Followers

Monday, August 6, 2012

Habambuhay

Iminulat ni Jake ang kaniyang mga mata. Naaninag niya ang guwapong mukha ng kaniyang minamahal. Kitang kita ang saya sa mga mata ni William sa kaniyang paggising.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni william sa kaniya.

“William itigil mo na ito. Pakawalan mo na ako, palayain mo na ako.” pakiusap nito sa kaniya.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa narinig. Naging seryoso. “That will not happen, my sweet. I wont let go. Never, ever!!!”


---==O==---

Kakauwi lang ni Jake mula sa galaan. Nadatnan niya sa sala si William na nakaupo sa couch, suot-suot na naman ang salamin at nagbabasa ng isang makapal na aklat. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.

“Anong binabasa mo?” tanong nito sa kasintahan sabay halik sa may tainga nito.

“Tungkol sa deoxyribonucleic acid.” Simpleng tugon nito.

“Ano yun?”

“Yung bagay sa katawan ng lahat ng nabubuhay. Yun yung naglalaman ng mga genetic instructions para sa development at pag-fucntion ng lahat ng nabubuhay.” Sagot nito na lalu namang hindi naintindihan ni Jake.

Nahalata naman ito ni William kung kaya natawa ito. Binaling niya ang kaniyang paningin sa lalaking nakayakap sa kaniya ngayon. “DNA lang yun sweety.” Paglilinaw niya.

“Ahh… Pinahaba mo pa, yun lang pala yun.” Sagot nito’t natawa na rin.

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa kasintahan at ngayon ay gumapang na ang mga halik nito patungo sa batok ni William.

“T-teka lang sweety, tapusin ko lang binabasa ko sandali.” Pagpigil nito sa ginagawa ni Jake.

“Matagal pa yan eh, angkapal-kapal pa niyan.” Malungkot na tugon naman nito.

“Saglit lang talaga ‘to sweety. Kumain ka nalang muna, iniluto ko yung paborito mo.”

“Hindi mo ‘ko sasamahan?”

“Kumain na ‘ko sweety eh. Kain nalang ako ulit mamaya.”

Bumuntong hininga si Jake at malungkot na pumunta ng kusina. Masarap ang iniluto ni William para sa kaniya subalit tila ba wala siyang panlasa, mas nangingibabaw ang tampong kaniyang nadarama.

Lagi nalang ganito. Mas pinapahalagahan pa niya yung research niya kesa sa’kin. Puno ng pagtatampong bulong nito sa sarili.

Kahit walang gana’y kumain pa rin siya. Alam niyang magtatampo ang kasintahan kapag napansin nitong hindi nito kinain ang inihandang pagkain para sa kaniya. Ayaw niyang mangyaring magkaroon sila ng tampuhan.

Matapos kumain ay nagpasya siyang maligo muna upang makapaghanda sa ipinangakong pagniniig nilangmagkasintahan pagkatapos na pagkatapos nito sa pagbabasa. Bago tumuloy ng banyo’y sinilip muna niya ang kasintahang abala sa aklat na tangan-tangan. Bumuntong hininga siya dahil tila ba nakakaramdam siya ng pagseselos sa aklat na iyon.

Habang naliligo’y hindi pa rin siya tumigil sa pag-iisip. Lagi nalang ganito. Hindi niya maiwasang magdamdam at isiping hindi na siya mahal ng kasintahan.

Naalala tuloy niya ang usapan nina William at ng mga kaibigan nito nung nakaraang birthday ng minamahal na kasintahan. Galisng siya ng kusina nuon dahil kumuha siya ng pulutan nila. Pagbalik niya’y pinuna siya ng isa sa mga kaibigan ni William.

“Uy Dimwit, sana nagdala ka na din ng isang case ng beer. Kukulangin ‘to.” Ikinatawa ito ng iba pang kasama sa inuman nilang iyon.

“Roger!” napataas ang boses ni William.

“Bakit? Pinapakiusapan ko lang ‘tong si Dimwit eh.” Sagot naman ng Roger.

“Don’t call him names!” Galit na tugon ng kasintahan.

Hindi malaman ni Jake kung ano ang ikinagagalit ni William. Minabuti niyang sumabad nalang upang pahupain ang tensyon. “Honey okay lang, maganda naman sa pandinig yung Dimwit.”

“See? Nagustuhan pa niya yung palayaw na ibinigay ko?” pagmamalaki pa nung Roger. Nakipag-high five pa ito sa’kin.

Umiling lang si William at hindi na nagsalita pa subalit bakas pa din sa mukha nito ang galit.

Mula nung gabing iyon ay Dimwit na ang itinatawag ng mga kaibigan ni William sa kaniya na ikinatutuwa niya dahil nakikita niyang masaya ang mga kaibigan ng kasintahan sa tuwing kasama siya sa mga lakad nila. Napansin naman niya ang pagiiba ng timpla ni William sa tuwing masayang nakikipag-usap siya sa mga kabarkada nito.

Isang araw ay naisipan niyang hanapin sa Google kung ano nga ba ang Dimwit, kung bakit nagagalit si William sa tuwing tinatawag siyang Dimwit ng mga kabarkada nito.

Hindi niya maiwasang manliit nang mabasa niya ang kahulugan ng salita. “Dim-wit: noun; a stupid or mentally slow person.”

Tinatawag na pala siyang bobo ng mga kabarkada ni William pero hayun siya’t tuwang tuwa pa sa tawanang pinapakita ng mga ito. Guwapo naman siya, maganda ang katawan, pero mahina ang kukote. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganuon nalang ang sama ng loob ni William, ikinahihiya siya nito.

Kung sa bagay totoo naman kasi yun. Bobo siya, mahina ang utak. Napulot lang naman siya ni William sa isang parking lot sa isang mall. Nag-aalok siya na maglinis ng kotse para sa kaunting halaga.

Regular na customer niya si William nuon. Sa mga panahong iyon kasi ay malaki magbigay si William kung kaya inaabangan talaga niya ito na dumating araw-araw. Hanggang sa maging magkaibigan sila na nauwi sa pag-iibigan.

Iniuwi siya nito’t pinag-aral ng high school na muntik niyang hindi maipasa. Pinipilit siya nitong magkolehiyo sa mga exclusive school subalit dahil mapurol nga ang kaniyang utak ay hindi niya maipasa ang mga entrance exam. Hiyang hiya na siya sa kasintahan kung kaya nagpasya siyang magtrabaho nalang upang kahit papaano’y makatulong sa mga gastusin. Ngayon ay nagtatrabaho siya sa mall bilang isang Sales Utility Clerk.

Kung naging matalino kaya ako, may mabago kaya? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.

Nagpatuloy siya sa pagligo, muaasang anurin ng tubig ng shower ang lahat ng tampo at sama ng loob na nadarama niya.

Matapos maligo’y dumaan siya sa sala, ganuon pa rin, abala pa rin si William sa binabasa. Pumasok na siya ng kuwarto upang duon na hintayin ito. Nagsuot siya ng sexy underwear tapos at nagsuot ng hapit na sando at maikling shorts. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Ito lang ang maipagmamalaki niya, ang mukha at katawan niya. Pinilit niyang ngumiti sa kaninita niya sa salamin. Sana magustuhan ni William ‘to. Puno ng pag-asang bulong niya.

Inayos niya ang higaan, binuksan ang air conditioer sa tamang lamig, nag-spray ng paboritong air freshener  ni William sa buong kuwarto at pinatay ang ilaw. Tanging mga malamlam na ilaw na nasa apat na sulok ng kuwarto lamang ang iniwan niyang nakasindi. Nahiga siya sa kama at matyagang hinintay ang kasintahan.

Iminulat niya ang kaniyang mata. Nakaidlip pala siya. Tinignan niya ang alarm clock sa tabi ng kama, 1:00 AM na pala. Pupungas-pungas siyang bumangon at tinumbok ang pinto. Sinilip niya si William sa sala. Nakasandal ito sa couch, tulog na tulog habang yakap-yakap ang makapal na aklat na binabasa nito kanina. Napabuntong hininga siya.

Bumalik siya sa kuwarto’t nagpabango, nag-wax ng buhok, at nagsuot ng mapormang damit. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kuwarto’t dinaanan lamang ang kasintahang tulog na tulog sa salas. Tunumbok niya ang pinto at tuluyang lumabas ng bahay.

Lingind sa kaalaman niya’y nagising si William sa mahinang tunog ng nagsarang pinto. Pupungas-pungas siyang timingin sa wall clock na kaniyang ikinabalikwas. Patakbo siyang nagtungo sa kuwarto. Nakita niya ang ayos ng silid, napaka-romantik nito at natitiyak niyang si Jake ang naghanda nito. Ngunit laking panghihinayang niya nang makitang wala na ang kasintahan doon.

Patuloy na naglakad si Jake. Masamang masama ang loob nito. Lalong tumindi ang nararamdamang tampo sa kasintahan at lalo ring tumindi ang hinala niyang hindi na siya mahal nito.

Namalayan na lamang ni Jake na nasa isang bar na siya. Pumasok siya’t umorder ng maiinom. Bawat shot ay isang lagok niyang iniinom, hindi iniintindi ang pagkasamid niya sa tapang ng alak.

“Dahan-dahan lang. Mahaba pa ang gabi.”

Nilingon niya ang nagsalita. Isang magandang babae na nakasuot ng mapanuksong damit na halos lumuwa na ang kalakihan ng dibdib nito.

“Wala ka yatang kasama?” sabi ng babae sabay hagod sa dibdib ni Jake, lantaran ang paglalandi nito sa kaniya.

“Wala. Iniwan ko yung asawa kong natutulog sa sala.” Sagot naman niya bago muling uminom.

“In short, hindi ka naka-score? Tama?”

“Ganun na nga.” may himig ng pait ang winika nito.

“Kawawa ka naman pala.” Sabi ng babae at sumandal sa balikat niya’t kasunod nuon ang paggapang ng kamay nito sa hita ni Jake.

Nag-inuman sila’t nagbulungan hanggang sa kapwa na nag-init ang kanilang mga katawan sa alak at bastos na usapan.

Lumabas sila ng bar na iyon at pumara ng taxi. Sa sasakyam pa lamang ay hindi na maawat ang kanilang mga labi at kamay na kung saan-saang bahagi ng katawan nila gumagapang. Hindi naman maikaila na nagugustuhan ng driver ang nakikita sa rear view mirror ng kaniyang taxi. Napansin ito ng babae kung kaya binulyawan niya ito habang si Jake naman ay wala nang ibang inintidi kundi ang lamasin, amuy-amuyin, halikan at dilaan ang katawan ng babae.

Tumigil ang taxi sa harapan ng bahay nina William at Jake. Balak talaga ni Jake na makita sila ni William upang pagselosin ito.

Pagpasok na pagpasok nila ng bahay ay muling naghalikan ang dalawa. Hinuhubad ng isa’t isa ang suot nila sa bawat hakbang papalapit sa kuwarto. Nang makarating sa kuwarto’y kapwa na silang hubo’t hubad na nahiga sa kama.

Pikit-matang nakipaghalikan si Jake sa babae. Iniisip na si William ang kahalikan niya. Gumapang ang halik ng babae pababa, hanggang sa kaniyang naghuhumindig na pagkalalaki. Isinubo ng babae ito na siyang nagpaungol kay Jake.

Si Jake naman ang pumatong sa babae. Halik dito, haplos duon, dila dito, lamas duon, hanggang sa makarating ang mga labi at dila ni Jake sa pagkababae nito. Kitang kita ni Jake ang naglalawang hiyas ng babae. Kusang gumalaw ang mga kamay ni Jake, hinaplos ang biyak ng babae tapos ay ipinasok ang dalawang daliri sa butas. Napakislot ang babae, sinyales na nakiliti ito.

Inilapit ni Jake ang kaniyang bibig sa naninigas na kuntil at dinilaan ito. Napasinghap naman ang babae sa sarap na nadama.

Ang sunod na ginawa ni Jake ay binilog niya ang dila niya’t ibinalot ang kuntil kasabay ng nahinang pagsipsip dito. Halos mabaliw ang babae, nagsisigaw ito sa sarap, parang nagdedeliryo.

Kinailangan nang hawakan ni Jake ang mga hita ng babae dahil sa napakagalaw na nito. Todo giling na ang babae sa sobrang sarap na nararamdaman niya, alam ni jake iyon dahil na rin sa walang tigil ang paglalawa ng hiyas nito.

Hindi na rin napigilan ni Jake ang init, pumatong na siya sa babae subalit nanatili siyang nakapikit. Pilit na isinisiksik sa kaniyang kamalayan na si William ang kaniyang kaulayaw. Mapusok ang palitan nila ng halik habang ibinabaon ni Jake ang kaniyang kargada sa masikip na butas ng babae.

Bumaon ang mga kuko ng babae sa likuran ni Jake dahil sa ligayang ibinibigay ng mga labi ni Jake na kung saan-saan naglalakbay, pati na rin ang nakabaong kahabaan ng lalaki sa kaniyang pagkababae. Hindi pa niya naranasan ang ganitong sarap sa mga lalaking nakaniig niya dati. Si Jake naman ay sarap na sarap sa dulas at sikip ng babae. Mahigpit niyang niyakap ito habang dinidilaan ang leeg. Puno ng ungol ang kuwarto.

Naramdaman nalang nilang dalawa ang paggalaw ng kama, sinyales na may ibang pumaibabaw dito. May umupo sa puwetan ni Jake at kasunod nuon ang mainding sakit sa likuran niya. Nilingon niya ang pumatong sa kaniya at nakita si William at ang galit na galit na mukha nito.

Bumitaw ang babae, pilit na kumawala sa pagkakadagan ng dalawang lalaki sa kaniya. Binalingan namain siya ni William na sa mga oras na iyon ay para nang halimaw na wala sa sarili. Dahan-dahang lumapit sa babae na takot na takot na lumayo. Hanggang sa na-corner siya ni William.

Dinig na dinig ni Jake ang sigaw ng babae, sigaw ng sakit at takot. Kitang kita niya kung paanong bumaon ang patalim na hawak ni William sa dibdib ng babae, sa tagiliran, sa leeg.  Hindi na rin niya nakayanan ang sariling sakit na nadarama sa kaniyang likuran at kusang pumikit ang kaniyang mga mata. Nawalan siya ng malay.

Nagising si Jake nang may nararamdamang kakaiba sa katawan niya. Tila ba latang lata siya na hindi niya maintindihan. Bigla niyang naalala ang nangyari sa nakalipas na gabi. Pinilit niyang bumalikwas subalit hindi niya nagawa sa sobrang panghihina.

Napansin niya ang mga nakakabit sa kaniya. Kung anu-anong tubo ang nkakabit sa kaniyang kamay, pati na rin sa ilong. Napansin din niya ang kaniyang balat. Payat na payat at parang nangangasul na sa putla. Nahintakutan siya. Pinilit niyang bumangon upang tignan ang sarili sa salamin subalit hinang hina siya talaga.

“Gising ka na pala.” Wika ng isang pamilyar na tinig.

“Anong nangyari?” tanong ni Jake kay William. Napansin niyang pati boses niya’y nag-iba. Parang boses na nanggagaling sa malalim na hukay.

“Sorry sa ginawa ko sweety. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Nagdilim lang ang paningin ko nun.” May himig ng pagmamakaawa sa tinig ni William.

“Ako nga ang kailangang humingi ng tawad sa ginawa ko eh. Sorry honey.” Paghingi rin ng tawad ni Jake.

Ngumiti si William at hinaplos ang buhok ni Jake. Nilingon ni Jake ang kaniyang kinalalagyan. Para itong laboratoryo nung high school sa biology class nila. Ang lalung nakakuha ng kaniyang pansin ay ang tatlong glass capsule na parang aquarium na kung saan may nakalutang na parang fetus sa dalawang salamin at isang batang lalaki sa isa.

“Hon, ano bang nangyari? Nasan yung babaeng kasama ko kagabi?” tanong ni Jake.

Nagbago naman ang timpla ni William. Tumayo siya at lumapit sa isang capsule. Pinagmasdan niya ito nang maigi bago humarap kay Jake.

“I used her as a catalyst for my research.” Sagot niya. “You see sweety, that tragic night, nung huling gabing magkasama tayo, nagbabasa ako tungkol sa paggawa ng man-made life form na tinatawag nilang homunculus. Hindi ko akalaing i-aapply ko ang mga nabasa ko.”

“A-anong ibig mong sabihin?” naguluhang tanong ni Jake.

“Napatay kita nung gabing iyon Jake, na pinagsisihan ko ng lubos. Ayokong mawala ka kung kaya gumawa ako ng homunculus upang maging sisidlan mo. Ginamit ko ang dugo ng babaeng iyon upang maging kasangkapan sa paggawa ko ng buhay. Isinalin ko lang ang electronic signal ng utak mo sa homunculus upang buhayin ka ulit dahil tuluyan nang namatay ang katawan mo.” Mahabang paliwanag ni William.

“Pero hindi ko pa na-perfect ang homunculus kung kaya ipinagpapatuloy ko ang research ko.” Dugtong pa nito.

Pinagmasdan ulit ni Jake ang katawan niya ngayon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Ibig sabihin, ang kasangkapang ginamit ni Willim upang gawin ang katawan na iyon ay ang dugo ng babae. Ibig sabihin, tuluyang pinatay ni William ang babaeng iyon. Nagawang pumatay ng kasintahan para sa kaniya.

“William, gusto kong makita ang sarili ko. Please?” pakiusap ni Jake.

Inalalayan siya ni William palapit sa isang salamin. Dun nakita ni Jake ang kalunos-lunos na hitsura niya. Hindi siya mukhang tao. Mukha siyang naaagnas na bangkay. Naluha siya sa nakita.

“Huwag kang mag-alala sweety, hindi ako titigil hanggat hindi ko nape-perfet ang homunculus para maging vessel mo.” Pagpapalakas ng loob ni William sa kaniya.

“Paano mo gagawin yun?” tanong ni Jake.

“Huwag mo nang isipin yun sweety, ang importante ay mabuhay ka.”

Biglang nahirapan huminga si jake. Biglang namanhid ang buong katawan niya na ikinataranta naman ni William. Muling pinahiga ni William si Jake. Sinaksakan siya nito ng gamot tapos ay hinalikan siya nito. Pumikit siya’t nanalangin na sana’y panaginip lamang ang lahat.

Gumising si Jake na medyo magaan ang pakiramdam subalit may kakaiba na naman. Pupungas-pungas siyang umupo sa kama. Namalayan niyang basang basa ang higaan, pati ang kumot. Naihi pala siya sa higaan.

Bumangon siya’t hirap maglakad, mahina pa ang kaniyang mga tuhod. Humarap siya sa salamin. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya nang makitang para siyang 6 na taong gulang na bata. Minabuti niyang maghanap ng maisusuot subalit walang damit sa laboratoryo.

Lumabas siya ng laboratoryo. Nagulat naman siya nang makitang nasa dating bahay pa rin pala sila, kung saan nakatira sila ni William. Naglakad pa siya papuntang kuwarto nila nuon.

Nakarinig siya ng ungol. Ungol na tila sarap na sarap. Inabot niya ang door knob at binuksang dahan-dahan ang pinto. Sumilip siya dito. Nakita niya ang isang lalaking naninirik ang matang nakatuwad habang si William naman ay todo sa pag-ayuda.

Parang sinaksak ng balaraw ang kaniyang puso sa nakita. Nanikip ang dibdib niya. Gusto niyang sugurin sila at bugbugin subalit anong magagawa ng paslit niyang katawan? Tiniis na lamang niya ang nakikita’t tahimik na pinanuod ang kaniyang kasintahan na magpakaligaya sa piling ng ibang lalaki. Dinig na dinig niya ang bawat ungol ng dalawa na lalung nagdidiin ng balaraw na nakatarak sa kaniyang puso. Hanggang sa…

“Ayan na ‘kohhh!” sigaw ni William.

“Ako din!” tugon ng ‘di kilalang lalaki.

Kitang kita niya kung paano napadapa ang dalawa sa naramdamang kaligayahan sa pagniniig na yun. Nananili sila sa ganuong posisyon, kapwa humihingal.

Nakita niyang pasimpleng dumukot si William sa drawer sa side table. Kitang kita niyang sinaksak ng syringe ni William yung lalaki sa likod. Nagulat ang lalaki at nakipagbuno kay William. Tapos ay bigla na lamang bumagsak ang hubad na katawan ng lalaki sa sahig.

Nahintakutan si Jake. Kahit hirap sa paglakad ay pinilit niyang makabalik sa laboratoryo. Nahiga siya muli sa kama, hindi na inintindi ang panghi ng sariling ihi duon.

Narinig niyang bumukas ang pinto. Nakita niya ang hubad pa ring si William na karga-karga ang matipunong lalaking kaniig nito kanina. Nagkunwari siyang tulog kahit sa loob niya’t nais na niyang sumigaw sa nararamdamang takot.

Inihiga ni William ang lalaki sa isa pang kama. Kitang kita ni Jake ang paglaslas niya sa pulso ng lalaki. Para itong kinatay na manok na hinayaang tumulo ang dugo sa isang lalagyan.

Nilagyan iyon ng kung anong likido ni William, marahil ay upang hindi mamuo ang dugo. Hindi na napigilan ni Jake ang damdamin. Umiyak na siya sa labis na takot at lungkot.

Nagulat si William. Dali-dali siyang lumapit kay Jake at niyakap ito.

“Shh… Tahan na sweety.”

“Hon, bakit? Bakit mo ginagawa ito?”

“Kailangan kong gawin ito sweety. Para mabigyan kita ng perpektong sisidlan. Sa ngayon kasi hindi nagtatagal ang mga sisidlang nagawa ko. Isang lingo lang ang itinatagal nila. Gusto kong makagawa ng may life span na parang sa normal na tao. Para magkasama tayo ng maayos, nang mas matagal.” Paliwanag ni William.

“Ilan na ba ang pinatay mo William?! Hindi ka ba natatakot?”

“Wala akong pakealam sa mga yan. Mga taksil ang mga yan, mga nangangaliwa. Dapat lang silang mawala. Pero ikaw, mahal na mahal kita Jake. Gagawin ko ang lahat makasama ka lang. Kahit si Kamatayan hahamunin ko, mabuhay ka lang!” seryosong tugon ni William.

“Ayokong nakikita kang nagkakaganyan hon. Itigil mo na ito.” Pakiusap ni Jake.

Pinunasan ni William ang mga luha sa munting mukha ni Jake. “Sorry sweety. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napeperfect ang magiging vessel mo.” Huling wika niya bago tinurukan si Jake sa likod.

“Honey please?” pakikiusap ni Jake bago tuluyang nakatulog muli.

Sa muling pagkagising ni Jake ay iba na naman ang pakiramdam niya. Hindi na siya nagtaka pa. Nakita niya si William na nakatunghay sa kaniya.

“Good morning sweety.” Bati sa kaniya ni William na may pilyong ngiti.

“Ano na naman ang katawan ko ngayon?” walang emosyong tanong ni Jake.

“Well… Yung huling ginawa ko kasi naging babae kaya…” pambibitin ni William sabay humagikhik.

Iniangat ni Jake ang kumot na bumabalot sa kanilang dalawa ni William. Nakita niyang may dugo ang putting kumot. Dinungaw pa niya ang nasa bandang ibaba. Tama nga ang hinala niya base sa pananakit ng nasa pagitan ng mga hita niya. Babae siya ngayon at ginalaw siya ng kasintahan habang natutulog.

“’Di ba kaya ka naghanap ng iba nuon kasi hindi tayo nagse-sex? Heto, I have all the time I the world para makabawi. We can make love anytime we want.” Nakangiting wika ni William.

Hindi sumagot si Jake. Inilayo niya ang kaniyang mukha kay William at humarap sa kabilang direksyon.

“Sweety galit ka pa rin ba?” nanunuyong tanong ni William sa kaniya habang hinahalikan siya sa tainga. “Sorry na oh.”

Sasagot na sana siya nang biglang narinig niya ang door bell.

“Dito ka muna sweety ha? May bisita eh.” Paalam ni William bago bumangon at nagbihis. Lumabas ito ng laboratoryo.

Pagkalabas ni William ay nagpasyang bumangon ni Jake. Gamit ang kumot ay ibinalot niya ang katawan niya. Naglakad-lakad siya sa laboratoryo. Tinignan niya yung isang laman ng capsule. Pinagmasdan niya ang sang fetus. Tapos ay ang bata naman na mukhang 2 taong gulang. Tapos ay isang binatilyo.

Ilang buhay na kaya ang pinaslang ni William?

Buntong hininga.

Naalala niya yung “bisita”. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Agad-agad siyang tumakbo palabas. Halos madapa siya dahil binigla niya ang mga paa niya na unang beses pa lng maglakad.

Muli siyang nakarinig ng mga ungol. Alam niyang galing iyon sa kuwarto kaya tinumbok niya agad ang silid nila. Gusto niyang pigilan si William sa gagawin nitong pagpatay.

Isang mahabang ungol ang narinig niya. Pagbukas ng pinto’y huli na pala siya. Nakita niyang nakaturok sa likod ng isang matipunong lalaki ang syringge habang sinasakal si William sa pader. Napalingon sa kaniya ang lalaki.

“Tulong!” sigaw nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.

Nanlambot ang mga tuhod ni Jake. Napaluhod siya. Tumingin siya kay William habang si William naman ay humihingal. Kitang kita ni William ang nangungusap na tingin ni Jake. Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita kung kaya binaling na lamang niya ang paningin sa nakahandusay na lalaki.

Binuhat niya ang lalaki. Dinaanan lamang niya si Jake. Tumuloy siya sa laboratoryo. Aklang lalaslasin na niya ang pulso ng lalaki nang bihlang agawin ni Jake ang lancet.

“Give it back Jake.” May awtoridad na wika ni William.

“Ayoko! Ayoko nang pumatay ka pa hon. Tama na ang kabaliwang ito.”

“I said, give that back!” sigaw ng kasintahan.

“No!” Bigla niyang itinutok ang lancet sa kaniyang leeg. “Pag nagpumilit ka, magpapakamatay ako!” pananakot niya.

Ngunit hindi natinag si William. “Go ahead! Kahit magpakamatay ka kaya kitang buhayin ulit.” Confident na sagot nito.

Para namang hinampas ng kawali sa ulo si Jake. Oo nga naman. Kayang kaya nga siyang buhayin muli ng kasintahan sa pamamagitan ng mga ginawa niyang “life form”. Ibinato niya ang patalim sa kama at binuhat ang silya.

“W-what are you doing?!” kinabahang tanong ni William.

Hindi na sumagot pa si Jake. Inihampas niya ang upuan sa mga capsule. Hindi siya tumigil hanggat hindi niya nasisigurong patay ang mga ‘Life form” na ginawa ng kasintahan niya.

“Shame on you, Jake.” Wika ni William habang umiiling. “Sorry sweety but I would like to inform you that I can birth as many homunculi as I want.” Wika niya bago tinurukan sa batok si Jake.

Humihingal na pinigilan ni Jake ang pagtulak ng hinlalaki ni William sa syringe subalit huli na. Tuluyan nang pumasok ang gamot sa kaniyang sistema. Lumuluha siyang muling nahulog sa pagkakahimlay.

---==O==---

Iminulat ni Jake ang kaniyang mga mata. Naaninag niya ang guwapong mukha ng kaniyang minamahal. Kitang kita ang saya sa mga mata ni William sa kaniyang paggising.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni william sa kaniya.

“William itigil mo na ito. Pakawalan mo na ako, palayain mo na ako.” pakiusap nito sa kaniya.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa narinig. Naging seryoso. “That will not happen, my sweet. I wont let go. Never, ever!!!”

“Pagod na pagod na ‘ko Hon. Gusto ko nang magpahinga.”

“At paano ako? Iiwan mo na naman ako? No! Hindi ako papayag Jake!” akmang tatayo na si William subalit maagap na hinila ni Jake ang kamay nito.

“I wont leave you.” Bulong ni Jake sa mga tainga ni William.

Nagulat si William. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Jake. “Sweety… No! Don’t do this!”

“I love you William. Goodbye.” Bulong ni Jake.

Nawalan ng malay si William dahil sa itinurok ni Jake sa likod ng kasintahan. Nagtago siya ng syringe sa ilalim ng kama nung huling nagkamalay siya. Alam niyang iisa lamang ang paraan para matigil ang lahat ng ito.

Tulad ng inaasahan niya, naroon muli yung mga fetus sa capsule. Nakuta niya ang isang tubo na itinago rin niya sa ilalim ng kama. Buong lakas niyang binasag ang mga capsule. Pati na rin ang makinaryang may mga ilaw. Lahat-lahat sa laboratoryong iyon ay sinira niya. Nag-umpisa nang umusok ang buong laboratoryo.

Inayos niya ang higa ng kasintahan. Niyakap niya ito. “Patawari mo ako honey. Ayoko nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo dahil lang sa gusto mo akong makapiling pa. Huwag kang mag-alala, ngayon habambuhay na tayong magkakasama. Mahal na mahal kita.” At binigyan niya si William ng huling halik bago siya pumikit.

Nilamon ng sunog ang buong laboratoryo, maging ang buong kabahayan. Na-abo ang lahat at wala ni isa sa mga kapit-bahay ang nakakaalam sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Ang mga abo nila ay nanatiling nasa basement ng bahay, magkasama at wala nang makakapgahiwalay pa. Habambuhay.




-The End-

2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails