Followers

Wednesday, May 2, 2012

Palitan Ng Puso [10]

By: Mikejuha

--------------------------------------------------

Pakiramdam ko ay magco-collapse ako sa aking nasaksihan. Walang dudang si Marco nga iyon. Sa hitsura, sa pangangatawan, sa kanyang ngiti, at sa nakasulat na birthday...

“O sya, i-close ko na ha? Nalulungkot ka na eh.” Ang sambit ng kasama kong stand-up comedian sa restobar, si Marcie. Marcial kasi ang tunay niyang pangalan. Tumayo siya at marahil ay na-guilty sa kanyang ginawang papapakita sa litrato na iyon, dinala niya ako sa likod ng main building kung saan may mga sementong upuan sa lilim ng mga kahoy. “Paano na iyan? Paano ka na? Paano na ang samahan natin?” sambit niya noong naroon na kami at naupo.

“H-hindi ko alam Mars eh. P-pero kung iyan ang kaligayahan niya, wala akong magawa. May magagawa ba ako? May choice ba ako?” ang tanong ko rin sa kanya.

Yumuko siya. “Sabagay, wala nga. Ngunit kung iyan talaga ang gusto niya, sana man lang ay nagpaalam siya nang maayos, di ba? I mean, saganang akin lang, hindi ba niya naisip na masaktan ka? Hindi ba niya pinahalagahan ang iyong damdamin? Masakit kaya ang ginawa niya...”

At doon, hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Iyon bang feeling na halos sasabog ang dibdib mo sa sobrang sama ng loob, pinigil mo dahil pakiwari mo ay nag-iisa ka lang sa mundo kung kaya ayaw mong ipahalata na nasaktan ka at nagkunyarnig cool ka pa rin. Ngunit noong nakarinig ka ng salita galing sa isang kaibigan na tila nakaintindi sa matinding sama ng loob na iyong tinitimpi, doon mo hindi na nakayanang pakawalan ang tindi ng sakit ng iyong saloobin.

Napayuko ako. Umiyak, humagulgol na parang isang bata.

Niyakap ako ni Marcie; hinaplos-haplos niya ang aking likod habang patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha.

Noong nahimasmasan na ako, “G-gusto mong tanungin natin ang tita niya kung totoo ngang nagpakasal na siya at bakit hinid nagsabi sa atin?” sambit ni Marcie.

Kumalas akong bigla sa kanyang pagyakap. “Ay huwag Marcie! Nakakahiya ah! Ayokong isipin nila o ng iba pang mga kaibigan natin na nalungkot ako. Hindi naman nila alam ang tungkol sa amin di ba?”

Napatingin naman sa akin si Marcie. Iyon bang tingin na matindi ang pagkaawa at gustong tumulong ngunit walang magawa. “Alam mo friend, alam kong may napapansin sila. Alam kong may alam sila ngunit hindi niyo naman ito ibinubunyag kung kaya hinahayaan na lang nila ito sa kanilang mga isip.”

“Ah... kahit na. Ayoko pa rin.”

Natahimik siya ng sandali. “Paano ba ako makakatulong friend?”

“N-natulungan mo na ako eh. Naintindihan mo ako, naipalabas ko na sa iyo ang saloobin ko. Sapat na iyon. Antayin na lang natin kung may sasabihin ang tita niya sa atin.”

“Ay hindi ako papayag friend. Kung para sa iyo ay ok lang na maghintay, pwes sa akin ay hindi. Hindi okay ang ginawa niya at dapat na malaman natin ang dahilan.”

“Baka mamaya isipin naman niyang naghahabol ako... o kaya ay kina-career ko ang realsyon namin samantalang hindi naman pala seryosohan iyon para sa kanya. Sa ganitong relasyon kasi, parang hindi naman siniseryoso ito ng mga tao, di ba? Parang isang klaseng experimento lang, praktis, paglalaro, o isang relationship by convenience...”

“Hindi ah... Ikaw naman. Sa tingin ko ay tunay na mahal ka ni Marco. At iyang nasa isip mo na hindi seryosohan... ano ka? Hindi ba tayo mga tao? Wala ba tayong karapatang seryosohin? Hindi ganyan ang attitude friend. Kung magmahal ka, ipaglaban mo. Kasi, kung mahina ang paninindigan mo, talagang hindi kayo magtatagal. Sa relasyong ito kasi ay maraming pagsubok. Kaya kung hindi ka matatag, hindi ka marunong manindigan, mabuwag talaga ang inyong pagmamahalan. Lalo na kung sa simula pa lamang ay mahina na ang kapit mo at nakatatak pa sa isip na hindi ka maaaring seryosohin, parang sinabi mo na rin na ok lang kung isang araw ay mawala siya. No way friend! Hindi ganyan ang attitude! Ipaglaban mo ang karapatan mo. Ilagay mo sa isip mo na parang isa siyang kaharian at ikaw ang reyna nito na kahit sa gitna ng mga lumulusob na kalaban, handa mong ibuwis ang lahat.”

“Hindi mo naman kasi ako masisisi eh... Sinabi niya sa akin na sikreto lang ang relasyon namin. Kung kaya sa simula pa lang, naisip ko na wala talagang patutunguhan ang aming relasyon.”

“Hay naku friend, isang malaking mali! Mali! At mali! Hindi ganyan. Dapat matapang. O sya, huwag kang mag-alala. Magtanong ako ngunit bilang ako na isang kaibigan niya na naghahanap lang naman kung ano ang nangyari sa kanya; kung bakit siya naglaho at may nahagilap akong tsismis na nakita ko sa isang facebook account na ikinasal siya... Hindi ka involve dito.”

Iyon ang napag-usapan namin ni Marcie.

Maya-maya, nag-text na si Prime. Nasa student center daw siya at sabay na raw kaming tumungo sa restobar. Inaya ko si Marcie na magsabay na kami patungong resto ngunit may isang klase pa raw siya kung kaya mag-isa kong tinungo si Prime sa student center.

“O... bat malungkot ka?” ang sambit kaagad niya noong nakita ang mukha ko. Si Prime kasi, kapag nakikita niyan ang mukha ko, alam niya na kaagad kung may kakaiba. At kahit anong pilit kong ngumiti, naaamoy pa rin niya kung may bumabagabag sa aking isip. Iyan ang isa sa pinakagusto ko sa kanya. Iyon bang titingnan lang niya ako sa mata, alam na niya kung masaya ako o may itinatagong lungkot. At hindi na ako makapagdeny niyan kapag nangungulit na siya sa katatanong kung ano ang problema ko.

“S-si Burj kasi...” hindi ko naituloy pa ang sasabihin gawa nang pagbara ng aking lalamunan ng kung anong bagay. Umupo na lang ako sa tabi niya.

“O... bakit si Marco?” sambit niya, humarap pa talaga sa akin.

“W-wala tol... Wala” ang naisagot ko na lang. Ayoko kasing magdrama pa. Ayokong palalain ang sitwasyon.

Ngunit mapilit siya. “Ah... hindi ako papayag na wala kang sasabihin. Sinaktan ka ba niya?”

“H-hindi naman. N-nakita lang namin ni Marcie sa isang fb account na nandoon siya kasama ang isang babaeng nakadamit pangkasal at may caption doon na ikinasal daw sila... sa birthday niya.”

Napahinto si Prime. “Sabi ko na nga ba... may milagrong ginagawa si Marco eh. Kung kaya umalis kaagad siya noong birthday niya!” Ang sabi niya. “Huwag kang mag-alala tol, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan” sabay naman yakap sa akin.

“Woi! M-may makakita sa atin...” sambit ko bagamat hinayaan ko lang siya sa kanyang pagyakap. Student center kasi iyon. Maraming mga estudyanteng nagtatambay habang naghihintay ng klase.

“Hayaan mo na sila. Wala akong pakialam.” At niyakap talaga niya ako. Mahigpit. Hinaplos-haplos niya ang aking likod, ang aking buhok... na halos hahalikan na lang niya ako sa pisngi. Mistula kaming magkasintahan.

Napaiyak na naman ako. Pakiramdam ko ay parang gusto ko nang bumigay at sabihin sa kanyang “Sana ikaw na lang ang boyfriend ko...” Ngunit hinayaan ko na lang ito sa aking isip.

Nakarating kami sa restobar. Nag-expect ako na naroon ang tita ni Marco. Ngunit wala pala siya. Napag-alaman naming mula sa isang katiwala ng bar na out-of-town daw ito, at nasa probinsya nina Marco.

Syempre, disappointed ako kasi, iyon na sana ang pagkakataon na masagot ang katanungan naming kung tototo ngang nagpakasal si Marco. At parang lalo tuloy tumibay ang aking hinala na kasal na nga talaga siya. Sumagi sa isip ko na gustong makilala ng tita niya ang babae at ang pamilya nito. Ganyan naman kasi kapag ikinasal. Ang mga pamilya sa bawat side ay excited na makita ang bagong myembro ng pamilya nila.

Kaya wala na kaming nagawa ni Prime kundi ang maghintay sa aming oras ng pagtatanghal. Kahit papaano, naibsan ang sakit na aking nadarama dahil kasama ko si Prime.

Nagperform kami sa gabing iyon na tila wala ako sa tamang pag-iisip. Parang iyon na yata ang pinakamalungkot kong araw. Ngunit pinilit ko pa ring kumilos nang normal, kumanta na parang wala akong inindang sakit sa aking kalooban.

Ngunit hindi ko pala kayang ikimkim ito. Noong kinanta ko na ang “First Love” hindi ko na napigilan ang aking sarili –

(audio)

Everybody has a first love,
they have left in yesterday.
Feelings they have left behind,
it’s just a place in time but not so far away.
Everybody has a first love,
when the dream they shared was new.
I remember that special someone,
so I wrote this song just for you.

First love in my life.
Where are you tonight?
I wonder about you.
First love in my life.
Did things turned out alright?
I worry about you.
‘Cause I’ve got everything,
everything in life that I wanted.

It would kill me now and make me sad
to know you are lonely.
First love never dies.

I wish you love, I wish you happiness.
And may the years be kind to you.
You’ll always be a part of me,
share this thought with me.
I’ll carry you always.

First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. I tell you
First love, first love never dies. Remember
First love, first love never dies. Whoa. . .

Para kasing ito ay isang pagpapaalam sa kanya. Damang dama ko ang mga kataga nito, ang mensahe, ang pagpaparaya, lalo na sa salitang, “I wish you love, I wish you happiness. May the years be kind to you. You’ll always be a part of me, share this thought with me. I’ll carry you always...” Pakiwari ko ay ilang beses na tinamaan ng sibat ang aking puso. Bagamat nabibigkas at naideliver ko naman ng maayos ang liriko ng kanta, hindi ko napigilan ang patuloy na pagdaloy ng aking mga luha, sumagi sa isip na wala na talaga akong magawa kung nakasal na siya at iyon na lang ang napakagandang mai-regalo ko sa kanya, ang bigyan siya ng kalayaan, blessings at mga best wishes na sana ay magtagumpay siya sa landas na kanyang tatahakin. Tanggapin ng maluwag sa kalooban. Magpaubaya. Ang sakit; sobra...

At noong natapos ko nang kantahin ito, dali-dali akong tumakbo sa CR at doon ko ipinalabas ang aking saloobin. Nag-iiyak ako.

Maya-maya, may narinig ako sa labas ng cubicle. “Tol... ok ka lang ba?” sambit ni Prime. Sinundan niya pala ako sa loob ng CR.

“Ok lang ako tol...” ang sagot kong pilit na huwag ipahalata sa boses na umiyak.

“Halika na... duet na tayo.” Ang sambit niya. Iyong bang parang sinusuyo niya ako at gusto niyang burahin sa isip ko ang lahat.

Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha atsaka lumabas, tinungo ang wash basin at doon naghilamos. “A-anong kakantahin natin?” tanong ko.

“Basta, paborito mo.”

Noong nasa palatform na kami, hindi ko akalain na ang theme song ko pala ang kanyang pinili. Noong tumugtog na ang intro nito, napabuntong hininga na lang ako, tiningnan si Prime at nginitian siya. Iyong feeling ba na na-sweetan ka sa isang tao dahil sa kabila ng iyong lungkot, kahit hindi man niya kayang lunasan ang sakit na iyong naramdaman ay ipinadama pa rin niya na nand’yan lang siya, na handang gawin ang mga bagay na sa tingin niya ay kahit papaano, makakabawas sa sakit na aking dinanas.

Lumapit siya sa akin at palihim na idinikit ang kanyang mukha sa aking tainga at bumulong, “Malay mo, darating ang araw na mabaligtad ang lahat at maranasan niya ang iyong naramdaman, kagaya ng kantang iyan...”

Kinurot ko na lang ang kanyang tagiliran. Napaisip kasi ako. Hindi naman para kay Marco ang kantang iyon talaga kundi para sa kanya; kay Prime. Kung dati ay si Marco ang kumanta ng Exchange of Heart para sa akin dahil sa ginawa ni Prime, sa pagkakataong iyon, si Prime naman ang kumanta nito para sa akin dahil sa ginawa ni Marco na nagdulot sa akin ng matinding sakit. Sadya pala talagang umiikot ang gulong ng buhay. At minsan, sobrang napaka-ironic pa nito. Mainis ka sa isang tao, pero sa bandang huli, siya rin pala itong magpapasaya sa iyo; may isang taong magpapasaya sa iyo isang araw ngunit sa bandang huli, ito naman dahilan ng pagdurugo ng iyong puso. Pakiwari ko ay doble-doble ang pagbaligtad ng kalagayan naming tatlo. Si Prime... nasaktan ako sa kanya dati, pero siya na itong nagpapasaya sa akin. Si Marco, pinapasaya ako dati ngunit siya naman ngayon ang dahilan ng aking pagdurusa.

Napabuntong-hininga na lang ako. “Tila hindi na mabubuo ang litrato ng tatlong taong nakasakay sa isang motorsiklo...” sa isip ko lang. “Bad ka!” ang sambit ko naman kay Prime. “O sya kanta na! Kanina pa nag intro ang banda!” dugtong ko.

Tawanan. Pati ang mga myembro ng banda at ang mga kumakain sa restobar na nakapansing nagharutan pa kami ay naaliw din.

(Video)

One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And you'd understand if your heart was mine

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance

(Instrumental)

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts


Noong natapos na ang aming kanta, nagsisigawan na naman ang mga audience. Ng “Kiss! Kiss!” Kung si Marco ay sa pisngi ko hahalik, siya iba dahil sa labi ko talaga; iyong nakaw na halik lang naman. At kagaya ng mga normal na gabi sa aming pagtatanghal, may nakaw na halik na naman ako kay Prime. Pinilit naming maging isang ordinaryong gabi lang ang pagkakataong iyon.

Nakaraos din ang aming palabas na iyon na parang normal lang ang lahat. Ang huli naming kinanta ay -

(audio)

I love you so much
Somewhere back in time you became a friend of mine
And day by day we've grown a little closer
You're my spirit to be strong, a friend when things go wrong
So I've written down these words to let you know

Love's grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me
Let us plant the seed and watch it grow
Love's grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me

As we travel down the road, side by side we'll share the load
Hand in hand we'll see each other through
Though we've only just begun, let's count our blessings one by one
I thank God for life, I thank God for you

Love's grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me
Let us plant the seed and watch it grow
Loves grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me

And as the seasons slip away
Forever lovers we will stay
Together, do or die, with all our hearts

Love's grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me
Let us plant the seed and watch it grow
Love's grown deep, deep into the heart of me
You've become a part of me

Alas dose na noong nagsara na ang restobar. Nagsiuwian na rin ang mga customers, ang mga crews, ang mga kasama namin sa banda at kami na lang ni Prime ang naiwan. Pakiwari ko ay napakalungkot ng gabing iyon.

Habang nag-ayos si Prime sa aming higaan, nakaupo lang ako sa kama, nakaharap sa dagat; sa nakadaong na barkong pampasahero na naghahanda na upang bumiyahe patungong Maynila.

Habang nakatuon ang aking mga mata dito, hindi ko maiwasang hindi maihalintulad ang sarili sa nakita ng aking mga mata. Parang ako iyong pantalan at si Marco ang barko. Ang kaibahan lamang nito sa aming kalagayan ay ang barko... babalik at babalik muli sa pantalan samantalang si Marco, hinding hindi na maaring bumalik pa sa akin.

“Tol! Nakatunganga ka na naman ah! Ayoko niyan!” sambit ni Prime.

Noong hindi ako sumagot, tinabihan na lamang niya ako. “Mabuti pa ang barko tol... kahit umaalis, bumabalik pa rin. Ngunit si Marco... hindi na.”

“Huwag mong sabihin iyan tol... Kahit na ang isang barko ay hindi na babalik, isipin mo na marami pa ring barko ang dadaan at dadaong sa pantalan. Ganyan din naman ang buhay di ba? Parang isang pantalan din. May mga barkong dadaong sa ating buhay; ang iba sa kanila ay lilisan ngunit babalik. Ang iba naman ay tuluyang maglaho ngunit may mga barko rin namang naka-base lang sa lugar na ito, kung kaya ay kahit aalis man, siguradong babalik din ito. Kagaya ng mga maliliit na bangka, mga bangkang palaisdaan, o mga yateng ang mga may-ari ay taga-rito lang.”

“Kaso ang barkong mahal ko ay ang lalayo at hindi na babalik...’

“Malaking barkong naman kasi ang pinili mo, at barkong dayo pa. Kaya hindi kapag umalis siya, hindi ka nakasisigurong babalik pa. Bakit hindi mo ibaling ang pagmamahal mo sa isang lantsa na nariyan lang sa paligid?” at hinawakan niya ang aking mga kamay.

Tiningnan ko siya. Nakahubad pala ito at brief lang ang tanging saplot sa kanyang katawan. Nakakabighani ang kanyang anyo. Mang makinis at magandang hugis ng kanyang mukha, ang nangungusap na mga mata, ang kaakit-akit na mga labi.

Binitiwan ko ang isang pilit na nangiti at pinakawalan ang  isang malalim na buntong hininga. “P-para sa kanya lang kasi ang puso ko eh.” Ang sagot ko sabay baling uli ng mga mata ko sa barko sa marahan nang naglalakbay na barko palayo sa pantalan.

“Ikinasal na siya. Hindi mo pa rin ba matanggap iyan? Tanggalin mo na siya sa isip mo, tol...”

“Matulog na lang tayo...” ang bigla kong pagsara sa usapan. Naramdaman ko pa kasi ang sakit. At pakiwari ko ay hindi ganoon kadali ang makalimot.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong humiga na rin siya at maya-maya lang ay idinantay niya ang isa niyang kamay sa ibabaw ng aking dibdib sabay bulong ng, “Good night tol....”

“Good night...”

Iyon ang huli kong natandaan

Kinabukasan, noong pumasok na ang mga crew sa restobar upang maghanda para sa pagbukas nito, nagising ako sa ingay nila. Nagising na rin pala si Prime na nanatiling nakahiga, hinintay marahil na magising din ako.

“Good morning tol...” sambit niya sabay bitiw ng isang nakabibighaning ngiti.

“Morning...” sagot ko rin sabay sukli sa kanyang ngiti.

Tahimik. Hindi siya sumagot bagkus nakatitig lang sa aking mukha. Iyon bang parang nagpapa-cute. At na-kyutan naman din talaga ako. Kinilig ba.

“B-bakit?” tanong ko kunyari.

“P-pwedeng makahalik?”

“H-hindi pa ako nag-toothbrush” biro ko.

“Ok lang.” sabay dampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

Laking gulat ko sa kanyang ginawa. At bagamat nabigla, hindi ko na nagawa pang pumalag. Sinuklian ko na rin ang kanyang halik, hindi alintana kung makita kami ng mga crews ng resto-bar na nagsimula nang mag-ayos at maghanda para sa mga customers.

Nasa ganoon kaming paghahalikan noong mula sa hagdanan ay may narinig kaming, “Uhummmm!”

Bigla kong naitulak si Prime at simbilis ng kidlat akong tumagilid patalikod sa kanya, itinalukbong muli ang . Kilala ko ang boses na iyon. Si Marco.

Sa sobrang kaba ko na nahuli kami sa ganoong sitwasyon, hindi ako gumalaw, hinintay na aakyat siya at tatabi sa amin o ba kaya ay magsalita siya. Pati si Prime ay hindi rin gumalaw at walang imik itong nakiramdam.

Ewan, naghalo ang aking naramdaman sa puntong iyon. Galit ako sa kanya ngunit na-miss ko siya. May naramdaman akong hiya at takot na nakita kami sa ganoong ayos ngunit may isang bahagi rin ng aking utak ang nagsabing mabuti nga upang maranasan din niya kung ano ang naramdaman ng isang taong trinaydor, sinaksak sa likod.

May halos limang minuto na lang ang nakalipas, wala akong narinig na nagsalita muli at wala rin akong naramdamang kilos ni Marco.

Tiningnan ko ang lugar sa may hagdanan. Wala siya. Kaya ang ginawa ko ay ang bumalikwas. Sumunod na rin si Prime. Bagamat hindi kami nagsasalita, ramdam ko ang tensiyon na namagitan sa biglang pagsulpot ni Marco at ang pagkakita niya sa aming paghahaikan.

Nagdamit si  Prime atsaka inayos ang collapsible na higaan.

Hindi ko pa rin alam ang gagawin. May isang bahagi ng aking utak ang nagsabing huwag siyang kausapin dahil sa ginawa niya ngunit may parte rin ng aking utak ang nag-udyok na hanapin siya at pakinggan kung ano ba talaga ang estado namin...

Tinumbok ko ang counter na noon ay nagbukas na. Noon ko lang napansin na umulan pala. Lalo tuloy akong kinabahan at nalungkot. Ewan, nagkaroon na yata ako ng phobia sa ulan. Naalala ko na naman kasi ang unang sakit na naranasan ko, umuulan din iyon. Noong unang nagpunta ako sa seawall sa gilid ng restobar na iyon, umambon habang pinagmasdan ko ang malalakas na alon. Parang ang ulan na iyon ay nagbabadya na naman ng isang masamang pangitain.

Naroon si Marco sa counter, nakaupo at tumulong sa mga nag-ayos ng restobar. Parang gusto kong bumalik na lamang kay Prime sa collapsible na higaan at hayaan na lamang ang aking pride at galit na ilibing sa aking utak.

Subalit bago pa man ako makaatras ay nakita niya ako. Bagamat wala siyang reaksyon sa pagkakita sa akin, itinuloy ko ang pagtumbok sa kinaroroonan niya. Noong nasa harap ko na siya, “P-wede ba tayong mag-usap?” ang sambit ko.

“Sige...” ang malabnaw niyang sagot. Parang kakaiba na talaga siya. Kahit sa tingin ko pa lang sa kanya, parang may malaking pagbabago. Parang may ibang aura ang bumalot sa pagkatao niya. Hindi na siya iyong masayahin, iyong taglay ang ngiti na nakakahawa. At lalo na kapag nakita ako niyan, pakakawalan kaagad niyan ang pamatay na ngiti. Nakakawala ng pagod; nakakapawi ng pangamaba. Ngunit hindi ko mahanap ang ngiting iyon sa pagkakataong iyon.

Kinuha niya ang payong atsaka lumabas ng counter at tinungo ang seawall, iyong dati naming lugar at ang lugar din kung saan ko unang narinig ang kanta niya. Hindi niya ako hinintay. Nagmamadali siyang naglakad, tinumbok ang upuang semento sa ilalim ng malaking puno ng talisay. Sumunod ako sa kanya, hindi alintana ang mga patak ng ulan sa aking katawan.

Naupo ako sa isang mahabang sementong upuan sa tabi niya. Hawak-hawak niya ang payong na nagsilbing proteksiyon namin sa ulan.

Tahimik. Ni hindi man lang siya umakbay sa akin. Nakakalungkot. Para kaming dalawang taong hindi magkakakilala at aksidenteng naupong magtabi sa isang pampublikong upuan.

Nasa ganoon kaming ayos na tila nagpapakiramdaman noong may nagsalita, “Tol... mauna na ako sa inyo ha?”

Si Prime, nasa likod lang pala namin dala-dala na ang kanyang knapsack at nakatakip sa kanyang ulo ang isang plastic bag, panangga sa ulan.

“Tol... huwag muna. Mag-usap muna tayo!” ang sagot naman ni Marco kay Prime.

Napatingin sa akin si Prime. Iniisip niya marahil na pagagalitan o kumprontahin siya ni Marco sa nakitang halikan namin.

Tiningnan ako ni Marco. “P-puwedeng mag-usap muna kami?” sambit niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tahimik lang akong tumayo, ipinahalatang masama ang loob ko. Pati ang pagpapaalam niya sa akin ay hindi man lang ako tinawag na “Burj” ang aming tawagan. Tinumbok ko muli ang loob ng restobar. Naglakad akong hindi lumingon sa kanila.

Noong naroon na ako sa loob, umupo ako sa isang lugar kung saan ko sila nasisilip. Ang buong akala ko ay aawayin ni Marco si Prime o kaya ay sumbatan.

Ngunit iba ang aking nasaksihan. Parang iyong magbestfriends lang silang dalawa na seryosong nag-usap ng mahalagang bagay. Parehing nakayuko, nakikinig lang si Prime, tumatango-tango habang si Marco naman ay nagsasalita bakas sa anyo ang kalungkutan. Minsan, sumisingit din si Prime sa pagsasalita ngunit si Marco talaga ang mas may maraming sinasabi. Mistulang nagpalabas siya ng saloobin o nagkuwento ba ng kung anu-ano. Hindi ko talaga alam... Ngunit sa isip ko lang, baka tungkol iyon sa kanyang pagpapakasal na hindi man lang kami sinabihan o inimbita.

Maya-maya lang, napansin kong parang lihim na pinahid ni Marco ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung nagpahid ba siya ng luha o may kinamot lang siya. Doon ko rin naramdaman na parang may malaki talagang kaibahan, hindi ko lang alam kung ano iyon. Dahil mas nangingibabaw sa isip ko ang matinding sama ng loob sa kanya, hindi ko na pinansin kung ano ba talaga iyon.

May 15 minuto siguro silang nag-usap. Natapos ito noong nakita kong tumayo si Prime at tumayo rin si Marco at pagkatapos ay niyakap ni Prime si Marco atsaka tinapik-tapik niya ang likod ng huli.

Sa nakita ko sa kanila, maraming katanungan tuloy ang pumasok sa aking isip. “Bakit siya malungkot? Di ba kapag nag-asawa ka ay dapat masaya ka? At ano ang pinag-usapan nila ni Prime? May kinalaman kaya ito sa akin? At bakit hindi man lang nagalit si Marco kay Prime?”

Lumapit si Prime sa akin at nagpaalam. “Tol... mauna na lang ako sa iyo ha? Ingat ka lage.” sambit niya sabay yakap sa akin. “Kausapin ka raw ni Marco...” dugtong niya, at umalis na.

Bumalik muli ako kay Marco. Nagtatakbo ako dahil sa ulan. Noong nandoon na, naupo ako sa tabi niya. Nanatiling nakayuko lang si Marco, halos hindi ako tiningnan. Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman. Sa loob-loob ko, nasasabik ako sa kanya at gusto ko siyang yakapin ngunit may matinding takot din akong naramdaman na baka hindi na pupuwede dahil nga... kasal na siya. Ngunit ang higit sa lahat na kinatatakutan ko ay ang salitang manggagaling sa bibig niya at baka hindi ko ito kayang tanggapin; ang salitang paalam.

Ramdam ko ang matinding pagkabog ng aking dibdib. Ramdam ko rin ang pamumuo ng luha sa aking mga mata sa sobrang takot at lungkot at pagkainis.

Tahimik.

“N-nagpunta lang ako dito upang magpaalam...”

At doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha. Ang salitang iyon ay parang bombang sumabog sa aking mukha. Hindi na ako nakasagot kaagad gawa ng pagbara ng kung anong bagay sa aking lalamunan. Hinayaan kong pumatak nang pumatak ang aking mga luha na tila sumabay sa pagpatak ng ulan.

Natahimik naman siya. Hindi ko alam kung ano ang laman ng kanyang isip o kung ano ang kanyang naramdaman.

Lihim kong pinahid ang aking mga luha. “Ganoon na lang? Ganyan lang ba talaga para sa iyo ang relasyon natin? Ganyan lang kadali? Ni hindi mo man lang sinabi sa akin kung ano ba talaga ang dahilan?”

Hindi pa rin siya umimik.

“Para akong tanga na nagtatanong kung bakit... at ngayon, heto, bigla ka na lang sumulpot at bigla ring magpaalam? Hindi naman ako tututol kung magpakasal ka eh. Ngunit sana ay idinaan mo sa maayos pakikipag-usap sa akin. Kahit masakit, kakayannin ko kung iyan ang ikaliligaya mo. Kahit magbest man pa ako sa iyong kasal ay gagawin ko maipadama ko lang na kahit gaano katindi ang sakit na aking maranasan sa oras na na makita kitang naglakad patungo sa altar kasama ang babaeng iyong pakakasalan ay nand’yan ako para makibahagi sa pinakamahalagang sandali ng iyong buhay. Kahit napakasakit para sa akin ang pagmasdan kayong nagsasabi ng ‘I Do’ sa isa’t-isa pipilitin ko pa rin ang sariling makita ang ngiti sa iyong labi, ang sigla sa iyong mga mata...Pilitin ko ang sariling ngumiti para sa iyo; kalimutan ang sariling paghihirap ng kalooban; balewalain ang pagdurugo ng puso. Ganyan kita kamahal... Hahamakin ko ang lahat liligaya ka lamang.” at napahagulgol na ako. 

Naghintay akong magsalita siya. Wala. Tahimik lang siyang nakayuko. Tila isa siyang tuod, ni hindi man lang ako sinuyo, hindi nagsalita, hindi ako tiningnan.

“Ansakit... iyong malalaman mo na lang sa ibang tao na ikinasal na pala ang taong mahal mo na wala man lang pasabi! Ganyan ka ba?! Hindi mo naramdaman ang naramdman ko?!”

Biglang napatingin siya sa akin noong narinig ang salitang kasal. “At sino naman ang nagsabi sa iyo na ikinasal ako?”

“Bakit mas mahalaga ba sa iyo ang malaman kung sino ang nagsabi sa akin kaysa kung ano ang aking naramdman?”

Napahinto siya. Maya-maya, “Bakit? Ikaw ba sinabi mo sa akin na ang best friend na sinabi mong pinagsamantalahan mo ay si Prime pala? Di ba nagsinungaling ka rin sa akin? Bakit mo itinago iyon? Hindi mo ba inisip na masaktan ako?”

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. “Kanino mo naman nalaman iyan?”

Napangiti siya ng hilaw. “Alam mo na ang sagot niyan, di ba? Tinanong ko na iyan at ang sagot mo ay, ‘Bakit mas mahalaga ba sa iyo ang malaman kung kanino ko nalaman kaysa kung ano ang aking naramdman?’”

Natahimik ako.

“Maliit na bagay lang naman iyon sana eh. Ang hindi lang maganda ay inilihim mo ito.”

“N-natakot lang akong kagaya ng ginawa ni Prime sa akin noon ay itataboy mo rin ako. Pagtawanan, lalaitin...”

“So hinuhusgahan mo na ako bago mo pa man ako nakilala ng lubos?”

“S-sorry... N-naalipin lang ako ng takot. Alam ko, kasalanan ko iyon. At matagal ko nang balak sabihin ito sa iyo.”

Tahimik.

“D-dahil ba d’yan kung kaya ka lalayo?” ang tanong ko, bagamat sa loob-loob ko lang, hindi ako naniwalang iyon talaga ang dahilan upang magpakasal na siya sa isang babae. At siya na mismo ang nagsabing maliit na bagay nga lang ito.

Ngunit nagulat ako sa kanyang sagot. “Oo... tama ka. Dahil nga d’yan. Nagpakasal ako sa isang babae kung kaya ay dapat lang na kalimutan mo na ako. Hindi na kita mahal at babae ang gusto kong makasama sa buhay; isang babaeng magbibigay sa akin ng anak, ng isang pamilya; at bubuo sa aking pagkatao. Hindi isang katulad mo lang...” Sabay tayo at tinalikuran na ako.

Pakiwari ko ay iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa kanya. Para bang paulit ulit na sinaksak ang aking puso sa salitang “hindi isang katulad ko lang” ang kanyang mahalin.

Ngunit wala na akong nagawa. Yumuko na lang ako at hinayaang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Iniwan niya ako sa ganoong kalagayan; sa gitna ng ulan, nag-iiyak sa sobrang pagkahabag sa sarili.

At parang hindi pa sapat ang sakit na iyon, dumaan sa harap ko ang motor niyang pinaharurot. At hindi man lang siya lumingon sa akin. Doon na ako tuluyang napahagulgol...

(Itutuloy)

39 comments:

  1. ampness talaga yang marco na yan!! Ganda ng kwento kuya..

    -- syxcs_red_paine

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. ang sakit naman ng ginawa ni marco pero may dahilan yun alam ko. cant wait for the next chapter

    ReplyDelete
  4. ouch... ang sakit... I hope this ends well :3

    -archerangel

    ReplyDelete
  5. GRABE! I HATE YOU MARCO! sakit naman non, grabe ang iyak ko d2 despite of everything? ganun2x nalang yun? WAT THE! huhuhuhu sakit huh ang aga2x namamaga na mata ko huhuhu.... waaaaaaaaaaaa
    ang ganda na talaga ng kwento, the long wait is worth it for this chapter, kahit napahagolgul ako sa iyak sa kasawian nanaman ni ian stil im very honor for SIR MIKE you really proved to the world na ang akda mo is pang World Class :D i salute you IDOL ..... we love u TC.


    -Karl Rickson

    ReplyDelete
  6. Point of view ko lang ito; bakit kaya ginamit ni Marco ang dahilan na kinasal na siya para ba layuan siya ni ian, may tinatago lihim itong si marco ano kaya iyun? excited na sa next chapter...hindi dapat iniwan ni prime si ian sa gitna ng ulan...sad ako... :-(

    ReplyDelete
  7. may sakit kaya si marco? lol wild guess...
    pero kasi hindi ako naniniwalang ganuon nalang pakakawalan ni marco ang mahal niya ng wlang mabigat na dahilan... at sa tingin q hindi totoo ung kasal na nsa pic o.o

    anyways, sobrang lungkot ng chapter na to :(

    ReplyDelete
  8. Kung Mahal tayo ng isang tao..hindi nila tayo bibitawan.. lalo na't sa napakasimple at mababaw na dahilan.. ang saklap! ouch for Ian.. di bale nanjan din naman si Prime..

    --Makki--

    ReplyDelete
  9. awts cnxa na naun ko lng nalaman na may update na pala sory... nakahabol pa naman ako weh.... ang ganda i hate u marco super o ngayun cnu na iboboto nyo? si marco pa din? nakita nyo lng na cute c marco eh hahaha pero alam ko iniisip ng iba jan papalitan ko na nga din boto ko mag marco ian na din ako hahaha.... tignan ko ung twist kung papaano magiging cla hahaha... ganda da best pero galit ako kay marco hahaha.....

    "LHG"

    ReplyDelete
  10. grabe lang. hayst! ang sakit sakit sa part ni Ian. I can relate! tsk
    -John Allen Bantay(calle 'aso)

    ReplyDelete
  11. kuya ang sakit2x sa damdamin ng part na to...iyak ako ng iyak...huhu

    ---RGEE----

    ReplyDelete
  12. Ay grabe naman yung marco ,shet ......super duper sa sad moments to nakakadala ng damdamin hays

    ReplyDelete
  13. Binabawi ko na ung boto ko sa marco-ian.

    Yun lang. taeng marco yan.

    -Levi-

    ReplyDelete
  14. What could be the real reason behind Marco's actions and decision... i think its deeper and bigger than what it seemed... i hope we will see it on the following chapters...give Marco a chance and some credits...

    CIAO,
    ALVIN

    ReplyDelete
  15. Ang sakit naman nung mga lines na binitiwan ni marco! Sobrang nadala ako sa story. Naiyak pa. tsk! BTW thanks you sir mike :)

    -mykel22

    ReplyDelete
  16. nadala aq sa kwento,, naiyak din aq.. :) ang skit ng binitawang salita... minsan tlga my mga bagay na alam mong maskit dapat pakawalan.. thanks sir mike..

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. ang sakit sa pandinig yung katagang "hindi sa isang tulad mo lamang." parang nafiring squad with multiple stabs

    - DownDLine

    ReplyDelete
  19. Marcooian pa rin ako. Hahhahah. Cute ni marco bagay cla ni ian. Kuya mike walang mamamatay ha. Hahahhaha. Baka di na naman ako maka get over nito pag may namatay. Naalala ko tuloy ung style ni marco nagawa ko na s ex ko. Hahahah. Iba nga lang sinabi ko. 'Kalawang ka sa buhay ko at kelangan mo ng mawala'. Hahahaha. Malandi din si ian dito auko sa kanya gusto ko kay marco. Hahahah ung style ni ian parang nagpapansin xa ngaun. Hahahah. God bless kuya!

    -readmymouth-

    ReplyDelete
  20. grabe i hate marco sayang akala ko pa nmn sya na ung lover ni lan huhuhuhu pati ako napapaiyak huhuhu ang sakit kaya ng ganun .... naranasan ko na yan kaso sa girl !!! ung tipo nag sabi na mahal ka pero pag balik mo may aswa na pla !!!!

    ReplyDelete
  21. ang sakit naman salita ni marco,parang hindi sya un eh...
    pati ako nasaktan sa dialogue nya.
    kawawa nman ulit si ian....nakarelate ako dun sobra,bat kaya may taong ganun wala pagpapahalaga sa mga pinagsamahan nyo.
    pwed nman daanin sa magandang usapan eh or they can friends again db, kesa ganun ngyari...sayang hu hu hu....
    thanks po kuya mike....
    ganda, galing ng pagkaka constract ng story, talaga may pinaghugutan kayo ng mga scenario ramdam yon pagka sweetness very realistic...mixed up un emotions happy & sad moments...tc
    ....yamiverde

    ReplyDelete
  22. Ang sad... Sana marco pa din hahhah- jeff

    ReplyDelete
  23. haaaay...sakit sa dibdib kuya mike..can't wait for chapter 11..salamat sa stories kuya,dapat lang talagang di manakaw lahat ng akda mo..

    ReplyDelete
  24. mukang may sakit si marko, sa past chapter may sinabi sya na sana sa kanya na lang puso ni prime eh, wild guess lang.

    darklord:)

    ReplyDelete
  25. Mukhang may malubhang karamdaman na si Marco at malapit ng mamatay. Mahal niya si Ian kaya "nagpakasal" na siya sa iba. Upang tuluyan ng ibaling ni Ian kay Prime ang nararamdaman niya. Alam naman ni Marco na mas matimbang pa rin si Prime sa puso ni Ian. At mukahan magkakaroon pa ng revelations ah. Magkapatid kaya sa ama si Marco at Prime? May sakit kaya sa puso si Prime?. Kung ganun compatible sila bilang donor at recipient. Maaring sa huling sandali ni Marco ay idonate niya ang puso niya kay Prime...

    Author excited na ako sa mga magaganap.

    Astronloner

    ReplyDelete
  26. Ang sakit! (_ _) nakakaiyak.

    May mali eh, may hindi pa sinasabi si Marco. Kahit ganon yung ginawa nya, 65% parin na sya ang gusto ko.

    Kuya mike, grabe umaapaw sa emosyon ang chapter na lto. Thanks sa update po. .

    Nakakalungkot talaga...T_T

    --ANDY

    ReplyDelete
  27. nkakaiyak grabe tumulo luha ko promise parang nka relate ako!!!


    -wendell fuellas

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. bibitayin ko si marco....

    kay PRIME na ako...

    Kainis.....

    Jaceph Elric

    ReplyDelete
  30. Namiss ko to at namiss ko rin magcomment. Pero konti lang muna ngayon. Epal kasi na phone eh.xD


    Hmmm...bwisit ka marco! Yun lang.xD


    Ehe...next chapter nalang po ako gawa ng nobela.xD wierd kasi magcomment gamit ang phone. ^^


    -cnjsaa15-

    ReplyDelete
  31. Isa lang ang masasabi ko. Dinamayan ko ang kalungkutan ni Ian. Siguradong maga ang mata ko bukas. Hehe. Sorry. OA ko ba?
    Thanks sa update. :P
    --kean :]

    ReplyDelete
  32. .,hay naku dahil sa cnav ni Marco napaisip 2loy aku. Meron kayang taong kayang makasama ang isang 2lad ni Ian na panghabang buhay ung walang pag aalinlangan, ung walang hinihiling galing sau, bkit kaya napaka unfair ng buhay pagdating sa pag ibig, haist.,
    .,IYAK MUCH aku, nakakainis, salamat kua MIKE JUHA.,:'(

    ReplyDelete
  33. .,hay naku dahil sa cnav ni Marco napaisip 2loy aku. Meron kayang taong kayang makasama ang isang 2lad ni Ian na panghabang buhay ung walang pag aalinlangan, ung walang hinihiling galing sau, bkit kaya napaka unfair ng buhay pagdating sa pag ibig, haist.,
    .,IYAK MUCH aku, nakakainis, salamat kua MIKE JUHA.,:'(

    .,dawn.,

    ReplyDelete
  34. sad..
    but i think, may matinding dahilan kung bakit nia nagawa un..

    lets wait for the next chapter..

    -liger

    ReplyDelete
  35. very depressing indeed,
    i always think of the bad consequences of Ian's lying about him and Prime... if only he had told the truth, but i can't blame Ian's apprehensions since he was afraid of being rejected again.
    However, Marco's words and actions are indeed very hurtful... poor Ian, but I guess and I hope Prime will "HELP" him in this time of despair.
    -Good Job Kuya Mike :]
    -JM

    ReplyDelete
  36. ang galing talaga ni Mike gumawa ng story., ganda ng flow.., mukha lang naging kantaserye ito dahil sa dami ng song play list... niweiz team Ian-Prime ako =)

    ReplyDelete
  37. nakakalungkot nmn masyado ung chapter nato.T_T
    masyadong kumplikado ung sitwasyon nilang tatlo...ang naiiyak talaga ako para ke ian...haist,,wawa nmn siya...pero dko maalis sa isip ko na me kulang sa mga sinabing rason ni marco...pero feel ko pa rin na me kinikimkim siyang problema..at nag-a-alibi lang siya...

    -monty

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails