By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
------------------------------------------
Marami kaming
napag-usapan habang nasa biyahe. Kahit si Sophia at ang nangyaring pag-akusa
niya na ako ang dahilan ng food poisoning ay napag-usapan din namin. At alam
din raw niya na inapi-api ako ni Sophia.
“Tiisin mo
lang muna. Kasi, malapit na akong umalis sa poder niya.” ang sambit ni Marlon.
Parang nakikinita kong may nabuo na siyang plano bagamat hindi naman niya
sinabi kung ano ba talaga ito.
“Saan ka naman
pupunta kapag nakaalis ka na sa poder niya?”
“Uuwi sa atin
eh. At doon maghanap ng trabaho. Bakit, sa tinign mo ba ay hindi ako makahanap
ng trabaho?”
Hindi na ako
umimik. Syempre, kapag pamilya na niya ang pinag-uusapan, wala akong kaalam-alam.
Ayokong madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko o kaya ay may masabi akong nakakaduda
na.
Habang palapit
nang palapit kami sa aming lugar, palakas nang palakas naman ang kabog sa aking
dibdib. Hindi ko kasi alam kung saan siya dadalhin.
“Excited na
ako yak... sabik na akong makita ang mga pinsan natin” sambit ni Marlon, bakas
sa kanyang mukha ang labis na kagalakan.
Ang sabi ko
kasi sa kanya ay mga pinsan ang pupuntahan namin. Wala akong planong magpakita
sa bahay na kasama siya. Baka mamaya madagdagan lamang ang aking problema kapag
nalaman ng aking mga magulang na nagpanggap akong kapatid ni Marlon. Isa pa,
nasa Mindanao ang pamilya niya, na nasabi ko na rin sa kanya.
“P-pero di ba
ang sabi mo ay nasa Mindanao ang pamilya natin?” dugtong din niya.
“Oo, sa
Mindanao nga sila. Sinabi ko na iyan, di ba?” ang naisagot ko.
“Oo. Pero kailan
tayo pupunta roon? Sabik na akong makita ang mga magulang natin yak.”
“Saka na
iyon... Basta darating na lang iyon.” Ang sagot ko na lang. Palapit na palapit
na kasi sa lugar at naturete na ang utak ko kung ano ba talaga ang aking gagawin
at saan ko siya daldalhin.
Noong
nakarating na kami sa bayan, giniyahan ko siya upang baybayin ng kotse niya ang
daan patungo sa bodega ng kopra na nasa burol kung saan si James nagtatrabaho
dati bilang isang security guard.
“D-dito na
ba?” ang tanong niya noong sinabi kong ihinto na ang kotse.
“Oo. Ito na
nga.”
“Bodega ito
ah!”
“Bodega nga ng
kopra... dito ka dati nagtatrabaho bilang isang securty guard.”
“T-talaga?”
“Oo... ikaw
ang siga diyan dati.” Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas ako. “Tara...”
Lumabas na rin
siya. “D-dito ba talaga ako dating nagtatrabaho?” tanogn uli niya.
“Oo nga. Kung
gusto mo, itanong pa natin sa...” napahinto ako. Naalala ko kasi si Badong,
iyong kapalit niyang guwardiya na nakaniig ko rin noong wala na siya. Para
tuloy akong nagdadalawang-isip na ipakilala pa siya. “Sabagay, baka wala na
siya. Antagal na kasi noon.” Sa isip ko lang.
“Kanino natin
itanong?”
“S-sa may ari
ng bodega, nitong koprahan...”
“Saan ko kaya
ito dadalhin pagkatapos naming dito?” ang tanong ng isip kong litong-lito kung
ano ang sunod kong gagawin.
“Ah...
mag-hotel na lang kami!” Ang planong pumasok sa isip ko. Maganda ang planong
iyon kasi, safe ako kapag nasa hotel kami, hindi ako mahuli na naroon pala ang mga
magulang ko at ito ang pupuntahan ko; at habang naroon siya, lihim akong makasaglit
sa bahay, kukunin ang mga kailangan ko, makita ang mga magulang ko at
makapagpaalam sa kanila.
Ngunit nasira
ang lahat nang plano kong iyon noong mula sa aming likuran ay may biglang tumawag
sa aking pangalan. “Jassim! Anak! Nakauwi ka na pala?”
“Nalintekan
na!” sigaw ng utak ko. Noong nilingon ko ang kinaroroonan ng boses, para akong
nakakakita ng multo. Ang inay ko, sabik na nagtatakbo patungo sa akin at sa di
kalayuan ay ang itay na naglalakad, nakatupi ang pantalon, nakapaa, na
mistulang galing pa sa pag-aararo at sa gilid ng kanyang beywang ay nakalaylay
ang itak!
“Diyos na
mahabagin! Baka kapag nagulat ang itay ay maitak niya si Marlon!” sigaw ng natataranta
kong isip.
Hindi ko
talaga alam ang aking gagawin sa sandaling iyon. Parang gusto ko na lang
tumakas at iwanan si Marlon na nakatayo sa harap ng bodega o takpan na lang ang
aking mukha upang hindi mahalata na ako pala iyon. Ngunit huli na ang lahat.
Nakita na ako ng aking inay.
Dahil sa
sobrang kaba, hindi ako nakasagot sa pagtawag sa akin ni inay. Pati si Marlon
ay pansin ko ang kanyang pagkagulat.
“Anak... ang
tagal mo nang hindi nakauwi. Kumusta ang pag-aaral mo? Sabik na sabik na kami
ng itay mo sa iyo!” ang sambit ng aking ina noong niyakap na niya ako.
“Eh...” ang
nasambit ko na lang, ang aking mga kamay ay hindi maiyakap nang diretso sa kanya,
nag-aalangan dahil nga nandoon si Marlon.
Kitang-kita ko
naman sa mukha ni Marlon ang bakas ng tuwa sa pagkakita niyang niyakap ako ng
aking inay.
At noong bumitiw
na s apagkayakap sa akin an ginay, halos mawindang naman ang inay noong siya
naman ang niyakap ni Marlon. “Inayyyyyy! Matagal ko na po kayong hinahanap!
Salamat at sa wakas ay nagkita muli tayooooo!”
Kitang-kita ko
ang panlalaki ng mga mata ng aking inay. Iyong bang gusto niyang itulak ang tao
at tumiwalag sa kanyang pagyakap ngunit hindi magawa-gawa dahil sa nakitang
mukhang mabait naman iyong tao kung kaya hinayaan na lang niya ito bagamat bakas
sa kanyang mukha ang ibayong pagkalito.
“Sandali!
Sandali! Ano ba ang nangyari?! Jassim, magpaliwanag ka nga?! Ang sambit ni inay
noong pinakawalan na siya ni Marlon.
“Ako na ang
magpaliwanag inay... nagka amnesia po ako! Nawala po ang aking alaala!” ang
biglang pagsingit naman ni Marlon.
Ako naman ay
natulala, hindi makapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari. Parang gusto
kong sampalin si Marlon at bulyawan ng, “Hindi iyan ang ibig sabihin ng inay!
Tinatanong niya kung bakit mo siya niyakap at tinawag na inay! Tanga!”
Napatingin ang
inay sa akin na ang mukha ay lalo pang naguluhan sa narinig na paliwanag ni
Marlon.
Ngunit bago pa
man ako nakapagsalita, sumingit naman ang itay na noon ay nakalapit na rin sa
amin, “Ano ba ang nangyari dito Jassim?! Kailan ka pa dumating anak?!!”
At hindi pa
man ako nakaimik muli, ang itay naman ang biglang niyakap nang mahigpit ni
Marlon. “Itayyyyyyy! Sabik na sabik na po akong makita kayoooo!”
Hindi ko malaman
kung matawa ako o sasampalin pa rin siya at sigawan ng, “Ano ka ba! Yakap ka nang
yakap sa mga taong hindi nakakakilala sa iyo!”
Gusto ko ring
matawa sa postura ng itay. Kasi ba naman, mabilis siyang pagsugod sa aming kinaroroononan,
nagmamadali sa pagkakita sa akin at siguro naguluhan din noong niyakap ang inay
ng isang taong kasama ko na naka-long-sleeves pa. At mabilis ang kanyang
pagsulpot ngunit noong bigla siyang niyakap ni Marlon ay tila ring biglang
nakasagi ng live wire ng Meralco at hindi nakagalaw, ang mukha ay tila sa isang
taong nakoryente. Ang kulang na nga lang sa kanya ay ang pag-usok ng kanyang
mukha. At hindi na rin niya nagawang hawakan ang kanyang itak. Ang kanyang dalawang
kamay ay nakalaylay lang sa gilid, naipit sa mahigpit na yakap ni Marlon.
Noong
pinakawalan na siya ni Marlon, kitang-kita ko sa mukha ng itay ang pagkabigla.
Para siyang natulala. Kung hindi ko nga lang siya itay ay parang gusto ko na siyang
biruin ng, “O ngayong natikman mo na ang yakap ng isang guwapong lalaki, ano
ang masasabi mo? Masarap tay, di ba?” Ngunit syempre, ayokong maitak kung kaya
silent na lang ako.
“N-nagkaroon
ako ng amnesia tay, nay... kung kaya ngayon lang ako nakasipot. M-mabuti na
lang at nahanap ako ni Jassim...” Ang sambit ni Marlon. Para siyang
nagsusumbong.
Nagkatinginan
ang aking mga magulang. Syempre, wala silang pakialam kung na-amnesia ba iyong
tao, na-dengue, nagka-typhoid o nababaliw. Hindi naman nila ito kilala. Lalo
nang hindi close.
Tiningnan nila
ako. Naghanap ng kasagutan ang kanilang mga tingin.
Dali-dali kong
hinila sina inay at itay sabay sabi kay Marlon ng, “S-sandali lang k-kuya ha...
mag-usap muna kami ng inay at itay.” At noong medyo malayo-layo na kami kay
Marlon, doon ko na ipinaliwanag ang lahat. “Nay... tay, natandaan niyo pa ba
siya? Siya iyong dating guwardiya sa bodega na iyan sa burol” turo ko sa
bodega.”
Tumingala
sandali ang inay sa taas at pagkatapos, “Oo nga... namukhaan ko siya!” sambit
niya.
“Tama nay.”
Sagot ko. “Noong umuwi iyan sa kanila, ang bus na kanyang sinakyan ay nahulog
sa bangin at siya lang ang nailigtas. Ngunit nagka-amnesia siya.”
“Ngayon,
paanong naging nanay at tatay kami niyan?”
“Ganito nga...
nasagip iyan ng isang anak-mayamang babae na may ari ng malaki at sikat na
restaurant, iynang MCJ Restaurant?” sambit ko sa pangalan ng restaurant. Sikat
kasi ito kahit ang branch nila sa aming bayan. “...At ayaw na siyang pakawalan
noong babae. Parang ginayuma ba, o kinulam upang hindi na manumbalik pa ang
kanyang ala-ala. Gusto ng babaeng iyon na angkinin na lubusan si Marlon pati na
ang kanyang buong pagkatao. Noong nakita ko siya sa restaurant na iyon, na
pag-aari ng mayamang babaeng gustong umangkin sa kanya, doon ko na naisipang iligtas
siya, na matulungan siyang maibalik ang kanyang alaala.”
“Hindi mo pa
nasagot kung bakit naging anak namin iyan.” ang pagsingit pa rin ni itay.
“Ganito nga
iyon... Noong sinabi ko na sa kanya na kilala ko siya, tinanong niya ako kung
sino ako sa buhay niya, doon ko na sinabing kapatid ko siya; kuya. Alangan
naman kasing ang palusot ko ay kapitbahay lang o kaibigan. Parang ambabaw kasi.
Baka hindi ako paniwalaan o baka itaboy pa ako lalo na ng babaeng iyon. Kaya
inangkin ko na lang siyang k-kuya...”
Natahimik
silang dalawa.
Nagkatinginan
ang aking mga magulang. Parang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Tumingala uli
ang inay sa langit. Marahil ay nababasa niya roon ang kasagutan. Maya-maya, “Ewan
ko ba sa iyo, Jassim. Hindi ba malaking gulo iyan? Baka biglang sumulpot dito ang
babaeng iyan at tayo naman ang mapapahamak?”
Na sinagot ko
naman ng, “Hindi makarating dito iyon inay...” Syempre, dinepensahan ko ang
aking ginawa bagamat doon ko lang naisip na maaari ngang makarating doon si
Sophia. Sa yaman ba naman niya, walang lugar sa mundo na hindi niya kayang
abutin.
“E, iyan...”
palihim na turo niya kay Marlon. “Paano kung matauhan iyan?”
“E di, huwag
na rin nating gamutin – Joke!” ang sagot ko.
“Puro ka
kalokohan.” Ang pagsingit ni itay.
“E, di mas
mabuti kung matauhan na... ang mahalaga lang naman ay makauwi siya sa kanyang
tunay na pamilya eh.” Ang dugtogn kong sagot.
“Bahala ka
nga! Ngunit huwag mo kaming sisihin ng itay mo kung pumalpak kami sa aming drama
ha? Hindi kami sanay magkunwari.” ang tila nayayamot na sagot ng inay sabay
talikod at tinumbok na ang kinaroroonan ni Marlon.
Sumunod naman
si itay pagkatapos niya akong tingnan na parang nanumbat ng, “Ikaw ha?”
Parang gusto
ko tuloy suklian ang tingin ng aking itay ng isang tingin din na nagtatnong ng,
“Tay naman... nayakap ka lang ng isang guwapong nilalang ganyan ka na...”
Ngunit di ko na ginawa iyon. Tumingala na lang ako sa langit. Baka mahanap ko
rin doon kung ano ang tamang gagawin.
Anyway, natuwa
na rin ako. Alam ko naman ang ugali ng mga magulang ko. Minsan pakipot. Minsan
sobrang OA. Ang cute kaya ni Marlon. Kahit naman sino sigurong mga magulang ay
hindi aayawan si Marlon na maging anak nila. “Hmpt. Pakipot pa kayo.” Sa isip
ko lang.
Nagtatakbo
akong sumunod sa kanila. Sa loob-loob ko lang, sobrang happy ako na sumakay ang
aking mga magulang sa aking mga pakana.
“M-may problema
ba nay? Tay?” ang tanong kaagad ni Marlon noong nilapitan na siya ng aking mga
magulang.
“W-wala
naman...” ang sagot ni inay. “O siya... mabuti at nakabalik ka na rito. Umuwi
na tayo...” sabay tumbok sa direksyon ng kalsada pauwi sa bahay namin, pansin
ang pagmamadali, natakot baga na puputaktehin ng tanong ni Marlon.
Sumunod ang
itay.
“Nay, dito na
tayong lahat sumakay” sabay turo ni Marlon sa bagong biling pulang lexus niyang
kotse.
Nanlaki ang
mga mata ng aking inay sa pagkakita sa magarang kotse ni Marlon. Si itay rin ay
hindi maitago ang paghanga sa ganda.
“S-sa iyo ba
iyan?” sambit ng inay.
“Opo. Dito na
po tayo sumakay.” Sabay bukas sa kotse at umupo sa driver’s seat.
Binuksan ko
naman ang pinto sa likurang upuan upang makapasok sila. “Ay dyaske. Ngayon lang
ako makakasakay ng kotse!” biro ng itay noong nakapasok na. “Baka hindi ako
makatulog nito. At ang bango-bango pa! At ang lamig ng aircon!” dugtong pa
niya.
Susunod na
sana si inay ngunit sinabihan kong, “Sa kabila pong pinto ang pasukan, nay...”
Sabay ikot ko.
Sumunod ang
inay at noong binuksan ko na ang pinto, gusto kong matawa sa nakita. Tinanggal
ba naman niya ang kanyang tsinelas at binitbit ito bago pumasok.
“Nay isuot
niyo po ang inyong tsinelas.” Sambit ko, nilakasan ko upang marinig ni Marlon.
“Kahit madumihan po natin ang kotseng ito, ayos lang kasi hindi naman ito
atin.” Sabay tawa.
“Loko ka ah!”
sagot naman ni Maron. “Tinira ba ako!” sabay tawa. At baling kay inay, “Isuot
niyo po ang tsinelas ninyo nay... madali naman itong linisin eh. At hindi naman
ito basta-basta nadudumihan. Kaya ok lang iyan nay.” dugtong pa ni Marlon.
“Ay pasensya
na... ngayon lang ako nakakasakay ng kotse! At ganito pa kaganda! Diyos ko nakasakay
rin ako ng ganito.”
Noong
nakasakay na sila, tumabi na ako kay Marlon sa harap.
Ang saya-saya
ko habang naglakbay na ang kotse patungo sa bahay namin. Tuloy nangarap ako na
sana ay palagi na lang ganoon si Marlon; na hindi na manumbalik pa ang kanyang
alaala. Kasi, tanggap naman siya ng aking mga magulang bagamat bilang kapatid
ko nga lang. Pero ang sarap ng feeling na hayun, nagkasundo kami, buo kami bilang
pamilya, at nabigyan pa niya ng saya ang aking mga magulang sa simpleng
pagsakay lamang nila sa kanyang kotse. Para bang, “Wow... Lord, sana ito na.
Sana ganito na lang palagi.” Parang gusto ko na ring tumingala sa langit at
maghanap ng kasagutan doon. Kaso nakaharang pala ang bubong ng kotse.
Naputol ang
aking pag-iilusyon noong nagsalita si Marlon, “Sabi ni utol Jassim nay ay na
stroke daw po kayo?”
Kahit nasa
likuran ko ang aking inay, nakikinita kong parang feeling nauntog ang kanyang
ulo sa narinig na tanong. Siguro napaisip iyon ng, “Punyeta itong Jassim na ito
ah! Ang lakas-lakas ko pa tapos na-stroke pala?” Natameme ang inay. Siguro
gusto niyang tumingala uli sa langit upang maghanap ng isasagot. Ngunit nakaharang
ang bubong ng kotse. Kaya, “Eh...” na lang ang naisagot niya.
Kaya to the
rescue na ako. “Na-stroke nga ang inay ngunit naka-recover na.” sabay lingon ko
sa mga magulang ko na nakaupo sa likod. “Di ba inay, tay?” Grabe. To the max na
talaga ang mga kasinungalingan ko. Parang normal na lang sa akin ang
pagsisinungaling.
“A, oo nga.
Tama si Jassim. Gumaling na ako.” Ang maiksi na sagot ng inay.
“Ah, mabuti
naman po. Pero di ba sa Mindanao po tayo nakatira?” ang bigla ring pagsingit ni
Marlon sa issue na iyon. Tama nga naman siya. Ang alibi ko nga lang sa biyahe
naming ioyn ay ang bisitahin ang mga pinsan.
“Oo... pero
lumipat na kami, er... tayo rito. Matagal na. May sampong taon na siguro ang
nakalipas.” Ang sagot ni itay.
“S-sampong
taon? Ganyan na ba katagal simula noong ako ay naamnesia?”
“H-hindi
sampong taon tay ah!” ang pagtutol ko rin sa sagot ni itay. At baling kay Marlon,
“Nalimutan lang ni itay. May anim na taon pa lang iyon...” ang pagsingit ko
uli. “S-saan pala kayo nanggaling nay?” ang paglihis ko sa usapan.
“Ah... dumayo
kami ng itay mo kina Tita Berta mo! Malala ang sakit niya at nakakaawa”
“S-sino ba si
Tita Berta nay?” singit uli ni Marlon.
“Ah siya ang
nakatatandang kapatid ng itay mo. Nakakaawa kasi... nag-iisa lang sa bahay
niya, at hindi malaman kung ano ang sakit. Namimilipit sa sobrang sakit ng
kanyang tiyan. Hindi naman maipa-ospital gawa nang walang pera. Wala naman
kaming maitutulong. Naroon pa siya, iniwanan namin na namimilipit sa sakit.
Pinainum ko na lang muna ng mga pinakuluang dahon ng herbal.”
Sa pagkarinig
ni Marlon, biglang inihinto niya ang kanyang kotse. “Saan ba ang lugar niya
inay at puntahan natin?”
“Doon sa dulo
ng kalsadang ito, sa pinanggalingan namin.”
At agad-agad
pinaharurot ni Marlon ang kanyang kotse patungo sa nasabing lugar.
Naabutan namin
ang aking tita na halos mawalan na ng ulirat sa iniindang matinding sakit sa
kanyang tiyan. Agad namin siyang isinakay sa kotse ni Marlon at dumeretso na
kami sa ospital.
“Baka kasi
kailangang operahan si tita, inay. Baka acute appendicitis iyan or bato sa
gallbladder o di kaya ay sa kidney.” Sambit ni Marlon.
At hindi nga
nagkamali si Marlon. Lumabas sa ultrasound na halos pumutok na ang kanyang apdo
dahil sa malalaking bato na naroon. Ipina-opera ni Marlon ang tita ko; gastos
niya.
At doon
humanga ang aking mga magulang kay Marlon. Wala namang mapagsidlan ng tuwa ang
aking tita dahil sa ipinamalas niyang kabaitan.
“Hulog ka nang
Diyos, anak...” ang sambit ng itay kay Marlon na napaiyak.
Sa totoo lang,
noon ko lang nakita ang itay na umiiyak. Mahal na mahal kasi ng itay ko ang
kapatid niyang iyon. Atsaka, ang bait-bait noon, lalo na sa akin. Minsan kapag
wala akong baon sa school, nanghihingi ako sa kanya, binibigyan ako kapag
mayroon siya. May isang beses pa nga nanghingi ako sa kanya, binigyan niya ako
ng limang piso. Noong binisita ko siya sa gabi, naabutan ko siyang naghapunan
at asin lang ang ulam. “Tita, bakit po asin lang ang ulam ninyo?”
“Hayaan mo na,
masarap naman ang asin eh.” Ang pabiro niyang sagot.
“Hindi nga
po... hindi naman lang kayo bumili ng kahit itlog o tuyo, o sardinaas?”
Biglang
natahimik siya, ang mukha ay naging seryoso. “Hindi na ako pinautang ng
tindahan. Marami pa raw akong utang. Pero, hayaan mo na iyon. At least ako may
nakakain. Ang iba nga diyan wala eh, di ba?”
At doon na ako
tinablan ng awa sa tita ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit nanghingi pa ako ng
baon sa kanya. Huling pera na pala niya iyong limang pisong ibinigay sa akin.
Napaluha na
lang ako, niyakap ko siya. “S-sorry tita ah! Iyong huling pera ninyo ay hiningi
ko pa talaga! Hindi ko kasi alam. Hayaan po ninyo, kapag may pera ako, ako
naman ang magbibigay sa inyo.” Sabi ko sa kanya.
“Hay naku
itong batang ito. Nagda-drama pa. Sanay ako sa ganito, ano ka ba.” Ang sagot
naman niya bagamat napansin kong nagpapahid siya sa kanyang mga mata.
Simula noon,
kapag kumakain kami sa bahay, lagi ko na siyang dinadalhan ng ulam sa kanila.
Iyan ang karanasang hindi ko malilimutan tungkol sa kabaitan ng tita ko. At
ipinangako ko na rin na kapag may trabaho na ako, hindi ko rin siya pababayaan.
Nag-iisa lang kaya siya sa buhay, walang asawa, walang anak.
“Hinding-hindi
ko malilimutan ang ginawa mong ito sa amin, Marlon.” Ang sambit ni itay kay
Marlon, halos hindi maaawat sa pagpapasalamat.
“Itay naman...
tita ko po iyong nagkasakit, kapatid mo ninyo. Natural lamang na tulungan ko
kayo at siya dahil pinalaki ninyo kami nang maayos.”
Mistulang
natameme ang aking itay. Syempre, hindi naman totoong anak siya talaga. Niyakap
na lang niya si Marlon. “S-sana ikaw... gumaling ka na rin anak.” ang nasambit
lang niya.
Syempre, ako
man ay parang nakonsyensya rin. Pero inisip ko na lang na siguro, isa sa mga
dahilan kung bakit na-amnesia siya ay upang isalba ang buhay ng aking tita.
Kasi, kung hindi dumating si Marlon sa amin, malamang na pumutok na ang apdo ng
tita ko na siyang ikamamatay nito. Isang buhay rin ang nasagip niya.
Nagpaiwan ang
inay sa ospital. Isagawa raw kasi ang opersyon kinabukasan pa. Kaming tatlo
lang ng itay ang umuwi. Noong nasa bahay na kami, inilabas naman ni Marlon ang
kanyang biniling mga delatang pagkain, mga setserya, mga damit at kung anu-ano
pang mga pasalubong. Nagtira rin siya ng para sa tita ko. Sobrang saya ang
naramdaman ng aking itay na talagang inalok niya si Marlon na mag-inuman sila.
May mga tuba kasi siyang stock, galing sa mga niyugan niya at idinideliver niya
ang mga ito sa kanyang mga suki. Kumuha siya ng isang galon para sa amin. Nagkatay
ang itay ng isang manok na alaga niya at nilitson ito.
Pinaunlakan
naman siya ni Marlon. At nagbukas rin si Marlon ng mga de latang dala namin.
Syempre, nakisali
ako sa inuman. Baka mamaya may lalabas na tanong si Marlon at hindi masagot ni
itay, at least nandoon akong sasalo nito.
Dahil may
gitara, naggitara ako, at nagkantahan pa kami. Kinanta rin anmin ang kinanta
niya sa akin noong umalis siya, ang “Beautiful In My Eyes”.
Tuwang-tuwa
ang itay sa aming pagba-bonding. Habang nakaupo kaming dalawa ni Marlon na magkatabi
sa kawayang bangko sa harap ni itay, nakatingin naman siya sa aming dalawa na
siguro kung naging dalaga lang ako, iisipin kong ang tingin niyang iyon sa amin
ay isang pahiwatig na boto siya kay Marlon para sa dalaga niya. Panay lang ang
ngiti niya sa amin, kahit paminsan-minsang inaakbayan ako ni Marlon at ako
naman ay yumayakap sa kanyang beywang at halos maglalampungan at maghahalikan na
lang kaming dalawa sa sobrang pagka-sweet sa harap niya. Dedma lang ang itay,
panay pa rin ang ngiti.
Noong naramdaman
kong lasing na ako at medyo lasing na rin si Marlon, nagpaalam na ako kay itay
na magpahinga na kami sa kuwarto. Parang isang bagong kasal lang kami na
pagkatapos ng kasayahang kasama ang magulang, sinamahan ko na ang aking groom patungo
sa aming kuwarto. Wish ko lang talaga ang ganoon.
Dahil nabusog na
kami sa pulutang barbecue na manok at mga setserya at de lata, hindi na kami
naghapunan pa. Deretsong pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi ko naman maiwasang
hindi kabahan. Wala kaya kaming solong kuwarto para sa kanya.
Ipinakita ko
muna sa kanya ang litrato namin na ibinigay niya. Nahanap ko kasi ito sa ilalim
ng aking kabinet. Iyon iyong kuha sa terminal ng bus bago siya umalis. Noong
nakita niya ang mga ito, lalo na iyong nakakandong ako sa kanya, lalo pa siyang
nakumbinse na mag-utol nga kami.
“M-may ganito
ka rin sa wallet mo yak noong araw na sumakay ka ng bus.” Sambit ko.
“T-talaga?”
“Oo... hindi
ba ibinigay sa iyo?”
“H-hindi eh.
Si Sophia ang nagsabi sa akin na na-comatose daw ako ng halos isang taon dahil
sa aksidente. Ang sabi niya ay matagal nang patay ang aking mga magulang, sa
pagkalunod daw ng barko kung kaya ay wala silang libingan. At magkasintahan nga
raw kami at malapit nang ipakasal. Alam daw iyon ng aking mga magulang. Iyon
ang sabi niya at wala namang binigay na ganyang litrato.”
“Hayop talaga
ang Sophiang iyon!” sa isip ko lang. “Gusto mo magpa-recopy ka na lang uli ha?
Ipakita mo kay Sophia.” sambit ko.
“S-sige bukas,
magparecopy tayo...”
Marami pa
kaming pinag-usapan sa gabing iyon, ang mga lugar, ang tita ko, ang mga
nakagawiang gawin ng pamilya. Ngunit syempre, imbento ko lang na kasama siya sa
mga iyon at hindi ko na sinabi pa ang mga maseselang ginagawa namin.
“Sa iisang
kuwarto lang pala tayo natutulog yak?” ang tanong niya noong napansing iisa
lang ang kama sa kuwarto ko, iisa lang ang kumot, bagamat dalawa ang unan kasi,
nasanay akong idinadantay ko ang aking mga paa dito.
“Oo...”
“Talaga?”
“B-bakit, ayaw
mo ba? P-puwede namang mag-hotel ka, o tayong dalawa kung ayaw mo rito.”
“Tange. Bakit
ako magho-hotel kung ganito naman talaga ang tulugan natin dati? Atsaka, gusto
ko nga eh. Pinangarap ko ngang makayakap sa pagtulog ang aking bunso eh...”
sabay tawa.
Napangiti
naman ako. Parang gusto kong sabihin sa kanya na “Ako rin... miss ko na iyong
ginawa mo sa akin, iyong itinuro mo sa akin...” Ngunit hindi ko na itinuloy
iyon. Alam ko, masagwa iyon para sa dalawang “magkapatid”.
Nauna akong nahiga
sa kama. Maya-maya, naghubad siya ng kanyang t-shirt, tapos ang pantalon. Brief
na lang ang natira sa kanyang katawan. “Naka-brief lang ako kapag natulog....” sambit
niya.
Mistula naman
akong nabilaukan sa narinig. Hindi kaya kalakihan ang kama ko, tapos katabi ko pa
siya, at sanay ang aking paa na idantay sa unan na gagamitin naman niya. Baka
kung saan-saan madantay ang aking paa! Syempre, may pagnanasa ako sa kanya.
Noong natapos
na siyang maghubad, humiga na siya sa tabi ko. Binigyan ko siya ng espasyo. Pareho
kaming nakatihaya. Walang imikan. Ewan kung ano ang laman ng isip niya ngunit
ako, kinakabahan. Parang may mga paru-paro ang loob ng aking tiyan.
Maya-maya,
tumagilid siya, idinantay pa niya ang kanyang paa sa aking tiyan ang isa niyang
braso sa ibabaw ng aking dibdib. “Pwede bang yumakap d’yan...” sambit niya.
“Ambigat-bigat
arrrggghhhh!” ang kunyaring pagprotesta ko pa.
“Sarap pala
kapag kasama sa kama ang bunso, ummmmm!” sabay pagkagat-kagat niya sa aking
leeg, sa aking tainga.
“Arrgggghh!”
ang pigil kong pagsigaw dahil sa kiliti bagamat sa loob-loob ko lang ay sobrang
kilig ang aking nadarama. Naalala ko tuloy ang mga ginagawa sa akin ni James.
Halos ganoon din.
At lalo pa
niyang diniin-diin ang kanyang bibig at pati dibdib ko ay kinagat-kagat na
niya.
Hindi naman
ako mapigil sa katatawa. Ang cute kaya ng kanyang pagkagat-kagat sa aking
dibdib, at pati pa ang aking pisngi. Naamoy ko tuloy ang kanyang hiningang may
bahid na amoy tuba. At kunyari ay itinulak ko pa siya. “Yak naman, ang
kulitttt.”
“Ako ba talaga
ang makulit yak? Hindi ba ikaw?”
“Ikaw kaya...”
sagot ko.
“O sya... Yakap
na lang sa kuya...”
At tumagilid
ako, yumakap sa kanya. Grabe, ramdam ko sa aking balat ang init ng kanyang
hubad na katawan. Ramdam ko ang pag-init ng aking katawan, parang gusto ko nang
bumigay at halikan siya.
Tahimik.
“Alam mo yak...
ang saya-saya ko na nakilala at nakita ko ang aking pamilya.”
Hindi ako
nakasagot agad. Bagamat may tuwa akong nadarama, alam kong ang buong
katotohanan ay iba. Hinaplos-haplos ko na lang ang kanyang buhok. Naalala ko
tuloy ang aming pagtatagpo ni James. Bagamat nagagawa namin ang lahat noon,
patago naman. Sa pagkakataong iyon na bukas na sana sa kalooban ng aking
pamilya, hindi naman puedeng maging mahalay dahil “magkapatid” nga kami. “A-ako
rin yak... namiss ko na ang ganito. Ang kasama ka, ang makatabi ka sa pagtulog,
ang kulitan natin...” Ang sagot ko na lang.
Tinitigan niya
ako. Habang iginuri-guri niya ang kanynag mga daliri sa aking buhok, Mistulang
binihasang mabuti ng kanyang titig ang bawat detalye ng aking mukha at
tinandaan ito sa kanyang isip. “Mahal kita yak...” ang sambit niya.
Hindi ko lubos
maisalarawan ang aking nadarama sa narinig. Parang nasa gitna ako ng ikapitong
alapaap. Mistula itong isang napakagandang musika sa aking tainga. Parang gusto
kong umiyak. Tinitigan ko rin siya. “Mahal din kita yak...” ang sagot ko.
Niyakap niya
ako nang mahigpit. Hinalikan sa pisngi, sa leeg, sa buhok... nangigigil.
Niyakap ko rin
siya ng mahigpit at hinalikan ko rin siya sa pisngi. Pagkatapos,
inihaplos-haplos ko ko ang aking mga daliri sa kanyang ilong, sa kanyang mukha,
sa kanyang kilay, sa mata. At noong idinantay ko na ang aking daliri sa kanyang
mga labi... iniimagine ko na mga labi ko ang dumampi sa kanyang mga labi.
“O sige na...
matulog na tayo” ang mahina niyang sambit. At maya-maya nga lang ay nakita kong
nakapikit na ang kanyang mga mata.
Nanatili pa
rin akong nakatitig sa kanya. At noong naalala ko ang huli naming pagtatalik,
binulungan ko siya, “Ang tagal na noon yak. Sabik na sabik na ako...”
Ngunit iyon na
ang huli kong natandaan. Nakatulog na rin pala ako resulta ng aming nainum.
Kinabukasan
pagkatapos ng aming agahan, dinala ko si Marlon sa burol. “Alam mo yak... d’yan
tayo naliligo sa ilog na iyan. D’yan din naglalaba ang inay.” Sambit ko noong
dumaan kami sa ilog kung saan una kaming naging magkaibigan.
“Wow! Ang
ganda ng ilog yak. Ang sarap pala ng lugar natin! Gusto mo maligo tayo?” sagot
din niya.
“Mamaya na.
Punta muna tayo sa burol, sa likod ng bodega kung saan lagi kitang dinadalaw
dati...”
“Malapit lang
pala ang bahay...” hindi niya naituloy pa ang sasabihin. May napansin. “Sandali...
di ba ang sabi mo, ay noong nagtatrabaho pa ako dito, sumakay ako ng bus
patungo ng Mindanao kasi na-stroke nga ang inay. Paanong pumunta pa ako ng
Mindanao samantalang dito pala tayo nakatira?”
“Huh!” ang nasa
isip ko sa pagkabigla. Tama nga naman siya. Bakit pa siya sumakay ng bus kung
naroon lang kami? Hindi ako nakasagot agad. “Eh... ah... d-dito muna tayo
nakatira. At... pagkatapos, l-lumipat tayo sa Mindanao. Tama. L-lumipat tayo.
At doon na inatake ang inay.” Ang naisip kong sagot.
Ngunit sinagot
na naman niya ako, “Pagkatapos... lumipat na naman sila pabalik dito at ngayon
ay dito na sila uli?”
“Ah, eh...
o-oo. T-tama ka yak. Tama ka nga.” Ang sagot ko na lang. Pati kasi ako ay
nalilito na.
Ngunit
dinugtungan pa niya ang kanyang tanong. “Bakit mo sinabing pinsan natin ang
bisitahin natin dito? Bakit sinabi mong nasa Mindanao ang ating mga magulang noong
nagbiyahe na tayo patungo rito?”
“Eh...
nalimutan ko rin eh.” Ang alibi ko. “Tara dalian natin ang pag-akyat upang
makita mo ang likod ang bodega.” Ang paglihis ko sa usapan. Hindi na ako
nagsalita pa. Baka kasi may iba pa siyang itatanong.
Noong
nakarating na kami sa taas, itinuro ko sa kanya ang puno ng talisay na itinanim
niya ngunit pinutol ng may-ari ng bodega. Itinuro ko rin kung saan siya nagtayo
dati ng bahay kubo na siya kong binibisita.
Nasa ganoon
kaming pag-uusap noong biglang may nagsalita. “Brod! Nandito ka na? Ampogi-pogi
natin ah! Hanep ang kutis natin, pangmayaman, hindi na kutis sekyu!”
Si Badong.
Iyong guwardiyang pumalit kay James. Nandoon pa rin pala siya. Akala ko ay
umalis na siya doon. “Ah... S-si Badong J-James, ng dati mong kasamahan sa
trabaho dito.” Ang pagpakilala ko sa kanilang dalawa.
“Ah... ikaw
pala si Badong. Nabanggit ka nga nitong utol ko na kasama kita sa trabaho.”
“Utol mo ito?”
sambit ni Badong sabay turo sa akin.
“Utol. Bakit
ba kung tawagin niya ako ng utol, bawal ba?” ang mataray kong pagsingit. Alam
ko kasing malisyoso ang tanong niyang iyon.
“Ah...
sabagay. Noon pa man ay sobrang dikit niyo na sa isa’t-isa. Parang sobra pa nga
kayo sa mag-utol eh.” Ang dugtong pa ni Badong sabay bitiw ng ngiting parang sa
isang manyak. Alam ko ang ibig niyang tumbukin. Alam niyang kagaya ng ginawa
namin, nauna nang may ginawang milagro si James sa akin.
“S-saan ka na
pala nagtrabaho ngayon brod? Ang gara ng porma natin ah. At ang gara ng suot!”
baling niya kay Marlon.
“Sa MCJ
Restaurant.”
“Sa restaurant
na iyan ikaw ngayon naggu-guwardiya? Mga mayayaman lang ang kumakain d’yan ah!
Sikat na sikat ang restaurant na iyan, halos lahat ng syudad ay may branch sila!”
“Manager siya
sa main nila Badong.” Ang pagsingit ko.
“Manager?
Waahh! Paano nangyari iyon?”
“Manager.
Posisyon ng mga matatalino.” Ang sarcastic ko pang pagsingit.
“Ipasok mo
naman ako roon brod.” Sagot rin ni Badong.
“Oo ba...”
Nasa ganoon
kaming pag-uusap noong biglang naghanap ng CR si Marlon. Tinuro ni Badong ang
looban ng bodega. Noong kaming dalawa ni Badong na lang ang naiwan, nakangiting
demonyo ito sa akin.
“Lalo kang
gumuwapo Jassim! Naiinggit tuloy ako kay James. Palagi na lang akong nauunahan
niyan.”
“Bastos!”
sambit ko.
“Bastos? Di ba
dati, sarap na sarap ka sa pagsususu sa titi ko ngunit ngayong nand’yan na iyan”
turo sa direksyon na pinasulan ni Marlon “...batos na agad? Hindi ba puwedeng
nakakalibog muna? At bakit? Totoo rin namang titinitira ka niya ah! At ako,
sabik na sabik na sa iyo. Halika...” at kinaladkad niya ako sa isang tagong sulok
at noong nandoon na kami, parang hinahabol itong dali-daling tinanggal ang
kanyang sinturon atsaka ang butones ng pantalon. At noong nakalabas na ang
kanyang tigas na tigas nang ari ay pilit niya akong pinaluhod sa kanyang
harapan. “Atat na atat na ako sa iyo, tangina lalo kang sumarap, nakakalibog!
Dalian mo lang tangina para matapos tayo habang wala pa ang boyfriend mo!”
Nasa ganoon
akong pakikipagsambuno sa kanya noong napaluhod niya talaga ako. “Badong
ayoko...”
“Ayaw mo? Sige
ibubulgar ko ang ginawa ninyo. Gusto mo ba iyon? Dali naaaa! Isubo mo naa! Tangina.
Libog na libog na ako! Masasayang ang oras!” ang pigil niyang pagsigaw.
“Hahawakan ko
na sana ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki noong narinig ko ang tawag ni
Marlon. “Yak!!!”
“Arrggghh!”
sigaw ko.
At noong
nakita kami ni Marlon sa ganoong ayos at hawak-hawak pa ni Badong ang aking
buhok, dali-dali niyang sinugod si Badong at pinaulanan ng suntok sa mukha.
Ngunit lumaban
si Badong. Pinakawalan din niya ang isang malakas na suntok at sapol si Marlon
sa mukha, dahilan ng kanyang mabilis na pagkatumba. At ang masaklap pa, tumama
ang kanyang ulo sa isang malaking bato.
Hindi ako
halos nakakilos sa bilis ng mga pangyayari. At ang sunod ko na lang na nakita
ay ang nakabulagtang katawan ni Marlon sa lupa, at maraming dugo ang dumaloy
galing sa kanyang ulo.
“YAAAAKKKKKKKKKKKKKKKK!!!”
Tila sumabog ang baga ko sa lakas ng aking sigaw.
at doon na nanumbalik ang ala-ala ni yakkk. nku,,, next please..
ReplyDeleteOh no, delikado pa tuloy ang buhay ni Marlon/James pero posible din na manumbalik na ang kanyang ala-ala sa nangyari... hays kabitin naman, pero nice ang turn of events... Galing talaga Kuya Mike, ikaw talaga the best ^_^
ReplyDelete-Kristoffer-
Good job sir mike...the best ka talaga sir mike..
ReplyDeleteSana manunmbqlik n ang kyang ala ala s pagkakabagok nia..... Huhuhuhu
ReplyDeleteInteresting story :-) first time ko sa blog mo... Mukhang mapipilitan akong umpisahan para balikan ang nagyari sa knila ni utol niya kunoooo haha
ReplyDeletenice babalik na c james... 3some na yan... ahaha
ReplyDelete-mars
mag kakaroon ulit xia ng 2nd time na amenisia. hahahahaha
ReplyDeletesana bumalik na alaala ni james sa pagkakabagok nya,
ReplyDelete-arvin-
Galing naman Ka Mike. next chapter ASAP please.
ReplyDeleteaklain mong dahil sa kalibugan ni badong.., babalik ang alaala ni marlon =)
ReplyDeleteexcited much.., thumbs up kila YAK =)
i know si james o marlon ay pretending pa yan di ba kuya?
ReplyDeleteExciting exciting!
ReplyDeleteAng sobrang tawa ako ng tawa sa first part. Nakakatawa talaga. Galing kuya mike!
Babalik na ang alaala ni marlon!!
next chapter: ang pagbabalik ng ala ala ni JAmes! exciting idol!
ReplyDelete:D!
What if pag nagbalik ang alaala ni Marlon, magalit sya sa pagsisinungaling ni Jassim.... You never fail to excite us for the next chapter Idol Mike. Galing talaga. =)
ReplyDeletenext chapter??
ReplyDelete