Followers
Wednesday, September 12, 2012
Break Shot Book 1: True Ending
Binuksan ko ang bag, at saka naupo sa aking munting study table sa bago kong boarding house. Kinuha ko doon ang aking binder pati na rin ang pagkakapal-kapal na libro ng Chemistry.
Kakaibang saya at excitement ang aking nararamdaman. Matapos ang mga nangyari saakin sa aking murang edad, heto ako't nag-aaral na sa aking dream university. Sa pangalawang araw nang pagpasok ko, wala akong dala dala kundi ang inspirasyon na mag-aral ng mabuti at maka-graduate sa pinaka-matandang unibersidad sa Pilipinas. Sa bawat pagpasok ko ay wala akong ini-expect na kung ano. Kung ano ang mangyayari ay mangyayari. May mga lumalapit para makipag-kaibigan, para makipag-kilala, para maging bahagi ng college life ko. Magiliw ko naman silang tinatanggap. Mabenta pala ang mukhang ganto sa lugar na iyon. Ngunit i'm much aware din sa dapat kong gawin. Mag-aaral ako ng mabuti, sa abot ng aking makakaya, dahil sa tuwing naalala ko ang ipinang tuition saakin, kinikilabutan ako. Hindi ko na sasayangin ang ganitong oportunidad.
Sinimulan ko nang basahin ang libro na puno ng interes. Kahit na hindi ko gusto ang chemistry, i will try to love the subject. It is the only way i know para maipasa ko ang subject na karaniwang dahilan daw ng pagbagsak ng mga Tomasino.
Nasa ganoon akong kaseryosohan nang may matanggap akong mensahe mula sa isang number na wala sa contacts ko.
At ito ang sabi.
"Tuluyan na kitang pinapalaya Andrey. Patawad. Ngunit hindi ko kayang maghintay ng apat na taon sa iyo. May sarili akong buhay na dapat tahakin. At mayroon ka din. Ang pagkakaiba lamang ay mas maliwanag saiyo, mas malawak, mas masagana. Ikaw ang nagsabing ipagpatuloy ko ang aking pangarap at mag-aral ng kolehiyo. Ginawa ko iyon. May mga kanya-kanya na tayong landas Andrey. At habang tinatahak mo ang iyo, siguradong malilimutan mo rin ang ako. Ang buhay na naghihintay saiyo diyan ay buhay na hinding hindi ko mararanasan. At sa bawat araw na tinutupad mo ang iyong pangarap, at tinutupad ko din ang saakin, mas lalong naglalayo ang pagitan saating dalawa. Masaya ako para sa iyo. Sana'y ganoon ka rin saakin. At may dapat kang malaman...Kami na ulit ni Leah. Narito siya, sa tabi ko, sa oras na ito, sa iisang kama. Number niya din ito. Liam."
Nawindang ako, nanlamig ang kalamnan nang mabasa ang mensahe. Isang bagay lamang ang pumasok sa isip ko: hindi dapat ako maniwala dahil hindi ako sigurado.
Wala sa sariling pumunta ako sa tindahan, at sa unang pagkakataon pagkapunta ko sa Maynila, nagpaload ako para tumawag. Tinawagan ko ang numero, at si Leah nga ang sumagot.
"oh, Andrey? Napatawag ka? What a surprise!" She said na parang bagong gising.
"Pinagloloko mo ba ako! Bakit ka nagtext ng ganoon!" Ang sabi ko agad dahil sa galit.
"Anong text? Ikaw nga jan ang biglang tatawag tapos pagbibintangan mo akong nagtetext sayo?!" Ang sabi niya rin. Mas lalo akong nagalit at kinabahan.
"Nandiyan si Kuya Liam?" Tanong ko, mahina ang boses.
"O-oo...sa cr. bakit?" Tanong niya naman.
"Paka-usap nga kung talagang anjan siya!" Bulyaw ko.
Maya maya ay narinig ko si Leah na tinawag si kuya.
"Liam ginamit mo ba ang cp ko? Nagtext ka ba kay Andrey? Galit na galit ah." Narinig kong sabi niya kahit nilalayo ang boses. "Kausapin ka daw."
Nanghina ang tuhod ko nang marinig iyon. Kung ganoon, kay Liam nga galing ang text.
"H-hello? Tol..." pasimula niya.
Tinigil ko ang tawag nang marinig ko ang boses ni kuya. Nabingi ako, kahit walang ingay sa boarding house na iyon. Inilagay ko muli ang kamay sa aking puso, at naki-usap na wag masaktan.
Ngunit katakut-takot na panlulumo ang aking naramdaman ilang segundo matapos iyon.
Ang sabi ni kuya saakin nang pag-uwi ko nang Bicol two weeks ago, cool off muna kami upang maka-focus sa mga pag-aaral. Ito na pala ang ibig niyang sabihin.
There is no such thing as happy endings. Ang pagtatapos ng BS ay pagtatapos lamang sa parteng akala ko'y okay na ang lahat. Ang mga happy ending ay pagputol lamang sa bahaging masaya na ang mga tauhan, at nalagpasan na ang pagsubok. Ngunit kapag nagpatuloy ang mga kwento, sa pelikula, sa libro, sa mga akda, may mga bagong pagsubok na namang kahaharapin. Pinutol lamang sa bahaging akala natin ay okay na ang lahat.
So hindi pala happy ending ang Break Shot. At marahil, ito na rin ang totoong ending.
Wakas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
sobrang lungkot naman ng katapusan neto!!! haizt kawawa naman si andrey
ReplyDeleteBitin sobra!
ReplyDeleteAt hindi ko matanggap at ang harsh ng text para saken. Sobra. Parang pati ako sasabog sa galit kay Liam.
Oohh nnooo. Thats not true plsss
ReplyDeletemay part 2 pa to,., hahaha,.,,sila tlga ni matthew eh,.,.,
ReplyDeleteKakalungkot naman ung ending pero aabangan ko ung book2 sana dun sa book 2 si Liam naman ung magmakaawa kay Andre na bumalik sa kanya pero di na sya bibigyan ng pagkakataon pa ni Andrey..heheheh
ReplyDeleteBitin naman...sana may book 2
ReplyDeletekailan po book 2? hope soon!
ReplyDeleteunang comment at unang kwentong binasa ko dito^^..., super ganda ng kwento grabe..., one of the best story i read so far^^..., unang kita ko sa story na ito dun s KM on going palang siya..., my nabasa aku n matagal n pinost ito..., well nainip aku s update kya minabuti ku ng basahin dito..., grabe hndi ku ata kakayanin ang mga ginawa mu lalu na't nung nagmakaawa ka s kanya at napadpad k s maynila para lng my mapatunayan ka..., nakakahanga ka tlga..., sobrang sakit nmn ng ginawa ni kuya liam..., although my mga sweetest moments nmn kau^^..., akala ku dun sa chapter 13 nagkatuluyan talaga kau un pla HINDE T_T..., kay matthew ka n lng...,
ReplyDeletepwede po bang gawing movie to??? willing aku gumanap n andrey^^..., pero hndi ku ata kakayanin ang sex scene lol...,
-PEN fr C4M