Followers
Friday, April 20, 2012
Beautiful Liar Part 1
by: Emirp
Bago ang lahat, salamat po kay kuya Justyn Shawn sa pag bo volunteer na mag post ng story ko sa MSOB. SALAMAT din sa Kataas taas na si Kuya MikeJuha na isa sa mga taong inspirasyon ko sa pag gawa ng first single, ay first story pala . Remix po ito ha. Fiction and Non Fiction
Good Luck sa atin. God bless.
FB: primeprielarchime@facebook.com
~♥~
Hello po. Ako po si Prime. 16 taong gulang sa kasalukuyan. Lumaki sa probinsya ng Bulacan, sa ngayon ay nasa Cagayan de Oro City.
Lumaki ako at aminado na isa akong butterfly. Sabi ng iba may itsura naman ako, matangos ang ilong, minsan red lips, minsan maputi higit sa lahat, payat hndi ko alam kung anu height ko pero 164 ang sukat sa tape measure.
Lumaki ako na nasanay na sa diskriminasyon, wala naman kasi akong magagawa di ba? Enjoyin nlng natin ang atensyong nakukuha sa mga bakulaw.
to begin with ...
Glady: Prime pautang ako ng 5 bukas ko bayaran.
Prime: wala na kaya akong pera, bente nga lang bigay sakin ni Mama e.
Glady: sinungaling ka talaga Prime!
Prime: e di wag ka maniwala!
(si Glady bestfriend ko since 3rd year, ngayon 4th year na kami sa story)
Magkatabi kami sa upuan ni Glady pag walang sit plan. Maiitim si Glady, kaya palagi siyang inaasar minsan isa ako sa nang aasar sa kanya
Lumipas ang ilang araw feeling ko hindi na kami ganun ka close. Nagkaroon na rin kami ng ibang kaibigan, at di na kami magkatabi. Wala naman kaming alitan. Dun ako tumabi sa grupo nila. Jhumel, Mara, Agnes at Divine.
Tuwing umaga agaw agawan sa upuan. Ano ba naman kasi ang aasahan mo sa public school at puro eksaherada ang mga estudyante.
Divine: hay naku. wala na naman akong upuan, panu kasi biglang may sumingit na isa dyan. (sabi niya pero char lang un)
Mara: kaya nga hindi naman talaga siya dito nakaupo.
Prime: i don't Care!
Nang biglang dumating ang first subject teacher namin.
Teacher: okay get your quiz notebook number 1.
Classmate: anu ba yan maam.
Ganyan yan! Eksaherada ang guro namin sa A.P. pero mabait naman yan.
Ang mas masaklap ung teacher namin sa Physics. Ang tawag ko dun Mrs. Pop, ung sa sponge Bob, kamukha nya kasi un e. Pero kahit papano maganda naman siya.
OVER nga kailangan sumunod sa sit plan. Masyadong istrikto. Pero wag ka, initial Grade ko dyan 88, panalo!
Mrs.Pop: oh yung mga hndi nag papagupit dyan, magpagupit na kung ayaw nyong ako mag gupit sa inyo!
Required kasing mag pagupit every first week of the month.
Nang biglang may sumulpot na Dakilang Eyp (epal).
Eyp: Mam ayan oh, si Prime ang haba ng bangs! (sabay hawi sa bangs ko)
nakayuko ako nung time na un, hanggang sa.
Mrs.Pop: oy Prime, kailangan bukas ha, gupit na yan.
Prime: opo mam.
Nung break, nakayuko lang ako. Malungkot. Biruin mo ilang buwan ko pinahaba un. Tapos ilang minuto lang kailangan ng putulin. Kaasar talaga.
Divine: Prime, bat ka malungkot?
(di ko pinansin)
Agnes: sinabihan kasi siya kanina na pagupitan ung bangs nya.
Divine: sayang naman, pinarelax pa naman nya ung bangs nya.
Tahimik lang talaga ko nung time na yun.
Kinabukasan...
Elijah: Lady Gaga!
(siya ung Crush ko nung time na yun. adik talaga ko sa kanya dati)
Sa upuan namin.
Jhumel: pantay na pantay talaga ung bangs nya noh, d katulad nung sakin.
Prime: hay naku nakakainis kc. Eyp talaga!
Kahit papano hndi naman naging isyu na ung buhok ko, naitatago ko naman ng maayos.
Prime: Ui Edelyn, punta ulit ako sainyo.
Edelyn: woo gusto mo lang makita si Elijah e.
(magkalapit lng kc cla ng lugar, un nga lng hndi ko matyempuhan si elijah)
So ayun nga after class pumunta kami sa Bahay nila. Kaming tatlo nila Jhumel ang laging nagba bonding sa bahay nila, harutan, landian, chikahan tungkol sa Crush.
Prime: uy alam mu ba nag chat ulit kami kagabi ni Elijah.
Edelyn: lagi naman kayong magkaaway sa fb nun!
Prime: e anu naman, atleast may koneksyon kami.
Jhumel: sabihin ko nga kay Elijah yan!
Edelyn: sige nga jhumel!
Prime: parang ewan tong mga to! Subukan nyo lang I Revenge.
Ganyan ang flow ng kwentuhan namin hanggang abutin kami ng alas singko.
Prime: Jhumel dun tayo sa kanto sumakay ha.
Jhumel: naku gusto mo lang makita si Elijah sa Gym e.
(madadaanan kasi ang gym papuntang kanto. E gusto kayang maging mr. Muscle ni Elijah kaya always present sa Gym.)
Edelyn: bilis umuwi na nga kayo mga bakuls.
Prime: ui bakuks hatid mu kami sa kanto.
Jhumel: oo nga bakulaw.
ayun nga sabay sabay kami naglakad papuntang kanto, malapit na din sya Gym.
Jhumel: hala c Elijah nandun.
Prime: oh talaga sya ba un?
Edelyn: oo nag babarbel.
Prime: talaga? (kc hndi ako makatingin sa gym e, kahiya, pero nakita ko naman sya kahit nakaside view)
Edelyn: masaya na sya nakita na ang crush nya.
Prime: syempre! Bye bakuls
Jhumel. Edelyn: bye!
Umuwi akong may ngiti sa bahay. Crush na crush ko talaga si Elijah.
Mama: oh ginabi ka na naman, alas dose uwian nyo, alas sais ka na nakauwi!
Prime: syempre gumawa kami ng project sa bahay ng kaklase namin, hay naku. (may pagka liar talaga ko :D)
Mama: oh sige mag pakasaya na kayo, si Papa mo may sakit, iuuwi na kayo sa Mindanao.
Prime: Ha??
Mama: nagtext kanina si Papa mo, sinugod siya sa ospital, may sakit daw siya. (halatang malungkot sya sa nangyari)
Prime: hala anu ba yan. (hindi ko kasi hinahayaang lumabas yung emosyon ko kaya kunyaring walang epekto sakin.)
Mama: papatapusin nalang daw kayo ngayong taon, dun na kayo mag aaral sa Mindanao.
Prime: over
Pumasok ako sa kwarto namin, sama sama kami sa isang kwarto, dalawa ang kama, isa kay ate at sakin, si mama at ang bunso sa lapag.
Pinilit kong iayos ang pakiramda ko. Biglang pumasok sa isip ko si Elijah. Panu na yan, hindi ko na sya makikita. Ilang taon ko sya hindi makikita. Syempre biruin mo. Mindanao yon, ang mahal ng pamasahe. Hindi talaga maiiwasang hindi mag emo.
sa School...
Nakatahimik lang ako. Nakatulala.
Mara: huy nakatulala ka dyan? Iniisip mo si Elijah noh? wag kang mag alala papasok ang Crush natin.
(Crush kasi naming dalawa si Elijah. Pero ganun pa man parang laro lang samin un)
Prime: hindi noh, may problema kasi kami e.
Mara: anu naman?
Prime: basta, sikreto muna. Ay alam mu may bagong kanta si Katy Perry, E.T. (magkajoin din kc kami nyan pagdating sa music ni Katy Perry, Taylor Swift, basta American Pop)
Mara: kaw ha? cge papakinggan ko yan.
Glady: ay Prime narinig ko na ung Waka Waka. Samina mina eh eh, waka waka eh eh (pag epal ni Glady, ganyan yan! Basta makarinig ng about music e eyp bigla yan)
Prime: oo na bakuls ang tagal na nyan (pero ang totoo love ko din si Shakira)
Mara: kasali ka teh?
Prime: eyp kc sya
Jhumel: eyp ka pala e!
Agnes: hoy bat nyo naman inaaway si Glady?
Glady: masasama ung mga yan e.
Ganyan talaga yan. Ang sarap kasi nyang asarin, pikon kasi kaya ayan asar talo. Pero kahit ganun kaibigan talaga namin siya.
Pag time ng recess. Minsan hindi kami bumababa kasi naman matipid kaming tatlo nila Mara at Jhumel. Sila Divine, Glady, kanya kanyang baba. Si Agnes naman bisi bisihan nag susulat, habang dumudugot ng pagkain sa bag niya. Si Edelyn naman kasama ang bestfriend niyang si Sarah. Ang grupo naman nila Elijah, magpapa cute muna bago bumaba.
Prime: Agnes peram ng salamin.
(inabot sakin ung salamin na taklob ng make up kit)
Prime: Anu ba yan nadedeform ung bangs.
Jhumel: ang arte talaga nya.
Prime: ewan ko sau bakuls. (sabay suklay ng bangs)
Mara: oy kain
Jhumel: penge penge
Prime: hala ang PG talaga nya.
Jhumel: che!
Minsan nagbabaon ako ng biscuit at tubig para di na rin ako gumastos. Saka minsan nakakaraos lang din sa pahingi hingi. parang si Jhumel. In short PG.
Dumating na sila Glady, may mga dalang pagkain na talaga namang nakakaengganyo at hindi maiiwasang manghingi.
Prime: Glady penge?
Glady: oh ayan! (galit pero namigay. Ganyan Yan!)
Jhumel: ako din penge
Glady: Che! (lagi din silang magkaaway ng baklang yan, kasi naman malakas ding mang asar si Jhumel)
Nalilibang kami sa asaran, kainan, chikahan. Nagulat kami nasa harapan na pala namin ang T.L.E. Teacher namin. Matanda na sya, ngunit may itsura parin si Sir kahit ganun. Stuart Little or Chipmunks ang codename namin.
Mahilig lang magpadrawing ng mga eletrical circuit, or kahit anong related sa kuryente, umikot ang 4th year namin sakanya ng pa ganun ganun lng.
Minsan ako yung pinapagdrawing niya. OKAY sakin yun, kasi pagkakataon un para magpasikat sa Crush ko. . Palaging nag pa plus 5 si sir Stuart. Pag magulo ka naman minus 5.
Natatapos ng pa ganun ganun ang time namin. Hindi mo namamalayan uwian na pala.
Pag uwian hindi mawawala ang pulbos. Kawawa ang may dala ng pulbos kasi buong classroom manghihingi. Minsan kaming magkakaibigan ang huling bumababa, pati ang grupo nila Elijah, kasi nag aantayan pa sila ng barkada nya sa ibang section.
Hindi muna ako sumasakay pauwi. Kasama ko si Edelyn at Sarah, umuuwi na kc agad sila Jhumel minsan. Kami naman tumatambay pa sa gate ng school. Ayaw kasi nila Edelyn na sumakay agad sa Jeep. Kasi siksikan pa.
Kaya ayun minsan nakikita pa namin sila Elijah at ang barkada nya. Sa tricycle kc sumasakay ung mga un e.
Nauubos na ung mga estudyante. Puro chikahan kami hanggang sa sumakay na sila Edelyn ng Jeep. Ako naman sa pedicab pauwi samin.
Habang nasa loob ako ng pedicab naisip ko. Naging masaya naman ang kalahati ng araw ko. Yun nga lang biglang pumasok na naman sa isip ko yung tungkol kay Papa.
Pag baba ko ng pedicab. Parang wala akong ganang maglakad papasok sa compound namin. Kasabay pa ng init ng panahon. Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang kapitbahay namin. Wala lang. Crush ko din kasi yun e. Sumaya sandali pero naging malungkot ulit.
Pagtapat ko sa pinto ng bahay namin. Binuksan ko ang screen na pinto. Nagulat ako nakalock ung main door.
Asan kaya sila Mama? Sabi ko sa sarili ko. Buti nalang nandun din yung susi sa labas. (kasi may taguan kami ng susi sa labas, in case na walang tao, dun namin iiwan ang susi)
So ayun binuksan ko na nga ang pinto. Wala ngang tao sa loob. Ang lungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko.
itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
hahahaha! first single talaga! Hmmmmmmm.... at may prime din ang character huh!
ReplyDeleteKeep up lang sa single mo, joji! Hehehe.
Hala. hindi po ito akin. kay Prime po ito.hehehe ako lang po ang nagpost :)
Deletewaiting for next episode hehehe!!
ReplyDeleteNatawa naman ako sa tawagan nila
ReplyDeleteBAKULS.
hahah
-Arvin-
haha salamat
Delete-emirp