Followers

Saturday, August 18, 2012

Multi [Chapter 2]

Multi [Chapter 2]: Get to know me.


Ako nga pala si Tee. Tee Champoonak. Yes, I know, unusual ang apelyido ko para sa isang pinoy. Filipino-Hispanic-Thai kasi ako. Nanay ko, Filipino-Spanish, ang tatay ko naman, Filipino-Thai. Pinanganak ako sa Chiangmai, Thailand, pero lumaki na dito sa pilipinas. Kahit na ganun ka-kumplikado ang lahi ko, pinoy ako. Sa lahat-lahat.

Labing-walong taong gulang na ako, kasulukuyang nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad dito sa pilipinas. May kaya naman kasi ang pamilya ko. Nakapag-aral kasi ng maayos ang mga magulang ko sa isa ding sikat na unibersidad sa Thailand kung saan sila nagkakilala at nag-ibigan.
May-ari ng isang construction company ang aking tatay, at ang nanay ko naman ay may isang agency ng mga cosmetics.

Ang sabi nila, gwapo daw ako. Nakakatawa mang aminin, pero totoo. Magagandang lahi ba naman ang nasa dugo ko, hindi pa ba ganun ang kalalabasan? Medium-built lang ang pangangatawan, hindi masyadong payat, hindi naman masyadong buff, katamtaman lang para sa edad ko. Ang pinaka-asset ko daw sa mukha ko ay ang mga mapupungay kong mga mata, chinito eh.

Hazel-eyed, makakapal ang kilay, medyo matangos ang ilong, makinis ang mukha, at mga labing katamtaman lang ang kapal; kissable ba. Hindi naman sa pagmamayabang, pero habulin ako ng mga babae, isama mo na din ang mga bakla. Minsan, lalaki din. Yan si Tee, yan ang mga katangian ko.

Kung nagtataka kayo kung paano ko nasagot ang tanong ni Tavu, isa akong Multilingual. Ewan ko ba, pero simula nung bata ako, naging hobby ko na ang pag-aaral ng ibang wika. Para kapag kailangan ko, magagamit ko siya; yan ang ideyolohiya ko sa pag-aaral ng ibang wika. Sa ngayon, nakakapagsalita ako ng 8 wika; Filipino, Spanish, Thai, Catalan, English, Chinese, French, at Russian.

At kasalukuyan akong nag-aaral ng Swedish. JAG ALSKAR DIG. Yung iba, self-taught, yung iba, school-taught, yung ibang wika naman, tinuro sakin ng mga lola't lola ko.
Weird, pero pamilya kami ng mga multilingual. Multiracial ang pamilya ko, kaya di malayong multilingual kami.

Well, masaya ang maging isang Multilingual. Maganda sa loob kapag nakakakilala ka ng isang taong marunong din magsalita ng wikang alam mo. Nagiging interesante ang pag-uusap. Paano ko alam? Madami na akong na-encounter na ganito.

Yung iba, na-meet ko sa airport. Itinerant ako, ibig sabihin, madalas akong bumiyahe sa mga malalayong lugar, o bansa. Yung iba naman, tourist dito sa Pilipinas. Nagtatanong kung saan ang ganito, saan ang ganyan, paano ang ganito, paano ang ganyan. At since foreigners nga at yung iba hirap mag-Ingles, nakakausap ko sila sa wika nila kung alam ko.

Yung iba naman, sadyang citizens ng mga bansang napupuntahan ko. Ako ang nagtatanong sa kanila ng mga ganito-ganyan sa wikang alam naming dalawa. Masarap sa pakiramdam, masaya, magaan sa loob.

Naaalala ko pa, ganun kami nagkakilala ni Jenny, ang girlfriend ko. Filipino-French si Jen, pinanganak siya sa France, at dun na din siya lumaki. Pinay ang nanay niya, ang tatay niya naman, French. Lumipat sila dito sa Pilipinas sa kagustuhan din ng mga magulang niya. Gusto nila siyang ma-experience ang buhay sa pilipinas, ang kultura, ang makisalamuha sa mga pinoy, at makilala ang kaniyang mga kamag-anak dito.

15 years old palang siya noong una silang nakarating dito sa Pilipinas. Dahil maganda at almost-perfect, pinagkakaguluhan siya sa school. Silent-type si Jen, mabait, medyo anti-social, pero siguro dahil lang yun sa bago siya sa school at wala pang masyadong kaibigan.

Isang araw, lunch time sa school, nakita ko siyang papalapit sa table naming magbabarkada, nagtataka ako kung bakit. Kasi kadalasan, mag-isa siya, o magkasama sila ng bago niyang mga kaibigan.

"Hi!" ang masigasig na bati ni Jen sa akin nang makarating na siya at mapapansin mo ang French accent niya. Nakangiti siya. Lutang ang kagandahan. Sa pagbating iyon ni Jen, napuno ng kantsawan ang umpukan ng grupo namin. Puro "Swerte mo boy!" o kaya naman "Wow Tee hah, pati ba naman siya? Ibalato mo nalang sakin yan!" Alam ko kasing may gusto silang lahat kay Jen, sino ba naman ang hindi? Napapangiti nalang ako.

"You're French, right?" ang naitanong ko din matapos tumawa sa mga kantsaw ng mga barkada ko. Tumango lang si Jen, tapos ngumiti.

"Comment allez-vous?" ang sabi ko nang nakangiting magiliw. Kitang-kita naman sa mukha niya ang pagkagulat at saya. Yun bang, nakanganga ka tapos nanlalaki ang mata. Hindi niya pa siguro alam na Multilingual ako.

Halos lahat kasi sa school namin noon, alam na multilingual ako. Sino ba namang hindi, palaging ako ang inaassign ng mga lokong teachers ko kapag may mga foreigners na dadating sa school namin para maging speaker at translator. Kadalasan mga Chinese at French ang dumadalaw sa school namin, kaya ayun, laging ako ang toka.

"Oui, je parle francais," at sa pagkakarinig niyan 'yun, dali-dali siyang naupo sa tabi ko. Ang saya niya pala kausap. Napag-usapan namin ang buhay niya sa France, ang pag-aaral niya, ang politika, yung mga ganung bagay, kahit walang kakwenta-kwenta. French ang usapan namin, kaya kita mo sa mukha ng mga barkada ko ang pagkalito at pilit na iniintindi ang pinag-uusapan namin kahit wala naman silang kaide-ideya sa mga pinagsasabi namin. Kung magtatawanan kami ni Jen, makiki-tawa na lang sila nang hindi man lang alam ang dahilan ng pagtawa namin, at kapag ganun sila, nagtitinginan nalang kami ni Jen at tatawa lalo sa inaasta ng mga kaibigan namin.

Yun din naman kasi ang kagandahan sa mga kaibigan ko, kahit alam mong may mga kaya sa buhay at may marangyang kalagayan, normal na tao pa din sila. Hindi mayabang, hindi isnab, kalog lang. Hindi nila ipinapakita sa tao kung gaano sila kayaman, simple lang.

Minsan magugulat nalang ang mga ibang tao kapag nalalamang mga anak pala kami ng mga may-ari ng mga kumpanya. Kung manamit kasi kami, simple lang, walang alahas, pwera sa relo namin, minsan kapag gumigimik kami, gusut-gusot pa ang damit namin.

Natatawa nalang kami sa mga reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila kaming bumababa sa mga magagara naming sasakyan nang ganoon ang postura.

Simula nung araw na 'yun, hindi na kami mapaghiwalay ni Jen. Ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya. Model pala siya sa France, kahit 15 pa lamang daw, sikat na siya sa mga ads doon. Hindi naman na kataka-taka yun, sa ganda kaya ni Jen. At nun ko din nalaman ang buo niyang pangalan. Nakakatawa, kasi kahit alam ko nang mag-French, nabubulol pa din ako. Wala naman kasi akong French accent tulad niya na kahit mag-rap, tuluy-tuloy lang. Buo niyang pangalan? Jennylyn Franceser Valois-zeque. [Je•neh•lyn Fhran•zes' Vah•lwah•zeh•kah']

Nalaman ko din na hindi pa pala siya nagkakaroon ng boyfriend. Madami daw nanliligaw sa kanya, pero wala pa daw siyang sinasagot. Hindi naman daw niya kasi tipo ang mga nanliligaw sa kanya. Ang gusto daw niya sa isang lalaki, ay yung nakakausap niya nang walang katapusan, kahit pa walang kakwenta-kwenta ang topic, gusto niya sa lalaking simple, hindi hambog, matalino, at bonus nalang ang itsura.

Kung may sasagutin man daw siyang lalaki, sisiguraduhin niyang magtatagal ang relasyon nila at mahal nila ang isa't isa para kapag dumating ang araw na maghiwalay sila, na huwag naman daw sana, at wala silang pagsisisihan sa huli at na-enjoy ang mga oras na magkasama.

Sa set-up naming ganun ni Jen, madaming haka-haka na kami na daw. Hindi po. Hindi...... pa.

Lumipas ang mga araw, at napagtanto ko nalang na in-love na ako kay Jen. Nandito yung masaya ako kapag kausap ko siya, kinakabahan kapag nagtitigan kami, mga ganun. And I knew I was in love. Perhaps, deeply in love.

Kaya isang araw, nag-lakas loob akong sabihin kay Jen ang nararamdaman ko. "Bahala na, kung gusto niya din ako, tatanungin ko siya kung pwede bang maging kami, pero kung hindi naman, kahit masakit, tatanggapin ko nalang," sabi ko sa isip ko.

Dumating na din kasi ako sa punto na hindi ko na kayang sarilihin pa 'tong nararamdaman ko. Kaya ayun, nagtapat ako, at tinanong ko siya kung gusto niya din ba ako. Sagot niya? OO DAW! Napakasaya ko nung nalaman ko yun, sobrang saya.

"So, will you go out with me?" ang tanong ko nang nanginginig pa dahil sa kaba.

"Ang bilis ah?" sabi niya sabay tawa, "Aren't you even gonna court me?" Ah, oo nga pala, tinuturuan ko na siyang magtagalog. Dalawa kami ng mama niya na nagsisilbing tutor niya sa tagalog. Magandang bonding din yun sa amin kasi palagi akong natatawa kapag bumabanggit siya ng mga salitang tagalog sa french accent niya. Ang cute lang.

"What for?" tanong ko, puzzled. Tapos bigla kong naalala na ayaw niya ng mga lalaking easy-to-go, yung mga tipong padalos-dalos, gusto niya yung mga lalaking masikap at pinagtiya-tiayagaan ang mga bagay-bagay. Dali-dali ko ding binawi ang tanong ko sabay sabing, "Just playing, cutie."

At simula nang manligaw ako sa kanya, naging masaya ako. Naging mas inspired akong mag-aral, mabuhay. Parang siya yung nagsilbing puso ko, na taga-pump ng dugo para mabuhay ako.

Di din nagtagal, sinagot ako ni Jen. Yun na yata ang pinaka-masayang araw ng buhay ko.

Sa mga araw na pagiging mag-syota namin ni Jen, mas nakilala pa namin ang isa't isa. Alam na namin ang kahinaan ng isa't isa, mga lakas, mga turn-offs at turn-ons, pangarap sa buhay, kahit yata nunal ng isa't isa alam na namin kung saan ang eksaktong lokasyon. Ganun kami magpahalaga ni Jen sa relasyon namin, palaging nagku-kwentuhan kahit walang kakwenta-kwenta ang topic, kung kamusta ang araw namin sa school, palagi ko na din siyang tinuturuang mag-tagalog at unti-unti na siyang nagiging fluent dito, at kilala na din naman ang mga pamilya ng isa't isa.

Botong-boto ang pamilya namin sa relasyon namin, sa side ko, gustung-gusto ng pamilya ko si Jen. Bukod kasi sa maganda siya and whatnot, multiracial din siya, tulad ng pamilya ko.

Halos maga-apat na buwan na din simula nung maging kami ni Jen, masaya kami sa set-up namin, sobra. Palagi kaming nakangiti, walang masyadong away. May selosan, kasi sa gwapo ko at sa ganda ni Jen, di kataka-katakang madaming umaaligid sa amin.

Merong mga talagang nagbibigay kay Jen ng flowers, chocolates, and such na kapag kami nalang ang magkasama, tatawanan niya at itatapon niya o kaya ibibigay niya sa simbahan at mga pulubi, tapos biglang magsasabi, "Do they not have any idea how much I love Mr. Champoonak? I love him so much to accept all these fancy stuffs." At syempre, yayakapin ko nalang siya at magsasabing, "I love you, baba." Oo nga pala, "Baba" in Hindi, means the endearment "Baby," may konti akong nalalamang Hindi.

Sa akin naman, may mga babaeng humihingi ng numbers ko. Ang nakakatawa pa, kahit nakikita na nila kaming magka-holding hands ni Jen, may lakas ng loob pa silang lumapit sa akin para itanong ang number ko. At kapag ganun, tinitingnan ko muna si Jen at tumatango lang ito, at ibibigay ko na ang number ko sa kanila.

Dahil na din gentleman ako at pinalaki ng mga magulang kong wag bastusin ang mga babae, kaya ko naibigay ang hiling nilang makuha ang number ko. Hindi naman big deal yun kay Jen, kasi kapag bored yan at may topak, kukunin niya ang cellphone ko at rereply-an nalang ang mga babaeng yun. Random things pa. Baliw yun eh. Yung mga tipong "Wassup nigga?" ang mga reply niya. Tatawa nalang ako.

Pero sadya yata talagang mapaglaro ang tadhana, ika nga nila, "Tides always have to turn, or perhaps, ebb." 6th Monthsary namin ni Jen yun, niyaya ko siyang mag-dinner kami pagtapos ng school namin sa isang restaurant sa SM. Dahil wala naman kaming masyadong homework at hindi naman nakapag-celebrate ng last monthsary namin, pumayag siya.

Nagpa-reserve talaga ako ng seat para sa aming dalawa. Maganda ang ambiance ng restaurant na 'yun, magaganda ang ilaw, may mga mellow music, at ang table namin, may candle sa gitna at may bouquet ako para sa kanya. Napaka-romantic. Yun ang pinaka-unang okasyon sa buhay ko na pinaghandaan ko talaga, na puno ng effort. At masaya naman ako kasi naappreciate ni Jen yun.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pagku-kwentuhan nang may lumapit sa table namin. Lalaki. Naka-formal attire siya na akala mo pupunta sa isang ball.

"Hi, excuse me, I am Mr. Voran from Corpoler Modeling Agency," ang pagsimula niya na halatang makikipag-usap sa aming dalawa dahil papalit-palit ang titig niya kay Jen at sa akin.

"I just wanna ask if both of you are interested in becoming my models?" sabi niya nang nakangiti. Halata sa mukha niya ang saya at excitement sa pagkakita sa amin. Ewan ko din ba, siguro magiging maganda asset kami ng agency niya dahil nga sa may itsura kaming dalawa ni Jen.

"Ahhh.. ehhh.." ang nasabi nalang naming dalawa ni Jen. Hindi naman kasi naman inaasahan 'to eh. Bigla-bigla ka nalang susulpot sa date namin, kuya?

"It's ok, you guys don't need to answer it right now," sabi niya sabay kuha ng dalawang calling cards at ibinigay ito sa amin, "just call me if you guys are interested. I'm expecting to receive a call from you guys, preferably tomorrow or next day." Yun lang, pagkasabi niya nun, kinamayan niya kaming dalawa ni Jen at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Jen matapos umalis nung lalaki. Natatawa nalang kami sa inasal nung lalaki, demanding eh. Pero naging seryoso si Jen na nakatingin sa akin. Alam ko na kung bakit.

"Baba, yes, you can, in fact, you should call him tomorrow and let him know about your decision. You should go for it. Wag mong palampasin ang pagkakataon. Ajam je t'aime, ma cherie." Sabi ko sabay ngiti. Naikwento kasi sa akin ni Jen na gusto niya daw mag-model ulit pero magiging busy na daw ang schedule niya kung magkaganun, at minsan na lang kami magkikita.

"How about you, baba?"

"Don't worry about me. Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi ko pangarap ang maging isang model?" sabi ko sabay ngiti, at sumubo ng pagkain. Dun na ngumiti sa Jen, tumayo sa kanyang upuan, niyakap ako, sabay sabing, "Je t'aime, baba."

At kinabukasan nga nun, tinawagan ni Jen si Mr. Voran. Tuwang-tuwa daw siya at magiging parte ng kanyang team si Jen, at sinabi ko na din sa kanya na hindi ako interesado. Sayang daw, gwapo pa naman ako at may future sa pagmomodel. Yun din ang sinasabi ng ibang tao, pero wala talaga akong balak mag-model.

Simula nang mag-model si Jen, dun na nagkatotoo ang mga sinabi niya; nawalan na siya ng time para sa amin at dun na din nagsimula ang bangungot ng pag-ibig ko.



Itutuloy....

4 comments:

  1. Interesting. :-)
    I think you should put an english translation after every foreign word or phrase. We're not all multililingual here. Lol

    ReplyDelete
  2. ito yung kwento na pag iyong binasa, eh amiinis ka kasi, maraming katanungang sumisiksik sa iyong isipan. Bakit ganito? bakit ganun?, at kung anu ano pangkatanungan tulad ng: AMPON KA NGA EH! ANO TONG IPINANGANGALANDAKAN MONG GANDA NG IYONG LAHI, NA MOTHER AT FATHER SIDE MO EH DI MO NAMAN SILA TUNAY NA MAGULANG. aT ANO TUNG DRAMA MO NG IPINAGTAPAT SA IYO NA AMPON KA! YUNG MAGULANG MO ANG HUMAGULGOL! ANONG DRAMA NILA? KALOKA TALAGA! Tigil ko na nga ang pagbasa... maiinis lang ako!

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails