By: Mikejuha
Email: getmyox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Malapit na malapit na pong matapos ag kuwentong ito at dahil nakapasok ang MSOB sa top ten finalists, hindi ko na po ituloy pa ang pinaplano kong “view-by-request” para sa end part ng kuwentong ito. Sana ay makapasok tayo kahit sa top 3 lang, hehehe.
Kaya nais kong pasalamatan ang mga masugid na tagasuporta ng MSOB dahil sa pagpasok natin sa top 10 finalists. Wala pa pong kinalaman dito ang boto at ang like and comments ninyo dahil ang top ten entries po ay pinili base sa ibang criteria ng PEBA. Ibang category po ang popularity kung saan bibilangin ang mga comments, like at boto ninyo, at sana ay masungkit din natin iyon.
December 9 na po ang awarding at ang representatives ng MSOB ay sina Rovi, Dalisay, at Ford. Ninanais kong sana ay makapunta din ang aking anak na si “Josh” ngunit may klase siya… :-(
Tungkol naman pos a EB ng MSOB para sa taong 2012, gaganapin po ito sa June 2, 2012 (Sabado). Ito po ang pagbibigay pasasalamat ko para sa mga sumuporta sa entry ng MSOB sa PEBA. May mga sponsors na nag pledge ng tulong ditto ngunit kung may mga gusto pa rin pong maging sponsor, malugod po naming tatanggapin ang inyong intensyon na tumulong. Maari po lamang na mag email sa akin sa email address na ito: getmybox@hotmail.com
Ang isa sa mga basehan upang makasali sa EB ay ang suporta na ipanaabot sa entry ng MSOB sa PEBA.
Tungkol naman sa MSOB Book Anthology project, nabuo na rin po ang sampung writers na magsusulat. Nasa proceso na po sila nang paggawa ng kuwento at base sa ating target, maipalabas natin ang book sa darating na Mayo, 2012. Narito po ang mga napiling writers (may dalawa pa na maaaring isingit o idagdag later base sa isumite nilang akda):
1. Mikejuha
2. Dalisay
3. Rovi
4. Kenjie
5. Jeffrey
6. Shufflin Lui
7. Lopez Dhenxo
8. Zekiel Palacio
9. White Pal
10. Alexander Cruz
Maraming salamat po at congratulations sa ating lahat!
-MIkejuha-
=====================================
Umuwi si Shiela sa bahay nila na bakas sa mukha ang tuwa sa nalamang hindi tutol ang aking ina kung sakaling nanaisin ng mga magulang nito na ipakasal si Dante sa kanya.
Ngunit habang siya ay naglupasay sa tuwa, kabaligtaran naman ang aking naramdaman. Syempre, ayokong darating pa sila sa puntong kasalan.
Pagkaalis na pagkaalis ni Shiela, agad ding bumalik ang inay sa relocation site ng aming bagong tindahan. Wala kasing katulong ang itay.
“Paano na iyan kuya kung igigiit nga ng pamilya ni Shiela na ipakasal kayo?”
“Ayoko tol…”
“Anong ayoko? Kung igigiit nga nila, ano ka ba!?”
“Basta ayoko! Ayoko!” ang pagtaas ng boses niya.
Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung paano niya paninindigan ang sinabing “ayoko”. Paano niya lulusutan kung sakali ngang mangyaring igigiit ng mga magulang ni Shiela ang pagpapakasal sa kanila. May naramdaman akong pangamba at takot.
At ang takot na iyon ay mistulang nagkatotoo. Pagkatapos ng isang linggo, bumalik si Shiela at kasama na ang kanyang mga magulang. Gusto daw nilang panindigan na ni Dante ang nangyari sa kanilang anak. At syempre, ang ibig sabihin noon ay kasal.
Dahil wala ang mga magulang namin, kami lang ang nakausap nila.
“B-bata pa po ako at nag-aaral pa. Hindi ko po siya kayang buhayin.”
“Alam mo palang bata ka pa, tapos ang lakas ng loob mong gawin sa anak namin ito?” ang galit na sagot ng ama ni Shiela.
“Siya po itong lapit nang lapit sa akin e…”
Bakas sa mga mata ng ama ni Shiela ang matinding galit, hindi malaman kung sampalin ang sariling anak o paulanan ng suntok si Dante. “So ganito na lang??? Hindi mo na lang pananagutan ang ginawa mo sa aking anak? Ha???!!!”
Ngunit sumingit si Shiela. “H-hindi na po ako uuwi sa atin itay kung hindi ako pakakasalan ni Dante…”
At doon na pumutok ang galit na kinimkim ng ama sa kanya. “Punyeta ka! Napakalandi mo kasi! Ang bata-bata mo pa, nangangati ka na!” sabay sambunot sa buhok ni Shiela at sinundan pa ng isang malakas na sampal. “O sige… kung ayaw mo nang umuwi, ipadala ko na dito ang mga damit mo! Dahil kung uuwi ka pa, tatalian ko ang leeg mo at isasabit kita sa sanga ng punong baliti.” At baling kay Dante, “At ikaw lalaki! Gusto kong makausap ang mga magulang mo bukas ha!!!” sabay tayo at tinumbok ang pintuan. Sumunod sa kanya ang ina ni Shiela. Naiwan si Shiela.
“Umuwi ka na rin…” ang sabi ni Dante kay Shiela noong nakita itong nanatiling nakaupo.
“Bakit ako uuwi?” ang mataray nitong sagot.
“Bakit ka nagpaiwan?”
“Tanga ka ba? Nasampal na nga ako dahil sinabi kong ayaw ko nang umuwi… hindi mo ba nakita iyon? Tapos ngayon gusto mo akong pauwiin?”
“Wala akong paki sa sampal ng itay mo! Gusto mo sampalin din kita eh! Bakit ka nagpaiwan dito?”
“Hindi mo ba narinig na isasabit niya ako sa puno ng baliti kapag umuwi?”
“Dapat ka lang din namang isabit sa puno eh. Tinukso mo ako! Alam mong wala na tayo!”
“May anak tayo Dante! Anak mo itong nasa sinapupunan ko! Kaya puwede ba, hindi ako uuwi.”
Matigas din si Shiela. At walang nagawa si Dante. “O sige, kung hindi ka uuwi, bahala ka. Hindi ka namin responsibilidad kung ano ang mangyari sa iyo dito.” ang sambit ni Dante at hindi lumilingon na tinungo ang kwarto namin.
Sumunod ako. Inismiran ko pa si Shiela na nagbabaga ang tingin sa amin.
At maya-maya lang, habang nasa loob kami ng kuwarto ni Dante, nagsisigaw na si Shiela na papasukin siya. “Papasukin ninyo ako! Papasukin ninyo ako!!!! Danteeeeee!!!!!”
Hindi namin pinansin ang kanyang pagsisigaw. “Lalabas na lang tayo tol… Mamasyal tayo sa mall at doon na rin tayo kakain.” Ang mungkahi ni Dante.
“M-may pera ka ba?”
“Mayroon pa naman, iyong kaunting naipon ko sa pagtitinda ng barbecue.”
“Paano yang babae mo dito?”
“Hayaan mo siya. Uuwi din sa kanila iyan kapag nalaman niyang wala tayo sa bahay.”
At itinuloy nga namin ni Dante ang planong pamamasyal. At upang hindi mapansin ni Shiela ang pag-alis namin, sa bintana kami dumaan at palihim na tumakbo palayo ng bahay.
Noong nakalayo na kami, huminto kami sa isang kanto. Tawa naman kami nang tawa sa mga pinaggagawa namin. Parang wala kaming kinatatakutan. Walang pag-alala.
Sa pamamasyal naman, sobrang saya ko. Lalo na noong nanuod kami ng sine. Naalala ko na naman ang una naming panonood ng sine kung saan napaka sweet niya sa akin at sa sinehan ding iyon.
Sobrang sweet pa rin namin sa isa’t-isa noong nakapasok na kami sa loob. Nagtabi kaming dalawa ng upuan at hawak-hawak ng isa niyang kamay ang isang cone ng popcorn, hinila ko naman ang isang kamay niya upang ilingkis iyon sa aking beywang. At dahil hindi siya makakain gawa nang nakalingkis nga sa beywang ko ang isa niyang kamay, “Subuan mo ako tol…” ang paglalambing niyang sambit sa akin.
“O sige na nga….” Sagot ko. At sinubuan ko siya habang nakalingkis din sa kanyang beywang ang isa kong kamay. At sa pag-inum naman naming ng softdrinks, iisang straw lang an gaming sinisipsip. Para kaming magkasintahang di mawari.
Gabi na noong naisipan naming umuwi. Sobrang saya ko sa pamamasyal naming iyon. Parang wala na kaming problema sa buhay. Nandoon na ang lahat. Tawa, harutan, biruan, kilig… kulang na lang ay maghalikan kami.
Ngunit marahil ay tama din ang sinabi nilang ang bawat saya daw na nalalasap ay may katumbas ding lungkot; in the same manner na ang ang bawat lungkot na nalalasap ay may katumbas ding saya. Parang isang cycle. Umiikot sa buhay ang lungkot at saya. Hindi maaaring puro na lang saya…
Noong dumating kami ng bahay, nandoon pa rin si Shiela. At nakapaghanda na rin pala ng hapunan. Nasa kusina lang kasi ang lagayan namin ng bigas at may tuyo naman at sardinas sa kabinet kung kaya nakapaghanda siya.
“Kain na tayo…” ang sambit niya sa pagkapasok na pagkapasok pa lang namin.
Ngunit hindi man lang siya pinansin ni Dante. Dire-deretso siya sa loob ng aming kuwarto. Sumunod uli ako. Inirapan ko uli si Shiela. Doon ay nagbihis kami at nahiga, hindi na naligo upang hindi na lumabas pa ng kuwarto at makita si Shiela.
Maya-maya, heto, kumatok si Shiela. “Dante… papasukin mo ako!”
Hindi siya sinagot ni Dante.
“Alam kong nandyan kayo! Papasukin ninyo akoooo!” sigaw uli ni Shiela.
“Umuwi ka na sa inyo ah!”
“Anong umuwi! Dito na ako titira! Hanggang hindi mo ako pinakasalan, dito ako titiraaaa!!!”
“Ang kapal din ng mukha mo no? Kung dito ka titira, d’yan ka sa kusina matulog!”
“Ah ganoon! Ayaw mo ba talaga akong papasukin?”
“Manigas ka!”
Sa pagsagutan nila ng mga maiinit na salita ay para ding may gumapang sa aking katawan na guilt, tinatanong sa sarili kung tama ban a kunsentehin ko si Dante sa pagtataboy niya kay Shiela o baka ako lang angdahilan kung bakit itinataboy ni Dante si Shiela. Parang may sumundot sa aking isip at nagparamdama na may naharangan akong kaligayahan…
Hanggang sa, “Gusto mo bang sunugin ko itong bahay ninyo?” ang banta na ni Shiela.
“Sige lang. Sunugin mo!” sagot din ni Dante na hindi man lang nag-isip na baka totohanin ang banta.
“O sige! Sinabi mo yan ha?!”
Napansin ko ang mga yapak ni Shiela palayo sa pintuan ng kuwarto namin kaya doon na ako kinabahan. Lihim kong binuksan ang pinto at sinilip siya.
Nakita kong nagpunta siya ng kusina at dala-dala ang bote na lagayan ng gas, sinabuyan niya ang gilid ng aming dingding atsaka sinindihan ito.
Nagliyab ang dingding ng bahay. “Kuyaaaaa!!!!” sinilaban ni Shiela ang dingding ng bahay natin!” sigaw ko.
Dali-dali naman kaming nagsitakbuhan sa kusina, kinuha ang balde na naglalaman ng tubig na inimbak naming atsaka isinaboy iyon sa nasunog na dingding.
Naagapan din namin ang apoy. At galit na galit si Dante na kinumpronta si Shiel. “Bakit mo susunugin ang bahay namin?!”
“E kung hindi ko sinunog iyan, magsilabasan ba kayo? Ha?” ang sarcastic ding sagot ni Shiela.
“Gaga ka talaga!” ang sagot na lang ni Dante.
Kaya ako na lang ang nagpaubaya upang huwag nang lumaki pa ang gulo. “S-sige kuya, kayo na ang matulog sa kuwarto natin. Doon na ako sa kuwarto nina inay…” ang malungkot kong sabi sabay tumbok sa pintuan ng kuwarto ng aking mga magulang.
“Tol… saan ka pupunta! Tayong dalawa d’yan!” at sumunod siya sa akin.
Noong nakapasok na ako sa kuwarto, sumunod din si Dante. “Kuya… harapin mo na ang katotohanan. Nandito na siya, at sa tingin ko, mas madali ang lahat kung samahan mo na siya. Sige na, labas ka na” ang sambit ko. Masakit para sa akin ang magsabi ng ganoon. Pero nilakasan ko ang loob ko. Kinaya ko ang pagbigkas nito.
At malungkot siyang tumalima. Tumalikod siya, tinumbok ang pintuan ng kuwarto.
Doon ko na naramdaman ang matinding lungkot at takot na tuluyan nang mawala sa akin si Dante. Nakonsyensya na kasi ako at pakiramdam ko na kung wala ako doon, hindi magiging mahirap ang lahat para sa kanilang dalawa. Kumbaga, ako ang nakaharang sa kanila.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at pinilit na ipikit ang aking mga mata upang makatulog. Ngunit may dalawang oras na ang nakalipas, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabaling-baling ang ulo at katawan sa higaan, sinasariwa ang mga masasaya naming bonding sa mall sa araw na iyon.
Dahil sa matinding pagkabagot, naisip kong butasan ang dingding sa pagitan ng aming kuwarto upang masilip ko kung ano ang ginagawa nila. Gawa lamang sa plywood ang aming dingding at may kalumaan pa, kung kaya madali ko itong nabutasan gamit lamang ang isang lumang cutter.
Marahan kong idinikit ang aking mata sa butas at inaninag ang kabuuan ng kabilang kuwarto. Sa gitna ng sinag na nanggaling sa isang maliit na lampara, naaninag ng aking mata sina Dante at Shiela.
Ang kama namin na hinigaan nila ni Dante ay nakapuwesto sa kabilang dingding kaya sa butas na ginawa ko, nakikita ko ang kabuuan ng puwesto nila. Si Dante ay nasa bandang dingding nakapuwesto at bahagya namang natakpan ni Shiela.
Pabaling-baling din si Shiela sa pagtulog. Nakatagilid kasi si Dante paharap sa dingding na para bang inisnab niya si Shiela.
Hanggang sa marahil ay hindi na siya nakatiis, hinila na ni Shiela ang nakatagilid na si Dante na parang sinabing, “Humarap ka nga sa akin?”
Tumihaya si Dante, hindi pa rin siya pinansin. Ngunit iyon ang pagkakataong idinantay ni Shiela ang kanyang paa sa harapan ni Dante at ang kanyang braso sa ibabaw ng dibdib nito.
Ramdam ko ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi man lang inalis ni Dante ang paa ni Shiela na nakapatong sa iababw ng kanyang pagkalalaki at ang kamay ni Shiela na inilingkis pa sa kanyang katawan.
Nanatili sila sa ganoong ayos. Maya-maya uli, napansin kong parang iginagalaw-galaw ni Shiela ang kanyang binti na nakapatong sa umbok ni Dante. Pakiramdam ko ay gusto kong gibain na lang ang dingding na iyon at sakalin na talaga si Shiela. “Ang landi-landi!” sa isip ko lang.
At sa sunod na nangyari ay lalo ko pang ikinainis. Hinalikan ni Shiela ang bibig ni Dante. Noong una, tumalikod lamang si Dante at hindi pinansin ang ginawa ni Shiela. Ngunit sa sunod na ginanawa ni shiela, hindi na nagawang pumalag pa ni Dante.
Umupo si Shiela sa kama at tinanggal ang kanyang pang-itaas na damit at pagkatapos, ang kanyang bra naman ang tinanggal.
Noong hubad na ang kanyang pang-itaas na katawan, hinawakan ni Shiela ang kamay ni Dante at inangat ito, iginiya patungo sa umbok ng kanyang dibdib.
Mistula akong naubusan ng lakas noong napansing hinayaan lang ni Dante na inihahaplos-haplos ang kamay niya sa umbok ng dibdib ni Shiela, sa utong nito, sa cleavage; idiniin-diin, habang bakas naman sa mukha ni Shiela, ang mga mata ay nakapikit pa, pahiwatig na nasasarapn siya sa pagnamnam sa bawat haplos at pagdidiin-diin ng kamay ni Dante sa kanyang dibdib.
Maya-maya, hinila ni Shiela si Dante upang mapaupo ito. At sumunod na naman si Dante. Noong pareho na silang nakaupo sa ibabaw ng kama, niyakap ni Shiela si Dante at hinalikan ang bibig.
Noong una, ayaw pang ibuka ni Dante ang kanyang bibig, pahiwatig na ayaw nito ang ginawa ni Shielang paghalik, bagamat hindi rin siya gumawa ng paraan upang ilayo ang kanyang labi sa mga labi ni Shiela.
Akala ko ay hindi talaga bibigay si Dante. Ngunit marahil ay gumapang na rin ang init sa kanyang katawan, gumanti na rin siya sa paghahalik ni shiela. Nagyakapan sila, nag-espadahan ng kanilang mga dila, nagsispsipan ng kanilang mga labi.
Iyon ang pinakamasaklap na tanawing nakita ko. At hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang aking dibdib, gumuho ang aking mundo…
Hindi ko rin nakayanan ang aking napanood at tumalikod na ako, nakaupong isinandal ang aking likod sa dingding. Nag-iiyak ako habang naglalaro sa aking isip ang maaaring mga sumunod pang mga eksena sa kanilang pagtatalik.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal sa posisyong iyon. Para akong pinatay ng paulit-ulit. Nasasagip pa ng aking tainga ang mahihinag kaluskos nila sa kama at ang pigil na halinghing ni Shiela. Parang sarap na sarap siya sa pagpapaligaya sa kanya ni Dante.
Tumayo ako at humiga sa aking kama. Doon ko ipanagpatuloy ang aking pag-iyak. Doon ko na rin isiniksik sa isip na marahil ay tanggapin ko na lang ang katotohanang lalaki si Dante at walang patutunguhan ang pag-ibig ko sa kanya.
Iyon na ang huli kong natandaan sa gabing iyon.
Kinabukasan, nagising ako ng mga alas 6 ng umaga. Mas maagang nagising si Shiela. Nadatnan ko siya sa kusina na nagluto, naghanda ng agahan, at napansin kong nalinis na rin ang kabuuan ng bahay. In fairness, masipag naman siya. Sa tingin ko ay inihanda na talaga niya ang sarili na maging kabiyak ni Dante at gampanan ang papel bilang isang maybahay at ina.
Dumeretso ako sa banyo at naligo. Kunyari ay hindi ko siya napansin. At hindi ko rin siya kinibo.
Pagkatapos kong maligo, naisip kong umalis na ng bahay at gumala na mag-isa. Simula kasi noong nakalabas ako ng center ay hindi pa ako nakapag enrol. Kaya hindi ko talaga alam kung saan tutungo. Parang nag-isa lang ako sa mundo, pasan-pasan ang mabigat na saloobin.
Noong nakapagbihis na at handa nang umalis, sinilip ko sa maliit na butas na aking ginawa si Dante na natutulog sa kabilang kuwarto. Himbing na himbing pa siya. “Marahil ay sobrang pagod niya sa pagpapaligaya kay Shiela sa gabing nagdaan…” sa isip ko lang.
Lumabas ako ng bahay na hindi nagpaalam. Naglalakad akong hindi alam kung saan tutungo. Habang nasa ganoon akong paglalakad, bumalik-balik sa isip ko ang mga sinabi ni Dante. “Promise, hindi kita pababayaan. Kahit ano tol… ibibigay ko para sa iyo. Kahit buhay ko pa.”
Napabuntong-hininga na lang ako. “Marahil ay ganyan talaga ang tao… minsan, hindi mo masasabi kung tunay nga ang sasabihin niya sa iyo. Parang taken for granted na lang sa kanila ang mga katagang lalabas sa kaninlang bibig; walang kahulugan. At lalo na kapag wala naman talaga silang naramdaman para sa iyo…”
At nabuo sa isip ko na bigyang-laya ko na ang puso ko. Na kahit masakit ito sa aking kalooban, hayaan ko silang magsama, para matuldukan ko na rin ang paghihirap ko, isara ang kabanatang iyon sa aking buhay. At hindi pa madadamay ang isang batang inosente na nasa sinapupunan.
At sumagi sa isip ko ang simbahan. At iyon ang tinumbok ko.
Walang katao-tao ang loob ng simbahan. Pagkapasok ko pa lang dito, mistula itong nang-aanyaya sa akin. Napakatahimik at pakiramdam ko, ito ang tamang lugar upang mag-isip-isip, magdasal, buksan ang kalooban, manghingi ng lakas upang harapin ang kahihinatnan sa maaaring desisyon na aking gagawin.
Noong nasa harap na ako, lumuhod ako na tumingala sa poon na nasa altar. Doon ko pinakawalan ang aking mga luha. “Panginoon, pasensya nap o kayo, minsan lang akong dumadalaw sa iyo. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagdurusa ng ganito. Kaya, may kaunti din akong tampo sa iyo. Para kasing ang lahat ng problema ay sa akin mo na lang ibinigay. Unfair kasi masyado. Palagi na lang ako ang nagdurusa. Mahirap na nga lang kami, ganito ako, isang bakla… tumibok ang puso sa isang pag-ibig na alam kong walang katuparan. At hindi lang iyan, harap-harapan ko pang nasaksihan ang kasayahan nila. Ang sakit po… Hindi ko na po kaya. Sana po ay tulungan mo na lang akong tanggapin ang lahat, na sana ay makakaya ko ang sakit kapag dumating na sa puntong magpakasal na sila, magkaanak at magsama bilang mag-asawa. Sana ay kakayanin ko ang sakit ng paglayo. Sana ay kakayanin kong limutin siya… at sana din po ay darating ang taong siyang nararapat sa akin. Ang taong tunay na magmahal sa akin at magpahilom sa sugat ng aking puso. Sana po, ibigay mo na siya sa akin. At sana po, ay nandito lang siya…”
Nasa ganoon akong pagdarasal noong may biglang tumapik sa aking balikat.
“Tol…”
Nilingon ko ang taong tumapik sa aking balikat. Si Dante. Hindi pala siya pumasok ng eskuwelahan.
“Bakit ka umalis ng bahay? Nakita ka ni Shiela na dali-daling umalis ng bahay at hindi daw nagpaalam.”
“W-wala. Wala kuya. Gusto ko lang magsimba.” Ang sagot ko habang lihim na pinahid ko ang aking luha.
“O sya, hintayin kita sa labas ng simbahan ha? Doon tayo mag-usap.”
“O-opo kuya. Matatapos na rin ako.”
Noong nasa labas na ako ng simbahan, nakita ko kaagad siya, nakaupo sa isang bakanteng sementong upuan malapit sa bukana ng simbahan. Umupo ako sa tabi niya.
“Tol… sorry talaga. Nasaktan na naman kita.”
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. “Naintindihan ko na ang lahat kuya. Marahil ay ganyan talaga; darating ang araw na mag-aasawa ka at magkalayo tayo. At dahil mahal naman kita, hahayaan na lang kitang malayo ka sa akin dahil hahanapin mo ang iyong kaligayahan. At dahil kapatid kita, dapat lang na masaya ako para sa iyo.” Ang sabi kong boses ay malungkot. “Kaya nagpunta ako dito sa simbahan upang mag-isip, turuan ang sariling tanggapin na hindi na kagaya ng dati ang ating pagsasama at turingan.” Napahinto ako ng sandali. “Napag-isip-isip ko na baka ang lahat ng mga ito ay nangyari dahil… para lumayo ako, hayaan kayong dalawa na magsimula ng buhay. Doon na lang ako titira kina inay sa relocation site kuya. Tamang-tama, magiging bahay niyo na ni Shiela ang lumang bahay natin.” At muling pumatak ang aking mga luha.
“Tol… ayoko. Ayokong umalis ka. Atsaka hindi pa naman buo ang bahay natin sa relocation eh. Wala pang kuwarto iyon. Pati ang pag-aaral mo, malalayo ang mga eskuwelahan doon. Basta ayokong iwanan mo ako…”
“Magpapatayo naman daw ng paaralan doon”
“Kailan pa. Matagal na matagal pa iyon.”
“Bakit ba ayaw mo akong umalis?”
“Bakit ka ba aalis?”
Napahinto ako ng sandali sa tanong niya. “N-nand’yan naman si Shiela eh.”
Hindi rin sya nakaimik.
“Hayaan mo nang mahalin ka ni Shiela kuya. Tanggap ko na. Kasi, nakita ko kanina, nagluluto siya, naglilinis ng kusina. Sa tingin ko, aalagaan ka niyang mabuti. Magiging mabuting asawa siya para sa iyo.”
“Kung ganoon, bakit ka pa aalis?”
“Eh…” ang nasambit ko. “G-gusto ko lang na malaya kayong gumalaw. At sa parte ko, upang hindi na ako masanay na palagi tayong magkasama, magkatabi sa pagtulog. Syempre, may asawa ka na.”
“Basta ayaw ko tol… Ayoko.”
“Buo na ang pasya ko kuya…”
Napahinto siya. “O, sige… kung buo na ang pasya mo, ngunit huwag muna ngayon, ok? Kahit sa isang buwan na lang. Pleaseeee??? Nahihirapan din ako kapag hindi kita nakikita eh. At kung gusto mo, tayong dalawa ang magtabi sa higaan, si Shiela ay sa kabilang kuwarto.”
Nag-isip ako ng sandali. Naisip ko rin kasi na hindi pa nga buo ang bahay namin sa relocation. “S-sige. Pero kapag puwede na akong lumipat, lilipat na ako kuya…”
“S-salamat tol…”
At nagsama nga kaming tatlo sa iisang bubong. Sa gabing iyon, sinabi ni Dante kay Shiela na kami ni Dante ang magtabi sa kuwarto at sa kabila siya. Ngunit ako mismo ang umayaw. “Hindi na kuya. Sa kabila na ako.”
Masakit. Pero tiniis ko. Hindi kasi maiwaglit sa aking isip na habang nag-iisa ako sa aking kuwarto, sa kabilang kuwarto naman ay nagpapaligaya silang dalawa.
Hanggang sa dumating ang araw na akoy lilipat na sa bago naming puwesto at sila ni Dante na lamang at Shiela ang naiwan at nagsamang parang mag-asawa. Pumayag na rin kasi ang mga magulang ni Shiela na magsama muna sina Dante sa isang bubong habang tapusin ni Dante ang kanyang pag-aaral. Saka na sila magpakasal kapag may trabaho na si Dante at kaya na nitong paninindigan ang papel niya bilang ama ng tahanan.
Mga magulang ko pa rin ang tumutulong-tulong sa pagtustos ng pag-aaral ni Dante habang si Shiela ay nagtitinda ng barbecue, sa puwesto kung saan nagtitinda si Dante sa gabi.
Unti-unti na rin akong nasanay sa aming set-up. Tumutulong ako sa pagtitinda sa relocation site at kapag weekends, dumadlaw sina Dante at Shiela sa amin, tumutulong din. Sa pag-aaral ko naman, isinakripisyo ko na lang muna ito. Nawalan na rni kasi ako ng gana. 19 years old na ako ngunit high school pa lang ang natapos, samantalang si Dante ay graduating na sa college.
Masasabing maayos na ang takbo ng buhay namin. Medyo nakakaadjust na ako bagamat nagdurugo pa rin ang puso ko kapag ganyang nakikita sina Shiela at Dante na nagsasama, nagtatabi, sweet sa isa’t-isa. Kapag sabay kaming kumain niyan, pipilitin kong maunang matapos upang hindi ko masaksihan silang dalawa na nagkukwwentuhan, nagtatawanan. Alam ko, napapansin ito ni Dante.
Hanggang sa nangank si Shiela. Isang batang lalaking malusog at kamukhang-kamukha ni Dante. Masaya kaming lahat. At syempre, lalo na si Dante.
Ngunit pansamantala lamang pala ang kasiyahan niyang iyon. Isang buwan pagkatapos nanganak ni Shiela, may natanggap na urgent na tawag ang inay galing kay Shiela.
“Nay! Tay! Si Dante!!!” ang sambit ni Shiela sa kabilang linya. At dahil nasa tabi lang ako ng inay, naririnig ko ang usapan nila. Naka speaker phone din kasi ito gawa nang gusto ng inay na marinig ng itay ang sasabihin ni Shiela.
“Bakit anong nangyari kay Dante?!!”
“Naaksidente po ang sinakyan niyang jeep! Binangga ng isang bus!”
“Diyos ko na mahabagin!!! Anong nangyari sa kanya!!! Nasaan siya???” sigaw ng inay.
“Nasa ospital po!”
“Ano ang kalagayan niya???”
“D-delikado daw po!”
“Delikado??? Anong klaseng delikado?”
“B-baka daw bawian ng buhay si Dante!!! Maraming dugo na po ang nawala sa kanya!!!”
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
sunod sunod na kamalasan naman :( kwawang dante haiz
ReplyDeletemasakit man isipin na mawawala na ang taong gusto mo...tama lang tristan na maglayo ka na lang sa nararamdaman m kay dante...alam mo naman na walang ibang pagtingin sa u si dante kundi isang kapatid lang ang turing nya sa u... kaya dapat na tanggapin mo nalang sa sarili mo ang lahat na yan...may kasalan ka rin kung sinabi mo agad noon pa man na mahal mo si dante higit pa sa kapatid.... huli na ang pag sisi kapag nalaman nya ito,,, ngayun pa na naaksidente sya....lalo lang durogo ang kalooban mo....
ReplyDeleteramy from qatar
ano ba nman yan.!!!!
ReplyDeletebakit naman ganyan..!!!
kung sabihin moh kaya tristan na mahal mo si dante ng higit pa sa kapatid... para bago man lang mawala si dante nlaman nia ang tunay mong nraramdaman sa kanya....???
hhmmmm...... next part pls... :)
nice story though kuya mike.!!!! :)
galing mo talaga kuya mike. Goodluck po.
ReplyDelete--ANDY
kuya author sana nman wag sad ang ending nito.
ReplyDeletesana maka-survive si Dante sa aksidente at sana masabi na rin ni Tristan ang tunay niyang nararamdaman para kay Dante...at si Shiela sana mag-give way ...
ReplyDeleteMukhang mami-meet ata ni Tristan sa Hospital ung taong nagligtas sa kanya sa bahay kalinga ah...
trials makes us more stronger...di b kuya
ReplyDeletehmm, anu kya ang mangyayari kay dante at tristan ... cant wait for the next chapter
ReplyDeletebuti umalis na si tris nakakasawa kasi magbasa kung ang isang cha, ay parang tanga na,, sana may mahanap na sya si tom nasan na pla un
ReplyDelete=cedric
parang totoo talaga na lahat ng ligaya na ating nalalasapay may kaakibat na lungkot,un bang nagpapahiwatig, kaya mahirap maging masaya ng todo malay mo last n pala un diba!!!!!!!!!
ReplyDeletesana wag naman mangyari k dante un.....
thanks po...........