Followers

Wednesday, August 8, 2012

Essay




A/N: Ito po ay storya ng isang pagkakaibigan. Sana po ay magustuhan ninyo. At gusto ko lang po sana humingi ng tulong sa inyo via LIKE, COMMENT, and SHARE at pag plug na din..hehehe Kasali na naman po kasi ako sa contest sa isang Page sa fb at ito din po ang entry ko.. Sana po ay pagbigyan po ninyo ako sa munting hiling kong ito.

To vote, Click the pic (Entry #8) and Like here. Yun lang po. Salamat ^_^


“Okay, get a pen and a paper.” Pabiglang sabi ng aming guro. Lahat ay nagulantang at nabigla sa di inaasahang anunsyo nito. Nagpapaseatwork talaga siya o kaya naman ay napapa-pop quiz kapag alam niyang nababagot na ang mga ito o di kaya naman ay nakikipag tsismisan lang sa katabi at hindi nakikinig sa kanyang mga itinuturo.



“Ma’am!!”…rinig kong sabi ng aking mga kamag-aral na animoy aangal. Angal din ako syempre. Hindi ko kasi hilig ang subject na English. Bobo kasi ako dito o sadyang hirap ko lang talagang intindihin ang salitang banyaga.



“Bakit may angal?”tanong ng aming guro na animoy nananakot na kapag sumagot ng “Oo, may angal kami!” ay pahihirapan ka ng husto.

“Wala po ma’am.”tanging nabulalas ng aking mga kaklase. Rinig ko ang iba sa kanila ay nagsisisihan kung bakit na naman may ganung factor ang guro namin. Ang iba naman ay tuwang tuwa, lalo na yung mga nakikinig talaga sa klase niya at yung mga matatalino lang talaga sadya.



“Good! Don’t worry; I only have one thing that I want you to do.”



Kita ko naman ang aking mga kaklase na nag-aabang sa sasabihin ng aming guro. Pag-aabang na halata mo talagang kinakabahan kung ano ang sasabihin.



“…essay writing! Easy diba? Essay nga eh” sabi nito at ngumiiti na para bang nakakaloko.



Marami sa aking mga kaklase ang nagustuhan at nadalian (siguro) sa pinagagawa ni ma’am. Kasi naman, walang tama o mali sa isang essay dahil ito ay point of view ng sumusulat. Pero syempre kailangan tama ang mga words na ilalagay mo doon at mayroon din itong format at style na dapat sundin upang hindi ma-mislead kung ano mang essay ang kanilang binabasa.



“Ah ewan..bahala na.”bulyaw ko sa sarili. Oo, nakikinig naman ako kapag nagtuturo ang aming guro kapag nagdidisscuss siya. Gaya ngayon, nakinig naman ako sa lesson niya about sa essay pero hindi iyon lahat ma-absorb ng utak ko.



“Okay, start writing a very easy essay.”sabay tawa. “…and your topic is about friendship.” Dagdag pa ni ma’am habang sumeryoso na ang kanyang mukha. “You have 30 minutes to do that.”



“Thirty minutes? Ang ikli nun!” sa isip ko lang. Kaya inumpisahan ko ng gawin ang aking essay.



“Friendship?”tanong ko sa sarili. “Asan na nga ba ang mga kaibigan ko ngayon? Simula kasi noong grumaduate kami ng high school ay may kanya kanya na kaming buhay. Asan na kaya sila? Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang ginagawa at pinagkakaabalahan nila? Natupad kaya ang kanilang mga pangarap sa buhay? May mga bago na kaya silang kaibigan ngayon? AT…Ano nga ba ang friendship para sa akin?” mga katanungang pumasok bigla sa aking isipan.



Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko sila mamiss. Bigla ko naalala ang aming mga tawanan, biruan, harutan, iyakan moments at tampuhan na kiliti lang ang katapat upang mawala ito. Nakakamiss ang mga kaibigang kilalang kilala ka. Alam lahat ng ayaw at gusto mo. Alam lahat ang lakas at kahinaan ng bawat isa. Yung wala kang hiya sa katawan kapag kasama mo sila. Kung saan, pwede kang umiyak sa harapan nila na tumutulo ang uhog mo; yung kaya mong tumawa ng malakas na halos lumabas na ngalangala hanggang sumakit ang tiyan; yung agawan at saluhan ng pagkain; yung dadamayan ka sa isang problema kahit ikaw yung mali pero ipapaintindi sa iyo pagkatapos na mali ka; yung laging nandyan sa tabi mo; yung tinuring mo ng isang tunay na kapatid pero kung makasermon sa iyo daig pa ang magulang mo; yung kabahagi mo sa importanteng panahon ng buhay mo….Nakakamiss.



Naalala ko pa noon, siniraan talaga nila namin ang boyfriend ng aming kaibigan dahil talagang wala iyong kwenta, manloloko, at manggagamit. But, it turn out to be kami pa ang masama gayong ang gusto lang naman namin ay ang kabutihan niya; ang kapakanan niya. Dahil dun, nag-away-away kaming magkakaibigan. Keso daw sinisiraan lang namin ang boyfriend nya (totoo naman), keso daw may gusto lang kami sa boyfriend nya (gwapo boyfriend nya pero manloloko, ewww), keso inggit lang kami sa kanya dahil nga gwapo talaga sadya ang boyfriend nya (hindi, totoo lang kaming kaibigan).



Campus crush ang boyfriend niya at talaga namang hinahangaan ng lahat estudyante sa school namin at matagal na rin may gusto ang kabarkada naming iyon. Nung mag on na silang dalawa, sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig namin silang nag-uusap-usap. “Pare, ano nakuha mo na ba ang virginity nung isang yun?” tanong ng kabarkada niya. “Hindi pa pare eh. Pero malapit na” sagot naman ng boyfriend ng kabarkada namin. “Naku pare, pumapalya ka na yata sa chicks ngayon ahh. Talo ka ata sa pustahan natin.”sagot naman ng kanyang kaparkada sabay tawa ng malakas. “Hindi pare, malapit na..Wait lang kayo at makikita ninyo.”pagsigurado naman ng boyfriend ng kabarkada namin



Sa narinig naming iyon ay agad naming pinuntahan ang friend namin. Sinabi sa kanya lahat ng mga narinig namin ngunit hindi siya naniwala dito. Sinisiraan ko lang daw siya dahil inggit lang kami sa kanya. At kami pa ngayon ang lumalabas na masama sa harapan niya. At tinakwil kami as her friend. Nakakalungkot isipin pero naghintay na lang kami ng pagkakataong marealize niya na mali siya ng lalaking napili at sana kapag dumating ang araw na iyon, hindi pa huli ang lahat.



Pagkaraan ng ilang buwan, may kumalat sa buong campus na may buntis daw. At hindi ko maiwasang hindi kabahan sa kumalat na balita.



Nakita naman naming ang aming kaibigang nagtakwil sa amin na palapit ng palapit sa aming tambayan sa loob ng school. Nakayuko at halata mong umiiyak.



Pagkalapit niya ay nagpasensya siya sa kanyang mga nagawa at nasabi sa aming masasamang bagay. Sinabi din niyang siya ang babaeng buntis sa kumakalat na balita at hiniwalayan daw siya ng kanyang boyfriend noong malaman ito. Awang awa kami sa kanya dahil sa kalagayan niya ngayon. Kung sana nakinig lang siya sa amin noon pa lang, hindi na sana dadating ang panahong ito. Hindi sana nasira ang buhay niya at ang aming pagkakaibigan. Pero dahil kaibigan namin siya, ay nauunawaan namin ang kalagayan niya ngayon. Naunawaan din naming siya kung bakit nasabi niya ang mga masasamang bagay na iyon; nabulag siya sa di tamang pag-ibig. At sino nga ba kami upang hindi magpatawad? Kaya ayun, sama-sama pa rin kaming magkakaibigan lalo pa ngayong may dinadala na siya sa kanyang sinapupunan.



Di ko alam kung gaano na ako katagal nag-isip sa mga sandaling kapiling ko pa ang aking mga matalik na kaibigan at ang mga pinagdaanan namin habang nagsusulat. “ Okay, pass your papers.” Sabi ng aming guro na nagpagulat sa akin. Hindi ko pa kasi napa-finalize yung nasusulat ko. Hindi ko pa alam kung tama nga ba ang mga pinagsasasabi ko na aking naisulat.



Ipinasa ko na din sa wakas ang aking papel na naglalaman ng essay na aking ginawa.



Maya-maya pa ay “Okay class, read your works in front of the class.”sabi ng aming guro pagkatapos makuha ang aming mga papel.



Ako ang naunang magbasa ng aming ginawa dahil alphabetical order ang pagtawag ni ma’am at sa “A” nagsisimula ang aking apelyido.



Kabado akong pumunta sa unahan upang basahin ang aking ginawa.




“Friendships are not instantaneous, they are earned. Friendships withstand the storms and upheavals of time. Friendships surpass the trite boundaries of acquaintanceship. Friendships often develop with improbable people at unlikely times. Friends know the difference between image and substance. Friends bask in the glow of the other's triumphs. Friends will be there when you need them. Friends are one of God's greatest gifts.



A Bestfriend is the one who understands your thoughts and respects them. Provides a gentle haven where the other can relax and feel safe. A bestfriend is someone whom your soul can go naked with. No pretentions, no masks that needs to be worn. A bestfriend is someone who is able to be honest to you when the world has been feeding you lies. He will act as a mirror and show you the things you don’t want to see.



Bestfriend is not someone who will always be there by your side. Because sometimes in life, you need to take separate ways for each to grow as a person. But it also doesn’t mean that the friendship ends there. Because no matter how far each goes their way, they know that they will still meet somewhere beneath the rough roads of life. Simply, the friendship is still there and silence between two is comfortable.”




Hindi man ako magaling sa english, ngunit sa tingin ko, sa inspirasyon na binigay sa akin ng aking mga kaibigan ay nagawa ko ito ng mabuti.

At narinig ko na lang ang palakpakan ng aking mga kaklase maging ang aking guro matapos kong basahin ang aking ginawa.




-wakas-

5 comments:

  1. galing mo nmnan kuya mike...good job

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat...pero hindi po ako si Kuya Mike..hehehe sana po ay nakaboto ka..hehehe

      Delete
  2. pinaiyak mo nanaman ako kuya mike, i miss my highschool life syet talaga T_T

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sakin po tong kwentong to..Salamat ^_^

      Delete
    2. kasi kasi kasi...

      sinabi nang lagyan ng "By:__________" para klaro kung sino ang author at di mukhang copy-paste lang.

      Napagalitan ka tuloy hehehehe.

      Nice one Jojie!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails