Author’s Note:
Maraming
Salamat po kay Sir Mike Juha sa pagpayag na ibahagi ko ang kuwento ko sa MSOB.
Isang karangalan po na mapabilang sa blog site na ito. Sana po ay magustuhan
niyo ang akda ko.
Ako po pala si Red at ito
po ang unang akda sa Kwadernong Pula. (Ang naunang akda ay hindi ko na itinuloy
sa pakiusap na rin ng isang taong bahagi ng kwentong iyon.) Sana po ay
suportahan niyo ang aking akda.
Kung
mayroon po kayong mga suggestion o komento ay maari niyo po akong iadd at ipaskil ang mga ito sa
aking Facebook page:
Mayroon
din pong kanta na nakatugma sa kwentong ito. Kung gusto po niyo ito pakinggan
ay maari po niyo i-click ang link:
Disclaimer:
Ang
akdang ito ay purong likha lamang ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad
nito sa totoong mga tao, lugar o pangyayari ay nagkataon lamang.
"Kung may pagkakataon ka na ibahin ang kahapon, ano ang iyong babaguhin?"
I
1979
Martial
Law. Napakahirap ng sitwasyon ng mga Pilipino. Ang daming bawal, ang daming
nakabantay. Limitado lang ang galaw ng mga tao. Isang maling galaw mo lang,
pwede ka ng hulihin at parusahan. Napakahirap, lalo na sa mga taong kaiba sa
lahat pagtangin sa love. Pwede kaya silang mamuhay kasama ng partners nila ng
walang ibang aalahanin? Sana.
“Ron,
sabay ka na sakin pumasok. Magulo ngayon. Ongoing pa ang rally ng mga
Pro-Ninoy.” Sabi ng isang lalaking nakasuot ng long sleeves at tie. Kausap niya
ang anak nitong si Ron. Si Ron ay 19 years old. 5’8”, katamtaman ang
pangangatawan, may “golden fair” complexion, at may angking kagwapuan kahit may
pagka geeky ng porma. Isinasabay siya ng papa niya pumasok dahil on the way
naman ito sa trabaho nito. Nagtatrabaho bilang manunulat ang kanyang ama sa
isang bahay imprenta.
“Pa,
eh baka mahuli kayo. Alam ko naming madami pa kayong pinaplanong isulat laban
kay Marcos. Mainit pa naman kayo sa mata nun.” Pagpapauna na lang ni Ron. Ayaw
niya sa boss ng papa niya. Naniniwala kasi siyang unfair naman talaga ang
president sa mga tao.
“O
sige, pero mag ingat ka na lang sa pagpasok. May baon ka pa ba? Eto oh,
pandagdag mo na lang.” Sabay abot ng allowance sa anak. “Pambili mo na din ng
kahit anong kailangan mo sa eskwela.” Mabait ang papa ni Ron, di naman ito
nagkukulang sa mga anak nito. At lagi naman siyang nakasuporta sa mga ito
pagdating sa kung ano mang goals.
“Meron
pa po akong natira mula sa binigay niyo nung isang buwan. Bigay niyo na lang po
kay Aldrin.” Pagtanggi naman ng anak. Bakas sa pananalita ng anak ang kaunting
sama ng loob dahil sa pananatili ng ama sa trabaho.
“Anak,
sana naman maintindihan mo. Itong pagtatrabaho ko ngayon ang tanging bumubuhay
satin ng kapatid mo.” Paliwanag naman ng papa niya. “Isa pa, kaya ka
nakakapag-aral ay dahil din diyan sa trabahong yan.” Dugtong pa nito.
“Eh
kasi naman, napakadelikado ng trabaho po niyo. Mahigpit si Marcos sa mga
manunulat, eh pano kung mapahamak pa kayo?” sagot naman ni Ron. “Sige po,
mauuna na po ako. Baka mahuli pa ako sa klase eh.”
Wala
naman nang nagawa ang papa ni Ron. Kahit tutol ang anak sa trabaho ng ama ay
wala naman itong magawa dahil yun lamang ang tanging alam na paraan ng ama para
makapag-aral at mabuhay nito ang kanyang mga anak ng mag-isa. Simula kasi ng
mamatay ang mama ni Ron ay napilitang umuwi ang papa niya mula Saudi para may
mag-alaga sa mga anak nito at para magabayan na rin niya dahil siya na lang ang
natitirang magulang at ayaw naman niyang magkaroon ng sama ng loo bang mga anak
niya sa kanya.
---------
Papasok
na si Ron sa unibersidad na pinapasukan niya. Habang naglalakad siya sa
kahabaan ng pasilyo ay naiisip niya kung paano makukumbinsi ang papa niya na
wag na magtrabaho sa presidente. Sa paglalakad niya ay nabunggo niya ang isang
babaeng estudyante.
“Sorry
Miss, di ko sinasadya.” Paumanhin naman ni Ron sa dalaga. “Tulungan na kita
diyan.” At tinulungan na lang niya pulutin Ang mga gamit ng dalaga.
“Salamat
ha, wag mo na isipin. Mukha kasing madami ka na iniisip eh.” Sagot naman ng
dalaga. Pagsabi nito ay saka pa lang tinignan ni Ron kung sino yung nabangga
niya. Si Karen pala. Anak siya ng isang mayamang negosyante na may mga
ari-arian sa Amerika. Si Karen ay katamtaman lang ang taas, maputi at maganda
ito. Marami ang may gusto sa kanya sa unibersidad nila, kaya lang ay natatakot
lumpit dahil siga ang kuya nito na doon din nag-aaral.
“Ay,
Karen pasensiya na ha? Di talaga kita nakita.” Paghingi ulit ng sorry ni Ron.
“Sige mauna na ko.” Sabay paalam nito. Ang hindi alam ni Ron ay nakita pala ng
kuya ni Karen ang nangyari. Walang ano-ano ay tumakbo ito sa direksyon nila
para sugurin si Ron.
“Teka
pare, lalayasan mo kapatid ko?! Nakita ko yung ginawa mo!” Pagsita nito kay
Ron. Siya si Louie. Si Louie ay mas matanda ng isang taon kay Ron at Karen.
Matangkad si Louie, maputi at malakas ang dating. Kilabot ng mga babae at
kinatatakutan naman ng mga lalaki dahil sa angking yabang at pagkabasagulero
nito.
“Louie,
di ko sinasadya yung kay Ka…” bago pa matapos ni Ron ang sasabihin ay isang
malakas na suntok ang tumama sa panga nito na siyang nagpabagsak sa kanya sa
sahig.
“Kuya,
aksidente yun. Tama na. Wala naming ginawa si Ron sakin.” Pag-awat ni Karen.
Alam kasi niya na walang control sa timpi ang kuya niya kaya pilit niya itong
pinapahinto sa balak na paggulpi kay Ron. “Pabayaan mo na yung tao.”
Nang
medyo nagkaulirat na ulit si Ron ay nakaramdam ito ng init ng ulo. Mabait si
Ron. Ayaw nito ng away at ayaw din niya ng gulo. Kaya lang ay hindi din naman
niya gusto ang mga taong umaabuso dahil mayayaman o makapangyarihan sila. At
dahil sa dami ng iniisip ay walang pasabi rin itong bumawi ng suntok at sapul
naman si Louie sa nguso na siyang dahilan ng pagdugo nito. “Hindi porke sig aka
hindi kita papatulan!” galit na sabi ni Ron.
Bumagsak
si Louie sa sahig. Nagulat siya dahil unang beses pa lang may nagtangka
manlaban sa kanya. At nakapuntos pa sa mukha niya. Naramdaman niya ang daloy sa
nguso at kinapa ito. Nagulat siya na dumudugo ito. Para siyang natulala sa
nakita. Hindi makapaniwala na may nagpatumba sa siga ng campus. Natauhan lang
siya ng narinig ang hamon ng kaaway. “Eh gag* ka pala eh! Kilalanin mo kung
sino kakalabanin mo!” at sinugod din nito si Ron.
At
nagsimula na nga magrambol ang dalawa. Si Karen naman ay pilit pa rin inaawat
ang dalawa. Wala naming ibang gusting umawat dahil nga siga si Louie at ayaw
nilang madamay. Nang mabigo na awatin ang dalawa, humingi nan g tulong sa guard
si Karen bago pa magpatayan ang kapatid at kaklase nito. Agad naman rumesponde
ang guard at pinaghiwalay ang dalawa. Nang mahinto ay dinala naman niya ito sa
Dean’s office.
---------
“Mr.
Castro, kung si Mr. Alejandro lang ang involved sa gulong ito ay di na ko
magtataka, pero ikaw na model student, Dean’s Lister ka pa, at running for
Student Body President ang mainvolve ay nakapagtataka naman. You should’ve
known better. At ikaw naman Mr. Alejandro, this has been your third incident
for this week, kailan ka ba magtatanda? You’re always getting into trouble.”
Pagpuna ng dean sa dalawa.
“Eh
Ma’am, siya naman po ang nauna this time. Inagrabyado ng gag*ng to yung utol ko
eh. Alangan naman na palampasin ko.” Sagot naman ni Louie. Napatingin naman sa
kanya si Ron. Napatulala naman ito sa nakita. Malungkot ang mga mata ni Ron na
nakatitig sa kanya. Kahit wala itong sinasabi ay ramdam niya ang lungkot ng
kaaway. Sa kahit papaanong paraan ay naintindihan niya kung ano ang
nararamdaman ni Ron. Dahil siguro sa parehas sila ng nararamdaman. Hindi sila
magkasundo ng stepfather nito. Naputol lang ang pagiisip nito ng tawagin siya
ni dean.
“Mr.
Alejandro, are you listening to me?!” Tanong ng dean, at bigla nalang inalis ni
Louie ang tingin kay Ron at ibinaling ang tingin sa dean ng may pagtataka. “I
said, you are suspended for a week. At ikaw naman Mr. Castro ay magrerender ng
service sa office ng ROTC. Given na hindi naman pwede na magfield ka with your
condition.” Sabi ng dean. Si Ron ay may sakit sa puso. Although hindi naman
itop masyadong seryoso, ay limitado lamang ang physical activities na kaya
niya.
“Pero
Ma’am…” pagtutol ni Louie. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa stepfather
nito na suspended siya ng isang linggo. Siguradong mag-aaway nanaman sila at
makakatikim nanaman siya ng sapak mula dito. “Kasalanan mo to eh!” baling naman
niya kay Ron at sabay labas ng office.
“Ma’am,
pwede po ba kayo makausap?” tanong ni Ron sa dean nila.
“Okay,
ano yun?” sagot naman ng dean.
---------
Lunch
break na ng mga oras na ito. Halos puno na din ang canteen ng unibersidad kaya
may kahirapan na humanap ng upuan. Nang pumasok si Ron ay nagtinginan ang mga
estudyante sa kanya. Mabilis kumalat ang balita ng awayan nila ni Louie
kaninang umaga. Habang naglalakad ay naririnig pa niya ang mga bulong ng ibang
estudyante.
“Naku,
ang lakas naman ng loob niyang labanan si Louie. Di ba siya natakot? Bilib nako
sa kanya. Iboboto ko siya.” Puri ng isang estudyante.
“Paniguradong
reresbakan yan ni Louie mamaya. Di na nakakapagtaka na di yan pumasok bukas.
Kung ako sa kanya, magda-drop out na ko.” Sabi naman ng iba.
Pagkatapos
bumili ng pagkain ay naghanap na siya ng uupuan. May mga bakante kaya lang ay
natatakot na paupuin siya dahil baka pati sila ay resbakan ni Louie.
“Ron,
halika dito, samahan mo kami.” Tawag sa kanya ni Karen. Di naman na siya
tumanggi pa dahil wala na siya maupuan at tinungo na niya ang table nila Karen.
“Naku
baka magalit nanaman kuya mo sakin niyan.” Sabi niya kay Karen. Baka resbakan
ako nun mamaya pag nakita ako na ksama ka.” Dugtong pa niya.
“Hayaan
mo na. Akong bahala sayo. Sorry nga pala ah, dahil sakin napahamak ka pa.”
paghingi naman ng sorry ni Karen sa kaklase. “Naparusahan ka pa tuloy.”
“Ayos
lang yun. Di mo naman kasalanan. Tsaka nag-init lang talaga ulo ko kanina kaya
ko pinatulan kuya mo. Pasensiya ka na din ha.” Sagot naman ni Ron.
“Naku
Ron, bilib na ko sayo. Ang galing mo! Naupakan mo yung siga ng campus! Iboboto
talaga kita!” puri naman ng kaibigan ni Karen. “Oo nga, ang tapang mo! Sigurado
ako mas madaming magkakagusto sayo niyan.” Sabat naman nung isa.
Nangiti
naman si Ron sa narinig. Di niya alam kung maganda ba ang epekto ng nangyari o
ito ang magpapabagsak sa kanya. “Naku, hindi naman. Ayoko ng away, masama lang
talaga araw ko kanina.” Pakumbaba naman ni Ron.
“Bakit
ang pormal mo masyado Ron. Classmates mo kami ano ka ba. Isa pa, gwapo ka naman
kaya I’m sure na may nagkakagusto sayo.” Puna ni Karen na dahilan naman para
tuksuhin sila ng mga kaibigan nito. “Ano ba, kayo talaga!” Nahihiyang pag awat
ni Karen.
Ang
hindi nila alam ay ng mga oras na yun ay kakapasok lang ni Louie sa canteen at
nakita niya agad na tinutukso ang kapatid sa mortal na kaaway niya. Lalo siyang
naiinis at kumaripas papunta sa table ng kapatid. “Halika nga dito Karen.
Mag-usap tayo!” sabay hatak sa kapatid palabas ng canteen.
“Naku,
mukhang may away nanaman si Ron at Louie!” usisa ng ibang mga estudyante sabay
tingin kay Ron na nakaupo pa din at gulat sa biglang sulpot ni Louie.
---------
Sa
may gym naman, sinisita ni Louie ang kapatid. “Sira ka ba Karen? Bakit kasama
mo yung gag*ng yun? Kaaway ko yun diba?! Ano, pinopormahan k aba ng lampang
yun?!” tanong nito sa kapatid.
“Ano
ba Kuya, bitawan mo nga ko. Nagmamagandang loob lang ako sa tao!” tanggi naman
ni Karen.
“Wag
mo ko lokohin. Halata naming nag eenjoy kayong dalawa kanina dun!” galit ni
Louie. “Uupakan ko talaga yung lampang yun! Wag ka nga dumidikit dun!
Naiintindihan mo?!” Pagbawal pa nito.
“Ikaw
na nga itong nakaargabyado ng tao, tapos bumawi lang ako sa kanya dahil sa
walang dahilang panununtok mo kanina!” Sabat naman ng kapatid nito. “Isa pa,
mabait yung tao!”
“Basta,
pati ikaw malilintikan sakin pag nakita pa kita dumikit dun! Buwiset!” Huling
banta ni Louie sabay alis. Hindi na siya sinundan ni Karen dahil sa inis. Isa
pa alam naman niyang pupunta yun sa tambayan niya para magpalamig kaya hinayaan
na lang niya. Nabahala din naman siya sa kung ano naman ang gawin ni Louie kay
Ron.
---------
“Class
dismissed. Umuwi na kayo and remember, wag niyong hayaang abutan kayo ng
curfew.” Pagpapauwi ng professor sa buong klase. Alas-sais na ng gabi kaya ang
mga estudyante ay kailangan na umuwi dahil sa pinapatupad na curfew na
alas-diyes. Ang sinumang kabataang mahuli na nasa labas pa kasi ng bahay
pagtungtong ng oras na iyon ay sisitahin at paparusahan ng mga pulis.
“Bye
Ron. Kita tayo ulit bukas.” Paalam ni Karen kay Ron.
“Ah,
o-oo.” Utal na sagot naman ng binata. “I-ingat ka na lang sa pag-uwi mo.”
“May
problema ba? Tara nab aka di ka pa umabot sa curfew. Malayo pa uuwian mo.”
Sabay hatak naman ni Karen sa kanya palabas ng classroom. Nagulat naman si Ron
sa paghatak sa kanya pero mabilis naman siyang nakakawala mula sa pagkakahawak
ng dalaga. “Bakit?” taka naman ni Karen.
“Ah,
eh, kasi may dadaanan pa ko sa library na libro. Hahabol lang ako bago umalis
yung librarian. Mauna ka na.” dahilan naman ni Ron. Ang totoong dahilan ay
iniisip niya na mamaya ay Makita nanaman sila ni Louie at pagdiskitahan nanaman
siya nito. Bulong-bulungan kasi na mahilig rumesbak si Louie sa mga kaaway
pagkatapos ng klase. Kung kalian wala nang mga professors na makakakita sa
kanila. At di nga siya nagkamali. Habang naglalakad ay biglang may kumaladkad
sa kanya papunta sa may likuran ng campus.
“Di
ka talaga magtatanda eh noh?! Layuan mo si Karen kung ayaw mong mapuruahan.”
Banta ni Louie habang kinukwelyuhan si Ron. “Baka gusto mong tuluyan ka ng
hindi makagraduate?!”
Kinakabahan
si Ron sa nangyayari. Alam niyang madami na ding napuruhan si Louie. Isa na dun
ang classmate nilang napilitang magdrop-out dahil sa takot. Kakawala n asana
siya kay Louie at tatakbo hanggang makalayo kaya lang ay may naisip ito.
“Ano?
Bubugbugin mo din ako kagaya ng ginawa mo kay Bryan? Tatakutin mo din ako?! Isa
pa, hindi ko pinopormahan si Karen. Nakikipagkaibigan lang ako sa kanya. At
kahit bugbugin mo ko ngayon, wala ding kwenta, kasi kahit saktan mo ko, wala ka
ding mapapatunayan kaya bitawan mo ko.” Sabay kalas niya ng pagkakakuwelyo sa
kanya ni Louie. “Oo nga pala. Bakit hindi mo subukang magpakatino. Baka
sakaling matapos yang ano mang dahilan mo kung bakit ka umaasta ng ganyan.
Pakalalaki ka.” At lumakad na si Ron papalayo kay Louie. Wala na siytang
pakialam kung hahabulin pa siya nito at sasapakin. Basta mas mahalaga ay
makaiwas na siya sa gulo dahil ayaw na niyang problemahin pa ito ng papa niya.
Natameme
naman si Louie sa mga narinig. Sa dinami-dami ng mga binugbog niya, ngayon lang
may naglakas ng loob na sabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw niyang marinig.
Mga bagay na alam naman niyang tama. Iba lang pala ang pakiramdam pag ibang tao
ang nagpamukha noon sa mukha niya.
---------
Sabado
ng umaga. Maagang dumating si Ron sa campus para ayusin ang mga gagamitin ng
mga ROTC students at officers mamaya. Ito kasi ang parusa sa kanya dahil sa
nangyari kahapon sa kanila ni Louie.
“Oh,
Castro andito ka na pala. Buti naman maaga ka dumating. Punasan mo na yung mga
rifles na gagamitin mamaya ng mga kadete. Pagkatapos bilangin mo na din kasi
minsan may mga nawawala.” Bilin sa kanya ng isang commander na kadadating lang.
“Yes
sir. Nasaan po ba yung susi ng locker na pinagtataguan ng mga rifles?” tanong naman
niya sa commander. Dumukot sa bulsa ang commander at inabot sa kanya ang susi
ng locker. At itinuro na yung locker sa tabi ng shower room ang kinalalagyan ng
mga rifles.
Eksaktong
alas-siyete ng umaga ng nagsimula na ang ROTC class. Humilera na ang mga kadete
sa field para magsanay. Samantalang si Ron naman ay nakaupo sa bleachers habang
nagmamasid sa may bleachers. Sa kanya kasi iniwan yung mga first-aid kits na
nakahanda kung sakali mang may mangailangan.
Kalahatian
ng training ay mayroon na nga hinimatay. Matindi kasi yung sikat ng araw ng
umaga na iyon. Agad naman tumulong si Ron sa pag aasikaso sa hinimatay na
kadete. At ilang oras pa ay natapos na din ang training at nagsipagpuntahan na
ang mga kadete sa may shower room para makaligo matapos ang training. Sumunod
na din si Ron para isoli yung mga rifles na ginamit ng mga kadete sa locker.
Medyo
nahihirapan si Ron na dalhin ang lahat ng rifles papunta sa may locker. At nung
nasa harap na siya nung locker ay nabitawan niya ito kaya naman nagkaroon ng
ingay at may mga lumabas na kadeteng nakatapis.
“Eto
pala si Castro eh. Balita namin napatumba mo daw si Alejandro ah. Ayos ka ah.”
Sabin g isang kadete. “Totoo ba?”
“Aksidente
lang yun. Nagkataong natamaan ko lang yung tao.” Paliwanag naman ni Ron habang
pinupulot yung mga nalaglag na rifles.
“Ah
ganun ba? Eh may isang tanong pa sana ko. Gusto ko lang makasigurado.” Pilyong
tanong ng kadete sabay laglag ng tapis nito. At lumitaw sa harap ni Ron ngayon
ang pagkalalaki ng kadete. “Di ko kasi masigurado kung bading ka ba?” tanong
nito na may halong pang-aakit.
Hindi
makasagot si Ron. Alam niya sa sarili niya na hindi siya bading. Kaya lang ay
may pagkakataong nakakaramdam siya ng kakaiba pag nakakakita ng lalaki. Lalo na
kung kahanga-hanga ito. Dalawang taon na rin simula ng nakaramdam siya ng mga
ganitong bagay. Ayaw naman niyang magtanong sa tatay niya dahil natatakot din
siya nab aka pagalitan siya nito. “Ah, eh…”
“Gago
ka pala pare eh!” ang sabi ng isang binata sabay bira sa kadeteng nanunukso kay
Ron. “Wag mong kantiin yan! Kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo! Pati yang
lawit mong maliit!” banta ng binata. Pamilyar ang boses na narinig ni Ron. Kaya
lang ay di niya maisip kung sino ito. Di na rin niya nagawang tignan kung sino
ang sumaklolo sa kanya dahil agad siyang kinaladkad nito palabas ng locker
room.
“Pare
wag mo ng patulan, baka maparusahan pa tayo ni Sir.” Pag-alalay ng isa pang
kadete sa kasama nila.
---------
“Teka,
bitawan mo ko. Sino ka ba?” tanong ni Ron habang kumakawala sa binatang may
hawak sa kanya. Ng makawala ay napansin nitong nasa may likuran sila ng campus.
Ikinagulat naman niya ng Makita kung sino yung lalaking sumaklolo sa kanya
kanina. Si Louie.
“Hindi
ka pwedeng kantiin ng ibang tao hanggang di ako nakakabawi sayo. Ako muna ang
magpapahirap sayo bago ka pagtulungan ng iba.” Mayabang na sabi nito kay Ron.
“Eh
ano bang pakialam mo?! Diba gusto mo gumanti, bakit di mo hinayaang pagtulungan
ako dun kanina. Yun naman gusto mo diba?!” pabalang na sagot ni Ron. Naiinis
siya dahil simula ng away nila kahapon ay puro gulo ang naidulot sa kanya ni
Louie.
“Ako
ang dapat magpahirap sayo. Sakin ka may atraso. Tsaka teka, bakit nag-eenjoy ka
siguro sa ginagawa sayo kanina doon no?! Bakla ka nga siguro!” akusa naman ni
Louie sa kanya.
“H-hindi
ah! Sapakin kita u-ulit diyan eh!” utal na sagot ni Ron. Hindi niya inaasahang
ganun din ang birada sa kanya ni Louie.
“Eh
bakit ka nauutal? Siguro nga totoo. Bakla ka, tit* din ang gusto mo. Aminin mo
na, para maniwala akong di mo pinopormahan utol ko!” pilit ni Louie. At
isinandal niya si Ron sa may pader. Inilapit yung mukha nito na akmang
hahalikan si Ron. Mas lalo pa niyang inilalapit ang mukha niya kay Ron.
Hinawakan na din niya ang braso nito para hindi makapumiglas mula sa kanya.
“H-hindi
ah! Baka ikaw! Bakit mo inilalapit yung mukha mo sakin tapos hinahawakan mo
ko.” Sabay inuntog niya ang ulo niya sa ulo ni Louie ng may kalakasan. “Aray!”
bulalas nito ng maramdaman ang sakit ng pagkakabunggo.
“Aray!”
napahiyaw si Louie sa sakit. Napahawak sa ulo nito dahil sa naramdamang sakit.
Sa noo niya kasi tumama ang ulo ni Ron. Natahimik ito matapos ang ilang
segundo. Natahimik din si Ron sa taka kung bakit natahimik ang kaharap.
“Hahahaha!” sabay tawa naman ni Louie.
“Bakit
ka tumatawa?! May nakakatawa ba?! Buti nga sayo. Mayabang ka kasi. Kala mong
siga ka. Napatumba nanaman kita!” Pilit na pagyayabang ni Ron. Ngunit
mahahalata mong pinipilit lang niya dahil madyo utal pa din ang pagkakasabi
nito.
“Iba
ka talaga Castro. Palalampasin ko to. Pero di pa tayo tapos.” Sabay alis ni
Louie. Sa isip ni Louie ay may kaunti siyang paghanga sa aaway. Dahil kahit
paano ay nakakagawa ito ng paraan para makalban sa kanya. Sa isip-isip niya ay
isang kagaya pala ni Castro ang posibleng hinahanap niyang katapat.
“Naiwan
naman si Ron na nakatayo. Nagtataka siya kay Louie. Bakit hindi siya nilabanan
nito. O kaya naman ay binanatan man lang siya. Ngunit hindi man lang ito
gumanti, sa halip ay nagbanta lang ito sa kanya at umalis. Kaya lang ito mang
mas ikinabahala niya. Mukhang mahaba-haba pa ang banggan nila ng siga ng
campus. Nabahala din siya nab aka makasira ito sa imahe niya. Lalo pa na
tatakbo siya sa nalalapit na eleksyon sa isang buwan.
---------
“Ano
nanamang gulo ang pinasukan mong bata ka?! Ngayon suspended ka pa! kailan ka ba
magtatanda!” Gali na galit ang daddy ni Louie. Naiparating na kasi sa kanya ng
dean nila Louie kung ano ang nangyari kahapon ng umaga.
“Eh
may gag*ng pumoporma kay Karen eh!” pangangatwiran nito. Alam naman niyang di
siya pakikinggan ng daddy niya. Pero kailangan din niyang ipagtanggol ang
sarili nito. “Siya yung nauna!”
“Kahit
pa! Isa pa, sinabi na sakin ni Karen yung nangyari. Di mo ba alam na pwede kang
kasuhan ng binugbog mo?! Wala naman daw ginagawang masama yung tao sa kapatid
mo! Nakakahiya ka! Wala kang kwenta!” Galit na sabi ng daddy ni Louie.
“Oh
eh di sayo na nanggaling daddy. Wala akong kwenta. Wala na din naming dahilan
para magpaliwanag pa ko.” Sabat ni Louie sabay alis. Ngunit bago pa siya
makaalis ay nagawa pa siyang suntukin ng daddy niya. Nakita naman ito ni Karen
at agad na tinulungan ang kapatid.
“Daddy,
tama na. Wag niyo na po saktan si Louie. Wag na po kayo mag-aaway.” Pag-aawat
naman ni Karen. “Kuya tama na.” habang tinutulungan nito tumayo ang kapatid.
Pagkatayo
ay dumiretso na agad si Louie sa kwarto nito. Di na niya inalintana ang sakit
ng pagkakasuntok ng daddy niya. Maya-maya ay bigla naming kumatok sa kwarto
niya si Karen.
“Kuya?
Pwede bang pumasok?” Tanong nito. Hindi sumagot si Louie. Sa mga oras na ito ay
mas gusto niya mapag-isa. Ayaw niya makipag-usap kahit kanino pa. mas gusto
lang niyang magkulong sa kwarto. “Sige kuya, nag-iwan ako ng pagkain sa may
pinto. Baka kasi gusto mo lang kumain. Baka nagugutom ka na kasi. Sorry kuya.”
At bumalik na si Karen sa kwarto nito ng may pag-aalala sa kapatid.
Mabait
si Karen sa kanya. Kahit hindi sila tunay na magkapatid ay kuya talaga ang
trato nito sa kanya. Si Karen kasi ay anak ng madrasta niya. Walong taong
gulang siya noon ng mamatay ang mommy niya at labing-tatlo naman ng magpakasal
ito ulit sa mommy ni Karen. Nung una ay hindi sila magkasundo ni Karen. Pero di
nagtagal ay nagkabati din ang dalawa at iyon naman ang simula ng relasyon
nilang magkapatid. Maya-maya pa ay nakaramdam ng gutom si Louie. Tanghali pa
kasi ng huli siyang kumain. Kaya binuksan niya ang pinto at kinuha ang pagkaing
iniwan ng kapatid. Ipinagbake siya ng kaatid niya ng chocolate chip cookies.
Iyon kasi ang paborito niya. At alam ni Karen na pag masama ang loob ng kapatid
ay yun ang makakapagpagaan ng loob nito.
---------
Maaga
naman nagising si Ron ng araw na iyon. Linggo kasi kaya magsisimba silang
mag-aama sa Quiapo. Ugali kasi ito ng pamilya nila kahit nung bukhay pa ang
mama nila. Pagkabangon ay lumabas na ito ng kwarto at tinungo ang kusina.
“Mabuti
naman anak at gising ka na. Pwede ka bang bumili ng pandesal dun kay Aling
Gina? Tinanghali kasi ako ng gising eh. Magluluto pa ko ng almusal natin.”
Pakiusap ng papa niya kay Ron.
“Papa
naman kasi. Siguro po nagsulat nanaman kayo ng kung ano-ano laban kay Marcos
kagabi. Itigil niyo na kasi yan. Baka mapahamak pa kayo eh.” Pilit na
pangungumbinse nito sa papa niya.
“Naku
wag mo na ko kulitin diyan at bumili ka na, gisingin mo na din si Aldrin
pagbalik mo.” Pag iwas naman ng papa nito. “Bumili ka na din pala ng keso.”
Wala
nang nagawa si Ron. Alam naman niyang di siya pakikinggan ng ama. Pagka nga
naman may ama ka na manunulat. At lumabas na nga si Ron para bumili. Ilang
kanto din ang layo ng panaderya mula sa bahay nila. Pagdating niya ay wala
naman masyadong bumibili at sakto na bagong luto ang mga pandesal sa panaderya.
“Aling
Gina, pabili naman po ng kinse pirasong pandesal.” Sabi ni Ron. “Pabili na din
po pala ng keso. Eto po yung bayad.” Sabay abot ng pera kay Aling Gina.
“Ay
Ron, buti naman nandiyan ka. Halika dito may sasabihin ako sayo.” Pag-aya sa
kanya ni Aling Gina sa loob ng panaderya.
“Ano
po ba yun?” tanong naman ng binata.
“Sabihin
mo diyan sa tatay mo na mag-ingat. Balita ko ay may mga pulis at sundalong
pinaiikot ngayon si Marcos sa buong Maynila. Balita ko kasi ay may nakarating
daw sa kanya na may mga grupo ng mga manunulat na nagsusulat ng mga masasamang
bagay tungkol sa kanya. Balak daw hulihin at dalhin sa Crame para
imbestigahan.” Babala naman ni Aling Gina.
“Nako
Aling Gina, matagal ko nang sinasabihan yang si papa na huminto na. at baka
mapahamak pa siya sa ginagawa niya. Ayaw makinig. Pero yaan niyo po, sasabihan
ko siya mamaya.” At nagpaalam na nga si Ron at umuwi na. Dagdag alalahanin
nanaman sa kanya ang balitang narinig.
•••••••
Magandang abangan ito. Good job author.
ReplyDeleteAng galing! Saludo ako dito! Maganda ang pasok ng opening chapter mo.
ReplyDeleteMay bago akong susundan for sure.
I really like your story..for sure super aabangan ko to :))
ReplyDeleteSana mabilis ang pag post..request lang..hihi