritong bonding nila ang kumanta habang tumutugtog ng piano o kaya naman pag lalabas sila at yayayain niya ito eh mag vi-videoke sila. Masaya siya pag kasama niya ang matalik niyang kaibigan at hindi siya mapakali kapag hindi niya makita kahit anino man lang nito.



"O ano na?" agaw atensyon nito sa pagmumuni-muni niya 



"Anong ano na?" balik tanong niya kay Adrian.



"First day natin sa college? Ayaw ko naman malate tayo Moks no.. Tara na!" pangungulit nito sa kanya.



"Moks naman, may 10 mins pa tayo isang tricycle lang naman yun. Excited ka lang? o Excited kang makita siya?" may halong konting pagdaramdam ang tanong niya dito.


Sa totoo lang ewan ba niya kung bakit nagagawa niya ang mga bagay bagay na ganun pag nandiyan na ang best friend niya. Minsan nga nagdududa na rin si Sabrina sa attachment niya kay Adrian at pinagselosan ito. Hindi pa naman umabot sa punto na nag away sila ng gf niya pero ang alam niya ay masaya siya pag naaasar niya ito. Pano hindi niya matiis,  ang cute kasing tingnan lalo na pag umuusok na ang ilong nito sa galit.



Nabigla naman si Adrian sa tanong ni Red ngunit pinili niyang ipagkibit balikat ang nais tumbukin ng tanong nito kaya pinagpasyahan niyang ipagpilitan na umalis sila.




"Ang gusto ko lang naman Moks eh seryosohin natin ang college kasi ibang iba siya sa high school diba?"paglilihis niya rito.



"Ok fine, Mr Dela riva este Moks ko... Ikaw na ang boss punta na tayo pero..." pambibitin nito sa kanya.



"Pero???" taas kilay na tugon niya dito



"Syempre Bonding muna!" sagot ni Red habang pinatugtog ng daliri ang piano.



Napapangiti siya tuwing ito ang nakaka-alala ng 'bonding'. Yun yung tawag nila sa sabay nilang pagkanta bago pumasok sa eskwela. Ritwal na yata nila yan. Ewan. Siguro sanay lang sila ni Red na pinapagaan ng musika ang buhay. 



"Ok pero punta na tayo after? Ok?"



"Ok sure!" excited na sagot nito at agad na tinipa na ang piano. Sinimulan niya ang kanta.



"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, 
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on " 



Tumingin si Red sa kanya at pagkatapos ay nagpakawala ng isang ngiti.. Sinuklian naman niya ito at kapagdaka ay sinimulan naman nito ang susunod na mga liriko.



"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, 
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind" 



At pumailanlang ang boses nila at ang tugtog na galing sa piano.




"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. Ooo hooow "





"I've been watching but the stars refuse to shine,
I've been searching but I just don't see the signs, 
I know that it's out there,
There's gotta be something for my soul somewhere"



"I've been looking for someone to she'd some light,
Not somebody just to get me through the night,
I could use some direction,
And I'm open to your suggestions. "


"All I wanna do is find a way back into love. 
I can't make it through without a way back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!"



"There are moments when I don't know if it's real
Or if anybody feels the way I feel
I need inspiration
Not just another negotiation"


"All I wanna do is find a way back into love,
I can't make it through without a way back into love,
And if I open my heart to you,
I'm hoping you'll show me what to do,
And if you help me to start again,
You know that I'll be there for you in the end"



Natapos ang kantang napangiti silang dalawa. Ngunit biglang sumeryoso ang mukha ni Red habang nakatitig uli sa kanya.



"O anong meron Moks? Ayan ka na naman ah, may dumi ba sa mukha ko?" sabad niya dito na titig na titig pa rin sa kanya.



"Kasi..."



"Kasi?..." tanong niya dito



Hindi siya nakakuha ng sagot ngunit nakatitig pa rin ito sa kanya na waring tinitimbang ang kanyang susunod na reaksyon kapag itinuloy nito ang sasabihin niya.



"Kasi Ano Red Antonio?" pagpupumilit niya dito ng walang nakuhang sagot



"Kasi Moks pag kinakanta mo yung theme song natin.. Gu..gusto   kong kalimutan na best friend kita... kahit sandali lang" seryosong  pagpapatuloy ni Red sa sinabi niya.



Hindi siya makakilos  sa kinauupuan at ang pagkabog ng dibdib niya ay unti -unti bumalik. Nakatulala siya at ngayon ay sinasalubong ang titig ng best friend niya. Parang inaarok nila ang gustong sabihin ng isat-isa hanggang sa namamalayan niyang pilit tinatawid ni Red ang distansiya sa pagitan nila. Titig na titig pa rin ito sa kanya at ng akmang bababa na ito para gawaran siya ng isang bagay na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing posibleng mangyari sa pagitan nila.



"Ahem!" basag ng isang baritonong boses sa tensyon na namamagitan sa kanila. 



Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo. At nang tingnan niya si Red ay alam niyang bigla itong namula at parang hindi alam ang gagawin.


"Ah bro nandito ka na pala... Papunta na rin sana kami ni Moks sa school.. Tamang tama sabay na tayo" wika ni Red sa kakapasok na lalaki.


Humakbang ang kakapasok na lalaki papunta sa kinaroroonan nila. Nalilisik ang mata nito at hindi man lang nagaksaya ng panahon na sagutin ang sinabi ni Red. Pagkarating na pagkarating sa kanilang kinauupuan ay agad na hinablot nito ang kamay na Adrian at pwersahang pinatayo.



"Get you ass up there at pumunta na tayong school. I went to your house para daanan kita pero nandito ka lang pala....... hon" malamig na bati nito sa kanya. Halatang naiinis sa naabutan niya



"Ahm Jake kasi.." nauutal niyang tugon dito



"Jake?" putol nito sa paliwanag niya



"Im sorry hon... nakalimutan ko lang kasi  na pupunta ka pala sa bahay"


"Enough of your excuses lets go...... bago mo pa makalimutan na may boyfriend ka" singhal nito sabay marahas na hatak sa kamay niya.




Walang nagawa si Adrian kundi ang magpahila kay Jake. Panandalian niyang tinanguan si Red tanda ng pagpapa-alam dito. Sinuklian naman nito iyon ng isang pagtango ngunit mababakas sa mukha nito ang kalungkutan.



Kinuha na rin ni Red ang kanyang bag at pumunta siya sa terrace ng kanilang bahay para tanawin ang papalabas na magkasintahan. Huminga siya ng malalim at may ibinulong sa sarili.




"There goes my life and my everything"







Itutuloy...

11 comments:

  1. Astigen..haha..kaso naman,parehas ng taken...susubaybayan ko to..pwamis
    -caranchou

    ReplyDelete
  2. at last nag update din. he he he. . . tapang aman ni peth.. . dyahe aman ung naabutan c ej ng mama nya na parang boldstar! he he he

    ReplyDelete
  3. wow inlove si best friend kay Best nya.. hehehe

    ReplyDelete
  4. Ang cute ng story..inlove kay bestfriend..

    -Arvin-

    ReplyDelete
  5. ayyyy ang hirap ma inlove but i love the scene....tnx

    ReplyDelete
  6. Wow,,nahilo ata ako dun ah,,parang magulo ata ung pagkakasulat,,parang minsan hindi mo n alam kung sino ang nagsasalita. O hilo lang talaga ako hehe,,pero ok lang umpisa plang nmn ako,,

    ReplyDelete
  7. Wow,,nahilo ata ako dun ah,,parang magulo ata ung pagkakasulat,,parang minsan hindi mo n alam kung sino ang nagsasalita. O hilo lang talaga ako hehe,,pero ok lang umpisa plang nmn ako,,

    ReplyDelete
  8. wow ganda ng simula.. may eksena kagad..

    ReplyDelete
  9. Swerte ng ate q.the love of his life...ako na lng po.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails