Gusto ko pong humingin ng sorry sa delay ng posting. Alam naman po ninyo siguro ang dahilan behind this dahil paulit-ulit ko na pong pinaliwanag iyon. Gusto ko rin pong magpaslamaat sa lahat ng taong patuloy na sumusubaybay sa una kong story at sa GM's Diary (na soon may karugtong na rin). Salamat din sa mga taong patuloy na nagtitiwala at umiintindi sa kalagayan ko kung bakit nadelay. Anyway, hinati ko po sa dalawang chapter ang Part 15 dahil sa sobrang haba. Therfore, yung kalahati ng Part 15 will become Part 16. Then yung Part 16 ay magiging Part 17, thus yung EPILOGUE will be Part 18 na. Napansin ko lang, Part 18 sa Book 1, same sa Book 2. :)
Anyway, Eto na po ang Part 15. Muli, maraming salamat sa lahat.
Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE
Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE
----------------------------------------------
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 15: "Goodbye?"
Mabilis naming narating ang ospital.
Agad akong bumaba at tumakbo papasok sa ospital hindi ko na hinintay pang
makapag-park si Jared. Nababalot pa rin ng takot at kaba ang aking dibdib,
hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang tanging naiisip ko lang ngayon ay
mailigtas si Ella at ang anak namin. Hindi ko alam kung papaano pero dapat ko
silang mailigtas sa lalong madaling panahon.
Habol
hininga kong tinahak ang reception desk.
“Nurse,
nasa emergency room pa po ba si Angelo Cruz?”
Hindi
pa man nakakasagot ang nurse ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.
Liningon ko ito at agad kong nakita si Ace. Lumapit siya at yinakap ako.
“Ace,
si Tito Angelo?” sabay kalas sa aming pagyayakapan.
“Nasa
ICU siya ngayon Gab, ang sabi ng doctor ay 50-50 ang lagay niya.”
Napapikit
ako’t napahawak sa aking ulo. Pakiramdam ko’y umikot ang buong paligid ko sa
narinig, ramdam ko rin na parang pinipiga ang aking puso. Napaluhod ako at
nag-umpisang umiyak. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Ace, napahagulgol ako.
Maya-maya’y naramdaman ko ang himas niya sa likuran ko. Napayakap na rin ako sa
kanya.
“Gab…”tawag
sa akin ng isang boses na nanggaling sa aking likuran.
Lumingon
ako at nakita ko si Jared.
“Ace
si Papa?” bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at takot.
“Nasa
ICU Jared, 50-50 raw sabi ng doctor.” Sabi ni Ace at napayuko.
Hindi
siya agad nakaimik, alam ko ang hirap na dinadanas ngayon ni Jared, masakit…
sobrang sakit. Lumapit ako at yinakap siya. Ilang sandali pa’y naramdaman ng
aking balikat ang mainit niyang luha. Hinimas ko ang kanyang likuran senyales
na nandito ako para sa kanya, ilang sandali pa’y hindi na niya nakayanan ang
hirap at sakit, siya’y humagulgol sa aking bisig.
“Jared…
Jared tama na.” sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Kumalas
siya sa aking braso’t tumakbo palayo. Akmang hahabulin ko siya’y hinawakan
naman ni Ace ang aking kamay.
“Hayaan
mo na muna siya Gab.”
“Si
Gabriel Earl? Hindi ba nasaktan ang bata?” tukoy ko sa anak nila ni Ely.
“Kalaro
ni Inday sa playground sa labas ng condominium nila Jared noong nangyari ang
insidente.”
Tumango
ako’t nakahinga ng malalim kahit papaano nang malamang ligtas ang aking
pamangkin. Muli tiningnan ko ang paglayo ni Jared. Wala na akong nagawa kundi
titigan siya palayo. I sighed, at muli’y tumulo ang mainit kong luha mula sa
aking mga mata.
Malapit nang kainin ng dilim ang araw
ngunit wala pa rin si Jared. I was so worried, hindi ako mapakali. Naka-upo ako
sa labas ng ICU, tulala, wala sa sarili, iniisip ko pa rin kung ano na ang
nangyayari kay Ella, nasaan na sila? Pinapahirapan ba sila ni Steph? Hindi ko
alam, para akong mababaliw tuwing iniisip ko ang maaaring ginagawa sa kanila ng
hayup na si Steph.
“Kuya
kain ka muna.” Pagbasag ni Enso nang aking pag-iisip. Inabot niya ang isang
platong may laman na pasta at garlic bread.
Binigyan
ko siya ng isang ngiti at umiling.
“Kuya
naman eh. Hindi ka na nga kumain ng tanghalian eh.”
“Enso
I’m not hungry. Okay lang ako. Si Gabriel Earl kamusta? Alam na ba niya?”
“Oo
at iyak nang iyak kanina nang malaman niya ang nangyari sa Lolo niya. Ngayon
natutulog na siya kasama ni Inday.” Nagpakawala ng isang buntong hininga si
Enso. Napabuntong hininga rin ako’t napapikit. Naisip ko ang aking pamangkin,
masyado pa siyang bata para madepress sa mga ganitong bagay. Una sa pagkawala
ni Ely, ngayon naman sa Lolo niya.
“Si
Papa at Mama ano sabi?”
“Nasa
pulis sila, iniimbestigahan ang nangyari. Your Papa was devastated kuya.”
Malungkot nitong sabi.
Napapikit
ako, hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Papa ang nangyari kay Tito
Angelo, I know he still love him.
“Si
Tita Jade?”
“Ayun,
nagpapahinga, nahimatay noong nalaman ang nangyari. Hinahanap din niya si Ate
Ella, but she’s nowhere to be found.”
Napabuntong
hininga ako. Naisip ko ang sobra-sobrang pagpapahirap ni Steph sa amin. Nang
dahil sa isang tao nagkakagulo ang lahat, dahil sa galit niya kaya may mga
naghihirap na inosenteng tao. Sobra na siya.
Nagpaalam
si Enso na hahanapin si Aling Minda. Pagtalikod na pagtalikod ni Enso ay
biglang tumunog ang aking cellphone, tiningnan ko ito at nakita kong muli ang
unregistered number. Nakaramdam na ako ng pangingilabot. Tumayo ako at naglakad
palayo sa ICU. Sinagot ko ang tawag.
“Hello.”
“Gab…
Gab…” Paos na paos at halatang hirap na hirap na sigaw ng isang babae mula sa
kabilang linya. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, alam ko ang boses na
iyon, boses ni Ella.
“Hello
Ella?” bakas sa boses ko ang pag-aalala.
Hindi
siya nakasagot, imbis ay isang sigaw ang aking narinig, sigaw na nasasaktan,
tinotorture. Hindi ko napigilang maluha sa aking narinig. Parang paulit-ulit na
sinasaksak ang aking puso.
“Steph
tama na! Steph ano ba nasasaktan si Ella!” pagmamakaawa ko habang umiiyak.
Isang
tawa ang aking narinig mula sa kabilang linya, tawa na parang demonyo.
“Kamusta
Gabriel?” si Steph.
“Tangina
Steph wag mong idamay si Ella at ang anak ko!”
“Aba!
Ang tapang mo pa rin ah. Tingnan natin ang tapang mo Gabriel.” Ang sabi niya.
Wala pang tatlong segundo’y muli kong narinig ang pasisisigaw ni Ella sa
kabilang linya, I know she was in terrible pain. Napaluhod ako, ramdam ko ang
magkahalong galit kay Steph at pagkaawa kay Ella sa aking puso. I was devastated. Hindi ko na
napigilang humagulgol.
“Steph
ano ba tama na! Steph!” humahagulgol kong sigaw sa kanya.
“Sige
mag-ingay ka pa at pauulanin ko ng bala ang tiyan ni Ella. Sige! Sige pa!”
sigaw niyang nanggigigil pa.
Natahimik
ako, hindi ko na alam ang aking gagawin.
“Takot
ka naman pala!”
Hindi
ako nakapag salita, napatakip ako ng kamay sa aking bibig.
“Alam
mo iniisip ko nga kung bubuhayin ko pa ang babaeng ito. Knowing na dala-dala
niya ang bastardo at basura mong anak. Masmasaya nga kung mamatay na silang
dalawa eh. Ay hindi! Masmaganda kung makita ng iyong mga mata kung papaano ko
patayin itong mag-ina mo.” Sabay halakhak na parang demonyo.
Tikom
na tikom ang aking kamay. My teeth are gnashing. Gusto kong mag-sisisigaw at
magmura sa sobrang poot na aking nararamdaman. Ang poot na ginamot ni Jared at
Ely mula sa aking puso ay muling binubuhay ni Steph. Gusto kong wasakin ng buo
si Steph. Gustong kong mailigtas ang mag-ina ko ngunit hindi ko alam kung
papaano.
“Ano
Gabriel lalaban ka pa ha?” sigaw pa niya ulit.
“Ako
naman ang gusto mo di ba? Pakawalan mo sila Ella… Kapalit ko.” Diretsong sabi
ko.
“Tumpak!
Yan ang gusto ko!” bakas sa boses ni Steph ang pagka-excite.
“Naaalala
mo ba yung dating clubhouse na pagmamay-ari ng umampon kay Ely? Abandunadong
building na iyon ngayon eh… Ngayon Gabriel… Gusto kong mag-isa kang pumunta
doon mamayang alas-dose ng madaling araw. Subukan mo lang magdala ng pulis at
makikita mo na lang na mahuhulog itong babaeng ito mula sa rooftop ng building
na iyon. Naiintindihan mo? Ha!!!” dagdag pa ng demonyong si Steph.
“Opo…”
“Bilisan
mo na at baka hindi mo na abutan pang buhay ang mag-ina mo!” Sabay end call.
Ramdam
ko pa rin ang panginginig nang aking katawan, hindi ko magawang kumalma at
huminga ng maayos. Para akong na-paranoid. Nanginginig ang kalamnan ko mula paa
pataas sa aking ulo. Muli kong naalala ang takot na aking naramdaman noong
naipit ako sa sunog ng kumpanya ni Papa kung saan linigtas lang ako ni Ace at
Enso kaya ako nabubuhay ngayon. Naalala ko rin ang takot sa pagkakadukot sa
akin ni Bianca at ang tangkang pagpatay sa akin ni Steph apat na taon ang
nakakaraan. Iba ang takot na naramdaman ko noon at iba ngayon. Hindi ko alam
pero masmatindi ngayon. Ito na siguro ang pinakamatinding takot na aking
nararamdaman, siguro ay dahil involve na ang aking kaibigan at ang aking anak.
Napabuntong
hininga ako’t nagpunta ng banyo upang ayusin ang aking sarili. Naghilamos ako’t
pinunasan ko ang aking mukha ng panyong kong kulay blue na may shade ng black
lines sa gilid nito. Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang isang lalaking
hinubog ng panahon at pagsubok. Isang lalaking matapang at kayang harapin ang
lahat ng dagok sa kanyang buhay. I smiled. I know, it’s time na harapin ko ang
pinakamatinding pagsubok sa aking buhay. Inayos ko ang kwelyo ng aking white
polo, ang kuwelyo at sleeve nito’y may shades of black. Tumingin ako sa salamin
at nakita ko ang mata ng aking kapatid. Simula ng bata pa lang kami’y lagi ko
na siyang kasama, hanggang sa puntong ito, alam kong hindi niya ako iniwan.
Muli ako’y napabuntong hininga at nagbigay ng isang ngiti.
Lumabas
ako ng banyo at dumiretso sa labas ng ICU. Nakita ko si Enso. Agad ko siyang
yinakap bago pa man siya makapagsalita. Ito na ata ang pinakamahipit na yakap
ang ginawa ko sa kanya.
“Kuya
may problema ba?”
“Gusto
ko lang magpasalamat. Kasi lagi kang nandyan, hindi mo ako iniwan kahit
kalian.” Kumalas ako at nagbigay ng isang ngiti. He gave me a quizzical look.
“Si
Aling Minda?”
Bago
pa man siya makasagot ay nakita ko na ang taong hinahanap ko papalapit sa amin.
May dala-dalang box ng pichi-pichi at supot ng siopao.
Bago
pa man siya tuluyang makalapit ay yinakap ko ito. Hindi siya naka-imik.
“Gabriel
anak?”
“Gusto
ko pong magpasalamat sa lahat. Naging mabait po kayo sa amin, tinuring niyo po akong pamilya noong walang-wala po ako. Ipaabot niyo po ang pagpapasalamat ko
sa iba ha Aling minda?” Bakas sa aking boses ang pag-crack. Pigil na pigil pa
rin akong maiyak sa kanilang harapan.
“Anong
problema anak?” sabay himas sa akin likuran na parang isang ina.
“Kayo
na po ni Enso bahala dito Aling Minda.”
“Bakit
anak saan ka pupunta?” pagkalas niya sa yakap.
“May
aayusin lang po. Si Ace po nasaan?”
“Kasama
ni Gabriel Earl sa bahay.”
Ngumiti
ako.
“Sige
po, uuwi na lang muna ako. Pagod na rin po kasi ako eh.”
Bago
pa man sila makapagsalita’y agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis.
Kasabay ng aking pagtalikod ay siya ring walang patid na pagtulo ng aking luha.
TIningnan ko ang oras, it was 9:21pm. I sighed.
Marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto
ni Ace, it was so dark and so cold. Tanging liwanag mula sa binta lang ang
nagbibigay ng katiting na liwanag sa kwarto. Nakita ko siyang nakahiga katabi
si Gabriel Earl. Lumapit ako sa kanila, pinagmasdan ko ang payapa nilang
pagtulog. Hindi ko napigilang umiyak.
Yinakap
ko si Gabriel Earl at hinalikan sa ulo. Parang pinipiga ang aking puso.
Bumulong ako sa bata.
“Kung
may mangyari man sa akin, sana huwag mong pababayaan ang Papa mo ha? Alagaan mo
siya para sa akin ha?” After I utter those words, I felt an endless tears fell
down from my eyes. Muli kong tinitigan ang bata. I saw Jared. Kamukhang-kamukha
niya ito. I hugged him so tight.
Tinuon
ko ang aking mga mata kay Ace. I smiled. I hugged him and whispered.
“Thank
you everything… Hindi mo lang alam Ace… Pero mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi man sa paraang alam mo, pero sa paraang alam ko. I will always love you.
Kung wala lang si Jared, hindi ako magdadalawang isip na ikaw ang mahalin at
makasama ko habang buhay.”
Tinitigan
ko ang kanyang mukha. Napakaamo nito. I kissed his lips. Naramdaman ko na lang
ang pagtulo ng aking luha sa kanyang pisngi. Agad kong pinunasan ito at
nagmadaling tumbukin ang pinto at umalis dahil baka magising ito.
I
closed the door, at doon sumabog ang emosyong kanina ko pa pinipigil. I felt my
heart is tearing apart. Sobra-sobra ang bigat na aking nararamdaman. I was
having a hard time breathing.
“Ser!
What’s yer problem ser?” biglang sigaw ng isang boses mula sa aking kanan.
Bago
pa man siya makalapit ay binigyan ko siya ng isang yakap.
“Ikaw
na ang bahala kay Gabriel Earl at sa magiging anak namin ni Ella ha?” Bakas sa
aking boses ang panginginig.
Kumalas
ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
“Ser
wag na kayong umiyak!” sabay punas ng basahan na kanyang hawak sa aking mukha.
Napahalakhak ako. Gaga talaga ang babaeng ito kahit kalian.
“I
won’t. Inday salamat sa lahat ha. Sa kalokohan at kagagahan mo.” Sabay bigay ng
malutong na halakhak.
“O
sige na, matutulog na ako.” Ang alibi ko sabay talikod at tumbok sa aking
kwarto.
Pagpasok
ko sa loob ay agad kong tinumbok ang aking cabinet. Hinawi ko ang aking mga
damit at bumungad sa akin ang vault. Binuksan ko ito’t kinuha ang isang bagay
na alam kong magagamit ko mamaya… Baril.
Agad
akong dumiretso sa sasakyan, pinaandar ito patungo sa aking destinasyon. Sa
kalagitnaan ng aking byahe ay sinubukan kong tawagan si Jared. Nagulat ako nang
mag-ring ito. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Ilang sandali pa’y
sinagot na niya ito.
“Hello
Gab?” bakas sa kanyang boses ang pagaralgal nito.
“Jared…
Nasaan ka ngayon?”
Hindi
siya sumagot. Ngumiti ako.
“Di
bale… Gustuhin ko mang magkita tayo’y hindi pupwede.”
“Gab
bakit? Anong problema?” bakas sa kanyang boses ang takot.
“Jared
salamat sa lahat-lahat. Salamat sa pagmamahal, salamat sa pagtanggap sa kung
sino ako. I was weak, yet you saw the strong person inside of me. I was in deep
darkness yet you saw the real me. I tried to be that man, and I did. Thank you
Jared, because you love me like I am.” Kasabay ang walang tigil na daloy ng
aking luha.
“Gab!
Gab tell me what happen? Gab bakit ganyan ka magsalita?”
“Always
remember Jared, my heart belongs to you… Ikaw lang ang nagmamay-ari nito.
Salamat… Salamat sa lahat… Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.”
Sabay end-call at patay ng cellphone. TInabi ko ang sasakyan at hininto ito. Pinalo
ko gamit ng aking mga kamay ang manibela, hindi ko napigilang magsisisigaw at
humagulgol. A thousand arrows pierced through my heart, I felt millions of
unexplainable pain. It was unmeasurable.
Pinilit
kong kumalma at huminga ng malalim. Ilang sandali pa’y muli kong pinaandar ang
sasakyan patungo sa pinagmulan ng lahat.
Next Chapter: "All For Love"
At long last nakapag-update na rin si Bebe Gab at nabasa ko na.
ReplyDeleteGrabe ang chapter na ito, one of the most dramatic chapter in the whole story from book 1. We're really near the climax. Konting-konti na lang at malalaman na natin ang kahihinatnan ng lahat. Damn that bitch Steph, ultimong buntis hindi pinatawad. Hayup sa kasamaan. For me, this is the best chapter in the entire series.
Napansin ko lang, kagaya ng sinasabi ng mga past comments. Ibang-iba na ang writing style mo Bebe Gab. You improved a lot! I can't wait for the finale na. Post it na please?
Salamat Dark Shade! Subukan ko po bukas. Almost done na po ang Part 16 eh. Konting edit na lang. :)
Deleteyehey my chapter 16 na lab u white pal
Deleteomg!!!sana walang mamatay(except the demonic bitch Steph of course).
ReplyDeletenawa'y iligtas si bebe gab ni papa jared at papa ace.
bitin grabe! next chapter please!!!
-x0x0x
Well it looks like kailangang kaharapin ni Gab si Steph ng mag-isa sa pagkakataong ito. V^_^
DeleteCan somebody shoot the demon's head para matapos na ito? Next!
ReplyDeleteCan somebody shoot the demon's head para matapos na ito? Next!
ReplyDeleteCan somebody shoot the demon's head para matapos na ito? Next!
ReplyDeleteGusto mo pong ipasok kita sa story para ikaw na bumaril kay Steph? CHOS! Hahaha! Joke lang po. :D
DeleteWalang kupas si White_Pal. Ang galing pa rin! At syempre wala ring kupas si putanginang hayup na si Steph. For me she is the Queen of M2M kontrabida, nagpasabog ng building at nagpapatay ng sandamukal na tao tapos pati buntis tinorture, ibang klase. The Drama in this chapter is intense. Pati ang description ng actions nagawa ng maayos. Mas detailed ito compare sa mga previous chapters. My favorite chapter so far. The Best!
ReplyDeleteQueen of M2M kontrabida talaga? Hahaha!!! Marami pa nga dapat gagawin si Steph sa story na kaiinisan ninyo eh, pero I've decided to cut the story short na. ;)
DeleteSalamat po sa pagsupporta! ^_^
Bakit nagpapaalam si Gab sa lahat? Sana hindi siya mamatay...kung may dapat mang mamatay si Steph yun. Sana Jared and Gab pa rin sa huli. Excited na talaga ako sa ending nito.
ReplyDeleteHi Jariel_Fan! Salamat sa pagsubaybay sa story ko mula umpisa hanggang sa matapos. Sa totoo lang natutuwa ako sa name na gamit mo. Hahaha! Ako rin po'y excited nang ipost ang ending nito. It's just that hindi naman po ganoon kadali magsulat at pagkasyahin sa oras ko po kaya nagkaroon ng bonggang delay. Anyway, salamat po ulit. ^_^
Deletegaano na nmn kya ktagal ang nxt chapter...haizzzz
ReplyDeleteSorry po... :(
DeleteI'll TRY to post Part 16 bukas. Tsaka target ko pong matapos ito by Saturday. Pasensya po ulit at salamat sa pagsubaybay.
next na! next na! next na!
ReplyDeleteHi Lei! Isa ka sa mga madalas magcomment at talagang sumubaybay at naghihintay ng update ko. Pasensya na kung bonggang paghihintay ginawa ninyo. :(
DeleteAnyway, gusto kong magpasalamat sa iyo sa pagtutok sa story ko. Sana supportahan mo rin ang mga upcoming stories ko. Yung GM's Diary, sana'y nababasa mo. Hehehe. Bukod po kasi sa sinusulat ko sa introduction regarding sa delay (Haaayyy...), sa GM's Diary po baka maisulat ko doon ang mga reasons kung bakit nagkaganoon since it's my Diary nga. Anyway, salamat ulit Lei. Ingat ka palagi! ^_^
Update na rin AT LAST!!!
ReplyDeleteWhen I first read this, I didn't expect na hahantong ang lahat sa ganito. Base on my observation, feeling ko may sakit na sa utak si Steph... why? Remember, Daddy niya lang ang nagmahal sa kanya ng totoo, tapos nagpakamatay pa ito. Ang Mama niya walang mabuting naidulot sa kanya, puro kagahaman at kasamaan ng ugali lang ang tinuro ata sa kanya nun. When her father died, dun nag-umpisa ang lahat ng matitinding ginawa ni Steph. Yung Pagsunog at pagpapasabog sa company nila Gab which is kung hindi ako nagkakamali ay may mga namatay pa ata, pagsunog sa bahay nila Gab kung saan napahamak ang Papa ni Gab, then here comes Bianca pa na naka-ipluwensya sa kanya. Parang lumala ng lumala ang sakit niya due to depression, if I remember it right natanggalan din siya ng award sa school. I think she needs a psychiatrist na eh, hindi na normal ang ginagawa niya.
I've got a feeling na may mamamatay sa next chapter. Pero sana...sana mali ako. Ayokong may mamatay.
Author post na pls!!! I'M CRAVING FOR IT!!!!!
Hi Kayne! Salamat sa pagsubaybay sa story ko from Book 1, Part 1 hanggang sa puntong ito na matatapos na. Sana patuloy ka pa rin sa pagsubaybay. Target ko pong matapos ito by Saturday. Kung madelay siguro Sunday po bago ako magkaroon ng class sa Monday. BTW, you have a point regarding sa sakit ni Steph. ;)
Deleteganda talaga. sana may kasunod na para ending na.
ReplyDeleteMalapit na po Mr. Anonymous. Hehehe. Salamat po sa pagbabasa! ^_^
Deletewow exciting!!
ReplyDeletehnde ko alam kung ang msob admin ang hnde nag update o ang mismo author ang hnde pa nag post waaaaaah
ReplyDeleteWe, Admins, don't have the right to post stories regardless sinabi ng authors. Thanks. Hintay na lang po tayo sa author ng story para maupdate ^_^
Deletehihintayin po namin ung next chapter na ito.. alam nyo po ang ganda2x ng story daming twist. thumbs up ako dito.. ingat po..sana po alang mang yari kina gab, jared,ella, enzo at kat ge.
ReplyDeletevinz_uan