Followers

Monday, February 6, 2012

Marbin... (A Short Story)

by: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

----------------------------

Matalik kong kaibigan si Marbin. Actually, naging mag-close friend lang kami simula noong first year college. Transferee kasi ako sa school na iyon. Noong gumraduate ako bilang valedictorian sa high school, binigyan ako ng full scholarship ng unibersidad na iyon. At dahil hindi ko kabisado ang mga pasikot-sikot sa enrolment, naligaw ako at napunta sa isang building. Inakyat ko ang second floor nito. At bagamat wala akong nakitang tao, nagbakasakali pa rin akong nandoon ang pakay ko.

“S-saan ang punta mo?” ang tanong sa akin ng akala ko ay janitor, habol-habol pa ang kanyang hininga, hininto ang pagpo-floor mop.

Nabigla ako ng bahagya. Napahinto gawa nang nililinis niya ang hallway na dadaanan ko sana. Hindi ko akalain na wala pala talagang tao ang building maliban sa kanya.

Kitang-kita ko sa kanyang porma na nasa kalagitnaan siya sa kanyang pagtatrabaho. Naka-jeans lang siya, walang sinturon at sa hubad niyang pang-itaas na katawan ay bumabalisbis ang ang mga malalaking butil ng pawis, ang kanyang t-shirt ay ipinulupot at nakalaylay sa kanyang likurang bulsa. Basang-basa rin ng pawis ang kanyang mukha.

“Di ba dito ang Guidance department? Trasferee kasi ako pre… hindi ko alam kung saan ang building ng Guidance. Ang sabi kasi noong isang estudyanteng napagtanungan ko ay dito...”

“Ay hindi… sa isang building pa.” sabay tumbok niya sa may gilid ng hallway at itinuro ang isang katabing building. “D’yan ang Guidance. Nakita mo iyang may maliit na pathwalk? Doon mismo ang tumbok niyan.” Sambit niya.

“S-saan ba d’yan?” tanong ko. Tatlong pathwalk kasi ang nakita ko at hindi ko alam kung saan doon ang itinuro niya.

“Ah… sige, samahan na lang kita sa baba” ang pagbulontaryo din niya noong nakitang hindi ko nakuha ang gusto niyang tumbukin ko.

“Huwag na pre.. huwag na! Nakakahiya. S-sige, ako na ang bababa, hanapin ko na lang.”

“Huwag… samahan na kita. Sa baba lang naman, ituro ko kung aling pathwalk” ang paggiit niya.

Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya.

Sa ginawang pagtulong na iyon ni Marbin, alam kong isa siyang mabait na tao. Doon pa lamang ay may naramdaman na akong paghanga sa kanya.

Habang nakabuntot ako sa kanya, doon ko na rin anpansin ang kanyang porma. Nasa 5’10 ang kanyang height, matipuno ang kanyang katawan… walang kataba-taba. At bagamat sunog ang kanyang balat, makinis naman ito at malinis siyang tingnan kahit basa sa pawis.

“O hayan... ito iyong pathwalak na sinabi ko. Tumbukin mo lang ang dulo niyan, may makikita ka nang mga estudyanteng nag-uumpukan. Makikita mo na rin ang karatula ng Guidance’ Office.” Sambit niya noong natumbok na namin ang sinabi niyang pathwalk.

“S-sige pre... Maraming-maraming salamat.” Ang sabi ko.

“Marbin. Marbin Daria.” Ang sagot niya sabay abot ng kanyang kamay at bitiw ng isang ngiti. Lumantad sa aking paningin ang kanyang mapuputing mga ngipin.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Benedict Belarmino” ang sagot ko.

“Isang working student ako pre. Kapag may problema ka dito sa school, hanapin mo lang ako.”

“S-sige. Salamat Marbin” at kinawayan ko sya sabay tumbok na sa Guidance office.

Natagalan ako sa Guidance. Wala pa kasi ang head nito kung kaya naghintay ako, sampu ng mga estudyanteng mas nauna pa kaysa akin. Kailangan raw kasi na makausap kami isa-isa.

“O… nandito ka pa?”

Napalingon ako bigla. Si Marbin pala. “Oo… hindi pa raw dumating ang head ng Guidance eh.” Sagot ko.

“E, di kain muna tayo! Kadalasan after lunch pa si Sir dumarating eh.”

“G-ganoon ba?” ang pag-aalangan kong sagot. “Mukhang wala akong chouice” dugotng ko.

Kumain kami sa canteen. Kanya-kanya kami ng bayad. Ililibre niya sana ako, ngunit noong nag-insist naman ako na manlibre sa kanya, dahil ako naman itong tinulungan niya, ayaw naman niyang pumayag. Kaya, kaya kanya-kanya na lang kami.

Anyway, sa unang pag-uusap naming iyon ko na nalaman ang buhay-buhay niya. Nasa second year siya sa kursong Education, 17 taong gulang, mas matanda lang sa akin ng isang taon. Sa Mindanao daw ang roots nila. Napadayo lang doon ang mga magulang nila dahil sa paghahanap ng trabaho. Ulila na siya sa mga magulang, walang kapatid, at nakitira na lamang sa kanyang tita na isang-kahig isang tuka rin daw. Kaya napilitan siyang mag working student dahil sa kahirapan at upang makamit ang minimithing pangarap na makapagturo sa paaralan ding iyon. Kapag week days, sa dormitoryo ng mga working students siya nakatira at kapag week ends naman, umuuwi siya sa kanilang probinsya.

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa pagkukuwento niya sa buhay niya sa akin. Doon pa lang, may awa na akong naramdaman para sa kanya. Halos pareho rin ang buhay namin; nanggaling sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap na makatapos ng pag-aaral. Ang kaibahan lang ay scholastic scholar ako samantalang siya ay kailangan pang kumayod upang makapag-aral. May kumpleto din akong mga magulang, may dalawang kapatid samantalang siya ay wala. Kung pagmamahal ng pamilya ang pag-uusapan, nakakalamang pa rin ako. Kaya kahit papaano, nasasabi ko rin sa sariling maswerte pa ri ako, sa kabila ng kahirapan.

Ngunit kung gaano kahirap ang buhay niya, hanga naman ako sa ipinamalas niyang tatag, disiplina sa sarili, pagpakumbaba, at determinasyon na makatapos ng pag-aaral. At higit sa lahat, hanga ako sa kanyang kabaitan. Kahit ganyan ang klaseng buhay niya, hindi ko siya ni minsang narinig na nagreklamo.

“Saan ba sa Mindanao ang mga lahi ninyo?” tanong ko.

“Sa Gensan.” Sagot niya.

“Waaahhh! Ang roots din namin ay sa Ilocos naman! Parehong dulo ng Pilipinas, magkasalungat nga lang!” sambit ko.

“Oo nga pala ano? At dito tayo sa Bisaya nagtagpo”

“Mabuti na lang, nakilala kita dito pre… Kasi, hindi ko talaga alam ang mga pasikot-sikot sa eskuwelahang ito. Maswerte ako na naging kaibigan kita” Ang sabi ko na sa kanya.

“Mas maswerte ako. Nagkaroon ako ng kaibigang matalino na, artistahin pa ang dating. Sigurado ako, may may papansin na sa akin niya kapag palagi kitang nakakasama.” ang biro niya.

Natawa ako. “Artistahin talaga!” sambit ko.

Noong nagsimula ang klase at naging best friend ko si Marbin. Actually, hindi lang best friend; kung may hihigait pa sa salitang best friend, iyon na siguro iyon. Palagi niya akong dinadalaw sa dorm ko, at kapag may bakanteng oras oras kaming dalawa, lagi kaming nagsasama niyan. Kahit saan; mapa-library, mapa-canteen, mapa-botanical garden ng school, mapa-off campus na lakad…

Kapag dinadalaw naman niya ako, nagdadala iyan ng kung anu-anong pagkain; kung hindi man binili, bigay ng mga madre sa kanilang mga working students. “Ano ka ba Marbin… kung anu-ano na lang ang dinadala mo.” Ang sabi ko sa kanya isang beses.. Alam ko kasing kapos siya sa pera, at kagaya ko, gutom din sa pagkain. Ngunit hinayaan ko na lang siya.

Walang araw na hindi kami nagkakasama. Kahit sa weekends, madalang na lang siyang umuuwi sa bukid nila at kung umuuwi man, sandali lang. Ganoon din ako. Halos hindi na rin ako umuuwi sa probinsya ko. At iyan ang hindi ko maintindihan sa sarili ko. Parang ayaw ko nang maghiwalay kami, parang gusto ko na lang nag magkasama kami sa bawat oras… Pati ang tawagan naming “Pre” ay nabago na rin; naging “Tol” na ito. Wala daw kasi siyang kapatid kung kaya tol ang gusto niyang itawag sa akin. At ako, dahil wala rin akong nakatatandang kapatid, nagustuhan ko rin ito.

Iyon ang simula ng aking pagkatuliro. Palagi na lang akong nagtatanong sa sarili kung normal ba ang naramdaman ko; at kung bakit sobrang saya ko kapag kasama ko siya. At sa pag-aanalisa ko sa kalagayan ko, isa lang ang sagot na naisip ko kung bakit ako nakaramdam ng ganoon: nadala ako sa sobrang kabaitan niya.

Isang araw, kinausap ko siya, “Tol… naranasan mo na bang umibig?” tanong ko.

“Oo… pero hindi ko siya maaabot sa sobrang layo kaya sa panaginip ko na lang siya maaaring angkinin…” ang sagot niya.

Natawa ako sa sagot niyang iyon. “Gagi! Paano mo nasabing hindi maaabot? Langit at lupa ba iyan? Tubig at langis?”

“Parang Gensan at Ilocos lang.” ang casual naman niyang sagot na nakangiti pa.

Napahalakhak ako sa naisagot niya. Nalala ko kasi ang roots niyang sa Gensan at ang roots kong sa Ilocos. “Tange! Kung Gensan at Ilocos lang iyan, e di malapit lang? Baka kung Pinas at Amerika pa iyan, o Pinas at Antarctica, baka mahirap.” Ang sagot ko na lang.

“Eh, langis naman ng Gensan at Tubig din ng Ilocos kaya hindi puwedeng magsama.”

“May ganoon talaga?” ang sagot ko.

Tahimik.

“B-bakit mo pala naitanong? Umibig ka na ba?” pagbasag niya sa katahimikan.

“Hindi naman sa umibig… crush ko lang siya.”

Natahimik siya ng sandali. “G-gusto mong ligawan? T-tulungan kita tol.”

“T-talaga? Kasi kilala mo ata sya eh”

“S-sino?”

“Si Emily.”

“Waahhh! Ang muse ng Education? Ang crush ng masa!”

“Oo. Classmate mo siya, di ba? Nakita ko siya isang beses na nagkasabay kayo patungong canteen.”

“Ah… kaibigan ko kasi iyon. Maraming pumuporma noon. Pero huwag kang mag-alala. Alam ko, talbog silang lahat sa iyo. Aljun Abrenica ba naman ng dating ng magiging karibal nila kung hindi sila mapahiya.”

“Asows! Sobra naman ito”

At iyon nga ang nangyari. Niligawan ko si Emily. Ipinakilala ako ni Marbin sa kanya isang araw, hiningi ko ang number at pagkatapos noon, text-text na hanggang sa umabot sa pahatid-hatid.

Ang siste, pati sa paghahatid at panliligaw k okay Emiliy, nakadikit din sa akin si Marbin. May ilang beses ding inabi ako sa paghatid kay Emily at bago siya papasok sa kanyang dorm ay mag-uusap muna kami sa labas habang si Marbin naman ay nasa isang sulok lang, naghintay na matapos kami. Kahit inaabot pa kami ni Emily ng hatinggabi sa pag-uusap o higit pa, nandoon din sa isang sulok si Marbin, nag-iisa, naririnig ko pa ang paghahampas niya ng lamok sa kanyang balat.

Syempre, lalo naman akong naawa sa tao. “Huwag ka na lang kayang sumama sa akin sa panliligaw tol… Nakakahiya naman sa iyo. Alam ko na ang lugar, kabisado ko na ang mga tao, mababait naman siguro sila”

“Ano ka? E kung mapahamak ka? Kung may sira-ulong pagtripan ka? Sino ang masisisi?”

Natahimik ako.

“Ayoko. Basta sasama pa rin ako sa iyo.”

Kaya wala na akong nagawa kundi ang isama siya sa bawat pagdalaw ko kay Emily. Ang problema, parang nahati naman ang aking atensyon sa dalawa. Habang nakikipag-usap ako kay Emily, nakikipag-bolahan, nakikipagharutan, ang isip ko naman ay naka-focus kay Marbin. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Iyon bang hayun, may niligawan ako pero hanggang sa kahuli-hulihang oras bago ako matulog, ang best friend ko ang nasa aking tabi, hindi ako iniiwan. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Naawa para sa kanya, humanga, touched… Tuloy nasabi ko sa sariling kung babae lang sana ang best friend ko, siya na lang ang liligawan ko eh.

At sa totoo lang, matindi ang pagkatuliro ng aking isip. Para bang mas napamahal ako sa best firend ko kaysa nililigawan ko.

Isang gabi galing kami kina Emily, dumaan muna kami sa isang tindahan at bumili ng isang bote ng gin. “Tol… dahil malapit na akong sagutin ni Emily. Mag-inuman tayo” ang sambit ko.

At nag-inuman kami sa aking dorm. Sabado naman kasi iyon kung kaya ay pinayagan kami ng aking landlady. Ngunit nalasing kaming pareho sa isang bote ng gin kung kaya hindi na nakauwi sa bahay nila.

“Ok lang kungdito ka matutulog tol… lahat ng mga kasama ko sa kuwarto ay nagsi-uwian sa kanila. Ako lang ang natira kung kaya maraming bakanteng higaan sa kuwarto namin. Kahit mamili ka walang problema.” Ang sabi ko.

Nasa kuwarto na kami, pareho kaming naka-brief lang, ako ay nakahiga na sa aking kama at handa nang matulog at siya ay nakatayo pa, inikot ang mga mata sa mga bakanteng kama.

Ewan kung anong napasok sa kukote ko, biniro ko ba naman siya ng, “Kung hindi ka makapili ng higaan tol… pede ring magtabi tayo.”

Akala ko ay hindi niya kakagatin ang biro ko iyon. Ngunit nagulat na lang ako noong ibinagsak din niya ang kanyang katawan sa aking kama, sa aking tabi. “Sinabi mo eh.”

Natawa na lang ako. Parang wala lang iyon sa akin at maya-maya lang, nakatulog na ako.

HInid ko alam kung gaano katagal akong nahimbing. Ngunit nagising na lang ako noong naramdaman kong niyakap ako ni Marbin at pilit na hinawakan niya ang aking ulong nakaharap sa kanya at ang aming mga labi ay nagdikit. At hinahalikan niya ako!

(Itutuloy)

5 comments:

  1. benedict.... malamang may pag tingin s u si marbin... may nararamdaman ka rin sa kanya... ang problema ay d k pa sure naguguluhan ka sa iyong nararamdaman... tyak na mahal ka talaga ni marbin...sana sabihin mo ang nararamdaman mo para kay marbin...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  2. great start! :)

    sa unang pagtagpo palang nila halatang interesado na si Marbin sa kanya..

    ReplyDelete
  3. nice nice..next episode na pls..

    ReplyDelete
  4. As usual, isang napakabagbag damdamin na namang kwento ito ng pag-ibig.

    ReplyDelete
  5. Like the other story mike juha always put a special touch like a magic spell of all his work.

    thanks kuya mike..........

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails