by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Kabado talaga ako, hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin sa kanila ang tunay na ng yari nung nasa STEFTI pa ako. Panu kung pandirihan nila ako? Panu kung iwan din nila ako kagaya ng mga ka ibigan ko sa dati kung paaralan? Mga katatungan na hindi ko kayang sagutin unless sabihin ko sa kanila ang totoo. Siguro mas mabuti na ito. Habang maaga pa para na rin malaman ko kung may pupuntahan ba talaga ang barkadahan namin. Kung tunay ko talaga silang mga kaibigan maiintindihan nila ako at tatangapin nila kung anu talaga ako. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas.
“Sige game. Sinu una mag tatanong sa inyo?” Ang may paghamon kong sabi sa kanila.
“Actually Arl pare-pareho kami ng itatanong sayo. Sana wag kang magalit. Umiiwas lang kami na itanong sayo ito noon kasi baka bigla ka nanamang manahimik sa isang tabi at di na naman ulit mamansin.” Si Tonet.
“Tama si Tonet friends mo naman kami Arl diba? Panu ka namin matutulungan ng lubusan kung hindi ka marunong mag open o mag tiwala sa amin?” Si Angela na sa pangalawang pag kakataon ko palang ata marinig na mag seryoso. “Curious talaga kaming lahat kung anu ang nang yari sayo sa dati mong school. Alam namin na narinig mo kami ni Mina na nag-uusap about sayo at nang mag walk out ka sa room noon alam na namin na somewhat may totoo sa mga sinabi namin kasi di ka mag rereact nang ganun. We really wanted to know the real story behind the issue. May idea na kami pero gusto namin mismo sa bibig mo mang galing.” Si Angela ulit.
“Ito lang naman ang tanong namin Arl” huminga muna si Mina siguro kumukuha ng ng bwelo.
“What happened to you sa dating mong school? What is the story behind the rumors na you were caught kissing a guy sa CR?”
Tinunga ko muna ang tagay ko at nag buntong hininga.
“The rumors are true.” Casual kung sagot.
Nakita ko ang pag ka bigla sa mata ni Rome, Red, Carlo and Antonet pero nanatili pa rin silang tahimik. There’s no turning back yon nalang ang nasabi ko sa aking sarili bago nag patuloy.
“I dunno what happened. Nagising nalang ako isang araw na umiiyak at sinisisi ang sarili dahil madali akong na dala. I was one of the famous students sa dati kung school dahil ang Mom at Dad ko ay malaki ang naitulong sa school namin nung time na nag karoon ng problema about sa lupa na kinatitirikan ng school. Dahil don naka attract ako ng attention ng mga students. Syempre tao lang ako nabubulag rin ako sa popularity kaya nakisakay ako. Don ko nakilala ang 4 na barkada ko, sina Chad, Romeo, Crom at Aileen. Si Chad at Aileen ay galing din sa isang magandang pamilya while si Romeo naman average lang. Si Crom eh sa pamilyang mahirap kaya sunod sunuran sya kay Chad kahit inaalila na sya nito basta libre sya sa recess.” Tumigil muna ako para tingnan kung anu ang mga reaction nila. Lahat sila ay naka tingin ng seryoso sa akin.
“Then?” ang bitin na sabi ni Tonet.
“Si Chad ang unang nag approach sa akin para makipag kaibigan. Klasmate kami nung first year pero di ko sya naging close dahil sa sobrang bilib sya sa sarili. Maangas kung baga. Sinayakyan ko sya nung una dahil ayaw ko namang maging bastos kahit na ayaw ko sa kanya. Nakikita ko naman na mabait naman pala syang tao kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko para sa kanya. Sabi ko pa noon sa sarili ko na mabait naman pala sya siguro na mimissunderstood lang naming ugali nya. Habulin din si Chad sa school namin kaya siguro malakas ang loob. “ Huminto ako ulit para uminum ng tagay ko.
“Naging close kami ni Chad at pinakilala nya sa akin yung tatlo pa nyang kaibigan na nasa ibang section. Yon sina Aileen, Romero at Crom first section kasi kami. Don ang simula ang groupo namin. Medyo naging proud ako nun kasi isa rin si Chad sa famous students sa school.”
“Ay!!! parang si Red ko lang.” ang malanding sabi ni Angela sabay pulupot ng kanyang dalawang kamay sa bewang ni Red.
“Don’t interrupt her girl!” ang inis na sabi ni Antonet. “Continue Arl.”
“Akala ko totoo na lahat ng pinapakita sa akin ni Chad at ng iba pa naming barkada. Sobrang sweet sa akin ni Chad. Lagi nya ako linilibre ng snacks at everyday na papasok sya ako ang pinaka una nyang hahanapin para bigyan ng chocolates.” Nag sisimula nang tumulo ang mga luha sa aking mata. Bumabalik nanaman sa akin ang sakit ng kahapon..
“Arl kung di mo na kaya stop mo nalang kwento mo. Baka di kapa handa para ikwento yan.” Si Red na may pag-aalala sa kanyang tinig.
Umiling lang ako. “Salamat Red. Pero kaya ko to. Nasimulan ko na kaya tatapusin ko.” Ang sabi ko habang humihikbi.
“Ang sakit lang talaga. Pinakilala ko sya sa parents ko kasi akala ko totoo ang pakikipag kaibigan nila sa akin at akala ko rin bestfriend ko na sya.” Ang dugtong ko pa kay Red.
“March at malapit nang mag tapos ang school year sa taon na yon hindi ko alam na don na pala mag tatapos ang masasaya kung araw sa dati kung school. Nag yaya si Chad na mag cut class para mag inuman. Hindi naman ako nakatanggi dahil baka mag tampo sa akin si Chad. Pang apat na beses na nya kasi akong niyayaya mag inum pero lagi ko syang tinatangihan dahil di naman ako marunong uminum. Pumunta kami sa bahay nila dahil wala daw tao doon at puro katulong lang nila ang nasa bahay. Yung dalawang bunsong kapatid naman daw nya eh nasa school pa.” Pinahid ko muna ang mga luhang umaagos sa aking mata. Siguro dahil na din sa tulong ng alak kaya naging emotional ako masyado.
“Nag inuman kami sa terrace nila at ayon na lasing nga ako. Tinanong ko si Chad kung nasaan ang CR dahil nahihilo na ako at nasusuka. Inalalayan naman ako ni Chad papuntang CR sa baba dahil baka raw mahulog pa ako sa hagdanan.” Sa Puntong yon kinuha ko ang bote ng Red Horse at linagok lahat ng laman nito bago ulit nag salita.
“Supah Ace easy lang baka mag suka ka nyan.” Ang nag aalalang sabi ni Rome. Di ko sya pinansin at pinag patuloy ulit ang kwento ko.
“Pag pasok namin sa CR agad kong tinapat ang mukha ko sa toilet bowl para sumuka habang si Chad naman ay panay hagod sa likod ko. Tinanong nya kung okey lang ba ako at binigyan nya ako ng towel para daw mag hilamos at mag mumug. Pag katapos kung mag mumug, nang humarap ako sa kanya…..” Bigla akong tumigil at napa iyak ulit habang tinatakpan ang mukha ko ng dalawa kong kamay.
Hinagod naman agad ni Rome ang likod ko sabay sabing “tama na Ace di mo naman kailangan ikwento lahat.” First time ko syang marinig na tawagin ako sa Pangalang Ace lang nasanay na kasi ako sa Supah Ace. Ramdam ko na seryoso na sya at naaawa na sya sa akin. Pinag patuloy ko parin ang kwento ko.
“Nang humarap ako sa kanya bigla nya akong siniil ng halik. Na bigla ako sa ginawa ni Chad kasi di sumagi sa isip ko na ang Campus Crush ay makikipag halikan sa kapwa nya lalaki. Dahil na rin siguro sa kalasingan ko at nasarapan ako sa ginawang pag halik sa akin ni Chad gumanti na rin ako ng halik habang ang isang kamay ko ay unti unting nag lalakbay papunta sa kanyang batok. He was my first kiss at the same time lasing ako kaya nakalimutan ko na nabawal pala ang ganun. Masyado akong naging mahina.” Ang pabulong ko nalang na pag kwekwento sa kanila dahil bumalik sa akin ang hiya.
“So yon ang kumalat na picture mo na may kahalikan kang Lalaki sa CR?” ang tanong ni Mina.
Kinabukasan habang nag aayus ng pila para sa flag ceremony isa sa mga ka klase ko kasama ang grupo nya ang kumalabit sa akin.
“Oi bakla ang galing mo palang humalik siguro magaling karing chumupa noh? HAHAHAHA!!” tawanan nilang lahat. Pati na rin ang ibang mga tao na nakarinig.
Sa pagbabalik tanaw ko sa parting iyon ng buhay ko nawala na ako sa sarili ko. Isama mo pa ang tama ng Red Horse na linagok ko ng isang tunga lang ay na kwento ko na sa kanila habang naka yoko ang buong detalye ng storya na pilit kung iniiwasan kanina pa bago paman ako mag simulang mag kwento.
“Oo, akala mo kung sinung lalaki kung umasta. Lalaki rin pala ang gusto? Ka DIREEE LASON!! Crush pa naman kita!!” banat pa ng bading na taga ibang section.
“Pero girl, Wag ka! Ang swerte nya kaya! Si Papa Chad ang kahalikan nya, na talbugan ang beauty mo! Naunahan kapa ng mapag panggap! Hahahahahah! Ang sabi ng babae na katabi ng bakla habang tumatawa na parang kontrabida.
Para akong na uupos na kandila sa kinatatayuan ko nun naka tingin lang ako sa baba hindi ko kayang tumingin ng deretsu sa kanila. Unti – Unting tumutulo ang luha ko sa sobrang galit at kahihiyan na sinabayan ng panginginig ng aking paa. Mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko ng biglang mag announce ang RVM namin para ipatawag kaming dalawa ni Chad sa guidance office.
Pag katapos ng flag ceremony ay agad kung tinahak ang Guidance office. Pag pasok ko nan doon na si Chad, ang RVM at ang Guidance councilor namin. Na Upo ako paharap kay Chad habang nasa likod nya ang RVM at nasa likod ko naman ang Adviser namin.
“Alam nyo ba kung bakit kayo pinatawag dito?” ang tanong ng Guidance Councilor namin. Wala sa amin ang sumagot.
“Major offense ang mag cut Class Mr. Alberto and Mr. Blones pero may mas mabigat pang dahilan kung bakit kayo ipinatawag dito. To be honest with both of you pwedi kayong ma expel sa school na ito sa skandalong kayung dalawa ang sangkot.” Ang sabi ng Guidance Councilor
“Sister, Sir hindi ko po alam ang nang yari. I was drunk and Arl took advantage of me. Hindi ko naman po alam na he is gay.” Ang naka yukong sabi ni Chad na kinabigla ko. Hindi ko ineexpect na ako ang ididiin nya sa sitwasyon. Umapaw ang galit ko sa kanya sa sobrang galit ko ay nanginginig ang buong katawan ko.
“lasing? Do you mean nag inuman kayo? Jesus Christ! Ang babata pa ninyo!” ang hysterical na comment ng aming RVM.
“Call their Parents! I want to see them in my office today!my god Mr. Alberto im sure your parents will be frustrated as I am right now kung malaman nila pinag gagawa mo. Both of you effective today are suspended until the final examination. Wala akong pakialam kung san kayo mag rereview para makasagot sa exam. After examination you will wait for the result and transfer to other school.” Sabay alis ng RVM.
“Ayon na nga. Nag exam lang kami ni Chad pero di na kami pinabalik pa sa school namin. Nalaman ito ng parents namin pero imbis na magalit sakin sina mama at papa naawa sila sa akin. Siguro yon nalang ang consolation ko. Buong summer di ako lumabas ng bahay, wala akong kinakausap dahil tinatak ko sa sarili ko na lahat ng tao ay kagaya ni Chad. Di na rin kami nag kita ni Chad after nung sa Guidance office.
Masaya na kayo?” sabay pahid ng mga luha ko at tumingin sa kanila na nanlilisik ang mata. Di ko alam pero biglang bumalik lahat ng galit ko sa mundo
“kung wala na kayo itatanong mauuna na ako sa Kwarto at matutulog na.” Tatayo na sana ako ng biglang umikot ang paningin ko sa kalasingan at bumagsak ako sabay ng pagkawala ng aking malay.
***********************************************
Pag mulat ko ng aking mata una kung naramdama ang sakit ng ulo ko. Anu ng yari? Bakit ang sakit ng ulo ko? babangon sana ako para buksan ang bintana ng may biglang pumasok.
“Supah Ace gising kana pala!” ang nakangiting bati sa akin ni Rome.
Don ko nalang ulit na alala lahat ng naikwento ko sa kanila sa nag daang gabi. Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko nang makita ko ang ngiti nya. Parang biglang nanariwa ulit sa akin ang mga tawa at halakhak ng mga taong nasa flag ceremony noon. Ang mga naka ngisi at bulungan ng mga mapag husgang studyante.
“Uuwi na ako. Mauuna ako sa inyo. Wala na akong gana mag stay.” Ang malamig kung sabi sa kanya na kinabigla nya.
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Rome ng makita nya ang blankong muka ko. Agad syang lumapit sa akin.
“Supah Ace about last night. Sana” pinutol ko ang iba pa nyang sasabihin.
“I don’t need your sympathy Rome. Iiwan mo rin ako kagaya ng pag iwan sa akin ni Chad. Wala naman akong kasalanan don eh. Sya naman ang unang humalik pero bakit nya ako linaglag?” napa hagulhol ulit ako sa kamalasang nang yari sa akin noon. Bigla naman akong nyakap ni Rome.
“shhhh.. tahana Ace di kita iiwan. Nung una pa man nahahalata kuna na may kakaiba sayo. Im still here for you best kahit anu kapa.” Habang hinahagod nya ang aking likod at pinapatahan.
“Di kaba naasiwa sa akin? Nahihiya ako sa inyo Rome nahihiya ako sa sarili ko kung bakit ako naging ganito. Paanu ako tatanggapin ng ibang tao kung mismong ako di ko tanggap ang sarili ko.” Ang sabi ko sa kanya sa gitna ng aking pag hikbi.
“Hindi. Naiintindihan naman kita eh. Di lang naman ikaw sa buong mundo ang may ganyang problema.” Si Rome.
“Paanu sila Red? Sila Antonet? Anu sabi nila? Nahihiya ako lumabas ng kwarto Rome uwi nalang ako.” ang sabi ko sa kanya.
Tinangal muna ni Rome ang pag kakayakap nia sakin at hinawakan ang aking mukha bago mag salita. “nag usap-usap na kami kanina. Wala naman sa kanila kung anu ka man ang importante alam na naming ang dahilan kung bakit ka ganun ka reserve.”
“Talaga? Diba sila nandidiri sa akin? Sina Carlo anu sabi nila?” ang nag aalala ko paring tanong sa kanya.
Ngumiti sya sa akin at ginolo ang buhok ko. “Ang kuuullleeett! Baba nalang tayo para masagot mo mismo ang mga katanungan mong yan.”
“Tara baba na tayo Supah Ace nag ihaw kami ng isda kanina yung paborito mong bangus. At syempre di ko pinagalaw sa kanila ang tiyan dahil yon ang favorite part mo.” Sabay hila nya sa akin palabas ng kwarto.
Bumaba na kami ni Rome para lumabas at ipag patuloy ang aming 3 days Christmas Vacation. Pakiramdam ko parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib dahil sa nalaman kung tanggap pala nila ang aking nakaraan at ang aking tunay na pagkatao. Napangiti nalang ako habang pababa kami ng hagdanan.
“San si Papa Ervin?” si Angela
“Nasa taas ginigising si Arl” ang sagot naman ni tonet.
“Grabe pala ng yari sa kanya noh? Kung sa akin man nang yari yon baka di na ako ulit mag enroll. Sobrang nakakahiya kaya yon.” Si Angela ulit.
“Shhhh!! Baka marinig ka! Ikaw talaga walang preno yang bunganga mo. Alam mo naman na apektado pa rin si Arl sa nang yari kaya iwasan lang muna natin ipaalala sa kanya. Di mo ba napansin ang mga tingin nya kagabi. Parang bumalik sya sa pagiging stranger.” Ang pag saway ni Mina.
“sorry naman.” Si Angela na nahiya.
Lumapit na kami ni Rome sa kanila. Nasa Cottage sila na paharap sa magandang dagat sa islang iyon. Nag iinuman nanaman at nag kwekwentohan.
“Arl!!!! Napa sarap ata tulog mo ah! Nakapag lunch na kami pero tinirhan ka namin ng inihaw na isda na paborito mo daw sabi ni Rome.” Bungad agad ni Mina sa akin.
“Pasenya na naparami ata ako ng nainum kagabi.” Ang nahihiya kung sagot sa kanya.
“Sino ba naman kasi ang di malalasing eh tinunga mo ang buong bote ng RH.” Si Red na nakangiti sa akin.
“Wag nyo muna kulitin si Supah Ace. Papakainin ko muna ang bata.” Sabi ni Rome na tinawanan nilang lahat.
“shhhheeett!! Ang sweet talaga ni Papa Ervin! kayo naba?” walang prinong sabi ni Angela.
Bigla naman kaming natahimik lahat. Nakita ko ang pag aalangan sa mukha nila habang si Rome naman ay parang nahihiya dahil bigla itong namula. Binasag agad ni Mina ang katahimikan at binatokan si Angela.
“Aray naman girl!” maktol na sabi nito.
“Bibig mo kasi. Zipper mu kaya yan para hindi kung anu-anu lumalabas dyan!” Si Mina na tila naiinis.
Sumingit naman bigla si Tonet “Hay naku Arl wag mo na pansinin yang si Angela. Kulang sa pansin yan dahil deadma lagi si Red sa mga pag lalandi nya.” Sabay tawa na parang bruha lang para mawala ang tensyon.
“Ace nalang. Wag nyo na ako tawaging Arl. Alam nyo na lahat sa akin kaya kung tanggap nyo talaga ako Ace na itawag nyo sa akin.” Ang naka ngiti kung sabi sa kanila sabay kuha ng pinggan at umupo para kumain.
Nakita ko ang pagkabigla nilang lahat. Siguro dahil ineexpect nila na ma babadtrip ako sa sinabi ni Angela.
“Basta ako Supah Ace pa rin ang tawag ko sayo kasi bestfriends tayo! At walang gaya-gaya guys ah!” si Rome sabay tabi sa akin at kinuha ang aking plato para lagyan ng kanin at ng inihaw na isda.
After ko kumain nag pahinga muna ako at sumabay na sa kanilang inuman at kwentohan ng kung anu-anu. Sinabayan naman ito nang pag guitara ni Red at ang kanyang singer ay si Tonet na sina sabayan naman nina Mina at Angela.
“Ace kaw naman ang mag guitara sakit na ng kamay ko. Ako naman ang mag tatagay.” Reklamo ni Red.
“Oo nga Ace. Di kapa namin nakitang tumugtog ng guitara alam naman namin na marunong ka dahil na kwento na kanina sa amin ni Rome.” Si Carlo na sinusubuan si Tonet ng Mr. Chips.
“Teka nga!! Bakit may pa subo subo na kayong nalalaman ni Tonet Carlo? Kayo naba? Hala! Masasaktan ang bestfriend Mina ko nyan!” pa epal agad ni Angela ng makita nya rin na sinusubuan ni Carlo si Tonet.
Tiningnan ko ang reaction ni Mina sa ng yari. At ayon di nga ako nag kamali naka simangot sya sa dalawa. Para naman makabawi ako sa kabaitan sa akin ni Mina ay kinuha ko ang guitara kay Red sabay sabing
“This is for you Mina sabayan mo ko ah.” Nakangiti kung sabi at sinimulang tugtugin ang intro ng kanta.
“OMG alam ko ang kantang yan! Paborito yan ni bestfriend! Panu mo nalaman Ace? Ayiieee ang sweet mo naman!” Ngiti lang ang isinagot ko kay Angela.
Knew the signs wasn’t right
I was stupid, for a while
Swept away, by you
And now I feel like a fool
So confused
My heart’s bruised
Was I ever loved by you?
Out of reach, so far
I never had your heart
Out of reach, couldn’t see
We were never met to be
I was stupid, for a while
Swept away, by you
And now I feel like a fool
So confused
My heart’s bruised
Was I ever loved by you?
Out of reach, so far
I never had your heart
Out of reach, couldn’t see
We were never met to be
Catch myself, from despair
I could drown if I stay here
Keeping busy, everyday
I know I will be ok
But I’m
So confused
My heart’s bruised
Was I ever loved by you?
Out of reach, so far
I never had your heart
Out of reach, couldn’t see
We were never met to be
So much hurt, so much pain
Takes a while to regain
What is lost inside
And I hope that in time
You’ll be out of my mind
I’ll be over you
And know I’m
So confused
My heart’s bruised
Was I ever loved by you?
Out of reach, so far
I never had your heart
Out of reach, couldn’t see
We were never met to be
Out of reach, so far,
You never gave your heart
In my reach, I can see
There’s a life out there for me
Pag katapos kung kumanta at mag guitara para silang naka kita ng multo at di makapag salita. Lahat sila ay nakatingin lang sakin.
“wow! Ang ganda pala ng boses mo Ace!! Love na rin kita!” si Angela ang unang bumasag sa katahimikan.
Tinawanan ko lang sya. Bigla namang dumikit si Rome sakin at Bumulong na “Ang galing mo Supah Ace.” At mabilis pa sa alas kwatro na nag nakaw nang halik sa pisngi ko.
Namula naman ako sa ginawa ni Rome na dala na naman siguro sa sobrang excitement nya kaya bigla biglang nang hahalik. Pero mas kinabigla ko pa ay ang sunod na nang yari. Bigla silang nagsitayuan at lumapit sa akin na may ngiti na parang may plinaplano.
“Rome hawakan mo dalawang kamay ah! Wag mo bibitawan.” Ang natatawag sabi ni Tonet.
“Mga loko loko kayo!!! Anu gagawin nyo!wahhh!!!” tawanan lang sila.
Hinawakan nga ni Rome ang dalawa kung kamay at ginapos ito ng isa nyang kamay habang ang kanyang isang kamay naman ay naka hawak sa Ulo ko para di ako makapalag sa gagawin nila. Bigla nila akung hinalikan sa pisngi isa isa.
“Ayan ang reward naming lahat sayo. Ang galing mo kasing kumanta were so impressed!” si Tonet na tatawa tawa pa rin sa kalokohan nila.
“Talented talaga itong si Supah Ace ko! The best dba?” ang proud na proud na sabi ni Rome na nakatingin sa akin.
“Wow!!! May “KO” talaga. Aba ibang level na yan guys!” si Angela nanaman. Tong babaeng to talaga kung anu anu ang napapansin.
“Ang dami mong alam!” ang sagot ko nalang habang tumatawa. Si Rome naman ay naka tingin pa rin sa akin na naka ngisi.
Napag desisyonan naming maligo nung bandang alas kwatro na ng hapon para mabawasan ang tama ng RH sa amin. Habang ang iba ay busy sa harutan at habolan kami naman ni Rome ay bumalik sa bahay nina Carlo para kunin ang Surf Board nya. Di ko pa sya nakikitang mag laro ng sport nya pero since na laking Surigao sya im sure magaling sya.
Pagkatapos naming makuha ang Surf Board nya ay agad kaming tumalima papuntang dagat kung saan nag lalaro ang iba naming kasama. Lumusong si Rome sa tubig habang ako naman ay nasa pangpang lang para manuod sa gagawin nya. Humarap sya sa akin at sinabing “Watch me” sabay hubad ng damit nya tapos binato sa akin di pa na kuntento kumindat pa ang loko sa akin bago sumakay sa Surf Board nya. Nahinto naman ang mga kaibigan namin sa pag haharutan ng makita nila si Rome na mag susurfing.
Di nga ako nag kamali. Napapa Wow ako sa husay ni Rome mag Surf. At ang hot nyang tingnan habang naka Board Shorts lang at walang pangitaas na damit. Kita ang muscles ng katawan nya. Nakikita ko rin sa mga mata nya na enjoy na enjoy sya sa kanyang ginagawa. Nag papalak pakan naman ang mga kaibigan namin sa husay na pinapakita ni Rome.
******************************************
Dumaan ang pasko at bagong taon three months nalang at mag tatapos na kami ng high school. Mas lalo kaming naging close na mag kakaibigan may mga araw na nag iinuman kami sa bahay meron din naman namamasyal kami sa mall. Kami naman ni Rome ay mas lalong naging close sa isat isa. Mas lalo syang naging malambing sa akin. Nakabili na rin sila Rome ng sariling bahay nila sa may St. Scholastica Village. di naman sya nakakalimut na dumalaw. Every Saturday ang bonding naming magkakabarkada while Sunday naman ang bonding naming dalawa ni Rome. Sa bahay sya natutulog tuwing Saturday para deretsu na kami sa church pag Sunday.
Unti unting nahuhulog ang loob ko kay Rome. Pero pinipigilan ko dahil natatakot ako na baka yon pa ang makasira sa aming samahan. Hindi ko kayang ipag palit ang samahan namin ni Rome sa isang relasyon na alam kung walang patutunguhan. Darating rin ang araw na gugustuhin na ni Rome ang magka pamilya at magka anak. Iniisip ko palang na mawawala na sya sakin nasasaktan na ako.
January 14 Saturday nang tawagan ako ni rome sa bahay.
“oh bakit Rome?”
“Supah Ace Mag impake ka ng damit dali!! Papunta na ako dyan sa inyo!” Ang nakakabinging sigaw ni Rome sa kabilang linya.
“Impake? Bakit ako mag iimpake abir? San naman tayo pupunta adik ka?” sabi ko naman sa kanya.
“Nag paalam na ako sa school na mag aabsent tayo sa Lunes.” Si Rome
“Tapos?” ang naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya.
“May ipon naman ako at binigyan ako ni mommy ng pera nung pasko nag paalam ako sa kanya na aatend tayo sa Sinulog Festival ng Cebu. Sabi kasi nila na pag umatend ka daw at pag nag wish ka sa Pit Senior eh matutupad ang wish mo. Kaya dali na mag impake ka na at aalis tayo mamayang 8pm.” Excited nyang paliwanag.
“Teka teka!! Okey kalang? Cebu? Ang layo kaya nun di ako papayagan nina Mama no! tsaka darating sila ngayon galing Manila anu kaba.” Ang pag tutul ko sa plano nya.
“No worries Supah Ace. Natawagan ko na sila tita. Infact gusto nga nila na sila na bibili ng plane ticket natin kaso umayaw ako kasi gusto ko mag babarko lang tayo para adventure! Boring kaya ang Plane walang thrill.” Paliwanag naman nya sa akin na halata pa rin ang Excitement sa kanya.
“Bakit di mo sinabi agad! Sige dali punta kana dito exciting nga yan!” excited ko naring sagot sa kanya. First time ko rin kasing aalis ng hindi kasama sila mama.
“Teka teka? Sila Red? Sasama ba sila sa atin? Ang tanong ko sa kanya.
“Nope moment lang natin to. Hindi ko pinaalam sa kanila na mag aatend tayo ng Sinulog. Hehe baka sumama pa yon masira lang plano ko.” ang sagot naman nya.
“Plano mo? Bakit naman masisira?” nag tatakang tanong ko sa kanya
“Secret para bibo!” sabay humalakhak si gago
“May ganun? Oh sige sige handa ko na mga gamit ko! Buh-bye na!” sabay baba ng telepono at takbo agad sa kwarto ko.
Itutuloy:
Next na please!! Haha!
ReplyDelete--ANDY
Aaaaaayyyyyy!!!!!!!! Parang alam ko na ang susunod!!!! Pakshet ka Zekiel, kinikilig ako!!!! Hahahahaha!!! Reminds me of someone na ganyan ka-sweet sa akin. Hhaaayyy. :'(
ReplyDeleteNaalala ko nanaman ang High School life ko. Yung mga panahon ng pagiging "Reserved" ko! Hehehehe. Nakaka-relate ako kay Ace! Ahahaha! :D
ReplyDeleteGab - kung kiligin ka naman dyan.. hahaha tinapos mo na talaga ang buong storya ah :))
ReplyDeleteKILIG!!!=)
ReplyDelete