Followers

Wednesday, September 5, 2012

Munting Lihim [12]


By: Mikejuha

Author’s Note:

Una gusto kong magpaslamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa MSOB, lalo na ang ating mga donors sa MSOB Book Anthology Project. Hindi po namin kayo bibiguin. Maraming-maraming salamat sa inyo. Hindi lang ninyo alam kung gaano kami sa saya na may mga taong willing talagang magbigay, pagpakita lamang ng suporta sa mga manunulat na hinahangaan nila.

At para po sa mga gusto pa pong maging bahagi sa proyekto naming ito, tumatanggap pa rin po kami ng donasyon. Kasi Publish On Demand lamang po kami. Bale wala pong humahawak sa amin na publisher. Sa kagaya naming mga baguhang writers at wala pang nai-proven na naipakitang record na siguradong kikita sila sa amin, wala pong publisher na mag-risk sa amin. the more donations we will have, the more books we can afford to print para po maibenta namin. Kaya naisipan po naming kumatok sa inyong mga puso upang mabigyang tulong ang mga baguhan-ngunit-hinahangaan-na-ninyong manunulat; upang matulungan silang magkaroon ng aklat at maibahagi sa publiko ang kanilang mga gawa.

Donors
Country
Amount
Foreign
Status
1. Mr. Mister
Phil


Sent partial
2. Mr. Gazeebo
Phil


Received
3. Mr. Dadi J
Phil


W/ appointment
4. Mr. Arvin S. Antolin
Taiwan


Received
5. Mr. Blue
Canada


W/ appointment
6. Mr. Oliver Alloreat
Burma


W/ appointment
7. Mr. Ric
KSA


Received
8. Mr. Patryck
Phil


Sent
9. Mr. Neil Cris Oleriana
Phil


Pledge
10. Mr. Ian
KSA


Received
11. Mr. Joser
Phil


Pledge
12. Mr. Anonymous "B"
Phil


Pledge
13. Mr. Wow café
Phil


Pledge
14. Mr. Gilamr
Phil


Pledge
15. Mr. Churva
Phil


Pledge
16. Mr. Sherwin
Qatar


Pledge

Tungkol naman po sa MSOB project, nasa 70% na ang aming progress and I am very confident na on target po kami.

Gusto ko rin pong i announce na ang MSOB ay may accreditation na sa National Bookstore (NBS). Ang ibig sabihin nito ay puwede nap o kaming magbenta ng libro sa sa NBS in case may mga isasalibro akong kuwento sa MSOB. At i-expect po ninyo na in a few months, may susunod na mga librong gagawin na ang MSOB.

Salamat din sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga kuwento ng MSOB. Kung wala po kayo, wala rin po kaming mga writers ng MSOB. At higit sa lahat, walang MSOB na magbibigay sa inyo ng libreng kuwento tungkol sa buhay-buhay ng mga taong minsan ay  hindi naiintindihan ng lipunan.

Batian Portion:

Happy birthday to Francine Elizalde! Hayan binati na kita...

Kung sino man po ang may gustong magpabati, maaaring i-email lamang ako sa getmybox@hotmail.com

Muli, maraming-maraming salamat po!

-Mikejuha-


-------------------------------------------------------
(Thanks to Justyn Shawn for this image)



Mistula akong napako sa aking kinatatayuan sa aking nakita habang silang dalawa naman na nagulat din ay nakatingin sa amin ni Noah. At doon ko nakumpirma. Siya ang maganda at seksing babaeng nakita ko sa mall sa lugar ng pinag-aaralan ko. Nakasuot siya ng puting damit ng nurse, at sa kanyang ayos ay lalo pang tumingkad ang kanyang taglay na ganda.

“T-tol!!!” ang sigaw ni kuya Andrei noong nakita niya akong hindi natinag, nakatayo lang sa sa may pintuan na parang nakakita ng multo. “N-nandito ka pala???”

Sa pagkasabi niya noon, bigla ring tumayo ang babae at naupo sa isang silya sa gilid ng kama niya. “S-siya pala si Alvin?” ang sabi niya. “P-parang nakita ko na siya ah!” Todo-ngiti siya na para bang walang kaalam-alam sa tila gunaw na gunaw ko nang mundo.

Si Noah naman ay panay lang din ang ngiti. tila nagpapa-cute. Pareho sila noong babae, todo ngiti, inosenteng-inosente sa pagdurugo ng aking puso. Parang gusto ko tuloy pag-umpugin ang kanilang mga ulo.

Kung sabagay, ako lang din naman talaga ang nakakaalam ng lahat; kami ni kuya Andrei. At sa nangyaring iyon, parang hindi ko na rin alam kung kakampi ko pa ba siya; kung nararamdaman pa rin ba niya ako; kung ang dulot na sakit sa kanyang ginawa sa akin ay naramadaman din niya. Feeling ko ay nag-iisa lang talaga ako sa mundo. Walan gkakampi, walang mapagsabihan sa sakit na dinadala ng aking puso.

“Halika... namiss ko ang bunso ko.” sambit ni kuya Andrei noong nanatiling nakatayo lang ako sa bungad ng pintuan at tulala pa ring nakatingin sa kanya.

Nakadamit siya ng pangpasyente. Nag-iisang pasyente lang siya sa kuwartong iyon na sa linis at ganda ng higaan, masinop na pagkalinis, maganda ang pagkapintura ng kuwarto, at lamig ng air-con nito ay masasabi kong pang-VIP ito. Parang isang kuwarto lamang ng isang five-star hotel, kagaya noong tinuluyan namin ni kuya Andrei sa San Pedro City.

Babangon na sana siya sa kanyang pagkahiga noong, “Arrggghhhh!” ang sigaw rin niya.

Dali-dali namang lumapit ang babae. “Sabi nang huwag gumalaw eh... Hindi pa lubos na naghilom ang mga sugat ng operasyon mo.” sambit niya. At baling sa amin, “Grabe ang natamong pinsala niya. May tama siya sa dibdib, sa tiyan, sa paa. Himalang nabuhay pa ang kuya Andrei mo, Alvin. Muntik na rin siyang maubusan ng dugo. Kung hindi siya naagapan ay siguradong patay na siya. Ngunit ligtas na siya.” sabay bitiw ng isang ngiti.  “At wala pang isang linggo ay makakalabas na siya rito sa ospital.”

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin pinansin ang mga sinabi niya. Para sa akin kasi sa sandaling iyon ay hindi iyon ang mahalaga. Para ngang gusto ko na lang na natuluyan si kuya Andrei e; iyong natamaan sa ulo, sabog ang bungo, o kaya’y sa puso upang maranasan din niya kung gaano pala kasakit ang madurog ito sa pagtataksil ng taong mahal. At least, kung iiyak man ako, iyon ay dahil sa ang maalaala ko sa kanya ay ang kanyang mga ginawang kabutihan at magagandang ginawa sa akin; hindi iyong ganoon na buhay nga siya, ngunit iiyak naman ako sa poot sa ginawa niyang panlilinlang. Iyon bang pakiramdam na sinaksak ka sa likod at matindi ang pagkaawa mo sa sarili dahil sa nakita mong ang mahal mo ay may kahalikan at bagay na bagay pa sila. At lalo pa kapag naisip mong ang pagmamahalan nila ay natatanggap ng lipunan, walang puwedeng humadlang sa kanilang relasyon samantalang ako, heto, out of place sa kanila, out of place pa sa lipunan. Ang saklap.

“Tara na Kam... lapitan na natin ang kuya” sambit naman ni Noah. Simula nang dumating kasi kami sa Mindanao, kambal na ang tawag niya sa akin. Kaya “Kam”. Di naman daw kasi magkalayo ang hitsura namin, ang parinig pa niya. At naki-kuya na rin talaga siya kay kuya Andrei. “Ang guwapo niyaaaaaaa!” bulong niya sabay hila na sa akin at nagmadaling lumapit sa kama ni kuya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Gustuhin ko mang mag-walk out, ayokong mahalata ito ni Noah at ng babae. Magkuya naman kasi ang alam nila sa amin. Kahit nasa ganoong hirap ang kalagayan ko dahil sa aking nasaksihan, pilit kong nilabanan ang aking emosyon. Pilit kong pinakalma ang tila isang bulkan na sasabog na kundisyon ng aking kalooban.

Noong nasa gilid na kami ng kama ni kuya Andre, biglang nagpaalam ang babae. “Lalabas muna ako honey... Babalik na lang ako mamaya. Tutal nandito naman ang bunso mo at kaibigan niya...”

Mistulang gumuho ang aking kinatatyuan sa pagkarinig ko sa salitang “honey”. At narinig ko na lang ang ingay ng pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ko kasi siya nilingon. Parang gusto kong isiksik sa isip ko na isa siyang multo. At lalo na, ayaw kong makita niya ang galit at lungkot sa aking mga mata. Ayaw kong ipakitang talunan ako.

Tinitigan ko nang matulis si kuya Andrei. May dalang galit at paninisi ang aking titig.

Nakititig din siya sa akin. may dalang panunuyo ang isinukli niyang titig. Alam niyang galit ako.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Mistulang walang katapusan ang namagitang katahimikan sa aming dalawa.

At marahil ay napansin ni Noah na hindi kami nagkikibuan, sumingit na siya. “Kuya... ako si Noah, best friend nitong si Alvin. Ako ang nagguide sa kanya dito. Para kaming kambal tingnan no? mas lamang lang siguro siya ng mga isa o dalawang paligo sa akin.” ang pagbasag na biro ni Noah.

Ngunit hindi ako natawa. Bagkus, sa pagsingit na iyon ni Noah ay sinadya kong tumalikod upang lihim na pahirin ang mga luhang kusa na lang pumatak sa aking mga mata.

“S-salamat Noah. Kung hindi dahil sa iyo, siguradong hindi makakarating iyang utol ko dito. Hiluhin iyan...” at baling sa akin, “T-tol... lika, hug mo si kuya please?”

Noong ibinaling ko ang tingin ko sa kanya, nakita kong inunat niya ang kanyang mga kamay.

Napatingin sa akin si Noah at noong nakitang hindi ako kumilos, hinila niya ang aking kamay patungo kay kuya Andrei.

Lumapit na lang ako, yumuko upang madikit ang katawan ko sa kama niya at mayakap niya ako.

At niyakap nga niya ako, hinalikan ang aking ulo. Ramdam ko ang paglanghap niya ng hangin habang nakadikit ang kanyang ilong sa aking ulo, na mistulang sinamsam ang amoy ng aking buhok at ini-enjoy ang pagdampi ng bawat hibla ng mga ito sa kanyang labi.

Ngunit hindi ko na nagawang ma-appreciate pa iyon. Hindi ko na naramdaman ang sarap ng kanyang pagyakap at paghahalik sa aking buhok.

Maya-maya, habang nanatiling nakayakap ang isa niyang kamay sa aking katawan, ginulo naman ng isa niyang kamay ang aking buhok atsaka hinalik-halikan ang aking mukha. Kung wala lang siguro si Noah sa aming harapan, siguradong hinalikan na niya aking mga labi.

“I miss you tol... Sobra.” ang bulong niya sa akin

Hindi ko siya sinagot. Bagkus, sa isip ko lang, “Plastik!” Kung nagkataong wala lang sana si Noah roon ay binulyawan ko na siya o kaya ay dinaganan ang kanyang sugat.

At imbes na sagutin ko siya, kumalas ako sa kanyang pagkayap. “Noah... alis na tayo.” ang bigla kong sabi, sabay tumbok sa pintuan na hindi man lang lumingon sa kanya at kay Noah. Alam kong pati si Noah ay naguluhan.

Noong nasa pintuan na ako, nilingon ko uli si Noah, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat, nakanganga pa itong nakatingin sa akin na para bang nangtatanogn ang isip ng, “Bakit??? Anong nangyari??? Anong ginawa kong mali?”

Ngunit hindi ko pinansin ang reaksiyon niya. Hindi rin ako nagpaliwanag. Bagkus, “Tara na Noah...” ang matigas kong pagsasalita..

Naguluahan man, sumunod din si Noah sa akin.

“Tol... bakit ambilis naman??” ang narinig kong sambit ni kuya Andrei.

Nilingon siya ni Noah at saka lumingon sa akin. “Bakit ambilis daw sabi ng kuya mo!” ang sambit ni Noah na ramdam kong ayaw pang lumabas ng kuwarto. Nabitin baga.

Ngnunit hindi ko pinansin ang sinabi niya.

“Tol... huwag ka munang umalis pleaseeee...” ang narinig ko uling sigaw ni kuya Andrei bago ako nakalabas ng pinto.

“Huwag ka munang umalis daw o...” ang pag-ulit ni Noah sa sinabi ni kuya Andrei. Nasa bungad pa rin siya ng pintong hindi pa niya isinara, parang ayaw bumitiw sa pagkahawak dito.

“Noahhhhhhh!!!” ang sigaw ko na.

“Ay wala na siyang sinabi...” ang biglang pag takbo rin ni Noah noong napansing galit na ako. Hinabol niya ako. At doon na niya ako pinaulanan ng tanong. “Ano ba ang nagawa ko, bakit ka nagalit sa akin? At hoy... ikaw ha, kung ayaw mong magkatuluyan kami ng kuya Andrei mo, sabihin mo lang. Hindi iyong sinisigaw-sigawan mo ako! At sa harap pa ng aking mahal! Nakakahiya! Hindi man lang ako nakayakap sa kanya, lalayasan na natin siya! Isang buong araw ang biyahe natin papunta rito, tapos pagdating natin dito, wala pang sampong minuto na nakita natin siya, lalayas na tayo? Dahil lang sa ayaw mong maging sister-in-law mo ako? Ganoon? Ano ba ang mayroon ang babaeng iyon na wala ako? Bakit, mayroon naman akong something na wala siya ah! Gusto mo ba talaga ang babaeng iyon para sa kuya mo. At ako, ayaw mo? Hoyyyyyy...” Hindi na naaawat pa si Noah sa kanyang pagmamaktol. At ang dami pa niyang sinasabi, puro patungkol sa kanya na akala mo ay siya talaga ang dahilan kung bakit ako nagalit at nag walk out.

Ngunit hindi ko siya sinagot. Bagkus nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. Kahit naka-sara na ang pinto ng ward ni kuya Andrei, parang naririnig ko pa sa aking isip ang kanyang pagsisigaw. Hindi ko alam kung talagang sa isip ko lang iyon o talagang nagsisigaw siyang mag-isa sa kanyang kuwarto.

Hanggang sa naabot namin ang ground floor at noong nasa labas na kami ng building ay dali-dali kong tinumbok ang lawn atsaka umupo sa sementong bangko sa harap ng malaknig fountain.

Biglang nagring ang aking cp. Tiningnan ko kung sino ito. Pangalan ni kuya Andrei. Imbes na sagutin, pinatay ko ito atsaka binuksan, hinugot ang sim card atsaka itinapon.

“Huwaaahhh! Bakit? Bakit???” sambit ni Noha na sumunod sa akin.

Hindi ko siya sinagot. At marahil ay naramdaman niyang seryoso talaga ako, galit na galit at nasaktan, tumahimik na lamang siyang umupo sa aking tabi at hindi na nagsalita pa.

Wala kaming imikan ni Noah na nakaupo sa harap ng malaking fountain na iyon. Hindi ko rin kasi kayang magbukas ng topic sa kanya gawa nang wala naman siyang kaalam-alam sa kuwento namin ni kuya Andrei. Tuliro ang aking isip sa sandaling iyon. tulirong-tuliro. Sobrang sakit na nag-effort pa talaga akong pumunta sa isang napakalayong lugar, excited na makita siya sa kabila ng hirap kong magbiyahe dahil sa hilo ngunit ininda ko upang masilayan lang siya, madamayan sa kanyang kalagayan. Ngunit ang sasalubong lang pala sa akin ay ang eksenang halikan nila ng kanynag babae. “Iba na siya...” sa isip ko lang. Iba na kasi siya kaysa dating eksena kung saan hinabol ko pa siya sa terminal ng bus at noong nakasakay na, naroon lang din pala siya at isinama na ako sa San Pedro City; isang  bagong lugar para sa akin at naroon siya sa tabi ko, kasama sa saya at sa sarap ng pag-enjoy sa isang experience sa pagtahak ng bagong lugar na sa tanang buhay ko ay noon ko lang napuntahan. Nanumbalik din sa aking alaala ang mga bagay kung saan napaka-sweet pa niya sa akin; simula noong bata pa ako na palagi niya akong iniinis ngunit pagkatapos naman ay pinapatawa, isinasama kung saan-saan, tinuturuan ng kung anu-anong bagay, hanggang humantong ang lahat sa aming “munting lihim”. Sa ginawa niyang iyon ay naukit sa aking isip na ako lang talaga ang nag-iisang taong espesyal sa kanya; isang taong mahal niya, ang pinakasentrong tao sa buhay niya. Binuksan niya ang isip ko sa isang bagay at noong natuto na ako nito at hinahanap-hanap ko na sa kanya, inakalang akin lang siya, saka ko naman nalaman na may iba palang taong mahal siya. “Sabagay... hindi naman niya sinabing kami nga, at wala siyang sinabing boyfriend niya ako o siya sa akin. Hindi niya binanggit sa akin na mahal niya ako bilang isang kasintahan. Ang masakit lang kasi... umaasa ako. Ang tanga-tanga ko!” sa isip ko lang. “At nagpunta pa talaga ako roon, dinalaw siya upang madurog lang ang aking puso; upang masaksihan ng aking dalawang mata ang kanyang pagtataksil!”

Hindi ko na nakayanan ang aking sarili at napahagulgol na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Noah. “Kam... hindi ko alam kung bakit ka umiiyak; kung ano ang kuwento mo. Pero hayaan mo akong damayan kita ha? Nandito lang ako, handang makinig.”

Pilit kong huminahon at pinahid ang aking mga luha. “Uuwi na tayo Noah...”

Natahimik siya sandali. “P-puwede ba Kam, dumito muna tayo. One week pa kaya ang schedule ng balik natin base sa binili na ticket ni Brix. Atsaka, i-enjoy na lang muna natin ang Mindanao. Marami pa kayang  luigar dito ang hindi mo pa nakita o na-experience. Igala kita sa mga kamag-anak ko rito Kam! Sige na please...”

“P-parang hindi ko na ma-enjoy iyan, Noah eh.”

Nahinto na naman siya nang sandali. “A-ano ba talaga ang problema? G-galit ka ba sa kuya mo?”

At sa tanong ni Noah na iyon ay hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Napayuko na lang ako at pinahid ang mga ito. Hindi ko na siya sinagot.

“K-kam... galit ka ba sa g-girlfriend ng kuya mo?”

Umiling ako.

“G-galit ka sa akin?”

Umiling uli ako.

“B-bakit ka galit sa kuya mo?”

Tiningnan ko si Noah, “Naranasan mo na ba ang umibig, pinaasa... binago ang takbo ng buhay mo at noong nagkasira-sira na ang lahat sa iyo, atsaka mo pa nalamang hindi ka pala niya mahal?”

“A-ano ang kinalaman niyan sa galit mo sa k-kuya mo? Weird naman kung siya ang nagpaasa sa iyo. Ano siya incest?”

“A, e... wala... wala...” Ang bigla ko ring pag-atras. Hindi ko pa rin pala kayang ibunyag sa iba ang aming lihim. Para bang nakaukit na sa aking isip na iyon na lang ang natatanging bagay na ipinangako ko sa kanya; na kahit unti-unti akong pinapatay sa hirap at sakit ng kanyang ginawa, ito pa rin ang pinaghahawakan kong maipagmamalaki na hindi ako bumitiw sa aking pangako; na kahit magdusa ako, magalit sa mundo dahil sa kanya, iingat-ingatan ko pa rin ang aming munting lihim.

Tahimik.

“Pagagalitan ako nito ni kuya Brix kapag nalamang nalungkot ka at umuwi agad. Gusto mo bang pagalitan niya ako?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

“Ako na ang mag-explain sa kanya. Alam kong maintindihan niya.”

“Oo. Maintindihan niya. Takot lang niya sa iyo. Pero paano naman ako kam... hindi ko madadalaw ang aking mga kamag-anak. Antagal ko nang hindi sila nadalaw, ngayon n asana ang pagkakataon.” Sambit niyang ang mga mata ay may bahid pagmamakaawa.

Napahinto ako. Nakakaawa nga rin naman si Noah. Laking pasasalamat nga niya na isinama siya ni Brix sa akin dahil sa wakas ay makalibre siya ng pamasahe.

Binitiwan ang malalim na buntong-hininga. “S-sige, tatapusin na lang natin ang isang linggo rito sa Mindanao. P-payag na ako.” ang bigla kong nasabi kay Noah sabay pahid ko sa mga luha ko na para bang bigla rin akong nahimasmasan sa pagkaawa sa kanya. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na, “Oo nga pala, hinid lang pala ako ang may problema rito. Hindi tama na pati si Noah ay idamay ko pa sa problema ko.” Sumagi rin sa isip ko na baka isipin ni Noah na pagkatapos akong ilibre ng pamasahe ng pinsan niya at pagkatapos pa niya akong samahan, nalimutan ko na lang siya at ang plano niya na dalawin ang mga kamag-anak. “Nag-emote lang ako. Practise ba...” ang pagbibiro ko na lang.

“Ay! Huwag kang ganyan, hindi ka paiiyakin ng aking pinsan Kam. Pramis! Kaya huwag kang magpraktis.”

Binitiwan ko lang ang pilit na ngiti. Hindi naman niya kasi alam na hindi para sa pinsan niya ang ibig kong sabihin.

“Ayannnn. Ang pogi-pogi kapag nag-smile ah. Huwag ka nang umiyak. Nawawala ang kapogian kapag umiiyak eh... Haissst.. kung hindi ka nga lang nareserve para sa kuya Brix ko, nilapa na kita eh. Ang cute cute mo kaya.”

“Tama na yan... baka maiyak na naman ako sa pambobola mo. May nambola na sa akin ng ganya. At iyan ang dahilan kung bakit ako umiyak ngayon.”

“Ganoon? Ibig sabihin magkakilala talaga kayo ng babaeng nurse kanina kung kaya ka umiyak? Siya ang nambola sa iyo ano? At kung kaya ka nagalit ay kung bakit sa dinami-dami ng guwapo sa mundo, ang kuya mo pa ang kanyang pinatulan. Ganoon ba?” sambit ni Noah. At humataw na talaga siya sa panghaharot sa akin.

“Tumigil ka nga! Hndi mo alam ang mga pinagsasabi mo!”

“Huwag mag-inarte... napansin ko ang singsing ng babae kanina, kahawig nang sa iyo. Akala mo ha...”

At bigla na naman akong napaisip, “Bakit pala hindi ko nakita sa daliri ni kuya Andrei ang singsing?” At muli, pakiramdam ko ay hindi ko na naman naiwasang hindi mag-isip ng masama. “Hindi kaya iyon na iyong isinuot ng babae? Pero bakit niya ipasuot ito sa kanya? At.. hindi maaari. Mas malaki ang daliri ni kuya Andrei...”

“Alam mo...” dugtong ni Noah, “...may solusyon ako d’yan Kam.”

“Ano?”

“Akitin ko ang kuya mo at kapag naging kami na, iyong-iyo na ang babaeng iyon! Wala nang balakid sa inyong pagmamahalan.”

“Tange! Akala ko ba ay naka reserve na ako sa kuya Brix mo!”

“Ay! Oo nga pala ano! Ah, ganito na lang ang gagawin natin, upakan natin ang babaeng iyon upang matuto. Hindi maganda ang may nobyo na, saka naghanap pa ng iba. At magkuya pa ang kanyang tinuhog!”

“Tange! Nag-imbento ka ng kuwento.”

“Kung di ko lang alam... Anyway, akin ang kuya mo.”

“I-try mo lang...”

“Basta ha? Sinabi mo iyan. Matindi ang aking kamandag.”

“Oo ba...”

“O di bumalik na tayo sa kuwarto niya.”

“Ay huwag na!” ang bigla ko ring pagtutol. “Dumeretso na lang tayo sa galaan at sa mga kamag-anak mo kung ayaw mong uuwi na lang talaga ako.” dugtong ko pa sabay tayo at tumbok na sa kalsada.

“Ito naman o! Ayaw mo ata akong maging sister-in-law.” ang pagdadabog ni Noah na sumunod sa akin.

“O saan na tayo?” ang tanong ko noong nasa harap na kami ng kalsada. “Anong sakyan natin, taxi o tricycle?”

Ngunit hindi pa ako nakasagot ay may narinig na akong tawag sa aming likuran. “Alvin! Hintay!”

Sabay kaming napalingon ni Noah sa pinanggalingan ng boses. Ang babae ni kuya Andrei.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin at noong nasa tabi na namin siya, nag-excuse naman si Noah, pumunta sa malayo-layo na hindi niya kami marinig at doon tumayo. Siguro sa isip niya, ang babaeng iyon ay talagang karelasyon ko.

“Alvin, nagmamakaawa ang kuya mo na huwag ka munang umalis. Alam mo bang pilit na hinabol niya kayo sa hallway. Mabuti na lang at nakita siya ng duktor, hindi pinayagang makalabas ng kuwarto. Delikado pa ang kalagayan niya. Kung kaya ako na lang ang pinahanap niya sa iyo. Hayun, sumakit na naman ang kanyang operasyon.”

“Ano ka ba ng kuya Andrei ko?” and deretsahan kong tanong sa babae.

“Eh... si kuya Andrei mo na lang ang magsabi sa iyo.” Napayuko siya. Halatang nahiya.

“Ah, ayaw mong magsalita. Bakit itinatago ninyo sa akin ang inyong relasyon?”

“K-kasi... s-sorpresa raw sana ng kuya mo ito s-sa iyo eh.”

“Aw nasorpresa nga naman talaga ako. Grabe at masayang-masaya ako sa sorpresa niya ha. O sige... balikan mo na siya sa kuwarto niya. Bantayan mo at ituloy niyo lang ang naudlot ninyong love-making. Ayoko nang bumalik pa roon. Uuwi na ako. Wala nang mang-iistorbo pa sa inyo.”

“K-kung sasabihin ko ba kung ano ang relasyon namin, babalik ka sa kuwarto niya?”

“Puwede mo namang sabihin kahit hindi ako babalik sa kuwarto niya eh. Bakit mo pa gawin itong kundisyon? Pero huwag na kung pabalikin mo lang pala ako sa taas. Kasi, alam ko naman kung ano ang relasyon ninyo eh.”

“Alam mo, mahal na mahal ka ng kuya Andrei mo. Lahat ay gagawin niya para lang sa iyo.”

“Kalokohan!”

“Bakit ka ba nagagalit sa kanya?”

Mistula naman akong binatukan sa kanyang sinabi. Tama nga naman siya. Ano ba ang karapatan kong magalit kung may nagmahal at minahal na ang kuya Andrei ko. Hindi ko naman siya asawa. Ni hindi ko nga siya tunay na kuya. At kung tutuusin ay hindi kaano-ano. “Bakit ako nagagalit?” ang sagot kong tanong na lang. “Kasi... simula’t-sapul ay walang itinatago na sikreto ang kuya ko sa akin. Bakit ngayon...? Sa iyo???” nahinto ako. Nag-crack na naman kasi ang boses ko dahil sa pangingilid ng aking luha. “Umalis ka na!” dugtong kong sigaw sa kanya.

Nakatalikod na ang babae noong naisipan kong tanggalin sa aking daliri ang singsing. “Sandali!”

Lumingon ang babae at bumalik. “B-bakit Alvin?”

“Heto... ibigay mo sa kanya iyan! Sabihin mong isaksak sa kanyang baga!” Inabot ko ang singsing at pagkatapos ay, “Alis na!”

Parang hindi naman nagulat ang babae noong tiningnan niya ang singsing. Ikinumpara lang niya ito ng sa kanyang nasa daliri niya atsaka tumalikod, at nagmadaling tinumbok na ang entrance ng ospital. Hangggang sa tuluyang naglaho na siya sa aking paningin.

“Woi... may drama kayo ha? Grabeh. Nakita ko iyon. May saulian ng singsing! Tama nga ang hinala ko! Magsyota kayo!”

“Tsismoso ka!”

“Yeheeyyy! Masabi ko nga kay kuya Brix na libre ka na.”

“Woi tange! Huwag mong sabihin iyan kay Brix. Baka mali iyang nasa isip mo. Minsan, huwag tayong maniwala sa mga nakikita ng ating mata. Hindi lahat ng nakikita ay naaayon sa ating iniisip. Magkaiba ang dalawang bagay na iyan. Minsan, nasa likod ng ating mga nakikita nakatago ang tunay na kuwento.”

“Hanu daw???” ang expression ni Noah ang mata ay pinalaki at iniharap pa sa akin. “Paano mo nasabi ang mga iyan? Makata ka ba? Nononononono! Hindi maaaring magkamali ang aking mga mata at ang aking isip. Kitang-kita ang ebidensya.”

“Bahala ka.” ang sagot ko na lang. “O ano na? Baka magbago pa ang isip ko at uuwi na. Ano ang sasakyan natin dali???” ang paglihis ko sa usapan.

“Ayyiiii! thank you talaga Kam!” sambit ni Noah na tuwang-tuwa na pumayag na akong magstay muna kami ng isang linggo sa Mindanao.

Sumakay kami ng jeep tinungo ang isang mamahaling hotel.

“Bakit dito sa hotel na ito tayo? Tinipid ko itong binigay ni Brix na pera baka ma-short tayo.”

“No problem, heto o...” sabay pakita sa akin sa credit card ni Brix.

“Bakit nasa iyo iyan?”

“Binigay sa akin ni Brix. Ayaw mo raw tanggapin kung kaya ay sa akin ibinigay. At huwag daw kitang pabayaan, dapat daw sa isang mamahaling hotel kita i-check in. May tanong ka pa?”

“Nakakahiya Noah eh!”

“Alin ang mas importante, ang hiya mo o ang pagsabon niya sa akin?”

Natahimik na lang ako. Syempre, lubos kong na-appreciate ang kabaitan ni Brix.

Noong nakapag-check in na kami, nagpaalam si Noah na umidlip sandali dahil sa pagod. Habang nakatulog siya, lumabas ako at naupo sa terrace ng aming kuwarto paharap sa resort. Isang hotel-resort pala ang napili ni Noah. Maganda ang ambiance nito. Sa aking puwesto ay kitang-kita ko ang dalawang magkatabing malalaking eskuwadradong swimming pools, at ang pangatlo sa gitna nila ay isang maliit na hugis bilog  na malapit lang sa paanan ng hotel. Pinapaligiran ang mga ito ng puno ng niyog at ang tapakan ay malalaking pinagtagpi-tagping rough tiles na may puti at blue na kulay at sa mga guwang ng mga tiles ay ang mga trimmed bermuda grass. Sa bandang dulo naman ay ang beach na may purong puti at pinong buhangin na may mga shades na yari sa kugon ang atip.

Habang nakaupo ako, pinagmasdan ang ganda ng kalikasan at dumadampi sa aking katawan ang marahang bugso ng hangin na galing sa dagat, hindi ko na naman maiwasang hindi sumingit sa aking isip si kuya Andrei. Pakiramdam ko ang nabigyang buhay muli ang tagpo namin sa San Pedro City kung saan ay ipinadama niya sa akin ang sarap ng buhay, ang beach, ang mga masasarap na karanasang natatamasa ng mga mayayaman. Higit sa lahat, naalala ko ang kanyang pagka-sweet, ang kanyang presensiya, ang aming bonding. Pakiwari ko ay siya pa rin ang aking kasama sa hotel na iyon. Pakiwari ko ay nasa San Pedro City lang ako, naghintay lang na magising siya upang lalabas kami at mag-hapi-hapi sa bar o kaya ay mag-swimming.

Binitiwan ko ang malalim na buntong-hininga. Hindi ko naman kasi maloloko ang aking sarili. Iba ang panahong iyon, iba ang lugar, at iba ang taong kasama ko. Muli, namalayan ko na namang tumulo ang aking mga luha. Naalala ko na naman ang eksenang nakita ko sa loob ng kuwarto ng ospital na iyon. Naalala ko ang mukha ng babae, ang boses niya, ang kanilang paghahalikan...

“Sana si Brix na lang ang minahal ko. Sana... may kakayahan akong linlangin ang aking puso at i-pagsiksikan ko ang pangalan ni Brix. Sana ay may kakayahan akong burahin sa aking alaala ang nakaraan at ang mga masasayang sandali namin ni kuya Andrei...”

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong galing sa stereo ng hotel sa baba ay narinig ko naman ang kanta namin ni kuya Andrei. Mistula bang nananadya talaga ang pagkakataon.

(Special thanks to Alvin Rabago Palisoc sa paggawa niya nitong music vid ng Munting Lihim. Sa kanya rin po naipangalan ang main character nito.)


Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face

Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

Lately I just find my mind has turned to dreamin'
Making plans and scheming
How I'm gonna get back home

But deep down inside I know it's really hopeless
This road I'm on is endless
We climb our mountains all alone

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

Tila walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha habang tumutugtog ang kanta. Parang mga sibat na tumama sa aking puso ang bawat katagang lumalabas sa kantang iyon. Noon ko muling napagtanto na ang sakit pala ng dulot ng kantang iyon sa akin. Old photograph nga siya, at manatiling luma na ito sa aking alaala, hindi na maaaring buhayin muli, o maibalik ang panahon at lugar kung saan namin kinunan ang shot ng aming nakaraan. At lalong hindi na rin maibabalik ang panahong iyon kung saan tila pag-aari ko ang mundo, pag-aari ko ang panahon, pag-aari ko ang pagmamahal ng isang tao. At marami pang nakasaad sa kantang tugmang-tugma sa nangyari sa akin; ang sinabi sa kanta na “Lately I just find my mind has turned to dreamin”, ang linyang, “But deep down inside I know it’s really hopless, this road I’m on is endless, we climb our mountains all alone”

Ang sakit. Tama nga naman, parang inakyat ko ang bundok ng buhay na nag-iisa, taliwas sa nakaraan kung saan hindi lang niya ako sinasamahan, kundi literal na kinakarga pa niya ako habang inakyat naming ang bundok. Naalala ko, isang beses, nagpunta kami sa pinakatuktok ng bukid sa probinsya namin. Isang pilgrimage site iyon. Doon nagpakita ng milagro ang isang santo kung saan unti-unting tumubo ang imahe niya sa isang bato. At ang bato na iyon ang ginawa nilang imahe ng santo hanggang ngayon na pormang-porma na ang katawan at mukha. Sabi ng mga magulang namin, ipinangako raw nila na kaming dalawa ng kuya Andrei ay dadalaw doon isang araw kapag nasa edad na 15 na si kuya at ako naman ay pito. Noon ginakyat naming iyon, napakatirik pala nito. At bagamat may daanan, ngunit dahil sa haba ng aming lalakarin at sa sobrang tirik pa, wala pa sa kalahati ay napagod na ako. Kinarga niya ako hanggang sa narating namin ang tuktok. Alam ko sobrang hirap niya sa pagkarga sa akin ngunit kinaya niya iyon. Iyon ang isa sa hindi ko malimutang ginawa niya sa akin noon.

Napabuntong hininga na naman ako. “Noon iyon. Ngayon, mag-isa na lang akong aakyat sa sarili kong bundok, sa pagpasan sa sarili kong problema, sa pagharp sa mga dagok sa buhay, sa pagtanggap sa sakit na aking naramdaman.”

“Kam! Nandito ka lang pala? Ang ganda di ba?” sambit ni Noah. Nagising na pala siya.

Lihim ko namang pinahid ang aking mga luha at binitiwan ang isang pilit na ngiti. “O-oo nga! Sobra. Naalala ko tuloy ang una kong pagpasok sa isang hotel resort. Ganito rin, treat sa akin ng kuya ko...”

“Talaga? Sweet naman niya! Sana sa sunod ako na ang i-treat niya!”

Hindi na lang ako kumibo. Masakit pa kasi.

“O... o... malungkot ka na naman!” sambit niya noong napansing malungkot pa rin ang mukha ko. “Tara... labas tayo at maligo.”

Sa loob ng isang linggo na naroon kami ni Noah sa Mindanao ay mistula akong tinorture sa bigat ng aking dinadala at sa sakit ng aking naramdaman. Habang iginagala niya ako sa iba’t-ibang lugar at ipinakilala sa kanyang mga kamag-anak, sa kaloob-looban ko ay hindi ko ito masyadong na-enjoy. Ang hirap.

Eksaktonog isang linggo, nakabalik kami ni Noah sa aming lugar. At dahil may isang linggo pang natira sa break namin, dumeretso na ako sa aming bahay, sa bukid.

Mag-aalas tres na ng hapon noong ako ay nakarating. Tahimik ang aming bahay, walang sumagot sa tawag ko. At dahil nakabukas naman ang pinto, dumeretso na lang akong pumasok sa loob. Baka kasi nangangapitbahay lang ang inay.

Binuksan ko ang pinto ng bahay at dumeretso na rin ako sa aking kuwarto. Ngunit laking gulat ko noong pumasok na ako: nakahiga sa ibabaw ng aking kama si kuya Andrei! Nakahubad ang pang-itaas niyang katawan at kitang-kita ko ang bendahe sa kanyang tiyan at dibdib.

Mistula akong nakakita ng multo sa pagkabigla, napaatras.

“Kahapon pa ako rito. Hindi kita makontak kung kaya ay gumawa ako ng paraan upang magpaalam sa aking duktor at superior. Sinabi kong dito na magpagaling... isang buwan siguro ako rito.”

Hindi na lang ako kumibo. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Iyon bang pakiramdam na naapi ka na nga, trinaydor, ginamit, sinira ang buhay at pagkatao, at pagkatapos ng lahat hayun pa, nagpakita pa siya sa iyo na parang kulang pa ang sakit na iyong naramdaman at gusto pa niyang insultuhin ka. Parang gusto ko tuloy siyang bulyawan, pagbabatuhin ng kung anu-anong matitigas na bagay, palayasin, sigawan ng, “Ang kapal ng mukha mo...!”

Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Tumuloy na lang ako sa pagpasok, tinumbok ang aking cabinet, nagdadabog na kumuha ng susuutin.

Ang totoo, hindi ko talaga alam ang aking gagawin sa pagkakita sa kanya. Kumuha ako ng susuutin ngunit hindi ko maisuot-suot ito dahil nagtalo ang isip ko na ipalabas ang galit at hinaing kong tila sasabog sa aking dibdib ngunit parang hindi ko kaya dahil ano ba ang dahilan ko kung magagalit ako sa kanya. Kaya ibinalik ko na lang muli ang mga damit na iyon sa ilalim ng aking kabinet at kinuha uli ang aking knapsak na inilaglag ko sa may pintuan at binuksan ito, inisa-isa at padabog na ipinasok ang laman nito sa lagayan ng mga labahan. At habang ginagawa ko ang pagdadabog, nagparinig naman ako, “Tanginaaaa! Nagsasayang ako ng oras pagpupunta sa buwesit na Mindanao na yan! Akala ko sasaya ako kapag nakita ko ang lugar na iyan! Tangina puro baboy pala ang mga tao! Walang mapipili! Puro plastic! Puro manloloko! Sana hindi ko na lang pinuntahan ang lugar na iyon! Sana dito na lang ako nagkulong sa kuwarto ko o kaya ay maglakwatsa kasama ang mga kaibigan! Sana ay hindi ako nababoy!”

At habang nasa ganoon akong pagparinig, bumangon siya. Narinig ko pa ang pag “Ugh!” niya marahil ay sa sakit ng kanyang operasyon na nagalaw noong nag-attempt siyang tumayo.

“Alam kong sa akin ka nagagalit...” ang kalmanteng sabi niya habang isinandal ang gilid ng katawan niya sa dingding na lawanit ng bahay.

“At bakit ako magagalit sa iyo??? Sino ba ako para magalit? Ano ba kita??? at baling uli sa labahan, “Tanginang labahan na tooooo!!! Putanginaaaaaaaaaa!!!!” at itinapon ko pa ng malakas ang damit ko sa dingding.

Ngunit sa sunond niyang tanong ay para rin akong nasabugan ng isang malakas na bomba, “Tapatin mo nga ako, tol? Mahal mo ba ako? Mahal mo ba ako bilang isang kasintahan?”

Sa pagkabigla ay hindi kaagad ako nakasagot. Para akong nasa suspended animation at hindi makagalaw. Nag-isip sandali. Ngunit dahil sa pride at galit ko sa kanya, ang naisagot ko ay, “Mahal??? Kasintahan? Baliw ka ba? Gago ka ba?!!!” at talagang sinigawan ko na siya. Sa buong buhay ko, noon ko lang siya sinigawan ng ganoon. Dati, kahit nagagalit ako sa kanya, hindi ko siya kayang sigaw-sigawan ng ganoon-ganoon na lang. Dahil mahal ko siya. Dahil alam ko na mahal din niya ako bilang bunso-bunsuan. Dahil mataas ang respeto ko sa kanya.

Ngunit iginiit pa rin niya ang tanong niyang iyon. “Alam kong may naramdaman ka para sa akin tol. Alam kong mahal mo ako; alam kong sa puso mo, ako lang ang nag-iisang taong minahal mo; ako lang ang nag-iisang taong siyang sentro ng iyong buhay. Alam kong ako lang ang tao sa mundo na nakapagbibigay ng ibayong kasiyahan sa iyo at nakakapagdulot ng ganyan katinding galit. Ako lang. At galit ka sa akin.” Napahinto siya sandal. “Sundalo ako tol; matalas ang pakiramdam ko...”

At doon na ako humagulgol. Para bang nasaktan na nga ako, lugmok na, tinapakan pa niya, dinuraan, ininsulto. Alam pala niyang mahal ko siya ngunit ganon ang ginawa niya. Feeling ko ay pinaglaruan lang niya talaga ako. Sobrang awa ko sa aking sarili sa pagkakataong iyon.

At dahil dito, hindi ko na napigilan ang sarili. “Oo! Mahal kita! Mahal na mahal! At pinaglaruan mo ang damdamin ko! Sinira mo ang buhay ko!!! Tangina moooooooooooooooo!!!” ang bulyaw ko. Hindi ko na talaga natimpi pa ang aking sarili. Para itong bulkan na sumabog at ang buong puwersa nito ay ibinuhos ko sa kanya. “Tinuruan mo ako kung paano gawin iyon! Sinabi mo sa akin na sa iyo ko lang gagawin iyon! Ipinangko mong lihim lang natin iyon! Umaasa ako na tayo lang ang gagawa noon! Na sa akin mo lang gagawin iyon! Ngunit noong hinahanap-hanap ko na ito sa iyo, noong may naramdaman na ako sa iyo... ito pala ang katumbas???! Sasaktan mo ako???! Gayan lang ba ang pagtingin mo sa akin???! Parang isang laruan???! Parausan???! Hindi mo ba naramdaman ang naramdaman ko???! Tanginaaaaaaaaa!!!” at napahagulgol na lang ako na parang isang paslit, niyayakap ang aking knapsack at isinubsob dito ang aking mukha.

Natahimik siya.

Tumayo ako tinumbok ko uli ang cabinet at ang malinis kong damit na naunang kinuha ko na ngunit ibinalik. Isinilid ko ang mga ito sa aking knapsack. Nagmadali ako. Gusto kong makaalis na agad sa kuwarto kong iyon.

“K-kung gusto mo, saktan mo ako tol.” at inabot niya ang kanyang knapsack din na nasa ibabaw ng kabinet at hinugot dito ang isang patalim. Inabot niya ito sa akin. “Saktan mo ako tol... kahit anong gawin mo sa akiin, kahit patayin mo pa ako. Nakahanda ako.” ang sabi niya, ang boses ay nagmamakaawa. Parang napaka-ironic, isang magiting at matapang na sundalo at hayun, sa harap ko ay parang isang talunang aso na nakatago ang buntot sa ilalim ng kanyang tiyan at nagpakumbaba.

“Gago ka ba? Gagawin mo pa akong kriminal! Sinira mo na nga ang buhay ko at ngayon, gusto mo pa akong makulong? Ang magandang gawin ko ngayon ay lumayas na lang dito. Dito ka magpagaling at ako naman ay babalik sa boarding house ko. Sabihin mo na lang sa mga magulang ko na lumayas ako dahil sa iyo! Kaya mo bang sabihin sa kanila na sinira mo ang buhay ko? Sabihin mo rin sa kanila iyan!”

Dala-dala ang aking knapsack ay tinumbok ko ang pinto ng aking kwarto. Tatalikod na sana ako noong nagsalita siya, ang boses ay matigas. “Kung aalis ka, puputulin ko ang aking hintuturong daliri...”

Niingon ko siya, “Di gawin mo! Tagal!” sabay talikod at hawak sa pinto.

Ngunit ako rin ang nagulat noong nabuksan ko na ang pinto at lalabas na sana ako, may narining akong tila isang bagay na nalaglag sa sahig. Nilingon ko ang pinagmulan ng ingay. Nakita ako ang isang putol na daliri na naipit pa sa sahig na kawayan.

Tiningnan ko si kuya Andrei. Ang kaliwang kamay niya ay nakalatag sa maliit na study table ko. Hawak-hawak ng kanyang kanang kamay ang kanyang patalim at sa kanyang kaliwang kamay na nakalatag, putol na ang hintuturong daliri nito. Kitang-kita ko ang malakas na pagbulusok ng dugo sa naputol na bahagi ng kanyang sugat. Mistula akong himatayin sa pagkakita ko sa maraming dugong umagos sa mesa at bumagsak sa sahig.

Pakiramdam ko ay simputi ng papel ang aking mukha sa takot.

Tiningnan ko ang kanyang mukha. Walang bakas ito na nasaktan siya bagamat sa kanyang mga mata ay pilit na ipinapakita ang tapang, ang kanyang bagang ay mistulang nagtatagis, “Ngayon ko lang aaminin. Mahal din kita; mahal na mahal... bilang isang kasintahan. Kung kaya mong tingnan ang naputol kong daliring nalaglag at hahayaan mong unti-unting mauubos ang dugo sa aking katawan, wala akong magawa. At kung tatalikod ka pa ngayon at iwan mo ako rito, puputulin ko ang isang ko pang daliri. At kung aalis ka talaga at nasa malayo na, puputulin ko na ang buo kong kamay, upang tuluyan maubos ang aking dugo sa katawan…” 

“Arrrggggghhhhhhhhh! Ayoko na! Ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” ang sigaw ko.

“Huwag kang umalis. Patawarin mo ako.” At lumuhod siya. “Nagmamakaawa ako sa iyo tol. Please...” Nilaglag niya ang patalim na nasa kanang kamay niya at may hinugot sa kanyang bulsa.

Ang singsing.

“Kunin mo. Isuot mo na. Patawarin mo na ako...” at inabot niya ito sa akin. “Please...???”

(Itutuloy)

39 comments:

  1. Ang heavy drama naman nito..napaiyak tuloy ako habang ngababasa...iba talaga ang nagagawa ng pag ibig....

    Sana kuya mike magawa mong libro ang parafle na pag ibig at tol i love you... Para mabili ko sya..

    ReplyDelete
  2. So intense, di ko kinaya, ang bigat ng pakiramdam ko after basahin ito, un lang Kuya Mike, di na ako makapag-isip sa mga nabasa ko ngayon

    - Toffer (charmedboy09) -

    ReplyDelete
  3. Argggghh aus n eh.. Me asar me kilig tpos me gnung factor.... Putol daliri!!! Arggghhh buwis buhay nmn si kuya andrei.... But love d story ah... Nxt chapter plssss...!

    ReplyDelete
  4. next na...katakot naman si kuya andrey
    suicidal ang lolo mo

    ReplyDelete
  5. wehhh, me ganun kalerky lng ang drama... dapat n lng kalbohin ang bulbol kesa putolin ang finger..

    @brix masyado kng martyr...
    @mike dpat gawan mo rin ng moment sila brix@alvin... kantutan sa harap Mismo ni andrey

    donheckiezedlav

    ReplyDelete
  6. ayayay pag-ibig....ganda nmn lab stori nla..mukhang panalo n sa botohan An-Al ms mraming fans,hehe..pero sna may moments din Brix-Al kung my potential..

    Gudlak otor..
    enjoy reading guys..

    AtSea

    ReplyDelete
  7. grabi??? natakot nman ako dun... huhuhuhuhuhu

    suidical pala c andrei. AYAW KO NA SA KANYA?


    KAY BRIX Nlang ako??

    go! go! go! brix...

    ReplyDelete
  8. i cant believe na magawa yun ni andrie para lang ipakita kay alvin na kaya nyang patunayan at gawin ang ganung bagay...pero mas masakit ang katotahanan na pinaglaruan lang ni andrei ang damdamamin ni alvin...im so pity kay alvin...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  9. ayt bakit kailangan putulin pa yung daliri kuya mike? Ang panget...ang panget na ni kuya andrei...sana pwede pa ibalik yung daliri. Haha!

    ReplyDelete
  10. Wala na.. Siyam n lng ang natira..hehe
    May kilig drama at mdugong eksena
    Excited n sa next chapter..

    -Arvin-

    ReplyDelete
  11. Di ko kaya ata yun.... At lalong di ko susubukang kakayanin...... kahit sa Mahal ko...... yokong matawag na putol...

    ReplyDelete
  12. wew kinikilig ako talaga.. grabeh

    ReplyDelete
  13. angh galing po sir mike... kakakilig simula na ng panibagong yugto

    ReplyDelete
  14. Ay! wala na...wala nang daliri si Andrei..kadiri naman pag nagholding hands sila ni Alvin. hahaha.

    Nice job kuya mike. :D As always!

    ReplyDelete
  15. sir mike nakakatakot naman ung putol daliri part di keri :) super nakakilig na kuya si andrei pwede ba akin na lng sya hahahaah

    fixboy

    ReplyDelete
  16. masyadong intense ang story mu kua mike..sobrang galing ehehehhe

    _iamronald

    ReplyDelete
  17. whoaah! anu ba talaga? nakakahilo na clang dalawa ha. grABE AMAN UN, TLAGANG PINUTOL ANG DALIRI? MAGKAKATULUYAN BA CLANG DALAWA TALAGA? HMMM, NEXT CHAPTER PLEASE.LOOKS, MAGIGING SUCCESSFUL ANG BOOK LAUNCHING MO SA MOA SA SEPT 12 AH. GOOOOODDDLUCK!

    ReplyDelete
  18. wahaha... dami ko tawa sa mga comments ng readers! haha xD..
    anywayzzz...
    grabe ka talaga gumawa ng kwento Sir Mike! ..umabot pa talaga sa putulan scene! ang dapat nga dyan eh sabihin ni Alvin na "Bakit hindi pa ang tarugo mo ang putulin mo nang maalis yang kakatihan mo! " hahaha xD pero grabe talaga! nakakaiyak! iyak tawa ika nga!.. xD.. but gusto ko pa rin si Andrei! baka nakipagbreak na yun kay "Sa babae" or baka hindi naman sila naghalikan? Sana patawarin na ni Alvin si Andrei , :/.. kung ako ang nasa posisyon ni Alvin.. magugulo rin ang utak ko na para bang gusto ko nang mabaliw ! .. hayzz! ayoko na! hahah xD..

    Paano na kaya si brix? nakakamiss din pala siya ! dalawa sila gusto ko! whaahahxD. .. next! next! next! :DD!!
    go author! :D! more super power!

    ReplyDelete
  19. OMG! napaiyak naman daw ako. kung ayaw ko kay andrei noon. ngayon super love ko na siya.

    ReplyDelete
  20. homayghad!!! talagang ang daring ng ginawa ni Andrei!! scary, shocking, yet it was so romantic in a sense na he is willimg to die for the person he loves :) ngayon at nagkaaminan na ng nararamdaman... Andre has a lot of explaining to do and papaano na si Brix.... aww..... parang silang pareho ay matimbang para sa puso ni Alvin.... still.... it is still up to the next chapters.... so.... Im so excited for it >_<

    hay.... i just wish fantasies like this would actually exist in real life :3

    hands down to you sir Mike :3 job well done :3

    ReplyDelete
  21. Oh noes sana hindi na humantong sa ganung point na kailangan pang maginflict ng self harm si andrei :-( another great chapter sir mike :-) sana tanggapin na ni alvin yung sorry ni andrey.. Di pa nga niya pinageexplain yung tao eh. At least, now he nows that kuya andrey loves him too :-) Kudos sir mike. Sana may next chapter na agad

    Joeylim :-)

    ReplyDelete
  22. OH MY GOD,.. masokista si kuya andrei......patawarin mo na siya alvin PLEEEEAAASSEE!!!

    ReplyDelete
  23. grabe ka kuya la kupas pa rin..pero kuya huh yang health mo..please take care sa katawan mo..

    ReplyDelete
  24. mahal din pala siya ni kuya andrei eh bakit may kahalikan,sbagay lalake si kuya eh. ska maganda ung nurse sayang din un ulam...

    ReplyDelete
  25. ang daliri??? pano na???

    -mars

    ReplyDelete
  26. shit kaya p bng ibalik yung daliri. oh my. intense nmn nito. im looking forward n si andrei nmn magselos. pero andrei p din ako

    ReplyDelete
  27. Grabe to sir mike!!! ang sakit sa utak at puso...panu mu nga namn iiwan ang isang tao na bka di mu na muling makita pa. Kaya mu bang manatiling nasasaktan Alvin para mabuhay lang si Kuya Andrei o mas pipiliin mong makalaya ang puso mo sa sakit na dulot ng iyong minamahal? yan madalas ang problema eh...di kayang ihayag ang tunay na damdamin dahil sa akalang ikaw lang ang umaasa at di tunay na minamahal. sana naman magtapatan na nang wala ng dahilan para magkasakitan pa. Kuya Andrei, gustu lang ni Alvin na marinig sa bibig mo ang tunay mong nararamdaman sa kanya para alam niya kung may inaasahan ba siya sayo at kung saan siya pupwesto sa buhay mo.

    ReplyDelete
  28. Hindi kaya props lang yung daliri, baka panakot lang niya kay Alvin.

    ReplyDelete
  29. if i were kay alvin.... dalhin nya muna si andrie sa ospital... d nakakabuti na putol ang daliri nito at kapag naging maayos na ang lagay ni andrie tuluyan ni alvin o panindigang tapusin ang namigitan sa kanilang dalawa...alvin is matalino gamitin nya as experience ito... nan jan naman si brix na handang mahalin sya... masakit isipin na pinag laruan lang ang damdamin ni alvin...and besides lalaki si andrie... nag hangad magkaroon ng pamilya... remember dat andrie has a rumored son already in one of his girl.... and now with another woman...

    aries of qatar

    ReplyDelete
  30. I can't help myself Sir Mike. I have to read this again and again just to be reminded of the pain. Masarap magmahal subalit masakit masakatan. This is the reason why a lot of people take their own life. It's so amazing how you can put a lot of real feelings here Sir Mike. Sana nga lang things will work out well for both of them...whether it be letting go or staying forever.

    /James Banning

    ReplyDelete
  31. hala..!! nakakatakot naman..!!!

    ang ganda ng story line..!!! :)

    thumbs up sir mike..!!

    next chapter..!! :D

    -elie diocado-

    ReplyDelete
  32. idol! nagbago na ang isip ko, ke andrei na ulit ako para ke alvin.. :p

    ReplyDelete
  33. waaaaaaaaah...first time ko mg comment heheh

    grabeeh naman si Andrei..putulin ba ang daliri para lang mapatawad...naku naku...parang desperado na sya...

    Pakatatag ka lang alvin hehehe...gawin mo nalang kung anu sa tingin mo ang tama...wahhahaa


    anyways ganda ng story na to...hehe gusto ko mabili ang book version ng Story ng Munting Lihim...heheh

    ReplyDelete
  34. .haix, grabe ang bgat n ng dibdib ko....super....

    ReplyDelete
  35. grabe ang sakit,putol b talaga??????????
    kaya mo yan alvin, emo lng yan,
    thanks po....

    ReplyDelete
  36. grabe kanina ko lang nag start mag basa nito maghapon sa office at ngayon lng ako magcocomment, grabe ang eksena, super intense, kakaiyak, ramdam na ramdam ko ang skit...galing mo talaga kuya mike, wla kang kupas..tnx

    JhayL - Dubai

    ReplyDelete
  37. morbid naman tong chapter na to.. Alvin is a self centered spoiled brat... sabagay may kasalanan rin naman si kuya andrie inabuse nya kasi si Alvin nong bata pa...

    ReplyDelete
  38. Hindi ba pedeng sila nalang no brix ang magka tuluyan??

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails