Followers

Thursday, April 19, 2012

Palitan Ng Puso [9]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: gemtboy@yahoo.com

Author’s Note:

Una, gusto kong i-acknowledge ang ating mga models. Salamat pos a pagpaunlak ninyo na maging model faces ng aking kuwento:

Ian: Rich Fernandez
Marco: Eduardo de le Fuente
Prime: Jonjon Rivera

Pede po ninyong ma search sila sa fb.

Haisssttt! Mukhang malapit nang magtapos ang “Short Story” na ito...

1052 na ang MSOB followers! Salamat sa patuloy na pagsuporta sa mga kuwento ng MSOB at lalo na sa mga commenters!

Mukhang s asusunod na chap na ito magtapos. Kasi guys, busy na ako at baka matagalan na naman ang posting sa ending. In a week or two lang naman. Di bale, kaya naman antayin yion di ba? Hehehe. But i’ll try to post it the earliest I can. (Wow! English!) Hehehe.

Kanino nga ba mapupunta si Ian? Sino ang karapat-dapat na mahalin niya? Siya ba talaga ang pipili kung sino, o tadhana lang ang makapagsabi... Ayiiiiiiii!!!

O sya, samahan pa rin ninyo ako sa aking pagtuklas sa kahinatnan ng buhay pag-ibig nina Ian, Prime, at Marco. See you there sa huli nitong kuwento!

Happy reading!

-Mikejuha-

----------------------------------

Ako si Ian

Heto ang boyfriend ko, si Marco
Heto naman ang best friend ko, si Prime


Heto ang theme song namin


At heto ang kuwento namin -

---------------------------

Nagpatuloy na lang kami sa pakikinig sa kanilang usapan.

“Mare naman... huwag na nating pag-usapan iyan. Tahimik na ang buhay ko. At si Prime, ang alam niyang ama ay si Edgar.”

“Ikaw naman kasi... bakit ka ba nagpakasal sa baklang si Edgar alam mo namang si Nolan ang ama ni Prime.”

“Eh... nasaktan ako eh. E, si Edgar, mabait at kahit alam niyang buntis ako, paninindigan naman daw niya ang pagiging ama nito.”

“Oo paninindigan. Pero nasaan siya ngayon? Sa lalaki pa rin napunta. Pero si Edgar, nagkamali lang iyon mare. Lalaki iyong tao, eh. Kung nagkamali man siya, hindi ibig sabihin noon ay hindi ka niya mahal. Anong magagawa mo kung may ibang babaeng umaaligid sa kanya? Ang guwapo-guwapo kaya ni Nolan...”

“Basta mare... huwag na nating pag-usapan iyan. Baka mamaya, biglang dumating si Prime. Ayokong magulo na naman ang isip ng bata. At si Nolan, hindi niya alam na nagbunga ang aming pag-iibigan. Kaya dapat lang na isara na natin ang issue na to, please?”

“Hay naku...” natahimik nang sandali. “O siya. Isara na kung isara. Maiba tayo, sasama ka ba sa akin sa meeting?”

“Ngayon na ba?”

“Oo... Heto lang ang isusuot ko. Puwede na ba ito?”

“Walang problema. Ako nga eh, nakapambahay lang...”

At narinig namin ang mga yapak nilang palabas ng bahay.

Tiningnan ko si Prime. Nakayuko siya hawak-hawak ng dalawang kamay an kanyang ulo na tila ba gulong-gulo na ang isip.

Umusog ako sa pagkakaupo palapit sa kanya. Noong tiningnan ko ang kanyang mukha, umiyak na pala ito. Niyakap ko siya. Hinaplos ang kanyang likod. “Tol... n-nandito lang ako tol...”

Hinayaan lang niya akong yakapin siya. “Ansakit ng kanilang ginawa sa akin. Ano bang akala nila? Isang robot ba ako? Isang laruan? Hindi ba nila naintindihang may damdamin ako?”

“B-baka sa panahong iyon tol ay... gulong-gulo rin ang isip ng mama mo kung kaya hindi niya alam ang kanyang gagawin. S-siguro, sobrang sakit ang naramdaman niya dahil sa pagtaksil sa kanya ng papa mo.”

“Nasaktan siya... sarili lang niya ang kanyang iniisip. E di sana ay ipinalaglag na lang niya ako sa kanyang sinapupunan o kaya ay sinakal noong isinilang ako para hindi na aabot pa sa ganito at hindi ko rin maramdaman ang sakit...”

Natahimik ako. Bumalik din kasi sa aking alaala ang sakit na naramdaman noong itinakwil niya ako. “A-alam mo. tol... hindi sa kinakampihan ko ang mama mo ha, naisip ko lang na hindi mo rin siya masisisi eh. Kasi ako man, naranasan ko iyon; n-noong itinakwil mo ako. Noong pinagtawanan ako ng mga kaibigan mo, sinisigawan na bakla. Para akong mababaliw noon. Gusto ko na nga lang sanang magpakamatay. Ngunit na-overcome ko rin ito. At marahil, nangyari iyon upang makilala ko si Marco. B-baka iyon ang dahilan.”

Siya naman ang natahimik, nanatiling nakayuko.

“At ikaw... sigurado naman, naramdaman mo rin ang ganoong sakit; noong may ginawa ako sa iyo. Di ba pagtaaksil sa tiwala mo ang ginawa ko. Nasaktan ka, nagalit sa akin... at ano naman kaya ang maaaring naidulot nitong maganda? Heto, mas nakilala natin ang isa’t-isa. Narealize mo sa iyong sarili na hindi mo pala kayang mawala ako sa buhay mo; na walang kahit anong pagkakamali ang makapaghiwalay sa dalawang tunay na magkakaibigan. Sabi mo nga, kahit mawala pa ang tiwala ko sa iyo, basta best friend pa rin tayo. Mas mahalaga ang pagiging best friend natin kaysa tiwala. Ang tiwala, nababawasan, nababasag, ngunit ang pagiging best friend ay nandyan lang palagi. At ang pananatiling magbestfriends natin ang siyang magiging tulay upang mabuo muli ang kung ano mang pagtitiwala na nabasag o nabawasan.”

Tahimik pa rin siyang nakinig.

“Happy ka ba na nagkabalikan tayo?”

Tumango siya.

“Happy ka ba na mas naging close pa tayo?”

Tumango uli siya.

“Happy ka ban a mas nakilala pa natin ang isa’t-isa dahil sa nangyari?”

Tumango na naman siya.

“Pwes iyan maaari ang dahilan kung bakit nangyari ang ganoon sa atin. Upang pagtibayin pa ang ating pagiging magkaibigan. Ngayon, sa nangyari sa mama mo at sa nasaktan mo ng damdamin, maaaring may dahilan din ang lahat tol... Malay mo a baka kung nagkatuluyan sila ay bubugbugin lang ang mama mo, o ba kaya ay may mangyaring masama sa kanya dahil sa sama ng loob. O baka rin ang dahilan ay hindi pa natin alam at tanging panahon lamang ang makapagsabi.”

Tahimik pa rin siya. “P-palipasin mo ang dalawa o tatlong araw tol... o kaya iyong panahon na handa ka na, malamig na ang ulo mo at kausapin mo ang mama mo. Huwag muna ngayong med’yo masakit pa sa iyo ang lahat. Kapag nahimasmasan ka na at kampante na ang iyong isip, hindi ka makapagbitiw ng masasakit na salita. Pakingan mo lang ang mama mo sa kanyang sasabihin. Sigurado ako, may dahilan siya at alam ko, matindi rin ang naramdaman niyang awa siya sa iyo.”

“Sige tol. Iyan ang gagawin ko. K-kasi, gusto ko ring hanapin ang tunay kong ama.” Sambit niya.

Happy na sana ako na parang natanggap na niya ang kanyang narinig. Ngunit bigla akong kinabahan noong nakita ko sa kanyang mukha ang pamumutla at ang hirap niyang paghinga.

“Tol! Tol!!!!” sambit ko. “Napaano ka???”

Ngunit hindi na siya halos makagalaw at nanatiling nakasandal na lang sa dingding na parang naubusan ng lakas.

Dali-dali kong tinanggal ang kanyang t-shirt, pinahiga siya at kinuha ko ang balm sa aking bag at minasahe ang kanyang dibdib at likod. “Tol... natatakot na ako sa iyo tol ah! Huwag kang ganyan! Kaya mo iyan tol!” sambit bagamat naiiyak na sa sobrang takot at awa sa kanya.

Maya-maya naman ay nahimasmasan na uli siya. Gumalaw na, nakapagsalita na, bagamat parang disoriented. “D-dapat siguro tol ay magpatingin ka na sa duktor.” Mungkahi ko.

“Wala ito ah! Allergy nga lang iyan...” sagot naman niya na parang nairita sa aking sinabi.

“O sya... pero pangako mo sa akin ha na kakayanin mo ang lahat nang ito? Iyong problema mo sa iyong pamilya; na kaya mo itong harapin... malagpasan. At iyang sakit mo, alagaanmo ang sarili mo!” pagmamaktol ko.

Tumango siya.

“Promise?”

“Promise!”

“Cross your heart?”

“Cross my heart...”

Iyon ang usapan namin. At dahil gusto raw niyang malimutan ang lahat, iminungkahi niyang gagala na lang muna kami. Kaya napagdesisyonan naming sa lugar namin pumunta dahil may ilog at maliligo na lang kami doon.

Noong nasa bahay na naming kami, nagluto kami ng saging at kamote at iyon ang baon namin sa paliligo sa ilog. Kahit kaming dalawa lang, masaya kami. Tawanan, harutan, paligsahan sa paglangoy.

Maya-maya, habang naglalangoy kami, bigla na naman siyang sumigaw ng, “Tol! Tulong! Di ako makahinga!” At iyon na. Hindi ko na siya nakitang lumangoy sa tubig.

Syempre, kinabahan na naman ako. Nasa tubig kaya kami at hindi ko alam kung paano siya sagipin. Noong nilapitan ko siya, nakalutang lang siyang parang nakadapa, subsob ang mukha sa tubig.

Dali-dali kong hinablot ang kanyang buhok at hinila patungo sa dalampasigan at noong nasa mababaw na bahagi na kami ng tubig, hinatak ko ang katawan niya atsaka inihigang patihaya sa buhanginan ng dalampasigan. Inuga ko ang kanyang katawan. “Tol! Tol! Huwag kang ganyan! Tolllll!”

Idiniin ko ang aking tainga sa kanyang dibdib at napansin kong parang hindi na siya huminga kung kaya dali-dali kong idiniin sa kanyang dibdib ang aking kamay, binigyna ng CPR. Binigyan ko rin siya ng mouth-to-mouth.

Nasa ganoon ako kagulantang sa pagbibigay ng mouth-to-mouth noong bigla ba namang naramdaman kong sinipsip nya ang aking mga labi at ipinasok pa sa aking bibig ang kanyang dila atsaka nilaro-laro noon ang kaloob-looban ng aking bibig.

Habang naglapat ang aming mga bibig, hawak-hawak ko pa ang kanyang ulo, tiningnan ko ang kanyang mukha. Nakapikit pa rin ito at ang kanyang dalawang kamay ay nanatiling nakalatag lang sa buhangin, sa gilid ng kanyang katawan.

Sa pagkabigla ko, kumalas ako atsaka hinawakan ang leeg niya, pabirong sinakal. “Pilyo kaaaaa!!!” sigaw ko.

Iminulat niya ang kanyang mga mata sabay tawa. “Sarap ng halik!”

“Tado! Tsansingero!!!”

At nagpambuno kami sa buhanginan. Nagpagulong-gulong hanggang sa napagod at nahinto sa aming pagsambuno, nanatiling magkayakap, habol-habol ang aming paghinga.

“Alam mo tol... ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin” sambit ni Prime.

“Ikaw rin. Maligaya akong kasama ka.” Sagot ko.

“Kaso may Marco ka naman...”

“Woi... nagseselos.”

“Oo naman. Bakit wala ba akong karapatang magselos?”

Natameme naman ako. Oo nga naman. Best friend ko siya at... siguro, karapatan din niyang magselos.

“Best friend kaya kita...” sambit niya.

“Oo na. May karapatan ka nang magselos.” Sagot ko.

Ngunit mas lalo pa akong natameme noong nagsalita siya muli. “Sino ang pipiliin mo... boyfriend o best friend? Kung nasa isang barko tayo at nalunod ito, ikaw lang ang marunog lumangoy. Sino ang iyong sasagipin?”

Natahimik ako nang sandali. Nag-isip. Ngunit nahirapan talaga ako. Parang gusto kong umiyak. Kasi naman, malay natin, kung darating talaga ang pagkakataong iyon, sino nga ba? Mahal ko si Prime, best friend ko siya, halos lahat ng mga bagay sa isa’t-isa ay alam namin, ngunit mahal ko rin naman si Marco... mabait siya sa akin, sweet, at higit sa lahat, siya ang aking boyfriend.

“Hindi ka makasagot ano...?”

“Mahirap eh. Pareho kayong matimbang sa puso ko. P-pero siguro kapag dumating na ang pagkakataong iyon, saka na ako magpasya.”

“Kapag nasa isang barko na tayo at nalunod na ito?”

“Oo...”

“Ah...” sagot niya “Pero kapag dumating din talaga ang araw na iyon, hindi na kita pahihirapan. Kasi kapag ganoon... mahihirapan din ako, masasaktan.”

“... na pumili kung sino ang iyon sasagipin?”

“... na makitang nahirapn kang magdesisyon. Kaya kung mangyayri na darating ang araw na pipili ka kung sino ang sasagipin mo, ako na mismo ang aalis upang hindi ka mahirapan, o kung kagaya nang sa tubig man, ok lang sa akin ang malunod at mawala sa mundong ito... Ang mahalaga para sa akin ay masaya ka sa kanya. At alam ko naman na hindi ka niya pababayaan. Kayo naman talaga ang nararapat, di ba?” Natahimik siya nang sandali. “Atsaka, marami akong problema sa mundo, at isa pa, iyong tiwala mo sa akin na nabawasan na...”

Napatitig ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita. Parang gusto kong maiyak sa kanyang ka-sweetan. “Pero kung sakaling mangyayari man iyan tol... na ikaw ang sasagipin ko hindi iyan dahil gusto mo kundi dahil iyan ang udyok ng puso ko. Kahit sabihin mo sa akin na siya ang aking sagipin kung ang udyok ng puso ko ay ikaw, puso ko pa rin ang aking sundin. Atsaka hindi ba, sabi mo, sa pagitan ng pagiging mag best friends at tiwala, mas importante ang pagiging magbest friends natin. Mabawasan mang ang tiwala ko sa iyo, ipadama mo pa rin sa akin na best friend mo ako; na nandyan ka lang para sa akin.”

Tumango siya. “Pero mas maganda pa rin na buo ang tiwala ng best friend mo sa iyo.”

“Buo... as in puno?”

Natawa siya, naalala marahil ang kanyang garapon na kaunti na lang ang laman na buhangin.

Tahimik.

“Basta tol... kung nahirapan ka, isipin mo na nahihirapan din akong tingnan kang nahihirapan. At kapag darating ang puntong mamimili ako, pipilitin kong kayong dalawa ni Marco ang sasagipin ko. Ayokong mawala kayo pareho sa buhay ko. Nakita mo ang larawan natin sa motorsiklo? Ano pa ang silbi noon kung isa sa inyo ang mawala? Kung mawala si Marco, sino pa ang magda-drive? Kung mawala ka, sino pa ang yayakap sa akin sa likod, magbabantay at magpaalalang ligtas ako sa aking pagsakay at hindi malalaglag?”

Hindi siya umimik. At naalimpungatan ko na lang na siniil niya ng halik ang mga labi ko...

Hinayaan ko siya. Ngunit kagaya ng dati, hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Ayokong magtaksil kay Marco. Ayoko nang dagdagan pa ang aking kasalanan sa kanya. Ayoko na ring magkamaling muli. Alam ko, may isang bagay pang hindi ko naibunyag kay Marco. Ang aking pagsisinungaling tungkol kay Prime; na si Prime ang kaibigang pinagsamantalahan ko...

Natapos ang paliligo naming iyon. Nakapagbihis na kaming pareho at handa nang umalis noong tinanongko siya. “Dala-dala mo ba sa bag mo ang garapon ng mga buhangin?”

“Oo tol... dala ko palagi ito.”

“Akin na....” sambit ko.

“B-bakit?”

“Basta ilabas mo lang.”

Pansin ang pagdadalawang-isip, hinugot pa rin niya ito.

Kinuha ko ito sa kanyang kamay. Noong nasa akin na ang maliit na garapon, binuksan ko ito. “Di ba ito ang natitirang tiwala ko para sa iyo?” tanong ko.

“O-oo! Huwag mong sabihing ibuhos mo na iyan? Inalagaan ko iyan!” sigaw niya.

Hindi ako sumagot. Yumuko ako, dumakot ng buhangin sa aking kamay atsaka ipinasok ang mga ito sa kanyang garapon. “O... puno na siya uli!” sambit ko sabay abot sa kanya noon.

Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya ako, binitiwan ang isang nakakabighaning ngiti.

Tumalikod lang ako deretsong naglakad.

Ngunit hinabo niya ako at niyakap ng mahigpit. “Salamat tol... Maraming salamat...”

Kahit papaano, naging masaya ang araw namin ni Prime; kahit papaano, panandaliang nalimutan niya ang sakit sa nalamang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao; sa kanyang tunay na ama; kahit papaano, kampante na ang isip niya na nabuo na muli ang tiwala ko sa kanya.

Kinabukasan, nagtext ang tita ni Marco. Pinakisuyuan niya kami na pumunta sa restobar. Doon namin nalaman na tungkol pala ito sa plano niyang pa-birthday ni Marco kinabukasan. Alam ko iyon ngunit syempre, sa sarili ko lang iyon at balak kong magplano kami ni Prime sa gabi na. Naunahan lang ako sa tita niya. May sorpresa raw kaming gagawin para sa kanya.

Natuwa naman ako. Ibig sabihin, masaya ito. At ang naisipan naming sorpresa ay ang pagsara ng isang private na area sa resto-bar at doon maglagay ng mga decorations, streamer ng “Happy Birthday!” mga balloons, at iba’t-ibang palamuti. Kunyari ay sa labas iisiping wala kaming preparasyon. At pati kami mismo ay hindi magpapakita sa kanya at magtatago na lamang sa kuwartong iyon. Kami lang naman na mga kasama sa banda at stand up comedians ng resto ang kasali. Mga malalapit na kaibigan kumbaga. At kapag darating na siya sa restobar, ang tita niya ang magdala sa kanya doon, bubuksan ang madilim na kuwarto at kapag nabuksan na, atsaka liliwanag ito. At presto! Makikita niya ang mga dekorasyon, mga ballons at streamers, at kaming mga nasa loob na naka birthday outfit.

Maganda ang aming planong iyon. At ang aking inihandang regalo sa kanya? Ipinalaminte na litrato naming tatlo kung saan nakaangkas kami sa motorsiklo. Iyong may dedications naming tatlo rin. Niregaluhan ko rin siya ng birthday card at isang box ng brief na may tatlong pirasong laman.

Araw ng Lunes, birthday niya. Hindi ko alam kung dumating na siya. Hindi naman kasi siya nakakapagtext na sa akin gawa nang nawala nga daw ang cp niya. Iyan din ang ipinag-alala ko at ikinalungkot dahil wala na kaming contact sa isa’t-isa. Mahirap din para sa akin iyon.

Dali-dali kaming nagtungo ni Prime sa restobar pagkatapos ng aming klase. Alas otso na ng gabi ngunit wala pa si Marco. Napag-alaman kong hindi raw siya dumating sa araw na iyon.

Ngunit naghintay pa rin kami. Hindi kami lumabas sa loob ng kuwartong iyon ng restobar.

Ala 9 ng gabi noong nagtip off na ang tita ni Marco na on the way na raw siya. Dali-dali kaming nagtago muli sa kuwarto. At hindi nga nagtagal, biglang bumukas ang pinto.

“Bakit nasaan ba sila tita?” ang narinig kong tanong ni Marco

At doon na binuksan ng tita niya ang ilaw, “Surprise!”

Kitang-kita ko sa mga mata ni Marco ang ibayong pagkagulat. Kinantahan kaagad namin siya ng “Happy Birthday”. Pagkatapos noon ay may kainan, kantahan, at kasiyahan.

Ngunit habang nagkakasiyahan ang grupo, dinala niya ako sa seawall at doon kami nag-usap. Nagkuwentuhan kaming dalawa. Ibinigay ko ang aking regalo sa kanya. “Sensya na... iyan lang ang kaya kong i-regalo eh.” Sambit ko.

Tinanggap niya ito. Binuksan at noong nakita ang litrato na ipinalaminate ko, natawa siya. Pinagmasdan ito. At ewan, parang may lungkot sa kanyang mga mata noong pinagmasdan niya ito. Bagamat nakangiti siya, pansin ko pa riin ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakakapanibago. Para siyang matamlay, hapo, pagod...

Tiningnan niya ako, binitiwan ang isang ngiti sabay sambit ng, “S-alamat...” at hinalikan ako. “Alam mo, may regalo din ako sa iyo, heto...” at inabot niya sa akin ang isang cd. “Ang kantang gusto kong ibigay sa iyo d’yan ay ang ‘Photographs and Memories’ para kapag kung saan man tayo mapadpad at makikita natin ang litratong ito, maalala natin ang nakaraan...”

Kinuha ko ang cd niya “S-salamat...”

Tumayo naman sya, nagpaalam na kunin ang gitara niya sa loob ng resto. Noong bumalik na, “Kantahan kita ha?” sambit niya habang naupo muli sa seawall at tumugtog –


Photographs and memories
Birthday cards you sent to me
All that I have are these
To remember you

Memories that come at night
Take me to another time
Back to a happier day
When I called you mine

But we sure had a good time
When we started way back when
Morning walks and bedroom talks
Oh how I loved you then

Summer skies and lullabies
Nights we couldn't say good-bye
And of all of the things that we knew
Not a dream survived

Photographs and memories
All the love you gave to me
Somehow it just can't be true
That's all I've left of you

But we sure had a good time
When we started way back when
Morning walks and bedroom talks
Oh how I loved you then

Maganda ang kanta, classic siya, bagamat hindi ko alam kung bakit iyon ang napili niyang kanta. Parang naiiba. Parang may lungkot. Pero dahil iyon ang pinili niya kung kaya ay nagustuhan ko na rin. Tama nga naman din. Sa paglipas ng mga araw, magiging luma na ang litrato naming iyon at kami, tatanda na rin at... ang isang tanong ay kung kung saan hahantong ang aming pagmamahalan. Hindi namin alam...

Hindi ko napigilang maluha sa kanyang pagkanta. Nakita ko kasing malungkot din siya at ewan, hindi ko talaga maintindihan ang insata niyang iyon. Naturingang birthday niya ngunit parang ang lungkot-lungkot namin. Sa panig niya, hindi ko alam ang dahilan. At sa panig ko, may mga katanungang parang noon lang sumagi sa aking isip, “Oo nga. Paano kung tatanda kami, o darating ang ilang taon, kami pa kaya? Hindi naman kami puwedeng magpakasal o magkatuluyan kasi, lahat naman ng relasyon na kagaya nang sa amin ay hindi tumatagal.” Para bang sobrang kung noon ay naalipin ako at namuhay sa fantasy land ng kanyang pag-ibig ngunit sa pagkakataong iyon ay bigla akong nagising sa katotohanan, ginising sa lungkot ng himig ng kanyang kanta.

“Bakit ka umiyak?” tanong ko noong nakitang tumulo na ang kanyang mga luha.

“Wala... na-miss lang kita. Ikaw, bakit ka umiyak?” ang tanong din niya sa akin noong nakita niyang nagpapahid na ako ng luha.

Natahimik ako sandali. Iyon bang parang hinalukay ko sa kailaliman ng aking isip ang tanong na sa pagkakataong iyon ko lamang napagtuunan ng pansin. “H-hanggang kailan kaya tayo magiging ganito? Sa isang buwan, sa isang taon, o sa isang dekada kaya ay nariyan ka pa? O... baka ang relasyon din natin ay kagaya sa mga katulad ng iba d’yan na humantong sa hiwalayan... O ba kaya ay iiwan mo na lang ako at basta na lang maglaho, mangarap na bumuo ng isang pamilya, magpakasal sa isang babae...?”

“Huwag kang mag-isip ng ganyan burj. Basta, isipin mo palagi na mahal na mahal kita at pangko ko sa iyo na nariyan lang ako palagi sa iyong piling” sabay yakap sa akin, pinahid ng kamay niya ang mga luha sa aking pisngi.

Hindi na lang ako umimik.

Tahimik.

“P-pasensya na kung napadalas ang pag-uwi ko. M-may inasikaso lang kasi ako sa amin.” Ang pagbasag niya sa katahimikan.

“M-may problema ka ba?” ang tanong ko.

“Wala akong problema. Sa pamilya ko lang. Kaunti lang naman. At sasabihin ko ito sa iyo sa darating na mga araw. Huwag muna ngayon. Basta ikaw, huwag kang mag-alala sa akin. At palagi ka lang sumama kay tol Prime para di ka malungkot ha?”

Tumango ako.

“O sya, babalik na naman ako sa probinsya kasi kailangan lang talagang makabalik ako eh.”

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Kararating lang kasi niya, may pasok at birthday pa, tapos saglit lang pala siya. “A-anong oras na ba? Mag-aalas onse na ng gabi ah! Babalik ka pa ba? Baka mapahamak ka.” ang sambit ko.

“K-kailangang burj... S-sorry ha? Kailangan lang talaga. Kayo na ang bahala ni tol Prime dito. Huwag kang mag-alala sa akin. Ok lang ako.” At tumayo na siya, hinila ang aking kamay upang makatayo na rin.

“Paano na ang klase mo?”

“Ok lang... hahabulin ko rin iyan, kung kaya ko. Kung hindi naman, bahala na si batman. Basta ngayon, kailangan ko munang umuwi ha?”

At dumeretso na kami sa restobar. Nagpaalam siya sa mga ka tropa namin at sa kanyang tita. Sabi niya, “Tita, kayo na po muna ang bahala kina Ian at Prime. Sa collapsible ceiling bed na lang sila matutulog po...”

Tumango naman ang tita niya. At muli, hinila ako patungo sa garahe ng restobar kung saan nakaparada ang kanyang motorsiklo. Umangkas siya dito atsaka hinalikan ako sa bibig. “I love you burj... mag ingat ka palagi ha?”

Hindi na ako nakasagot pa gawa ng mabilis din niyang pagpaandar sa kanyang motor.

Sa gabing iyon, halos hindi ako nakatulog sa kaiisip kung bakit kailangan niyang umabsent sa klase, at kailangan niyang umalis. Pabaling-baling ako sa higaan. Pati si Prime ay naguluhan din. Ngunit naintindihan naman niya ako. At ang sabi lang niya ay, “Dapat maging matatag ka tol... sabi mo nga sa akin, may dahilan ang lahat di ba? Mayroon siyang dahilan; kung kaya hintayin natin na sabihin niya iyon. Kailangan lamang ay magpakatatag tayong dalawa sa mga problemang kinakaharap natin ngayon.”

Kinabukasan, balik eskuwela na naman kami. Nalungkot ako na wala na naman si Marco sa piling ko. Dahil iba ang departamento ni Prime at iba rin ang mga subjects niya, talagang solo na lang akong pumapasok sa eskuwelahan. Sa break time nag-isa lang, nananghalian na solo.

Last break ko na iyon bago ang last subject noong nilapitan ako ng isa sa mga kasamahan naming bakla na stand up comedian na alam ang lihim namin ni Marco. Sa aming grupo kasi alam nilang talagang magkasintahan kami ni Marco. “Ian... alam mo, may ipakita ako sa iyo. Huwag kang mabigla ha?” sambit niya.

“B-bakit? Ano ba iyan?”

“Tara sa computer room. Sumaglit tayo roon.”

Tumalima naman ako. Noong binuksan na namin ang account niya sa facebook, may sinearch siyang pangalan. Isang babae. “Tingnan mo kung sino iyan. Di ba si Marco iyan?” sambit niya.

Tiningnan kong maigi ang litrato. Nakadamit pangkasal ang babae at kinarga siya ng isang lalaking naka-tuxedo at kamukhang-kamukha ni Marco! At may caption itong, “Birthday ng hubby ko... pinakasalan niya ako.”

Tiningnan ko ang petsa ng pagpost. Ito nga ang birthday ni Marco!

(Itutuloy)

29 comments:

  1. so...may gurl si Marco?
    Tsk tsk tsk, i hate him S'Mike!

    ReplyDelete
  2. shetness bakit nagpakasal si marco??? :( pero ok na rin si prime and ian na talaga magkakatuluyan, pero sayang naman...

    parang na sad ako na ewan, parang may inahanap pa ko na scene...hayyy neweys tnx po kuya sa mabilisang update..JhayL

    ReplyDelete
  3. basa mode.......!hehehe tnx sa updte kuya mike.....................,.ian at prime ung bet ko d2....!.....!............................................................................ras

    ReplyDelete
  4. tama pala ang iniisip ko babae ang inuuwian ni Marco. Siguro yung ex nya yun.??

    Nice kuya mike! Ang ganda!! Superb!

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. parang pasakit ng pasakit sa damdamin.. haist...

    "LHG"

    ReplyDelete
  6. e kung patayin ko kaya ung babae? kaasar! grrr.

    ReplyDelete
  7. hahah. sadista e noh? pero promise kakainis. tsk

    ReplyDelete
  8. Whoah. . Awch . . Skit nman n alam mung ngtaksil sau ang partner m0 at s ib mu pa nlaman. . Ang skit nman. . Masa2ktn na nman c Ian ni2. . Sv n nga b eh my gnagwa ng milagro c marco. . Tzk dnt w0rry ian nanjan p c prime but i kn0w mskt gnwa ni marc0. . PRIME IAN nlng. . . Nice nka2dla kua 2. . SNA d maxado mtgl updte. . Tnx

    ReplyDelete
  9. Magkapatid Nga sila Prime at Marco! alam cguro ni Marco yun kaya pinili na lng nyang magpakasal sa Gf nya.. para mg Give way kay Prime.. Ouch for Ian.. pero mas ok yung nangyari eh (hindi na mahihirpan si Ian kung sino ang sasagipin nya if ever malunod sila ).. siguro nga sila Ian at Prime para sa isa't isa.. :D

    Ang galing mo Mr. Author! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. YUN DIN ANG NASA ISIP KO.MAGAPATID SINA PRIME AT MARCO.. HEHEHHE

      JAZZ0903

      Delete
    2. ...Naiyak ako doon sa time na pinuno ulit ni ian ang grapon ng tiwala nya kay prime.....

      .... MALAMANG me sakit sa puso siguro si PRIME....At darating ang point na MAMATAY SIGURO SI MARCO dito..at idodonate nya ang puso nya kay PRIME..... HEHEHEHEH(PAEPAL LNG).....

      NOW I KNOW KAYA PALA PALTAN NG PUSO ANG TITLE.
      naalal ko lng kasi ang nbasa ko sa ibang chapter nito yung sinbi ni MARCO na sana sya ang puso ni PRIME..kasi mas mahal ni IAN..si PRIME...

      mr.OTOR(sir MIKE)...I LEARN A LOT SA STORIES...LOVE IS SACRIFICE INDEED ...HEART SPEAKS AND MIND INTERPRET WHAT OUR HEART FELT....
      JAZZ0903

      Delete
    3. tama JAZZ903 ganyan din nasa isip ko noon pa..na mangyayari yang bagay na yan "Palitan ng Puso" hayyy kakalungkot.. JhayL

      Delete
  10. nakakaiyak ang chapter na to, nice song kuya mike..

    nakakarelate tlga ako, bkit kya nagawa un ni marco, gusto ko pa nman c marco at ian ang magkatuluyan.

    anyways salamat kuya mike, sna po mas mahaba pa to story na to.

    <07>

    ReplyDelete
  11. nakaka inis ang mga twists ng story..!! siguro nga magkapatid si prime at marco..!! pwede favor kuya mike..??? wag mohng phirapan si ioan sa pagpili sa dalawa..??!!! :)

    -elie diocado-

    ReplyDelete
  12. It hurts. Pero kelangang tanggapin. Go lng! :D

    ReplyDelete
  13. grabe ung mga twist sir mike!! di ko na inaabangan ung mga xrated scenes! mas naeexcite ako sa mga twists! :)

    ReplyDelete
  14. GRABE.....skit nun cguro nga c marco at prime magkaptid kac hindi c edgar ung tatay ni marco kaya cguro lam nga ni marco un kaya nagpaubaya nlng sya sa kaptid nya kaya pla sabi ni marco na maging matatag ka lan!!!

    ReplyDelete
  15. sabi ko na nga ba eh

    ReplyDelete
  16. Nice kuya mike... Kalungkot naman... Nakaka relate nmn ako..



    John gomez

    ReplyDelete
  17. believe ako kay kuya mike maka litanya ng mga mensahe o dialogue..maganda talga..tnx kuya....bkit ganun kasal?sakit sa puso?hahayssss..next na poh kuya

    ReplyDelete
  18. walalastik para kong sinaksak sa puso sakit naman nun,
    dko ata kaya yun pagskin un nangyari baka anu magawa at maisip ko,kawawa ian..........
    in na away may maganda bukas parin para k ian n sasight ko yan
    kc andyan naman c prime lagi at mahal din xa nun more than bestfriends din un kya kahit papanu siguro tadhana talaga ang nagpapasya at hindi ang guhit ng palad gaya ng alam ng mga karamihan.....i hope maovercome ni ian ito.
    grabe ganda n talaga sana wag n muna magwakas...
    thanks po kuya mike.....tc

    ReplyDelete
  19. hahay. kuya mike. alam mo talaga kung ano ang magpapasakit sa puso ko. hehehehhehe.


    taga_cebu

    ReplyDelete
  20. there's a reason for every action...I can't wait for the reason of Marco why he married that girl, if ever it's true...

    ReplyDelete
  21. sayang nmn. i go for marco p nmn.

    ReplyDelete
  22. it hurt's naman!!! kng magkapatid man c marco at prime the story will be like Si utol at ang Chatmate ko...? I guess hindi cguro... Ka'abang abang tlaga ang story mo sir mike..., c prime at ian pa rin bet ko.. first love never dies kaya...

    ReplyDelete
  23. Haisxt' bkt b ganito lagi ang m0od pag m2m rel.
    Nai-stress ako haha'

    ReplyDelete
  24. just a comment, maybe if Ian and Prime will be together in the end.. i think it's better if we could also see an Ian-Prime ending? an alternate ending that is.. coz almost half of the votes were for Marco and it's maybe they're still hoping for an ending like that.. just a thought though :) but the plot/story is good, well done Mr. Mike! You did it again :)

    ReplyDelete
  25. The story made me cry how sad hu hu hu!!!

    -wendell fuellas

    ReplyDelete
  26. kakastress nmn yan!bkit nga kya nagawa ni marco un??tz idagdag pa ung comments sa taas..magkapatid nga kya c prime at marco??nabasa na cguro nila gang sa dulo ng story...

    Sana walang mabawas sa kanilang tatlo...kc me mga awkward moments na si marco at prime eh..lalo na si marco...

    *nakita q na sa fb ung model ni ian!!!ay naku!!!di ako makamove-on!!haha..

    -monty

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails