----------------------------------------------
By: White_PalBLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 11: "Darkness..."
“Kuya. Kuya
gising.”
Kasabay ng
pagdilat ng aking mata ay siya ding pag-angat ng aking ulo na nakahilig sa
braso ng aking mahal.
“Kuya kain na
bumili ako ng pagkain.”
“Wala akong
gana Angel.”
“Kuya,
kailangan mong kumain, nangangangayat ka na ohh.”
Hindi ako
umimik. Tinuon ko ang mata ko sa mahal kong nakaratay ngayon. Kasama kong
nakita ang mga makina na nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya. Para
akong paulit-ulit na pinapatay sa tuwing makikita ko siya kalagayanan niyang
iyan. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung pupwede ko lang akuhin ang hirap
at sakit na nararanasan niya ngayon ay gagawin ko. Sobra-sobra na kasing
paghihirap ng mahal ko eh.
Hindi ko
namalayang tumulo na ang luha ko.
“Kuya.” ang
sabi ni Ella kasabay ng pagpunas ng luha ko.
“Bakit ganito
ang nangyari Angel? Bakit kailangan niyang maghirap ng ganito? Bakit niya
kailangang paulit-ulit na masaktan?”
“Ssshhh. Kuya
tama na.” sabay yakap sa akin.
“Bakit kailang
maging ganito ang lahat? Ang lahat sa amin? Bakit Angel?? Bakit niya kailagang
magdusa? Wala naman siyang ibang ninais kundi ang may mag-alaga’t magmahal sa
kanya di ba? Bakit ganito kasama ang kapalaran sa kanya?” ang humahagulgol kong
sabi.
“Kuya making
ka.. ok? Makinig ka.” ang sabi niya kasabay nitong iniharap ang mukha ko sa
kanya.
“Kuya sa
totoo lang hindi ko alam kung bakit. Pero lahat ng bagay may dahilan. Kuya, magpakatatag
ka, para kay Gab.” ang sabi niya na umiiyak na din.
Yinakap niya
ako at ganun din siya, pinalabas namin ang pagdadalamhating nararamdaman sa
isa’t-isa.
Nasa ganoon
kaming pag-iyak ng biglang may pumasok sa pinto. Lumantad sa akin si Enso, Aling
Nelly, Aling Minda, Inday, Kokoy, at Totoy. Sinarado ni Totoy ang pinto.
“Kuya Jared,
kamusta na si Kuya Gab?” ang malungkot na tanong niya.
“Ganoon pa rin
daw Enso.”
“Kailan ba
siya magigising kuya? Mag-lilimang buwan na siya diyan ehh.” ang naluluhang
sabi ni Enso.
“Gigising din
ang kuya Gab mo Enso. Nagpapahinga lang siya, kailangan niya lang magpahinga
mula sa...” ang hindi ko natapos na sabi gawa ng nag-crack nanaman ang boses
ko.
“Mula saan?”
ang tanong ni Enso.
Huminga ako
kasabay nito ang pagbulalas ko ng gusto kong sabihin.
“Mula sa
mapait na mundo. Kailangan niya lang ng enough time para magpagaling.”
Pagkatapos
nito ay yinakap ako ng bata. Ramdam ko ang luha niyang tumutulo sa balikat ko.
“Dapat kasi
ako nandyan ehh, dapat ako ang nakaratay dyan hindi si Kuya Gab.” ang
humahagulgol niyang sabi.
“Wag mong
isipin yan Enso, aksidente ang nangyari ehh.Wala kang kasalanan.” ang sabi ko.
Lumapit si
Aling Nelly para himasin ang likod ni Enso at pakalmahin ito.
Ilang
sandali
pa ay biglang may nag-ring. Nakita kong hinugot ni Inday ang kanyang
Cellphone. Si Inday kasi ang sumasagot sa lahat ng tawag sa bahay nila
Gab.
“Eto
nanaman!” ang sabi niyang may bahid ng pagka-irita. Nagpunas din ng luha si
inday, umiiyak din pala siya.
“Bakit sino
ba yan?” ang sabi ni Aling Minda.
“Aling Minda,
eto yung kinukwento ko sa iyo nung isang
araw na tawag ng tawag, hinahanap si Sir Ace at Sir Gab. Hindi ko naman
maibigay kay Sir Ace dahil nagkukulong sa kwarto’t ayaw makipag-usap kahit
kanino.”
“Sagutin mo
Inday, Loud speaker ha.” Ang sabi ni Kokoy.
“Okey
Kokiiee!” ang malanding sabi nito.
“Hallerryy
Alvarez Residence. Inday on the line how may I help ya?” ang malanding sabi nito
kahit nasa ospital kami. Pinindot niya din ang loud speaker.
“Ikaw na namang
bobita ka!” ang sigaw ng babaeng nasa kabilang linya.
“Si Steph!”
ang sabi ko sa sarili ko.
“Ineng, Ate, Mare,
Manang, Mamita, Majordoma, whatevah! Wala kang magagawa teh! Ako talaga ang
taga-sagot ng lahat ng tawag sa bahay na itey!” ang sabi ni Inday na nang-iinis
pa.
“Dyan ka
naman magaling eh, ang sumagot ng tawag dahil boba ka! Wala kang utak! Wala
kang pinag-aralan! Hampaslupa!” ang sigaw ni Steph kay Inday.
“Same on you!
I mean in you! Ay! Mali! To you! Ahahaha!!” ang paenglish-english pa ni inday
kasabay ang paghalakhak nito.
“Hoy ha,
bwisit na bwisit na ako sa iyo! Baka gusto mong pasabugin ko yang bunganga mo? Nasaan
si Ace? Nasaan si Gabrie?” ang pagpuputak ulit ni Steph.
“I said you,
I mean... I told you. Ahahaha!!” sabay halakhak na nang-iinis pa.
“Ayaw tumanggap
ni Sir Ace ng kahit kaninong tawag, lalo na sa walang name at fez na kagaya
mo.” Dagdag pa ni Inday.
“Hoy muchacha
kang hampaslupa ka! Hindi mo kilala ang kausap mo!”
“Talagang
hindi ko kilala dahil hindi ka naman nagpapakilala! Siguro pinanganak kang
walang pangalan ano? Bruhang ito!”
“Hoy! Eto
tandaan mo ha, isaksak mo sa maliit mong utak ang pangalang ito. Stephanie Isis Valencia Aragon, Tonta!
Sabihin mo din sa dalawang amo mo na malapit na mapasa-akin ang majority ng
AL-UR Inc.” ang mayabang na sabi nito.
“Huwaaaw!!
Ang haba naman ng pangalan mo teh! Stephanie Isis Valencia Aragon Tonta! Hahaha!!
Tonta ka nga talaga Miss Tonta!” ang sabi ni Inday sabay halakhak.
“AAARRRGGGHHH!!!”
ang pagsisigaw nito kasabay nito ang pag-end call niya.
“Ay! Binaba na
ni Miss Tonta ang phone!” ang sabi ni Inday.
“Papaanong
mapapasakanya ang kumpanya!?!” ang biglang sigaw ni Kokoy, halata sa mukha ang
pag-aalala.
“Bago
nangyari ang aksidente ni Gab, napag-usapan na namin ni Ace na merong mga
members ng board na kasabwat ni Steph. At sa nangyari kay Gab, ginamit na ni
Steph ang pagkakataon para makuha ang kumpanya. Sa ngayon, malamang ay nakuha
na niya ang loob ng board dahil wala ni-isa kina Gab at Ace ang lumilitaw.” Ang
pagpapaliwanag ko.
“Ehh kuya
sabihin mo na kaya sa board ang nangyari kay Gab?” ang sabi ni Ella.
Nag-isip ako,
kung gagawin ko ito ay magpa-panic ang board members. At kapag nangyari yun,
malamang ay makuha na nga ni Steph ang buong kumpanya. Nasa ganoon akong
pag-iisip ng biglang nagsalita si Kokoy.
“Nagtataka
lang ako Sir Jared, papaanong makukuha ng Steph na yun yung company? Di ba wala
na siyang pera?” ang tanong niya.
Umiling ako.
“Remember
Bianca? Yung pinsan ni Steph? Ace told me na merong company shares na naipasa
ng Lolo ni Gab kay Bianca. Dagdag pa dito, may nawawalang 1 Billion sa
account ni Don Raphael. Nawala iyon bago mamatay si Bianca. Nasabi din sa akin
ni Ace na merong access si Bianca sa account ni Don Raphael.” ang paliwanag ko
sa kanila.
“So Kuya,
you’re telling me na nakuha ni Steph ang lahat ng iyon?” sabi ni Angel.
“Yes, She’s
the legal Heir, by blood, Aragon si Bianca and so is Steph. Kung buhay ang
Daddy ni Steph sa kanya mapupunta iyon but since patay na ang daddy niya. Steph
is the rightful heir sa mga properties ni Bianca since unica hija din siya.”
“Anong
gagawin natin? Hind pupwedeng mapunta sa bruha na iyon ang kumpanya.” ang sabi
ni Kokoy.
“Enso, hindi
mo ba talaga namukaan yung bumangga kay Gab?” dagdag pa ni Kokoy.
“Hindi eh.
Pero sure akong si Steph yun. Bigla na lang nawala ang hayup na iyon after ng
confrontation nila ni Kuya Gab sa Hospital eh. Isa pang napansin ko ay may
gasang nakabalot sa mukha nung driver, dagdag pa dito yung scarf na nakapulupot
sa leeg niya, parang kay Steph.” ang sabi ni Enso.
“Angel,
kamusta ang kaso na isinampa niyo kay Steph?”
Imbis na
sumagot ay tingin lang ang ginawa ng kapatid ko. Ilang sandali pa ay huminga
ito ng malalim at sinabi ang isang bagay na nagpagulat sa akin.
“Iniurong ko
ang kaso.”
“WHAT!?!?
Bakit mo ginawa iyon Angel?” ang pagtaas ng boses ko.
“Kuya,
tinakot ako ni Steph na kapag tinuloy ko ang kaso, ay sasampahan niya ng kaso
si Gab sa pambubugbog sa kanya at sa damage na nagawa ni Gab sa mukha niya.”
“Pero Angel!”
ang malakas na tono kong sabi.
“Violence
Against Women and Children ang ikakaso ni Steph kay Gab. Kuya, kahit saang
anggulo ay makukulong si Gab. Oo nagawa niya yun dahil nalagay sa piligro ang
buhay ko at ang buhay ng anak namin. Pero kahit anong gawin natin ay wala
tayong lusot kuya. Makukulong at makukulong si Gab.” Ang humahagulgol na sabi
ng kapatid ko.
Hindi ako
agad nakapag-salita. Nanlumo ako sa aking nadinig. Naisip ko tuloy, kapag
nagising si Gab ay malaking posibilidad na makulong siya. Oo buhay nga siya
pero nakakulong naman.
Nagkaroon ako
ng matinding galit kay Steph. Ang lakas ng loob niya na gawin iyon. Siya na nga
ang nagpahamak sa buhay ng kapatid at pamangkin ko, siya pa itong may lakas ng
loob na magsampa ng demanda.
Hindi ko na
alam ang gagawin ko, yinakap ko na lang ang kapatid ko.
“Wag ka ng
umiyak Angel. Nakakasama sa pamangkin ko yan eh.” Ang sabi ko sa kanya.
“Ikaw naman
kasi eh.” ang sabi niya sabay hampas sa braso ko.
Pitong buwan
ng buntis ang kapatid ko, kahit ganito ang kalagayan niya ay araw-araw itong
nagbabantay kay Gab kasama ko. Nasa ganoon kaming lagay ng biglang bumukas ang
pintuan ng kwarto. Linuwa nito si Papa at si Mama. Umuwi sila galing states
kasama sina Tito Luis at Tita Tess nang mabalitaan nila ang nangyari kay Gab.
Nag-beso ako sa kanila at pagkatapos ay…
“Jared anak,
Pupwede ba kitang makausap?”
“Tungkol saan
Pa?”
Hinatak ako
ni papa palabas ng kwarto at dinala sa isang sulok. Umupo kami doon, ilang
sandali pa ay ini-abot niya sa akin ang isang documento.
Kinuha ko ito
at binuksan. Binasa ko ang nakasaad dito at nagulat ako sa aking nabasa.
“You’re
giving all your shares sa akin!?!? Pa, Bakit??” ang gulat na gulat kong sabi.
“Jared, inagawa
ko ito, dahil kailangan. Anak alam kong ikaw lang ang makakasalba ng kumpanya
nila Gab mula kay Steph.” Ang sabi ni Papa.
Part si Papa
ng board kaya alam niya ang nangyayari sa kumpanya.
“Pa!”
“Ace told me
everything. Gab trusted your ability, and so is Ace. Actually si Ace ang
nag-propose nito.”
Nagulat ako
sa sinabi ni Papa, I can’t believe that Ace wants me to take the company.
“Pero Pa, di
ba dapat si Ace ang lumaban para dito?”
“Wala ng
tiwala ang Board kay Ace. Kay Gab lang nakikinig ang board. At sa situasyon
ngayon, unti-unti ng nakukuha ni Steph ang loob ng board. But Jared, remember
how you save the company from the scandals na pinakalat dati ni Steph? Naalala
mo ba kung papaano mo nalinis ang pangalan mo at pangalan ni Gab sa public?
Naalala mo ba kung papaano bumilib ang lahat sa isang trainee na kagaya mo?
They believe in your capabilities, And I know that they believe in your ability
to lead the company like Gab. Or should I say--- Erick.” Sabay kindat at ngiti.
“But I’m just
a trainee Pa, I’m just Jared Earl Cruz, I mean, I can’t be like Gab or Erick na
ganoon kagaling. I mean, Gab is like a Great Wall. A shinning wall na kung sino
man ang bumangga ay natutumba. A powerful tychoon.”
“Anak, isipin
mo na lang. Ano ba si Gab noon?”
Sa simpleng
salitang iyon, natahimik ako. Tama si Papa. Now I realize, like Gab, kulang ako
ng bilib sa sarili ko. May paninindigan, pero kulang sa gawa.
Naisip ko
tuloy ang nangyari sa amin dati ni Gab. Kung naging matapang lang ako noon, edi
sana hindi nagalit si Gab sa akin at hindi rin siya lumayo. Pero naisip ko din
noong isinakatuparan ko ang paninindigan ko, ang paniniwala ko, ay nagbalik ang
dating Gabriel. Kasama ang pagmamahal niya sa akin.
“Tama ka
Pa..”
“So. Tinatanggap
mo na? You will hold a big amount of shares Jared.” Ang pagsisigurado niya.
“Yes, I will!
Gagawin ko ito para kay Gab.” ang sabi ko. Buo na ang loob ko.
“Then
pirmahan mo na ang documentong yan. Paalala ko lang anak, tuso ang makakalaban
mo.”
“I know Pa,
but I think I’m ready. Ready to fight for Gab.” ang matigas ko sabi.
Inakbayan ako
ni Papa at pagkatapos ay sinabi niyang.
“I’m proud of
you son.”
“Thanks Pa.”
ang sabi ko kasabay ang pagyakap ko dito.
The moment I
accept this battle is the moment that I start to fight for Gab kay Steph.
Bahala na kung saan hahantong ang laban na ito, pero sisiguraduhin kong hindi
ko bibiguin si Ace, si Mama, si Papa, at si Gab.
Kinagabihan
ng araw ring iyon, nagbabantay pa rin kami kay Gab ng bigla kong naitanong ang
sila Tito Luis at Tita Tess.
“Pa, Ma, sila
Tito and Tita po?” ang tanong ko sa kanila tungkol sa parents ni Gab.
Imbis na
sagutin ang tanong ko ay nagkatinginan lang sila.
“Why? What’s
wrong? Anong nangyari?” ang sunud-sunod kong tanong.
Yumuko si
Papa at tumingin si Mama sa akin, isang buntong hininga ang ginawa niya.
“Anak kasi…”
“Kasi ano
Ma?”
“They’ll
going to meet their daughter. Gab’s lost twin sister.”
Nanlaki ang
mata ko sa aking nadinig. Hindi makapaniwala sa aking nalaman.
“Papaano!?!?
I mean, papaano nila na-confirm na siya nga ang kapatid ni Gab??”
“Ako kuya.”
ang sabi ni Ella na nanggaling sa labas ng kwarto.
“Sinabi ko na
sa kanila ang totoo.” Dagdag pa nito.
“Anong totoo
Angel?” ang naguguluhan kong sabi.
Yumuko siya,
humugot ng lakas para makapagsalita.
“Kuya kasi…
Matagal ko ng alam.” ang nanginginig pa rin niyang sabi.
“Kailan pa
ito?” ang mahina kong tanong.
“Pagkagaling
niyo ni Gab ng Paris kuya. Kuya, hindi ko masabi sa inyo ni Gab kasi nakiusap
siya… Kasi...” ang umiiyak niyang sabi.
“Kasi ano?
Angel ano!?!?” ang sigaw ko.
“Jared! Tama
na yan!” ang sigaw sa akin ni Mama.
“Kuya kasi,
ayaw niyang may ibang makaalam ng dinadala niya, ayaw niyang malaman ng kahit
na sino sa atin ang mabigat na dinadala niya!” ang sigaw niya sa akin.
Hindi na ako
nagsalita, tumingin ako sa kisame sabay sabing…
“Sino siya
Angel? Gusto ko siyang makita’t makausap.” ang sabi ko sabay tingin sa kanya ng
diretso.
Hindi agad
nakakibo ang kapatid ko, naupo siya at sinabi ang pangalan ng kapatid ng mahal
ko. Sa pagbulalas ni Ella ng katotohanan ay siya ding pagkawala ng aking
emosyon.
=====PAGLALAHAD
NI GAB=====
“Gab ito na...
Ito na ang kabayaran ng poot at paghihiganti.” ang sabi niya sa akin.
“Anong ibig
mong sabihin kuya?” ang naguguluhan kong tanong.
“Bunso, sana
pagkatapos nito ay imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan. Hayaan mong
tuluyan ng mapawi ang galit na nasa puso mo. Tama na Gab.” ang mahinahon niyang
sabi.
“Kuya hindi
kita maintindihan ehh.”
“Sana, sa
muling pagdilat ng iyong mata, sa muling pagkita mo ng liwanag ay siya ding
pagkamulat mo sa katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan ang poot. At... katotohanang
matagal mo ng dapat nalaman.”
Hindi pa ako
nakakapag-salita ng bigla niya akong yakapin. Ang dami kong gustong itanong,
ang dami ko malaman, ngunit hindi na ako makapagsalita.
Ilang sandali
pa ay biglang napawi si Kuya sa aking paningin. I saw black, darkness. As in
pure darkness. Ramdam ko rin na parang may bendang nakabalot sa mata ko.
Ilang sandali
pa ay nadinig kong may nag-uusap.
“Ano bang
nangyari sa anak natin Luis?” ang sabi ng babae sa may bandang tabi ko, bakas
sa boses ang pag-iyak nito.
“Si Mama!” ang sigaw ko sa sarili ko.
“Diyos ko! Bakit
ganito ang nangyayari sa pamilya natin Luis? Si Gab, nasa alanganin ang
kalagayan. Ang kapatid naman niya’y…”
Imbis na
tapusin ang sinasabi niya’y humagulgol na lang ito.
Sa
pagkakataong ito, nakaramdam ako ng matinding awa kay Mama. Nagsisisi tuloy ako
kung bakit ko sinabing hindi ko sila kilala. Nagsisisi ako sa lahat ng mga
nagawa ko, dahil hindi lang ako ang nahihirpaan, kundi pati ang mga
mahahalagang tao sa buhay ko. Dahil dito, hindi ko napigilang lumuha.
“Luis! Si
Gabriel!” ang sigaw ni Mama.
Nadinig kong
bumukas ang pintuan.
“Gabriel
anak! Nadidinig mo ba ako? Nadidinig mo ba si Mama? Magsalita ka naman oh.” Ang
umiiyak na sabi ni Mama.
“M-Ma…” ang
sabi ko, bakas sa boses ang hirap.
“Diyos ko!
Gising na ang anak ko!”
Pagkatapos
sabihin ni Mama ang katagang iyon ay nadinig kong may mga yapak ng sapatos
galing sa labas papalapit sa akin. Iyon ang huli kong natandaan.
Hindi ko alam
kung gaano katagal ako nakatulog, ngunit sa aking pagising ay may isang taong naramdaman
kong nakahawak sa aking braso. Bumulong siya.
“Hindi kita
iiwan, lagi lang akong nandito sa tabi mo… mahal na mahal kita.” Bakas sa boses
na umiiyak ito.
“Si Jared!” ang sigaw ko sa isip ko.
At kasabay nito’y
nadinig kong nag-play ang isang kanta. Isang kanta na naging dahilan ng muli
naming pagkikita, at pagpapatuloy ng naudlot na pagkakaibigan.
Josh Wilson - Before The Morning
Mp3-Codes.com
Do you wonder why you have to,
feel the things that hurt you,
if there's a God who loves you,
where is He now?
Maybe, there are things you can't see
and all those things are happening
to bring a better ending
some day, some how, you'll see, you'll see
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning
My friend, you know how this all ends
and you know where you're going,
you just don't know how you get there
so just say a prayer.
and hold on, cause there's good who love God,
life is not a snapshot, it might take a little time,
but you'll see the bigger picture
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning
yeah, yeah,
before the morning,
yeah, yeah
Once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
memory, memory, yeah
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
com'n, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the hurt before the healing
the pain you've been feeling,
just the dark before the morning
before the morning, yeah, yeah
before the morning
Habang
nagpi-play ang tugtog ay sinabayan niya rin ito ng kanta. Nasa kalagitnaan pa
lang ng kanta’y hindi ko napigilang lumuha. Biglang humigpit ang hawak niya sa
braso ko ng tumulo ang aking luha.
Nang matapos
ang kanta’y nag-salita siya.
“Kamusta ka
na Gab? Kamusta ang nararamdaman mo ngayon?” ang mahina niyang sabi habang
pinipisil-pisil ang aking braso.
“Bakit wala
akong makita Jared?” ang diretsong tanong ko sa kanya.
Hindi siya
naka-sagot. Nadinig ko na lang ang paghagulgol niya. Hinalikan niya din ang
aking pisngi at inihilig ang ulo sa aking braso. Dahil dito, nakaramdam ako ng
takot, matinding takot.
“Jared
sagutin mo ako! Bakit wala akong makita?” ang pagsisigaw ko.
Nasa ganoon
akong pagsisigaw ng biglang bumukas ang pinto.
“Gab, anak…”
“Ma?”
“Gabriel!”
ang sigaw niya sabay yakap sa katawan ko.
“Ma, na-miss
kita. Sorry po sa ginawa ko ha?”
“Ssshhh… Wag
mo ng isipin iyon anak.” Ang sabi niya sabay punas ng luha ko na dumadaloy sa
pisngi.
“Ma, bakit
wala po akong makita?” ang takot kong sabi.
Imbis na
sumagot ay nadinig ko ang kanyang paghagulgol.
“Mama, bakit
po wala akong makita? Bakit hindi ko kayo makita ni Jared? Ma sagutin niyo ako!”
ang pagsisigaw at pag-iyak ko.
“Kasi anak…
N-nasira ang mata mo.” Ang nanginginig niyang sabi.
Parang gumuho
ang mundo ko nang madinig ko ang katagang iyon. Parang nawalan ako ng ganang
ipagpatuloy pa ang buhay ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ko dati kay Jared; ang pagkabulag ay isa sa aking
pinaka-kinatatakutan. Heto, nangyari na nga… Ayokong mamuhay bilang isang
bulag. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako kesa mabulag ako habang
buhay.
“Hindi totoo
yan… Hindi totoo yan!!!” ang pagsisigaw ko kasabay nito’y pagwawala ko. Hinugot
ko rin ang dextrose na nakakabit sa akin.
Ramdam kong
yinakap ako ni Mama, samantalang naramdaman ko naman ang mga kamay at braso ni
Jared na pumipigil sa akin.
“Ma, hindi
ako pupwedeng mabulag Ma! Natatakot ako Mama!” ang pag-iiyak at pagsisigaw ko.
“Huminahon ka
anak. Gagawan natin ng paraan ha?” ang sabi niya habang yakap ako.
“Jared… Please…
Jared ayokong mabulag... Ayoko!!!” ang pagsisigaw at pagwawala ko pa rin.
“Nandito lang
ako Gab, hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kumalma ka lang please. Hindi
makakatulong yan eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”
“Jared hirap
na hirap na ako! Wala ng mashihirap pa
sa situasyon ko! Kumuha kayo ng kutsilyo’t saksakin niyo na lang ako para
mamatay na ako!” ang sigaw ko sa kanya.
Nasa ganoon
akong pag-iyak at pagwawala ng naramdaman kong may sinaksak silang karayom sa aking
braso. Malamang pampatulog ito para kumalma ako. Ilang sandali pa’y umepekto na
ang gamot.
Hindi ko alam
kung gaano katagal akong nakatulog. Sa aking pagising ay siya ding pagtahimik
ko. Hindi ko sila masyado kinakausap dahil ang gusto ko na lang ngayon ay
mamatay na lang ako para matapos na ang paghihirap ko.
Ilang araw rin
akong nakaratay sa ospital. May mga bumisita sa aking kamag-anak, mga kaibigan,
kaklase noong high school na humingi ng tawad at binigay ko naman. Dahil dito,
kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman kong napaka-selfish ko
dahil merong mga taong gusto akong mabuhay at lumaban, samantalang ako gusto ko
ng tapusin ito.
Isang araw,
naka-upo ako sa wheel-chair noon kasama ang nurse at si Ella.
“Ella…”
“Yes Gab?”
“Alam mo, mabuti
na rin sigurong nabulag ako nuh?”
“Bakit naman?”
“Kasi…
Masyado ng maraming kasamaang nakita ang mga mata ko. Masyado ng maraming
negatibong imahe ang nakita ng mata kong ito. Masyado na rin itong nabulag sa
galit, sa paghihiganti... dapat ng itapon, dapat ng palitan.” Ang seryoso kong
paliwanag.
Imbis na
sumagot ay binago niya ang usapan namin.
“Gab…”
“Yes Ella?”
“8 months na
ang anak natin.” Ang masaya niyang sabi.
Ngiti lang
ang sagot ko. Muli ay naramdaman kong dapat akong lumaban para sa magiging anak
ko.
“Inaalagaan
mo ba yan ha?”
“Oo naman
nuh!”
“Good. Naku! Mamaya
niyan pinapagod mo yang bata. Araw-araw ka kasing nandito eh.”
“Hindi nuh!
Kung pupwede ko nga lang ipakita sa iyo yung ultra-sound eh para makita mo kung
gaano ka-gwapo ang bata kagaya mo.” Ang masigla niyang sabi.
Natuwa ako sa
sinabi niya, but at the same time, naramdaman ko ang pagka-awa sa sarili… dahil
bulag ako.
“Gab, wag ka
ng malungkot.” Ang sabi niya.
Napansin niya
siguro ang pagtahimik ko.
“Lahat ng
pagdurusa, lahat ng paghihirap, lahat ng iyan, natatapos din.” Ang casual
niyang sabi.
Hindi ko alam
kung anong gusto niyang ipahiwatig doon, gusto ba niyang isipin kong may
pag-asa pa sa kalagayan ko? Kasi sa totoo lang, hindi ko na iniisip na gagaling
pa ako, na makakakita pa ako. Oo, nag-fufunction ng maayos ang lahat ng parte
ng katawan ko, pero bulag naman ako. So what’s the use?
“Hay Ella.” Ang
sabi ko na lang.
“Basta Gab,
trust in God… Alam kong kaya mo yan. Malay mo, few days later magaling ka na.
Basta lagi ka lang maging handa Gab. Laging Handa.” ang sabi niya, halata sa
tono ang saya nito.
Hindi ko na
lang pinansin iyon, imbis ay nanalangin ako.
“Kayo na pong bahala sa akin. Kung may
mahihiling man ako, yun ay sana… Mahanap na ang kapatid ko. Sana maging maayos
ang problema sa kumpanya, at sana… Maging maayos na ang lahat.”
Isang araw,
sinabihan ako ni Mama na meron daw gagawin sa akin kaya patutulugin nila ako.
Hindi na ako nagtanong pa kung ano pa iyon.Nang magising ako ay parang wala
namang pinagbago, ganoon pa rin. Pero kagaya ng hiniling ko noong isang araw,
sana nakatulong ang ginawa sa akin kung anuman iyon.
Isang araw…
“Gab anak,
wag kang malikot ha?” ang sabi ni Mama.
“Bakit Ma?”
“Basta anak…”
Ilang sandali
pa’y naramdaman kong tinatanggal nila ang benda sa aking mata.
“Now Gab,
slowly… Idilat mo ang mga mata mo.” Ang sabi ng doctor.
Hindi ko alam
pero bigla akong nabuhayan ng loob. Naisip ko bigla yung sinabi sa akin ni Ella
at sinabi ni Mama na may gagawin sila sa akin.
“Makakakita na kaya ako?” ang na-eexcite kong sabi sa sarili
ko.
Pagdilat ko
ng mga mata ko’y nakita ko na medyo madilim na hindi ko maintindihan. Ilang
sandali pa ay may mga tao akong naaninag. Unti-unti, nakita kong luminaw ito at
nakita ko yung Nurse, si Doc, mga kasambahay namin, si Tito Angelo, si Tita Jade,
si Mama, si Papa, si Ella, at si Jared.
Napangiti ako
kasabay ang pagtulo ng luha ko senyales na nakakakita na ako.
Bigla silang
nagpalakpakan, lumapit si Mama, si Papa, at si Jared.
Hindi ko
maipaliwanag kung gaano ako kasaya ng mga oras na iyon. Parang daig ko pa ang
nanalo sa lotto. Naalala ko tuloy ang sinasabi sa kantang “Before the Morning”,
na sa bawat pagsubok, sa bawat sakit, sa bawat paghihirap, sa bawat pagdurusa,
mayroon umagang nag-aabang para sa atin, na dapat hindi tayo mawalan ng
pag-asa.
“Salamat sa
Diyos!” ang lumuluhang sabi ni Mama.
“Sabi ko
naman sa iyo Gab eh, wag kang bibitiw.” Ang sabi ni Jared na nakayakap sa likod
ko.
“Ma’am Tess!
Sir Luis! Hayaan niyo muna mag-moment yung dalawang mag-jowa!” ang biglang
sabat ni Inday na kinatawa naming lahat.
Bigla naman
akong namula pagkadinig ko noon. Kita ko din na abot-tenga ang ngiti ni gago.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay pinunasan ang luha dito.
“Wag ka ng
umiyak Gab. Eto naman napaka-iyakin.” Ang sabi niya na natatawa.
“Eh kasi
naman eh! Hindi ko akalaing ganito na… na makakakita pa ulit ako. Hindi niyo
man lang sinabi sa akin!” ang sigaw kong naiinis sa kanila.
“Para
surprise Sir Gab!” ang sabat ni Kokoy.
“Yeaaahhh!!!
Tingnan mo oh, sobrang saya ni Ser Gab, pero mas masaya siya dahil nakita na
niya ang jowa niya! Pupwede na ulit sila magbembangan! Yehey!” ang walang
prenong sabi ni Inday sabay palakpak pa na nakakaloko.
Para akong naging istatwa sa sinabing iyon ni
Inday, kita ko naman na nagtawanan sila sa sinabi ng bobitang bungangerang ito.
“Ikaw talaga!”
ang sabi ni Aling Minda sabay pingot at tampal dito.
“Arrraaayyy
naman Aling Minds!” ang sigaw nito.
Muli ay
napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto. Ilang sandali pa’y napansin nila
ang pagtahimik ko.
“Anak bakit?
May masakit ba? May bumabagabag ba sa iyo?” ang tanong ni Papa.
“Wala naman…
I just want to meet the family of my donor.” ang seryoso kong sabi sa kanya. Nagtinginan
si Papa at Mama, habang si Ella naman ay napa-yuko. Tumingin ako kay Jared na
naka-akbay sa akin at nakita kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.
“Bakit?”
“Ah anak,
pupuntahan natin yung…” hindi niya natapos ang sasabihin, pansin ko ang
namumuong luha sa mga mata nito.
“Ma, bakit ka
umiiyak?”
“Ah wala!
Wala! Pupuntahan natin siya next week.” Ang sabi ni Mama.
Hindi ko alam
pero kinutuban na ako ng masama. Tinanong ko din kung nasaan si Ace, ang sabi
ay may inaasikaso daw at next week ko daw siya makikita. Ganoon din si Ely.
Tinanong ko rink ay Jared ang lagay ng kumpanya ngunit ang sabi lang nito’y
pag-uusapan naming iyon next week. Hindi ko alam kung bakit puro next week ang
sagot nila, iniisip ko tuloy parang revelation day iyon eh.
Dumating ang
araw na makikilala ko ang pamilya ng Donor ng mata ko. Mag-aalas sais ng umaga ng
bumyahe kami. Dalawang van ang ginamit namin patungo doon. Sumakay rin kami sa
barko na pag-aari ko’t dumiretso sa isang isla. Nang makarating na kami doon ay
namukaan ko ang lugar.
“Jared, anong
ginagawa natin dito?” ang naguguluhan kong tanong.
Alam ko
kasing napuntahan na namin nila Jared, Ella, at Ely ang lugar na ito noon bago
kami gumraduate ng high school.
“Tara Gab.” Ang
seryoso niyang sagot.
Habang naglalakad
kami sa maputing buhangin patungo sa bahay sa gitna ng isla, napansin kong wala
masyadong nagbago rito. Nandyan pa rin ang malalaking itim na bato sa isang
sulok kung saan dati kaming umuupo para abangan ang sunset. Sa isang parte ay
nandoon pa rin ang makukulay na bulaklak at iba’t-ibang klaseng halaman. Syempre
hindi mawawala ang malalaking puno na nagsisilbing lilim sa aming paglalakad. Malamig
ang simoy ng hangin, at kung titingnan ang dagat ay para itong isang crystal sa
sobrang linaw. Isolated pa rin ang dating ng Isla.
Nang
makarating kami sa bahay na nasa tuktok ng burol ay muli, tumingin ako sa likod
at natanaw ko ang kabuuan ng isla. Napaka-ganda, parang paraiso.
“Gab!” ang
tawag ni Tito Angelo sa akin sa loob ng bahay.
Pagpasok ko
ng bahay ay napansin kong walang nagbago rito, kagaya pa rin ng huling punta namin
apat na taon na ang nakakaraan. Hindi ko maiwasang magtanong…
“Bakit niyo
ako dinala dito? Asan ang pamilya ng donor ko?” ang tanong kong naiirita na.
Kasi naman, alam kong walang nakatira sa bahay na iyon dahil inuupahan iyon.
Tumingin si
Mama kay Jared at pagktapos ay tumango ito.
“Gab, tara sa
itaas…” ang sabi lang niya sabay akbay sa akin.
Pagdating naming
sa ikatlong palapag ng bahay ay dumiretso kami sa isang kwarto, binuksan
kumatok ito’t binuksan ang pinto.
Pina-una ako
ni Jared pumasok at laking gulat ko sa aking nakita.
(ITUTULOY)
kuya ang ganda ng kuwento na ito promise...
ReplyDeleted na ako makapaghintay sa susunod na kabanata.. as in excited na ako.. kaya sana. gusto ko mabasa na ito at matpos... hehehehe... GOOD LUCK< GAB!!!!
Nice work... hahahah... next part na... heheh.. :))
ReplyDeleteButi na lang nag-check ako at BOOM! May update na rin sa wakas! I miss your update Bebe Gab!
ReplyDeleteRegarding sa story, malabo ng magkatuluyan si Gab at Jared, still, I hope for the best! Sana sila pa rin sa huli despite sa mga nangyari. They deserve to be happy!
As usual, wala pa ring kupas ang bawat chapter mo Author, sana nga lang matapos ito before new year. Excited na kami sa ending!
Gab's lost twin sister... Is it Ely? Who is Gab's Donor? si Ace ba? Or si Ely din? Several possibilities. Pero isa lang ang sure ako, hindi sila matutulad sa mga parents nila. As what Ella said in the previous chapter, ayaw nito pakasalan si Gab because she wants Gab to be happy with his Kuya Jared. I think, ganito rin ang dapat gawin ni Ely para Happy Ending na. As for Steph she should rot in hell. I also sense na may gagawin pang kababalaghan ang babaeng ito.
ReplyDelete~ Mighty_Dawn
goodluck na lng kila jared at gab. I hate the fact na may anak na sila pareho. XD
ReplyDelete--ANDY
Lakas ng tawa ko sa scene ni Inday at Steph eh. Bobita talaga si Inday, pero nakakatawa! Pati rin yung sinabi ni Inday na pwede ng magbembangan si Jared at Gab, tawang-tawa din ako dun!
ReplyDeleteSino kaya ang Donor? Si Ace ba? Author! Ending na dali!
di ako makakatulog nito sa suspense ah... hehehe. da best. :)
ReplyDeletehahaha...naubos na ang bukas
ReplyDelete@anonymous sa itaas, pasensya naman po sa delay. nasira internet namin kahapon eh, ngayon lang po naging stable. :( Post ko po ngayon yung part 12, sandali lang po. :)
ReplyDeleteEeeeeeewwwwwwwww.........
ReplyDeleteEeeeeeewwwwwwwww
ReplyDeleteang ganda:)love it!!!1
ReplyDeletekaya lang asan na po ung next ehe..>,~
good job po mr.author ........
marter_lee#027