Followers

Monday, August 6, 2012

Munting Lihim [7]


[7]: Ang Bonding

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com




“T-talaga?” sagot niya, sabay bitiw ng isang nakakabighaning ngiti, bakas ang saya sa kanyang mukha.

“O-opo...”

“P-puwede bang g-gawin mo uli iyon sa kuya mo?”

At doon na tila himatayin ako sa kanyang sinabing iyon. Tila nabingi ako sa lakas ng kalabog ng aking dibdib. At naalimpungatan ko na lang ang mga kamay niya sa aking likod at hinila ang aking katawan patungo sa kanyang katawan. Hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naghalikan kami na mistulang sabik na sabik sa isa’t-isa at pag-aari namin ang mundo.

Mapusok. Nag-aalab na tila iyon na ang huli naming paghahalikan.

Sa pagkakataong iyon, taliwas sa unang halik na naranasan ko sa kanya, ramdam na ramdam ko na, hanggang sa pinakadulo ng aking kaugatan ang sarap at kiliti ng kanyang mga halik. Nanginginig ang aking kalamnan sa matinding sarap na dulot ng paglapat ng aming mga labi, tagos ito hanggang sa kaibuturan ng aking kaluluwa.

At muli, nangyari sa amin ng kuya ko ang isang bagay na matagal ko nang inaasam-asam na maulit muli...

(Note: Ang detalyadong love-making ni Alvin at Andrei ay mababasa lamang sa book version.)

Noong natapos na kami, tumawag ng room service si kuya Andrei at nag-order ng pagkain para sa dinner namin. Noong dumating na ang pagkain, sa terrace ipinalagay ang mga ito ni kuya Andrei.

At napakaganda ng ambiance. Parang outdoor pic-nic lang ngunit nakatanaw kami sa boung beach na nasa baba. Malamig at mahangin, dagdagan pa sa maaliwalas na kalangitan kung saan kitang-kita ang malaki bilog na full moon.

Marami rin siyang inorder na pagkain. At ang pinakagusto ko ay ang seafoods. May inihaw na pusit, may alimango, may lobster, may isda, at may karne ring ewan, hindi ko alam ang pagkaluto. Sarap na sarap ako sa mga inorder niyang pagkain. At lalo pa itong sumarap dahil paminsan-minsang sinusubuan niya ako na parang isang bata lang, kundi man isang kasintahan. Kaya paminsan-minsang sinusubuan ko rin siya. Hindi matawaran ang naramdaman kong saya…

“Pagkatapos nating kumain, lalabas tayo. Mag bar tayo mamaya tol.”

“Ano iyang bar kuya?”

“Iyong parang kainan din, ngunit may sounds, med’yo madilim, may live band show o pwede ring sumayaw…”

“S-sige kuya. Hindi pa ako nakapasok ng bar…”

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami sa terrace ini-enjoy ang tanawin. Hindi na talaga ako nahiya pa sa kanya. Tumabi ako sa pagkakaupo at habang pinapanood namin ang ganda ng beach at ang mga bituin sa langit, inilingkis ko naman ang aking kamay sa kanyang beywang, ang aking ulo ay isinandal sa kanyang balikat. Inilingkis din niya ang kanyang braso sa aking katawan.

Para akong maluluha sa sobrang pagka-sweet naming dalawa. Hindi ako makapaniwlang sa araw na iyon, habang hinahabol ko siya sa terminal na naka-short na pantulog lang at nakatsinelas, makakaabot pala ako sa lugar ng paraiso. Tila walang mapagsidlan ang aking kaligayahan.

“Bakit ka nagmamadaling umalis kanina sa bahay?” ang tanong ko.

“May tawag nga ang kumander ko. May nakita raw silang kahina-hinalang bag na iniwan malapit sa headquarters namin. Ako kasi ang in-charge ng bomb disposal unit kung kaya pinapagreport ako kaagad. Ngunit false alarm lang daw pala. Nalaglag lang pala ang bag na iyon galing sa isang tricycle. At binalikan na ng may-ari. Pero kung sakaling natuloy ako, babalik din naman ako sa inyo kapag natapos iyon. Hindo ko pa kaya na-enjoy ang aking bakasyon.”

“Akala ko galit ka sa akin.” Sambit ko.

“Med’yo din. May tampo.”

“Waaahhhh! Marunong ka na palang magtampo ngayon? Akala ko ako lang. Hindi ka naman tinatablan dati kapag inaasar at inaaway kita eh.”

“Malaki ka na. Alam mo na ang ginagawa mo. Di kagaya noong bata ka pa, inosenteng-inosente. Walang kamuwang-muwang.”

Naninibago kasi ako. Kasi dati… hindi ka titigil hanggang hindi ako ngingiti sa iyo. Susuyuin mo ako, kakargahin, bibigyan ng kung anu-ano, lalo na iyong paborito kong puto. Kapag hindi mo ako napatawa, aalis ka pa talaga upang maghanap lang nito tapos ibibigay sa akin.”

“Di ba sabi mo, malaki ka na; na hindi puto ang paborito mo?”

“Sinabi ko lang iyon! Paborito ko pa rin kaya ang puto. Kung iginiit mo iyon, bibigay din ako.”

“Ganoon ba?” ang ambit niya sabay tawa. “Pilyo ka talaga! Pakagat nga sa pisngi?”

Natawa na rin ako, inilapit ko ang aking mukha sa kanyang bibig. Kinakagat-kagat niya ito ng mahina at pagkatapos ay pinunasan ng kanyang palad. Gaya pa rin nang dati, noon pitong taong gulang pa lamang ako.

“Pero ok na rin nanangyari iyon. At least ngayon, napatunayan kong mahal mo pa rin pala si kuya Andrei mo. Gaano mo ba kamahal si kuya Andrei mo?”

“Konti lang.” sambit ko. Ewan, gusto ko lang sigurogn magpa-demure.

“Hmmmm. Hindi ako naniniwala.”

“Konti nga lang eh!” sambit ko. Syempre, nahiya ako.

Tahimik.

“Nakapunta ka na ba dati sa San Pedro City?” tanong niya.

“Hindi pa…”

“Magkano ang pera mong dala?”

“Wala, limang piso na lang ang natira…”

“Bakit ka sumakay ng bus hindi mo pala alam ang San Pedro City at limang piso lang ang laman ng wallet mo?”

“Sinundan kita eh…”

“Bakit mo ako sinundan?”

Natahimik ako, yumuko bagamat inilingkis ko na ang dalawa kong kamay sa kanyang beywang. “Eeeeee… huwag na lang eh…” Ang nasambit ko. Iyon bang expression na ayaw mong pag-usapan kasi sobrang nahiya ka sa ginawa mo at hindi mo lubos maisalarawan kung bakit mo nagawa ang bagay na iyon.

Ngunit iginiit pa rin niya. “Bakit nga?”

“Wala nga…”

“Wala? Iyon lang iyon? Para kang sumuung sa giyera ngunit wala kang dalang baril? Tapos wala lang palang dahilan???”

“N-nalimutan ko ang baril... iyon!”

“E, hindi naman giyera ang pinuntahan mo eh. Ako. HInabol mo, di ba?”

“Eeeeeee......”

“Ano?”

“Eh… N-namiss kita eh. Walong taon kayang hindi kita nakita tapos aalis ka kaagad…” ang nahiya ko ring pag-amin.

At doon hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. Hinaplos ang aking buhok at hinalik-halikan ito. “Kawawa naman ang bunso ko… Hmmmm. Makulit pa rin hanggang ngayon! At maangas!”

Tahimik. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya.

Maya-maya, “Bakit galit ka sa akin? Noong dumating ako, parang hindi ka man lang excited na makita ako?”

“Galit ako sa iyo.”

“Bakit ka galit?”

“H-hindi ka sumulat sa akin noong nasa Maynila ka pa? Nalimutan mo na ako.”

“Sumulat ako ah! Ikaw kaya ang hindi sumagot sa sulat ko.”

“Sinagot ko kaya ang sulat mo. At maraming beses pa akong sumulat. Ikaw ang hindi sumagot…”

“Sumulat ako sa iyo. Giit niya. At hindi mo ako sinagot.”

“Sinagot nga kita. At marami pa akong ginawang sulat. Hanggang teenager na ako sumusulat pa rin ako. Wala kang sagot.”

Nag-isip siya. “G-ganoon ba? Walang nakarating sa akin eh. Siguro dahil sa paglipat namin ng tirahan. Isang buwan lang kami sa tinirhan namin eh, sa ibinigay kong address sa iyo. At iba na ang nakatira roon.” Natahimik siya nang sandali. “Kung ganoon, nandoon sa dating tinuluyn namin ang mga sulat mo, sila ang nakatanggap. Pero... baka itinapon na rin nila ang mga iyon.”

“Sana sumulat ka pa rin sa akin.”

“Hindi na lang ako sumulat sa iyo kasi akala ko, nalimutan mo na ako, o kaya ay hindi ka pa marunong maghulog sa post office. Ambata mo pa kasi noon. Tapos, nag-aral pa ako at iyon nga, lumipat kami ng tirahan…”

“Hindi kita nalimutan kuya. Naghintay ako sa iyo. Halos araw-araw akong nagpupunta ng pos office para lamang magtanong kung may sulat ako galing sa iyo...”

“Talaga?” sambit niya at tinitigan ako. “Kawawa ka naman. Sorry talaga tol... hindi ko akalain. Pero miss na miss rin naman kita eh.”

At iyon, nagyakapan kami at napaiyak na rin ako, naalala ang sakripisyong pinagdaanan ko sa paghihintay ng sulat niya.

At habang niyayakap niya ako, hinahaplos ang buhok at hinanahalikan ito, hindi naman siya maaawat sa kahihingi ng “Sorry…”

“Ok lang kuya… At least alam ko na ang dahilan. At nandito ka na rin.”

Tinitigan niya ako at pagkatapos, niyakap uli ng mas mahigpit, tila nangigigil. “Ang laki mo na talaga tol… di ako makapaniwala.”

Na sinagot ko naman ng, “Ikaw rin. Ang laki mo na… Mas malaki ka pa kaysa akin.”

Tawanan.

Tahimik.

“K-kuya… may kasalanan ako sa iyo” sambit ko noong naalala ang isang bagay na ginawa ko sa kanya. Para kasing sinundot ako ng aking konsyensya.

“A-ano?”

At kagat-labi kong isiniwalat sa kanya. “N-noong nalasing ka, unang gabi mo sa bahay, may ginawa ako habang natutulog ka...”

Na casual lang din niyang sinagot ng, “Ah... oo nga. Pinagsamantalahan mo ako. Wala akong magawa. Gustuhin ko mang magreklamo, sumigaw, magsumbong sa mga otoridad, sa pulis, sa militar, hindi ko magawa.” Biro niya.

“Weeeeee! Alam mo???”

“Lasing lang ako noon. Pero alam ko ang ginagawa mo sa akin.”

“Bakit hindi ka man lang kumilos, o nagsalita?”

“E, galit ka sa akin eh. Baka mamaya, ihinto mo pa. E, di mabitin naman ako.”

Kinurot ko ang kanyang tagiliran. “Palagi mo na lang akong naisahan!”

Ngumiti lang siya, tinitigan ako. “Sundalo ang kuya mo, malakas ang pakiramdam.”

“Weeee!”

Tahimik.

“Bakit mo ginawa iyon?” tanong niya.

“Na-miss kita. Namiss kong gawin iyon sa iyo. Di ba sabi mo, sa iyo ko lang gagawin iyon? Ang tagal na kaya noon…”

Muli niyakap niya ako, hinalik-halikan ang aking ulo.

Nag-bar nga kami. Halos kapareho lang naman pala sa isang disco. Madilim, maingay, may mga disco lights. Kaso, may mga mesa lang, kainan, inuman, at ang highlight lamang ay ang live band. Pwede ring magrequest ng kanta, at kung gusto ng customer, puwede ring magvolunteer siya na kumanta. At pagbibigyan naman, depende siguro sa kanta o oras ng banda.

Dahil busog naman kami, nag-order na lang si kuya ng beer. Light lang ang sa akin. Nag-inuman kami, nakinig sa banda.

Maya-maya, nagulat na lang ako noong nagsalita ang isa sa mga myembrong banda. “Ladies and gentleman, please welcome a guest to sing a song for his birthday boy brother, Capt. Andrei Gomez!!!”

Palakpakan ang ilang mga tao.

Mistula namang tumayo ang aking mga balahibo pagkagulat. Una, hindi ko inaasahang tawagin siya. Pangalawa, noon ko lang nalaman na ang ranggo pala niya ay Captain. Akala ko kasi, private lang siya o kaya ar corporal o sargeant. Niloloko ko ngang boy scout lang siya. At pangatlo, ay ang tanong sa aking isip kung sino kaya ang birthday boy brother na sinabi niya kasi kung ako, hindi ko naman birthday.

Pumalakpak na rin ako. Hindi ko rin inexpect na magrequest siya ng kanta. Iniisip ko na lang na baka may “brother” na tawagan o kasama siya sa military doon.

Tumayo si kuya Andrei at tinumbok ang stage. Noong nasa harap na, nagsalita ito. “I would like to dedicate this favorite song to my kid bother, Alvin, whom I’ve missed in the 8 years that we had been separated. Happy birthday bro!” Sabay turo sa akin.

Mas lumakas pa ang palakpakan ng mga tao. Ang guwapo kaya ni kuya na nakatayo sa harap nila. Daig pa ang isang artista. Nakasuot ng semi-fit na kulay puting t-shirt, maong na may pilas sa tuhod, army cut ang buhok, matangkad, hunk, at… Captain!

Syempre, wala na akong nagawa kundi ang tumawa at nakipalakpak na rin.

At kumanta na siya -

Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face
Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place
Old photographs and places I remember…

At ang ganda pa ng boses. Nakaka-in love!

Touched ako sa ginawa niyang iyon… kulang ang mga salita upang mailarawan ang aking tunay na nadarama. Dagdagan pa sa kanta na tugmang-tugma sa aming mga naranasan noong nagkalayo kami; iyong literal na sinabi sa kanta na “wind blowing round my shoulders” naalala ko ang aming ambiance sa bukid, sa ilog, na marahil ay na-miss niya noong nasa Maynila na siya; ang “getting older” na sinabi, ang “still I can’t forget your face” na syempre naman siguro, ako iyong hindi niya malimutan… Tapos, iyong “separated by a million miles of ocean” na bagamat hindi naman talaga million miles ngunit dahil sa matinding pananabik niya, na naramdaman ko rin ay parang napakalayo na noon, iyong “my heart still feels emotion” na kagaya ko ay naramdaman ko rin sa mga panahong iyon, sariwa pa sa aking isip…

Namalayan ko na lang na pumatak uli ang aking mga luha. Lihim ko itong pinahid. Nanariwa na naman kasi sa aking isip ang naranasan kong sakit sa paghihintay sa kanya na akala ko ay wala na talagang hangganan. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang mga luhang iyon ay luha na ng kaligayahan.

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos niyang kumanta. Noong lumapit naman siya sa akin, tumayo ako at niyakap ko siya. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao. Niyakap din niya ako, atsaka ginulo niya ang aking buhok.

“Happy birthday din kuya Andrei!” ang sambit ko. Alam ko na kasi ang ibig niyang ipahiwatig sa pag  happy-birthday niya sa akin. Birthday namin dahil nagkita kaming muli; bagong buhay naming dalawa; bagong panimula...

Naka-apat na boteng beer si kuya Andrei at ako naman, isang bote ng beer lang ang nainum noong nagyaya siyang lumipat kami ng bar. “Saan naman tayo kuya?” tanong ko.

“Comedy bar naman para masaya.”

“Sige kuya! Di ko pa naranasan ang makapasok ng ganyan!”

Madilim-dilim din ang bar na iyon. May entabldo rin kung saan naroon ang mga stand-up comedian. Hindi karamihan ang tao sa loob, seating capacity lamang. Pagpasok na pagpasok namin ay napansin kaagad kami ng mga comedian na nasa entablado, mga bakla.

“Ayyyy! Ag gu-guwapo ng magjowang pumasok day! Hayun o! Tawagin na natin!” Turo sa amin.

Tawa agad ako ng tawa. Naka-lingkis kasi ang braso ko sa beywang ni kuya Andrei habang siya naman ay naka-akbay sa akin. Kinakabahan ba.

Pa-orderin muna natin atsaka na natin tawagin! Baka biglang magsilayasan yan, hindi pa naka-order, masesante tayo ng may-ari.”

Tawanan.

“Sir… pasok lang po kayo at mag-order! Bawal po ang kuripot dito, order lang nang order, lahat dito ay naoorder pati kami kung gusto ninyo.” Dugtong naman ng kasama noong isang kumdyante.

Tawa lang ako ng tawa. Pati na rin si kuya.

Dahil may kadiliman ang paligid, sinalubong kami ng mga lalaking ushers na may dala-dalang flashlights at inihatid sa isang bakanteng mesa na malapit sa entablado. Umurder na naman si kuya ng beer at may isinulat sa tissue uli at ibinigay sa waiter na napansin kong iniabot sa dalawang host na nasa entablado. Ako naman ay nanood sa isang customer na nasa entablado at kumanta na ngunit patuloy pa ring ino-ukray ng dalawang sa kanyang pagkanta. “Awoooooooohh! Awwwooooooo!” ang mahinang pagbabackground ng isang kumedyante, pahiwatig na nakakatakot ang boses ba o pagmumukha ng kumanta.

May tatlo pang mga mga sumunod na customer na umakyat sa entablado na ino-ukray. Tawa lang kami nang tawa ni kuya.

Noong natapos nang kumanta ang huling customer, hayun na, tinawag na ang sunod. “Nasaan si Andrei at Alvin?”

Tamihimik.

Napatignin ako kay kuya Andre, nagtatanong ang mga mata. “Bakit ako kasali???”

“Andrei! Alvin? Magpakita kayo? Huwag kayong magtago!” sambit ulio ng kumedyante.

Napangiti lang na tumayo si kuya Andrei, hindi pinansin ang tanong ko. Hinawakan niya ang aking kamay sabay sabing, “Tara na! Ok lang iyan. Para ma-experience mo ang saya. Huwag kang mapikon. Makisakay ka lang sa biruan para enjoy.”

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at tinumbok ang hagdanan ng stage, hawak-hawak ko ang kamay ni kuya Andrei.

“Ayyyyyyy! Sila iyong mga guwapong magjowa na pumasok kaninaaaa!!!” sigaw ng isang host.

“Oo ngaaaaaa!!!” sambit din ng isang host. At noong nasa stage na kami, tinanong ako, “Jowa mo ito, no? Huwag mag-deny...” may pagkamataray ang tanong.

Tumawa lang si kuya Andrei na nakatingin sa akin, pinagmasdan ang expression ng mukha ko at naghintay sa aking isasagot.

“Ikaw ba si Alvin?” tanong uli niya.

Tumango lang ako.

“Jowa mo siya?” sabay turo kay kuya Andrei.

“Hindi po. Kuya ko po siya...”

“Ayyyyy! Ang cute talaga ni Alvin!!!” Noong tiningnan niyang maigi ang mukha ko. “Kuya mo talaga siya?”

“Opo”

Na agad ding sinagot ng isang host ng, “Kuya pala eh. Kaya akin na lang to!!!” Sabay din pananatsign kay kuya Andrei at inilingkis pa ang kamay sa beywang.

Ngunit nagtanog pa ang host. “Woi… aminin! Hindi ganyan ang hawakan ng kamay ng magkuya” turo niya sa paghawak ko pa rin ng kamay ni kuy Andrei”

Syempre, namula ang aking mukha. Hindi ko kasi pinakawalan ang kamay ni kuya Andrei. Natakot kasi ako, kinakabahan. “Kuya ko nga po siya.”

“Kuya-kuyahan?”

“Totoong kuya po.”

“O sya… kung hindi kayo magjowa, akin ka na lang!” sabay naman kurot sa pisngi. “ang cuuuuute!”

“Ateng, maakasuhan ka ng corruption of minors niyan! Underage pa iyan!” sambit naman ng kanyang kasama. “Dito tayo kay kuya! Safe tayo!”

Napahinto, pinagmasdan nilang maigi ang postura ni kuya. “Hmmm! Ang ganda ng katawan ni kuya ha!” dugtong niya.

Si kuya Andrei naman ang kanilang pinagtripan. At hinipo-hipo pa talaga ang kanyang dibdib, iyon bang hipong parang nanunukso, nagnanasa, at nang-iinggit sa mga audience.

Tawa lang nang tawa si kuya. Ang mga tao naman ay kinilig, naghiyawan, nagsisipulan.

“Gusto nyo bang makita ang dibdib ni kuya Andrei?” tanong ng host sa audience.

Tawanan uli, at lalong naghiyawan pa ang mga kababaihan at mga bakla. “Oo!”

“As in gusto niyo talaga?”

“Gustong-gusto!”

“Hindi ko kayo marinig! Lakasan niyo pa at sabayan ng pagtaas ng mga kamay! Gusto niyo bang makita ang kanyang dibdib?”

At lalo pang lumakas ang sigaw at hiyawan. “Gustooooooooo!!!”

“Wala bang magrereklamo?”

“Wala!!!” sigaw ng mga tao.

“Wala bang mga underage?”

“Wala!!!” sigaw uli nila.

“Wala bang mga madre dito?”

“Wala!”

“O hayan ha…” lingon kay kuya Andrei. “Maghugas na ako ng kamay. Mga tao na ang nagsabi na ipako ka namin sa krus at huhubaran!” at hinawakan niya ang dulo ng t-shirt ni kuya at mataray na nagsalita. “O sya, hubarin mo na, dali…”

At hinubad din ni kuya Andrei ang kanyang t-shirt. Tahimik ang lahat.

At noong lumantad na ang balbon at matipunong dibdib, ang malalaking mga bisig ni kuya Andrei, doon na naghiyawan uli ang mga tao.

At pati ang mga hosts ay nagbibirong kunyari ay himatayin at sa katawan ni kuya Andrei sila natumba na sinalo naman ng mga bisig ni kuya. At ang isang host naman ay ipinaypay pa ang kamay niya sa kanyang mukha pahiwatig na nag-init siya habang pabiro namang hinarangan ako upang malayo sa kanila. “Oh my God! Oh my Gooooddddd!!!” ang sigaw niya ang mga daliri sa isang kamay ay iginagapang-gapang niya sa abs ni kuya Andrei.

Tawanan ang mga tao.

Maya-maya, lumingon sa akin ang isang host, “Woi pahubarin na rin natin si bunso. Mukhang yummy rin! Mukha pa lang, ulam na!”

Na sinagot naman ng isa na, “Anong yummy? Maawa ka naman! Kalalabas lang niyan sa ospital!” At baling sa akin, “Sigurado ka bang alam ng duktor mo na lumabas ka na ng ospital?”

Tumawa lang ako. Med’yo slim kasi ako kung kaya siguro ng ganoon.

“Huwag kang tumawa. Maseselang bagay ang usapang pangkalusugan.”

Tumawa pa rin ako. Iyon bang pigil.

“O sya… alam ng duktor mo na nandito ka. At dahil hindi kalakihan ang iyong dibdib, hindi kami interesado d’yan. Pantalon mo na lang ang hubarin mo, baka sakaling d’yan, magkainteres pa kami.”

Tawanan. Palakpakan. Tawa lang din nang tawa si kuya. Game na game na nakatayo habang may iba pang kumukuha ng litrato sa kanya.

“O ano… gusto niyo bang hubarin natin ang pantalon ni Andrei?” tanong uli ng host.

Sigawan uli ang mga audience. “Hubad! Hubad! Hubad!”

Na siya namang biglang pgbawi ng host. “Huwag na! Gusto ninyo bang huling show na lang ito ng bar? Huwag na.”

Tawanan.

“Tama nang nakahubad siya sa kanyang t-shirt. Iyong hubaran ng underwear, kami na lang ang dapat nakakakita noon!” dugtong din ng isang host.

Tawanan uli.

Nag-duet kami ni kuya Andrei sa aming kanta. Nanatiling nakahubad siya akbay-akbay ako habang hindi ako bumitiw sa paglilingkis ko ng aking kamay sa kanyang beywang.

Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face

Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home…

Bababa na sana kami sa entablado noong tinawag kami uli ng host. “Sandali lang Andrei, Alvin!”

Napahinto kami.

“Ang sweet-sweet kasi ninyong tingnan at ang cute-cute pa habang kumakanta kayo. Parang with feelings kayong kumanta. Touched ako talaga, prang gusto kong umiyak. Bakit iyan ang kantang pinili ninyo?” tanong iya.

Bumalik kami sa entablado at hinawakan ni kuya Andrei ang mikropono. “Nagkalayo kasi kami nitong nag-iisang utol ko for 8 years at ngayon lang uli kami nagkasama. At ang kanta na iyan ang iniwanan kong kanta sa kanya bago ako umalis… Seven years old pa lang ito noon at ako naman ay 15. Tingnan mo naman ngayon, ang laki-laki na…” sabay tawa.

“Ay ka sweet naman… Nakaka-touch ang kuwento!” at lingon sa audience, “Mga kaibigan, palakpakan po natin ang mag-utol na ngayon lang nagtagpong muli – Andrei at Alvin!”

Nagpalakpakan ang mga tao...

Isa iyon sa mga memorableng insedenteng namin sa San Pedro City.

Bumalik kami sa aming suite ni kuya. Hapong-hapo at nalasing ako sa aming lakad. Ganoon din si kuya, med’yo lasing na rin. At imbes na sa kama ko, sa kama ni kuya ako humiga, tumabi ako sa kanya…

Naka-brief lang siya. Ang huli kong naalala ay ang paglingkis niya ng kanyang braso sa aking katawan, ang pagdantay ng kanyang paa sa ibabaw ng aking tiyan. Iyon ang ayos namin na natandaan ko bago kami nakatulog.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulog pa rin si kuya. Nakatihaya siya, ang isang braso niya ay pinatungan ng aking ulo samantalang ang isa ay nakapatong naman sa kanyang noo. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Larawan ng isang Adonis. Isang napakaguwapong nilalang.

Hinawi ko ang kumot na nagtakip sa aming katawan. Napabuntong hininga ako sa nakabibighaning ganda ng hubog ng kanyang katawan. Kahit kailan, hindi ako puwedng magsawaang pagmasdan ang ganda nito.

Ibinaba ko pa ang aking paningin sa kanyang harapan. Malaki ang bukol na bumakat dito. Kitang-kita ko pa ang nakarihis na hugis ng bukol sa ilalim ng kanyang puting brief. Mistulang nagpupumipiglas ito, nanunukso, nagpumilit na makawala.

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Hinaplos ng aking kamay ang kanyang dibdib. Pababa… sa kanyang tiyan, sa kanyang pusod…

“Uhmmmmm!” ang ungol niya noong dinukot ko na ang kanyang matigas na pagkalalaki at hinawakan iyon. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Inunat niya ang kanyang katawan na tila lalo pang nagpalaki sa kanyang pagkalalaki sa ilalim ng aking kamay. Noong idinantay ko ang aking bibig sa bibig niya, kusa rin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hinayaan niya lang ako sa aking ginagawa.

Sa umagang iyon, tanging mga ungol namin ang bumalot sa katahimikan ng kuartong iyon.

Pagkatapos, nagbihis kami at dinala niya ako sa gym. Tinuruan kung anong mga exercises ang para sa biceps, triceps, sa chest, abs, at sa hita. Gusto rin daw niya akong mag-work out para may porma ang katawan ko at physically fit lagi. “Kahit dumbbells lang tol… at sabayan mo ng push ups at sit-ups araw-araw, solved ka na.” ang payo niya.

Alas 8:00 ng umaga, galing sa gym, sa terrace kami kumain ng agahan. Naligo kami pagkatapos at nagpahinga ng kaunti. Noong nakapagpahinga na, bumaba kami at nagpunta sa beach. Doon na nagamit ang binili niyang swimming trunks para sa aming dalawa. At sa nakit kong suot niya, hindi maiwasang hindi ako mapahanga nang labis sa kanyang porma. Hunk na hunk. Parang isa siya sa mga life-savers ng isang sikat na TV show na ang kuwento ay umiikot sa mga kaganapan sa beach.

Sumakay kami sa banana ride, sa de padyak na inflatable na hindi ko alam ang pangalan, sumakay din kami sa water jet. Ang saya!

Nagpahinga kami noon sa ilalim ng de-kulay na shade, sa mahabang upuang puwedeng higaan noong may dalawang babaeng lumapit. Nakabikini lang din sila, at ang se-sexy, mga nasa edad 18 ang isa at ang isa naman ay nasa 23 lang din at may lahing puti.

“Hi!” ang pag-greet nila sa amin.

“Hi!” ang sagot din ni kuya.

“Kayo iyong mag-utol sa comedy bar kagabi, right?” tanong ng isa.

“Yeah, we are.”

“Nice to see you here. My name is Jenny” at baling sa kanyang kasama, “…and this one is Anne my cousin” inabot ang kanilang kamay.

Tinanggap ni kuya ang pakipagkamay nila. “I’m Andrei and this one…” turo sa akin “is Alvin.”

Tinanggap ko na rin noong iniabot nila ang mga kamay nila sa akin.

“Nice to meet you, Alvin!” ang sambit noong mas bata.

“Nice to meet you too!” ang sabi ko rin. Bagamat sa isip ko rin ay, “Wow… Englisera!”

“Hey… can we invite you over to a party tonight?”

“Party? Where?” sagot ni kuya.

“In this resort. Beach party? They do it every Saturday and Sunday!”

Nilingon ako ni kuya Andre. Ngunit umiling-iling ako.

“Sorry. We’re leaving tonight…” ang alibi ni kuya.

“Ouch… sad.”

“Don’t worry. Next time...”

“You guys are coming back?”

“Maybe… first weekend of next month.” Sagot ni kuya Andrei.

“Ok then… we’ll see you!” at sabay tayo at umalis, kumaway.

“Bye…” sambit namin ni kuya.

Noon gnasa malayo na sila, tiningnan ako ni kuya Andrei. “A-ayaw mo ba talaga sa babae tol…?

Para naman akong binatukan sa tanong niyang iyon. “Hindi naman sa ayaw kuya… syempre, kasama kita, gusto kong bonding lang natin…”

“Ah, ganoon ba? Ok, I got your attention, you got mine.” Ang pabirong sabi.

“Dumating lang iyong dalawang Canadian, English spokening ka na!”

Tawanan.

“B-bakit ikaw kuya? Gusto mo ng babae?”

“Sino bang lalaki ang hindi magkagusto sa isang magandang babae, di ba? Pero sa sinabi mo nga, bonding lang tayo. Sino ba sila kumpara sa utol ko?” sagot niya sabay kurot sa pisngi ko.

Napangiti naman ako. Natuwa sa sagot niya bagamat may lungkot din dahil sa nakumpirma kong babae talaga ang gusto niya.

Pagkatapos namin sa beach, naglunch kami sa dining area ng hotel na bahagi ng lobby at pagkatapos, nagpahinga muli sandali sa aming kuwarto.

Mag-aalas-tres ng hapon noong nagyaya na naman siya na lumabas. Punta tayo sa mall tol. Ma-shopping tayo para pasalubong natin sa inay at itay at pagkatapos, manuod ng sine.

Nagshopping muna kami. Pumili kami ng mga damit ni inay, pambahay, pansimba at lakad. Bumili rin siya ng sandal. May binili rin siya para kay itay, ilang pantalon, t-shirt at iilang pansimbang damit din. Bumili rin siya ng mga pasalubong na pagkain, de lata, at mga sweets. Kumain na rin kami ng hapunan sa isang restaurant sa loob ng mall.

“Ano ang panoorin natin? Ang tanong niya noong natapos na kami sa pagkain.

“Hindi ko alam.” sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung alin doon ang talagang maganda at hindi ko rin alam kung paano ang pumasok ng sinehan. Sa lungsod kasi namin wala namang sinehan. Mayroon dati noong hindi pa nauso ang mga dvd at vcd. “I-ikaw na ang bahala kuya…” ang sabi ko na lang.

At pumili siya ng pelikula. Pinili niya ang “The Transformers”. “Hayan tol… maganda ito. Hindi mo pa ba nakita ito?”

“Hindi eh...”

“O sya, maganda ito.”

Bumili siya ng ticket at noong papasok na kami, “A-alam mo kuya… di pa ako nakapanood ng sine.”

Nginitian niya ako. “Di maganda, sa akin ka naunang nakapanood nito...”

Natawa ako. Syempre, natuwa. Gusto ko sanang sabihing, “Ikaw rin nga ang first time ko sa sex kuya...” Ngunit nahiya na ako.

Noong nasa loob na kami, “Ang dilim kuya! At ang ginaw!”

Tumawa siya. “Huwag kang maingay, baka madapa tayo.”

Noong makaupo na kami, Ewan. Feeling heaven talaga ako. Habang abala siya sa panonood ng pelikula, isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang ang isa kong kamay ay nakalingkis sa kanyang beywang. At habang nakatutok ang mga mata niya sa palabas, dahan-dahan din niyang inilingkis ang kanyang braso sa aking katawan.

Mistula kaming magsing-irog sa aming postura. Ang saya-saya ko na parang gusto kong umiyak. Iyon bang pakiramdam na matinding saya na na pinapahalagahan ka ng taong mahal mo.

Ang totoo, halos hindi na nakafocus ang concentration ko sa palabas. Nakatutok na lang ang aking isip sa sarap ng pagyakap niya sa akin.

Inaninag ng aking mga mata ang kanyang harapan. Noong maitutok ko na ang aking mga mata dito, gumapang naman sa aking katawan ang matinding pagnanasa. Alam ko na sa ilalim ng kanyang maong na pantalon, nandoon nakatago ang kanyang pagkalalaki.

At maya-maya nga lang, hinawakan niya ang aking isang kamay at idiniin sa kanyang harapan. Napatingin ako sa kanya.

Tiningnan niya ako at tumango siya.

“G-gagawin ko kuya? D-dito?” sambit ko.

“Haplos-haplusin mo lang. Sa hotel, may isang bagay akong ituturo sa iyo.” Sambit niya.

Para akong kinabahan sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano na naman ang ituturo niya bagamat may excitement din itong dala sa akin.

Pasimpleng, binuksan ko ang zipper ng kanyang pantalon at pilit na isiningit ko sa ilalim ng kanyang pantalon ang aking kamay.

Habang ginagawa ko ang pasimpleng paghahaplos sa kanyang harapan, ang mga mata namin ay nakatutok sa palabas, pasimple ring pinisil-pisil ng kanyang kamay na nakaakbay sa aking balikat ang aking balat...

(Itutuloy)

23 comments:

  1. Ang ganda rin ng kwentong toh...

    ReplyDelete
  2. Yahoo first ako thanks sa reply mo s comments ko Ka Mike s previous chapter.

    ReplyDelete
  3. nakakakilig naman masyado...haisssst pag iubig nga naman..

    ReplyDelete
  4. tsk, gagawa ng quickie ang dalawa sa sinehan, kaloka, nakakarelate somehow ^_^

    ReplyDelete
  5. next chapter pls... ganda. tnx

    -jc

    ReplyDelete
  6. elo kuya Mike...isa nga pala ako sa mga silent reader mo...first time ko lang magpost ng comment dito...grabe! sobra akong nagandahan sa kwentong ito...kaya lagi kong inaabangan...pero kuya Mike...sana maging happy ending ang kwentong ito..i know it's too early to say...parang meron lang kasi akong nasi-sense sa dalawang bida...it's either merong mawawala isa sa kanila sa bandang huli...wag naman po sana...! lagi ko po etong aabangan...Ingat po palagi kau...God bless po...

    ReplyDelete
  7. elo kuya mike...isa po ako sa mga silent reader mo...first time ko po magpost ng comment dito...sobra po kasi akong nagandahan sa storing ito...lagi ko po itong inaabangan ...sana po kuya mike maging happy ending ang story ito...i know it's too early to say..pero parang meron lang po akong nasi-sense sa dalawang bida...parang merong mawawala either one of them sa bandang huli..sana wag naman po...! pakakaabangan ko lagi ito...ingat po kau kuya mike...God bless po...

    ReplyDelete
  8. wew.... may god nakakabitin naman po sir mike... ang ganda ng kwento... may god... booom talaga to.. promiz.......... jejejej.. aabangan ko talaga to hanggang sa matapos tong kwento na to... keep it up po sir mike..........

    ReplyDelete
  9. Naawa ako kay alvin kasi ung pagtingin nya sa kanyang kuya andrei ay iba sa ininisip nito. Hindi pagtingin ng isang mag irog ang tingin sa kanya kundi isang nakakabatang kapatid lang na pinagbibigyan kung ano ang gusto nito. Dapat matauhan na agad si alvin bago pa mahuli ang lahat. Feeling ko engaged or married na si andrei e. Feeling ko walang happy ending sa story na ito. So sad isipin...

    Queckenstedt

    ReplyDelete
    Replies
    1. mmm feel ko rin queckenstedt.. kasi dba nong dumating yong kuya nya may napansin xang sing2x sa kamay ng kuya nya.. tapos d pa nya natanong sa kuya nya... nakakaawa talaga c alvin sana naman hindi engaged yong kuya niya... cguro pag ako c alvin magpapakamatay nalang cguro ko.. hay naku...

      Delete
  10. Ay sir Mike si GAZEBO, Canlubang po ito... Nag comment ako para di mo masabi basa lng ako ng basa dito.
    Sarap basahin... Kudos sir Mike

    ReplyDelete
    Replies
    1. gazeeeeeeebbbbbbbooooooooooooooooooooooo!!! At ang kantahan sa may hardin, hehehe. imbitahin natin si Capt. Andre doon minsan lol!

      Delete
    2. Cge si Capt. Andrei invite natin sa Gazebo. ulitin natin ang kantahan lalasingin ko sya at hihilahin sa kwarto ko hehehe... Jojie wag kang aalma ha.

      Delete
    3. cge po Sir Mike ulitin natin ang kantahan sa GAzebo lalasingin ko si Capt Andrei at hihilahin ko sya sa Room ko hehehe Jojie walang basagan ng trip ha

      Delete
  11. magkahalong kilig at saya ang naramdaman ko sa chapter na to. Siguro nga engage na si Andre at pansin ko parang andami yata ng pera nya. Sangkot ba sya drugs lol =dereck=

    ReplyDelete
  12. hmmm, parang tama c anonymous at vinz_uan sa kanilang observation. he he he. pag nagkataon wawa aman c ALVIN.

    ReplyDelete
  13. ...dami libog sa chapter na to..hehe..
    whatever ds stori goes, sana hnd sad ending mr.great author ha..
    salamat po..

    AtSea

    ReplyDelete
  14. magagalit ako pag sad ang ending nito! feel ko parang may mala sa pangyayari!. nakakakilig nga pero hindi mo maiwasang mag isip ng kung ano! lalo na na kaatid lang talaga ang turing ni andrei kay alvin! next na idol!! :D! excited nanaman ako! namiss ko to! sana mayroon na ding "AnglalakiSaBurol!' :]

    ReplyDelete
  15. haha..ang daming sweet moments!at pati na rin ung ibang klaseng moments!haha...
    pero bkit nga kya me singsing na si andrei??hhmmm...

    -monty

    ReplyDelete
  16. Sir Mike, kailan po kaya marerelease ang book na ito? I can't wait to grab a copy of your new already. Sana po pati ang "Tol I Love You" at ang "Ang Kuya Ko at Ang Chatmate Ko" ay mailimbag na. Salamat po!

    ReplyDelete
  17. ang lupit ng bonding,hanep wagas talaga,...layo na!!
    thanks po...


















    ReplyDelete
  18. Gusto ko sanang mabasa nag kasunod nito eh.....pero tapos na akong bumasa sa kasunod nito mas na una ko kasing nabasa ang kasunod nito bago ko nabasa ito....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails