Followers

Thursday, November 24, 2011

Puno Ng Pag-ibig [7: Last Part]

Author's Note:

Tapos na po ang kuwentong ito ngunit sana ay pagpasensyahan na “For Request” lamang po ang huling bahagi na ito. May tatlong rason pa kung bakit.

Una, security reason. Nadala na po ako sa mga nangongopya na walang pakundangang inangkin ang aking akda. Bagamat inaamin kong hindi ito iyong klaseng gusto nilang kopyahin (mas mabuti na ang ganitong estilo).

Pangalawa, gusto kong ma-meet ang mga nagbabasa. Nakakadagdag inspirasyon po ang malaman mong nakaka-interact sa iyo bilang author ang iyong mambabasa. At least masasabi mong totoo pala sila.

Pangatlo, alam po ninyo na may sinalihan po ang MSOB na contest sa PEBA at nakita kong marami pong hindi bumoto kahit sa aking munting pakiusap na bumoto. Kahit papaano, naghirap at nagsakripisyo din naman po ako sa pagsulat nito ngunit sa munti kong hiling na boto, marami pa rin pong mambabasa na ipinagkait ang kahilingan kong ito. Siguro naman ay “patas” lang kung ang pagbibigyan ko ng aking pinaghirapang akda ay ang mga tao lamang din na handing magbigay sa aking munting kahilingan.

Kaya ito po ang aking hiling:

1. Bumuto po muna kayo dito:  http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html  paki-click lamang po ang entry #24 (Michael’s Shades Of Blue) na nasa right side ng page at pagkatapos ay i-click ang “Submit Vote”. May lalabas po na confirmation code at i-comply lamang po ang instruction.

2. Kapag nakaboto na, lalabas sa screen ang result ng poll. Tingnan kung ilang boto na ang entry #24 na ibinoto mo at paki email sa akin ang figure kung ilang boto ito. Kapag na-comply na ito, bibigyan ko na kayo ng kopya.

3. Para po sa nakaboto na, maaaring gawin uli ninyo ang instruction #1 na bumoto. Lalabas pa rin ang poll result bagamat sasabihin sa iyo na you have already voted. Kung lalabas iyan, kunin na lamang ang figure kung ilang boto ang entry #24 at iyan ang i-email sa akin para mabigyan ko kayo ng kopya.

Pasensya na po sa setse-buretseng ito. At para sa mga readers, followers, commenters, co-authors na tunay nga namang nagmalasakit para sa MSOB at nand’yan palagi para sumuporta sa ating itinataguyod, maraming-maraming salamat po sa inyo.

=========================

Announcements:

Congratulations to Mr. Jojie Abarido, ang bagong co-admin ng MSOB blogspot.

Ang sunod na EB po ay gaganapin sa June 2, 2012 (wala pang desisyon sa venue) at kagaya ng dati, may 50 ka participants lamang po ang mapipili. Sa ngayon, may limang sponsors na po ang nagpahayag ng pledge to donate para magiging libre po ang EB na ito at sa isang private na resort para sa mga piling solid and die-hard MSOBians. Ang mga sponsors na ito na nagpahayag na ng pledge ay tatawagin na lang nating sina:

* Mr. Y
* Mr. Blue of Canada
* Mr. T of Dubai
* Mr. R of the sea
* Mr. Blue2 of KSA

Tumatanggap pa rin po ang MSOB ng pledges and donations though MSOB advises not to deal with any other persons other Mike Juha. Ang email address ko po ay getmybox@hotmail.com

Maraming salamat po!

-Mike Juha-
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

******************

Pakiramdam ko talaga sa sarili ay simputi ng papel ang aking mukha sa sobrang pagkahiya. Naalala ko ang paghalik ko nang todo kay Marjun dahil sa kagustuhang sakyan ko na lang siya sa kanyang “pagkapanalo” sa pustahang pagpapa-ibig niya sa akin bagamat masakit ito sa aking kalooban, at kahit may tuwa at kilig itong dulot dahil gumanti siya sa halik ko hindi alintang nasa harap lang namin ang mga kaibigan niya. “Shockssss! Nakakahiya!” sa isip ko lang.

“At ang sabi pa ni Marjun na ang galing mo daw na manunulat na pati siya ay naaapektuhan kahit puro lalaki ang mga bidang nag-iibigan sa iyong kuwento. Hangang-hanga daw siya sa galing mo. Dahil daw sa kuwento mo kung kaya nag-iba ang pananaw niya sa mga bakla.” Ang sabi ni Mario.

“Oo… at alam mo, Aldred, iyang si Marjun, takot iyan sa mga bakla. Muntik na kasing magahasa iyan noong binatilyo pa. Kaya umiiwas talaga iyan sa mga bakla. Kapag nagpagupit nga iyan ng buhok niya, ayaw sa mga parlor. Nagbitiw pa nga iyan ng salita na kung bakla lang daw ang makatikim sa kanya, ipapaputol na lang daw niya ang kanyang ari. Kaya laking gulat talaga namin noong nakitang gumanti siya sa pakipaglaplapan ninyo.” Dugtong naman ni Ver.

“At… napansin namin na simula noong maging magkaibigan kayo, naging masayahin na iyan. Dahil daw ito sa pagiging magkaibigan ninyo. Laging ibinibida ang mga itinuturo mo sa kanya, ang pamamasyal ninyo sa beach o sa mall, ang mga natikman niyang mga pagkain… Inspired. Kaya binibiro din namin na baka na inlove siya sa iyo. Biro lang naman iyong amin. Kasi nga ang buong akala namin ay hindi tatablan iyan ng pagmamahal sa alam mo na, kagaya ng ganayang relasyon. Pero iyon pala, sa birthday niya, dalawang tao ang napa-ibig…” sabay tawa ng dalawa. “Ang tindi ng talaga ng kamandag ng hayop!” dagdag ni Ver.

Hindi na ako nakasingit sa kuwentuhan ng dalawa. Nakitawa na lang ako. At sa loob-loob ko, lalo akong naawa, at humanga din kay Marjun. “Ang sama ko talaga!” sa isip ko lang. “Puro magagandang bagay naman pala ang sinabi noong tao tungkol sa akin, ibinida pa ako sa mga kaibigan niya, at pagkatapos ay pinaghinalaan ko pa ng masama…”

Babalik na naman sana silang dalawa sa kanilang trabaho noong, “Mario! Ver! Mamayang gabi, sa apartment ko, mag-inuman tayo ha?” ang pag-imbita ko.

Nagtinginan silang dalawa. “Anong mayroon?” tanong nilang sabay na nagtawanan pa dahil sa sabay na pagsasalita.

“Wala lang! Natuwa lang ako!” sagot ko.

“Sige ba!” ang masayang sagot din nila.

Sobrang sarap ang aking pakiramdam pagkatapos kong marinig ang mga sinasabi nila tungkol kay Marjun. Pakiramdam ko ay gumaan ang aking kalooban. Ang problema ko na lang ay kung paano ko susuyuin si Marjun; kung ano ang gagawin ko upang bumalik siya sa trabaho at sa pagtira sa bahay ko.

Noong nabaling ang paningin ko sa aking laptop, bigla kong naisip ang kuwento; kung itutuloy ko pa ba ang trahedya na pagtatapos nito o ibibitin ko na lang ito at hayaang tumatak sa isipan ng mga mambabasa ang isang katanungan kung ano ba ang puwedeng mangyari kina Byron at Lester sa kuwento. Hayaan kong sila ang ang bumuo sa nararapat na pagtapos nito sa kanilang mga isip. May mga kuwento kasi akong nabasa na ganito ang estilo. Hindi lantarang ilalahad ng otor ang kahinatnan ng kuwento at hahayaan niyang nakabitin ito sa dalawang extreme na maaaring hahantungan ng bida o mga bida: tagumpay o di kaya, trahedya.

Binukasan ko ang laptop upang ipagpatuloy na sana ang pagtipa sa huling kabanata. Ngunit ako rin ang nagulat noong nakitang may karugtong na pala ito. May idinugtong na si Marjun!

Marahil ay habang noong nasa galaan ako sa mga araw ng kasagsagan ng galit ko sa kanya at habang naghihintay siya sa akin, naisipan na lang niyang dugtungan ang kuwento.

Sa ilang linggong hindi pagsipot ni Byron, napagdesisyonan ni Lester na tapusin na niya ang paghahanap kay Byron. Ngunit sa isang ultimatum at i-announce niya ito muli sa tulong ng media at paskil sa mga bulletin. At dahil may mga patuloy pa ring sumuporta at tumulong kay Lester, may gumawa uli ng billboards para sa kanyang ipinaglaban. Ang huling billboards ay naglalaman ng mukha nila ni Lester at Byron at kung saan, nakasulat ang mensahe ni Lester –

“Dear Byron, sa darating na Linggo na ang huli kong paghihintay sa iyo sa ilalim pa rin ng puno ng narra sa central park. Muli, manghingi ako ng tawad sa aking mga nagawang kasalanan. Ngunit gustuhin ko mang ipagpatuloy ang paghihintay sa iyo, wala ring mangyayari dito kung ikaw mismo ay ayaw nang buksan ang pintuan mo para sa akin. Uulitin ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal para sa iyo. Mahirap paniwalaan ngunit ito ang totoo. Hindi kita pipiliting maniwala ngunit kung alam mo lang kung paano naghirap ang kalooban ko na mahanap ka at mapatawad mo; kung gaano kahirap ang pagharap sa ganitong klaseng pag-ibig, marahil ay maawa ka rin sa akin. Ngayon ko narealize ang naranasan mong paghihirap; ngayon ko naramdamn kung gaano kasakit ang magmahal at maghintay; ang pagdurugo ng iyong puso dahil sa mga pangungutya at panglilibak ng mga tao… Ngunit gusto kong manindigan; gusto kong ipakita sa iyo na kapag nagmahal ka, ipaglaban mo ang naramdaman mo sa kabila ng lahat… Ngayon ko napagtanto na ang pag-ibig ay hindi kumikilala ng kasarian o pagkatao. Kapag tumibok ang puso, sapat na ito upang manindigan. Sana lang ay panindigan mo rin ang pagmamahal mo sa akin at siputin mo ako ngayong darating na Linggo… iyan ay kung mahal mo pa rin ako, gaya nang sinabi mo sa iyong diary. Patawarin mo na ako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Isang tao lamang ako na nagkakamali. Lahat naman tayo ay nagkakamali di ba? Palayain natin ang galit sa ating mga puso. Sa diary mo, ilang beses mong sinabing wala nang pag-asang lumigaya ka pa; na wala nang taong maaaring magmahal pa sa iyo; at na ipinangkait sa iyo ng tadhana ang pagmamahal at ang taong siyang para sa iyo. Sinabi mo rin na ang lahat ng mga lalaki ay manloloko, manggagamit, pinaglalaruan ang iyong damdamin. Gusto kong patunayan sa iyo at sa buong mundo, na hindi totoo iyan. Dahil nandito ako, nagmamahal at naghihintay. Puntahan mo ako dito, please… -Lester-

PS. Hindi ako ang nagpaskil sa kopya ng diary mo sa bulletin board ng kumpanya; isang babaeng staff na nagkagusto sa akin at may itintagong galit sa iyo ang gumawa nito. Tinanggal na siya ng boss ng kumpanya at ikaw ay pinapabalik. Sana babalik na tayo sa dati kung saan magkasama tayo sa trabaho. Nahirapan na ako. Pati ang mga kasamahan natin sa trabaho ay umaasam na babalik ka. Na-miss ka na rin nila… Pati ang puno na itinanim ko para sa iyo ay malaki na at patuloy na inaalagaan ko para sa iyo. Marahil ay kung nakakapagsalita lamang ito, sigurado akong ang sasabihin niya rin ay sana bumalik ka na…”

At ang sulat na ito ni Lester ay ipina-flash sa TV at bino-broadcast din ng ilang mga estasyon ng radio dahil marami pa rin ang nag-abang sa love story nila. At ang fanpage ni Lester sa facebook ay umabot na nang halos isang milyon na like at ang admin at pasimuno nito mismo ay nanawagan na pumunta uli sa central plaza sa ultimatum na ibinigay ni Lester. At hindi lang basta magpunta; hinikayat din niya silang magdala ng mga seedlings o saplings ng kahit na anong puno bilang simbolo ng punong itinanim ni Lester para kay Byron.

Dumating ang araw na itinakda at muli, dumagsa ang maraming taong patuloy pa ring sumuporta. At sa pagdagsa nila, namumutiktik din ang napakaraming iba’t-ibang sapling ng puno ang lugar na animoy isang exhibit ito ng mga pananim. At may mga tatak pa ang karamihan dito; may nakalagay na “Puno Ni Byron” may “Puno Ni Lester”, may “Puno ni Lester At Byron” at ang iba naman ay “Puno Ng Pag-ibig”.

Ngunit sa ilalim ng puno ng narra pa rin na iyon, nandoon si Byron, nag-isang nakaupo sa sementong upuan sa lilim; nabalot ng matinding pangamba, takot, lungkot, at pag-aagam-agam...

Ngunit hanggang doon na lamang ang idinugtong ni Marjun sa kuwento. Maiksi ngunit natamaan ako sa mga sinasabi niya; ang pagkakamali, ang panghingi ng tawad ni Lester, ang sinabi niyang “lahat tayo ay nagkakamali…”. Syempre, sa kalagayan namin ni Marjun, nasa akin ang lahat ng kamalian dahil sa hindi ko man lang muna sinuri ang buong katotohanan bago magpasya o magbitiw ng masasakit na salita; kung ako ba talaga ang pinagpupustahan nila. Nagmamadali kasi ako sa paghusga sa isang bagay na base lamang sa aking sariling sapantaha, na hindi man lamang pinakinggan ang kanyang panig. 

At dahil sa nabasa ko, may malakas na puwersang nag-udyok sa akin na puntahan si Marjun sa probinsya niya. Kinutuban kasi ako. Pakiramdam ko ay naghihintay lamang siya sa akin; na ang isinulat niya sa kuwento ay hindi bilang si Lester kundi sariling mensahe niya mismo para sa akin; at naghintay siya na sunduin ko.

Dali-dali kong tinawid ang kalsada at nilapitan sina Mario at Ver kung saan sila ay abalang nagmamasa ng semento. “Mario, Ver… gusto ko sanang puntahan ang bahay ni Marjun?” ang pangingimi kong sabi.

“Ha?” ang gulat na sagot ni Mario. “Malayo iyon Aldred. May halos tatlong oras din ang biyahe patungo doon. Baka gabihin ka at maligaw ka pa.”

“Kahit na, gusto kong puntahan siya. Tulungan niyo naman ako please…”

Nagkatinginan sila. Maya-maya lang, “O... sige ako na ang magpaalam. Sasamahan kita. Kapitbahay ko lang kasi iyon.” Ang sambit ni Mario.

“Sasama na rin ako…” ang pagsingit din ni Ver.

Pinayagan naman sila. Malapit na rin kasi ang kanilang uwian kung kaya sila ay napagbigyan.

Halos magkandaugaga kami sa pagmamadaling makarating sa terminal. Naghahaf-bath lang ang dalawa sa aking apartment at pinagamit ko na rin ang aking short at t-shirt, at hindi na nga lang ata sila nakapagbrief.

Sa sasakyan ko ibinunyag ang tunay na nangyari sa gabing iyon ng birthday ni Marjun; na ang buong akala ko ay ako ang pinagpustahan nila at dahil dito, nagalit ako kay Marjun kaya sinakyan ko ang “pagkapanalo” niya at hinalikan siya. Ngunit noong kami na lang dalawa ang naiwan sa bahay nakapagbitiw ako ng masasakit na salita at pinalayas ko si Marjun.

“Kaya naman pala eh… Kawawa naman ang pinsan ko. Napahamak tuloy sa pusta-pustahan natin.” ang sabi ni Mario na nilingon si Ver.

“Kaya nga eh… sobrang pagsisisi ko talaga. Ambait pa naman ng pinsan mo sa akin.” Sagot ko.

“Mabait talaga iyon. Kahit mas guwapo ang halimaw na iyon, mas mabait din iyon. Kaya maraming nababaliw sa taong iyon.” Sabay tawa.

Napangiting hilaw na lang ako. Totoo naman kasi. At isa na ako sa nababaliw sa kanya.

Mag-aalas 8 ng gabi noong makarating kami sa bahay nina Marjun. Wala silang koryente, kawayan at nipa lamang ang bahay nila at sa tingin ko ay halos babagsak na ang bubong nito. Kitang-kita ko ang kahirapan ng buhay nila. Lalo pa akong naawa sa kanya. Alam ko, ang kapiranggot niyang suweldo ang bumubuhay sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Nanay niya ang sumalubong sa amin. “Naku! May bisita pala si Marjun! Hindi pa umuuwi ah! Di ba nagtrabaho siya sa construction kasama ninyo?” tanong niya kina Mario at Ver.

“Eh… H-huminto na po siya at ang sabi ay uuwi na lang po ng probinsiya!”

Napahinto ng saglit ang ina ni Marjun. “Diyos ko po na mahabagin!!!” sigaw niya. “Saan naman kaya nagpunta ang batang iyon?” at umiyak na, kitang-kita sa mukha ang matinding pag-alala sa anak.

“A-ang sabi po niya ay magsaka na lang daw po siya sa bukid” ang sagot ni Mario.

“Wala… Hindi umuwi! Matagal na!” sagot uli ng ina.

“G-ganoon po ba? E di sige po, aalis na lang po kami upang hanapin kaagad siya. Huwag po kayong mag-alala tiyang, kami ang bahala.”

“Sige Mario, hanapin mo siya. Baka napaano na ang batang iyon. Nag-alala ako. Huwag mong pabayaan ang pinsan mo.”

“Opo tiyang.”

Dahil dito, bigla akong kinakabahan sa maaring nangyari kay Marjun. At naisip ko rin na baka nagpunta siya sa apartment ko. “A-aalis na lang po kami.” ang pagsingit ko sa ina ni Marjun

Inimbitahan pa sana kami na pumasok sa loob ng bahay nila ngunit dahil nagmadali nga kami at baka wala na ring masakyan, kung kaya hindi na niya kami pinilit pa.

Alas 11 ng gabi noong makarating kami ng bahay. Halos takbuhin ko na lang ang layo galing ng bus terminal papunta ng apartment. Pakiramdam ko kasi ay nandoon na siya sa bahay ko. Parang hindi na ako makapaghintay pa.

Noong narating na namin ang bahay, hindi ako magkandaugaga sa pagbukas ng gate, exited na baka nasa loob si Marjun at dumaan lang sa may likurang pader kung saan ay puwede niyang akyatin. Dati kasi, inakyat na niya iyon noong naiwan ko ang susi sa loob. At may isang beses din kung saan natagalan akong umuwi dahil sa meeting, kusa siyang pumasok ng bahay sa daanang iyon. Iyon din kasi ang bilin ko; na kapag gusto niyang pumasok at wala ako, pwede niyang akyatin ang likurang pader… “Baka nakatulog na siya!” sigaw ng isip ko. “Marjun! Marjun!” sigaw ko noong makapasok na.

Ngunit wala ni anino niya ang nakita ko sa loob ng bahay. Nabuksan ko na ang tulugan, ang kubeta… Wala. Napakatahimik ng bahay na kahit ang kurtinang wumagayway sa ihip ng hangin ay hindi magawang lumikha ng kahit na kaunting ingay.

Pakiramdam ko ay bigla akong naubusan ng lakas. Napaupo ako bigla sa sofa sa sobrang lungkot. Ramdam ko naman ang pagkaawa sa akin nina Mario at Ver.

“Baka nasa boarding house natin!” ang sambit ni Mario

“Ano naman ang gagawin niya doon? Wala na siyang tulugan doon. At kung nandoon nga, dapat sa limang araw na wala na siya sa poder ni Aldred ay doon siya tumuloy sa atin!” sagot naman ni Ver.

“Baka nandoon iyon ngayon, naghintay sa atin. Subukan mo lang. Kapag wala, sama-sama na tayong maghanap sa kanya.”

“Sabagay…. Sige puntahan ko baka nandoon nga. Mahirap na, baka nilapa na iyon ng balahurang babaeng anak ng landlady natin!” ang pabirong sabi ni Mario upang mapatawa ako.

Binitiwan ko ang ngiting-pilit bagamat matindi ang pag-alala ko para kay Marjun. “S-sana nandoon nga siya.” ang malabnaw kong sagot. Nalungkot kasi ako sa ginawa kong pagpapalayas sa kanya at sa hindi niya pagbalik sa akin. Ibig sabihin, malaki pa rin ang hinanakit niya. At natakot din ako na baka tuluyang hindi na siya babalik pa.

“Sige tol… puntahan mo. Dito na lang muna ako, sasamahan ko si Aldred. Kung wala pa rin doon, hahanapin na natin siya.” Ang pagsang-ayon naman ni Ver.

Noong kami na lang dalawa ni Ver ang naiwan, “M-mag-inuman na lang tayo, Ver… Bili ka ng mainum natin sa labas.” ang malungkot kong sabi.

“O-ok ba…”

Binigyan ko ng pera si Ver at lumbas ito ng bahay. Noong ako na lang ang naiwang mag-isa, hindi pa rin ako mapakali. Sobrang kaba pa rin ang aking naramdaman. Naalala ko muli ang idinugtong ni Marjun sa kuwento; na naghintay siya sa ilalim ng puno ng narra. May kung anong kakaiba akong naramdaman. Parang kaba, takot… hindi ko mawari.

Bigla akong napatayo at dali-daling lumabas ng bahay. Bagamat mag-aalas-dose na iyon ng hatinggabi, wala akong takot na sumakay ng tricycle. “S-sa central plaza po…” ang sabi ko sa driver.

Mistulang isang ghost town ang central plaza noong nadatnan ko ito. Bagamat malamig ang simoy ng hangin, napakaaliwalas ng paligid. At tanging ang mga ingay ng alon sa dagat lamang sa di kalayuan ng central park ang naririnig ko habang marahan nilang hinahampas ang dalampasigan.

Habang binaybay ko ang maliit na sementong pathwalk, palakas nang palakas naman ang kalampag ng aking dibdib. Noong malapit na ako sa mismong puno ng narra kung saan ko kinunan ng litrato si Marjun para sa aking libro, lalo pa itong bumilis at lumakas pa. Nakakabingi.

At para akong himatayin sa aking nasaksihan. Sa sementong upuan sa ilalim ng puno mismo ay nandoon si Marjun. Himbing na nakatulog na nakatihaya at mukhang marumi. Suot niya ang jeans at t-shirt na kulay blue na may stripes na dilaw. Naalala ko, iyon ang mga binili ko sa kanya para niya suotin sa aming pictorial. Habang nakatihaya siya, nakapatong naman sa ibabaw ng kanyang dibdib at yakap-yakap pa ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng kanyang mga damit at gamit.

Nabalot ng pagkaawa ang aking puso. Sa porma niya, mistula siyang isang homeless na taong palaboy-laboy sa lansangan. Nakakawa ang kanyang hitsura, madungis ang damit, naka-tsinelas lang, mahahaba ang bigote at balbas sa mukha; halatang pinabayaan ang kanyang sarili…

“Marjuuunnnnnnnn!!!!” ang sigaw ko habang hila-hila ko ang kanyang braso upang gisingin siya. “Anong ginawa mo dito?”

Noong nagising at nakitang ako ang gumising sa kanyan, binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti. Mistula siyang isang taong nasa hopeless na kalagayan kung saan noong nakita ako, ay biglang nabuhayan ng loob at pag-asa. “H-hinihintay kita…” ang mahinang sambit niya.

At wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak “A-alam ko. Alam ko Marjun. Pasensya na, matagal akong nakarating...” Ang sagot ko habang tinulungan siyang makaupo. “P-patawarin mo ako… Patawarin mo ako Marjun. Hindi ko kasi alam…” at niyakap ko na siya ng mahigpit. Nagyakapan kami na parang hindi na namin masisilayan pa ang bukas. Naglapat ang aming mga labi na parang iyon na ang huli naming paghahalikan. Iyon ang pinakamatamis na halik at pinakamahigpit na yakap na naranasan ko sa tanang buhay ko.

“H-hindi ko kayang mabuhay kung wala ka…” ang sambit niya sa akin.

“Ako rin Marjun. Walang kahulugan ang buhay ko kapag wala ka sa piling ko…”

Dinala ko si Marjun sa bahay at noong nakarating na kami, nandoon na rin sina Mario at Ver, handa na sa aming inuman. Tuwang-tuwa sila noong nakitang kasama ko si Marjun.

Pinapaliguan ko si Marjun, sabay kaming naligo sa loob banyo at doon, pinagsaluhan namin ang tamis ng aming pagmamahalan. Doon ko muli nalasap ang walang sukatang sarap ng kanyang pag-ibig.

Nag-inuman kami. Nagkuwentuhan, kantyawan. At sa pagkakataong iyon, hindi na ako nahiya pa sa harap nina Ver at Mario na halik-halikan ang barkada nilang si Marjun.

“Insan, pasensya na ha? Napahamak ka tuloy sa pustahan natin sa babaeng iyon… Buwesit talaga ang balahurang babaeng iyon.” ang sabi ni Mario.

“Woohhh! Busted ka lang eh.” Sagot namang biro ni Marjun. “At hindi buwesit ang pustahan na iyon dahil kung hindi doon, hindi ako makatikim ng grabeng laplapan sa mga labi ni Aldred. At sa harap niyo pa! May witness!”

Kinurot ko naman ang gilid ni Marjun.

Tawanan.

Masayang-masaya kami sa tagpong iyon. At bumalik uli si Marjun sa dating tinatrabahuhan sa ginawa nilang building.

Isang araw ng Linggo ng hapon, wala kaming parehong pasok. Ipinagpatuloy ko ang pagtapos ng kuwento; sa cottage pa rin sa lilim ng punong acacia sa gilid ng kalsada, harap ng aking apartment. Ako ang nagtype habang ang mga mata ni Marjun naman ay nakatutok sa monitor ng computer, binantayan ang takbo ng aking pagsulat kung paano ko tatapusin ang aming kuwento.

Dumating uli ang takdang oras na binanggit ni Lester. Kabado ang lahat habang ang iba ay nagmamatyag kung may lalapit sa puno at magpakilalang siya si Byron. Pati ang mga TV crews at mga reporters ay halata sa mga mukha nila ang ibayong kaba at excitement.

Subalit, bigo na naman ang lahat. Walang Byron ang sumipot…”

“Teka, teka… akala ko ba happy ending iyan? Bakit hindi mo pinasipot si Byron?” ang pagtutol ni Majun sa isinulat ko.

“Relax ka nga lang. Masyado kang excited!” ang sagot ko naman sabay kurot sa pisngi niya na sinuklian naman niya ng mabilisang paghalik sa aking labi.

Ipainagpatuloy ko ang pag-type.

“Isang oras ang lumipas, dalawang oras, tatlong oras simula noong nag-lapse ang nabanggit na oras, wala pa ring Byron ang sumipot. Ngunit nanatili pa rin si Lester sa inuupuan nito bagamat pansin na ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Paisa-isang nagsiuwian na rin ang karamihan ng mga tao, kitang-kita sa kanilang mukha ang ibayong lungkot at pagkaawa kay Lester.



Mag-aalas dose na ng gabi. May iilang tao pa ring nakisimpatiya kay Lester lalo na ang isang samahan ng mga bakla at lesbian kung saan nanatiling nag-antabay at sumuporta, ang iba ay nakatulog mismo sa damuhang parte ng central park na iyon. Marahil ang marami sa kanila ay naawa na lang kay Lester o gusto na lang magpakita ng kanilang suporta bagamat sa isip nila ay wala na talagang pag-asa na sisipot pa si Byron.

videokeman mp3
Maghihintay Ako Sa Yo – Mark Alain Echem Song Lyrics

Hanggang sa nakatulog silang lahat. Nakatulog rin si Lester.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may isang taong palihim na lumapit sa sementong upuang hinigaan ni Lester, tila umiiwas sa mga tao at camera. Noong nakalapit na siya, ginising niya ang mahimbing na natutulog na si Lester, hinila ang braso, tinapik ang ulo. “Lester... Lester! Gising!” ang pigil na pagsigaw ng lalaki.

At noong nagising si Lester, laking gulat nito noong nakita ang mukha ng taong gumising sa kanya. “Byronnnnnnnn!!!”ang sigaw niya sa sobrang tuwa. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi mapasigaw. Bigla siyang bumalikwas at parang batang naglupasay sa tuwa.

“Shhhh! Huwag kang maingay!” ang sabi ni Byron.

Ngunit huli na ang lahat dahil nagising ang ilang mga nag-antabay sa lakas ng ingay ni Lester.

Biglang nag-ilaw ang camera lights ng nag-iisang TV network na nagpaiwan. Dahil dito, ang iba pang mga nakatulog na taga-suporta ay nagising lahat. At nasaksihan ng lahat ang kaganapan ng pagtagpo muli nina Byron at Lester. Nakunan din ng video at litrato ang eksena kung saan masaya at sabik na sabik sa isa’t-isang nagyakapan ang dalawa, nag-iyakan, nagtawanan, at naghalikan.

Nagpalakpakan ang lahat sa tagpong iyon. Sigawan ang mga tao, hiyawan. Mistula itong isang celebrasyon ng bagong taon kung saan ang lahat ay nag-iingay. At ang karamihan ay hindi naiwasan ang hindi mapaiyak sa tuwa at sa paghanga sa wagas na pag-ibig na ipinamalas ni Lester para kay Byron.

At sa harap ng mga tao at TV camera, nagsumpaan ang dalawa na hindi na hindi bibitiw sa isa’t-isa at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Naging hit ang kuwento ng pag-ibig ng dalawa sa buong bansa. Dahil dito, may nag-offer na magkaroon sila ng isang ceremonial na kasal-kasalan at gagastusan niya. May nag-offer din ng Asian tour para sa kanilang honeymoon.

At… nangyari ang lahat at masayang-masaya sina Lester at Byron.

Simula noon, tuluyan na silang nagsama sa isang bubong. Bumalik na rin si Byron sa kanyang trabaho sa iisang kumpanyang pinagtatrabahuhan din ni Lester.

At ang punong itinanim ni Lester para kay Byron sa hardin ng kanilang kumpanya? Patuloy pa rin nila itong inaalagaan. Noong lumaki na ito, inukit nila sa puno ang kanilang dalawang pangalan sa loob ng isang hugis na puso: “Lester Loves Byron Forever”

Wakas.

“Waaahhhh! Ang ganda!” sigaw ni Marjun.

“Talaga?”

“Sobra! Ang galing talaga ng mahal ko…”

“Naka-relate ka ba?”

“Pamilyar sa akin ang eksena sa pagsulpot ni Byron at paggising niya kay Lester sa ilalim ng puno ng narra!!!”

“May naalala ka? Sa central park din iyon di ba?” sagot ko sabay tawa.

“Oo… wala nga lang reporters, TV camera, at mga tao na nakasaksi…”

“Di bale… kasi, kapag tuluyan nangn maisalibro ang kuwento nating ito, magkakaroon ka na rin ng maraming tagasuporta at fans. Kagaya ni Lester.”

Natawa siya, ayaw maniwala.

Ilang araw pa ang lumipas at natapos din ang gusali na ginawa nila ni Marjun. Maganda ito, matayog, matatag, pulido ang pagkagawa; mga katangiang hinahangad ko rin sa aming pag-iibigan na, kagaya din ng gusaling iyon, ay pinaghirapn ding buuin ni Marjun para sa aming dalawa. Kahit tapos na ang gusali, nanatiling nakatira si Marjun sa aking apartment at nagsama kami na parang mag-asawa.

Tungkol naman sa libro, naging best seller ito. Kahit saan kaming bookstore magpunta para sa autograph signing, dumadagsa ang mga nagpapa-autograph hindi lang sa akin kundi pati na rin kay Marjun. At base sa inaasahan ko, dumami ang mga fans ni Marjun na kahit sa facebook ay nagkaroon na rin siya ng sariling fanpage.

Malaki ang kinita naming dalawa sa libro, and still counting pa. At dahil dito, pinag-isipan na naming gawan ng sequel o pangalawang libro ang kuwento ng pag-ibig nina Byron at Lester. At syempre, siya pa rin ang modelo ko at co-author.

Paborito pa rin naming pahingahan ang cottage sa harap ng aking apartment. Doon, malamig ang simoy ng hangin, nakaka-relax ang ambiance, nakakawala ng problema, stress at pagod. At kapag ganyang kaming dalawa ay nagpapahangin sa cottage na iyon at ini-enjoy ang aming pagiging magkasama, hindi ko maiwasang hindi mapahangang tumingala at pagmasdan ang mga sanga ng acacia na umuusli sa bubong ng cottage, wumawagayway sa bawat paghampas ng hangin ngunit sumisilip at nagbabantay sa aming dalawa ni Marjun.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Habang ninamnam ko ang sarap ng preskong simoy ng hangin, marahan ko namang hinahaplos-haplos ang mukha ni Marjun na nakahiga sa gilid ng aking inupuan, ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking kandungan…

Muling sumagi sa aking isip ang sinabi sa akin ng manghuhula tungkol sa puno ng akasya. Noong itinanim ko ang punla nito, napadaan siya at napansin ang ginawa ko: “Alagaan mo siya; para sa iyong kaligayahan. Iyan ay puno ng pag-ibig…”

Wakas.

------------------------------------------------------

Sana magkaroon ng sequel ang libro nina Aldred at Marjun para magkaroon din ng Book 2 ang kuwento na ito. Hmmmmmm. Malay natin. Kung umabot ng 75 ang comments dito, baka magkaroon nga.

:-)

===================================================
"Libre po ang mag-repost; ang bawal ay ang mang-angkin ng akdang pinaghirapan ng iba."
===================================================

45 comments:

  1. parang self-serving naman itong author na ito.. ginawa pang reasons ang mga nangongopya daw at makilala mga readers niya, eh the truth about not putting the last part here is gusto lang namang magpavote.. how pitiful the ways to get votes and win..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito ay kilala ko.

      Kaibigan to ni No comment...

      Delete
  2. Sir Mike nakapag vote at email na ako.
    alvin1665@gmail.com

    thanks po.

    ReplyDelete
  3. eto ang email ko shindenberg@yahoo.com
    nasa mabasa ko po ang last part... hehehehe

    ReplyDelete
  4. Migz, baka ikaw ang self-serving dahil libre na nga basahin ang mga pinopost dito na stories ni kuya Mike wala ka pang utang na loob na unawain man lang ang katayuan niya. Bakit? May bayad ba ang pagboto sa PEBA? Masakit na ba daliri sa kamay mo kakacopy-paste ng kwento niya sa sarili mong site at pagpapalit ng pangalan niya? Sira ulo ka pala eh. How pitiful you are to say something like that to the owner of this site that contains his wonderful creations kung copy copy ka lang. Besides, sino ka ba para pakinggan namin dito sa pugad niya? Site mo? May blog ka rin ba? Asaan? Lagay mo ng makita mo kung paano kami magsuporta sa kanya ng bahain din namin ng hate comments ang posts mo. Mayabang ka? SINO KA BA? Writer ka? Baka bitter ka lang kasi either walang napopost na magaganda sa site mo or hindi talaga bumebenta ang ginagawa mo.

    ReplyDelete
  5. And don't you use "Migz" for an ID kasi dinudungisan mo ang dignidad ng isa ring magaling namanunulad na hindi mo katulad. Kung magiinarte ka lang dito at paninindigan mo yang mga sinasabi mo GAMITIN MO TUNAY NA PANGALAN MO HINDI ACCOUNT NA KANINA LANG GINAWA.

    ReplyDelete
  6. Vote for kuya Mike! Oo nga naman, for all the stories he made, let's show our support, click lang naman ang kailangan. :)

    ReplyDelete
  7. I stand corrected, nakita ko sa profile mo Migz na February 2008 pa pala yang account mo na yan but still, I can tell you're a fake.

    ReplyDelete
  8. kuya mike naka vote na po ako at nkpg email na ako. Wait q n lng po. Thank you.

    ReplyDelete
  9. Bitch: tama na po baka nagpupunit ka na ng gown mo ngayon hihihihi

    Migz: Everyone has the right to their own opinion but if you can't say something good then rather keep it to yourself na lang po para iwas away Thank you po :)

    ReplyDelete
  10. Hindi naman kasi niya pinasusuweldo si sir mike kung makapaginarte kala mo empleyado niya yung tao baka kumokopya lang siya ng gawa ni sir mike tapos pinapalitan lang din niya pangalan para maging kanya tapos ipagmamalaki niya sa facebook or sa sarili niyang blog site.

    ReplyDelete
  11. @migz if you dont want to vote then dont. Its as easy as shutting your mouth, no muscles needed. We are given the privildge to read their works for free so i dont think there's a reason to complain. Abuso naman un

    KV

    ReplyDelete
  12. sana free na lang. bagal kasi net dito eh tapos ang tagal magload, excited pa naman ako sa story mo!
    onel

    ReplyDelete
  13. kuya mike.. sang email ko po isesend?? 579 ung poll na lumabas ng bumuto ako.. i tried it again kaso once lang pala pwede bumoto..

    ReplyDelete
  14. i post nyo lng yung last part para walang gulo

    ReplyDelete
  15. As the owner and author, Sir Mike has all the reasons and privileges to restrict access to his creations or stories. If you feel that such terms as imposed, is contrary to your views, sadly, Sir Mike could not be compelled to succumb to your position. This is his blog and the related story is a product of his mental acuity hence, it is his perspective that should prevail and be given due respect. Nevertheless, it is also the right of anybody to entreat Sir Mike to somehow modify his impositions but such deed should be done with tact, finesse and respect.

    ReplyDelete
  16. Daddy Mike naka vote na po ako! Break a leg po :)

    ReplyDelete
  17. SIr Mike nakaboto na po ako!!! haha, eto ho email ko sailorselina@yahoo.com

    ReplyDelete
  18. selina, ako ang i-email mo getmybox@hotmail.com

    salamat.

    ReplyDelete
  19. naka vote na po ako
    leonhart_1112@yahoo.com

    ~joed12

    ReplyDelete
  20. ANG GANDA ng ending!! Thank you kuya mike! Youre the best!

    --ANDY

    ReplyDelete
  21. As always, the ending was worth the wait. Never failed to inspire me always. Nagiiwan ka ng memorable emotion sa kwento mo kuya MIke :)

    ReplyDelete
  22. ha ha ha ha by request na pala ang ending dati eh mga torrid parts lang...ngayon whole ending na...di kaya sa darating na panahon eh bawat chapter eh title na lang ang makikita at ang nilalaman ay by request na ha ha ha ....it may be sounds sourgraping...im sure marami na namang makikigaya sa pakulo ng author...but we have to respect his decission...kaya lets go vote na po...alam naman ng author na gagawin nating lahat ang gusto niya dahil addicted na tayo sa kwento niya...kaya sa mga taong ayaw sumunod sa sistema....belat....bitin kayo...ha ha ha .... makikigaya na ako....sa blogsite ko....manghihingi naman ako ng donations....bawat chapter merong kapalit....

    ReplyDelete
  23. hi kuya mike it has been a while..

    i was still reading your stories.. pride na lang siguro nag tutulak sa akin na wag magpakilala...

    i still admire the way your write... ikaw parin kasi naging main reason kung bakit ko natanggap ang sarili ko... sorry if i was not able to vote mejo busy lang po pero i still wish you the best...

    basta po ill tell you somehting mag email na lang po ako...

    still thanks for sharing.. ok lang kahit di ko mabasa ang last part... (^_^).V

    Roj

    ReplyDelete
  24. ...DIKO ALAM SAN AKO magsisimula o anu sasabihin ko
    ...at hindi sa pagmamayabang i made 3 times vote(631 vote place) me kanina ayon sa poll counting
    ...kun late man me magcomments cenxa n bc din po me s work kc
    ...at lalo hindi bogus ang accout ko friend ko po kayo s fb
    ...napapaiyak nyo me lagi which means i love your story
    ...pls send me pls... freelyf_25@yahoo.com
    thanks po kuya mike.......

    ReplyDelete
  25. kakatpos q lng po bsahn and again, npaluha m aq muli sa kaligayahan..npakagandang wakas...salamat kua^^

    ReplyDelete
  26. sir mike, naka pag vote na po ako.. daria_paul@yahoo.com
    thanks and more power sana manalo po kayo.. second na sa ranking yung inyo...
    kaya pa yan...

    ReplyDelete
  27. Nakapagvote narin po ako, pero wala pa po yung email niyo...

    ReplyDelete
  28. @anonymous:

    nakapagreply na po ako sa lahat ng mga nag-email sa akin. PLease follow instruction po. Kayo ang mag-email sa akin, at doon i reply ko kayo.

    Salamat. TC!

    ReplyDelete
  29. ...nabasa ko na ung wakas
    ...grabe ang ganda naman galing talaga
    nakakakilig n nakaka iyak un wakas
    thanks at happy ending sya

    thanks kuya mike at pinagbigyan you me

    diko na lng erase un message you skin para maka message p din me s reply path kc ayaw talaga un direct ako mag email eh.

    ReplyDelete
  30. waaaaahhhhhhh... grabe naman pang 666 ako na nagvote tsk... hehehe

    emailed na :)

    ReplyDelete
  31. kua mike nag comment naku d2 tnx po
    Bitin patiwarik dn aku. Kakbsa kagbi nito ayun..sayang di aku nkahabol xa voting busy kc skul.. Ganda kc n2.. Tnt

    ReplyDelete
  32. kua mike nag comment na po bkit di mikita c0mment huht.. Tnx po tc

    ReplyDelete
  33. Sir Mike, I followed the instructions. kea lng first step plang di ko na magawa. can't vote.. tapos na ata ang voting period. :( So I cannot read the last part because i wasn't able to vote, can I? anyways. You have a very good story :))

    ReplyDelete
  34. Sir mike,my email is pjhanny@yahoo.com Sana mabasa ko ang huling parte ng kwento. ang ganda kc eh

    ReplyDelete
  35. xJhannyx: you can read it. May post po si Kuya Mike :)

    -jojie

    ReplyDelete
  36. Kadarating ko lang galing abroad at ngayon ko lang nabasa uoli ang mga post dito sa favorite site ko. Kaya naman, laki ng lungkot ko ng hindi ko mabasa ang final chapter nito dahil wala na ang botohan.

    baka naman mapagbigyan mo pa rin ako at ipadala ang final chapter ng story mo. Thanks in advance.

    ReplyDelete
  37. Kadarting ko lang galing abroad at hindi ko na naabutan ang final chapter mo at wala na rin ang poll na sinabi mo dahil pumunta nga ako para bumoto. Ang saklap naman.

    Baka mapagbigyan mo ko at ipadala na lang ang iyong story.

    Thanks in advance.

    ReplyDelete
  38. ay diko mabasa last part kakalungkot namn po

    ReplyDelete
  39. Ahhhhh.

    Ok. So I wouldn't know how this story ends.

    And I thought I learned the lesson of ... the unfinished tales. Hahahaha.

    Oh well.

    ReplyDelete
  40. Sir kung magcocomment b ko dito hanggang umabot nang 75 maapprove p b yung book 2? Haha, your really one of a kind babe sir Mike.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails