Followers

Sunday, May 20, 2012

My Wooden Heart Part 8




DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.


AUTHOR's NOTE: Heto na po ang pagpapatuloy ng ating kwento. Again, hinihiling ko ang patuloy niyong suporta sa cousin ko na lumalaban ngayon sa isang pageant. Voting is until May 25 kaya sana ipagkalat niyo sa lahat na i-like ang kaniyang photo sa FB... here's the link https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=3&theater

===================================================================






Kapag broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!”



Biglang tumunog ang cellphone ko… may nagtext! Si Wesley!



“Congrats, ang galing mo kanina… can we talk?”



Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na sasayangin ang energy ko sa kaniya at baka atakihin lang ako sa puso. Hindi ko pinansin ang text na yun. Pinatay ko ang aking ilaw at humiga na sa kama.



“Tao po? Tao po?...” Shet! May tao sa labas! Kilala ko na kung sino yun!



Agad akong tumayo sa aking kama at lumabas ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay siya din naman labas ni Mommy ng kwarto niya. Aba! Si mudak hawak na ang mahiwaga niyang itak!



“Oh ano yan ma? Gabing gabi magbibiyak na ng niyog?” biro ko pero siya naman ay seryosong seryoso.


“Huwag mo ko daanin sa ganyan TIMOTHY! Alam mo ang kaya kong gawin.”Palakad na siya ng pinigilan ko ito agad.


“Ma, wala tayong datung ngayon kaya pag nakulong ka eh wala tayong pambayad ng bail. Pwede bang ipa-exorcist mo muna yang kaluluwa ni Gabriela Silang na sumasapi sa’yo. Keri ko to. Ako na bahala.” Paliwanag ko. Siguro na-realize niya din na tama ako kaya hinayaan niya na akong ang humarap kay Wesley. Lumabas na ako ng bahay at tinungo ang gate.


“Boss… usap naman tayo… Please naman!”pakiusap niya habang nasa kabilang side siya ng aming gate.


“Usap? Sa ganitong oras… anong akala mo sa akin, call center agent?! Hoy Mr. del Rosario, wala tayong dapat pag-usapan dahil malinaw na malinaw na ang lahat sa akin. And don't tell me sinusundan mo ako kung saan ako nagpupunta? Ano ka stalker!? At kung ikaw eh hindi pa satisfied sa pangbi-bwiset ko sa tatay mo, aba try mo naman yung iba… lumang luma na strategy mo!” mataray kong sinabi.


“Hayaan mo naman akong magpaliwanag Boss… mali ang pagkakaintindi mo sa lahat. OO, noong una ginamit kita dahil alam kong makakarating at makakarating kay Dad ang tungkol sa atin pero mahal kita Boss… yun ang totoo.” Paliwanag naman niya.


“I’m not buying it Wesley. You better leave bago ako magpatawag ng tanod. Go!!! Leave!!!” pantataboy ko sa kaniya. Tumalikod na lang ako dahil hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko. Pilit ko mang buksan ang pag-iisip ko para sa kaniya ay tinatalo ito ng galit. Pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing mahal ko pa rin siya.


“TIM… Boss! Kapag hindi mo ako hinayaang ipaliwanag ang lahat hindi ako aalis dito!” sigaw niya.


“Eh di wag kang umalis! Kita na lang tayo bukas!” sinigawan ko din siya. Alam ko naman kasi na hindi niya tototohanin yun. Sino ba naman ang tutunganga ng magdamag para sa wala?



Pero eto ang THE HEIGHT te! Kinaumagahan, nandun pa si mokong. Lalabas na kasi ako noon para mag-jogging. Naisipan ko kasing magpapayat ng konti, both to look good and to develop my breathing, siyempre singer na ko…LOL! Eh di yun na nga, nakasandal lang si Wesley sa gate namin. Nakita ko ang paa niya mula sa ilalim kaya naman sinadya kong biglaan itong buksan para mapabagsak siya mula sa pagkakasandal. SUCCESS! Nagising si mokong na parang disoriented ang mukha.



“Eh talaga naman ding malaki sapak mo sa ulo noh? Anong ginagawa mo dyan?” tanong ko


“Hinhintay ka… usap naman tayo Boss.” Makulit na naman niyang paki-usap. Haaay, ayan na naman yung pa-cute niyang mukha pero sorry waley na yan sa akin.


“Ang kulit mo din noh… sige mag-usap tayo ngayon. Dito mismo… para matapos lang ang lahat, didiretsahin na kita. Ayoko na sa’yo, break na tayo… PERIOD. Gets?” mabilis kong sinabi.


“Pero boss….” Naputol naman ang kaniyang pagsasalita ng biglang may dumating na kotse. Tumpaktita, si Jerek nga!


“Oh Jerek? I’m happy you’re here na… Let’s go!” Hinalikan ko ito… dapat sa pisngi lang kaso na-aksidenteng lumanding sa lips… nagkunwari lang ako na expected ko si Jerek pero ang totoo… malay ko bang darating siya…hahaha! Halatang lito naman si Jerek pero dahil sa hinila ko na siya ay sumunod na lang ito.



Sumakay na kami sa kotse ni Jerek at iniwan si Wesley. Tinignan ko naman siya mula sa side mirror. Napaupo ito sa tapat ng gate namin. Nakayuko… parang malungkot!? Aaminin ko na may kurot sa puso ko pero ganun ata talaga. Hindi naman kasi totoo yung “break it to me gently” effect. Mas lalo lang magiging mahirap sa amin.


Pagharap ko kay Jerek ay nginitian ako nito. Para bang alam na niya kung anong nagyayari.



“Ahhmm Tim, may I ask you something?” tanong niya.


“Sure!” sagot ko naman.


“Can I be your doctor?” ano to pumi-pick up line? Sinakyan ko na lang!


“What do you mean?”


“Can I heal your heart? Can you give me a chance?”



Tahimik.



“Jerek… you are special to me. I don’t want to hurt you. You know that!” malumanay kong sinabi.


“Let’s just try… If it didn’t work, it’s fine with me! I promise not to push it too hard.” Pakiusap nito.



Tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba siya matatanggihan. Super bait kasi niya sa akin ever since. Ilang beses na ako nag-hindi sa kaniya pero hindi siya nagsawa. Mabuti din naman siyang kaibigan kaya siguro kung ita-try namin eh magiging okay naman.


Pagbalik naming sa bahay ay wala na doon si Wesley. Nalaman ko na lang na kinausap daw ni Mom at kusa na ito umalis. Pasalamat naman ako sa Dyos at walang nagkalat na tulo ng dugo sa paligid… at least iwas kulong!


Gaya ni Wesley ay si Jerek din ang nagpaalam kay Mom ng set up namin. Pinayuhan siya ni Mom na maaari siyang masaktan. Alam kasi nito na hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka-get over sa break up namin ni mokong. Tanggap naman daw iyon ni Jerek at ang sa kaniya lang ay gusto niya akong alagaan… Caregiver ang peg? Sabagay, kung ganyan ba naman kagwapo at kabait ang caregiver eh araw araw akong magpapapaligo! Hehehe…


Ilang buwan na ang nakalipas since huling nangulit si Wesley at naging kami naman ni Jerek. Normal naman ang takbo ng buhay ko bilang singer sa bar. By the way, nag-solo na din ako bilang advice ni Jerek. Nilakasan ko na lang ang loob ko kasi sayang din naman ang TF, mas malaki kung solo lang ako. Everything seems fine hanggang sa makatanggap ako ng text.



“TIMMY, pwede ka bang makausap? Call mo ako ha! – ODIE”



Huh? Bakit naman napatext tong si bekz? Agad ko siyang tinawagan para alamin kung anong problema.


“Hello, Odie?” bati ko.


“Hello Bakla… kamusta ka na?” tanong niya


“Okay naman ako… kayo, sila Direk? Miss ko na kayo!”


“Yun na nga eh, nahihiya man ako pero wala na kasi akong malapitan. Nandito ako ngayon sa ospital. Naka-confine si Direk. Tumawag kasi sa akin yung asawa niya, ang sabi eh inatake daw sa puso. Humihingi ng tulong sa akin eh walang wala din naman ako. Wala na din kasi kami pare-parehong trabaho.”  Kwento niya.


“HA! Paanong nangyari… May kinalaman ba yung tatay ni Wesley na kamag-anak ni Lucifer dito?” galit kong tanong.


“Kailangan pa bang i-memorize yan? Noong una kasi eh ayaw ka na sana naming idamay sa gulo kaya hindi namin sinabi. Pero biglang ganito na nga…”


“Okay… sige punta na ko dyan. Nasan bang ospital si Direk?”



Matapos niyang ibigay kung saan naka-admit si Direk na para ko nang tatay eh agad akong pumunta. Nagpahatid na ako kay Jerek para mabilis. Agad ko namang nakita si Odie at niyakap ako’t biglang umiyak.



“Oh bakit te? Ikaw ba ang asawa ng pasyente?” malumanay pero pabiro kong sinabi.


“Ikaw naman Timmy eh, nalulungkot lang talaga ako. Alam mo namang parang tatay na natin si Direk. Kapag may nangyari dyan syempre affected ako.” Parang batang nagsusumbong. “Saglit… sino naman yang baon mo?” sabay nguso nito kay Jerek.


“Ahh… si Jerek nga pala… Odie this is Jerek, Jerek this is my abnormal bestfriend Odie.” Pagpapakilala ko sa isa’t isa. Nagngitian naman sila. Si Odie naman gusto pa atang maka-score at aktong bebeso pa… “Oh sandali… akin na yan eh! Cha-chow ka pa! Hanap ka na lang ng nurse dyan!” sabay harang ng palad ko sa mukha ni Odie.


“You mean… ikaw te… naka-dagit ka agad? TFC subscriber pa!” para siyang gulat na ewan.


“Haaay… tama na nga yan, nasan na ba ang doctor ni Direk at kakausapin ko.” At pinuntahan ko na nga si Dok!



Ayon sa doctor ay kailangan daw maoperahan ni Direk. Buti na lang at kumpleto ng insurance si Direk… kailangan na lang niya ng konting halaga para sa iba pang bills sa ospital. Bilang ako naman eh nakaka-luwag luwag eh ako na ang sumagot sa bayarin. Hindi naman magkaubos- ubos ang thank you ng wife ni Direk.


Sa kalagitnaan ng thank you portion namin eh hindi naman maiwasan na bumalik sa isipan ko ang sinabi ko kay Big Boss noong huli kaming nagkaharap… Isinumpa ko na kung idadamay niya pati ang mga kasamahan ko sa galit niya sa akin ay hindi ko ito palalampasin. Ngayon dahil sa ginawa niya… kilay niya lang ang walang ganti! Iisa-isahin ko talaga bigote nun ni tanda! Haaaissst!


Napansin ata ni Odie na malalim ang iniisip ko. Alam niyo para na kasi kaming magkapatid niyan ni bakla kaya kabisado niya ang takbo ng utak ko. Siguro niya naiisip niya ang naiisip ko… B1 at B2 lang ang peg! Pero siyempre mas maganda naman ako sa kanya noh! Peace…



“Hoy bekz, alam ko yang mga pag-iinarte mong yan.” Biglang sabi ni Odz.


“Anong sinasabi mo dyan?” pagkukunwari ko naman.


“Kung ano man yang pinaplano mo eh kalimutan mo na… ok naman na si Direk kaya hayaan mo na sila! Mayayaman yun, makapangyarihan… baka ikaw lang ang mapahamak sa huli.” Payo niya.


“Konting pang-aasar lang naman eh… slight lang te!” dinaan ko na lang sa biro.


“Gaga… parang beer lang yan, kahit konti o madami pareho lang ang amoy niyan sa bibig! Eh teka, ano bang iniisip mo? Magpapasabog ka ng bomba sa bahay nila? Ipapakidnap mo si Big Boss… share naman!”


“Eh mas gaga ka pala! Hardcore naman ng mga pinagsasabi mo! Basta, wala naman akong plano. Ipagdasal na lang nila na wag mag-krus ang mga daan naming!” pagbabanta ko.


“Basta ingat ka te! Alam mo naman yang mga yan… kung maka-asta, akala mo eh nabili nila ang buong Pilipinas.”


“Bahala na si Batman Odz. Oh sige kayo na bahala kay Direkted by ha. May gig pa ko mamaya eh. Baboo!”


"Sige bye bye din… salamat ulit!” At nagpaalaman na kami.



Medyo lutang ako ng gabing yun. Buti na lang at hindi naman masyadong naapektuhan ang trabaho, kundi nakakahiya naman sa may-ari ng bar! The night ended at pauwi na sana kami ni Jerek. Saktong palabas na kami ng bar ng harangin kami ng aming manager na si Tito Jugs.



“TIM! Wait…” bungad nito.


“Bakit po Tito Jugs?” tanong ko naman.


“May raket kasi ako para sa inyo. May naghanap kasi ng banda na magpe-perform para sa isang party. Mga bigatin ang bisita at panay executives kaya naman ang gusto nila eh mga classic music ang repertoire. Big band style ba? Kaya mo ba? Mga 4 songs lang naman… banatan mo ng Moon River, The Last Time, I’ll Take Care of You tsaka The Way You Look Tonight. Okay?” paliwanag nito.


“Ahhmmm… Sige basta sila Jerek na lang back up ko ha! Mas gamay ko sila kasama eh.”


“O sige… sa Linggo na to. Since sosyalan to eh formal attire. Coat and Tie… alam mo na siguro yun!”


“Okay po!”



Umuwi na kami after ng pag-uusap naming nila Tito Jugs. 2 days pa ang preparation naming para sa raket naming kaya naman pinagplanuhan na naming ang pag-eensayo. First time ko kasing maging event singer kaya naman nagtanong tanong din ako kung ano ba dapat ang paghandaan ko. Buti na lang nandyan si Jerek at hindi ako pinabayaan.


Unti- unti na talagang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Feeling ko mahal ko na din siya. May mga oras lang na kapag sinabihan niya ako ng “I Love You” ay hindi ako makasagot. Bigla kasing sumasagi sa isip ko si Wesley, tapos ayun naba-blanko na ko. Buti na lang at very patient si Jerek sa akin. Kung sa iba siguro eh matagal na akong iniwan. Wala din naman kasi akong ma-offer sa kaniya… in fact, wala pa ngang nangyayari sa amin… yung sa ano ba!


Nakalipas na nga ang 2 araw at ready na kami para sa kauna-unahan kong event singing stint. In fairness eh wala naman akong kabang nararamdaman. Siguro nasanay na din ako sa gabi- gabi naming pagpeperform sa bar.


Hinatid kami ni Tito Jugs sa lugar na paggaganapan ng party. Bandang Makati iyon, isang malaking mansion. Pagbukas ng gate ay makikita ang malawak na malawak na garden. Naka-set na ang mga tables at sa gitna naman ay naglagay ng stage. Agad kaming nag-ayos ng mga gamit naming para makapag-sound check.


Nang naka-set up na kami ay may lumapit sa amin. Siya daw ang event coordinator at sinamahan kami sa loob ng bahay para kumain muna. Bonggels ang mga pagkain… Yung mga kabanda naming eh lafuk kung lafuk! Ako naman eh tumikim lang dahil hindi ako makakantan ng maayos kapag marami akong nakain. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ang event coordinator. Magsisimula na daw kasi ang party at nandyan na ang mga bisita.


Paglabas namin ng bahay, kita ko agad ang maraming tao. May mga ilang familiar faces akong nakita… mga taga- dos, siyete… may mga artista at ilang kilalang personalidad. Aba! Totoo nga na bigatin pala tong party na to? Hinarap ko naman agad ang event coordinator… Bilang dati akong showbiz writer eh inusisa ko siya kung sino ba ang host ng party…



“Ah, si Mr. Juanito del Rosario… birthday niya ngayon!” parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niyang yun.



Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin… Hindi ako makaurong dahil nakataya ang pangalan ng manager namin. Hindi kasi ako yung tipong nang-iiwan basta basta sa ere dahil sa personal issues. Nahalata naman ni Jerek na aligaga ako kaya tinanong niya ako kung bakit. Hindi na lang ako umimik at nginitian siya.



“Salang na kayo sa stage, kanta muna kayo habang naghihintay yung mga bisita sa host ng party.” Sabi ng event coordinator.



No choice ang lola mo! Isa… dalawang kanta… ayan na! Bigla nang nagsalita ang voice over para i-welcome ang mga host ng party.



“Good Evening Ladies and Gentlemen… May we all stand to welcome our tonight’s host and birthday celebrant MR. JUANITO “BIG BOSS” DEL ROSARIO!..”


Nagpalakpakan ang lahat… ako naman ay tahimik lang.



(ITUTULOY)

4 comments:

  1. Boogiehan na ito oh!

    Oh! Round 2! FIGHT!

    Teh Jerek na lang. Wag na Wesly. Kawawa naman si Jerek kasi. Siya na nga yung cure eh.

    ReplyDelete
  2. Bitiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin

    ReplyDelete
  3. Ang gandaaaaa!!!!! Next na please!!!

    Gustong gusto ko din yung halong comedy. Nung una mas gusto ko si Jerek, pero walang sparks kpg silang dalawa ang magkasama. Sino kaya makakatuluyan nya? Haha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. wesley pa din te kawawaw naman hinintay ka mula kagabi hanngang umaga diba? bunutin mu n lng balbas ng tatay nya wahahaha.... pero sana magkaroon man lng kayo ng sumting sumting ni papa jerek wahahaha....

    "LHG"

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails