Followers

Friday, December 9, 2011

Bulag Na Pag-ibig [10]

WARNING: This post contains scenes not suitable for readers under 18.

By: Mikejuha
Email: getmyox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Bukas na talaga ang awarding ng PEBA, the moment of truth. Ngunit kahit pang 10th palce pa ang MSOB, happy na ako na nakapasok sa finalist.

Kaya nais kong pasalamatan ang mga masugid na tagasuporta ng MSOB dahil sa pagpasok natin sa top 10 finalists. Wala pa pong kinalaman dito ang boto at ang like and comments ninyo dahil ang top ten entries po ay pinili base sa ibang criteria ng PEBA. Ibang category po ang popularity kung saan bibilangin ang mga comments, like at boto ninyo, at sana ay masungkit din natin iyon.

Tungkol naman po sa EB ng MSOB para sa taong 2012, gaganapin po ito sa June 2, 2012 (Sabado). Ito po ang pagbibigay pasasalamat ko para sa mga sumuporta sa entry ng MSOB sa PEBA. May mga sponsors na nag pledge ng tulong dito ngunit kung may mga gusto pa rin pong maging sponsor, malugod po naming tatanggapin ang inyong donasyon. Maari po lamang na mag-email sa akin sa: getmybox@hotmail.com

Ang isa sa mga basehan upang makasali sa EB ay ang suporta na ipanaabot sa entry ng MSOB sa PEBA.

Tungkol naman sa MSOB Book Anthology project, nabuo na rin po ang sampung writers na magsusulat. Nasa proceso na po sila nang paggawa ng kuwento at base sa ating target, maipalabas natin ang book sa darating na Mayo, 2012.

Maraming salamat po.

-MIkejuha-

----------------------------------------

Hindi magkamayaw ang aking mga magulang kung ano ang kanilang gagawin upang matulungan si Dante.

“N-nay… pahiram po ng cp. May tatawagan lang po ako.” Ang sabi ko noong may biglang sumagi sa isip ko.

“S-sino ang tatawagan mo?”

“S-si Tom po, iyong kaibigan ko sa bahay-kalinga. Iyong palagi pong nagbibigay sa akin ng advice. Anak-mayaman po iyon at ang sabi niya sa akin ay tutulungan daw niya ako kapag may problema.”

“H-hind ba nakakahiya sa kanya?”

“Kailangan nating matulungan po si kuya Dante kaya tatawagan ko po siya. Atsaka, alam ko, tutulungan ako noon kasi buhay ni kuya Dante ang nakataya dito.”

Ibinigay sa akin ng aking ina ang cp. Pinilit kong matandaan sa aking isip ang numerong ibinigay sa akin ni Tom. Naka-ilang “wrong numbers” din ako bago ko siya nakontak. “K-uya Tom???” ang may halong kasabikang sambit ko. “Si Triatan ito! Naalala mo pa ba ako kuya?”

“Tristannnn!!!” ang sigaw din niya sa kabilang linya, halatang excited na narinig ang boses ko. “Kumusta ka na tol? Na-miss na kita. Gusto ko sanang dalawin ka ngunit hindi ko alam ang bahay mo! Mabuti’t napatawag ka…”

“Talaga? May problema ako kuya, eh.”

“Ano iyon? May maitutulong ba ako?”

“Natandaan mo ang kuya ko, si Dante? Iyong kinuwento ko sa iyo? Naaksidente at nasa ospital po siya! Delikado ang lagay niya kuyaaaaaa!!!” ang pagtaas na ng boses ko.

“Saang ospital ba? Puntahan ko na ngayon!” ang sigaw din niya.

At ibinigay ko ang pangalan ng ospital.

Pinutol din niya kaagad ang aming pag-uusap. At baling ko sa aking mga magulang, “Nay… tay, ako na lang po ang pupunta ng ospital, papunta na daw si kuya Tom, tutulungan po niya si kuya”

Hapon na noong nakarating ako sa mismong ospital. Nagtanong ako sa information kung saan ang kuwarto ni kuya.

“Isang private na kuwarto?” tanong ko sa sarili habang binaybay ko ang hallway patungo ako sa ibinigay na kuwarto. “Ang bait talaga ni Tom. Mamahalin pa ang kuwarto ni kuya!”

At noong binuksan ko ang kuwarto, nagulat din ako gawa ng sa tabi ni Dante na nakapikit pa ang mga mata ay nakahiga din si Tom sa katabing kama, may tube na dinadaluyan ng dugo na nakakabit sa kanyang braso. “Anong nangyari? Ang tanong ko”

“P-pareho pala kami ng type ng dugo tol, kaya nagdonate na ako ng dugo para sa kanya.” Ang sagot ni Tom. “Ligtas na siya” dugtong niya.

Syempre, touched na naman ako. Sariwa pa kasi sa aking ala-ala ang pagsagip ni Tom sa buhay ko sa loob ng bahay-kalinga noong tinangka kong magbigti. At sa pagkakataong iyon, si Dante naman ang iniligtas niya. “Napakabait niyang tao!” sa isip ko lang. “S-alamat kuya Tom ah! Ang laki na ng utang na loob namin sa iyo…”

Binitiwan niya ang isang ngiti, “Wala ito… ikaw naman. Di ba ako naman ang guardian angel mo?”

Napangiti lang ako.

“M-may bad news lang tol…”

“Ha? A-ano?”

“Putol ang dalawang binti ng kuya mo. Naipit ang mga ito noong binangga ng bus ang jeep na sinakyan niya.”

Mistula akong nabingi sa aking narinig. “Anooooo? Putol na ang mga paa ni kuya?”

Tumango si Tom. “Wala na tayong magawa tol… Pinutol ang mga ito ng duktor upang mailigtas ang buhay niya.”

“Hindiiiiiii!!!!” ang sigaw ko. At humagulgol na ako. Naawa kasi ako sa kalagayan ni Dante. At hindi ko rin alam kung paano niya matangga ang masakit na katotohanan kapag nagising na siya.

“Isipin mo na lang tol na maswerte pa rin siya dahil buhay siya.”

Kinagabihan, nagising na si Dante. Maputla ang kanyang mukha at pakiramdam ko ay disoriented pa siya noong ibinuka niya ang kanyang mga mata. Inaninag niya ang paligid at noong nakita niya ako, binitiwan ang isang pilit na ngiti.

“L-ligtas ka na kuya…” sambit ko.

“A-anong nangyari tol…?” tanong niya, halata sa boses ang nanghihina pa niyang katawan.

“Di mo ba natandaan? Naaksidente ang jeep na sinakyan mo kuya.

Natigilan siya. Nag-isip. “A-ahhh. Oo nga pala. At b-buhay ako...”

Hindi ako sumagot. Ang nasa isip ko kasi ay ang pagkaputol ng mga binti niya; kung paano ito sasabihin sa kanya.

“N-nasa harapan ako ng jeep, katabi ng driver noon. Mabilis ang mga pangyayari. Habang umandar ang jeep, nakatingin ako sa mga taong nag-uumpukan sa gilid lang ng kalsada. Naalimpungatan ko na lang ang isang bus na sobrang bilis ang takbo pasalubong sa amin. At iyon na… binangga ang jeep namin. Iyon lang ang naalala ko.”

“Patay daw ang driver kuya…”

“G-ganoon ba? Muntik na rin pala ako no?”

“Muntik na talaga kuya. At maraming dugo ang lumabas sa iyong katawan.” At baling kay Tom, “S-si Tom pala kuya… Siya ang nagbayad sa ospital mo, at siya rin ang nag-donate ng dugo upang hindi ka tuluyang maubusan nito. Magkapareha kasi kayo ng dugo eh.”

Nilingon niya si Tom at nginitian. “S-salamat pare. Isa kang anghel.”

Napangiti din si Tom at tiningnan ako, naalala marahil ang sinabi niya sa akin na siya ang guardian angel ko.

“Siya rin iyong sinabi ko sa iyo dati na nagligtas sa akin noong tinangka kong magpakamatay sa bahay-kalinga. Siya rin ang nagpapayo sa akin sa loob.”

Tiningnan uli ni Dante si Tom, “M-maraming salamat pare. Malaki pala ang utang na loob namin sa iyo.”

“Wala iyan pare. Ang importante, nakatulong ako sa mga taong nangangailangan. Masaya na ako kapag ganyan.”

Tahimik.

“S-sandali, nasaan pala si Shiela?”

“Nandito siya kanina kuya. Umuwi lang gawa nang basa ang mga lampin ng bata at kailangan niyang kumuha ng bago. Maglalaba din daw muna siya at kakain na rin.” Sagot ko.

“Ganoon ba? Na-miss ko na kasi ang baby ko…” sabay usog ng katawan niya.

At doon na siya may napansin sa kanyangkatawan. Natigilan siya. Bakas sa mukha ang pagtataka.“B-bakit parang wala akong naramdaman sa aking paa?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkarinig sa kanyang tanong, tiningnan ko lang siya, hindi ako makaimik.

At walang nagsalita sa amin ni Tom. Pareho kaming nanatiling nakatingin lang sa kanya, hindi malaman kung paano siya sagutin.

At dahil marahil sa nakita niyang expression sa aming mga mukha at sa bigla naming pagtahimik, inabot at kinapa niya ang kanyang binti na natakpan pa ng kumot na puti. Tiningnan niya ako, ang ang kanyang tingin ay bakas ng pagkalito, nagtatanong, may matinding takot. “P-putol ang mga paa ko tol???”

At doon pumatak ang aking luha. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Niyakap ko siya. “D-dapat daw kasing putulin kuya upang mailigtas ang buhay mo…”

“Bakit nila pinutol ang mga paa kooooooo!!!” sigaw ni Dante na naglupasay sa sobrang sama ng loob, nag-iiyak. “Wala silang karapatang putulin iyon!!!”

“Kuya! Huwag kang malikot! Dudugo na naman ang mga sugat mo!”

“Bakit nila pinutol ang mga paa ko toollll!!!!” ang sigaw pa rin

“Kuya…” ang nasambit ko na lang sa sobrang awa habang niyakap siya.

“Isa na akong baldado tol. Hindi na ako makakalakad pa tol…”

“Hayaan mo na kuya. Buhay ka naman.”

“Iyon na nga eh. Habambuhay akong lumpo tol. Sana ay hinayaan na lang nila akong mamatay!”

Niyakap ko na lang si Dante. Hinayaan siyang umiyak ng umiyak sa aking mga bisig.

May ilang linggo ding nanatili si Dante sa ospital. Nag-hire din si Tom ng isang psychiatrist upang tulungan si Dante na matanggap sa kanyang isip ang kanyang kalagayan.

Hanggang sa nakalabas si Dante ng ospital. Binilhan pa ito ni Tom ng wheelchair na magagamit.

Dahil sa nangyari kay Dante. nagpaalam ako sa aking mga magulang na doon muna mamalagi sa lumang bahay namin kung saan sila nakatira ni Shiela. Tumutulong ako sa pag-aalaga ng bata, at sa pag-aalaga na rin ay Dante habang si Shiela naman ay full-time na nagtitinda na ng barbecue at kung minsan ay naglalako ng mga kung anu-anong paninda na mapagkakitaan.

At dahil hindi makalakad, hindi na rin naipagpatuloy ni Dante ang pag-aaral.

Simula noon, naging malungkutin na si Dante. Kahit anong pilit kong pasayahin siya, nag-iba na siya. Ngunit pursigido pa rin akong tulungan siya. At dahil buong araw si Shiela na nasa labas ng bahay dahil sa paghahanap-buhay, ako ang taga-alaga sa kanya, sa anak nila at taombahay na rin. Para talaga akong isang tunay na maybahay. Nagluluto, nagsasaing, nagpapaligo sa bata at sa kanya, nagpapadede... Ang kaibahan nga lang ay hindi ako ang kasiping niya sa pagtulog.

Isang gabi, naisipan kong silipan sila sa butas na dati kopang ginawa. Ewan kung bakit ko rin naisipan iyon. Sa gabing iyon Marahil ay curious lamang akong tingnan kung nagtatalik pa rin ba sila kahit sa kalagayan ni Dante at kung nagtatalik man ay paano.

At sa aking pagsilip, ito ang nakita ko: hinubaran ni Shiela si Dante ng damit pang-itaas, ng pantalon, ng brief. Pagkatapos nito, pinaliguan niya ng halik ang katawan nito. Ngunit sa kabila ng ginawa ni Shiela sa kanya, pansin ko ang kawalang-gana ni Dante na tugunan ang ginawang iyon ni Shiela.

Nagpatuloy pa rin si Shiela sa kanyang ginawang pagpapaligaya kay Dante. Noong dumako na sa ari ni Dante ang bibig ni Shiela, kitang-kita kong malambot ito. Nilaro-laro ng bibig ni Shiela iyon. Isinubo, sinipsip-sipsip, nilalawayan. Ngunit lumipas na lang ang ilang minuto, nanatiling malambot pa rin ito.

Hindi nakatiis, inihinto ni Shiela ang kanyang ginawa at nagdadabog na tumayo. Maya-maya, bumalik ito sa pagkahiga, nakatagilid patalikod kay Dante na hindi pa rin tuminag at nanatiling hubad ang katawan.

Hindi ko na lang pinansin iyon kasi, baka pagod lang si Dante o kaya ay wala lang siya sa mood bagamat alam kong hindi ganoon si Dante. Malibog ito, madaling tigasan na kahit kukuwentuhan ko nga lang iyan ng halikan, tinitigasan na agad. Kahit kaming dalawa nga lang ang nagyayakapan niyan, ramdam kong lumalaki kaagad ang bukol niya sa kanyang harapan.

Sa sunod na gabi, ganoon na naman ang ginawa ko; sinilipan ko silang dalawa. Ngunit ganoon pa rin ang senaryong nakita ko. Disappointed na naman si Shiela at nangmamaktol sa hindi maipalabas-labas na init ng kanyang katawan. At noong nagmamaktol na humiga uli si Shiela, may sinabi siya kay Dante na kung pagbabasehan ko ang bibig niya noong sinabi ito, ang katagang lumabas ay ang salitang “BAOG!”

Nakailang gabi ko rin silang sinilipan at palaging ganoon ang eksena. Hindi na tinitigasan si Dante. Parang gusto ko tuloy isipin na na-karma silang dalawa; dahil sa sakit na idinulot nila sa puso ko. Ngunit mahal ko si Dante kaya awa ang nangingibabaw na naramdaman ko para sa kanya.

Sabay sa nadiskubre ko, napansin kong mainitin na rin ang ulo ni Shiela at palagi silang nag-aaway ni Dante.

“Pilitin mo nga ang sarili mong gumalaw at tumulong sa akin sa paghahanap-buhay! Kahit sa pag-upo mo d’yan sa wheelchair mo, kailangan ka pang akayin! Paa lang ang naputol sa iyo, hindi ang mga kamay! Mahirap bang gawin iyan! Lintek na…!” sigaw ni Shiela isang araw na nag-away sila.

“Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako? Kung makapagsalita kay ay parang hindi ako mabubuhay kung wala ka, tangina mo! Kung pagod ka na sa pagtitinda, lumayas ka dito! Hindi ka namin kailangan!” ang sagot din ni Dante.

“Talaga! Lalayasan talaga kita kapag hindi na ako makatiis sa ugali mo! Baog! Walang silbe!!!” ang sigaw din ni Shiela sabay labas ng bahay.

Noong nakaalis na si Shiela, tiningnan ko si Dante. Mistulang piniga ang aking puso sa nakakaawang mukha niya. Alam ko ang nararamdaman niya; sobrang pagkahabag sa sarili.

Nilapitan ko siya atsaka niyakap. Doon na siya umiyak at humagulgol.

“Wala na akong silbi tol…” ang sabi niya.

“Kuya, huwag mong sabihin iyan. Mahal ka namin ng itay at inay… Nandito pa kaming nagmamahal sa iyo at naniwalang kaya mong bumangon at maging masaya sa buhay.”

“H-hindi na siguro tol. Gusto ko nang mamatay…”

“Kuya naman eh. Mahal kita kuya. Di ba, sabi mo, walang halaga sa iyo ang babeng iyon?”

Tumango siya.

“Pwes huwag kang paapekto sa sasabihin niya. Kahit lumayas man sya o makahanap ng ibang lalaki, hayaan mo siya.”

Hindi pa rin siya umimik.

“Mahal mo ba ako kuya?”

Tumango siya. “Mahal na mahal kita tol. N-nahihiya na nga ako sa iyo kasi… ikaw na ang tumutulong dito sa bahay, nag-aalaga sa akin, pati kay baby. Kung wala ka, paano na lang ako?”

“Kaya kuya… lumaban ka. Kasi, malulungkot kami ng inay at itay kapag nalulungkot ka rin. Tandaan mo palagi kuya, nandito kami na tunay na nagmamahal sa iyo. At hindi kita iiwan. Pangako iyan kuya.”

“S-salamat tol.”

Sa paglipas pa ng ilang linggo, lalo pang lumala ang pag-aaway nina Shiela at Dante. Walang araw na hindi sila nagsisigawan, halos magbatuhan na lang ng mga gamit sa bahay at magsakitan sa kahit na mga maliliit na dahilan. At palaging talo si Dante kasi, sasabayan ito ni Shiela ng pag-alis ng bahay. Habang nasa labas si Shiela at naggagala, si Dante naman ay naiiwan sa bahay.

Minsan, nakikisawsaw na rin ako sa away nila. Nasisigawan ko si Shiela at pinagsasabihan na tumahimik.

“Hoy! Huwag kang makisawsaw sa problema namin no? Dahil hindi mo alam ang mga pangyayari! Atsaka, problema namin itong mag-asawa.”

“Hindi naman kayo mag-asawa ah! Bakit kasal ba kayo? Hindi ah! Tinanggap ka lang namin dito dahil sa bata!”

“Abaaaaa! At sino ang asawa ng lumpo na iyan? Ikaw ba? If I know… hindi mo iyan kapatid at alam ko, hindi kapatid ang turing mo d’yan!”

At doon na tuluyang dumaloy ang lahat ng aking dugo sa katawan patungo sa aking ulo. “Naranasan mo na bang masaksak? Kasi ako naranasan ko na ang manaksak eh. At feeling ko ay may masasaksak akong tao ngayon” sabay tungo sa kusina at kuha sa kutsilyo.

At sa takot, umalis din si Shiela. Iyan lang naman ang panakot ko. Ang alam niya kasi ay ako ang nakapatay kay Dencio.

Alam ko, nasasaktan si Dante sa pagkikipag-away ko din kay Shiela. May isang beses kasi na nakikipagsagutan ako kay Shiela, nakita kong tahimik siyang umiiyak sa isang sulok. Pero sobra na kasi ang babaeng iyon at ang kapal pa ng mukha. Isinisingit talaga ang sarili niya kay Dante.

Kahit ganoon ang nangyari sa kanila ni Shiela, lalong pinag-igihan ko pa ang pag-aalaga kay Dante. Inaaliw ko siya, pinapasaya, ipinapasyal sa mall dala-dala ang kanyang wheel chair at baby kapag nakatatanggap ako ng pera galing sa mga magulang namin. Kahit papaano, sumasaya na siya at napapangiti. At ako, masayang-masaya din. Parang kagaya na naman kami ng dati. Ang kaibahan nga lang ay naka-wheel chair na siya at may baby kaming salit-salitan sa pagkarga. Kahit nahihirapan kami sa pagsakay at sa paggagala, pero hindi matawaran ang saya ko. Keri lang. Kasi, wala nang hihigit pa sa sarap na dulot ng sandaling kapiling ang mahal sa buhay. Gaano man kahirap ay kakayanin dahil sa kabila ng lahat, ang mananaig pa rin sa isip ay ang sarap na makapiling ang mahal…

Tinulungan ko na rin si Dante na maging independent sa kanyang mga kilos at galaw, kagaya ng pag-upo sa wheel chair galing sa kanyang kama at galing sa wheel chair patungo sa kama, ang pagpaligo at pagpasok sa banyo. Inilalagay ko rin ang mga madalas na kakailanganin niyang gamit sa isang lugar kung saan madaling maaabot niya, kasama na dito ang mga gamit sa kusina, mga gamit ng bata. Pati sa pagtitinda ng barbecue, ginagawa na rin namin. Ako, ang taga luto, siya ang taga-bantay habang inilalagay namin sa duyan ang bata. Kahit papaano ay kumikita pa rin kami pandagdag sa perang ibinibigay sa amin ng aming mga magulang.

Dahil dito ay unti-unti na namang bumalik ang tiwala ni Dante sa sarili. Pansin kong bumalik na naman ang dati niyang sigla at pagkamasayahin bagamat may mga pagkakataon ding malungkutin siya. Pero at least, unti-unti na niyang natutunang tanggapin ang lahat.

Ngunit kung nag-improve si Dante, kabaligtaran naman ang nangyari kay Shiela. Lalong lumala ang ugali niya. Palaging umaalis ng bahay at kadaasan ay madaling araw na kung umuwi. Pinagsasabihan siya ni Dante ngunit ang isasagot lang nito ay, “Bakit baog… may problema ba?” o “Hoy baog, huwag mo akong pakialaman! Wala kang silbi!”

Hanggang sa dumating na sa puntong hindi na ako nakatiis. Kaya ako na mismo ang nagpalayas sa kanya. Inireport ko rin siya sa baranggay dahil sa pagmamaltrato at pang-aaway niya sa aking kapatid na nasa ganyang kalagayan, pagwawalang-bahala sa katungkulan niya bilang ina at asawa, pananakot na sunugin ang bahay at saktan ang kapatid ko, ang hindi pag-uwi sa bahay sa tamang oras, na wala siyang kapasidad na maging ina ng bata dahil iniiwanan niya ito sa kabila ng kapansanan ng aking kapatid, at marami pang iba.

Kaya pinatawag siya ng baranggay at binigyan ng warning na kung hindi siya magbabago sa kanyang ugali, umalis na lamang sa bahay namin dahil kung hindi ay kakasuhan siya.

At pinili ni Shiela na umalis, iniwan sa amin ang bata.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kahit nakasalalay na sa akin ang lahat ng gawaing bahay pati ang pamamalengke, paglilinis ng bahay, pagluluto, pag-aalaga kay Dante at sa bata, at least, wala nang maingay, wala nang nag-aaway, at solong-solo ko na ang atensyon ng aking pinakamamahal na kuya. At higit sa lahat, balik na naman kami sa pagtatabi sa pagtulog.

Ilang araw lang ang nakalipas, nabalitaan namin na nagtatrabaho pala si Shiela sa isang club bilang GRO. May nakapagsabi din sa amin na isa na raw itong bayarang babae at may kalaguyo na isa ring bayarang lalaki. At matagal na daw pala itong gawain ni Shiela; matagal na rin sila ng lalaki niya.

“Wala na akong pakialam sa kanya tol… Hindi ko naman mahal ang babaeng iyon” ang sabi ni Dante noong narinig ang ikinikuwento ko.

Alam ko nasaktan siya sa balitang iyon. Kahit pa sinasabi niyang hindi niya mahal si Shiela, naging bahagi na rin ang babaeng iyon sa buhay niya. Halos dalawang taon din silang nagsama, nagtabi sa pagtulog, at may anak pa.

“Hmmm… hindi daw mahal. Hayan o… nangingilid ang luha mo sa iyong mga mata.” Ang biro ko.

“Hindi ah! Cross my heart pa. Hindi ko mahal ang babaeng iyon!” ang seryoso naman niyang tugon.

“Sorry po. Nagbibiro lang.”

Tahimik.

“Mas masaya nga ako na tayo na lang dalawa dito e… at si baby. Ikaw ba hindi magsasawa sa pag-aalaga sa amin ni baby?” pagbasag niya sa katahimikan.

“Kuya naman o. Bakit ako magsasawa? Kuya kaya kita; mahal na mahal, at mahal na mahal ko rin ang pamangkin ko. Habang buhay ako kuya, promise hindi kita iiwan. Kahit pa mag-asawa ka, makahanap ng iba, hindi ako aalis sa tabi mo. Ayaw kong aawayin ka ng magiging asawa mo at sa kalagayan mo pang iyan. Makatikim sila sa akin…”

Natawa siya. “Ayoko nang mag-asawa tol… Ang importante, may anak na ako.”

“Lalaki na lang kaya ang ibigin mo kuya?” ang biro ko. Naalala ko kasi ang pagbawal niya sa akin na magkaroon ng kasintahang lalaki, kay Dencio.

“Tarantado!” sagot niya.

“Bakit naman? Di ba… dati, ayaw mo akong magkaboyfriend gawa ng takot mo na lolokohin ako at iiwanan ng lalaki. At ang gusto mo para sa akin ay babae. Iyon pala, ikaw itong iniwanan ng babae… Ano na ngayon?” ang paninisi kong may halong biro pa rin.

“N-nagkamali ako tol… Hindi pala lahat ng straight na relasyon ay panghabambuhay.”

“Kaya nga, dapat talaga, lalaki na ang ang mahalin mo.” Giit ko.

“Gago…” ang sagot lang niya.

“E, ako kuya… lalaki na lang talaga ang mamahalin ko. Kapag lalaki kasi ang mamahalin ko, siguro, hindi niya ako iiwan.” Ang pagpaparamdam ko. Parang gusto ko ring maranasan ang kilig sa kung ano ang isasagot niya sa sinabi ko.

Ngunit hindi siya natawa. Bagkus, tinitigan niya ako, seryoso ang kanyang mukha. “S-sure ka na ba na lalaki na lang talaga ang mahalin mo?”

Napatitig na lang ako sa kanya. At syempre, naging seryoso na rin bigla ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Wala akong choice kuya eh. Kumbaga para akong isang dagat; dapat ay may alat. Bakla ako; lalaki ang hanap. Kung hindi lalaki ang hanap ko, hindi ako bakla. Kaso, ito ang buhay ko. Kaya, wala akong choice. P-pero... baka hindi na lang ako iibig. Kasi, gusto ko, pagsilbihan na lang kita habambuhay at pati na rin ang aking pamangkin. Hindi ko kayo iiwan kuya.”

At ewan kung tumagos sa puso niya ang sinabi ko. Bigla niya akong niyakap atsaka namalayan kong pumatak pala ang luha niya sa aking balikat.

Noong napansin ko ito, kumalas ako sa yakapan namin, tinitigan ang mukha niya. At ewan, parang nanumbalik muli ang mga sandali kung saan mga bata pa kami at sariwa pa ang naramdaman kong pag-ibig sa kanya. “Napaka-guwapo talaga niya!” sa utak ko lang. Inikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kanyang mukha. Ang magandang hugis at kapal ng kanyang kilay, ang mga matang mistulang nangungusap, ang matangos na ilong, at ang mapupulang mga labi.

Habang tinitigan ko siya, sinuklian din niya ang titig ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Nagtitigan kami. Mistulang nag-uusap ang aming mga mata, bagamat hindi ko alam kung ano iyon. Ngunit sa isip ko, may malakas na puwersang nagtulak sa akin na halikan ang kanyang mga labi.

Nakakaloka.

Ngunit nilabanan ko ang udyok ng aking puso at isip. Ayokong mahaluan ng malisya ang pagtulong ko sa kanya. Baka magalit siya, o baka kung gagawin ko iyon, ay babalik na naman ang depression niya, iisiping nilayasan na nga siya ni Shiela, heto pa ako, tumutulong na may kapalit pala. Ayokong mawala ang tiwala niya sa akin.

Isang umaga, nabigla na lang ako noong, “T-tol… maliligo ako.” Sambit niya.

“Ok lang kuya. Puno ng tubig ang mga imbakan natin. Gusto mong ipag-init kita ng tubig? Mag-iiinit ako, baka malamig pa masyado ang tubig sa umaga.”

“H-hindi. Samahan mo ako.” Nagulat naman ako. Madalas na nag-iisa na lang kasi siya kapag naliligo. Kaya na niya.

Tumalima ako. Itinulak ko ang wheel chair niya papasok sa banyo at noong nasa loob na kami, kinarga ko siya upang makaupo sa plastic na upuang paliguan niya. Inilabas ko naman ang wheel chair niya upang hindi mabasa at noong bumalik na ako, hinubad na niya ang kanyang t-shirt at isusunod na naman sana niya ang kanyang pantalon. Bumulaga sa aking paningin ang kanyang matipunong katawan na sa tingin ko ay lalo pang gumanda gawa nang dagdag na trabaho ng kanyang mga braso dahil sa kanyang pagkalumpo. Lalo naman akong napahanga. Malalaki ang kanyang dibdib, may abs, malalaki ang biceps at triceps…

Ngunit kunyari ay hindi ko ito napansin. Binuksan ko ang kanyang zipper atsaka hinila ang kanyang pantalon pababa. Bumulaga na naman sa aking paningin ang kanyang puting brief at ang bukol sa harap nito.

Tanggalin ko na sana ito ngunit sinabi niyang hayaan ko na lang daw ito.

Ang buong akala ko ay maliligo na siya kaya lumabas na ako. May tabo naman kasi at naabot niya ang tubig. Subalit, “Huwag mo akong iwan tol… sabay tayong maligo” ang sabi niya.

Para akong nabilaukan sa aking narinig, hindi kaagad nakasagot, nanatiling nakatitig lang sa kanya. Kasi naman ang tagal na niyang mag-isa lang na naliligo tapos hayun, bigla na lang ang ganoon.

“Bakit ka nakatunganga d’yan? Ayaw mo ba?” tanong niya.

“Eh… gusto. Gusto! Pero bakit mo naman naisipan iyan?”

“Huwag ka na ngang magtanong! Gusto ko lang gaya ng dati. Noong mga bata pa tayo, naliligo tayo nang sabay, nag-aagawan sa sabon, naghaharutan sa banyo.”

Napangiti naman ako. Natuwa na naalala pa pala niya ang mga iyon. “At pagkatapos ay aagawin ko ang brief mo at ito ang aking susuotin,” dugtong ko.

Natawa siya. “Gusto mo isuot mo uli ang brief ko?” ang biro niyang sagot.

“Why not?” sigaw ng isip ko at nagmamadali na akong naghubad. Ngunit bago pa man tuluyang natanggal sa katawan ko ang aking damit, sinabuyan na niya ako ng tubig. “Waaahhhh! Ang daya!” sigaw ko.

“Hahahahaha!” ang malakas niyang tawa. Noon ko lang narinig sa kanya ang ganoon kalakas na tawa simula noong maputulan siya ng binti.

Kaya noong ako naman ang nakaganti, katakot-takot din na pagsaboy ng tubig sa kanya ang ginawa ko.

Ngunit syempre, sa pagkakataong iyon, siya na ang talo. Dati kasi, maliksi siya, talo ako sa sabuyan ng tubig at halos hindi ako makaganti. Ngunit niyayakap ko na lang siya noong napagod na ako. At pagkatapos, ako na ang nagsabon sa kanya – at sa buong katawan niya.

Para siyang isang batang hindi gumalaw habang sinasabon ko ang kanyang katawan. At noong dumako na sa ari niya ang pagsabon ko, dedma lang ang drama ko. Kunyari, hindi ako naapektuhan bagamat sumisigaw ang utak kong laruin ito…

Sabay kaming natapos. Sabay kaming lumabas ng banyo. Una ko siyang binihisan at pagkatapos, binihisan ko naman ang sarili ko.

Kinagabihan, nagyaya siya na mag-inuman kami. Pampatulog lang daw. Bumili ako ng walong beer.

Sa kuwarto namin kami nag-inuman. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nasa harap niya, nakaupo sa isang silya. Tawanan kami, kuwentuhan. Napakasaya ko sa pagkakataong iyon.

Huling beer na namin iyon at malapit ko na ring maubos ang laman ng bote ko noong nagsalita siya ng, “M-may sasabihin ako sa iyo tol…”

“A-ano iyon kuya?” ang tanong ko. Nag-aanticipate kasi ako kung ano ang maaari niyang sabihin.

At marahil ay dahil umepekto na ang alak sa kanyang katawan kung kaya naipalabas na rin niya sa akin ang isang bagay na ikinalulungkot niya, “B-baog na ako tol… Hindi na ako tinitigasan. Kahit anong gawin ko, wala akong maramdaman tol” at umiyak na siya.

Parang sinaksak naman ang aking puso sa awa na naramdaman para sa kanya. Tumabi ako sa pag-upo sa kanya sa gilid ng kama. Niyakap ko siya, hinaplos-haplos ang likod. Noong tumiwalag ako, tinitigan ko ang kanyang mukha. Napakaamo nito, nakabibighani. Kitang-kita ko ang walang tigil na pag-agos ng mga luha sa kanyang mga matang tila nangungusap, nagmamakaawa.

Marahang hinaplos ko ang kanyang pisngi, pinahid ng aking kamay ang kanyang mga luha habang ang aming mga mukha ay halos magdikit na sa sobrang lapit. At dahil sa magkahalong awa at epekto na rin marahil ng beer sa aking katawan, nasabi ko sa kanyang, “G-gusto mo kuya… t-tulungan kitang patigasin muli iyan...?” sabay turo ko sa harapan niya.

Pakiramdam ko ay nasa suspended animation ako sa pagkasabi ko noon, hindi makapaniwalang lumabas iyon sa aking bibig. At naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.

Hindi niya ako sinagot. Ngunit tila namalikmata ako sa sunod na pangyayari, hindi makapaniwala. Unti-unting inilapit ni Dante ang kanyang mukha sa aking mukha. At noong maglapat ang aming mga bibig, siniil niya ito ng halik. Mainit, mapusok, nag-aalab.

At wala na akong nagawa kundi ang ipaubaya ng buong puso ang lahat sa kanya…

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

14 comments:

  1. whaaaa.... sana ito na ang pagkakataon na hinihintay ni tristan para sa kanila ang kuya nya... kakilig...


    saimy

    ReplyDelete
  2. ang lupit naman, bkit kailangang maputol pa ang paa?

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. aww...kawawa naman si Dante :( may posibility kaya na magkapatid sina Dante at Tom?? hahaha!!! nakakatuwa naman ung ginawa ni Tom para kay Tristan at Dante :D

    YES!! Wala na si Shiela!! hahaha!! May pag-asa na si Tristan!! :D yes!! finally!! naghalikan na sila!! :P

    ReplyDelete
  4. Ang ganda! Can't wait for the next chapter. Ang bilis po ng update ^^ Thanks sir Mike.

    -RP

    ReplyDelete
  5. grabe na iyak naman ako dun s simula
    @ sobra naman nakakaawa si dante sa kalagayan nya ngayon
    alam ko may pag asa p c dante kc nakakita n ko n case n ganyan...nagkaanak p nga eh...
    at wish ko lng...magbunga ng maganda un simula ng halik n yon sa pagitan nila tristan at dante...

    thanks po...........

    ReplyDelete
  6. wow..!!! at last wala ng hadlang sa knilang magkapatid...!! :)

    siguro nga magkapatid si tom at dante.!!!

    hhhmmmmmm... napaka interesting nman ng kwento..!!! hehehe...


    can't wait for the next part..!! :)

    congrats kuya mike..!! ganda ng story.. :)

    ReplyDelete
  7. Hooo ang hot nang ending hahaha....

    ReplyDelete
  8. Hooo ang hot nang ending hahaha.....

    ReplyDelete
  9. Tama nga ang hinala ko na magkikita uli sila Tristan at Tom sa Hospital...
    Sadyang napakabusilak ng puso ni Dante.
    Kailan kaya uli papasok sa buhay nila si Tom, napakabait din niya. Tama nga na dapat binibigyan ng pagkakaton ang mga taong magbago tulad ni Tom. Dahil ang pagkakamali na minsan nilang nagawa ay hinde representation ng buo nilang pagkatao...

    ReplyDelete
  10. hayyyyy ang sarap ito kasi ang pangarap nya diba...na mahalikan ang kuya nya.. tnx kuya mike at congrats at naka top ten tau sa peba..

    ReplyDelete
  11. naku lam ko na ito tapos mahuhuli sila ni shiela wasak

    ReplyDelete
  12. kinilabutan aq sa pgputol pa paa x.x tas impotent pa xa..subrang nkakaawa ang lagay nia, tas iniwan pa xa ng pokpok :( durog na durog damdamin q mtapos q mbsa to :(

    ReplyDelete
  13. ang dami ng sakripisyo ni tristan para sa kuya nya, sna nman masuklian na ito ngayon na naghiwalay na c shiela at dante, mahal na mahal tlga nya ang kuya nya, nakakalungkot nga lng wla ng paa c dante, kung cla man ang magkatuluyan habang buhay na sakripisyo ang ggwin nya.. ang bonus lng dun ay may anak na c dante na pagtutulungan nilang palakihin..


    nice story kuya mike

    ReplyDelete
  14. I HOpe C TrIstan ANG makaPag PATiGAS NG arI ni DANte... Para DI nia na mxaBI NA bAog ZIA...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails