Followers

Saturday, May 5, 2012

Sa Muling Pagkikita Chapter 7




Author's Note:

Maraming salamat kay Kuya Mike na ilathala ko ang aking kwento dito sa msob na hango sa tunay na buhay. Nagpapasalamat din ako sa mga admin na ipagpatuloy ko pa ang paglalahad ng aking isinusulat especially kay Kuya Justyn Shawn.

Nagpapasalamat din ako sa mga silent readers at sa mga nag-comment.

Kailangan ko  po ng inyong opinion or suhestiyon upang mapaganda pa aking pagsusulat.


"Sa Muling Pagkikita"
Chapter 7
By: wwjd_ar26



Nadatnan ko si Yves sa kanilang tindahan dahil nagpapahinga ang kanyang mga magulang samantalang si Ate Bianca ay pumunta sa Pampanga.

Medyo akward ang pagkikita namin ni Yves.

Di ko alam kung paano ko sisimulan siya kausapin.

"Kamusta ka na?" ang pagsisimula ko kay Yves

"Ito okay naman" tugon sa akin ni Yves

Naging maayos naman ang sumunod na pag-uusap at sinamahan ko siya sa kanilang tindahan.

Hindi ko na rin inungkat tungkol sa sulat.

Sinabi ko na rin sa kanya na hiwalay na kami ni Heart.

"Bakit mo siya hiniwalayan?" tanong sa akin ni Yves

Dahil ikaw lang ang minamahal kong tunay" tugon ko kayYves.

May mga ngiti ako nakita sa kanya labi at kislap sa kanyang mga mata.

Nabigla ako sa kanya ginawa nang ako ay kanyang hinalikan sa labi, mabuti na lang at wala tao sa paligid.

Nagkaroon ng religious youth camp sa aming unibersidad kaya lahat ng religion organizations ay nag-join at kasama kami ni Yves.

Sabay kami ni Yves pumunta sa pagdadausan ng youth camp.

Natandaan pa ba ninyo si Kit, nakasama ko siya sa ROTC.

Nagkita kami ni Kit sa youth camp.

"Andito ka rin pala" sabi ko kay Kit

Napangiti siya sa akin

"Kayo na ba?" tanong sa akin ni Kit

"OO kami na" sagot ko naman kay Kit

Di pa uso ang weehhh kaya.

"Owwssss" sabi ni Kit sa amin ni Yves

"Tanong mo kay Yves" sabi ko kay Kit

"Kayo na ba talaga?" tanong ni Kit kay Yves

Tumango siya kay Yves

Natuwa sa amin si Kit

Kulang na lang ipagsigawan niya na kami na nga.

Ang pinakilala niya sa isa't-isa ay nagkatuluyan.

Kung hindi sa kanya di kami magkakakilala ni Yves kaya till now malaki ang pasasalamat ko sa kanya, naging cupid siya sa amin ni Yves.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap nila Kit at Yves.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Yves?" tanong ko kay Kit.

"Di mo ba alam" sagot sa akin ni Kit

"Alam ko, kaya nga ako nagtatanong" parang si Vice Ganda lang sagot ko kay Kit

"Kasama natin si Yves sa ROTC, Model Company din siya" sabi sa akin ni Kit

Sa tsinito ko mata bigla ito namilog sa akin nalaman.

Napatingin ako kay Yves.

Napangiti si Yves sa akin.

Matagal na pala siya nagmamasid sa akin at matagal ko na rin pala kasama si Yves pero ni minsan di kami nagkausap or nagbonding man lang sa ROTC.

Pilit ko inaalala ang ROTC days namin.

"Bakit di ko siya nakikita?" tanong ko kay Kit

"Ewan ko sa iyo" sagot ni Kit sa akin

Napaisip ako sa sinabi ni Kit.

Sa panahon na may ROTC pa at halos kami ay lalaki, di ako nagkaroon ng pagnanasa sa akin mga kasama kahit sila ay magagandang lalaki kumpara sa akin.

Nalaman ko rin na gusto ni Kit si Yves.

Inalam din ni Kit kung paano naging kami ni Yves at ikinuwento namin ni Yves kay Kit nung gabi pagkatapos ng youth service.

Oras ng pagtulog kanya-kanya pwesto.

Nagkataon na bakante ang lamesa at sofa na gawa sa kahoy.

Magkakatabi kami nina Kit at Yves, pinapagitnaan namin ni Kit si Yves sa mesa.

Medyo nasisikipan ako sa tinutulugan naming mesa at lumipat ako sa sofa na gawa sa kahoy.

Sa paglipat ko sa sofa lalo ako di makatulog dahil di ko katabi si Labs (Yves).

Kahit lumipat na ako sa pagkakahiga nakatingin pa rin ako sa pwesto ni labs.

Papikit na sana ang mata ko nang makita ko si Kit na panakaw niya hinalikan si Yves nagising si Yves at tiningnan niya ako.

Pumikit agad ako na nagkunwari tulog.

Nang imulat ko ulit ang aking mga mata mas lalo ako nagulat sa ginawa ni Yves gumanti siya ng halik kay Kit.

Nawala ang antok ko sa akin nakita.

Di ko alam kung paano magre-react sa nakita ko.

Buong magdamag ako gising walang tulog.

Nag-isip kung paano i-handle ang situation.

Confront ko ba si Yves sa ginawa niya na maaring malaman sa buong youth camp, ok lang sana kung great eye ball iyun pwede pa matanggap.

Uuwi na lang kaya ako, baka naman magtanong ang mga kasama namin at di mapigilan ilahad ang ginawang pagtataksil ni Kit at Yves sa akin.

Pero baka sa pag-uwi ko lalo mabigyan ng pagkakataon sina Kit at Yves.

Magpanggap na wala ako nakita at tanungin na lang si Yves pagbalik sa kanila.

Iyun ang akin ginawa nagpanggap na wala ako nakita at kumilos na parang wala lang.




Pero deep inside my heart sobra sakit. L

Natapos ang youth camp at kami ni Yves ay umuwi sa kanila.

Pagdating sa kanila tahanan.

"Ano ginawa ni Kit sa iyo?" medyo pagalit ko tanong kay Yves

Nagulat si Yves sa akin tanong at tono ng akin boses

"Ah...eh...wala" sagot ni Yves

"Huwag mo ako gawin bulag dahil nakita ko kayo naghalikan ni Kit" mataas na boses ko kay Yves sabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Umiyak na rin si Yves

May nakaraan pala si Kit at Yves pero tinapos na rin ito ni Yves dahil sa akin.

Pinatawad ko sina Kit at Yves dahil una naging sila at naging mabuti kaibigan si Kit sa akin.

Lumipas ang panahon at kami ay parehong nagtapos.

Sa kanila na ako nakatira nang ako ay magtapos para madali sa paghahanap ng trabaho at upang makasama ko na rin siya.

Kung inyong iisipin para na rin kami nag-live in pero umuuwi pa rin ako sa amin every weekend upang makasama ko naman ang aking mga kapatid at magulang.

Sabay din kami naghahanap ng trabaho.

Mas madiskarte si Yves pagdating sa tunay na buhay sa Pilipinas.

Sana'y siya sa kahirapan kumpara sa akin at sadyang matalino.

Kaya madali siya nakakuha ng trabaho.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ako ay nagkasakit.

Nagpadala na lang ako ng sms/text message.

"Labs pasensiya ka na at di kita madadalaw this weekdays, may trangkaso ako ngayon"  pinadala ko mensahe kay  Yves.

"Ok lang magpahinga ka na lang muna at magpagaling ka" reply niya sa akin sms.

Tumunog ulit ang aking mobile.

May inbox ako natanggap.

"Kulang ka lang sa kispirin at yakapsule" galing kay Yves.

Napangiti naman ako sa na-receive ko message.

"Iloveyou" reply ko naman sa kanya.

Wala ako reply na natanggap sa kanya.

Dahil sa sobra sakit ng ulo at katawan ko maghapon ako nasa kwarto at natutulog.

Habang ako ay natutulog di ko namalayan na may pumasok sa aking kwarto at naramdaman ko na lang ang paghalik sa aking labi.

Napamulat ako kung sino ang humalik sa akin.

"Iloveyoutoo" sabi ni Yves

Sobra saya ko di ko inaasahan na dadalawin niya ako sa bahay namin dahil sa pagkakaalam ko ay may pasok pa siya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko kay Yves

"Bakit ayaw mo andito ako?" pabalik na tanong sa akin ni Yves

"Labs alam ko may pasok ka ayaw ko naman na magkaroon ka ng problema  sa trabaho mo." sabi ko kay Yves.

"Nag-half day ka ba?" tanong ko kay Yves

"Hehehe...breaktime lang pero babalik ako around 3 pm" tugon sa akin ni Yves

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Yves

"Yes, ikaw?" tanong ni Yves sa akin

"Yes" tugon ko kay Yves

"Ito may dala ako dalandan" sabi ni Yves sa akin

"Salamat" sabi ko kay Yves

Sabay halik sa kanya pisngi

Yes mga readers sa pisngi lang dahil maysakit nga ako da bah...ayaw ko mahawa ang labs ko.

Binalatan niya ako ng dalandan at sinusubuan.

Ang sweet naman ng labs ko at kinikilig naman ako.

Pagkatapos naming kumain ng dalandan sabay kami natulog at talaga tumabi pa siya sa akin di natatakot na mahawa ng trangkaso.

Nag-alarm na lang siya ng 3 pm para bumalik sa trabaho niya.

Nagising kami ng tumunog ang alarm at nagpaalam na rin siya.

"Iloveyou" sabi ni Yves sa akin

"Iloveyoutoo" sabi ko naman kay Yves

Hinalikan niya ako sa labi ko

"Baka mahawa ka?" sabi ko kay Yves

Ngumiti lang siya sa akin.

Napatunayan ko na mahal din ako ni Yves

Gumawa siya ng paraan para dalawin at tingnan ako.

He makes an effort just to see me in person.

Ang akala namin masayang relasyon ay nagkaroon ng pagsubok.....

  




4 comments:

  1. NIce story

    teddyRICHIE

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po...pakiabangan po ang chapter 8. Dahil from that chapter mararanasan ko ang pighati dahil sa pag-ibig.

      Delete
    2. Wen nmn ilalabas ang next chaptr?wag mu namang patagalin...

      Napansin ko lang poh parang minamadali mo yung story.how about lagyan mu ng ma POV or d kaya ma flashback or anything na background ng mga characters para bonggang maintindihan ang ibang detalye ng story mu...minsan po kasi iniimagine ko nlng yung naka gap between ng story lines mo...

      Pero hindi ko po sinasabing panget ang story mo ha...sa totoo lang maganda sya...kaya dapatag update kna...hehehe...cheer up na...i know masakit ang magmahal specially sa katulad natin. As in sobrang sakit...minsan nga muntik knang isugal buhay ko for love...anyweiz,stry mo poh ito at hindi sakin kaya UPDATE NA!

      teddyRICHIE

      Delete
  2. i believe sweet memories is treasure to keep.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails