Followers

Saturday, May 19, 2012

My Wooden Heart Part 7



DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.


AUTHOR's NOTE: Sinipag kasi akong magsulat. I better post the update kasi magiging busy ako sa mga susunod na araw. Again, hinihiling ko ang patuloy niyong suporta sa cousin ko na lumalaban ngayon sa isang pageant. Voting is until May 25 kaya sana ipagkalat niyo sa lahat na i-like ang kaniyang photo sa FB... here's the link https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=3&theater

Salamuch!

And don't forget to check out my Youtube channel :)  http://www.youtube.com/user/timclarify
Rate, comment and subscribe!
=======================================================================


Wag ka masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!”


Kinabukasan, ready na ako para pumasok. Hinihintay ko na lang si Wesley dahil lagi naman siya dumarating ng ganoong oras… 15 minutes, 30 minutes… 1 hour… hinintay ko sya ng ganoon katagal. Pero ni “ha” ni “ho” wala akong narinig sa kaniya. Walang Wesley na dumating…


I then decided to go to work alone. While I’m on the way, patuloy kong kino-contact ang phone niya pero walang sumasagot. “Ano na naman kayang drama nun?” sabi ko sa sarili. Bigla kong naisip na dumaan na lang sa bahay nila at baka may kung anong nangyari. Dahil sa kabilang subdivision lang naman siya ay hindi naman nagalit ang taxi driver na pinaikot ko pa siya. Buti na lang!


Pagdating ko sa bahay niya, parang wala namang tao. Doorbell ako ng doorbell pero walang lumalabas. Paalis na sana ako ng dumating naman ang isang matandang babae.



“Ah, Sir sino pong hinahanap nila? Katiwala po ako dyan sa bahay…” sabi ng matandang babae.


“Ah, eh, manang nandyan po kaya si Wesley? Kaibigan niya po ako. Nagtataka lang kasi ako hindi siya sumasagot sa mga tawag at text ko kaya dinaanan ko na lang.” sagot ko naman.


“Eh sir ang bilin sa akin ng Papa niya ay iiwan na daw nito ang bahay. Dun na daw siya ulit titira sa bahay nila sa Makati. Kaya nga po eto, ako na po ulit ang mangangalaga sa bahay pansamantala.” Kwento nito.



Nagpaalam na ko sa matandang babae at tumuloy na papuntang trabaho. Lutang ang isip ko kung ano ba ang totoong nangyayari. Para kasing kakaiba. Una, hindi niya ako sinundo, pangalawa hindi man lang siya magtext at huli eh lumipat na pala siya ng bahay?


Narating ko din ang opisina at as usual pumunta agad ako sa office. Pero habang naglalakad ako eh tila may dumi sa mukha ko. Bakit sila nakatingin sa akin lahat? Ito nab a ang sign na dapat mag-artista na ko?


Pagbukas ko ng pinto ay dun na nasagot lahat ng gumugulo sa isipan ko! Nandun si Big Boss aka Juanito del Rosario aka Papa ni Wesley. Tumayo ako ng tuwid at binati ito.



“Ah… Good Morning Sir, we are glad that you came to visit!” nginitian ko ito, pero siya ay mukhang seryoso. Nilapitan naman ako ni Direk mula sa aking likod.


“Ahmm, Sir eto na po pala si…” biglang pinutol ni Big Boss ang pagsasalita ni Direk.


“No need to introduce him… I know him so well… Mr. TIMOTHY CABRERA, head writer of two of the shows in MY production company!” may emphasis ang kaniyang pagsasalita. “Okay Direk, will you please leave us in private. Marami kaming pag-uusapan.”



Pumasok na ako ng tuluyan sa opisina at naupo sa mini-sofa habang si Big Boss naman ay nakapwesto sa aking lamesa.



“I heard a lot of things about you Mr. Cabrera. You’ve been training my son Wesley… your future Boss… for quite a time. And I’m thankful for that, honestly! Nakita ko kasi na nag-improve siya at seryoso sa trabaho.” ang bongga naman ng intro ni Dad… este Big Boss pala!


“And since matatapos na ang training niya… tinatapos ko na din ang serbisyo mo sa aming kompanya. I’ll be pulling out all your shows in my network and that is effective today. I’m sorry Mr. Cabrera but you are FFFF….” Napatigil ng pagsasalita si Big Boss ng may pumasok sa pinto. ShHHHEET! Si Wesley!



Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano? Pero mas gumaan ang pakiramdam ko ng makita siya.



“PA!?” Maikli niyang sinabi.


“Oh bakit ka narito? Hindi ba’t  in-assign kita sa ibang department?” matapang nitong sinabi.


“PA?! No… sumunod ako sa usapan natin!” pagmamakaawa nito sa ama, ako naman e gulong gulo kung anong pinag-uusapan nila.


“I’m sorry to interrupt Sir, I just want to make this clear? I’m fired? For what? Okay lang po na mawalan ako ng trabaho pero wag niyo naman tanggalan ng trabaho pati mga staff ko… and Wesley, ano to?”


“SIGE! Sabihin mo Wesley… ipaliwanag mo kung ano itong palabas na to!” mas lalong lumakas ang sigaw nito.


“PA… please!” parang naluluha na si Wesley noong mga oras na iyon.


“NO Wesley! Tell this faggot what’s really happening. Sabihin mo na ginagamit mo siya para galitin ako! Well, congratulations dahil nagtagumpay ka! Hindi ko pinangarap magkaroon ng anak na bakla! Pero hindi ako papatalo sa’yo son! Now, I made my decision… Mr. Cabrera you are fired!” tuloy tuloy niyang sinabi.



Para akong binuhusan ng tubig. Hindi ako umiyak pero iba yung nararamdaman ng dibdib ko. Parang sumisigaw na “Putang ina niyo… magsama kayo ng tatay mong kamukha ni Rez Cortes!” Of course I have to redeem my self kaya naman sinagot ko ang Papa ni Wesley.



“E ganun naman pala eh! E di fired kung fired! At ikaw Wesley, dyan ka na sa tatay mong mukhang kontrabida sa teleserye. Hoy! Ikaw naman Mr. Juanito del Rosario… bagay na bagay yung pangalan mo sa’yo… mukha ka kasing Anito! Hmmph… maka-alis na nga dito sa bulok mong studio! AT eto lang ang huli kong masasabi… Subukan niyo lang tanggalin ang mga shows ko at tanggalan ng trabaho mga kasamahan ko, magkakasubukan tayo! Lalabas ako sa press at ipagkakalat lahat ng mga nangyari sa loob ng opisinang to.”  Mataray kong sinabi.



Agad ko naman tinungo ang pinto at tinulak si Wesley na noon ay nasa tabi. Kasalubong ko naman sina Direk, Odie at ang iba pa sa daan.



“Ui te, babalitaan niyo ko kung anong mangyayari dito ha! Once they pulled out the show, hihilahin ko din bigote nyan si Big Boss!” seryoso kong sinabi.


“Ikaw talaga bakla ka, hanggang sa ganito ba naman joke time pa rin? Sige na… mami-miss kita! Paano ka na?” tanong ni Odie.


“I’ll be fine… eventually!” mahina kong sinabi. “Oh sige na. Bye… salamat sa inyong lahat! Tuloy lang ang trabaho ha! Kung kailangan niyo tulong ko, tawag lang kayo. Hindi ako maniningil!” Niyakap ko sila isa isa at tila naman ako na-evict sa bahay ni Kuya. Nag-iyakan silang lahat pero ako nanatiling matatag. Hindi ko sasayangin luha ko sa mag-among Hudas na yun.



Puro galit ang nararamdaman ko ng oras na yun. Hindi ko na inintindi kung may nakakarinig sa pagwawala ko o ano. Nakalabas na ko ng studio at naglalakad papuntang taxi station. Para namang dejavu ang nangyari dahil narinig ko na may bumusinang kotse. “Wesley?” sabi ko sa sarili. Kaya naman lumingon ako at nanatiling nakasimangot ang mukha.



“TIM… I found you!” guess who? Tumpak, si Jerek nga!


“Oh bakit ka nandito… este why are you here?” biglang nagbago ang reaction ng mukha ko at nagtaka kung bakit parang si Superman naman itong dumating sa panahon na down na down ako.


“TIM… BOSS!!!” narinig ko naman sa di kalayuan. Letse! Si Wesley pala na tumatakbo papalapit sa akin. Dapat ay sasakay na ko sa kotse ni Jerek pero hinintay kong lumapit si Wesley.


“TIM, let me explain…” naputol ang pagsasalita ni Wesley ng bigla ko siyang sinuntok sa mukha. In fairness, para akong sinapian ni Mommy Dionisia.


“Talagang hinintay lang kita para naman makaganti ako kahit konti… kulang pa nga yan! From now, I don’t want to see your face not even your shadow!” sabay sumakay ako sa kotse ni Jerek.



Hindi na noon nakapagsalita pa si Wesley, sinabihan ko naman si Jerek na paandarin na ang kotse. Aray ko po! Hindi pala madaling magpaka-lalake. Masakit sa kamay. Well, worth it naman! Kung nandun nga lang si Big Boss aka Rez Cortes the Junior eh sinuntok ko din yun!


Ito naman si Jerek eh imbes na magtanong kung ano ba ang nangyayari, aba bigla na lang tumawa!'



“Why are you laughing?” tanong ko habang seryoso pa rin.


“Nothing… I never thought you could be that brave! Hehehe…” tawa pa.


“Of course I can, do you wanna try!?” sabay tutok sa kaniya ng kamao ko na namumula pa.


“Oh… does this hurt?” si loko, hinalikan ang kamay ko. Bigla naman akong nag-blush dun kaya binawi ko ang aking kamay.


“It’s fine… really! Super fine… Do you want to eat? I’m hungry.” Binago ko agad ang topic.


“Sure… what are we going to eat?” tanong niya.


“What do you want? My treat!”


“I want to try Filipino food. Do you know how to cook?”



Patay! Dale ako dun ha! Siyempre naman wala kasi akong alam na luto no! Well, bahala na si Mom. Kaya naman dumirecho na kami sa bahay. Si Mommy naman e gulat na gulat ng makita ako at may bonus pa… si Jerek!



“Ah Mom, si Jerek nga pala kaibigan ko… Jerek this is my mom.” Pakilala ko sa isa’t isa.


“Mano po… tita!” aba, sino naman nagturo sa kaniya nun?


“Aba… You know how to greet older people ha! Very good! I like you!” ngiting ngiti naman si Mommy pero agad nagbago ang mood nito. “Oh Tim, bakit ka nga pala nandito? Hindi ba’t may pasok ka?” pag-usisa niya.


“Haay naku Ma, mamaya na yan dahil mahabang mahabang kwento. For now, let’s cook your specialty for Jerek. Gutom na kasi kami.” Iniba ko na lang ang usapan.


“Oh sige. Dyan muna kayo ni Jerek ha… magluluto lang ako. Feel at home Jerek.” Sabay talikod na ni Mom papuntang kitchen.


“Salamat po!” maikli namang sagot ni Jerek.



Niyaya ko naman si Jerek sa aking kwarto para dun na lang siya tumambay habang nag-aayos ako. Pumunta muna ako sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit habang si Jerek ay nagba-browse ng aking mga photos sa computer. Aba si chekwa, tuwang tuwa. Pagkatapos ko sa banyo ay agad ko din naman siyang binalikan



“You ha! You’re laughing at my pictures!”  umupo na rin ako sa kama mula sa kaniyang likuran.


“You are so cute here… look! Hahaha.” Sabay turo sa screen ng laptop.


“By the way, how come you saw me on the office and whose car are you using?” tanong ko sa kaniya at dun ay humarap na siya sa akin.


“That car? It’s my manager’s car. I ask him if I could stroll around to look for your place. I just ask my friends how to get there. Good thing I saw you!” nakangiti niyang sinabi.“Now it’s my turn to ask. What happened… what happened with you and Wesley?”


“That? Ahmm… a lot of things happened. I lost my job… I lost my boyfriend… and I got no where to go now! In short, I’ll start from scratch again!” blangko lang ang reaksyon ng aking mukha. Hindi kasi talaga ako yung taong nagpapakita ng emosyon.


“ Hmm… never mind! I’m at your back! We’ll do something about that!” muli niya akong nginitian habang hawak ang aking kamay.



Naputol naman ang kwentuhan namin dahil tinawag na kami ni Mom. Pagbaba namin ay agad kaming umupo sa dining table. Doon ay nakwento ko na din kay Mom ang lahat lahat ng nangyari. Noong una ay histerical pa siya pero ng i-kwento ko sa kaniya ang mga naging reaksyon ko at panununtok kay Wesley ay parang bigla siyang naging proud sa akin… Meganon? So join force na ko sa lahi ni Gabriela Silang? Ganon!


Enjoy naman sa pagkain si Jerek. Nilutuan kasi siya ni Mom ng specialty niya na palabok at puto. Hindi niyo naitatanong eh frustrated caterer si Mom. She could cook anything you want. Ganon siya kagaling kaya naman pag birthday ko eh suguran lahat ng workmates at kaibigan ko sa bahay. Mga PG- Patay Gutom… JOKE!!!


After we ate, hindi ko napigilan si Jerek na tulungan si Mommy sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Ok din naman to si loko. Masasabi kong mabait talaga siya. Mukha ngang nagkakapalagayan na sila ng loob ni Mom. Ako naman eh nagpahinga lang sa sala… nag-iisip isip kung ano ang susunod kong gagawin. Saan ako mag-aapply at mga future plans sa buhay.


Pagkatapos mag-ayos nila Mom ng pinagkainan ay niyaya na ako ni Jerek.



“Let’s go!..” sabi niya


“Huh? Where?” maikli kong tugon.


“Somewhere… I’m in charge… I already asked your mom’s permission… I’m sure you’ll enjoy this!” nandyan na naman yung pambato niyang ngiti na halos hindi na makita ang mata niya dahil sa sobrang singkit.


“Ma ha! Binubugaw mo na naman ako!” pambibiro ko kay Mom.


“Sige na anak, I know you’re stressed and you need to relax a bit. Sumama ka na kay Jerek!” pambubuyo naman ni Mommy.


“Sabagay… sige na nga… I’ll just fix myself. Ahmmm Jerek, what should I wear?” tanong ko.


“Wear something nice… anything… we’ll be rocking the night!” ah ewan kung ano ba pinagsasasabi niya. Kaya ayun nagsuot ako ng outfit na pang-gimik. Dark tight fit pants at rugged long sleeves… sakto lang. Hindi naman loud pero pak na pak!



At gumora na nga kami ni Jerek. Laking gulat ko ng sa isang bar kami nagpunta. Ano naman kayang gagawin namin dito?



“What are we doing here?” tanong ko sa kaniya.


“We’ll sing… now you have a new job!” ngiti na naman siya.


“Wait… I can’t!” patalikod na dapat ako ng hawakan niya ang kamay ko.


“Of course you can… you’re a great singer!” pagbibida niya.



Well, hindi niyo kasi naitatanong eh meron akong stage fright. Noon kasing bata ako eh hindi suportado nila Mom ang hilig ko sa pagkanta. O baka naman nag-aassume lang ako? Hindi kasi sila uma-attend sa mga contest na sinasalihan ko. Kaya ayun nagkasya na lang ako sa palihim na pagkanta thru youtube. Hindi ko na din tinuloy yung pangarap ko na maging singer.



“I really can’t Jerek. What if I choke… what if I make a mistake… besides I’m really shy!” palusot ko.


“AND FOR TONIGHT WE’LL HAVE A SPECIAL GUEST… LET’S WELCOME ON STAGE… TIM CABRERA!” sabi ng voice over. Waaaahhh… patay kang bata ka!



Hindi ko na nga nalusutan pa ang pagtawag sa akin. Nakatutok na din kasi ang spotlight sa amin. Eto pala naman kasing si Jerek eh kinuntsaba yung mga kabanda niya para pakantahin ako sa stage. Bahala na si batman sa isip isip ko.


So, kinanta ko na lang yung pinakamaikling kanta na alam ko… Kinausap ko na yung DJ at buti na lang madami silang choices ng kanta. GO!!!


Tahimik lang ang lahat pag-akyat ko sa stage. Siyempre hindi naman kasi ako sikat para pansinin nila! Nanginginig talaga ang tuhod ko that time. Pumikit na lang ako para kunwari feel na feel ko lang ang kanta pero ang totoo ayaw ko makita ang reaksyon nila para mabawasan ang kaba ko. Rinig ko naman ang palakpak ni Jerek mula sa aking gilid. Pati ang mga kabanda niya nag-chi cheer para sa akin.


Eto na yung tugtog…


Haay… Diyosme! Lalong lumalakas ang pintig ng puso ko pero sa katagalan ay nabawas-bawasan din. Pagdating ng chorus ng kanta ay unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nakatitig silang lahat sa akin. SHOCCCKKKKS! Nakatitig ba sila dahil nagustuhan nila ang boses ko o dahil gusto nilang pababain ligwakin na ko sa stage? Pero nagulat na lang ako ng unti- unti silang napasayaw sa kanta ko. Slow beat ang song kaya naman partner partner silang nagsayawan. Akala mo JS Prom dahil akbayan pa ang mga mag-partners. It was so liberating! Feeling ko, ito na ang bagong mundo ko. Baka tama nga si Jerek na dapat i-try ko naman ang ganitong trabaho.


After my song… nagsigawan ang lahat… “More! More! More!” Hala! Natuwa sila sa pagkanta ko! Nakakaloka naman… Nakatatlong kanta din at pagkatapos ay umupo na kami ni Jerek sa katabing table ng mga kabanda niya.



“I told you, they will love you!” tuwang tuwang papuri sa  akin ni Jerek.


“Really? Thank you ha!” pasalamat ko naman.


“So what do you think… will you join our group?”



Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng lumapit sa amin ang isang lalake na pormal ang kasuotan. Medyo may edad na. Sabi ni Jerek ay yun daw ang owner ng bar. Nagulat naman ako ng inalok niya ako na maging regular act sa bar nila. Well, hesitant pa ako magsolo kaya hiniling ko na baka pwedeng mag-join na lang ako sa grupo nila Jerek. Pinilit pa rin nito na mag-solo ako pero tinanggihan ko talaga… Siguro ay nagustuhan niya talaga ang performance ko kaya pumayag na rin siya, pero sabi niya sa oras na ready na daw akong magkaroon ng sariling set ay sabihin ko lang.


Grabe, napaka-ironic ng araw na yun. Punong puno ng kabwisitan ang umaga ko habang ang saya saya naman ng gabi ko! AKO NA TALAGA!!!


Hindi kami agad umuwi ni Jerek. Nag-enjoy muna ako habang pinapanood naman ang performances ng kanilang banda. In fairness, bongga talaga sila! Ang husay ni Jerek. Para siyang Chinese version ni Arnel Pineda. Astig!


Nagkakwentuhan din kami tungkol sa mga career plans niya. 3 months pala siya dito sa Pinas. Ngayon ay nag-o-audition sila sa mga recording labels at nagbabakasakali na dito nila makuha ang break sa mainstream music industry. If ever ay baka working Visa na ang kunin niya para dito na manirahan. Mukhang enjoy naman siya kahit napalayo sa pamilya niya. Balak nga daw niya na kapag talagang stable na ang career niya dito ay kunin na din ang mama niya.


Masasabi kong masayang masaya ako ng gabing yun. Kahit papano ay nakalimutan ko ang sakit at galit dahil sa ginawa sa akin ni Wesley. Pero siyempre, mga mga sandaling natutulala pa din ako kapag biglang bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kaninang umaga. Sa mga pagkakataong yun, bigla na lang akong tatapikin ni Jerek at ngingitian. Iba din power ng ngiti niya ha!


Mag-uumaga na ng ihatid niya ako pauwi. Dumirecho na ako sa kwarto ko para magpahinga. Haaaayyy, kapagod pala yung trabaho ng mga nagbabanda. Buti pa nung writer pa ako eh pwedeng sa bahay lang ako magtrabaho. Pero kung si Big Boss aka Rez Cortes lang din naman ang amo eh wag na lang!


Biglang tumunog ang cellphone ko… may nagtext! Si Wesley!



“Congrats, ang galing mo kanina… can we talk?”



Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na sasayangin ang energy ko sa kaniya at baka atakihin lang ako sa puso. Hindi ko pinansin ang text na yun. Pinatay ko ang aking ilaw at humiga na sa kama.



“Tao po? Tao po?...” Shet! May tao sa labas! Kilala ko na kung sino yun!



(ITUTULOY)

10 comments:

  1. nice may update agad, basa mode muna boss :)



    <07>

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinasamantala ko na kasi yung mga free time ko para matapos ang kwento. baka mga hanggang part 11 or 12 na lang ito kaya namnamin niyo na ang bawat eksena...hehehe!

      Salamat sa support!

      Delete
  2. Teh you na! Really you!

    Btw PG palitan na yan. Deadly Hungarian na. Masyado ng gas gas kasi. Ahahahaha!

    May extra ka pa bang Jerek? Pwede maarbor?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, may bago na palang term para sa PG? Mahina kasi ako sa gay linggo... tomboy kasi ako! LOL!

      Delete
  3. humaygad''nkktwa na nkkainis...

    ReplyDelete
    Replies
    1. haluan ko next time ng horror para kumpletos rekados... joke!

      Delete
  4. humaygawd--- natawa ako ah! ah! ah! ah!--- parang bastos baliktarin natin ha! ha! ha! ha! yan ok na.. salamat at tuloy tuloy ang update at iba ka ah ambilis ng update mo boss ah... nice story kakatuwa talaga....

    "LHG"

    ReplyDelete
  5. Nice!! sana humaba pa to hanngang 40+ chapters!!

    ReplyDelete
  6. Nakakarelax basahin, kahit na madrama eh masaya pa rin, Good job Mr author! Ang Galing mo!!!


    Ben
    Aus

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails