Pangatlo, nais kong batiin ang mga taong nagbasa ng series na ito :) Sina:
Kristofer, Chris, joed, Wicked Writer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm, Rue, darkboy13 , sir Jeffy, mga silent readers at mga anonymous.
also, nais kong batiin at pasalamatan ang mga kuya kong laging nandiyan para sa akin :)
kuya liger , kuya lance, kuya dendenpot , kuya win, kuya kenji , kuya jamespot, kuya jm, kuya kambal ko, kuya jeffrey , kuya jennor , kuya daren -- I miss you mga kuya ko! :D
and of course, maraming salamant kina kuya Mike and kuya Jayson.
At last! after months of resting under the ground (lol) , this is episode 6 of Perfect Two! Enjoy reading! Mwah!
------------------
Episode 6 - Sleepover
“Ano namang sasabihin mo?” Bigla akong kinabahan sa inasta ni Paul..
*Poot!*
“Yuck Paul!!!” react ko pagkautot ni Paul.. “Kadiri ka talaga!”
Tumawa lang siya.. “yun yung sasabihin ko sayo hahaha!”
Tinulak ko ang noo niya. “Ummm! Abnormal ka talaga!”
“Ahh ganon?!”sabi niya pagkatapos ay umamba siya na kikilitiin niya ako niya ako..
“No Paul!” pagpigil ko sa kanya.
“Yes Vin,” sabi niya habang nakapilyong ngiti.
At kiniliti na niya ako..Hindi ako makatakbo kasi nga maliit lang yung bathroom..Wala akong pwedeng puntahan, alanganamang sumuot ako sa bowl diba? Una hindi ako kasya, at kung kasya man ako, YUCK! OVER MY DEAD BODY!
Napasigaw ako at napalakas ang mga tawa ko..
“Tama na Paul!” hingal na hingal ako.
Magkaharap kami..halos ilang inches lang ang pagitan ng mukha namin sa isa’t-isa..Nakangiti pa rin siya sa akin at hinahabol rin ang hininga niya..
OMG..ang gwapo niya talaga..sh*t..ilang inches na lang pagitan ng lips namin..parang gusto ko siyang halikan!!!
Nanatili kami sa posisyong iyon ng mga ilang segundo..nagulat na lang kami ng biglang may kumatok sa pinto..
*Toktoktok*
Panira naman ng moment to oh!
“Hoy! Anong ginagawa niyo jan ha?!” si RL.
Kaagad kaming nag-ayos n gaming mga sarili at binuksan ang pinto,.Pagbukas namin ng pinto, nakangiti sa amin si RL..
“Kayong dalawa huh..” sabi ni RL habang nakangiti sa aming dalawa.. “Anong ginawa niyo sa loob ha? Meron pa kayong ‘Tama na Paul!’ dyang nalalaman huh! Anong ginawa niyo?!” sabi ni RL habang nakapilyong ngiti.
Feeling ko namula ako sa sobrang hiya..siyempre, ano na lang iisipin ni RL? Narinig niya nga na napasigaw akong ‘Tama na Paul’, siyempre, ikaw ba naman makarinig ng ganun, anung iispin mo? Diba malaswa or something? Kasi naman kasi si Paul eh! (Sisihin daw ba si Paul?)
“Ah eh..kasi tong si Paul eh! Ang kulit!” sabi ko na lang..
“Wushu!!” sabi ni RL.
“Hala? Bakit ano ba gagawin namin sa banyo?” depensa ko..abnormal talaga tong RL na to.
“Hmm…wala..” sabi na lang ni RL.
Si Paul naman, nakatahimik lang siya doon..pagtingin ko sa kanya, nginitian niya ako..yung makapanlaglag underwear na ngiti..grabe parang hihimatayin ako, maybe dahil na rin hiningal ako sa pangingiliti sakin ni Paul..pero promise talaga ang gwapo niya!
Nasa ganoon akong pagkamesmerize sa ngiti niya at magkatitigan lang kami doon ng biglang may tumapik ng braso ko.
“Hoy Vin!” si Trina..bigla akong nagulat at natawa naman si Paul. “Hindi naman kaya magkalusawan kayo niyan?”
“What?” palusot ko. “What are you talking about?”
“What are you talking about ka jan! Tadyakan kita eh! Halika na nga kayo! Baka malate pa tayo! Hinihintay ka na rin ni Frank o!” sabay turo niya kay Frank na nakatayo malapit sa pintuan kasama si Tori, marahil ay hinihintay kami.
Ayy oo nga pala! Kasama ko nga pala si Frank! Kasi naman tong si Paul eh! Ginugulo ang isip ko! (Sinisi ulit si Paul?)
“Sige na at hinihintay ka na ng kakambal mo!” sabi ni RL.
Bigla akong nawindang sa sinabi niya. “Ha?”
“Ayan oh! From head to toe terno kayo! Jacket, jeans, shoes! Kulang na lang pati underwear niyo magkamukha eh!” sabi niya sabay tawa.
“Abnormal!” sabi ko sa kanya.
Hmm…ano nga kaya ang kulay ng underwear ni Frank? Magkamukha rin kaya kami?! Hala! Bakit ko to iniisip?! Erase erase erase!!
So ayun, lumabas na kami ng resto, tapos naglakad na kami patungong school.. Nahuli kaming naglakad ni Frank.
“Ang saya palang ka-hang-out ng mga friends mo.” Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.. “Oo..mga abnormal yang mga iyan..” nakatingin kaming dalawa sa apat habang naglalakad sa harap namin, mga ilang hakbang ang layo, habang nagtutuksuhan sina RL at Trina..
“Paul is your bestfriend right?” tanong niya.
“Yeah..” sagot ko.
“Oh..okay..” sabi niya.
Bakit naman kaya niya naitanong??? Hmmm.. Oh well..Baka wala lang.
One block away pa kami ng maisip kong tanungin siya kung bakit niya to ginagawa..
Nanliligaw ba siya?. Ang ambisyosa ko noh? Eh kasi, anong gusto niyong isipin ko? Diba? Okay sige..uhhmm..nakikipagkaibigan??? Pero ang dami niya rin kayang friends, sa tuwing makikita ko kaya siya, lagi siyang may mga kasamang mga tao, at different races pa..Kaya hindi ko talaga alam kung anong dahilan niya kung bakit niya to ginagawa…hmmm, might as well ask him then.
“Uhmm Frank..”
“Yes?”
“Can I ask you something?” tanong ko.
“Sure, what is it?”
“Uhmm….” Nagdadalwang isip ako kung tatanungin ko ba siya or hindi..baka naman kasi maoffend ko siya kung tatanungin ko siya ng ganun..baka isipin pa nito, ang rude rude ko at ayaw kong makipagkaibigan sa iba..Hayzz..
“Uhmm..never mind..it’s not important anyway..” palusot ko na lang.
“Are you sure?” tanong niya.
“Yeah, just forget about it.” Sabi ko sabay ngiti.
“Okay..if you have questions or if you need help, don’t hesitate to ask me okay?” sabi niya.
“Okay..”
Nginitian niya ako.. OMG! Another gwapong nilalang na may makapanlaglag underwear na smile! Arrghhh! Bakit ang daming gwapo sa mundo?! Lord, wag niyo naman po akong tuksuhin! Pwedeng bang isa-isa muna?
Nakarating kami sa school..Magkasabay naman kaming pumunta sa class namin ni Frank dahil magkalapit lang ang third block namin..Hinatid pa nga niya ako sa class ko bago siya pumunta sa class niya..
“Sige, eto na yung class ko..see you around Frank. And thank you for the lunch..” paalam ko sakanya ng nakangiti.
“Okay, thank you too, I had fun..” sinuklian naman niya ako ng ngiti. “See you later..Bye.”
“Bye.” At pumasok na ako sa class ko. Bago pa ko umupo sa seat ko, nakita ko pa siyang nakatayo sa pinto at nakangiti sa akin..nginitian ko siya at umalis na rin siya.
OMG! Ano na ba ito?! Siya na ba? Siya na ba ang taong mamahalin ko? Ang gwapong nilalang na ito? My gosh! Ang haba naman ng hair ko kung nagkataon, talbog ko pa si Rapunzel sa haba ng hair ko.
Natapos ang araw ko..May mga homework pero hindi naman ako tinambakan unlike noon na tinatambakan talaga ako ng work ng mga teachers ko. Sabay sabay kaming umuwi nina RL at Trina. Nag-bus na kami dahil tinatamad silang maglakad. Walking distance naman kasi yung bahay namin, tapos sila RL naman at Trina, usually, dun sila sumasakay sa bus terminal malapit sa amin, kaya sabay kami palagi, pero since tinatamad sila, and ayoko rin namang mag-isang lakarin ang ten blocks from school to our house, edi naki-join na ako sa kanila..
Nakatayo kami sa bus stop ng biglang may kumalabit sa likod ko..Paglingon ko, bumulaga sa akin si Paul..
“Paul!”
“Hi Vin! Uwi ka na?” tanong niya.
At tumango ako.
“Sabay na tayo, punta ko sa bahay niyo.” Sabi niya ng nakangiti.
“Ha?” gulat na tanong ko. Pupunta siya sa bahay namin? Ano naman gagawin niya sa bahay?
“Bakit ayaw mo ba?” tanong niya
“Bakit? Ano bang gagawin mo dun?”
“Hmm..ayaw mo yata eh..wag na nga lang..” malungkot ang mukha niya..Aalis na dapat siya ng bigla ko siyang pinigilan..
Kainis naman..Bakit ba kasi hindi kita matiis?! HMM!Pasalamat ka gwapo ka, este bestfriend kita!
“Paul.” Sabi ko at lumingon siya.. “Sige na nga..”
“Talaga?” nagliwanag ang mukha niya.
“Hindi, ayoko..” biro ko.. “Lika na!” yaya ko sa kanya.
“Yey!” mukang tuwang-tuwa ang mokong at niyakap pa ako na ikinagulat ko naman..
“Hoy! Halika na kayo at ayan na yung bus! Mamaya na kayo magyakapan!” singit ni Trina.
Kumalas si Paul sa pagkakayakap niya sa akin at nginitian ako. “Tara na?” tanong niya.
“Okay,” yun na lang ang naisagot ko.
At sumakay na kami sa bus. Magkatabi kaming naupo ni Paul. Magkatabi naman sina Trina at RL sa upuan sa harap namin. Habang nasa bus,
“Hindi mo yata kasama si Frank?” biglang tanong ni Paul.
“Ha? Si Frank?” nagtatakang tanong ko.
“Oo, si Frank.” Sabi niya.
“What about Frank?”
“Sabi ko, hindi mo yata siya kasama ngayon?”
“O, bakit naman? Kailangan ba palagi kaming magkasama?”
“Hindi naman..baka lang kasi pinagpapalit mo na ko kay Frank.” Sabi niya.
“Ha? Pinagpapalit? Anong pinagpapalit? Ikaw abnormal ka talaga Paul!”
Bakit naman kaya to nasabi ng mokong na to? Don’t tell me, nagseselos siya? Wait, bakit naman siya nagseselos?? OMG! Don’t tell me?!!!!!! OMG!!!! OMG talaga!!!
Tinitigan lang niya ako ng seryoso. Yung titig na nakakalusaw. Siguro kung yelo lang ako, kanina pa ako nalusaw or baka nga mag evaporate pa.
“Ayaw mo naman akong lusawin no?” sabi ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya natinag. “Paul! Tanggalin mo yang mga mata mo sakin!”
“Bakit naman?” tanong niya.
“Nakakailang kaya!” sumbat ko sa kanya.
Sino naman ba kasi ang hindi maiilang kapag may nakakatitig sa’yo diba? Ayoko kaya ng ganun. Nacoconscious tuloy ako na baka may dumi sa mukha ko or may mali sa suot ko.
“Pero pag si Frank ang tumititig sa’yo, di ka naiilang.” Sabi niya sabay lingon sa kabilang side.
OMG, tinititigan ako ni Frank? AS IN?! GOSH! Ang haba naman ng hair ko! Pero wait, nagseselos nga kaya tong mokong na to?? Pero….bakit naman siya magseselos?? Diba??
“Ano kamo?” kunyaring hindi ko narinig ang sinabi niya.
“Wala!” sabi na lang niya.
Ano kaya ang nakain nito at nagkakaganito to? Hmmm.. Oh well..baka may tama lang. joke.
Ilang minuto ang nakalipas ay malapit na kami sa bahay namin. Natahimik lang kaming parehas.. Nagpaalam na kami dun sa dalawa at bumaba na kami ng bus. Naglakad kami papunta sa bahay namin. Mga 3 houses away kasi ang bahay naming mula sa bus stop. Pagdating naming sa bahay, walang tao.
“Nasaan sila?” tanong niya sa akin.
“Nasa work pa sina mommy at daddy, pati si kuya..Si Ian naman, baka kasama pa yung mga kabarkada niya.” Si Ian nga pala ang nakakabata kong kapatid. 11 months lang ang tanda ko sa kanya.
“Ahh. So tayo lang pala dito.” Sabi niya.
“Oo.” Gusto ko sanang sabihin na, Hindi marami tayo dito. Pero wag na lang baka mabadtrip pa sakin to.
“Mauna ka na sa kwarto, kukuha lang ako ng snacks natin.” Sabi ko.
Nauna na siya sa kwarto ko at ako nama’y naghanap ng makakain. Since I love Doritos, iyon ang una kong kinuha. Actually, parehas namin itong gustong gusto, especially the red one. Kumuha ko ng dalawang soda at pagkatapos ay pumunta na sa kwarto.. Naabutan ko siyang nakaupo at ginagamit ang laptop ko.
Simple lang ang kwarto ko, beige ang wallpaper, wooden floor, tapos white na kisame. May twin size na bed na malapit sa bintana at katabi ng isang side table na may lapshade at libro, may isang malaking cabinet, isang drawer, isang desk at isang table na patungan ng mga kung anu-ano, tapos may malaking salamin. Maarte kasi ako, gusto ko malaki ung salamin ko, yung bang kita mo yung sarili mo from head to toe,. Gusto ko yun kasi mas madaling tingnan kung ano ang bagay na combinations ng damit at sapatos and pati na rin ang mga accessories.
“O kumain ka muna.” sabay abot sa kanya ng isang Doritos at soda.
“Thanks.” Sagot niya sabay ngiti sa akin.
“You’re welcome.” Tugon ko naman.
Ibinaba ko rin ang pagkain ko sa table. Pagkatapos ay kumuha ako ng damit na pamalit. Lalabas na sana ako papunta sa banyo para magpalit ng damit,
“O san ka pupunta?” tanong niya.
“Magpapalit ng damit. Bakit?”
“Bakit hindi ka na lang dito magpalit ng damit? Parehas naman tayong lalaki ah.”
Ayy, sh*t..hindi nga pala niya alam..hindi niya alam na girl ako! Pano to? Hindi ako pwedeng magpalit dito,..ayoko…arrgggh.. isip Vin..isip..
“Ehh naiihi na rin kasi ako eh, kaya dun na lang din ako magpapalit sa bathroom.” Palusot ko na lang.
“Ah ganun ba? Okay.” Sabi niya.
Wew! Buti na alng nalusutan ko!
Kaagad akong pumunta sa bathroom at nagpalit. Pagbalik ko sa kwarto, nakaupo pa rin siya habang nagffacebook sa aking laptop. Sinimulan ko naming gawin ang mga homework ko habang nakaupo sa kama . Halos isang oras kong ginawa ang homework ko. At pagod na pagod ang utak ko. Kaya minabuti ko munang magpahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
-----Sa panaginip ko…
Nakaupo ako sa isang bench sa park. Nakatingin sa malayo habang nilalanghap ang sariwang hangin. Maya-maya’y may mga kamay na biglang tinakpan ang aking mga mata. Parang kilala ko kung kanino itong mga kamay na ito. Kamay to ng isang lalaking kilala ko..pero hindi ko lang matandaan kung sino. Hinawakan ko ang mga kamay niya.
Tinanggal ng lalaki ang kanyang kamay at hinalikan ako sa pisngi. Paglingon ko, bumulaga sa akin si Paul.
Hawak-hawak niya ang isang box at inabot niya ito sa akin. “Happy monthsary Hon!”
Nagulat ako sa sinabi niya. HON?!!! OMG! Kami na?! What?! When? How?!.......But on the second thought…..Arrghhh but stil!!! Argghh!! Why am I arguing with myself?!
Nasa state of shock pa rin ako ng bigla niya akong halikan sa labi..Biglang nagliwanag ang lahat. Pagmulat ng mga mata ko, tumambad sa akin ang mukha ni Paul. Nanlaki ang mga mata ko. Halos ilang inches lang ang pagitan ng mukha namin. Mahimbing ang tulog niya. Napansin ko ring magkayakapan kami. Nakaipit ang isa kong paa sa pagitan ng dalawang paa niya. Nararamdaman ko ang bukol niya sa hita ko.
O gosh.. Lord..wag niyo ho akong hahayaang magkasala..
Sinubukan kong tanggalin ang paa kong nakaipit sa mga hita niya..Ngunit hindi ko ito matanggal sa higpit at bigat ng kanyang mga hita. Baka kasi kapag hinila kong bigla yung paa ko, baka magising pa siya, at baka mataamaan ko pa yung anu niya..yung anu..alam niyo na…
Kaya hindi ko na lang ito tinanggal..Besides pabor din sakin to diba? >:D
Anyway, biglang nabaling ang tingin ko sa kanyang mukha. Tinitigan ko siyang mabuti. Para siyang isang anghel na natutulog..isang gwapong anghel.
Nasa ganoon akong pagtitig sa kanyang mukha ng mapansin kong dumidilat na ang kanyang mga mata. Kaagad akong pumikit at nagkunyaring tulog. Nakapaikit lang ako’t pinakikiramdaman ang mga galaw niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang aking mukha. Maya maya’y naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo.
OMG! Ano to?? Nananaginip pa ba ako??? Kung panaginip to..AYOKO NANG MAGISING PA! :D
---->(ang lantod ko noh? Haha! Masanay ka na!)
Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay niyakap pa niya ako ng mas mahigpit..at nakatulog akong muli sa kanyang mga bisig.
Bahala na..kung panaginip lang to, edi masaya..kung totoo..edi MAS MASAYA! :D
Nagising ako ng wala akong katabi sa kama .. Marahil ay panaginip nga lang ang lahat.. But it felt so real….
Tinignan ko ang orasan. 6:30 na. Baka nandiyan na sila mommy sa baba. Ganitong oras kasi yun umuuwi.. Eh si Paul kaya? Nasaan na? Umuwi na kaya yun?
Bigla kong napansin ang bag niya. Ngayon ko lang napansin na may isang bag papala siyang dala dala. Anu naman kaya laman nun?..
Nasa ganoon akong pagtitig sa kanyang bag ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“O Vin gising ka na pala.” Sabi ni Paul. “Lika na, kain na tayo, nandiyan na sila tita.”
“Ah eh sige. Susunod na ako.” Sagot ko na lang.
Naunang bumaba si Paul. Ako, nagpunta muna sa bathroom para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na para kumain. Nandoon na silang lahat. Lumapit muna ako kay mommy para i-beso-beso siya pagkatapos ay umupo na ako. Magkatabi kami ni Paul. Nag-umpisa na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang nagsalita si mommy.
“Paul anak, sigurado ka bang ayaw mong dun na lang matulog sa kwarto ni Ian? Pwede naman munang lumipat si Ian sa kwarto ng kuya niya.” Sabi ni mommy.
Nabigla ako sa sinabi niya. Ano?! Anong ibig sabihin nito?! Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Paul.
“Wag na po tita, okay lang naman po kaming dalawa ni Vin sa kwarto niya.” Sagot ni Paul.
“Dito ka matutulog?!” sabi ko.
“Oo.. Hindi ko na kasi nasabi sa’yo kasi nakatulog ka.” Sagot niya.
“Bakit anak? May problema ba?” tanong ni daddy.
“Wala po..” sagot ko na lang.
Hindi ko alam kung matutuwa ako or what..Matutuwa kasi katabi ko siyang matutulog mamaya..Mejo alangan din kasi baka mamaya may magawa ako sa kanya, mabuko niya ako..or baka mamaya may matuklasan siya..diba?
Well I guess I just have to deal with it..besides, it’s just one night.
Natapos kaming kumain at tahimik pa rin ako..Umakyat na kami sa kwarto. Nun ko lang napansin na nagpalit siya ng damit..
siguro damit ang laman nung isang bag niya..Mukhang prepared talaga tong mokong na to…ano naman kaya ang dahilan nito?
Nasa loob na kami ng kwarto ng biglang magsalitang muli si Paul.
“Vin..” hinawakan niya ang kamay ko.
“O?”
“Okay lang ba sa’yo na matulog ako dito?” tanong niya.
“Oo naman..” sabi ko. Gusto ko sanang sabihin na, eh wala na akong magagawa eh, nandito ka na, alanganamang paalisin pa kita. – Pero hindi ko na lang sinabi, ang sama ko naman kung sasabihin ko yun diba?
“Sure ka ba? Parang hindi eh.”
“Okay nga lang.”
“Sige nga..patunayan mo..”
“Ano?” nagtatakang tanong ko. Patunayan? Anung papatunayan ko?
“Kiss mo ko.” Sabi niya sabay nguso sa akin.
Tinulak ko ang noo niya. “Uhmm! Ulul! Abnormal ka talaga Paul!”
Tumawa lang siya. Abnormal talaga tong Paul na to, mamaya totohanin ko yang sinasabi nito eh! Joke.
Minabuti ko na lang mag-facebook. Mga ilang oras din siguro kong nagfacebook. Pagtalikod ko, nakita ko si Paul na nakahiga na sa kama ko.
Mukhang nakatulog na tong mokong na to. Tinignan ko yung oras. 9:00 na. Inaantok na rin ako..kaya nagpasya akong matulog na rin. Tumabi na ako kay Paul sa kama at natulog na ako. Bago ako matulog, parang may nakalimutan pa ako, pero hindi ko na maalala kung ano yun..kaya minabuti ko na lang na matulog.
Kinabukasan, since sa amin nga natulog yung mokong kong bestfriend, sabay kaming pumasok. Iniwan muna niya yung mga damit niya sa bahay, para raw wala siyang dalang damit sa school and then dadaanan na lang ulit niya mamaya.
Hinatid pa niya ako sa locker. Sweet diba? Charot.
“Pa! Good morning!” bati sa akin ni RL.
“Good morning Pa!” sagot ko naman sabay akap sa kanya.
“Pa?” nagtatakang tanong ni Paul. “Pa ang tawagan niyo?”
“Oo, ngayon mo lang ba napansin?” sabi ni RL na natatawa-tawa.
“Ah eh, hindi eh..Ang galing naman ng tawagan niyo.” sabi na lang ni Paul.
“Yeah,.” Sabi ni RL.
Biglang natahimik.
“Awkward..” I said, coming out of nowhere.
Bigla silang natawa.
“O sige na, papasok na ko sa class ko, kita na lang tayo maya. Bye Pa ! bye Paul!” paalam ko sa kanila.
“Bye Vin. Ingat ka.” Sabay ngiti sa akin ni Paul.
“Bye Pa !” sabi naman ni RL.
Nginitian ko silang dalawa at umalis na doon para pumunta sa 1st block ko.
Nagsimula na ang klase ko,. Wala kaming teacher. Substitute lang ang nandoon. Ewan ko ba naman kung anong pumasok sa utak nitong sub na ito, at naisipan niyang manuod kami ng movie about Civil War. I hate History, kahit anong gawin mo sa akin, hindi mo ko mapipilit magustuhan ang history. Nasa kalagitnaan kami ng kaboringan ng movie ng makaramdam ako ng call of nature.. I need to pee.. Kaya napag pasyahan kong magbathroom. Nagpaalam ako dun sa sub namin at pinayagan naman niya ako.
Nakarating ako sa bathroom at ako’y umihi. Papalabas na sana ako sa cubicle ng bigla kong marinig na may pumasok sa bathroom. Dalawa ata sila.
“So how’s the plan going?” tanong nung isang lalaki.
Sumilip ako sa pinto ng cubicle. Tama nga ako, 2 sila. Pero wait lang..parang kilala ko ung isa.OMG. SI FRANK!
--------------------
Until the next episode,
lilvinvin.
contact me @:
FB : vince_blueviolet@yahoo.com
YM : binz_32@yahoo.com
e-mail / GT: alvicque@gmail.com
(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)
KUYA! At last! May update na din :)) wow! Ang sweet naman ni Paul! Hahaha! Sana po mas mabilis na ung next update :D
ReplyDeleteWhat plan? What plan?!!!!!
ReplyDeleteFrank......what are you planning???!!! And whose that stranger with you????
What are they planning to do? It vin involved? Or is vin the target? What????????
Oh...btw.........i sooooooooo missed this story....thanks for the update author. ^^
-cnjsaa-
bunxxoo! waa kinilig ako dito ! wahahah ang tgal mung hndi to pinost huh? lol next episode na dallii!! loveyah bunxo
ReplyDeleteANU KAYA UNG PLAN? . . . HMMMMM
ReplyDeleteOMG! Balak ata nila sakupin ang mundo! Shet!
ReplyDeleteBunso! kakabitin naman haha..dami mo readers oh! miss na kita..lagi ka ata busy ngaun bunso! keep up the good work!merry christmas! mwah!
ReplyDelete-Kuya JAM mo