DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.
AUTHOR's NOTE:
So, I'm still available as of the moment kaya eto muna pinagkakaabalahan ko. Yun pa rin po ang request ko mga kapatid, please subscribe to my Youtube channel http://www.youtube.com/timclarify ... And pa-help naman po,we need your (FB) "likes". Just open this link and like the photo... https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=1&theater
And for those who wants to send me personal messages, don't send it on my gmail address dahil hindi ko po madalas na-oopen yun. Send it on FB instead. It's toetoeclaro@facebook.com :)
Thanks!
==================================================================
And for those who wants to send me personal messages, don't send it on my gmail address dahil hindi ko po madalas na-oopen yun. Send it on FB instead. It's toetoeclaro@facebook.com :)
Thanks!
==================================================================
“Ang taong in love, parang may LBM… ano mang pigil ang
gagawin mo lalabas at lalabas din… minsan maamoy pa!”
Tahimik lang ako… nag-iisip. Kahit na sinabi ko kay Odie na
wala siyang dapat ikabahala, hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nga ba
ang tumatakbo sa utak ni Wesley? Paano kung totoo nga na balak niya kong
gamitin para sa personal niyang interes?
Kahit na may mga narinig akong chismis tungkol kay Boss
Wesley, hindi ko pinansin ang mga iyon. Sa tingin ko kasi ay lalo lang
makahalata yung tao kung biglang magbabago ang pakikitungo ko sa kanya.
Besides, harmless pa naman siya ngayon kaya hangga’t wala naman siyang ginagawa
ay hindi ako dapat mabahala di ba!?
Lumipas ang mga araw na normal lang ang lahat. Madalas ay
sinusundo pa rin ako ni Wesley sa bahay sa umaga at hinahatid naman sa gabi.
Wala namang malisya dahil on the way nga lang ang bahay ko sa tinitirhan niya.
May mga bulong-bulungan na sa opisina pero hindi ko pinapansin yun. Minsan ay
nasabihan na din ako ni Odie na para daw akong manhid sa pinapakita ni Boss
Wesley. Eh sa wala naman talagang kahulugan sa akin ang mga yun… at dahil
diyan, pinangalanan nila akong si Wooden Heart na para naman trending sa
twitter. All of a sudden yun na ang tawag ng lahat ng crew at staff sa akin.
Tuloy tuloy din naman ang communication namin ng cyber
suitor ko na si Jerek. Yun ang may malisya para sa akin! Hehehe! Well, hindi
naman sa tinotodo ko ang pagpapakadalaga ko pero iba na rin yung may
nagpapangiti hindi ba? Kahit papano kasi ay nagugustuhan ko na din siya. Mabait
naman kasi yung tao at super sweet kapag nagkakausap kami. Minsan kapag wala
akong time para makipag chat o skype sa kaniya eh pinapadalhan niya ako ng
email. Eto pa ha! One time, I challenge him to write a letter for me and send
it by snail mail. Aba! Kumagat nga si loko… oh davah! A for A-ffort!
So ayun ang set-up, para akong doble kara. Nagpapaka-manhid
sa taong kaharap ko habang inuuto ko naman ang sarili sa lalakeng sa internet
ko lang nakikita. Baliw noh? But that’s me. I’d rather do that, at least kapag
nasaktan man ako eh alam kong ako ang may kasalanan at hindi kagagawan ng ibang
tao.
From his 300 hours of OJT service, 150 na lang ang bubunuin
ni Wesley. Ganun pa rin naman ang lahat. Aaminin ko na hanggang ngayon ay
lutang na lutang ang kakaiba niyang pakitungo sa akin compared sa mga kasamahan
namin. Pero bilang Wooden Heart ang peg ko eh binaliwala ko lahat… One morning,
sinundo ako ni Boss sa bahay. Casual lang! Binati ko siya ng good morning… nandun
pa rin ang French Vanilla coffee at cinnamon bars at ang nakakalokong ngiti
niya sa akin. Siyempre, nagkunwari naman akong wala lang ang lahat, sa halip ay
nagpasalamat na lang ako.
While he’s driving, binuksan niya ang sounds ng oto niya. FM
lang kaya nagulat ako. Hindi naman siya nakikinig ng radio dahil laging CD ang
sinasalang niya. Pagkatapos niyang mamili ng radio station ay patuloy lang siya
sa pag-drive at hindi umumik. Dedma naman ako sa kakaiba niyang actions… not
until nagsalita ang DJ…
“Magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang,
magandang, magandang, magandang umaga mga listeners! Isang nakakaloka,
nakakawindang at nakakakilig na morning na naman ang ating pagsasamahan… Naku,
tambak ang mga request mula sa ating mga avid followers! At hindi na natin
patatagalin pa ha! For the very first time ay may ligawan na magaganap sa atin
dito sa 92.9 Radyo Mo To! And to cut it short heto ang song na dine-dedicate ng
listener natin na si Wesley from Rizal para sa kaniyang iniirog… sana daw ay
mapansin mo naman kaniyang effort!... wag na nating patagalin pa… here we go!”
energetic na spiel ng DJ.
Matapos ang hyper na hyper na DJ ay sumunod na ang song
request ng listener na hindi ko na pinansin kung sino… medyo lutang pa kasi
isip ko kaya hindi ko pinapakinggan ng mabuti ang mga pinagsasabi ng DJ. Tila naman ako si Snow White na hinalikan ng prinsipe at nagising ng marinig ko ang kanta
sa radio… “Anak ng…” sabi ko sa sarili.
Kanta ko ang pinatugtog ng DJ. And kantang ni-record namin ni
Wesley. Bakit???
Magkahalong lito at kaba ang naramdaman ko noong oras na yun.
Mga ilang segundo akong natahimik. Naramdaman ko na lang na huminto ang
sasakyan. That time, para akong nagbalik sa katawang tao ko at nagising ang
diwa. Wala na si Wesley sa tabi ko at naramdaman kong binuksan niya ang pinto
ng sasakyan kung saan ako nakaupo. Pagtingin ko sa aking gilid ay nasa tapat
kami ng isang bahay… hindi naman kalakihan pero halatang pangmayaman dahil sa
ganda ng fascade nito.
“Tara na.” pag-anyaya ni Wesley habang nakangiti sa akin.
Dahil sa naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ay sinunod
ko na lang siya at bumaba ng kotse. Inalalayan naman niya ako papasok ng bahay.
Parang baliw lang noh? Ilang minuto ako sa loob ng kotse na tulala at narating namin ang lugar ng wala akong kamalay-malay. Pero para malinaw lang, hindi ako
nagda-drugs ha!
“Nasaan tayo?" tanong ko.
“Sa bahay ko.” sagot niya.
“Sandali lang, bakit tayo nandito? May pasok tayo today… We
can’t be late! Halika na!” sabay talikod ko dahil alam kong may something sa
mga kinikilos niya.
Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito
hanggang sa mapaharap muli ako sa kaniya. Ewan ko ba kung anong magic meron ang
kamay na yun. Hindi kaya may lahing stunt man si Wesley kaya napakalakas ng
muscles niya? Anyways, hindi na nga ako nakapag-walk out pa kaya naman
dineretso ko na sya.
“Boss, hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin…
nakatira ka ba ng drugs o ano? Pero gusto ko lang linawin na kung ano man ang
trip mo eh wag mo na ko isali. I’m a busy person and I have to go!” nagtaas ako
ng tono habang sinasabi yun.
Aktong aalis na ako at tutungo sa pinto ng bigla siyang
sumigaw.
“TIMOTHY CABRERA! I command you to stay! Boss mo ko at
may karapatan akong utusan ka! Malinaw?” pasigaw niyang sinabi.
Nakatalikod na ako that time at sa gulat ay hindi na
nakagalaw pa. Lumapit siya sa akin at inikot ang aking katawan paharap sa kaniya.
Diretso ang tingin niya sa aking mata. Seryoso na tila gustong pasukin ang isipan
ko. Ako naman ay pilit na nilalabanan ang magkahalong kaba at kilig na
nararamdaman ko. Hindi naman ako bato para hindi malaman na gustong maglevel up ni
Wesley noh! Sinubukan kong tumingin sa gilid pero hinawakan na ni Wesley ang
magkabila kong pisngi…
Tahimik.
“Ano ba kasing….” hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng
bigla niya akong hinalikan. Actually, gusto ko man i-explain eh hindi ko din
maintindihan! First kiss ko kasi naman yun… intindihin niyo naman na wala akong
idea kung mainit, wet, dry o kung ano man ang paghalik niya sa akin. Basta
matagal! Hahaha… Pagkatapos ng halikan portion eh tinitigan na naman niya ako
muli sa mata.
“Boss! Malinaw na ba?” tanong niya.
“Ang ano?” sinagot ko naman siya ng tanong din.
Ewan ko ba kung ano talaga nakain ni Wesley at hinalikan
ulit ako. That time, naramdaman ko na! masarap pala…LOL! Malambot yung labi
niya at mainit init ang feeling. Well, noong una eh sinubukan ko syang itulak
kaso nga lang ay nakahawak siya sa batok ko. Hard naman di ba! Kaya go na lang…
mauubusan din naman ng hininga yan sa isip isip ko lang. Muli na naman siyang
tumigil at nagsalita.
“Ano Boss hindi mo pa din ba gets?” muli niyang tanong sa akin…
“Ano nga?” sagot ko ulit.
Muli na naman niyang hinawakan ang pisngi ko nang buong lakas
kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin.
“Hoy, Mr. Wesley del Rosario… unang una, kidnapping tong
ginagawa mo dahil dinala mo ako sa bahay mo ng wala akong pahintulot. Pangalawa,
makaka-3 points ka na kaya technical foul na yan!.. AT PANGATLO, kung ano man
yang gusto mong palabasin eh tantanan mo na! I heard a lot of things about you
and I don’t wish to be part of your game! Malinaw… kung ayaw mo sumama papuntang
opisina eh mag-isa na lang akong papasok!” tuloy tuloy kong sinabi na may
halong pagtataray.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako noong sinasabi ko yun.
Siyempre, anak pa rin siya ng may-ari ng kompanya kaya pumasok pa rin sa isip
ko na dapat ay igalang siya. Pero siguro kahit sino man ang nasa kalagayan ko
eh ganun din ang mararamdaman.
Tahimik lang siya habang nagsasalita ako. Hindi ko na
pinansin kung ano pa ang reaksyon niya basta tuloy tuloy lang ako na umalis
hanggang sa marinig ko na sumunod siya sa akin. Magkasabay pa rin kaming
pumasok pero hindi kami nag-iimikan the whole time.
Naging malinaw na sa akin na may meaning lahat ng pagiging
mabait at caring niya. Ang hindi lang malinaw ay kung malinis ba ang intensyon
niya o may hidden agenda siya gaya ng kwento ni Odie.
Nang mga sumunod na araw ay mas maaga akong umaalis sa
bahay, hindi ko na hinihintay ang oras na dumating si Wesley para maiwasan ko
na maka-encounter pa siya. In fairness ay sweet pa din siya sa akin. He still
brings me coffee and cinnamon bread every morning. Pinipilit pa rin niya akong
sumabay sa kaniya pauwi at lagi siyang may note na iniiwan sa office. Nandyan yung
nagso-sorry siya sa ginawa niya... promise daw na hindi na mauulit at gagawin
daw ang lahat basta maging ok lang kami.
Pinilit kong lumayo sa kaniya. Pinilit kong iwasan siya pati
na ang masagi siya sa isip ko. I tried to keep my wooden heart as hard as it
is. Lagi kong sinasabi sa sarili na ayokong masaktan. Mas mabuti na iwasan si
Wesley at magkasamaan kami ng loob kaysa ako yung talo sa huli… Pero parang
totoo yung sinabi nila, “The more you hate, the more you love!”
Mga isang lingo kong hindi inimik si Wesley. Hindi ako
kumakagat sa mga pag-aalok niya na sumabay sa kaniya. Pero napapansin kong
kasunod ng taxi na sinasakyan ko ang kotse niya… everyday! ANO BA TALAGA!!! Lord,
sumpa ba to?! Kinikilig kasi ako!
Sa mga panahong yun, si Jerek ang nakakausap ko. Though alam
kong gusto ako ni Jerek ay naging open ako sa kaniya tungkol sa mga
nararamdaman ko. Doon ko napatunayan ang sincerity niya. Ang payo kasi niya sa
akin ay sundin kung ano ang nararamdaman ko.
April 30 9:35 PM
ME: Jerek, I’m sorry!
JEREK: Sorry for what?
ME: Sorry because I can’t force myself to return your
kindness… your love for me.
JEREK: It’s fine… we’re friends right? That’s what friends
are for! But can I ask you a favor?
ME: What? Anything!
JEREK: Tim, please don’t let me stop loving you.
ME: But you deserve to be happy
JEREK: It’s you who makes me happy… I’m happy whenever you
chat and you share your thoughts to me. That is why I advice you to follow your
heart because I believe that if you truly love a person, you’ll set him free
and find his happiness.
ME: Thank you very much Jerek. You are one of the most special guy I met!
Naluluha naman ako dun! Kung pwede lang ipasa-load ang
nararamdaman ng puso eh kay Jerek ko na nilipat ang nararamdaman ko para kay
Wesley! Pero ano ba talaga ang nararamdaman ko kay mokong? Susundin ko ba ang
payo sa akin? Will I give him a chance? Sandali… MAY NAGTEXT!
Hala! Si Wesley…
“Boss, nandito ako sa labas ng bahay mo… kapag hindi ka
lumabas, kakatok ako para manligaw sa nanay mo!” sabi niya sa text.
Aba! Tignan mo tong lokong to… idadamay pa si Mommy. Baka
magka-world war 3!..
(ITUTULOY)
ang cheessyyyy talga hehehe evrybody deserves a chance y dont u give wesly some hehehe.... pero di ko rin maiikakailang typ ko din ung jerek na un wahahaha...
ReplyDelete"LHG"
Parang kanina lang ako nagbasa ng update.
ReplyDeleteHmmmmmm... I hope Jerek would appear in person para masaya. Hehehehe!
kakakilig nman tlaga.. hahahah.. gustong-gusto ko tong story na to.. UPDATE PLEASE
ReplyDeletesna my pic..c jerek at wesley hehe..i wnder kng ano tlga looks nila..?
ReplyDeleteActually i have their image in my mind kaso mga celebrities sila kaya hindi ko pwedeng gamitin. Maybe I'll search for them gaya ng ginagawa ni Kuya Mike sa mga akda niya :)
Deletegrabe..ang cute...
ReplyDelete