Kamusta po sa lahat? ^_^
Una po sa lahat ay gusto ko pa ring magpasalamat sa lahat lahat lahat ng sumuporta sa Book 2 na ito. At tulad ng sinabi ko sa karamihan ng nakabasa sa ating page sa fb, ay may surpresa po ako sa inyong lahat. Pero sa ngayon, ay bibitinin ko po muna kayo. Mahahanap nyo po ang surprise as you read the story. ^_^
Pangalawa, gusto ko lang po iplug ang story ng aking butihing kaibigan na si Arnold Lachica, a.k.a iamDaRKDReameR, at ang story nya na "Nilimot na Pag-ibig" at ang story din po ni John Marc Magcawas na "Walang Iba". You can find it in my blog po. dark_ken stories
Another thing, may nanghihingi lang po ng favor sakin na kung pwede i-like ang photo na ito dahil kasali sa isang contest. Maraming salamat po. facebook photo
Pangatlo, gusto ko lang po pasalamat ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
Ayan, humaba na talaga nanaman ang Author's Note ko. Pasensya na po ha. Oh, sya, ito na po ang next chapter. Enjoy!!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng makarinig ako ng kaluskos at mga yapak. Agad akong napa upo at nakita kung kanino nanggagaling ang mga yapak na yun.
Napabuntong hininga ako…
“Ikaw…”, sigaw ng utak ko.
“Pwede ba kitang maka-usap?”
Muli akong napabuntong hininga. Kakausapin ko ba sya? Masyado ng mabigat ang dinadala ko. Hindi pa pwedeng isa isa naman? Wala na bang parte ng kwento ko ang walang problema? Kailangan ba lagi na lang ganto ang turn of events?
Pero sa kabilang dako, naisip ko, siguro ok na rin na maka usap ko sya. Para isahan na lang ang problemang dadalhin ko. Para pagtapos nito ay magkaroon muli ako ng pag asa para sa sarili ko na balang araw, makakatayo ako at masasabi ko na ok na ako ulit.
Tumango lang ako bilang senyas na pang sang-ayon.
“Ryan…”
“Bakit Larc?”
“Tungkol kanina…”
“Wala akong kinalaman don.”
“Alam ko. Pero alam kong affected ka sa mga nangyari…”
“Bakit? Bakit, Larc? Bakit mo nasabi na apektado ako?”
“Kasi kilala kita. At alam kong sasabihin mo ngayon na okay ka lang. Ganyan naman lagi ang sinasabi mo kahit hindi ka okay.”
“Oo nga eh. Mapagpanggap kasi ako.”
“Pwede ba mag-usap tayo nga maayos, Ryan.?”
Napa-isip ako sa sinabi nya.
“Tara, umupo ka. Nang makapag usap tayo ng maayos.”, sagot ko kay Larc. Agad naman syang lumapit at umupo malapit sa tabi ko.
“Kung sana sinabi mo lang sakin nun. Edi sana di mo na kailangang magpanggap.”
Natawa ako ng bahagya at napailing.
“Huwag mo sabihin na ako lang ang nagpanggap dito.”, sagot ko.
“What do you mean? Hindi naman ako nagpanggap, ha.”
“Kaya ba sa twing sinasabi ko na okay lang ako kahit alam mong hindi, wala kang ginagawa? Na kahit nagmumukha na akong tanga sa harap ng mga kaibigan mo, wala kang ginagawa?”
“Ryan, natakot lang ako. Alam mo ang nangyari sakin noon.”
Damang dama ko na ang pagod. Napatingin lang ako kay Larc habang nagsasalita ito. Wala akong maramdamang emosyon. Sa katunayan, I could see myself talking to him na walang ekspresyon sa mukha. Tipong parang nakatingin lang sa kawalan.
“Ano sa tingin mo? Hindi ako natakot? Hindi ako nanghina sa mga pagtrato sakin ng mga tao sa paligid ko?! Kung paano nila isampal sa mukha ko na magkaiba tayo? Larc, Hindi ko naman dapat nararamdaman na iba tayo sa isa’t isa dahil bestfriend kita, diba? Bestfriend mo ko Larc. Bestfriend mo ko, diba?”
“Pero Ryan..”
“Pero ano?! Dahil alam ko ang mga pinagdaanan mo noon kaya natakot ka na maulit yun at alam mong maiintindihan kita? Ganun ba, Larc? Kung alam mo pala ang pakiramdam na yun, bakit hinayaan mo na maranasan ko yun? Bakit pinanood mo lang ako habang ginaganun nila ako?”
Tumahimik lang si Larc at hindi sumagot. Mula sa pagkakatingin ko sakanya ay tumingin ako sa lapag.
“Tapos ngayon tatahimik ka.”
“Anong gusto mo sabihin ko, Ryan?!”, medyo pagtataas ng boses ni Larc. Para namang may sumampal sa akin sa tenga.
“Ops. Huwag kang magalit sakin. Ikaw tong may kalokohan dito.”
“Kaya nga nagsosorry ako diba? Kasi alam ko na mali ko, tanggap ko na. Hindi mo ba kaya bigyan pa ako ng isang pagkakataon? Total, bestfriend mo ko!”
“Yun na nga masakit don eh. Bestfriend kita. Pero nakaya mo gawin lahat ng to sakin. Sa lahat ng tao, ikaw pa!! At tsaka… Ganun na lang ba yun? Kapag nagsorry na, ok na ang lahat? Ganun na lang ba kadali yun? Paano naman yung nasira mo? Sa tingin mo ba sa isang sorry magagamot mo na yung sugat na ginawa mo? Kung ganon sana kadali, sana matagal ng maayos to. Pero hindi eh, dahil sa inaraw araw na wala kang ginawa para maayos to, mas nadadagdagan ang lalim nitong sugat na to.”
“Anong gusto mo pang gawin ko, Ryan?”
“Hanggang dyan ba naman, ako pa rin ang tatanungin mo?! Ikaw ang may kasalanan, ikaw ang magisip ng solusyon.”
“Ryan, hindi ba sapat ang rason na mahal kita para mapawi yang sakit na nararamdaman mo?”
Napaiyak ako sa sinabi nya. Hindi ko kinaya ang bigat ng sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ba meron sa sinabi nya pero sadyang napakabigat para sakin noon.
“Larc… Bat ako? Hindi ba nagmahal…?! Matagal na kitang minamahal. Kaya nga ba yun na lang lagi ang panggamot ko sa mga sugat na di mo sinasadyang nagagawa. Pinagkakasya ko na ang sarili ko sa rason na mahal kita.”, umiiyak kong sabi. Nakita kong pumatak din ang luha sa mga mata ni Larc.
“Pero Ryan, sa tingin mo din ba ganun din naging madali para sakin? Ikaw lang ba ang nahirapan? Hindi mo din alam kung gaano ko gusto marinig mula sayo na mahal mo ko…”
“At di mo rin alam kung gaano gusto sabihin sayo na mahal kita. Kapwa tayo natakot. Kasi parehas natin ayaw isugal kung ano man meron tayo.”
“Kaya nga andito na ako, Ryan. Eto na ko. Handa na ko ipakitang mahal kita.”
“Handa ka na…”, malungkot kong sagot.
“Oo, handa na ako.”, umiiyak nyang tugon.
“Hindi mo alam kung gaano ko gusto marinig yan mula sayo. Pero…”, hindi ko natuloy ang susunod kong sasabihin. Hinayaan ko lang tumulo ang mga luha ko.
“Pero… Dahil ba kay Andre? Kaya kong higitan ang ginagawa nya para sayo! Ako lang ang piliin mo. Maniwala ka Ryan, mahal kita.”
“Mahal? Kaya ba nagawa mo yung ginawa mo sakin…?”, napakasakit kong sagot kay Larc.
“Ryan… Lasing ako nun.. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. At tsaka..”
“Hindi alam?!”, pagsabat ko.
“Oo Ryan, maniwala ka. Lasing lang ako nun at nadala ako sa lagay ng sitwasyon at emosyon ko.”
“Lasing?! Nadala?! Taena ka!!! Larc, ilang beses na kitang nakainuman! Kaya wag mong sabihin na dahil naka inom ka lang kaya nagawa mo yun!!”
“I was desperate….”, biglaang sagot ni Larc.
“Desperate?”, galit kong tanong. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Larc at nagsisigaw.
“Oo Ryan! Desperado ako! Dahil nga labindalawang taon na ang sinayang ko!! Kaya ng makita kong nagkakamabutihan na kayo ni Andre, hindi kinaya ng dibdib ko. AKO ang nakasama mo ng maraming taon! AKO ang taong nagmamahal na din sayo matagal na! Kaya dahil sa taenang pagmamahal na to kaya nagawa ko yun!”
Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Kaya napatayo din ako sa galit at dinuro duro si Larc.
“Talaga taenang pagmamahal yan!! Mahal LARC?! Mahal kaya nagawa mo abusuhin ako?! Yan ba ang pinagsisigawan mong pagmamahal?!”, pagduduro ko sa dibdib ni Larc habang naiiyak sa galit.
“Alam ko mali! Hindi mo alam kung gaano ko pinagdudusahan ang ginawa ko sayo! Araw araw ako kinakain ng konsensya ko! At masakit din ito para sakin dahil hindi ko ganon inilarawan ang unang beses kung may mangyayari man satin!!”
Hindi ako nakasagot. Ayoko na. Tama na.
“Tama na, Larc.. Masyado na nating nasaktan ang isa’t isa… Umalis ka na.”
“Are you giving up on me?”
“Matagal ko na ginawa yan, Larc…”
“Ganun kadali para sayo?”, umiiyak nyang tanong.
Tumahimik ako sandali. Tiningnan ko sya ng isa pang beses pang muli. Hindi ko inakala na pagkatapos ng labindalawang taon na pagkakaibigan ay sa ganto naming tatapusin ang lahat. Hindi ko ganito inamige ang mga pangyayari. Hindi ko din ginusto na ganito na mangyari. Masakit pala, lalo na pag papakawalan mo na ang isang pagkakaibigang ang tagal mong iningatan, at ang pagmamahal na matagal mong dinama. Naramdaman kong pumatak ang mainit na luha mula sa mga mata ko. Ito na. Dumating na kami sa katapusan.
“Pinadali mo eh….”
Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad pabalik ng resort.
“Matatapos din ito. Lilipas din lahat ng ito.”, pagkumbinse ko sa sarili ko.
Pag pasok ko ng resort ay akala mo walang nangyaring gulo kanina. Kanya kanya pa ding paraan ng pagsasaya. Ang saya saya tingnan ng lahat. Nakita ko naman na muling kausap ni Kulas ang mga kaibigan. Ewan, pero he seems happier kaso ngayon. Kita ko yun sa mga mata nya. Tumingin ito sakin at sumaludo. Sinubukan ko naman magbigay ng ngiti. Sana maging simula na ito ng pagbabago nya.
Gusto ko ng umuwi. There is something in the air na parang hindi ako makahinga. Yung tipong nagpapasikip sa dibdib ko. Sa utak ko, gusto ko mag enjoy, pero pumipigil ang loob ko. Nakita kong lumapit si Karen sakin. Yumakap ito sakin. Hindi ako yumakap pero hiniga ko ang ulo ko sa balikat nya.
“Matatapos din to.”, bulong ko. Naramdaman ko naman ang mas mahigpit na pagyakap sakin ni Karen. Tinapik ko ito sa likod at hinarap ito sakin at nginitian.
“It will be all over soon. Pangako.”, seryosong sabi ko. Walang isinagot si Karen. Tumango lang ito.
“Ryan, Karen! Inom tayo!”, biglang sigaw ng isang lalake. Agad kaming lumingon, si Kulas. Tumingin sakin si Karen. Buo na ang loob ko. Gagampanan ko na ang desisyon ko. Hinila ko si Karen palapit kaila Kulas.
“Cheers…”, nakangiting sabi ni Kulas sabay abot sakin ng inumin.
“Tol..”, ngiting sagot ko din at inabot ang inumin.
Bihasa na ako sa pagkukunwari. Sa tagal na panahon ko ng ginagawa ito, nakakasawa pala. Nakakapagod magsuot ng maskara. Masaya sa labas, pero empty in the inside.
Nakipag inuman kami nila Karen kaila Kulas. Lumapit din sila Chelsea at sila Andoy at Melai. Tumingin tingin ako sa paligid. Napakasaya ng lahat. Namimis ko ng ngumiti, ang maging kasing saya tulad nila. Gusto ko ng ibalik ang dating ako.
Kailangan ko ng bumalik. Babalik na ko.
“Pre, salamat uli, ah..”, nahihiyang akma ni Kulas.
“Ano ka ba. Ok na yun. Enjoy enjoy na lang tayo. Yun na rin kasi ang gusto ko para sa gabing to.”, ngiting sagot ko.
“Hindi pre, babawi ako sayo.”
“Hindi naman kailangan. Wala ka naman kasalanan.”
“Ah, basta!”, ngiting sabi nito.
Biglang umalis si Kulas. Pagbalik naman nito ay kasama ni to si Andre at si Rizza. Nahihiyang tumingin sakin si Kulas, pero nginitian ko lang ito. Tulad ng sabi ko kanina, nakapagdesisyon na ko. Tatapusin ko na ang lahat. Babalik na ko. At tsaka parang bigla akong namanhid. Wala na akong pakialam sa kung ano man mangyari ngayong gabi. Sa dami ng nangyari, wala ng espasyo pa para sa sakit.
“Ryan.”, sabay tawag sakin ni Karen. Alam ko na ang kahulugan nito. Kaya tiningnan ko lang sya at tumango.
“Pre, ok ka lang?, medyo alinlangang tanong nila Brian at nila Gino kay Andre. Pasimple naman tumingin sila sakin.
“Oo nga, ok ka lang? Inom kayo dito, oh. Baka sabihin ng girlfriend mo, suplado kami dito.”, casual na sabi ko. Napatingin naman ang lahat sakin.
“Bakit?”, tanong ko sa lahat.
“Ah, drinks! Ito, inom kayo!”, biglang sabat ni Kulas at abot ng inumin. Mukha namang takang taka sila Andoy, Melai, at si Chelsea ng banggitin ko ang salitang girlfriend. Habang inaabot naman ni Andre ang inumin ay nakatingin ito sakin. Hindi man ako nakatingin directly, pero ramdam ko ito.
“Thank you.”, malambing na sabi ni Rizza.
“Ay, sya nga pala, Rizza, ito nga pala si Gino, Brian, Andoy, Melai, Chelsea, at si Ryan.”, isa isang pakilala samin ni Kulas.
“Hi. Rizza na lang. Pero oo, nakilala ko si Ryan kanina sa labas. Sya kasi tumawag kay Andre. Nakita ko kasi sya sa labas kanina, eh nahihiya ako pumasok kaya nung nagtanong ako sakanya, nagpresenta ito na tatawagin si Andre.”, magalang na sagot ni Rizza. Para namang nahiya at namula bigla si Andre.
“Nako, wala yun.”, ngiting sagot ko naman kay Rizza.
“Salamat uli. Ambait mo naman.”, ngiti ni Rizza.
“Nako, mabait talaga tong si pareng Ryan namin! Ibang klase yan! Ibang klase…”, pagmamayabang ni Kulas sabay lapit at akbay sakin.
“Loko! Di naman ako mabait.”, pagbibiro ko.
“Sus! Sino may sabi nyan, banatan natin! Basta, kita kits nalang uli sa school, ha! Ienjoy natin ang buong taon at next year. At oo nga pala, sa bakasyon, wag ka mawawala, ha! Marami tayong gimik!”, paanyaya ni Kulas.
Tumahimik ako at napangiti.
“Ano ibig mong sabihin…?”, biglang tanong ni Karen. Huminga muna ako ng malalim sabay pakawala ng isang ngiti.
It’s now or never. Sooner or later, kailangan ko din naman sabihin ito. Ngumiti ako at tiningnan ang lahat isa isa.
“Hays… Pano ko ba sasabihin to.. Ahm, after kasi ng finals, uuwi na ako samin.”, halata naman ang gulat sa lahat.
“Ah, bibisita ka sa inyo. Sayang naman. Pero pwede kami dumalaw sa inyo!! May pasyalan ba sa inyo?”, pagtatanong ni Kulas. Halata naman ang labis na gulat ni Karen.
“Hindi. After ng finals at ng taong to. Uuwi na ako samin. As in uuwi na ako. Hindi na ako makakabalik dito sa susunod na taon.”, nakangiti kong sagot. Natahimik naman ang lahat dahil sa gulat.
“WHAT?!”, gulat na tanong ni Karen.
“Aalis ka….?”, biglang tanong ni Andre. Nagulat nanaman ang lahat at napatingin naman kay Andre. Tingnan ko naman ito.
“Oo pare. Uuwi na ko. Babalik na ko samin.”, simpleng tugon ko sakanya. Basang basa ko ang mga sinasabi ng tingin nya sakin, pero pinili kong huwag pansinin ito.
“Tol, wala namang ganyang biro. Kung dahil to sa…”, sabi ni Kulas. Pero hindi ko na hinayaan na ituloy nya pa ang sasabihin.
“Hindi. Hirap na kasi ako. I mean, kami. Hindi na din kaya ng pamilya ko suportahan pa ang pangtustos ko dito sa manila. Atleast samin, makakatulong pa ako sakanila.”, pagsingit ko.
“Kaya sana… I-enjoy natin ang mga huling araw ko dito. Sa totoo lang, napakalaking pagbabago sa buhay ko ang makapasok sa skwelahan natin. Pangarap ko lang kasi yun dati. At natupad na naman kahit papano kaya ok na rin ako dun.”, pag ngiti ko sabay tingin sa lahat. Tahimik lang ang lahat at di nagsasalita. Bigla namang tumayo si Karen at nag walk out. Kaya tumayo ako at sinundan ito. Nakita kong pumunta to sa isa sa mga kwarto.
“Leave me alone…”, agad na bungad nya pagpasok ko ng kwarto.
“Karen…”
“Look, alam ko kung san nanggagaling yang desisyon mo. Kaso, pano pagaaral mo, Ryan?! Paano ang mga pangarap ng mga magulang mo?! Ang mga pangarap mo?!”, pagsesermon ni Karen. Umupo naman ako sa isa sa mga kama at pinaupo ito sa harap ko.
“Karen… Hindi naging madali para sakin ang desisyon na to. Kung ako masusunod, di na ako aalis.”
“Edi wag kang umalis! Kung ano man yang problema mo, tutulungan kita! Kung pera kailangan mo, pahihiramin kita! Kung ayaw mo naman pahiramin kita, maghanap tayo ng sideline o part time para sayo!”, pamimilit ni Karen.
“Karen… Pagod na ko. Sinubukan ko. Alam mong sinubukan ko. Pero naging sobrang bigat ng taong to para sakin.”
“Magiging maayos din ang lahat! Malay mo next year…”
“Tama na Karen. Alam ko lumipat ka pa ng school para sakin, kaya pasensya na talaga. Nahihiya nga ako sayo, eh. Kaso…”, sabay patak ng luha ko. Mukha namang naintindihan na ni Karen ang desisyon ko.
“Hindi ko naman talaga mababago ang isip mo, eh… Sinubukan ko lang…”, malungkot na tugon ni Karen sabay punas sa luha ko.
“Maraming salamat…”
“Basta magiingat ka, ha…”, luha luhang sabi ni Karen sabay yakap sakin.
“I will.”
Halata ang lungkot kay Karen dahil hindi na ito lumabas pa ng kwarto. Hanggang sa natapos ang party kinaumagahan at maguuwian na ay tahimik lang ito. Kahit pa sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ito. Minsan ay titingin lang sakin at magbibigay ng tipid na ngiti.
Wala kaming inaksayang panahon nila Chelsea, Andoy, Melai, at ni Karen. Mabigat man sa loob namin ang pag alis ko ay pinilit naming pagkasyahin ang mga sandaling natitira para samin.
Tungkol kay Larc, ilang beses itong sumubok na kausapin ako. Pero hinaharangan na din ito ni Karen. Masamang masama ang loob nya kaila Larc at Andre dahil sinisisi nya ang mga ito sa desisyon kong pag alis.
Tungkol naman kay Andre, ilang beses din ito nagtangkang makipag usap. Ilang text at tawag ang nareceive ko. Pero agad kong binubura ang mga ito. Napagdesisyonan ko ng burahin ang lahat sakanya. Kung ano mang alaala meron kami noon ay hahayaan ko na lang ito maging isang magandang memorya. Ayaw ko ng dagdagan pa kung ano mang sama ng loob ang meron ako para sakanila.
At si Kulas, kapansin pansin ang pagbabago nito. Hindi na ito kasing loko katulad noon. Medyo pilyo pa din ito, pero halata ang malaking pagbabago nito lalo na pagdating sa pakikisama sa kaibigan. Mas dumami pa lalo ang naging kaibigan nito. Minsan din ay sumasama ito sa mga lakad namin nila Karen.
Si Karen, alam kong mabigat para sakanya ang pag alis ko. Pero sinabihan ko naman ito na pwede naman akong puntahan nito dahil alam naman nito ang tirahan ko sa probinsya. Kaya halos umiyak ito ng tuluyan na akong nagpaalam at sumakay ng bus pauwi sa amin. Miski ako ay naiyak, pero alam kong magiging ok din ang lahat.
Ngayon.. habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin ay di ko maiwasang hind imaging emosyonal. Pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa sakit na nangyari sakin. Kakalimutan ko na ang lahat ng mga pangit na nangyari sakin sa Manila at uuwi ako samin at ibabalik ang dating ako. Naging mahirap para sakin ang pagpapaliwanag sa aking mga magulang. Pero taos puso naman nila itong naintindihan. Hindi naging mahirap sakanila ang pag unawa kahit pa naguguluhan pa din sila sa totoong rason ng pagbalik ko sa amin.
Hindi ko inaasahan na magiging ganto ang katapusan ng kwento ko. Hindi naman kasi ito ang pinangarap kong ending. Nung una ay iniisip ko na magiging happy ending ito at lahat ay magiging masaya. Pero sa realidad ng buhay, hindi pala lahat, may happy ending. Hindi lahat masaya. Meron din palang mga love story na nauuwi sa masaklap na katapusan.
Pagbaba na pagkababa ko ng bus ay inamoy ko ang simoy ng hangin. Ibang iba talaga sa manila. Pero naalala ko ng bahagya ang park kung san kami nagkita ni Andre, lalo na ng mapatingin ako sa mga puno sa paligid. Pero alam ko din na I will never look at another tree the same way I did. Kahit pa ang malinaw na kalangitan, may ihahatid itong konting pait at sakit dahil sa hindi magandang karanasan pero naniniwala ako na hindi pa ito ang katapusan.
Hindi pa…
(Wakas)
Kamusta po sa lahat? ^_^
Ops, malamang maraming nagulat sa biglaang pagtatapos ng kwento. Kasi bakit walang pinili si Ryan. Well.. Ganun po kasi ang turn of events at hindi ko po masisisi ang ginawa kong character ni Ryan kung yun ang naging desisyon nya. If this was real, siguro matagal na akong umuwi sa probinsya namin. Considering na ang gustong buhay lang ni Ryan ay isang simpleng pamumuhay.
Pero wait! Ito po ang catch! Hindi pa po tapos ang story!! ^_^
Itutuloy po ang kwentong ito as my Book 3! ^_^
Sana po ay patuloy nyo pa din itong paka subaybayan.. ^_^v
Malamang, maraming nagtatanong, bakit ginawa kong Book 3 at hindi na lang ipinagpatuloy ang kwento as part 18,etc.. Sasagutin ko na po agad. The story will have a new twist. New setting, new characters, new happenings. May mga character na magbabalik din sa Book 3 mula sa Book 2 na dapat paka abangan. Pero huwag mag alala, si Ryan pa rin po ang ating bida at kwento pa rin nya ang aking ipagpapatuloy. Kaya sana po ay di kayo madisappoint sa pagtatapos ng Book 2.
Huwag din po mag alala dahil hindi kayo mag hihintay ng bwan para sa Book 3. ^_^ Ganun pa din po ang schedule ng aking pagpopost. Mga 3 to 4 days. Maximum na po ang 1 week pag natagalan. Pagpasensyahan nyo na rin ang matagal kong posting. Pilit ko lamang po itong sinisingit sa aking schedule dahil po sa totoo nyan ay busy po talaga ang schedule ko. Ngunit talagang, passion ko na din po siguro ang pagsusulat at in a way, ay dito ko po nailalabas ang stress ko. Knowing na meron po akong naiinspire na mga tao in a way. Kaya naman po lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat.
Oh, paano po. Hanggang dito na lang po muna ako ha. Kita kita na lang po tayo ulit sa Book 3.
Sya nga pala, pwede nyo pa rin akong i-add sa facebook!! ^_^ dizzy18ocho@yahoo.com -PAKIUSAP lang po na mag iwan kau ng message :)
And paki like po ang official page natin ha! ^_^ http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
^_^v
wala. wala akong makomment..natutulala lang ako sa pangyayari..hehehe bat mo tinapos agad???hehehe ay, may book 3 nga pala..ahahaha
ReplyDeleteI'm a bit disappointed with the sudden ending, but
ReplyDeletethen I respect the author's decision and intention to write the book 3. Kudos to u dark_ken!
GULAT,
ReplyDeleteyan ang rumihistro sa mukha ko pagkabasa sa huli ng WAKAS na diko inaasahan
pero ok lng dahil may Book 3 nman ang kwento ng buhay ni ryan..
aabangan ko yan mr. author
two thumbs up ;-)
-arvin of Taiwan-
i do hope for larc and ryan .....kasi nga minahal ni bestfriend.....huhuhu
ReplyDeleteAhhhhhhhhhhhhhhh?????????????????? Bat gnun ang ending...........! Speechless??!!??!???
ReplyDeleteNakakalerky!!!pro buti nlng may book 3!nadepress kya ako nun nlkita kong wakas na...pro buti nlng...auhor pls dnt stop,this story inspire me from day to day...a million thanks by the way!!!
ReplyDeleteGrabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
ReplyDeleteNEXT!!
speechless... :-|
ReplyDeleteyou never fail to let tears fall from my eyes... :-I
Ending agad. Well sana may book 3 na. Hehe.
ReplyDelete~em_bie24
shooking naman kuya!
ReplyDeletesana! bumalik si ryan sa manila para ipagpatuloy!
tapos mayaman na sya! hahahahhahhaha
o kay mas matakad na sya at manhid sa pagmamahal sa dalawang ungas!!
tapos maging sila si kulas hahahahahhahhahhahah hehehhehhe nakakatuwa na man! :)
Buti nlang at SHOCK PROOF ako. Haha. Ok. Moving on. :D
ReplyDeleteBitin. Anu b yan dark ken book 3 na. Simulan na yan!!! I love tlga the story pero sana d muna tinapos ung kwento ni larc at andre. D pa nakakapag expalin c andre tinapos n agad. Cant wAit for book 3!!!
ReplyDeleteOMG bakit tapos na agad ng ganun...? Sana naman talangang bongga ang Book 3 na yan..
ReplyDeleteCan't wait to start reading the book 3 of it..
sad naman, pero I would be expecting more great content sa Book 3 at sana isa sa babalik na character ay si Andre, hays....
ReplyDeleteI can definitely feel the passion from you, Mr Author :) thanks for the inspiration!
ReplyDeletehay prang wala na kng maicomment haha''
ReplyDeleteBOOM,., galing,.,!!,., excited na ako for Book3,.,haha
ReplyDeleteLarc-Ryan
Andrei-Ryan
Kulas-Ryan
Alex-Ryan
o
Karen-Ryan,.,.,ayyyiiieee,., hahaha
Karen + Ryan = Lason...bwahahaha XD
Deletenakakalungkot na sa ganito natapos ang story...sobrang lungkot nman ng ending...but on a brighter side aabangan nalang ang book 3 at subaybayan ang panibagong yugto ng buhay ni ryan.. book 3 na please...
ReplyDeletegrabe haha...
ReplyDeletewakas.
hehe nabigla ako sa ending hehehe.. but i like it anyways...
ReplyDeletein every goodbyes there will always be a new leaf of beginning...
can't wait for the book 3.........
Pagkabasa ko pa lang sa a/n na may surprise ka para sa amin, hinulaan ko agad kung ano iyon. And for the first time tama ang naging hula ko, tatapusin mo na ang book 2.
ReplyDeleteBase kasi sa itinatakbo ng story it is better to end it this way. Masyado ng bugbog si Ryan sa mga problemang dumarating sa kanya. Tao lang naman sya napapagod rin.
Looking forward to read the book 3 ASAP! Lol
_alejojohn
ay,,ending na pala toh!?haha..nabigla nmn ako mr author...pero mabigat nrn kc ang dinadala ni ryan eh..so maganda na makapagsimula ulit siya...excited nko sa book 3!^^
ReplyDelete-monty
Naku, aabangan ko talaga yang book three na yan..sana andun pa din si Larc..gusto ko talaga na magkatuluyan pa rin sila ni Ryan..
ReplyDeleteOne of the best reads in this site EVER! :3
ReplyDeletetalagang tinapos ko cya buong day and talagang nadala ako sa emotions ng mga characters. Sadya talagang di ko masisisi sa naging decision na ginawa ni Ryan pero at least he deserves a better ending than this so I am really hoping he would get a better one in Book 3 :)) and I am guessing he would have a lot of options in book 3 :))
kudos to you Sir Ken :3 >_<
Ang sakit sakit, grabe! Pagbinabasa ko ito ay parang kitang kita ko ang lahat ng nangyayari.
ReplyDelete