Photo from GoodHousekeeping.com
Halos tatlumpung minuto akong naghintay sa isang coffee shop kung saan namin napag-usapang magkikita. Matapos ang halos isang taon na hindi pagkikibuan, sa wakas, ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na harapin ako. Masyadong magulo ang sinapit ng aming pagkakaibigan. Sa totoo lang, hindi ko na nga matandaan kung ano ba ang pinagmulan ng problema dahil sobrang bilis ng mga pangyayari at nagsanga-sanga na ang mga ito.
Mula sa pagkakayuko ay tiningala ko
ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nakangiti siya sa akin. Biglang kumabog
ng mabilis ang aking dibdib at isang mayuming ngiti lang ang ibinigay ko sa
kanya.
“Kanina ka pa? Sorry natagalan ako.
Nag-asikaso pa kasi ako ng thesis.” ang pagpapatuloy niya matapos makaupo.
“Okay lang.” ang maikli kong
nasabi.
Nanibago ako. Tatlong taon na kaming
magkaibigan pero pakiramdam ko ay may kasama akong estranghero. Walang tigil
ang pagsulpot ng mga napakaraming tanong sa aking isipan habang nakatingin ako
sa kanya.
“Drinks at the bar for Lui!!” sigaw
ng barista sa ground floor ng shop.
Tumayo ako at bumaba upang kuhanin
ang in-order na drinks para sa aming dalawa. Nung nag-text kasi siya na
parating na siya ay um-order na agad ako.
“Here. Non-fat, no whip mocha frappe
with hazelnut syrup.” ang pag-aabot ko sa kanya ng inumin.
“Alam na alam mo pa rin ah.” ang
pagpansin niya sa pag-order ko ng usual drink niya.
“Of course.” ang maikli kong sagot.
Nagkamustahan kami na parang
dalawang magkaibigang matagal nang hindi nagkita. Kwentuhan tungkol sa mga
hiwalay na nangyari sa amin habang hindi kami nag-uusap. Pero kung tutuusin,
nasa isang class room lang naman kami araw-araw. Paulit-ulit kong
pinaalalahanan ang aking sarili na huwag pangunahan ang taong nasa aking
harapan at hayaan siyang magdala ng usapan.
“Ang close mo na sa mga bago nating
mga kaklase no?” ang pagpansin ko sa mga bago niyang mga nakakasama nang
maubusan na ako ng sasabihin.
“Oo. Masaya naman kasi silang
kasama.” ang nakangiti niyang sagot.
“Mukha nga.” ang pabulong kong
komento.
“Selos ka?” sabay tawa.
“Oo.” ang sagot ko bago pilit ring
tumawa.
“Wag.” ang bigla niyang
pagseryoso.
“Huh?” ang tanging nasabi ko.
Naramdaman ko na ang pagbago ng mood
ng aming pag-uusap. Kinabahan na naman ako. Hindi ko nga maintindihan e. Ito
naman ang gusto kong mangyari noon pa, ang makaharap ulit siya, pero sobrang
uneasy ko ngayon.
“Wag ka magselos sa mga 'yun.
Syempre, ikaw pa din ang mas mahalaga.” ang sabi niya.
Hindi ko alam pero hindi ako
nakaramdam ng kung anong kilig sa sinabi niya. Hindi tulad dati na sobrang saya
ko kapag nagiging cheesy na ang usapan namin.
“Talaga?” ang reaksyon ko.
“Oo. Kaya nga tayo nandito ngayon
diba? Ready na akong makipag-usap sa'yo ngayon.” ang sabi niya.
“Kung totoong mahalaga ako, bakit
ngayon lang? Bakit mo hinayaang humantong tayo sa ganito?” ang mga tanong ko.
“E aaminin ko sa'yo, sumama rin ang
loob ko sa nangyari.” ang sabi niya.
“Ano nga bang nangyari? Pwedeng
pakibigyan naman ako ng idea kasi hanggang ngayon, malabo sa akin ang lahat.
Bigla ka lang nawala na walang pasabi.” ang tuluy-tuloy kong pahayag.
“E kasi tingin ng tao sa akin,
kelangan kita sa lahat ng bagay, na kinakaibigan lang kita kasi may kailangan
ako sa'yo.” ang mabilis niyang sagot.
Kinailangan ko ng ilang minuto upang
i-proseso at hanapin ang koneksyon nun sa problema namin.
“Yun na 'yun? Sumama loob mo sa akin
dahil dun?” ang nainis kong tanong.
“Yung mga status mo sa Facebook at
Twitter ang kinainisan ko. Masyadong halatang ako naman 'yung pinapatamaan mo.
E para sa akin, pambabae lang 'yung ganon.” ang dagdag niya.
“So... Hinayaan mong masira tayo
dahil lang sa tingin ng iba sa'yo? Sa atin? Wow. Sana sinabihan mo na lang ako
kesa isang taon akong naghirap sa pag-iisip kung anong problema.” ang nasabi
ko sa sobrang inis.
“Marami akong gustong patunayan sa
sarili ko at sa ibang tao. Pero ang hirap gawin kasi lagi na lang akong nasa
shadow mo.“ ang pagsasabi niya ng totoo.
Napasandal ako sa aking kinauupuan at
nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Tiningnan ko ang
mangilan-ngilang tao na kasama naming sa ikalawang palapag ng kapehan na iyon.
Abala naman sila sa kani-kanilang mga ginagawa.
“Boch, sorry. Nakita ko naman 'yung
effort mo para ma-save 'tong friendship natin. Sorry. Hinayaan kong mauna ang
ego ko.” ang sabi niya nang hindi na ako muling nagsalita.
“Ilang buwan ko nang hinintay 'tong
pagkakataon na 'to na mag-uusap tayo. Kulang na lang maglupasay ako sa harap mo
para lang mapansin mo ako pero matigas ka talaga.” ang sabi ko habang
pinipigilan ang pag-iyak.
“Bochog...” ang pagsingit niya
kasabay ng paghablot sa kamay kong nakapatong sa mesa.
“Hindi
pa ako tapos.” ang pag-ilag ko sa kanyang mga kamay.
Nakita ko ang pagkagitla niya dahil
sa tono ko. Bumalik siya muli sa pagkakasandal sa upuan at bahagyang yumuko.
“Halos mabaliw ako sa kakaisip kung
anong nangyari. Bakit bigla kang nawala? Nung nilapitan kita one time para
mag-usap tayo, ano sabi mo sa akin? Itetext mo ako. Ginawa mo ba? Ganon ba
kahirap sabihin sa akin 'yung problema? Ever since naman, ako ang sounding
board mo sa mga problema mo sa ibang bagay. Ngayong tayo na ang nagkagulo, wala
ka man lang ginawa.” ang paglalabas ko ng hinanakit sa kanya.
“Nalimutan ko kasi...” ang mahina
niyang pagsagot.
“Kasi 'yun lang naman ang lagi mong
ginagawa – ang kalimutan ako.” ang pagsaba ko sa kanya.
“Hindi naman. Ikaw lang ang
nag-iisip ng ganyan.” ang depensa niya.
“Kasi 'yun ang pinapakita mo sa
akin. 'Yun ang pinaparamdam mo.” ang sabi ko sa kanya.
Agad kong pinunasan ang mga luhang
tumulo sa aking mga mata. Yumuko ako para itago sa kanya ang sakit na
nararamdaman ko.
“Hindi totoo 'yang sinasabi mo.”
ang tugon niya.
“Talaga? E anong tawag mo sa ginawa
mo sa akin buong summer at first sem?” ang tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa tanong ko.
Nakita kong nagbaba siya ng tingin bago ako muling tingnan sa mga mga mata.
“Alam
mo kung gaano kasakit?? Para
akong sinasaksak ng paulit-ulit araw-araw. Tuwing nakikita kitang masaya
kasama 'yung iba, naiisip ko, dati ako 'yang katabi mo. Tuwing
naririnig kitang
tumatawa, naaalala ko na dati ako 'yung katawanan mo dahil sa mga corny
mong
jokes...
Hindi ko na napigilan ang umiyak.
Pero panay ang pagpunas ko sa mga luhang tumutulo para maiwasan ang mga
mapanghusgang mata ng mga tao. Halos pumiyok na rin ako dahil sa pagpipigil na
hindi siya masigawan.
“...kapag nalalaman kong nakakuha ka
ng mataas na score sa quiz, naiisip ko na dati tayong dalawa ang magkasama
mag-aral. Wala na 'yun lahat ngayon. Nakikita ko ang bawat detalye ng mga
pangyayari. Nakikita kong kuntento ka na kahit wala ako. Araw-araw na
sinasampal sa akin ang katotohanan na hindi mo na ako kailangan. Hindi mo man
lang ba naisip na baka ako naman ang nangangailangan sa'yo?” ang mga sinabi ko
habang walang patid ang mga luha ko sa pagtulo.
Nakita ko ang pamumuo ng kanyang mga
luha. Agad rin siyang yumuko para itago ang mga ito. Wala na siyang ibang
naging bukambibig kung hindi “sorry”.
“Naiintindihan ko ang galit na
nararamdaman mo para sa akin. Take all the time you need. Just please
acknowledge that I'm sorry. Sana bumalik pa 'yung sigla ng friendship natin.” ang sabi niya nang mapunasan ang mga luha.
Sumabay sa paglalim ng gabi ang
paglawak ng katahimikang namagitan sa amin. Malalim akong nag-isip dahil sa
isang malaking desisyong aking gagawin. Bago pa man kasi siya muling
makipag-usap sa akin ay natanggap ko na ang katapusan ng aming pagkakaibigan.
Natanggap ko na na hanggang doon lang talaga kami. Pero mas pinili ko pa ring
paunlakan ang kanyang imbitasyon na mag-usap para na rin masagot ang lahat ng
aking mga katanungan. Gusto kong magsimula with a clean slate. Isa pa, gusto ko
nang magpakatotoo sa pamamagitan ng pagsasabi ng aking tunay na nararamdaman sa
kanya.
“Sabay ka na sa akin. Daan na kita
sa inyo.” ang alok niya nang magyaya na akong umuwi matapos mahimasmasan.
Pumayag
ako upang mas makapag-isip pa. Niyaya niya pa akong kumain pero tumanggi na
ako. Naging tahimik ang kabuuan ng aming biyahe hanggang sa umabot kami sa
tapat ng aming bahay.
“Labas ka sandali.” ang sabi ko sa
kanya bago ako lumabas sa sasakyan.
Tanging ang mga street lights na lang
ang nagsilbing liwanag sa labas dahil patay na halos lahat ang ilaw ng mga
bahay kasama na ang sa amin. Tumayo ako sa may gutter at hinintay siyang
lumapit sa akin.
“Just for tonight, I”ll be perfectly
honest with you.” ang sabi ko sa kanya.
Iniangat ko ang aking paa upang
maabot ang kanyang leeg. Ipinulupot ko dito ang dalawa kong braso at niyakap
siya nang mahigpit. Naramdaman kong ikinulong niya rin ang aking katawan bilang
tugon.
“Yatot.” ang bulong ko.
“Bochog.” ang sagot niya.
“Alam kong alam mo na 'to pero
sasabihin ko pa rin.” ang pagsisimula ko.
Ihinilig ko ang aking ulo sa kanyang
balikat at lalong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Hinaplos niya ang aking ulo
at nakinig sa aking sasabihin.
“Mahal na mahal kita. I didn't plan
to but I do. I love you, even though I never had you.” ang pagsasabi ko ng totoo
kong nararamdaman.
Kumawala ako sa aming yakapan at
tiningala siya. Tuluy-tuloy na naman ang mga luha na tumutulo sa aking mga
mata. Siya man ay umiiyak din. Pinunasan ng dalawa kong kamay ang magkabilang
pisngi niya. Para siyang bata at panay ang iling niya bilang hindi
pag-sang-ayon sa pinatutunguhan ng aking sinasabi.
“I know. And I'm sorry.” ang
pag-iyak niya.
“Huwag na huwag mong papabayaan ang
sarili mo ha? Iwasan ang sweets dahil alam mong diabetic ka. At aalagaan mo ang
bago mong girlfriend ngayon. Huwag mo siyang sasaktan. Iwasan ang pagmumura at
pananakit, okay? Lagi ka magsa-smile at bawasan mo ang pakikinig at paniniwala
sa sinasabi ng iba. Mag-iingat ka sa pagda-drive mo lagi at huwag iinit agad
ang ulo. Lagi mong tatandaan na...”, ang mga bilin ko sa kanya.
“Boch, ano ba 'yang sinasabi mo?”,
ang naguguluhan niyang tanong.
Mabilis ko siyang niyakap muli sa
huling pagkakataon. Halos hindi ko mabigkas ang mga huling katagang gusto kong
sabihin sa sobrang pag-iyak.
“I love you, yatot. Pero... suko na
ako. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Masyado nang masakit.” ang paalam ko.
Pumasok na ako sa loob ng aming bahay.
Dumiretso na ako sa aking kwarto at umupo sa gilid ng aking kama. Pinagpatuloy
ko ang pag-iyak hanggang sa narinig ko ang pagharurot ng kanyang kotse. Alam
kong ito na ang huling pagkakataon na iiyak ako dahil sa kanya. Pagod na ako.
Kailangan ko na siyang pakawalan dahil alam kong hangga't nandyan siya sa akin
ay aasa akong mamahalin niya ako balang araw. Pero imposible iyon. Masakit at
mahirap ang consequences ng aking desisyon pero kakayanin ko.
waah..ang galing mu kuya..sapol na sapol!! i know the feeling..i know the exact thing..i let go of him..i was tired and sick..he knows i love him..but i never confirmed it..i nver had the courage..but i let go..haist
ReplyDelete-john el-
relate! Hahaha :)
ReplyDelete-marcovelasco
so, nung first, nakita ko yung title,,,,,sabi ko..
ReplyDelete"ok,,,hmmm..wala pa namang updates yung iba, basahin ko kaya muna to"
tas nung nabasa ko yung first lines,,,parang... "ok,,,,so so"...
pero nung nabasa ko na lahat,,,sabi ko
"OH MY GOSH, ANG GANDA,,,,,KELAN NEXT UPDATE?!!!"
nyahahahahhaha...xD ang ganda po ng start
-cnjsaa15-
CLAP, CLAP, CLAP!!! WOW!!!
ReplyDeletesuper SIMPLE nung story, yet super NAKAKATOUCH naman, grabeh naiyak talaga akoh...
SANA MAY NEXT CHAPTER PAH.. (KASI I DONT WANT TO END IT THIS WAY) PLSSSSSSSSSSSSSSSSSSS.......
kwento yan ng writer, am i right lui?
ReplyDeletegoodluck sayo at sa bagong landas na tatahakin mo!
Sana may kasunod to na parts pero if wala, this one could really stand on its own. Galing. :-)
ReplyDeleteConfused... is this a short story or it has a sequel? This is really good, a reality bites. But for me it should have a sequel.
ReplyDeletehmmm,nice one, parang common sken e2. kc ilang beses ng nangyare but , the other way around saken aman.as yatot.
ReplyDeletegrabe tlga kka touch ung story i want to finish at the end sarap ulit-ulitin di nkksawa !!!
ReplyDelete^^ i like it !!! very much !!!!
ReplyDeleteThanks for all the kind comments.:) Short story lang po ito.:)
ReplyDelete"...I love you, eventhough i never had you.."
ReplyDeletenakakarelate ako.
omg skit nmn.......sna hwag mangyari skin yan................................................................ras
ReplyDelete....IT REALLY BITES MY HEART..IT HAPPENS ALL THE TIME......FINALLY ITS OUR DECISIONS WHO WILL SET US FREE.....AND WHEN WE ARE FREE WE WILL NOTICE THAT LOVE WASN'T BLIND AT ALL..ITS ONLY THE LOVERS WHO REFUSE TO SEE THE REALTY......
ReplyDeleteJAZZ0903
My kasun0d pub to?
ReplyDeleteRcruize
Short story lang po.:)
DeleteComm0n ung main idea peu naging unique dahil sa maliliit na detalyeng nadagdag. NICE! :-D
ReplyDeleteohh next na! ahaha..demanding lang ehh..ahaha walang ENDpero wala ding ITUTULOY...ang gulo bigla..ahaha
ReplyDeleteeven sa akin nangyari din to
ReplyDeletesa amin ng bestfriend ko
sa mga exams at kung papaano cxa kumawala sa anino kot
di na naging pangalawa n lng sa akin
but still nagtagumpay kaming dalawa
at magbestfriend pa rin kami!!!
ang Galing nyo po magsulat Mr. author. Sulat ka pa po ulit :))
ReplyDelete-marcovelasco