FiX
YoU
By
: Abcdminimi
Magandang araw po sa lahat ng readers ng site na
ito. Almost a month na rin akong nag babasa ng mga story dito at masasabi kong
isa palang magandang hobby ang magbasa ng story. Kung kaya’t na engganyo din
akong sumubok mag sulat. First time ko lang po na mag sulat ng story. Lalo na
at tungkol sa aking sariling lovelife ang kwento ko pong ito ay hindi lang
basta kwento dahil ang mga mababasa nyo po ay hango sa tunay na nangyari sa
akin kung meron man po akong kaunting binago ay yun po ay para security
purposes na lang po..(( wehh celebrity lang lang?)) OO nga pala naalala ko ang isa pang dahilan
kung bakit ako nag sulat ng ay dahil dun sa isang story na hindi na tinapos ng
author. Kung natatandaan nyo pa yung story na SAGRADONG KATAUHAN. Base dun sa
kwento nya ay taga calapan city Oriental Mindoro daw sya eh taga calapan din
ako. Kaya nga sinubaybayan ko yung story nya baka sa sakaling kilala pero hindi
nya natapos yung story nya sayang ang ganda pa naman ng flow. Pati nga yung
school nila yung HIA dun din kasi ako nag aaral eh pero walang ganung name na
sa school namin baka matagal na nangyari
yun..
{{SALAMAT PO SA KAY SIR MIKE JUHA NA PAG PAYAG NA
MAGPOST AKO SA D2 SA MSOB}}
By the way eto na uumpisahan ko na nga ang story ko
masyado na mahaba ang introduction ko ..
Enjoy reading Guys…………… Komento at Suhisyon ay
malugod kong tatangapin para sa ikakaganda ng flow ng story…………………
…………………………………………………………………………………………………..
…………………………………………………………………………………………………..
About
Me.
Name: Ronan Polaris Mercado
Age: 16
B-day: January 13, 1996
Place of Birth: M/v Starlite Polaris ( bound at
Calapan )
Location: Calapan City Oriental Mindoro
Height: 5’6
Weight: 60 kls
Color of eyes: Midium Brown
Color of Hair: Chestnut Brown
Blood Type: AB
…………………………………………………………………………………………………..
Ako po si Ronan Polaris Mercado ngayon ay 16 years
old na at 4th year HS na sa isang Pribadong paaralan dito sa
Tinaguriang THE DICIPLINE CITY walang iba kundi ang CALAPAN. Kung nagtataka
kayo kung bakit ang pangalan ko ay may POLARIS dahil inabot si mama ng
panganganak sa isang barko na ang pangalan ay M/v STARLITE POLARIS. Kaya yung
ang binigay niyang name ko. Simple lang ang estado ng pamumuhay namin hndi kami
mayaman pero hindi naman salat. Dalawa lang kaming magkapatid ang kuya ko na si
Ron Mercado ay isang seaman kaya minsan lang siya umuwi. Si
Anne Mercado naman ang aking ina ay nagtatatrabaho bilang manager sa isang
bangko dito sa aming bayan. At ang papa ko naman na Romeo Mercado ay isang OFW
sa USA.
Maraming nag sasabi na may itsura daw ako dahil
kahawig ko daw ang aking papa Half
american kasi si papa dahil ang kanyang ina ay isang americana.
Well about my looks di naman ako gwapo simple lang
Medyo singkit ang aking mga mata na hugis alamond at midium brown ang kulay
nito, may mahabang kilay yung parang ganun kay Carlo Aquino at may dimples sa
magkabilang pisngi. Pantay pantay ang mga ngipin at medyo matangos na ilong.
Maputi ako dahil bukod sa nasa lahi namin ay hindi ako pala labas ng bahay,
Typical lang ang porma ng katawan ko may muscle sa
biceps at may abs dahil sa padala ni papa na di koryente na pang massage na
pweding gamitin sa lahat ng parte ng katawan kaya hindi ako tumataba kahit na
hindi ako masyadong nag lalaro sa labas di tulad ng ibang teenager na laro dito
laro duon. Isa lang ang hilig ko laro ang Taekwondo gustong gustong ko talaga
ito kaya ng payaagan ako ni mama ng mag enrol ay ito lang talaga ang focus ko.
Uumpisahan ko ang
kwento nung 14 years old ako incoming second year ako .April nun kasagsagan ng
summer ng may natangap si mama na tawag
mula Kay Tita Tess kapatid nito na nakatira sa Puerto Galera. Dahil ang ninong
ko panganany na kapatid ni mama ay nadulas sa C.R dahil sa kalasaingan at
nabagok ang ulo nito. Kinalangan daw na i-transfer agad ito sa ospital sa
calapan dahil hindi pa kompleto ang kagamitan ng Hospital ng Puerto Galera.
Agad naman akong sinabihan ni mama nag magbihis at ihanda si Asphault. Si
Asphault ay isang Yamaha Sniper motor ni kuya na ako gumagamit dahil wala namn
siya dito mahilig kasi si Kuya Ron sa motor at mahilig sa mga motor show kaya
masasabi kong maporma talaga si asphault. At mabilis nga kaming narating kung
saan dadalhin si ninong pagdating namin sa MMG Hospital (Medical Mission Group)
ay wala pa sila dun dahil nung tumawag si Tita Tess ay On the way palang daw
sila sakay ng ambulance. Mga 30 minutes din kaming nag hintay, habang nag
hihintay kami ay hindi mapakali mama halatang kabado at tensyonadong
tensyonado. Maya maya pa ay may narinig kaming wang wang ng isang ambulance
hudyat na padating na sila. At heto na nga ang ambulansya na may dala kay
ninong mabilis na pumasok ito sa compound ng hospital at nag park sa emergency
parking na malapit sa ER unang bumababa ang nure at ang doctor sumunod ay si
tita tess at ang kanyang asawa. Sinalubong naman agad ni mama si tita ng yakap.
Agad namang ipinasok si
ninong sa ER hindi na kami pinayangang makapasok dun Kaya nag hintay na lang
kami sa labas habang nag hihintay ay ipinaliwanag ni Tita ang nangyari kay
mama. Lasing daw si ninong nang magtungo daw ito sa C.R nang matapakan nito ang
madulas na tiles ng C.R at nawalan ng balanse kaya dere-retso ito na natumba at
tumama ang ulo sa toilet bowl at agad na nawalan ng malay. Sa Kwento ni tita
mga 15 mins pa daw ang lumipas bago nila napasin si ninong na walang malay at
nakahandusay na loob ng cr. Agad nilang itinakbo si ninong sa Ospital sa Puerto
pero sinabi sa kanila ng doctor na dapat
na madala agad si ninong sa calapan dahil Kulang ang kanilang gamit para sa
kaso ni ninong.
Makalipas ng 30 minutes
ay lumabas ang dctor mula sa E.R. Agad na sinalubong ito nina mama.
“ Doc kumusta po ang
kapatid namin” alalang tanong ni mama
“Sa ngayon ay hindi pa
nag kakamalay ang pasyente kaya hindi pa natin matiyak kung ano ang magiging
epekto ng pagtama ng ulo nya, Nagsagaw na din po kami ng X-ray at CT-scan pero
bukas pa po natin malalaman ang resulta nito” paliwanag ng doctor
“ganun po ba pero doc
makakarecover pa po ba ang kapatid namin?” tanong ni tita tess
“ Sa ngayon po hindi ko
pa masasagot ang tanong ninyo hintayin po muna natin siyang magising, sa ngayon
po ay ipapalagay namin siya sa ICU para mas mabantayan ang kanyang kundisyon”
“cge po doc gawin nyo
po ang lahat na makakaya nyo para po gumaling po ang kapatid namin” sabi ni
mama sa doctor.
“makakaasa po kayo
missis, cge po mauna na po ako sa inyo” sagot ng doctor at nagtungo na ito sa
ER para itransfer si ninong sa ICU.
Si mama naman ay inayos
ang kwarto at ilang mga gamit na dala nila para makapag pahinga din daw si Tita
dahil wala padaw itong tulog.
Nang maayos na ni mama
ang lahat ay nag paalam ito sa akin uuwi
sa bahay at kukuha ng ibang pang mg gamit.
“Ronan dito ka muna
uuwi lang ako sa bahay at kukuha ng iba pang mga kailangan dito”
“mama samahan na kita”
sagot ko kay mama.
“dito ka nalang muna
bantaya mo si ninong mo dun sa ICU”
Ah cge po kayo po
bahala” sagot ko at hinatid ko si mama sa sakayan ng tricycle. Hinintay ko
munang makalayo ang sinasakyan ni mama bago ako bumalik sa loob ng Hospital at
nag tungo sa ICU para silipin si ninong. Tulog pa rin siya at may mga
nakaka-kabit sa kanya mga Hose na hindi ko alam ang tawag at kung para sa saan
yun. Meron ding benda ang ulo nito pero kahit na ganun ang itsura ni ninong ay
hindi naman nakaka-awang tingnan.
Inilibot ko ang tingin
ko sa iba pang pasyente actually tatlo lang sila nanduon si Ninong at isang
matanda. Nang mapatingin ako sa Bed number 1 Ay halos di ko maipaliwanag ang
naramdaman ko ng makita ko ang itsura ng pasyente na batang lalaki ang nakaratay. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang
sya at mag kasing taas din kami medyo payat na nga lang dahil siguro sa sakit
niya pero Feeling ko mag kasing katawan kami. Parang may isang parte ng utak ko
na titigan siya at manatili muna ako sa pwesto ko. Sa pag titig ko sa kanya ay
Napasin ko ang matangos na ilong at ang makinis nitong mukha, at ang labi nito
na mamula mula kahit na may sakit ito sa tingin ko ay hindi purong pinoy ang
batang ito mukhang may lahi yata. (( sensya na guys di ako masyadong magaling
mag discribe ng mukha ng tao eh sorry))
Habang pinag mamasdan
ko ang batang pasyente na yun biglang umagos ang dugo sa ilong niya sobrang
dami ay umagos pa ito sa Hospital gown
niya na kulay puti. Agad namang pinunasan iyon na ng nurse na nag babantay sa
kanya at pinalitan ng damit.
Kung may maitutulong
lang ako para gumaling ka hindi ako mag dadalwang isip na gawin yun Nasabi ko
na lang sa sarili ko habang ako nalalakad paupo sa bench na malapit sa altar
pero hindi parin malayo sa ICU room.
Maya maya ay may
pumasok na doctor sa ICU agad akong tumayo sa
kinauupuan ko at nag sumilip sa bintana ng Icu dahil akala ko ay kay ninong pupunta ang
doctor kasi isa sya sa tumingin kanina kay Ninong.
Pero hindi pala nag
punta ang doctor sa Batang pasyente at chinek-up ito at inayos ang mga aparatus
na nakakabit dito sa nakit ako ay satable na ang kundisyon ng batang pasyente
wala na din ang dugo sa ilong nito pero halata pa rin sa mukha ang hirap na
dinaranas niya pero cute pa din katulad ko hehehe.
Nang lumabas na ang
doctor ay bumalik na din ako sa upuan ko at nag laro ng games sa psp ko hindi
pa kasi nadating si mama kaya di pa ako makaalis dahil sa walang magbabantay
kay ninong at parang may nag utos ulit sa akin na manatili pa duon.
Maya maya ay bumalik
ang doctor ng batang pasyente may kasama itong babae na sa tingin ko ay nanay
ng batang yun halata sa mukha nito
stress na stress, at kabadong kabado kasi umiiyak pa ito habang kausap
ang doctor at duon ko din na pag alaman
na dengue pala ang sakit ng batang yun
na nasa stage 3 na daw at delikado na.
“Dok ano na po ang
lagay ni Kenn?” alalang tanong nito sa sa doctor
“Missis habang
tumatagal po ay lalong lumalala ang kondisyon ng anak ninyo patuloy po kasi ang
ang pag dugo ng ilong at gilagid nya at dahil po dun ay medyo marami ng dugo
ang nawawala sa kanya pag hindi po agad siya nasalinan ng dugo ay maaari nya
itong ikamatay, Missis hindi po simple sakit ang dengue kahit marami po ang
nkakasurvived sa sakit na ito marami na rin po ang namatay dahil dito.”
“Doc kung ganun ano pa po ang hinihintay natin
salinan na po agad natin ng dugo si Kenn” alalang sagot ng nanay niya
“ah sige po missis
sumunod po kayo sa akin sa laboratory at mag sasagawa tayo ng blood testing
kung ka macth nya po kayo mas mabuti din pong isama na ninyo ang iba pang
kapatid ng bata para ma i blood test din
po natin sila” sabi ng doctor
“Eh doc nag iisa lang
po wala po siyang kapatid mga pinsan lang po niya ang kasama ko ngayon na nag
babantay sa kanya”
“eh ang ama po ng bata
asan po siya” tanong ulit ng doctor
“Eh wala din po eh nasa
ibang bansa po”
“ah ganun po ba sige po
tawagin nyo na po ang pinsan ng bata at mag uumpisa na tayo kailangan po kasing
masalinan siya ng dugo sa lalong madaling panahon”
Sa narinig kong pag uusap
nila ay lalong tumindi ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Nanatili pa
rin akong naka upo habang pinapanuod ang doctor kasama ang babae na sa tingin
ko ay magulang ng batang pasyente. Nang lumiko sila sa kanang pasilyo ay agad
kong natanaw si mama na maraming dalang gamit at mga grocery para sa bantay sa
hospital heheh.
Agad akong tumayo at
inulungan si mama sa pag bitbit ng dala nya. Pag pasok namin sa kwarto ay
naabutan namin si Tita Tess at ang kanyang asawa na natutulog mukhang pagod at
puyat kaya hindi na namin sila ginising pa. Inayos lang namin ang mga gamit at
lumabas din kami ng kwarto para tingnan si Ninong sa Icu habang tinitingnan ni mama si ninong ay hindi
niya mapigilan ang maluha kaya agad ko siyang inakap at niyayang umupo sa bench.
Pero patuloy pa din ang pag iyak niya kaya naisipan kong mag jokes na lang para
kahit paano ay mapanatag ko ang kalooban nya.
Nag okey na si mama at
tumatawa na jokes ko ay Hinila ko sa patungo sa window 1 kung saan nandun yung
batang lalaki na may dengue.
“mama tingnan mo siya
oh kawawa naman sya” sabi ko kay mama sabay Turo kay Kenn.
“oo nga eh ang bata pa
nya mukhang kaeda mo lang sya” sagot naman ni mama na halata din sa mukha ang
awang nararamdaman para kay Kenn.
“oo nga mama eh sabi
nung Doctor niya dengue daw po ang sakit nya at stage 3 na daw po kaya
kailangan salinan na siya ng dugo” sagot
ko kay mama
“ Kawawa naman siya,
Teka pano mo nalaman yun kinausap mo ba yung doctor niya” tanong ni mama sa
akin na wari’y nag tataka.
“ah hindi po narinig ko
lang po kasi na nag uusap yung doctor at yung nanay nya siguro yun”
“ahh akala ko kinausap
mo eh kaw talaga kahit kailan Ronan may pag ka chismoso ka wala ka ding
pinipiling lugar eh noh” biro sa akin ni mama.
“ Alam mo mama kung
bakit ako chismoso”? tanong ko kay mama
“ oh sige nga aber
bakit ka chismoso eh kalalaki mong tao”
“ehh kasi po mama Mana
ako sa inyo hahah” sabi ko mama sabay takbo palayo
“kaw talagang bata ka,,
uyy san ka pupunta ha?” sigaw sa akin ni mama pero di naman masyadong malakas.
“Mama jan ka muna
babalik lang ako sa kwarto kukuha ng makakain gutom na ako eh babalik din ako
sagit lang”
“okey bilisan mo ha
saka ikuha mo din ako ng orange bilisan mo, wag ka maingay baka magising sina
Tita mo”
“okey po” sabi ko kay
mama sabay lakad patungo sa kwarto.
Hindi naman ako
masyadong nag tagal dahil baka magising sina tita pag nag tagal pa ako duon .
Eh kilala ko yung si tita Tess lagi akong ini interview daig pa si boy abunda
kung mag tanong kaya dali dali akong lumabas at bumalik sa ICU. Pagdating ko ay
andun si mama at nakasilip sa window 3 at sinisilip si ninong.
Nang makita niya ako ay
umupo nadin siya sa tabi ko.
“Ma wag kana mag alala
kay ninong mukhang okey naman siya eh”
“Sana nga anak”
maigsing sagot ni mama
“pero alam mo mama mas
naawa kay Kenn yung batang may dengue”
“oo nga eh,, tindi mo
talaga pati pangalan niya alam mo ah grabe ka talaga” biro ni mama sa akin
habang natatawa.
“ Mama alam mo sabi nung doctor kanina kailangan daw
siyang salinan ang dugo ay pwedi syang mamatay”
“ay ganun sana msalinan
na agad sya kawawa namn siya ang bata pa niya eh”
“oo nga po mama eh, Ma
anu kaya kung mag donate ako ang dugo ko para lang madugtungan ang buhay nya”
“ OO pwede nga pero ang
problema baka hindi pareho ang type ng dugo nyo dahil ang type ng dugo mo ay
katulad ng type ng dugo ng Papa mo sa ibang pang relatives nila”
“ay ganun po ba yun
kala kahit anung dugo pwede isalin eh” sagot ko kay mama habang nag kakamot ng
ulo.
“Sira ka talagang bata
eh di namatay ang pasyente pag ganun”
“ah eh mama anu nga
pala type ng dugo ko?” tanong ko kay mama.
“ahm AB ka anak mag
type kayo ng papa mo” sagot ni mama sa akin
“ah AB pala ako anu yun
Abnormal biro ko kay mama”
“sira katalagang bata
ka”
“ohh sige mama dito ka
muna punta lang ako sa parking lot
tingnan ko lang si asphault baka nawala na lagot ako nito kay kuya mapapatay
ako nun”
“sya sya oh sige lakad
pero wag kang aalis ah bumalik ka agad”
“Opo mama”
At mabilis nga akong
nag lakad palabas ng Hospital pero nag malapit na ako sa may nurse station ay
napasin ko ang doctor at ang babaeng sa tingin ko ay nanay ni Kenn na seryosong
nag uusap. Kaya agad akong humanap ng pwesto para makinig sa usapan nila
“ Missis paano po yan
base po dito sa resulat ng blood test ay wala ni isa sa inyo ang ka blood type
ni Kenn”
“eh pano po yan doc
wala na po ba tayong ibang option para makahanap ng dugo”
“Meron po pwede po
tayong mag request sa blood bank pero baka po mahirapan po tayong humanap kasi
baka po walang stock sila or kung meron man baka mga 2 or 3 days pa bago dumating
yun dito, missis kailangang kailangan na po ni Kenn ang dugo ngayon” paliwanag
ng doctor.
“bakit po doc anung po
bang blood type ni Kenn” tanong na babae
“Tatapatin ko po kayo
mahihirapan po tayong makahanap ng dugong match kay Kenn”
“eh doc ano nga po ang
Blood type”
“Type AB po siya missis” sagot ng doctor.
Susundan,........................................
Salamat po sa pag
babasa, comment lang po kayo about this matter para mas lalo ko pa mapaganda
ang flow ng story ko. Salamat po
post niyo na agad ang part 2,sana mahaba din to,hehehe salamat mo sa pagsusulat... god bless u po
ReplyDeleteSatnes ang ganda nato storay eto ung 2 na agad....
ReplyDeletewow... ang ganda ng kwento.. post nyo na po yong next chapter nito...
ReplyDeleteingat po...
type ab is universal recipient khit na anong type ng dugo pwedeng isalin sa knila kc wala clng antibodies''
ReplyDeleteat ska klngan p ng cnsent ng mga diagnostic test like ctscan,xray..pero mganda nmn yung story''
nice story..magaling ang pagkakasulat..can't wait for chapter 2:)
ReplyDeleteRiley
nice story, hmmm , mukhang may mpagkukunan na cla ng dugo. swerte ni ken at may isang mabait na batang handang magdonate ng dugo sa kanya. hope mapost naagad kasunod.
ReplyDelete