By: INARO
Email:
avanon1988@gmail.com
Ito na po
ang chapter one ng Love at First Kiss sana po magustuhan niyo ang story. One
chapter a week lang po aq makakapagpost pero kapag hindi po busy sa work baka
madagdagan ang update ko pasensya na po. I hope hindi kayo mabitin every
chapter at sana ma-satisfy ko po kayo at hindi mabigo sa inyong expectations.
As I said sa prologue ng aking story semi –fiction ito. Upang maprotektahan ang
mga tauhan sa aking kwento, sadyang iniba ko ang kanilang pangalan at mga lugar
ng pangyayari. So guys sit back, relax and spread your love!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LOVE AT
FIRST KISS CHAPTER 1
January
2010, 4:00pm
Maaga akong nag-out sa work noong araw na iyon. Hindi ako mapakali
dahil sa problemang aking dinadala. Naisipan kong maglakadlakad sa mall upang
malibang ang aking pag-iisip noong mahagip ng aking paningin ang isang lalaki
sa coffee shop na mag-isang kumakain ng muffins at humihigop ng fruit shake.
Pumasok ako sa coffee shop at nilapitan ang lalaki.
“ Jek-jek?, hi kamusta ka? Long time no see ah.” Bati ko sa
lalaking aking nakita.
“Ikaw pala yan Inaro. Oo matagal akong nawala dito, andami na
ngang pinagbago eh. Ikaw musta na ba? Pangungumusta naman niya sa akin.
“Ok naman ako. Do you mind if I join you?”
“ Yeah sure. Wala nga akong kasama eh buti dumating ka.”
Nakiupo na ako sa lamesang ino-occupy niya at umorder ng aking
merienda. Si Jek-jek o kilala bilang Jericho Sta. Maria ay kabarkada ko noong
high school. Pagkatapos ng graduation bigla na lang itong nawala. Ang huling
naging balita namin ay nagtratrabaho raw ito sa Cavite.
“Kamusta naman ang mga ilang taong hindi pagpaparamdam sa
barkada?” tampo-tampuhan kong tanong sa kaniya.
“ Hehe pasensya na kayo sa akin.” Pagpapaumanhin naman niya.
“Ito naman ayos lang yun. So graduate ka na ba?” tanong ko sa
kaniya.
Mula sa pagkakangiti niya ay bigla itnong nalungkot. Mukhang tulad
ko ay may pinagdadaanan din ito.
“ Hey did I say something wrong? Sorry.”
“ Ayos lang, may bigla lang akong naalala.” Pagpapaliwanag niya.
“ Wanna share? Sa totoo lang may problema rin ako pero mukhang mas
mabigat yung sayo.”
“Ok lang bang mag-open? Kasi sobrang bigat na Inaro.”
“Oo naman. What friends are for?” at binigyan ko siya ng isang
assurance na ngiti na makikinig ako sa mga kwento niya.
After a couple of minutes of silence, his story started….
March
2006, 10:00am
“So, you are Jericho Sta. Maria? I’m Mrs. Akiko
Rivera.” Ang paunang tanong at pagpapakilala sa akin ng Manager sa isang
restaurant na ang pangunahing putahe ay Pizza.
“Yes Ma’am. I’m Jericho Sta. Maria but you can call me Jek-jek po.” Ang
nakangiti kong sagot sa magandang manager. Final interview ko na, kaya
kailangang magpa-impress.
“ Tingin mo ba papasa ka sa interview, with that kind of smile and pa-cute
effect of yours?” ang nakangiti rin na tanong sa akin ni Ma’am Akiko.
Aaminin kong nagulat ako sa sinunod niyang tanong, hindi ko kasi inaasahan na
ganoon kadali mapansin ang pagpapa-cute ko sa kaniya. Dahil doon, lalo pa akong
nagpa-cute este nagpa-impress.
“No Ma’am, because I do believe that every institutions are after the ability
and personality of the applicants, and not just merely looking at their looks.
But modesty aside, I think having a good looks is an advantage to pass in an
interview.” Ang mahabang litanya ko. Wala na akong pakialam kung mali ang
grammar ko ahaha.
“Now Jek-jek, are you saying that you have a good looks?”
“Am I a good looking guy for you Ma’am?” balik-tanong ko kay Ma’am Akiko.
Tumawa ito at nakitawa na rin ako. Daig ko pa ang nag a-apply bilang modelo o
artista sa mga tanong niya gayong kitchen service crew ang kailangan nila.
“Hindi ka ba nahihiya na service crew ang magiging trabaho mo? Kasi sa cute
mong iyan puwede kang mag-modelo o mag-artista.”
“Ma’am Akiko, hindi ko po ikinakakahiya ang isang trabaho na alam kong marangal
at wala po akong karapatan na mamili ng trabaho, dahil high school lang ang
natapos ko.” Ang matapat kong sinabi sa kaniya.
“Very well said Jek-jek. Sa totoo lang, you are so impressive.
Daig mo pa sumagot yung mga co-applicants mo na college level.” Papuri sa akin
ni Ma’am Akiko at lubos ko iyong ikinatuwa.
“Thank you po.”
“Don’t thank me yet, I still have one more question.”
“Ano po iyon?” takang-tanong ko sa kaniya.
“ If ever, nahuli mo ang mga crewmates mo na kumakain or nagnanakaw ng mga
ibinebenta natin, anung gagawin mo?”
“Sa inyo at sa company po ang loyalty ko, isusumbong ko po ang sino man na
lumalabag sa rules and regulations ng company.” Sagot ko sa kaniyang tanong
habang tinatanong ko rin ang aking sarili kung makakaya ko bang gawin iyon sa
magiging kasama ko sa trabaho. Bahala na.
“Hmmm. Ahm Jek-jek?” seryosong mga mata ang tumitig sa akin mula kay Ma’am
Akiko.
“Yes, Ma’am?”
“You’re hired!” bulalas niya.
“Po?” gulat kong sagot.
“Sabi ko tanggap ka na. pumasok ka bukas ng 8am for your orientation and first
day training.” Pagpapaliwanag ni Ma’am Akiko.
‘Thank you po Ma’am, thank you po!’ hindi ko ma-explain ang saya na
nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Nakipagkamay ako kay Ma’am Akiko at
pagkatapos ay umalis na ako sa kaniyang opisina.
Tatlong buwan na rin ang lumipas simula ng maglayas ako sa amin at mapadpad
dito sa tita ko sa Imus, Cavite. Malaki rin naman ang naitulong sa akin nila
Tita Dely at ang kaniyang asawa na si Tito Mando. Pero kapalit ng mga tulong na
iyon ay ang pagpapa-alipin ko sa kanila.
May maliit silang carinderia na pinagkukuhanan nila ng ikabubuhay. Tumutulong
ako sa carinderia at ako na rin ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing bahay,mula
sa pamamalengke, pagluluto hanggang sa paglalaba at pag-aalaga sa anak nila na
tatlong taon pa lamang.
Kapag lasing naman si Tito Mando ay parang punching bag ang aking katawan sa
pambubugbog niya. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa utang na loob na lagi
nilang isinusumbat sa akin.
Pero dahil nakapag-ipon na rin naman ako, at nakahanap na ng matinong trabaho
napagpasiyahan kong umalis na ngayon sa poder nila at handa na akong mamuhay
mag-isa.
Akala ko noong tumira ako sa kanila ay magiging okay ang lahat. Pero ibang-iba
pa lang talaga kapag nakasama mo na sa iisang bubong ang isang tao dahil doon
mo makikilala ang tunay nilang kulay. Ang inaakala kong mababait na kamag-anak
ay masasama pala ang budhi. Minsan napapa-isip ako kung paano ko sila naging
kadugo.
May sapat na pera naman akong naipon at magagamit sa pag-alis ko sa kanila at
pang renta sa boarding house na lilipatan ko at pambili ng pagkain sa araw-araw
hangga’t hindi ako sumasahod sa bago kong trabaho.
Hapon na ng ako’y makauwi sa bahay nila Tita Dely. Nagpaalam ako kaninang umaga
na magsisimba upang hindi nila mahalata na nagpunta ako sa interview. Sarado
ang carinderia, marahil nakikipag-inuman si Tito Mando at nasa sugalan
naman ang asawa. Siguradong sermon, malulutong na mura at bugbog ang aabutin ko
sa mga ito kapag naabutan nila ako sa bahay. Agad akong nag alsa-balutan ng
aking mga gamit.
“Jek-jek magluto ka na ng hapunan!” sigaw ni Tita Dely na kapapasok lang
sa pintuan. May hawak itong sigarilyo na mabilisan niyang hinihitit.
“Ahm, Tita a-alis na po ako.” Kinakabahang pagpapaalam ko kay Tita.
“Ano? At saan ka naman pupunta?” sabay buga ng usok sa aking mukha.
“Uuwi na po ako sa Bulacan. Pasensiya na Tita kung biglaan.” Pagsisinungaling
ko sa kaniya.
“Bakit? Nahihirapan ka na ba sa amin?
Lalayas-layas ka sa inyo tapos hindi mo rin pala kaya. Hindi ka aalis!!!!..
Walang tutulong sa Tito Mando mo!” singhal sa akin ni Tita Dely.
“Pero hinahanap na raw ako nila Mama.” Pagsisisnunggaling ko pa.
“Hindi ka aalis!!!” sigaaw ni Tito mando na halatang lasing na. hindi man lang
naming namalayan na dumating ito.
“Pero tito kasi..-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa palad ni
Tito Mando na dumapo sa aking mukha. Kinuwelyahan niya ako at binulyawan.
“Aalis ka na lang ng bigla? Eh hindi mo pa nga nababayaran yung mga kinain at
pagtira dito. Putang ina mo!!! Ano bang pinagmamalaki mong gago ka?!!!” galit
na sabi ni Tito Mando sa akin.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Sa pagkakataong ito lalaban na ako.
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking kuwelyo at sinuntok ang mukha. Bumulagta
si Tito Mando at si Tita Dely ay nahintakutan sa kaniyang nakita.
“Putang
ina niyo rin!!!! Hihingan niyo ako ng pambayad sa pagtira at pagpapakain sa
akin? Eh halos alipinin niyo na ako. Mga wala kayong kwentang kamag-anak.
Pinagsisisihan ko ang tumira dito! Pweh!!!” Asik ko sa mag-asawa.
Dali-dali akong lumabas ng bahay nila dala ang aking gamit. Naglakad ako ng
hindi sila nililingon. Napansin ko na lang ang aking mga luha na tumtulo na
habang ako ay naglalakad. sobrang sama ng loob ko dahil hanggang sa huli hindi
ko man lang sila nakakitaan ng kabutihan.
“Patutunayan ko sa inyo na kaya kong mamuhay mag-isa. Balang araw makakamit ko
rin ang mga pangarap ko at pagsisikapan ko yun hanggang sa dumating ang araw na
kayo na ang humihingi sa akin at nagmamakaawa. Makakaganti rin ako sa inyo!’
paghihimutok ko sa aking sarili. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa
mismong bayan ng Dasmariñas upang pumunta sa boarding house na aking tutuluyan.
Simula noon hindi na ako bumalik kahit
kailan sa impyernong lugar na iyon.
-itutuloy
uhm!!!!!
ReplyDeleteLove the guts of jekjek...... Maganda to palaban ang bida....
ReplyDelete