By: Mikejuha
--------------------------------
Tuta pa lang si Blackie nung mapunta na sya
sa akin. Masakitin kasi ito at inaakala ng may-ari na mamamatay lang kaya imbes
na hintayin ang pagkamatay nito at itapon, iminungkahe nya na kung gusto ko, subukan
kong alagaan ito at kung mabuhay, akin na. Kumbaga,
paswertehan nalang...
Ang buong akala ko ay mamamatay na talaga ito dahil sa sobrang malnourished at halos hindi na kumakain. Ngunit sa ilang buwang pagtyagaang
alagaan ko ito, namalayan ko na lang ang unti-unting pagtaba at paglaki nya,
hanggang sa maabot nya ang taas halos tatlong talampakan kapag nakatayo.
Napamahal nang husto sa akin at ng asawa ko si Blackie. Iyon bang
dahil siguro sa ibinuhos ko ang oras at tyaga sa pag-aalaga sa kanya, naging bahagi
na sya sa araw-araw na routine ko at hinahanap-hanap kapag hindi nakikita.
Nasanay na kasi ako na simula pa noong maliit pa ito at masakitin, halos
oras-oras ay nakakasama ko, binabantayan ang kalagayan, pinapakain,
pinapaliguan, sinisiguradong nasa mabuti ang kundisyon.
May mga panahon pa nga na dun ko na ito pinatutulog sa kwarto naming mag-asawa,
nilalagyan ko lang ng tulugan sa sahig, mabantayan lang ito. Parang anak na rin
ang turing namin sa kanya.
Dahil sa maitim, mejo nakakatakot syang tingnan, lalo na sa ganoon kalaki nya.
Ngunit, mabait na aso si Blackie. Hindi nga lang sobrang mabait ito; matalino
pa. Alam nya kung saan siya dudumi, kung kailan dapat maligo. Kapag may pagkain
naman sa mesa, hindi nyan ginagalaw iyon, aawayin pa ang pusa kapag lumalapit ito
dito.
Kung ako naman ay nagagalit sa kanya, alam din nya ito; kusa na syang lalayo. Lalo
na kapag nasigawan ko, nakatago ang buntot nitong magtatago na. Marami din
syang naiintindihang mga commands kagaya ng “Upo!” “Higa!” “Wag maingay!” “Alis!” “Halika rito!”
“Huwag malikot!” “Akyat (ng bahay)!” “Kunin mo iyon!” "Bantayan mo ang bahay"…
Kulang na nga
lang na magsalita ito eh. Kaya aliw na aliw kaming mag-asawa sa kanya.
“Blackie!
Bantayan mo ang bahay ha?” Kapag inuutusan ko na ng ganyan, hindi na sasama iyan
sa lakad namin, titingnan ako na ang mga mata ay para bang nagsasabing, “Opo
amo!”
Kung may kaibigan naman akong bibisita ng bahay at tatahulan nya ng tatahulan,
sasabihin kong, “Ang ingay mo! Pasok ka nga sa loob!” at hihinto na iyan sa
pagtatahol, ang buntot ay nakatago, papasok sa loob ng bahay sabay lingon at
bitiw ng tingin sa akin na tila nakaramdam ng
pagkapahiya.
At marunong din itong magtampo. Minsan kapag napagalitan yan, nand’yang hindi
kakain iyan hanggang hindi sinusuyo at nilalambing. Alam din nya kung may sakit
ako. Dadamayan ako nyan sa higaan, didila-dilaan ang mukha, at tila alam din niya
na hindi sya dapat maglilikot.
Ngunit ang hindi ko malimutang ginawa ni Blackie ay noong nagpunta kami sa ilog
ng asawa ko at pamangkin. Malapit lang sa ilog ang bahay namin at nakasanayan
na naming doon maglaba at kapag may oras pa, maligo. Kapag naisipan naming
maligo rin, hindi lang mga labahan ang dala-dala namin kundi pati na rin baon
na mga pagkain. Iyon ay upang pagkatapos naming maglaba, puwede nang
magtampisaw sa tubig o kaya’y kumain kapag nagutom. Piknik kumbaga. Ansarap
kasing kumain kapag ganoong pagod, at naliligo sa ilog. At dahil sa may
kalayuan pa sa kabihasnan ang lugar namin, malinis at napakalamig pa ng tubig
nito.
Low tide pa iyon noong dumating kami sa ilog. Noong tanghali na, tumaas na rin
ang tubig. Tapos na kami sa paglaba noon, hinihintay na lang na tuluyang matuyo
ang mga inilalatag na nilabhan sa may batuhang bahagi ng pampang.
At iyon, habang masayang nag-uusap kami ng misis ko, naglaro naman ang
pamangking wala pang 6 na taong gulang sa gilid ng ilog na hindi naming napansing
naabot na pala ng high tide.
Sa kalalaro ng pamangkin ko, napadayo na pala ito sa isang bahagi ng ilog na med’yo
malalim na. Biglang lumubog ito.
Mabilis ang mga pangyayari. Noong nakita ko ang biglang paglubog ng aking
pamangkin, tumalon kaagad ako sa ilog at sinisid ang parte kung saan lumubog
ang pamangkin ko. Ngunit dahil sa malakas na agos, hindi ko na nahanap pa sya
doon. Sa kalituhan, paikot-ikot akong lumangoy at sinisisid ang iba’t-ibang
parte ng ilog. Magkahalong takot at nirbyos ang aking nadarama.
Marahil ay naintindihan ni Blackie ang ang nangyari. Mabilis din syang tumalon
sa tubig at nagulat nalang ako noong sa ibang direksyon sya lumangoy at
nagpapaikot-ikot, pilit na tumahol sa kabila ng hirap niya sa paglangoy, na
parang may ibig sabihin sa akin.
Dali-dali kong nilangoy ang parte ng ilog na iyon at sinisid. At doon ko
naaninag sa ilalim ng tubig ang pamangkin ko. Dali-dali kong hinablot ang buhok
niya atsaka hinawakan ko na siya sa katawan at nilangoy papunta ng baybayin.
Sa
pagkakataong iyon, nailigtas namin ang buhay ng pamangkin ko; dahil kay Blackie.
Simula noon, lalo pang napamahal sa amin si Blackie.
Lumipas ang ilang buwan at nagsilang ang misis ko sa aming panganay. Isang
batang lalaki. Sobrang saya ko sa pagkakataong iyon. Iyon bang tila wala ka nang
hihilingin pa sa buhay dahil kumpleto na ito.
Ngunit simula ring isinilang ang baby namin, halos hindi na rin makatulong ang
misis ko sa mga gawain namin sa bukid dahil sa pag-aalaga niya ka baby. Kaya
doble kayod akong mag-isa. Wala namang problema iyon sa akin. Kaya ko naman.
Isang araw habang nasa bukid ako at hindi nakauwi kaagad ng tanghali para sa
pananghalian, napagpasyahan ng misis ko na sunduin na lang ako at dalhan na rin
ako ng pagkain. Inutusan nya si Blackie na bantayan ang bahay, at si baby na
rin.
Ilang beses na rin naman kasing ginawa ni Blackie ang bantayan si baby kapag
ganoong sinusundo ako ng asawa ko sa bukid at natutulog pa ito.
Dahil malapit na akong matapos, hinintay na lang ako ng misis ko. At wala pang
30 minutos, natapos naman ang pag-araro ko at sabay na kaming umuwi ng bahay.
Noong nakarating na kami ng bahay, agad akong kinabahan noong nakita kong
sumalubong sa amin si Blackie at nababalot ng preskong dugo ang kanyang
balahibo pati na ang ulo at ang bibig niya. At para siyang ulol na nagtatahol,
nag-iingay, hinid ko mawari kung bakit.
Tumakbo kaagad ako sa kwarto kung saan naroon ang duyan ni baby. Ngunit napatid
ito at nasa papag na. At wala ang bata doon!
Inikot ko ang buong sulok ng bahay ngunit hindi ko pa rin siya nakita.
Binalikan ko si Blackie na nakaupo lang sa isang sulok, umuungol-ungol pa rin
na tila may gustong sabihin.
Hinarap ko sya, ramdam kong tila sasabog ang dibdib sa magkahalong galit at
kaba na may ginawa syang hindi maganda sa bata. “Nasaan si Baby! Nasaan si Baby?!!!” sigaw ko.
Ngunit patuloy lang ang tila pag-uungol ni Blackie. At dahil doon, nagdilim ang
paningin ko at kinuha ko ang isang dos por dos na kanhoy at hinataw iyon sa ulo
ng aso.
“Awkkkkkkkkkkk!
Awkkkkkkkkkkk! Awkkkkkkkkkkk! Awkkkkkkkkkkk!” Ang sigaw ng aso. Hindi ko
napuruhan ang pagpalo ko sa kanya at nakatayo pa rin sya.
Ngunit kahit nasaktan, hindi pa rin nagawang lumaban ni Blackie. Nakatiklop pa
rin ang buntot niya, pahiwatig na natakot siya at hindi lalaban, umuungol pa
rin na tila may gustong sabihin. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang tila
pagmamakaawa.
Ngunit hinampas ko pa rin nang hinampas ang ulo nya hanggang sa bumulagta na
ito sa sahig, basag ang ulo.
“Arrrgggggghhhhhhhhh!!!!” ang sigaw ko.
Umiiyak na rin ang asawa ko, tumitili sa magkahalong sakit na naramdaman at
galit sa pagkawala ni baby.
Maya-maya, may iyak kaming narinig. “Si
Baby!” sigaw ko.
Dali-dali naming hinanap ang kinaroroonan nito. At laking gulat ko na lang
noong nakitanang nandoon sya sa ilalim ng aming kama, may mga dugong nagkalat
sa kanyang lampin ngunit pinaligiran ito ng kumot na tila sinadyang ilatag doon
upang hindi masaktan o malamigan ang bata.
Noong tingnan ko sa di kalayuan ni Baby, mas lalo pa akong nagulat sa nakita; ang
isang napakalaking sawa na halos tatlong metro ang haba, patay na at
gutay-gutay ang ulo, tanda na kinakagat ito nang kinakagat.
Bigla akong nanlumo. Tinakbo ko kaagad ang nakahandusay na si Blackie, kinarga
ko siya.
Ngunit patay
na ang alaga ko. Wala na si Blackie.
“Blackieeeeeeeeeee!” sigaw ko. Iyon na lang ang tangi kong nagawa sa
matinding pagsisisi, at panghihinayang. Hanggang sa huli, ipinakita ni Blackie
na tapat siya sa pamilya ko si Blackie at ginawa nya ang lahat upang maprotektahan
ito.
Oo, ako ang nagbigay sa kanya ng buhay; ngunit ako rin pala ang kikitil noon, at
sa panahon pa na dapat ay gantimpala ang ibigay ko sa kanya.
(End)
Nakakapag init ka ng ulo.. TANGA! Dapat namatay na lang ang anak mo at sana mamatay ka na din bobo.
ReplyDeleteAng lungkot ng ending pero ang ganda ng kwento.
ReplyDeletegrabe nman, dami ko iyak d2 ;(
ReplyDeletegrabe...wawa nman si Blackie..tlagang nakakalungkot..
ReplyDeletetama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeleteTama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeletetama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeleteTama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeleteTama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeleteTama ba talaga ang title? Adapted?
ReplyDeleteLiterary adaptation is the adapting of a literary source (e.g. a novel, short story, poem) to another genre or medium, such as a film, a stage play, or even a video game. It can also involve adapting the same literary work in the same genre or medium, just for different purposes, e.g. to work with a smaller cast, in a smaller venue (or on the road), or for a different demographic group (such as adapting a story for children).
DeleteAng kwento na ito ay narinig ko lang, "word of mouth" in Cebuano and I am not sure of the author or any author. With my adaptation of this story into a "print", I also modified it to fit my own style.
To adopt and to adapt are two different words.
* http://en.wikipedia.org/wiki/Literary_adaptation
DeletePara sa walang alam madaling manghusga. Epal kung baga.
ReplyDeleteGaling ng adaptation mo,nabasa ko ang English version nito pero maikli lang. Mahusay ang pagkakagawa nito.
wag kasing magmagaling na isang wirter ko di ka naman nagsusulat
ReplyDeletehuwag humusga kung d alam ang basic ng literature.. sa pagbuo o paggawa ng kanta..
kung sinong walang alam siya pa ang putak ng putak..