Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
Email: menalipodeultramar@gmail.com
------------------------------------------------
"Minomolestiya ka ba noong bata ka?"
Napakaperpektong tanong para sa isang napakaperpektong pagsasalo sa isang napakaperpektong lugar. Napakaperpektong tagpo!!!
Syempre, isang malaking IRONY ang lahat ng iyan. ANONG KLASENG TANONG BA IYON?!!
“Ha??”
“May instance ba na may close relative ka na pinagsamantalahan ka?”
“Ah, hehe, bakit mo naman natanong yan?”
Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa ring nakasalubong ang dalawa niyang kilay, patuloy na nanghihingi ng sagot.
“Hindi...hindi, naman. Wala namang ganoon sa.....pamilya.....namin.”
Ang totoo, nakakainsulto. Pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng mga pagkapahiya ko, ng mga nasayang kong pera at oras, na sa indirect mang paraan, eh, dahil sa kanya, tapos ganon yung mga tanong niya. Kung ibang tao yun, baka dumapo na yung kamao ko sa mukha niya, pero hindi ko magawa kay Chong, malay ko ba. Kung ibang tao yun, baka nasa hospital na siya at nasa guidance office na ako, kaso hindi ko magawa kay Chong.
Wala akong nagawa kundi alisin ang ngiti sa mga labi ko.
“Close ka ba sa parents mo, particularly sa mom?”
Tiningnan ko siya uli. Walang nagbago sa expression ng mukha niya, puno pa rin ng pagtatanong. Siguro kaya hindi ko rin magawang magalit sa kanya kasi alam kong tapat yung intensyon niyang magtanong, walang bahid ng pangungutya, walang bahid ng sarcasm, no pun intended.
“Oo, close ako sa mama ko...” ang sagot ko sa medyo malamlam na boses. Unti-unting nawawala yung siglang gusto kong ipakita sa kanya.
“Hmmm. Eh sa dad mo?”
“Medyo. Actually, mas close ako sa mom ko...”
Teka, mom na yung nagamit kong term? Tsaka teka, bakit ba niya tinatanong ang mga ganitong bagay? Ano, brinibrief na ba niya ang sarili niya sa kung anong makikita niya kapag ipinakilala ko siya sa mga parents ko? Ganoon ba yun? Ang bilis pre. Talaga bang iniisip niyang ipapakilala ko siya sa kanila? Ganoon lang ba talaga siya kadaling kuhanin? Malaman lang niya na may gusto sa kanya yung isang tao, bibigay na siya kaagad. Mali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?
"May girlfriend ka diba?"
"Ah, hmmm...wala...Si Fred yung may girlfriend ngayon..."
"Oh, I see...GIRLFRIEND NGAYON..."
Mistula akong ininterrogate sa mga tagpong yun. Hindi lang pala talaga tahimik itong tao na ito, napaka-weirdo pa. Pero bakit kay Jenilyn, hindi naman. Kasi may relasyon sila? Pero hindi naman daw sila...tsaka bakla siya. Imposible. Para talaga siyang abogado sa ginagawa niya. Yung pag-emphasize niya ng mga words, yung mannerisms niya, ang pagiging kalmante niya, maiisip mo na lang na para kang suspect sa isang krimen, at kahit na lahat ay ginawa mo para pagtakpan ang tunay na nangyari, nabakas mo sa kanyang nahalata niyang nagsasabi ka ng kasinungalingan. HAAAAYYYY!!! Ano bang iniisip ng taong ito!!!
“May mga academic achievements ka ba?”
Umaliwalas ang mukha ko. Meron po! Meron! Pero teka, kanina yung pamilya ko, ngayon ako naman? Ano ba talagang iniisip niya. Tsaka dapat hindi naging maaliwalas ang mukha ko, dapat malungkot pa rin ako. Dapat ipakita ko na hindi ako masaya sa ginagawa niya. Dapat takutin ko siya na kapag hindi niya ako na-entertain, hindi ko na ulit siya papansinin.
“Ba, meron, hindi mo naitatanong...”
“Ah, oo. Salutatorian ka nga pala noong high school...”
Nagulat ako. Alam pala niya.
“Ba, paano mo nalaman? Ganoon ka ako kasikat?” pagmamayabang ko. Akalain mo, hindi lang niya yata ako gusto, obssessed pa yata to sa akin. Mga bakla nga naman...
Saka niya ibinaba ang kutsarang hawak ng kanyang kanang kamay...
“Diba nasabi ko na sa’yo na gusto kita. First of all, I mean that. Gusto talaga kita. Second, if you are infatuated to a certain person, aalamin mo ang buhay niya. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit alam ko na Salutatorian ka...”
At ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon, parang piano, napaka-heavenly. Nakaka-taas ng ego. Namalayan ko na lang ang sarili kong ngumingiti. Saka ko ibinaling ang ngiti ko sa kanya. Hindi na lang yun ngiti ng saya, ngiti na rin yun ng pang-aakit. Gusto kong ipamukha na nakuha ko ang isang katulad niya sa mga ngiting yon.
Pero naalis din sa mukha niya ang pagtataka. Napalitan ito ng ngiti, hindi ngiti ng saya, hindi ngiti ng pagpapa-cute. Ngiti ng sarkasmo, na sinabayan pa dahan-dahang niyang pagtango at matalim na tingin.
OA mang sabihin, pero parang ngiti yun ng mga kontrabidang may pinaplanong masama sa mga pelikula.
“Pero, don’t be overflattered. Nalaman ko yun dahil nandoon sa booklet ng mga scholars ang pangalan mo, kung saan nandoon din ang pangalan ko. Hindi ako nag-iikot sa campus para maghanap ng impormasyon tungkol sa iyo. Mas lalo rin namang hindi ako nagtanong-tanong sa mga kaklase natin. I didn’t even stalk you, kahit kailan hindi kita sinundan hanggang sa bahay niyo, kahit na lagi tayong nagkakasalubong dito sa campus. At hindi ko rin tinitingnan ang Facebook profile mo. I keep avoiding it, alam ko naman kasing puro infidelity ang makikita ko doon. So, please, don’t ever give me that disgusting look. It doesn’t make you attractive to my eyes at all. It just makes you nothing but a stupid...”
Kalmante niyang sinabi ang mga salitang iyan. Ngunit sa payapang tinig na iyon, nagtatago ang tono ng sarkasmo. Nakakahiya. Nakakainsulto. Nanunubok.
Edi, magsubukan kami.
“Parang sa tingin ko, hindi rin naman. Alam mo karamihan ng mga bakla, hindi ganoon kaganda ang itsura, ang sakit sa mata eh. Lalo na sa mga gwapong katulad ko. Tapos malalaman na lang namin na yung mga baklang yun eh, may gusto sa amin. Pre, ang sakit, sakit sa katawan. Teka, pre ba, o mas komportable ka sa mare? Diba ganoon naman talaga, yung mukha at yung katawan lang naman ang gusto niyo. Gusto niyo lahat ng karelasyon niyo gwapo. Kung hindi man gwapo, dapat hunk, dapat macho. Tapos gagawin niyo lang hipon, tapon ulo, kain katawan. Appearance is all that matters to gays. Diba, ganoon naman kayong mga BAKLA...”
Idiniin ko talaga ang bakla, gusto kong ipamukha na ganoon siya, na katulad rin siya ng ibang bakla, na makukuha ko siya sa pamamagitan ng nakakamatay kong ngiti. Maghubad lang ako sa harap niya, bibigay na siya. Ganoon naman kasi talaga ang mga kilala kong bakla.
Pero nanatili pa ring nakangiti si Chong. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
“Well, if that is what you think, then okay. Hindi ko alam ah, pero parang dinescribe mo na rin ang sarili mo habang idinedescribe mo ang isang KARANIWANG BAKLA...”
Saka siya humigop ng iced tea niya. Kalmanteng-kalmante pa rin kahit na ininsulto ko na siya. Saka ko naisip kung saan hahantong ang usapan na ito...
“Teka, gusto mo bang sabihin na ba...”
“Diba, sabi mo sa akin kaninang umaga na gusto mo rin ako...”
Nalintikan na.
“Sandali ah, pre, lalaki ako, lalaking-lalaki. Straigh! Parang ruler! Hindi ba halata?”
“Kapag ang isang lalaki, sa mga babae lang nagkakagusto, straight ang tawag sa kanya. Ganoon din sa mga babae. PERO, kapag ang lalaki, nagkagusto sa kapwa niya lalaki, at ang babae, nagkagusto sa kapwa babae, straight pa rin ba ang tawag sa kanila?”
Napalunok na lang ako ng laway.
“No, dude, no. It either you are straight, or you are crooked. And if you aren’t straight...”
Sinabayan niya ng pandididlat, pagtaas ng kilay, at ng sarkastiskong ngiti ang mga salitang iyon, habang ako naman ay nananahimik at halatang napahiya. Hindi ko alam, pero natakot ako. natatakot ako sa kanya...
“Yung mga itinanong ko sa’yo kanina, it is a way for me to find out kung homosexual ka. Ang gusto ko sanang itanong eh kung minolestiya ka ng tiyo mo noong bata ka pa. But I need a more subtle question, tanong na hindi mo iisiping tinatanong kita kung bakla ka, or else baka nasa guidance office na tayo. But since, mukhang hindi sapat sa iyo iyon, tinuloy tuloy ko na. Marami sa mga homosexuals ang namolestiya noong bata sila, pinagsamantahan ng mga relatives nilang lalaki. But in my case, I wasn’t raped. I hated my father, kaya wala akong father figure, mas close ako sa nanay ko, KAGAYA MO. At alam mo naman kung anong sinasabi ni Freud tungkol sa mga ganitong kaso. In the case of the achievements, halos lahat kasi ng kilala kong academic achievers eh bakla. Actually, our High School Valedictorian was gay. Pero it would be irrational if we would generalize, but still...”
"Tinanong din kita kung may girlfriend ka. Actually napapansin ko naman talaga na si Fred ang laging may kasamang babae, through the slight difference between the two of you. Masasabi ko naman na hindi ibig sabihin na kung wala kang girlfriend, eh bakla ka na. Kaso nga lang, yun ay kung isa kang average looking man. Pero ang mga lalaking may mukhang katulad ng sa iyo at may strong urges ng hormones, medyo mababa ang chances na walang girlfriend ang mga katulad nila, pwera na lang kung...Pero kunsabagay, vague naman kasi ang tanong ko. Dapat ang tanong ko sa iyo ay kung may nilalandi ka ngayon. Mas akma. Mas appropriate."
Nakatunganga lang ako sa kanya, habang nagsasalita siya, habang siya naman direktang nakatingin sa mga mata ko. Habang ako eh nakatingin sa mga mata niya ng malamlam, ng parang nakatingin lang sa isang bagay at lumilipad ang isip, siya naman eh matalim pa rin ang tingin sa akin.
"Pero... medyo...vague din eh. Baka kasi ang isagot mo sa akin eh ang pangalan ko. So therefore ang dapat na tinanong ko talaga sa iyo, eh, kung may nilalandi kang babae ngayon..." ang wika niya sabay taas ng kanyang mga kilay.
Nakakatakot. Nakakatakot siya. Parang wala kang maiitatago mula sa kanya. Mula sa iyong pagkindat, sa iyong mga intensyon, sa iyong mga sikreto, sa iyong mga nararamdaman. Parang batid niya kung paano ka pigain, kung paano ka pahinain, kung paano ipamukha sa iyo kung gaano ka kahina.
“But, you know, what actually amazed is, talagang mukha ka namang lalake. Wala ka namang bahid. Evidently, inclined ka sa girls. Masasabi ko pa ngang understatement ang ‘inclined ‘eh, I think obssesed is more appropriate. Therefore, imposibleng makagusto ka sa isang baklang katulad ko. Straight ka nga diba,like a ruler, as what you have claimed. So pwedeng gusto mo lang ng mas mataas na grades, kaya ka dumidikit sa akin, tutal, hindi naman bago sa'yo na mas may utak ako sa'yo, hindi ba? Pero kung yun lang ang habol mo, hindi ka naman magpapansin sa akin at mananadya ng halos DA-LA-WANG TA-ON, hindi mo gagawin yung mga iyon, kasi base sa personality mo, tatapikin at susutsutan mo lang yung taong gusto mong pagkopyahan ng sagot. So I'm left with two answers, it's either isa kang malaking attention-grabber, na walang iniisip kundi siya lang nag-iisang gwapo sa mundong ito, o... ”
Saka siya umupo ng diretso at kinagat ang labi, hindi ko alam ang iniisip niya. Ayoko na ring isipin pa at nakakapagod. Totoo naman na ganoon talaga ang iniisip ko, gusto ko siyang subukin, gusto kong pansinin niya ako. Pero alam kong hindi lang iyon ang tanging dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Alam kong hindi...
“...o gusto mo lang ng isang malaking laro, laro kung saan we will touched body parts, magsesex, maglalampungan, magkakantutan, na gusto mo akong gawing parausan. So, you see, you just described yourself through your own beliefs. Kung titingnan mo yung mga sinabi mo kanina, you just called yourself a gay, hindi ba?”
“Teka, Chong, ano bang sinasabi mo?”
Pero bigla siyang tumayo, at saka yumuko sa kinauupuan ko, inilagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mesa at iniakma ang kanyang bibig sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga, ang kalmante niyang pag-hinga, habang ako naman ay tuliro, hindi alam ng gagawin. Parang mas nakamamatay ang ganitong asal niya, kung simpleng galit lang siya, isang suntok lang tapos na. Pero iba ang inaasal ni Chong. Bakas na bakas sa tinig niya ang galit. Ibang Chong ang nakita ko ngayon, kabaligtaran ng Chong na may pag-iingat, buong paggalang, at hinhin kapag naglalakad.
“Well, sir, if that is what you are planning all this time na nagpapansin ka sa akin, I’ll assure you that that will not happen. Makakantot ka muna aso at kabayo bago ako. Or if all of those doesn’t satisfy you, why you don’t go to clubs and fuck as many girls as you want. O kung hindi pa rin sa’yo sapat yan at gusto mo talagang kapwa mo lalaki ang sumipsip diyan sa ari mo, just go to gay clubs. Just make sure that I’m not included to your fucking plans. And oh, by the way! Can you please stop calling me Chong for God’s sake. Are we even close?” Saka siya tumayo ng diretso at isunukbit ang kanyang body bag sa kanyang kaliwang balikat. Sakto namang may tatlong magkakaibigang lalaki ang pumunta sa mesa namin.
“Pwede po bang maki-share?”
“Opo,pwede po...” ang kalman te sagot ni Chong, na sinabayan pa niya ng isang ngiti, ng may paggiliw. Saka siya umalis na dala ang iced tea niya.
Naiwan akong tulala at nag-iisip. Inikot-ikot ko na lang ang kutsara ko sa plato ko. Totoo nga kayang yun lang ang gusto ko kay Chong, ang maka-sex siya?Ganoon lang ba talaga ako kakababaw? Ganoon lang ba kababaw ang tingin niya sa akin? Ano na bang nangyari sa akin? Bakla na nga ba ako ngayon? Hindi pwede, hindi pwedeng maging ang isang gwa...ayokong ko na ngang sabihin, baka mapahiya na naman ako. Bakit ganoon? Parang mali ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo, hindi siya madaling kuhanin, pero parang siyang demonyo. Nakakatakot. Nasa ganito akong sitwasyon ng may biglang umakbay sa balikat ko, na sinabayan niya ng pagtapat ng kanyang bibig sa aking tainga.
“And by the way, hindi lahat ng ruler straight. Yung iba, bendable...”
Itutuloy...
grabe, ibang klase to. hahaha
ReplyDeleteCongratss!!! Ikaw ang first commenter ko!!! Salamat!!
DeleteKakaiba kasi pangit? XD
Pang... matalino ang flow ng story... The cat and mouse chase... me landi factor parang.... Erich Segal ang peg... more... more...
ReplyDeleteWow, parang ang tantamount naman ng adjective na "matalino." Napasearch tuloy ako kung sino si Erich Segal XD Salamat po...
DeleteDumugo utak ko,ang lalim ng pinaghugutan ng story... ikaw na matalino,hahaha :D
ReplyDeletesuper kilig naman ako sa story mo dear author... naks lagot si bida kay chong.....
ReplyDeleteramy from qatar
Wow, nakakilig talaga? Nahiwagan tuloy ako sa'yo XD
DeleteGrabe ang galing ni mr. author. Dagdag na naman 'to sa mga author na susubaybayan ko.
ReplyDelete_alejojohn
Wow...why do i see "L Lawliet" sa character ni CHONG? he's so mysterious, unpredictable, and it makes him more interesting...i can see a little resemblance sa Death Note anime, with all those "mind" games...hahaha!!
ReplyDeletenakaka-relate ako kay Chong, i saw myself in him back when i was in high school...other friends' first impression of me was I'm a snob but it didn't take long for them to understand me...I was just a simple silent achiever, having an inferiority complex.
this story is somehow different from the other stories that i've read. nakakatawang isipin na si fonse, who is supposed to be straight, ang siyang naghahabol kay chong..but i like how chong has such strong personality...gusto ko na lagi niyang nababara/nababasag yung flirtations ni fonse..
Ang talino ni Chong, pwede syang psychologist :p and if ever I was the one being asked by him and with those questions...matatamaan ako kasi yes lahat ang sagot ahaha!!
I love L, I love Chong, love this kind of story :)
Mr. Author good job po!!!Galing:)
_mjap
Wow, wow na marami!! Maraming salamat naman po. May rason naman kung bakit tahimik si Chong, hindi lang basta inferiority complex, abangan na lang XD
Deletekelan po next chapyer nito.. ganda ng flow ng story.. sobra ko nakaka relate!
ReplyDeleteMedyo matatagalan ang update nito, actually nagawa ko na yung Chapter 4, kaso na corrupt. Tae talaga. Nakakatamad pa na naman ulitin. May steamy scene pa man din, joke!
DeleteSpoiler nalang, magiging sila, pero papaano at magiging madali ba ito?
very intelligent approach. I love Chong's character, he's so mysterious an enigma, i was not breathing everytime i'm reading chong's lines. U are awesome!!!
ReplyDeleteThank you po!!!
Delete