By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Author’s
Note:
Sige nga, try
na nga nating mag greet ng mga commenters: Hi to Andy, justyn, dhenxo, makki, mars, moon sung-min, PYSH, jm_virgin2009, ramm, mike, iRead, santuaaantolin, at sa mga anonymous na hindi nagpakilala.
Salamat din
sa mga followers at silent readers. At syempre, maraming salamat din sa mga
kapwa ko writers at mga contributors ng MSOB na siyang nagpasigla pa rin sa
MSOB.
Iyong gusto
pong sumali sa ginawa kong group sa fb, “Mikejuha’s friends” pm me lamang pos a
fb. Secret group kasi ito. Also, paki like naman din sana ang fb page ng “Idol
Ko Si Sir by mikejuha” at ang fb Fanpage ng Michael’s Shades Of Blue.
At oo nga
pala, wala pa tayong model face nina Jassim at James. Naghahanap pa... Sana may mai-recommend kayo.
-Mikejuha-
---------------------------------------------
“G-ganoon ba?”
ang sagot niya sa aking sinabing magresign na ako. Pansin ko ang biglang
paglungkot ng kanyang mukha. “Iiwan mo na pala ako?”
Mistula namang
hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang naging reaksyon. Hindi
ko kasi akalain na may epekto iyon sa kanya. “eh... h-hindi naman sa iiwan po
Sir. P-pupunta pa rin naman ako sa MCJ Restaurant at doon ako kakain
paminsan-minsan.” Ang nasabi ko n alang bagamat ang plano ko ay hindi na talaga
magpapakita pa roon pagkatapos ng lahat. Ayokong makita pa ni Sophia. Ayoko rin
siyang makita.
“Alam mo,
Jassim... sasabihin ko sa iyo ang totoo. Nahirapan ako sa aking kalagayan. Ewan
kung alam mo ang kwento ko. Alam kong alam ng maraming empleyado ng MCJ Restaurant
ang kwento ko at marahil ay naikwento na rin ito sa iyo ni Ricky. Hindi ko na
maalala pa ang aking nakaraan. Noong sinabi mong may nawala kang kuya at
kamukhang-kamukha ko siya, natuwa ako. Alam mo ba? Kasi para bang may tanogn
kaagad sa aking isip na ‘Wow... baka ako nga iyon. Baka ako nga ang kuya mo” At
simula noon, palagi na kitang hinahanap. Parang nasasabik ako na makita ka.
Nasasabik sa posibilidad na kapatid nga kita. Di ba kinanta ko kanina ang
‘Beautiful In My Eyes’? Dahil iyan ang sinabi mong kinanta ng kuya mo bago ka
niya iniwan. Parang gusto ko lang kantahin iyon sa iyo. Nangarap ba na baka ako
nga talaga ang kuya mo.”
Para akong
nabusalan sa narinig. Ramdam ko sa aking katauhan ang gumapang na matinding awa
sa kanya.
“Ang hirap ng
kalagaya ko Jassim... kung alam mo lang. Oo, may pangalan ako, may trabaho, may
mga dokumentong magpapatunay na ako nga si Marlon Ibanez. Ngunit alam ko ring
itong katauhang ito ay hindi ang tunay kong pagkatao. GAwa-gawa lamang ito ni
Sophia upang, sabi niya, ay habang hindi pa nanumbalik ang aking alaala, may
pamilya ako; may nagmamahal. Ngunit parang nasasakal na ako. Kapag nag-iisa
lang ako, nababalot ang aking isip sa maraming katanungan. Sino ba talaga ako?
Sino ang tunay kong pamilya? Ano ang tunay kong pangalan? Nasaan ang mga taong nagmamahal
sa akin? Kaya noong nakita mo ako, tuwang-tuwa akong baka ako nga ang kuya mo.
Parang gusto ko nang ipagsigawan sa iyo na ako nga ang kuya mo. At iyan ang
dahilan kung bakit...” hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Para siyang
nag-aalangan.
“B-bakit?”
“...inutusan
ko si Ricky na hanapin ka, na hikayating mag-apply sa MCJ Restaurant.”
Nabigla ako sa
kanyang sinabi. Para bang lalo pa akong naawa sa kanya. Nag exert talaga siya ng effort para lamang mag-apply ako sa kanila.
“Sorry. Ako
ang nagplano ng lahat...” dugtong niya.
Hindi ako nakakibo.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
Tahimik. Nakita
ko na lang ang pagpahid niya ng luha sa kanyang pisngi.
“O-ok lang
po...” ang nasambit ko. Hindi po ako galit sa ginawa ninyo.
“Salamat at
hindi ka galit.”
“Ako nga ang dapat
magpasalamat.”
“Kay asana,
huwag ka nang umalis. HUwag mo akong iwan.”
Natahimik uli
ako.
“K-kung
halimbawa bang ako nga ang kuya mo, hahayaan mo bang manatili ako sa ganitong
sitwasyon? Ayaw mo bang manumbalik ang aking alaala at magsama tayo bilang magkuya,
kasama an gating pamilya? Ayaw mo ba akong tulungan? Paano kung ako nga ang
kuya mo at na-stroke ang ating inay... hahayaan mo na lang ba na hindi ko siya
nakikita? Hahayaan mo bang hindi niya ako nasisilayan?”
“P-paano naman
kung hindi pala ikaw ang k-kuya ko?”
“Iyan ba ang
dahilan kung bakit ayaw mo akong tulungan? Dahil hindi ka sigurado kung ako nga
ang kuya mo? Ayaw mo ba akong maging kuya? Kahit hindi totoong kuya mo ako, p-puwede
pa rin namang kuya ang itawag mo sa akin, di ba? P-puwede pa rin namang ikaw
ang bunso ko... kahit hindi totoo, di ba? Pakiramdam ko kasi, wala akong
pamilya eh...”
Pinahid ko na
rin ang sarili kong mga luha. Sobrang awa ang naramdaman ko para sa kanya, at
nakosyensiya sa nagging desisyon ko at sa mga binitiwan niyang salita. Tumagos
ito sa kaibuturan ng aking puso. Parang gusto ko na ring maging “kuya” siya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. “N-nand’yan naman si Ma’am Sophia, di ba?”
tanong ko.
“Hindi ko
naman siya totoong pamilya, Jassim. Oo, nandyan siya, tumutulong sa akin...
ngunit may kapalit ang lahat; an gpagmamahal ko. Tinulungan niya ako dahil...
mahal niya ako. Pero kung nagkataong hindi niya ako mahal, sigurado, hindi niya
ako tutulungan.”
“Bakit? Hindi
mo ba siya mahal?”
Nahinto siya.
“Huwag na natin siyang pag-usapan...”
Tahimik.
“P-puwede
ba... huwag ka nang umalis sa restaurant?”
Tiningnan ko
siya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.
“Please...?”
Doon na ako
tuluyang bumigay. Parang isang ice-cream ang aking paninindigan na natunaw sa init
ng kanyang pagsusumamo. At wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Bigla niyang
binitiwan ang isang ngiti. Pakiramdam ko ay lumutang ako sa ere sa ngiting
iyon. Iyon bang feeling na nalaman mong ikaw ang dahilan sa paglabas ng ngiting
iyon. At ang lumabas sa kanyang bibig ay ang salitang, “Salamat...”
Tinugon ko ang
kanyang ngit. “Walang anu man...”
“At puwede ba,
kuya mo na rin ako?”
Na lalo ko pang
ikinatuwa. Tumango uli ako. At sa pagkakataong iyon, hindi ko na-kontrol ang
aking sarili. Ako na ang nag-initiate na yakapin siya. Niyakap ko siya nang
mahigpit.
Nagyakapan
kami. Ramdam ko ang kanyang kasabikan. Matagal kami sa ganoong posisyon...
“Simula
ngayon, ikaw na ang bunso ko... at ako na ang kuya mo. At kuya na ang tawag mo
sa akin.”
“Y-yes sir...”
“Kuya...”
“O-opo
kuya...”
“Yan...
ansarap pakinggan. Ang sarap ng pakiramdam.” Sabay bitiw uli ng ngiti. “O
ano... magkuwentuhan na lang ba tayo? Kain na tayo!” sambit niya.
“Grabe... ang
daming pagkain!”
“Syempre,
espesyal sa akin ang ka-date ko ngayon...”
At ewan, para
akong lumutang sa langit sa narinig. Lihim na kinagat ko na lang ang aking
labi, kinilig ba sa binitiwan niyang salitang “date”. “P-paano natin mauubos
iyan?”
“Problema ba
iyan? Ipabalot natin, ibigay mo sa mga kasama mo sa boarding house. Bigyan mo
rin si Ricky.”
Ay hayun...
kumain kami at pagkatapos ay nagkantahan. At hindi ko nalimutang kantahin ang
aking theme song para sa sarili –
Everybody has a first love, they have left in yesterday.
Feelings they have left behind, it's just a place in time but not so far away.
Everybody has a first love, when the dream they shared was new.
I remember that special someone, so I wrote this song just for you.
First love in my life. Where are you tonight? I wonder about you.
First love in my life. Did things turned out alright? I worry about you.
'Cause I've got everything, everything in life that I wanted.
It would kill me now and make me sad to know you are lonely.
First love never dies.
I wish you love, I wish you happiness. And may the years be kind to you.
You'll always be a part of me, share this thought with me. I'll carry you always.
First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. I tell you
First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. Whoa...
Feelings they have left behind, it's just a place in time but not so far away.
Everybody has a first love, when the dream they shared was new.
I remember that special someone, so I wrote this song just for you.
First love in my life. Where are you tonight? I wonder about you.
First love in my life. Did things turned out alright? I worry about you.
'Cause I've got everything, everything in life that I wanted.
It would kill me now and make me sad to know you are lonely.
First love never dies.
I wish you love, I wish you happiness. And may the years be kind to you.
You'll always be a part of me, share this thought with me. I'll carry you always.
First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. I tell you
First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. Whoa...
“Palagay ko ay
umibig na si bunso ko. Uyyy... sino kaya.” Biro niya sa akin.
“Hindi pa kuya...”
ang sagot ko na lang. Naalala ko tuloy ang sandaling si James mismo ang nagsabi
sa akin na masarap daw kapag naranasan ang umibig. At tinanong niya rin ako
kung umibig na nga ako. Ngunit ang isinagot ko na lang ay hindi pa. Paano naman
kasi, alangan namang sasaihin kong oo at sa kanya.
“Talaga?”
“Talaga po...”
“Ah, ok. Kung
ganoon, kuwentuhan mo na lang ako tungkol sa kuya mo...”
“Ano... mabait
siya. Marami siyang itinuro sa akin. At ang tawagan pala namin ay Yak.”
“Yak??? Bakit
Yak?”
Na siyang
ikinabigla ko naman. Nalimutan ko kasing malaswa ang ibig sabihin noon. Kasi
nga, hindi rin naman talaga kami magkapatid ni James. “E... ano... b-biruan
lang namin iyon. P-parang...” napatingala ako, nag-isip kung ano ang aking
sunod na sasabihin. “...iyong kapag nainis ako, ano... sasabihin ko na lang na
‘Yakkkkkk!’ parang ganoon. Tapos iyan, ginaya na rin niya ako. Sasabihin
niyang, ‘Yakkkkkkk!’ parang nang-aasar ba.” Ang naimbento kong kuwento.
“Ah. Sweet
naman ng kuya mo.”
“Opo...
sobrang sweet po niya sa akin. Sobrang bait po.”
Natahimik siya
sandali. “G-gusto mo, yak na rin ang tawagan natin?”
Na ikinatuwa
ko naman. “S-sige kuya... yak na lang!”
“Ok. Yakkk???”
“Ok po.
Yakkk!” sagot ko.
Sabay kaming
nagtawanan.
Kinabukasan,
balik trabaho na naman ako. Tinapos ko muna sandali ang aking nasimulang
assignment sa nakaraang araw sa tambakan at noong natapos na ito, nilagyan ko
pa ng malaking notice sa mga nagtatambak naming kasamahan na ilagay sa tamang
lagayan ang mga basura. May marka pa ang mga tambakan, plastic, papel, tirang pagkain,
kahoy, etc... May itinanim din akong puno sa mga gilid ng lugar upang
magsilbing lilim at makapagbigay ng preskong hangin.
Tuwang-tuwa si
Marlon sa aking ginawa. At ang sabi pa niya ay ituloy raw niya ang paglagay ng
cottages sa area na iyon upang magiging extension ng restaurant para sa mga
customers na gustong kumain ng may outdoor na ambiance at may privacy.
Hahanapan na rin daw niya ng bagong lugar ang tambakan ng basura na, sabi pa
niya, ay segregated na. “Dapat naman kasi ay ganyan, di ba? Iba ang para sa mga
recyclable na plastic, glasses o bote, papel, iba rin ang sa mga organic na
puwedeng gawing pampataba sa lupa. Kung ganitong sistema lamang siguro ang ipatupad
sa lahat ng mga factories, kumpanya, at mga indibidwal na tao, sigurado, hindi
mamomroblema ang Pilipinas sa ating basura dahil ang mga papel, plastic, bote,
styrofoam, rubber, ay mare-recycle at magamit muli at ang mga organic ay
pwedeng mai-process sa mga processing plant upang gawing pataba ng lupa, o
feeds ng mga hayop. Di ba Yak?” Ang sabi niya.
Nagulat naman
ako at biglang napatingin sa kanya. Para bang napaka-casual lang ng kanyang pagtawag
sa akin ng Yak. “Marinig ka po ng mga kasamahan ko sa work...” ang bulong ko sa
kanya.
“Malayo naman
ang mga iyon eh. At busy silang lahat sa trabaho nila. Di ba yak?”
“O-opo Sir...”
“Bakit hindi
yak?”
“Opo yak...”
Tumawa siya at
tumalikod patungo sa kanyang opisina. “O sya... doon ka na sa dining pagkatapos
mo d’yan ha? Huwag ka nang bumalik d’yan.”
“Opo...”
Natapos ako
ang aking ginawa sa tambakan na iyon. Dali-dali akong nagpunta sa locker upang
magbihis at makahabol sa dining.
Patungo na ako
sa dining noong nakasalubong ko naman si Sophia. At hindi pa man ako nakapag
good morning sa kanya ay, “Saan ka???!” ang banat niya kaagad sa akin.
“G-good
morning po... M-miss Sophia. Ang sambit ko kahit inunahan niya ako ng tanong.
At siguro sa aking pagkagulat sa kanya at sa pag-asa na sana ay hindi na siya
magagalit sa akin at hindi pahirapan, base sa tip na rin na ibinigay sa akin ni
Ricky, ang naidugtong ko pa ay, “Ang ganda-ganda po ninyo ngayong umaga Miss!”
kahit labag ito sa aking kalooban.
Ngunit
nawindang naman ako sa kanyang sagot. “I know that! Everyone tells me that that
I’m very beautiful! Araw-araw ko nang naririnig iyan. Nagsawa na ako. Wala na
bang bago???” ang mataray niyang sagot.
Mistulang
pinalo ng frying pan ang aking ulo sa kanyang sinabi. Hinid ko naman sinabing
very beautiful. Beautiful lang. Para tuloy nagsisi ako kung bakit ko pa sinabi
iyon. “Eh...” ang nasambit ko. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang sasabihin.
“Halika sa
opisina ko!” at tinumbok niya ang pintuan ng kanyang opisina.
Sumunod ako,
kinabahan sa sunod namang iuutos niya sa akin. Pakiramdam ko ay may balak na
naman siyang ipagawa.
“At bakit
nandito ka pa rin sa restaurant??? Di ba sinabi ko na sa iyong dapat ay lumayas
ka na rito???!” ang galit na tanong niya kaagad sa akin noong nakaupo na kaming
pareho sa loob ng kanyang opisina.
“A-ayaw po ni
Sir Marlon na umalis ako rito e.” Ang sagot kong halatang nanginginig ang boses.
Na lalo naman
niyang ikinagalit at sumigaw ng, “Ang kapal pala ng mukha mo, ano??? Bakit?
Iisa lang ba ang mga katawan ninyo at hindi ka pwedeng lumayo sa kanya?
Mamamatay ka ba kapag wala siya? Ha???!!!”
“H-hindi naman
po.” Ang sagot ko na lang. Parang gusto ko nang umiyak sa ipinakita niyang
galit sa akin.
“Hindi naman
pala eh! Bakit mo ba gustong isingit ang sarili mo dito? May ibang motibo ka
siguro ano? Ano ba ang motibo mo? May masamang balak ka sa akin? Hoy... Jassim,
kung hindi ka pa lalayas hanggang sa susunod na linggo, huwag mo akong sisihin
kapag may masamang mangyari sa iyo ha? Hindi ko kagustuhan iyan. Ayoko lang
talagang makita ang pangit mong pagmumukha dito! Naintindihan mo???!!!”
Hindi na lang
ako umimik. Wala naman kasing patutunguhan kapag sasagutin ko siya. At baka tuluyan
pa niya akong ipapatay. Kawawa naman ako. Kawawa ang pamilya ko.
Tahimik.
Biglag bumukas
ang pinto. “Hon... bakit?” ang sambit ni Sophia, nakatingin sa pintuan. Hindi
ko namalayang bumukas pala ang pinto at sumilip si Marlon.
“Napadaan
lang. Nand’yan pala si Jassim? Di ba dapat ay nasa area ng dining na siya?”
“A... e...
d-dito sa office ko na lang siya. D-dito ko siya i-assign.”
Ah, good! At
least matuto siya sa mga office works. Sige, titingin-tingin lang ako rito...”
at isinara na ni Marlon ang pinto.
“Ok... Para
matuto ka sa mga office works.” Ang sarkastiko naman niyang paggagad sa sinabi
ni Marlon sabay tawa pa.
Hindi pa rin
ako umimik. Hinintay ko lang ang kung ano man ang kanyang ipagawa.
“Siguro naman
ay sa ipagagawa ko sa iyo na ito, matututo ka talaga sa mga ‘office works’” ang
pag-emphasize niya sa salitang ‘matuto sa office works’. Kinuha niya ang isang
memo sa kanyang tray at ibinigay iyon sa akin. “Memo iyan tungkol sa budget
preparation. Next week ay may board meeting ang kumpanya at i-present sa
chairman ng board, daddy ko, ang budget report sa lahat ng restaurants na
pag-aari namin. Gusto kong ikaw ang gumawa nito at dapat na matapos mo ito
within two days. Kasi, pag-aaralan pa namin kung tama ba ang ginawa mo at kung
hindi naman, may time pa na baguhin mo ito. Med’yo mahirap iyan pero gusto mong
isingit ang sarili mo dito eh kung kaya, magtiis ka! Puwede mo nang simulan
ngayon dahil I’m sure, hindi mo iyan matatapos ng dalawang araw lang...” Sabay
tayo, kuha sa kanyang bag at tinumbok na ang pintuan.
Napakamot
naman ako sa aking ulo. Natuwa akong umalis siya ngunit kinabahan naman sa
kanyang ipinagawa. Hindi ko naranasan ang paggawa ng budget. Wala akong background
sa management o accounting. “Eh... saan naman po ako kukuha ng data at references?”
tanong ko habang hindi pa siya nakalabas ng kuwarto.
“Maghanap ka
ng paraan! Bobo! Gusto mong magtrabaho rito, magpakitang-gilas ka! Bawal ang
walang alam at bobo dito! May isang computer d’yan hanapin mo!” ang sagot niya
ang mga mata ay nanlilisik sabay hataw ng pagsara ng pinto.
Wala na akong
nagawa kundi ang tumbukin ang computer, binuksan ito at naghanp ng mga files.
Ngunit wala talaga akong mahanap maliban sa isang file format ng budget
preparation, kasama na ang procedure ng paggawa nito. Ngunit general ang mga
rules. Wala ang mga detalye kung saan hahanapin ang mga data, kung paano ang detalyadong
step-by-step na proseso ng paggawa. Pinagtyagaan ko na lamang na basahin ito,
inaanalyze na mabuti, at pinag-aralan ang format nito.
Na-analyze
kong may mga categories sa paggawa ng budget, kagaya ng salary, overtime,
allowances, SSS contributions, insurance, medical, uniforms, and safety paraphernalia,
at iba pang labor costs. May mga fixed assets din, non-fixed assets, IT cost,
power, rent, water, marketing, at iba pang mga miscellaneous expenses.
“Igan! Anong
nangyari? May bawang ka bang dala-dala d’yan?” ang sambit ni Ricky. Nakapasok
na pala siya sa opisina ni Sophia na hindi ko namalayan dahil sa aking matinding
pagconcentrate sa ipinapagawa sa akin.
“Ha??? B-bakit???”
ang gulat kong tanong.
“May aswang
kasing iritang-irita galing dito sa loob at hayun, buwesit na buwesit na sumakay
ng kotse. Ano na naman ang ipinagawa sa iyo ng bruhang iyon?”
“Ikaw talaga!”
sagot ko. Alam ko naman kasing si Sophia ang tinutukoy niyang aswang.
“Binigayan ako ng assignment at heto, ang sakit-sakit na ng ulo ko sa ka-aanalyze!”
“Bakit ano ba
yan? Dota?” sabay silip niya sa computer.
“Baliw! Budget
preparation daw iyan at dapat na matapos ko ito bukas.”
“Huwawwwww!
Desperada na talaga ang demonya no? Kung anu-ano na lang ang ipinapagawa sa
iyo!”
“Oo nga eh.”
“Sabagay,
maganda iyan sa iyo kasi, matututo ka talaga. At kung hindi mo naman magawa...
kasalanan niya! May accounts department naman ang kumpanyang ito, may mga
accounts staff, kung bakit sa isang crew lamang niya ipinapagawa iyan. Maselan
iyan, ni hindi nga ipinapakita iyan sa amin dahil nand’yan ang mga financial na
detalye ng kumpanya. Gaga talaga!”
“Oo nga,
maselan. Pero binigay sa akin eh. At hindi ko alam kung paano gagawin, kung
paano sisimulan.”
“Hay naku...
tingnan nga natin.” At sinilip muli ni Ricky ang computer, pinag-aralan ang
nakalagay na mga rules. Ngunit pati si Ricky ay wala ring ideya kung paano
gagawin. Hindi raw niya maintindihan ang mga nasabing rules. “English kasi
igan! Atsaka ba’t ba ang daming rows at columns? Ano ba ang ilalagay d’yan? Wala
pa ngang figures ang mga iyan nahihilo na ako igan eh. Maghanap na lang kaya tayo
ng iba pang mga tambakan upang iyon na lang uli ang linisin mo! Kahit sampong
tambakan pa! Mas madali pa iyong linisin kaysa iyan. Ang hirap-hirap niyan!”
“Ikaw talaga,
puro ka biro.”
“Totoo namang
mahirap iyan igan, di ako makatulong sa iyo. Gusto mo, lagyan ko na lang ng
virus iyang computer para masira ang lahat ng mga files d’yan at may dahilan ka
kung bakit hindi mo nagawa.”
“Tange!”
“O kung gusto
mo, itakin na lang natin ang computer na iyan kasama na ang may-ari ng
opisinang ito. Malaking tulong ata ang itak na iyon sa unang ipinagawa niya sa
iyo. Baka mas makatulong iyon dito...”
Napangiti na
lang ako sa sinabi ni Ricky. “Sige na... balik ka na sa work mo. Sayang ang
oras. Pag-aralan ko na lang itong maigi”
“Takutin mo na
lang kasi si Sophia, igan! Lumaban ka. Sabihin mong huwag ka nang apihin pa
kasi, kapag ganyang inaapi ka niya, aalis ka nga ngunit isusumbong mo siya kay Sir
Marlon na siguradong sasama sa iyo. Tayong tatlo ang magsama, sa isang bubong, igan!
Ako ang maghahanapbuhay para sa inyo ni Sir Marlon! Magmahalan tayong tatlo.”
Sabay tawa.
“Gagi! Baliw! Sige
na... sayang ang oras ko.”
“Hay naku.
Kapag ako ang naiinis d’yan sa Sophiang iyan, ako na mismo ang magsumbong sa
mga pinapagawa ng bruhang iyan sa iyo kay Sir! Makikita niya!” sabay talikod at
deretso na sa kanyang area.
At itinuloy ko
na naman ang pag-aaral sa format at sa rules kung paano gumawa ng budget. Sa
pag-analyze ko, napagtanto ko na dapat kong isa-isahin ang mga categories at i-break
ang mga ito. Kagaya ng sa salary; kung magkano ang average na sweldo ng lahat
ng empleyado from top positions, regular at contractual, hanggang sa pinaka-mababa,
at kukunin ko ang average. I-break ko ito per month, at kunin ang total na
sweldo at i-reflect sa summary page kung saan ay may comparative na figures ng
actual at previous budget. At ganoon din ang gagawin ko sa overtime, sa
allowances, sa SSS contributions, sa power, rent, miscellaneous, etc...
Agad kong
sinimulang i-break ang category sa salary. Ang problema pala ay wala akong
reference sa mga sweldo ng mga tao; kung saan ako kukuha ng data. Ganoon din
ang sa overtime, sa mga allowances, kung sinu-sino ang mayroon nito, gawa ng
housing allowance, transportaiton allowance, food allowance, lahat ng mga data
lalo na sa actual ay wala ako. Ang hirap pa, nasa 35 ka restaurants mayroon
sila at ang lahat ng iyon ay gagawin ko isa-isa at i-consolidate.
Dali-dali kong
tinawagan ang HRD upang hingiin ko kung puwede ba nila akong mabigyan ng data
ng mga sweldo ng tao sa lahat ng branches.
“Sino to?”
sagot ng nasa kabilang linya.
“Si Jassim
Castro po.”
“Ikaw na ba
ang bagong accounts staff d’yan?”
“H-hindi po.
Contractual service crew lang po ako. Pero ako po ang pinagawa ng budget.”
Dinig na dinig
ko naman ang malakas na tawa sa kabilang linya. Sigurado, iniisip niyang
nagbibiro lang ako. “Kay Ma’am Sophia ka na lang manghingi ng data Jassim.
Confidential ang mga data na ito!”
“Si Ma’am
Sophia nga po ang nag-utos sa akin na gumawa ng budget eh...”
“Pwes,
kailangan namin ng memo na ino-authorize ka niyang kumuha ng data ng sweldo ng
mga tao!” Sabay bagsak ng telepono.
“Patay!” sa
isip ko lang. Syempre, isang malaking dagok iyon sa aking paggawa ng
assignment. Tinawagan ko na rin ang accounts at ganoon din ang sagot nila.
Hindi sila pwede magbigay ng kung anong data sa mga taong walang authorization
at wala sa mataas na katungkulan.
Tinawagan ko
si Sophia at sinabi sa kanyang kailangan ko ng authorization galing sa kanya
bago ako mabigyan ng access sa mga data na kailangan ko. Ngunit mas matindi pa
ang isinagot niya sa akin. “Punyeta! Gamitin mo ang utak mo! Bobo! Gago! Kung
hindi mo kaya, lumayas ka na d’yan! Letche! Tangina mo!!!”
Mangiyak-ngiyak
akong lumabas ng opisina at sa isang sulok ng dining hall ay umupo na lamang,
nagmuni-muni kung kakagatin na lang ba ang sinabi ni Ricky sa akin na takutin
na lamang si Sophia, lagyan ng virus ang computer, o di kaya ay isusumbong ko
na lang kay Marlon. Ngunit nag-alala naman akong baka lumala pa ang sitwasyon
at gagawa ng masama si Sophia sa akin o sa pamilya ko. Alam ko, sagad sa buto
ang pagmamahal niya kay Marlon at gagawin ang lahat kahit pumatay pa ng tao
upang huwag lamang mawala sa kanya ang taong minahal.
“Igan! Anong
ginagawa mo d’yan!” Si Ricky. Nakita niya akong halos iiyak na, malungkot na
malungkot ang mukha at malalim ang iniisip.
“Suko na yata
ako, Ricky. Hindi ko na yata kaya eh. Wala akong data, ang mga tinatanong ko ay
hindi naman nakikipag-cooperate sa akin kasi wala nga ako sa posisyon upang
gumawa ng ganitong assignment.”
“Ano bang data
ang kailangan mo?”
“Mga sweldo ng
tao, overtime, mga allowances, mga contributions ng kumpanya, lahat ng expenses
ng MCJ chains, at mga actual na data...”
“Ang dami
pala.” Nag-isip si Ricky. “S-andali... ang computer ba na ginamit mo ay iyon din
iyong kay Sophia?”
“Hindi. Spare
iyong ginamit ko...” sagot ko.
“Tingnan nga
natin uli.” At bumalik kami sa opisina. Tiningnan niya ang computer ko atsaka
binuksan ang computer ni Sophia. Nagbukas ng mga files. “Tingan mo... ito ba
iyon?”
Sinilip ko ang
computer, pinag-aralang maigi ang mga nakasulat. “Iyan nga ang kailangnan ko
Ricky!!!”
“O... sabi ko
sa iyo eh...” ang pagmamayabang ni Ricky. “Dito tayo sa opisinang ito hanggang
ngayong gabi. Tingnan natin kung hindi matatapos iyan.”
“E paano iyan,
hindi ba niya malalaman na binuksan natin ang computer niya?”
“Walang alam
iyon sa computer. Pero para magawa mo sa computer na gamit mo ngayon ang mga
kailangan mo, d’yan natin bubuksan. Naka-link kasi iyan sa computer ni Sophia eh.
Nababasa ng computer mo ang laman ng computer niya.” Sambit ni Ricky. IT kasi
ang kurso ni Ricky kung kaya alam niya ang pasikot-sikot sa computer.
“H-hindi ba
tayo sisitahin ng guwardiya kapag nandito tayo hanggang gabi?”
“Manliligaw ko
kaya ang guwardiyang iyan. Kahit madalign araw pa tayo rito, ok lang iyan.
Sasabihin ko lang d’yan na payag akong makipagdate sa kanya, bibigay na iyan. Patay
na patay iyan sa akin.” Napahinto siya. “At ano ka ba? Legal ang gagawin natin
dito ano” Sasabihin nating pinagawa sa atin ang budget preparation ng kumpanya
at nagpaalam na tayo kay Sir Marlon. At mas mahalaga pa ang gagawin nating ito
no kaysa pagpapa cute ng guwardiyang iyaa at paghahawak niya sa kanyang baril.
Hmpt!” sambit ni Ricky. “Pero mamaya habang abala ka dito, pwede ko rin namang bahagihan
iyon ng kaunting kaligayahan.”
Natawa na lang
ako. Pero at least, nagpasalamat akong kahit gabi ay puwede kaming magtrabaho.
Pursigido kasi akong tapusin ang pinagawang trabahoi ni Sophia. At wala rin si
Marlon, may seminar daw sila sa ibang lugar kung kaya wala rin siya upang sa
kanya sana kami magpaalam.
Nag-absent ako
sa aking klase sa gabing iyon at pinagpuyatan ko talaga ang assignemnt na
ibinigay ni Sophia. Maselan kasi ang paggawa nito at hindi lang mabusisi,
kailangan pang magtugma ang budget na pinapagawa sa actual na mga figures at sa
previous budget. Ibig sabihin, halimbawang sa sweldo, dapat ay hindi magkalayo ang
gagawin kong budget sa actual o previous na budget kung wala namang masyadong
movement sa manpower at increase sa sweldo ng mga tao. Ganoon din ang sa
overtime. Kung walang projected na malaking overtime, hindi dapat lalayo ang
figure sa dating budget. At kung magkalayo man, dapat ay may justification.
Iyon ang natutunan ko sa isang buong gabing ginawa namin ni Ricky ang
assignment na iyon. Pati si Ricky ay laking pasalamat din kasi, may natutunan
daw siya sa paggawa ng budget preparation. At malaki rin ang pasasalamat ko kay
Ricky. Kumbaga, parang perfect partner kami dahil siya ang tumutulong sa akin
sa mga data at computer works at ako naman ang nagdala sa buong proseso,
nag-aanalyze, nagko-compute, at gumawa sa buong budget.
“Hayyyy...
kahit papaano, may natutunan din naman tayo sa hirap natin sa gabing ito.
Salamat sa domonyang iyon!” ang sarcastic na sabi ni Ricky.
Madaling araw
na kaming nakauwi ni Ricky. At noong dumaan na kami sa guard house, huminto
muna siya sandali at pinasalamatan ang guard, biniro pang yakap-yakapin niya
ito. “Payag na akong magdate tayo bukas...” sambit ni Ricky sa guwardiya sabay bigay
ng flying kiss. Hindi ko naman naiwasang hindi sumiksik sa aking alaala si
James noong nag-guwardiya pa siya sa burol. Lalo akong nasabik sa kanya, sa mga
ginagawa namin.
Kinabukasan ng
umaga, nagreport pa rin kami ni Ricky sa restaurant. Noong dumating na si
Sophia, nagkunyari busy akong abala sa paggawa sa assignment na binigay niya.
Ang hindi niya alam, natapos ko na ito sa nakaraang gabi iyon.
“O nasimulan
mo na ba? Remember, bukas ng umaga ko na kukunin iyan sa iyo! Kapag hindi mo
natapos iyan, malintikan ka sa akin!”
“N-nakapagsimula
na po ako Miss Sophia... Kaso po, iyong ibang data ay hindi ko po mahanap...”
“Gamitin mo
ang utak mo! Ang laki-laki ng ulo ang liit-liit naman ng laman!”
Hindi na lang
ako umimik. Sa pagkatapos ng lunch ko kasi naisipang ibigay ang report upang
may time pa akong mag double-check. Sinabihan ko rin si Ricky na after lunch ko
na siya i-submit.
“Sabihin mo sa
akin friend ha? Papasok ako sa opisina niya kapag naibigay mo na. Gusto kong
makita ang reaksyon niya. Sigurado, lalaki na naman ang mga mata noon na dati nang
malaki. Imagine, isang contractual service crew lang ang gumawa ng budget ng
kumpanya nila... hah!” pagmamayabang pa ni Ricky. “Huwag nilang mamaliitin ang isang
upcoming ‘summa cum laude’ sa darating na graduation. Akala niya...” dugtong
din ni Ricky. Nasabi ko kasi kay Ricky ang sinabi sa akin ng Dean ko sa college
na kapag namaintain ko raw ang aking grades hanggang sa finals ay hindi
malayong summa cum laude nga ang matatamo kong karangalan sa graduation.
Pagkatapos na
pagkatapos ng lunch, hayun, ibinigay ko na ang report kay Sophia. Naroon din si
Ricky, nagkunyaring may ibinigay sa akin na mga dokumento.
At kitang-kita
namin ang paglaki ng mga mata ni Sophia noong iniabot ko na sa kanya ang
spreadsheet kung saan plantrsado na ang lahat ng mga data at detalye ng budget.
Tiningnan niya
ito ng maigi. “Saan ka kumuha ng mga data? At sino ang nagbigay sa iyo ng
access?”
“Eh...” ang
nasambit ko lang, hindi agad nakasagot. Hindi ko kasi inaasahan na itatanong pa
niya iyon. Patago kasi ang pag-access namin ng mga data sa computer niya. “E-estimate
ko lamang po... at iyong iba ay sa mga hard copy files natin.” Ang naisagot ko
na lang.
Tiningnan niya
uli ang aking report. Tiningnan niya ang summary at ang comparative na analysis
na pahina ng mga data. Dito pa lang kasi, malalaman na kung may discrepancies
ang budget.
Habang
nagbabasa siya, tyempo ring pumasok si Marlon sa opisina ni Sophia. “O ano yan?
Mukhang budget na yan ah!” ang excited na sambit ni Marlon noong nakita si
Sophia na tutok na tutok sa kanyang binabasang spreadsheet.
“Opo Sir.
Tapos na pong gawin ni Jassim ang budget.” Ang pagsingit naman ni Ricky.
Halatang
nagulat si Marlon. “What? Si Jassim ang pinagawa ng budget? At natapos agad
ito? Owwww... Ambilis naman! Mahigit isang linggong ginagawa ng staff namin
iyan ah, wala pang tulugan!” sambit naman ni Marlon na hindi makapaniwala sa
nalaman.
“Nonononono!
Marami pang mali-mali ito!” ang antipatikong sagot naman ni Sophia sa sinabi ni
Marlon. Halatang hindi matanggap-tanggap ng kanyang kalooban na ganoon kabilis
na natapos ni Jassim ang ipinagawa niya. At baling niya kay Jassim, “Itong data
sa previous budget na ginawa mong basehan sa comparative analyis, saan mo kinuha
ang mga ito? Nasaan ang reference na ginamit mo?”
“Eh... E-estimate
lang din po.
“Anooooo?
Ginawa mong biro ang budget natin?” ang pagreact niya sa sagot ko. At baling
kay Marlon, See hon??? Gumawa ito ng compatarive analysis ng actual data at
budget ngunit puro estimate lang pala? Pati sweldo ng mga tao, estimate??? Anong klaseng budget ito? Hindi! Hindi
ko matatanggap ito! Budget na puro estimate??? Huh!!! ang sigaw ni Sophia,
gumawa ba ng eksena.
At doon, hindi
ko na napigilan ang sarili. Bagamat may takot akong nadarama, isiniwalat ko na ang
totoong nangyari sa harap mismo ni Marlon. “Puro estimate lang po iyan kasi po...
noong tinawagan ko ang accounting at HRD ayaw nilang magbigay ng figures at access
kasi daw po, confidential ang mga data at hindi naman daw ako manager o may
katungkulan para bigyan nila ng access. At noong sinabi kong kayo po ang nagpagawa
sa akin ng budget, pinagtawanan nila ako na para bang niloloko ko lang sila. Ayaw
po nilang maniwala na ako ang pinagawa ng budget. At sinabi nila sa akin na
kung totoo ngang ako ang pinagawa ninyo nito, manghinig ako sa inyo ng leter of
authorization o di kaya ay sa iyo na lang daw ako manghingi ng data dahil
mayroon naman daw kayo noon. Ngunit Noong tinawagan ko naman po kayo, ang sabi
mo lang sa akin ay maghanap ako ng paraan. At bobo ako, gago ako, punyeta ako,
letche ako, at tangina mo!” Inimphasize ko pa talga ang “tangina mo” na
pahiwatig na iyon ay para sa kanya. “Kaya, iyan ang paraang naisip ko” dugtong
ko. Alam ko, nanginginig ako sa magkahalong kaba at galit.
Kitang-kita ko
naman ang lihim na pagngiti ni Ricky at lihim pang nag thumbs up sa akin. Iyon
bang tuwang-tuwa sa sinabi ko. At parang nanunulsol pa ng, “Sige pa Jassim!
Sige pa!”
Si Sophia
naman ay biglang napatakip sa kanyang nakabukang bibig at tiningnan si Marlon.
“Nonono honey. Noong tumawag si Jassim, pinagalitan ko ang driver ko. Nagtravel
ako noon patungo sa seminar natin kung kaya hindi ko rin siya masyadong
narinig. Akala ko hindi pa kunektado ang line niya kaya ang galit ko sa driver
ay narinig din niya!”
Tiningnan ko
si Ricky na tuwang-tuwa pa rin at ang mukha ay parang may sinabi sa isip niya
lang na, “Hmmmm, palusot!”
Sinagot ko uli
si Sophia. “Kung gusto niyo po, ibigay niyo sa akin ang actual at previous
budget data para mai-kumpara ko kung may mga mali-mali na figures at nang mai-revise
ko kung mayroon mang dapat i-revise...”
Walang imik na
hinugot ni Sophia ang susi sa kanyang bag at binuksan ang drawer sa gilid ng
kanyang mesa. May kinuha siyang file box. Tiningnan niya ito at tiningnan din
ang aking ginawang budget. Kinumpara ang mga figures.
“Sandali...”
sambit ni Marlon. Tumabi si Marlon kay Sophia sa harap ng table kung saan
nakalatag ang spreadsheet. Tiningnan din niya ito at piang-aralan, kinumpara
ang mga data. Marahil ay iyon ang previous budget at data ng mga actual figures
kung saan nandoon sa files ng kanyang computer na ginamit namin ni Ricky. Tutok
na tutok si Marlon sa pag-analisa sa mga data sa ginawa kong report.
Maya-maya,
“Mukhang ok naman ang figures niya hon... wala naman akong nakitang mali sa mga
actual at previous budget data natin. Excellent!” ang sabi ni Marlon na
nakangiti pa sa akin. “Pinahanga mo talaga ako Jassim! Paano mo nagawa ito ng
ganito kabilis, ganito kagaling?”
Na siya namang
pagsingit ni Sophia. “Tinulungan ko iyan hon. Ako pa nga ang nagturo sa kanya
eh. Kung kaya ganyan kaayos iyan” at abling sa akin, “Sandali Jassim, ibigay ko
sa iyo ang iba pang data para ma double check mo pa ha? Pareho lang iyan sa
soft copy na ibinigay ko sa iyo na may mga entries na, iyong kinupya mo lang
para ma-kumpleto ang report” at baling naman kay Marlon, “Actually hon, more on
encoding lang ang ginawa niya. Ako ang nag-provide ng mga data sa kanya. Ako
ang gumawa ng lahat nang iyan...”
“Totoo ba,
Jassim? Encoding lang ang ginawa mo rito?”
Binitiwan ko
ang isang hilaw na ngiti at sinagot siya. Feeling ko ay hindi ko na talaga
masikmura pa ang kasinungalingan ni Sophia. Kung kaya ang naisagot ko ay, “Di
ba sabi ko, mga estimate lang ang figures na entry niyan kasi noong tinawagan
ko po kayo, ang sabi mo lang sa akin ay maghanap ako ng paraan. At sabi mo pa, bobo
ako, gago ako, punyeta ako, letche ako, at tangina mo!” Inimphasize ko uli ang
“tangina mo” sa sobrang pagkainis ko na talaga. At baling kay Marlon, “Ngayon
lang po niya ibinigay sa akin iyan Sir... Nagsinungaling po siya! Paano po niya magagawa ang budget samantalang nandoon po kayong dalawa sa seminar?”
Biglang naging seryoso
ang mukha ni Marlon. Parang nagalit. At baling niya kay Sophia. “Totoo ba
Sophia? Nagsinungaling ka?” tanong niya kay Sophia.
At doon na
kami nagulat ni Ricky noong ngumiwi ang mukha ni Sophia at biglang umiyak. At
humikbi pa. Humagulgol. Parang hindi ako makapaniwala na ang isang matapang at tuso
na si Sophia ay iiyak ng ganoon, tila isang batang nagsisigaw, “Ganyan na ba
ako ngayon? Sinungaling??? Dumating lang ang hapas-lupang iyan!” turo sa akin
“Ganyan na ang pagtingin mo sa akin? Sinungaling ako???! Hindi ko na kaya ito!
Hindi ko na kayaaaaaaa!!! Arrrgggghhh!!!” at parang isang batang nagtatakbo palabas
sa kanyang opisina.
Humabol naman
si Marlon. Pareho kaming napako sa aming kinatatayuan ni Ricky. Parang mga tuod
na hindi makapagsalita sa sobrang pagkabigla sa eksenang ginawa ni Sophia.
Maya-maya,
lumingon si Ricky sa akin. “Wow!!! Pang FAMAS award ang drama niya igannnn!!”
sabay tawa ng malakas.
“N-natatakot
ako sa mga piangsasabi ko, Ricky.”
“Huwag kang
matakot igan. Manalig ka. Nasa iyo ngayon ang makapangyarihang salita ng bertud!”
“Ano?”
“Bobo ako, gago
ako, punyeta ako, letche ako, at TANGINA MO!!!” ang paggagad ni Ricky sa sinabi
ko kay Sophia, kung saan isinigaw pa talaga niya ang “tangina mo”. Hindi naman
siya maawat sa kanyang pagtawa.
Natawa na rin
ako. Ngunit sa loob-loob ko, matindi ang takot na nadarama ko. Alam ko,
gagantihan ako ni Sophia...
kakabitin ulit, pero dapat lamunin na ng lupa yan Sophia na yan, grrr...
ReplyDeleteDa best ka talaga jassim..ikaw na ang magaling isama n din si ricky .partners in crime bwahaha
ReplyDeleteat sophia kahit gaano kahirap ipagawa mo kay jassim kayang kaya basta para kay YAK.
cant wait na sa next chapter
kudos to sir mike
-arvin-
Sheeeeet bka gntihan ni sophiang demonyita si jaasim...... Sana nmn maalala n ni james ang lhat....
ReplyDeleteshit!!!!
ReplyDeletewait mo lng JASIM ang revenge ni miss sophia THE DEVIL MONSTER.. HAHAHAHAHA
WAla nman sana mangyaring masama sa kay jassim? huhuhuhuhu..
Haha! Ang ganda kuya mike! Nakakatawa din yung ibang part. Next na po. Thanks pala sa update.
ReplyDeleteHAHAHA.... natakot ako dun ah.......
ReplyDeletekaya mo yan jassim.. manalig kalang.... wag kang pa api sa mga taong nasa paligid mo...
ReplyDeletepugutan na ng leeg yang si Sophia! :))
ReplyDeletepapadala ko ang avengers para kay jassim! o kaya ng x-men...lol...ahaha
ReplyDeleteitakin na yang ulo ni sophia!!go jassim!
ReplyDeleteRiley
wahahahah tawa talaga ako ng tawa! bitin to the max ! grabe talaga ang kademonyahan ni Sophia! galing umarte amputek >.<!
ReplyDeleteAko din kinakabahan ako kay JAssim! pero tama nga si Ricky, manalig lang sya sa mahal na Bertud! hahah.. xD... go Jassim!
next na po Sir Idol! .. :]
mukhang naalala na nga ni marlon/james ang lahat kasi may nasabi sya kay jassim about dun sa nanay nyang nastroke =)
ReplyDeletefor sure gaganti na tong si sophia kay jassim.
-Mike
Ang galing... ahahha.. tanginamo hehehe...
ReplyDeleteAfter nito lagot ka jassim ahahah...
Salamat po dito...
-mars
hahahahahaha!!finally lmban din si jassim hahahaha!!!
ReplyDeletenext episode pls!!!!!
thanks kuyaa mike!!, sa mabilis na pag update mo for this story!!