Followers

Saturday, May 12, 2012

Beautiful Liar Part 9



by: Emirp

~~

Kinabukasan, malungkot akong pumunta kela Antie. Hindi din bumili si Ate Anne. May bata ulit na lumapit. Nagbigay ng sulat. Binuklat ko at nakita kong galing kay Kuya John.

''Prime ko, sorry at hindi ako nakapunta kagabi, bigla kasing sumakit ang ulo ko at hindi ko pa nagawang lumabas ng bahay. Kung pwede mamayang gabi kita ulit tayo dun pa rin sa dati. I love you''

Medyo sumaya ako dahil may dahilan naman pala siya. At natuwa ako dahil maayos na siyang mag tagalog.

Kinagabihan. Nag punta na ko sa Park, hindi na ko nag intay pa dahil nandoon na agad si Kuya John. At kita ko sa mukha niya ang saya.

John: pasensya ka na ha, salamat at dumating ka.

Prime: okay lang yon Kuya.

Kumain kami ng ihaw ihaw sa night cafe malapit sa park. Nag perya din kami (malapit na kasi mag pista).

Sumakay kami sa Peris Wil, Katerpilar. Wala naman akong takot na sumakay sa mga ganun e. Dun ako na takot sa horror train kaya todo yakap ako nun kay Kuya. Walang kasing saya ang experience na yun.

John: takot ka pala sa dilim, at sa multo. (tawa siya)

Prime: hindi naman ako takot sa dilim (bigla akong natigilan kasi naalala ko yung pang hahalay sakin kagabi)

John: oh bat ka natigilan?

Prime: wala kuya. Ang saya ko lang kasi masaya ang nangyari ngayon.

John: hindi pa tapos ang masayang gabi natin. (bakas sa mukha niya ang matinding saya)

Nagpalakad lakad nga kami ni Kuya. Hanggang sa makarating kami sa isang abandonadong bahay. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. At doon ay muli kaming nag isa. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot. Dahil alam kong ligtas ako. Umuwi ako ng fulfilled at masaya.

Simula nung gabing iyon, bawat oras na nagkikita kami ay mas sobrang saya. Kahit limitado lang ang pagkikita namin, hindi nagkulang si Kuya John. Hanggang sa umabot kami ng tatlong buwan.

Sa tindahan...

Prime: kamusta naman kayo ng bf mo ate?

Anne: masaya naman, medyo korni lang siya, pag may date kami, sa tabi tabi lang lagi. (may tampo ngunit masaya niyang pahayag)

Prime: okay lang yan ganyan din kami, gastos kasi pag pupunta pa sa syudad. (naisip ko na matipid din ang boyfriend niya parang si kuya John)

Anne: hindi nga lang yun e, ayokong ibigay sa kanya ang kabirhenan ko dahil sa tabi tabi lang niya ko dinadala (wala ng ngiti sa mga labi)

Prime: nakakahiya kaya yun (medyo napangiti ako kasi ganun din pala si Kuya John)

Anne: tama ka, saka hindi naman ako low class kaya pag sigurado na ko. Saka pa lang ako papayag.

Prime: tama yan Ate, mahirap maging batang ina.

Ate: oo. gusto mo ipakilala kita kay Juan?

Prime: sige Ate, tapos ipapakilala din kita kay Kuya ko.

Masaya ako dahil kahit papano masaya si Ate Anne sa lovelife niya. Ako naman may time na malungkot kasi may mga oras na hindi kami nakakapagkita ni Kuya John. Sa kadahilanang hindi maganda ang pakiramdam. Hanggang sa dumating ang araw na ipapakilala ako ni Ate Anne sa boyfriend niyang si Juan.

Habang nasa park ng Baranggay Hall...

Prime: sigurado kang hindi iyan ang may ari ng chicharon ni Mang Juan ah. (pang aasar ko)

Anne: loko ka talaga, pustahan tayo matutulala ka sa kanya (masayang pahayag niya)

Prime: oo na.

Ate: oh ayan na pala si Juan. (halatang kinikilig)
Nakatalikod ako sa may gate habang si ate Anne naman ang nakaharap. Bale magkaharapan kami. Hindi ako makalingon kasi nahihiya ako. Kaya inintay ko nalang makarating sa pwesto namin ang Juan na yon.

Anne: Juan upo ka na, ipapakilala kita sa kaibigan ko. (wala daw silang tawagan dahil walang hilig dun si Ate Anne)

Nang maka upo siya sa upuan paharap sakin ay nagulat nga ako, natulala. Hindi dahil sa kagwapuhan kundi dahil si Juan at si kuya John pala ay iisa. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Niloko. Dun ko naisip na bihira ang nag susuccess sa mga ganitong relasyon.

Anne: sinabi ko na matutulala ka e, taken na si Juan ko, hanggang tingin ka na lang. (taray tarayan kunyari)

Prime: (pinilit kong maging okay. buti naman at nagawa ko) ah wala Ate, may kamukha kasi siya. (palusot ko)

Anne: at sino naman?

Prime: parang yung... yung ''playboy'' na napanood ko sa ibang movie. John yata ang pangalan ng karakter niya dun. (may pasaring kong pahayag kay Ate)

Anne: pero good boy naman si Juan, di ba? (ngiti sabay tingin kay Juan/John)

John: o.oo (pilit na ngiti, at halatang hindi inaasahan ang mga pangyayari. kung hindi ko lang alam ay iisipin kong natatae siya)

Anne: oh nakita mu na. Good boy siya.

Prime: oki (sagot na parang hindi naniniwala) ah Ate, uwi na ko ha, baka pagalitan pa ko ng Nanay. lagi na kasi akong napapagalitan pag tumatakas ako para lang makipagkita kay Kuya e. (sabi ko kay ate Anne, naway nakonsensya si ''John for all, all for Juan'')

Ang totoo hindi pa ko umuwi, medyo maaga pa kasi nun. Habang tulala ko. Naisipan kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang Tatay.

Ang tanga tanga ko. Bakit hindi ko yun naisip. Ang ''John'' ay ingles para sa ''Juan''. Kaya pala may mga similarities pag kinukuwento siya ni Ate Anne ay dahil umibig pala kami sa iisang Tao.

He said, i'm worth it, his one desire

(i know things about him that you wouldn't want to read about)

he kissed me, his one and only (yes) Beautiful ''Liar''

(tell me how you tolerate the things you've just found out about)

you never know

why are we the ones to suffer?

i have to let go

he won't be the one to cry

let's not kill the karma

let's not start a fight

it's not worth the drama

for a beautiful liar

can't we laugh about it

it's not worth our time

we can live with out him

just a beautiful liar

Nakarating ako sa sementeryo ng hindi ko namamalayan. Malayo ang lugar na yun pero pakiramdam ko sobrang lapit. Ganun talaga siguro pag lumilipad ang utak mo.

Naglakad lakad ako. Pumulot ako ng kandilang hindi naupos malamang namatay ang apoy dahil sa hangin. Pagkakuha ko, nakisindi ako sa katabing puntod at itinirik ko yun sa puntod ng Tatay.

Sobrang lungkot. Napaiyak ako ng hindi ko namamalayan. Yung iyak na kahit pigilan mo hindi mo mapigilan.

''sorry'', hindi ako nagkakamali kung kanino galing ang boses na yun, kay kuya John.

Prime: oh bakit ka nandito?

John: gusto kong mag sorry sayo Prime. (malungkot na tinig niya)

Prime: panindigan mo yan! (motto ko, haha. pero sa oras na yon ayoko munang marinig lahat ng sasabihin niya)

John: hindi ko kasi alam na magkaibigan kayo ni...

Prime: so balak mo talaga akong lokohin, yun nga lang nagkamali ka dahil magkaibigan kame? sa ngayon hindi ako handa sa paliwanag mo kaya umalis ka muna. (hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil ayokong maawa)

John: mahal kita, sana mapatawad mo ko.

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. At alam kong naglakad na siya paalis. Nagpalipas ako ng isang oras bago umuwi. Pakiramdam ko nawalan na ng kulay ang buhay ko.

Naisip ko ''pano na yan?''. Minsan na nga lang may magmahal sa akin, manloloko pa.

Kinabukasan...

Hindi ako pumunta kela Mark. Gusto ko munang maglibang kahit papano. Hindi ko inaasahang makikita ko si Ate Anne.

Anne: hello Prime, musta?

Prime: okay lang te, sige mauna muna ko ah (pag iwas ko sa kanya)

Anne: ah o sige, may lakad din ako e.

Nung nasabi niyang may lakad siya, pumasok sa isip ko na pupuntahan niya si Kuya John. Kaya naisipan kong sundan siya. Para akong espiya na tinitiktikan ang isang biktima.

Sa kasamaang palad may nakabangga ako at hindi inaasahang sumabit ang key chain ng wallet niya sa style ng gutay gutay kong short.

Nagtagal pa kami bago magtanggal ng lalake ang wallet niya. May itsura siya at masasabi mong pwede na. Maingat siya sa pag alis parang maginoo. Ang nakakahiyang parte ay sa may bandang hita ko sumabit yung pitaka niya. Parang siya din ay nahihiya sa nangyari.

Prime: kuya salamat po at sorry. (pasasalamat ko sa pagkaka alis nung pitaka at pag sosorry dun sa pagkakabangga ko)

?: ayos lang, sa susunod mag ingat ka na lang at wag mag papaloko. (sabay alis)

Over. Naisip ko na baka siya ang nagligtas sakin nun. Lagi niyang sinasabi na wag akong magpaloko. Ano kaya ang ibig sabihin niya. May kinalaman kaya ito kay Kuya John. Bago pa ako tuluyang matulala. Bigla kong naalalang sinusundan ko pala si ate Anne.

Isa lang naman ang way ng daanan kaya ilang takbo ko lang nakita ko ulit siya. Hanggang sa makarating siya sa park ng baranggay hall.

Doon ko nakumpirma na si Kuya John ang katagpo niya. Nainis ako kay kuya John, kasi wala talaga siyang paninindigan. Kung mahal niya ko dapat hihiwalayan na niya si ate Anne. Pero naaawa din ako kay ate Anne kasi alam kong malulungkot siya pag nalaman niyang si Kuya John at Juan ay iisa.

Hindi ko napansin pero nakita pala ako ni Ate Anne na nakatingin sa kanila. Kaya dali dali siyang tumungo palapit sakin at agad naman akong umalis.

Anne: Prime sandali.

(hindi ko pinansin, tumakbo na din siya at naabutan niya ko)

Anne: uy ano bang nangyayari sayo?

Prime: wala ate, bumalik ka na kay Kuya John (Juan pala dapat, lagot na)

Anne: anung kuya John? (nagtatakang tanong ni Ate)

Prime: wala kuya Juan pala.

Anne: hindi, hindi kita maintindihan, bakit ka ba nagkakaganyan?

Prime: wala nga ate ang kulit mo!

Anne: hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi ang problema mo!

Prime: masasaktan ka lang, wag mo nang alamin!

Anne: handa akong masaktan, malaman ko lang, kaibigan kita Prime tandaan mo yan.

Umalis ako pero sadyang makulit talaga si Ate Anne.

Anne: sabihi- (hindi ko na siya pinatapos at sinabi ko na ang totoo)

Prime: si Juan mo at kuya ko ay iisa! (sabay lakad palayo)

Natulala sandali si Ate Anne. At nakita kong lumapit siya kay Kuya John. Hindi ko na tiningnan pa ang gagawin niya at nagsimula na akong nag lakad palayo.

I trusted Him, but when i followed you, i saw you together

(i didn't know about you then til i saw you with him again)

i walked in on your love scene, slow dancing

(you stole everything how can you say i did you wrong)

well never know

when the pain and heartbreaks over?

I have to let go

the innocence is gone

let's not kill the Karma

let's not start a fight

it's not worth the drama

for a Beautiful Liar

can't we laugh about it

it's not worth our time

we can live with out him

just a beautiful Liar

Prime!, tawag sakin ng isang pamilyar na boses, kay ate Anne

Hindi ko alam hinabol pala niya ko. Nakita ko sa mga mata niya na halatang umiyak din siya.

Prime: wag kang mag alala ate hindi ko siya aagawin.

Anne: anu ka ba, hiniwalayan ko na siya, mas mahalaga ang pagkakaibigan natin.

Dahil sa sinabi niya. May ngiting sumilip sa mukha ko, hindi dahil sa hiniwalayan na niya si Kuya, kundi dahil sa buo parin ang pagkakaibigan namin.

tell me how to forgive you

whem its me who's ashamed

and i wish i could free you

of the hurt and the pain

but the answer is simple

HE'S the one to blame...

let's not kill the Karma

let's not start a fight

it's not worth the drama

for a Beautiful Liar

can't we laugh about it

it's not worth our time

we can live with out him

just a beautiful Liar

Prime: ate anu nga pala ang reaksyon ni Kuya John?

Anne: amm (nakangiting pabitin ni ate)

Itutuloy…

4 comments:

  1. bitin talaga tsaka nasasapawan nang lyrics ok lng sana kaso bitin hehehe....

    ReplyDelete
  2. ok po thanks sana mabawi sa part 10....aabangan ko po kasunod wag nyo po madaliin para gumanda lalo kumbaga pahinugin nyo mabuti sa drafs nyo para good script po....PEACE

    ReplyDelete
  3. parts (JS) ...asan na ang continuation...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails