Followers

Tuesday, November 22, 2011

Puno Ng Pag-ibig [6]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Panawagan po sa mga followers ng MSOB, bumoto na po kayo dito:  http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html Paki-click lamang po ang link. Hanapin sa right side ng page ang entry # 24 (Michel’s Shades Of Blue) at i-click ang box na katabi nito. I-click muli ang “Submit Vote”.

At para po sa mga nakaboto na noong matagal na, pede na uling bumoto.

Sana ay paunlakan ninyo ako sa aking munting hiling.

Gusto ko palang pasalamatan ang mga followers na all-out support sa pag boto at pangampanya, at sa mga co-authors na nagpo-post ng campaign sa mga blogs at akda nila. I really, really appreciate your support guys! I can’t thank you enough.

At pati na rin sa mga bagong followers ng MSOB. Yeeeeyyyy! 902 na tayo ang still counting. Target na natin ngayon ang 1,000 followers. 

Anyway, maraming salamat sa mga commenters, supporters who voted and campaigned. You guys give me inspiration to write.

-Mikejuha-

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================


Nagising ako mga alas 8 ng umaga. Masakit ang ulo, may hangover. Binalik-balikan ko sa aking isip ang nangyari sa gabing nakaraan, lalo na ang narinig ko sa mga barkada ni Marjun na pinagpupustahan lang pala ako. Muling nakaramdam ako ng ibayong sakit. At napagdesisyonan kong paalisin ko na talaga siya sa aking apartment.

Dahil may pasok ako sa araw na iyon, pinilit kong bumangon at maligo.

Nakabalikwas na ako ng higaan noong napansin kong naka-hubo’t-hubad pala ako. “Paanong nakahubad na ako?” Ang tanong ko sa sarili. Ngunit ako na lang din ang sumagot sa sarili kong tanong. “Marahil ay dahil lang iyon sa sobra kong kalasingan at galit kay Marjun. Baka pinagtatanggal ko ang aking damit sa sobrang pagka-inis.” Sa isip ko lang.

Patungo ako ng banyo noong sa pagdaan ko sa kusina ay nandoon na si Marjun. Naihanda na pala niya ang almusal namin at naghintay na magising ako.

“Magandang umaga po…” ang masayang bati niya sa akin. Parang sobrang saya niya na abot-tainga na yata ang kanyang ngiti.

Ngunit sinimangutan ko lang siya at dumeretso na ako sa paliguan. Naligo ako at habang sinariwa sa aking isip ang nangyari sa gabing iyon, hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. “Plastik! Plastik!!!!” ang pigil kong pagsigaw. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Natuto na sana akong magtiwala muli sa lalaki; natuto na sana akong magmahal… hindi ko akalaing sa pustahan lang pala ang bagsak ng lahat. Pinaglaruan niya ang aking damdamin, sa kabila pa ng kabaitang ipinakita ko sa kanya.

Natapos akong mag-shower at noong dumaan na naman ako sa hapag-kainan, naroon parin siya nakaupo sa harap ng mesa na hindi ginagalaw ang mga pagkain. “M-may problema ba?” ang tanong niya sa akin.

Sumisigaw ang aking utak na sabihin na sa kanyang palayasin siya ngunit parang may awa pa rin akong naramdaman. Kaya ang nasambit ko na lang ay, “Sa opisina na ako kakain kaya bahala ka na d’yan…” sabay pasok sa kuwarto at nagbihis.

Noong makatapos naman akong magbihis, dire-deretso rin akong lumabas ng bahay na hindi man lang nagpaalam o ni pinansin o kinausap siya.

Sa opisina, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Dama ko pa rin ang sakit sa kaniyang pagtatraydor.

Dahil sa sama pa rin ng aking kalooban at sa kalituhan kung ano ang gagawin pagkatapos ng araw ko sa opisina, dumeretso na lang ako sa isang bar. Doon, nag-iinum akong mag-isa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin pagkatapos ko doon. Parang ayaw ko munang umuwi. Ayaw kong makita si Marjun sa bahay. Pakiramdam ko ay lalo akong ma-lungkot at maawa sa sarili kapag nakita ko siya. Gusto kong magwala. Maglasing. “Siguro ay dapat lang na maglaro naman ako. Ganyan naman siguro talaga ang kalakaran sa buhay ngayon; gamitan lang, makilaro... Wala na sigurong tunay ngayon; lahat ay puro palastic na lang.” sa isip ko.

Med’yo lasing na ako noong may nakita akong isang cute na lalaking teenager na siguro ay nasa 18 ang edad na pumasok sa bar na iyon. Kasama niya ay mga barkadang ka-edad din niya. Cute din halos silang lahat. Hip-hop ang mga porma, nakasuot ng baseball cap na tagilid ang paglastada sa ulo. At sa tingin ko, may pagka-pilyo ang dating, carefree, palaban, malakas ang loob. Mapusok…

Para silang naghahanap ng adventure na di ko mawari. At sa katabing mesa ko sila pumuwesto. Ang bar kasi na iyon ay kilalang pugad ng mga bakla na naghahanap ng aliw o adventure. At syempre, kapag may naghahanap, mayroon ding mga taong gustong sila ay mahanap.

Habang kalmante silang nakaupo at iniikot at pinafamiliarize ang mga mata sa paligid at mga tao, pasimple ko namang tinitingnan-tingnan ang teenager na nagustuhan ko. Iyon bang tingin na malagkit, nagpapahiwatig ng motibo. Hindi ko na talaga iniisip pa ang hiya o respeto sa sarili sa oras na iyon. Ang tagal ko na kayang inaalagan ang aking dignindad. Nagpakademure ako, nagpakatino ngunit wala din namang nangyari. Puro sama lang ng loob, at hayan, biktima pa ng panloloko. Siguro naman, hindi kasalanan kung paminsan-minsan ay maranasan ko rin ang maghanap ng adventure; ang maging open sa mga bagay na hindi ko pa natikman; ang maglaro ng apoy…

At marahil ay napansin nga niya ang pagpapa-charming ko, nagpaalam siya sa kanyang mga kasama at lumapit sa akin. Ramdam ko ang paglakas ng kalampag ng aking dibdib noong makitang palapit sa kinaroroonan ko ang cute na binata. Napatingin naman sa akin ang mga kasama niya noong sa tabi ko pa talaga siya umupo.

“Hi… nag-iisa ka?” ang preskong tanong niya.

“Hi…” ang sagot ko din. “Oo… n-aag-iisa lang.” Dugtong ko.

“Ako nga pala si Cris.” Sabay abot ng kamay niya at bitiw ng nakakalokong ngiti.

Napa-“Shiiittt!” naman ako sa nakitang ngiti niya. Pamatay kasi. Tinanggap ko ang kamay niya. “Ako naman si Aldred… Nice meeting you, Cris.”

Habang nagkamay kami, hinawakan naman niya ito ng bahagyang malakas na may halogn paghahaplos, iyon bang parang nanunukso. Halatang sanay. Noong binitiwan na niya ito, sunod-sunod naman ang kanyang tanong. “Taga-saan ka? Bakit ka nag-iisa? Mukha kang malungkot, bakit?”

Natawa naman ako. “Wala lang. Gusto ko lang mag-enjoy…” sagot ko. “Gusto mong mag-order?” tanong ko.

“Sige…”

At nag-order nga siya. Apat na beer at pulutan.

Habang nag-inuman at kuwentuhan ng mga ka-kuwelahan, panay naman ang patsa-tsansing niya. Nand’yan iyong hahawakan ang kamay ko, aakbayan ako, lihim na ililingkis ang kamay niya sa beywang ko.

Nakaubos na siya ng walong beer noong binigkas niya ang isang indecent proposal. “G-gusto mo…? Game ako?” ang sabi niyang sinabayan pa ng pagkindat.

“A-ano iyon?” ang pag-iinosentahan ko pa bagamat mistula akong malaglag sa aking kinauupuan sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi akalain na ganoon siya kabilis.

“M-may kuwarto ka ba? O kaya ay… maghotel tayo”

At doon na tuluyang namula ang aking mukha. First time ko kasing maranasan ang ganoon kabilis na diskartem at sa isang kagaya pa niyan gsobrang cute. Hindi mo pa nga kakilala ng lubusan, yayayain ka kaagad ng, syempre ano pa nga ba kundi, sex. Hindi ko akalain na ganyan lang pala ka-simple ang kalakaran para sa ibang tao. “E… m-mayroon naman.” Ang pagdadalawang-isip kong sagot.

“Punta tayo?” ang sabi niya.

Sa totoo lang, nabilisan talaga ako sa mga pangyayari. Akala ko ay hanggang tsansingan lang kami, getting-to-know, palitan ng number… Hindi na pala kailangan ang mga iyan para sa kanya. Deretso na pala sa kangkungan, este kangkangan.

Anyway, nagdadalawang-isip naman ako. Nandoon kaya si Marjun sa bahay. “Sabagay, ito na ang pagkakataong makaganti ako sa kanya!” ang sigaw naman ng isang parte ng utak ko.

At iyon nga ang ginawa ko.

Pagkarating kaagad sa aparatment, deretso kami sa kuwarto. Alas 11 na iyon ng gabi kaya tulog na si Marjun. At laking gulat ko sa nakita kasi, sa kama ko mismo siya nakahiga imbes na sa kutson niya sa sahig. At naka-brief din lang ito.

“M-may kasama ka pala…” ang sambit ni Cris na mistulang natakot, marahil sa laki ng katawan ni Marjun. Siguro naisip niyang boyfriend ko iyon at mag-aaway pa kami. Ramdam kong gusto na niyang lumabas ng kuwarto. Umatras siya.

“Wala iyan, kasambahay lang…” ang paghila ko naman sa braso niya pabalik sa loob.

Ngunit nagising si Marjun at nakita ang kasama kong si Cris. “S-sino iyan?”

“Pamangkin ko, at dito kami matulog sa kuwarto ko. Doon ka na lang sa sofa”

Ngunit bigla siyang tumayo at hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Cris. “Kasintahan ako ni Aldred at alam kong walang pamangkin iyan dito. Gusto mong makatikim nito?” sabay dikit ng kamao niya sa mukha ni Cris. “Matagal na akong hindi nakabugbog ng tao… Ano, pamangkin ka ba talaga niya? Sagoooottttt!!!”

“Eh…” ang naisagot lang ng bata, halatang nanginig. Syempre, sino ba ang hindi matakot sa kamao ng isang malaking taong barako. Lalo na ang isang totoy na kagaya ni Cris na med’yo payatot pa ang pangangatawan.

“Bitiwan mo nga siya! Ang kapal naman ng mukha mong magsabing kasintahan mo ako! Kailan? Saan? Bakit???” ang sarcastic ko pang patutsada.

“Kagabi, birthday ko. Sa harap ng mga barkada ko. Hinalikan mo ako, tinawag mo akong sweetheart. At may nangyari na rin sa atin kagabi!”

“Haaaa? Ganoon? Sigurado ka??? Grabeeee!” ang sarcastic ko pa ring sagot sabay tawa. Nakakatawang nakakainis kasi ang narinig ko. “Whatever!”

“Magsyota tayo!”

“Grabeeee! Kinilig ako! Ok… kung mag-syota, sige magsyota. Problema ba yan. Pero break na muna tayo ha? Kasi kami muna ni Cris ang magtabi ngayong gabi. Doon ka muna sa sofa. Tsupiii!”

Ngunit lalo niyang kinaladkad si Cris at pinalabas sa kuwarto. At doon binatukan. “Takbo ka na kung ayaw mong mabugbog!!!”

Kumaripas nga ng takbo ang bata na sinundan naman ni Marjun hanggang sa nakalabas ng gate. Agad na inilock ni Marjun ang gate, pati na rin ang pintuan.

“Walang hiya ka! Pinahiya mo ako sa bisita ko!” sigaw ko noong nakabalik na siya sa loob ng aming kuwarto.

“Sino ba iyon?”

“Lalaki ko! Tangina!”

“Lalaki… hmmmm. Lalaki pala ha?” ang patango-tango pa niyang sabi. “At bakit ka ngahanap ng lalaki? Nandito naman ako?” sabay yakap.

“Bitiwan mo nga ako!!!” Nagpupumiglas ko.

“Bakit ka ba nagagalit? Kagabi lang ang sweet-sweet mo pa sa akin…”

“Hindi mo alam? O nagmaang-maangan ka! Isipin mong maigi kung bakit ako galit! At kapag naisip mo na lumayas ka na dito sa pamamahay ko!”

“Lasing ka lang Aldred. Matulog na tayo, sige na…” ang panunuyo na niya.

“Hindi ako lasing! At alam ko ang mga pinagsasabi ko! Lumayas kaaaaaa! Wala kang kuwentang tao! Hindi ko kailangan ang isang katulad mong manggagamit!”

“Ang sakit mo namang magsalita. Kung ayaw mo na sa akin, puwede mo namang sabihin ng deretso, ng mahinahon na hindi kailangang saktan mo ako eh. Kung gusto mo akong paalisin dito, pwede mo ring sabihin sa akin ng maayos; ng hindi mo ako sinisigawan. Kasi, wala akong alam na ginawang masama sa iyo…”

“O e di lumayas ka! Period!” ang sigaw ko pa rin.

Siguro dahil nasaktan siya sa sinabi ko, kibit-balikat siyang lumabas ng kuwarto. Hindi na nagsalita pa ngunit halata ang sama ng loob sa narinig.

Noong isinara na niya ang pinto, humagulgol naman ako. Iyon bang feeling na galit na galit ka, naaawa ka sa sarili mo ngunit parang ayaw mo rin siyang bitiwan dahil mahal mo siya. Ngunit wala ka ring magawa kasi, mas nasaktan ka, mas nangingibabaw sa isip mo na binalewala ka niya; na hindi niya binigyang halaga ang iyong nararamdaman.

Kinabukasan, matyaga pa rin akong hinitay ni Marjun sa hapag kainan at kagaya ng nakaraang mga araw, nakahanda na ang lahat ng pagkain. Ngunit ganoon uli ang ginawa ko. Hindi ko siya pinansin. Dumeretso lang ako sa banyo na parang walang nakita bagamat pansin ko sa kanyang mukha ang matinding lungkot. Nakayuko siyang parang hinintay na batiin ko.

Pagkatapos kong mag-shower, umalis din ako ng walang paalam; na parang nag-iisa lang ako sa pamamahay na iyon. Sa gabi naman, alas 11 na akong umuwi.

Nakalimang araw din kami sa ganoong set-up ngunit nanatiling matatag pa rin si Marjun at hindi bumitaw. Nanatili pa rin siya sa bahay. Hindi ko rin alam ang aking tunay na naramdaman. Naiinis sa kanya ngunit parang ayaw ko rin siyang umalis. “Di bale… malapit na ring matapos ang building na ginawa nila” sa isip ko lang.

Ngunit marahil ay hindi na niya nakayanan ang lahat, isang gabing umuwi ako galing sa gala, hindi ko na naabutan pa si Marjun sa bahay.

Wala na siya. Hindi ko na nakita ang hapag kainan na sa tuwing pagdating ko ay nakahanda na ang pagkain. Wala nang Marjun na nakaupo doon, naghihintay sa bawat pagdating ko…

Bigla akong kinabahan at ramdam ko ang paggapang ng matinding lungkot. At hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha.

Dali-dali kong tiningnan ang drawers at cabinet ng kanyang mga damit at gamit ngunit wala na rin ang mga ito. Sa ibabaw ng mesa ay may nakapatong na sulat. Sulat kamay ni Marjun –

“Dear Aldred, bago ang lahat, nais kong magpasalamat na kahit sa maiksing panahon na nakasama kita at pinatira mo ako sa iyong bahay, naranasan ko ang magkaroon ng isang kaibigan na tulad mo. Iyan ang pinakamahalaga sa lahat. Dahil d’yan, ipinaramdam mo sa akin na ang isang katulad ko ay may halaga din pala; na puwedeng pagkatiwalaan, na puwedeng mahalin… Salamat na dumating ka sa buhay ko. Nang dahil sa iyo, natuto akong magtiwala sa sarili. Nang dahil sa iyo, natuto ako sa mga bagay-bagay na sa iyo ko lang ntutunan kagaya ng pagmamahal, pagtiwala, pagpapahalaga. Pati sa paggamit ng computer, ng paggamit ng internet ay sa iyo ko ito natutunan. Dahil sa iyo, nakatikim ako ng mga masasarap na pagkain, makakain sa mamahaling restaurant, makapagshopping. Dahil sa iyo, natutunan kong mahalin ang sarili.


Alam mo, ang pagtira ko sa bahay mo ay ang pinakamaligayang sandali sa buhay ko. Hindi lang dahil sa kung ano pa mang mga naranasan at natikman ko dahil sa iyo kundi dahil mismo sa iyo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Salamat sa lahat.


Nanghihinayang ako na hahantong ang lahat sa ganito. Nalungkot ako. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit kung ano man ang nagawa kong kasalanan, ako an ang manghingi ng tawad. Patawad…


PS.
Noong gabing nalasing ka, may nangyari sa atin at sinabi mong mahal mo rin ako. Ngunit napag-isip isip kong marahil ay nasabi mo iyon dahil sa sobra mong kalasingan. Tungkol naman sa kuwento, sana ay happy ending siya. DAhil sa kuwento mo, nagbago ang aking pagtingin sa mga taong kagaya mo. Pareho lang pala sila sa mga taong kagaya ng marami, nasasaktan, umiibig, umaasa, nangangarap… Ayoko ng sad ending. Ayokong may nasasaktan…”

Tumakbo ako ng kuwarto at doon humagulgol nang humagulgol. Pakiwari ko ay napakalungkot ng aking bahay na wala na si Marjun. Bumabalik-balik sa aking isip ang mga masasayang kulitan namin, ang mga biruan, pikunan, harutan, galaan, ang pag-aalaga niya sa akin, at ang pagbuo naming dalawa sa kuwento ni Byron at Lester.

Ang sakit. Hindi ko maintindihan kung magalit o maawa sa sarili o sa kanya. At iyong sinabi niyang may nangyari sa amin… isa rin ito sa mga nakakaintrigang tanong sa isip ko. Wala akong matandaan. Ngunit marahil ay iyon iyong nakahubad ako sa aking paggising kinabukasan pagkatapos ng birthday niya.

Noong mapagod na ako sa pag-iiyak, pumunta ako sa cottage sa hrap ng bahay. Doon ko kasi unang nakita si Marjun. Bumabalik-balik sa isip ko ang mga araw kung saan una ko siyang nakita na nagmamasa ng semento sa kabila lang ng kalsada sa harap ng aking apartment. Ang insedente kung saan nilapitan ko siya sa cottage na iyon at kinaibigan, inalok tungkol sa pagiging modelo...

Habang sinasariwa ko ang mga tagpong iyon, tulala ako, nakatitig sa lugar kung saan nagtatrabaho si Marjun, hinahanap siya ng aking paningin sa mga taong nagtatrabaho sa building na iyon.

Subalit bigo ako. Nakita ko ang dalawa niyang mga barkada doon ngunit si Marjun ay wala. Ramdam ko ang lalo pang pagtindi sa lungkot na aking nadarama. Parang gusto kong magsisi kung bakit ko pa siya pinagalitan; kung bakit ko siya pinalayas. At hindi ko namalayan, tumulo na naman ang aking mga luha.

Sumagi muli sa isip ang sinabi sa akin ng isang manghuhula na ang ang kahoy daw ay may malaking papel sa aking tagumpay at pagkabigo. Marahil ay totoo ito. Ang cottage na iyon ay nasa lilim ng aking itinanim na acacia; ang kuwentong ginawa namin ni Marjun ay may kinalaman sa puno; at si Marjun mismo ay may itinanim ding puno sa aking bakuran, para daw kay Byron.

Ngunit may hindi din tumama sa kanyang mga hula. Kasi, ang sabi niya, masuwerte daw sa akin ang punong acacia na siyang nagbigay lilim sa aking cottage. Sabagay… kung an gibig niyang sabihin ay ang pagkakaibigan naming ni Marjun, baka totoo nga. Subalit panandalian lamang ang swerte na iyon dahil sa isang iglap lang, parang isang bula din siyang naglaho. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga…

May limang araw ang nakaraan at wala pa rin akong nakitang Marjun na sumipot sa building kung saan nagtatrabaho pa rin ang mga kaibigan niya.

Alas 3 ng hapon habang nasa cottage na naman ako at nagmamasid sa mga nagtatrabaho ng building, nabuo sa isip kong tapusin na rin ang kuwentong piangtulungan naming buuin ni Marjun. Isang malungkot na pagtatapos ang nasa isip ko, trahedya. Hindi sumipot si Byron. Paano siyang makasipot… patay na pala ito; nagpakamatay sa sobrang sama ng loob sa ginawa ni Lester sa kanya. Hindi nakayanan niya ang hiya, ang sama ng loob, ang sobrang pagmamahal na sinuklian lamang ng panlalait… Alam ko, talo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit mas talo si Byron; talo ako…

Simulan ko na sana ang pagsulat sa katapusan ng kuwento noong nakita kong nagmeryenda na ang dalawang kaibigan ni Marjun na sina Mario at Ver sa gilid ng kalsada. Tiningnan ko ang aking relo, alas tres na pala. Imbes na magsulat, mistulang may isang malakas puwersnag nagtulak sa akin na tawagin sila. “Mario! Ver! Puwedeng may itanong ako sa inyo?” sigaw ko.

Lumapit naman ang dalawa sa cottage.

“May sandwich ako d’yan, kainin ninyo!” ang pag-aya ko.

Napangiti naman sila ngunit kumuha din ng sandwich at kumain. “Salamat Aldred!” sambit nila.

“Woi, may bayad iyan…” biro ko.

“Ano?” tanong ng dalawa.

“May itatanong ako. Bakit wala na si Marjun?”

Na bigla naming ikinagulat ng dalawa. “Nasa bukid, ayaw na raw niyang magtrabaho eh.”

“Bakit naman daw?”

“Ewan, Hindi naman sinabi sa amin. Sobrang malungkot eh. Hayun, nakatunganga…”

“G-ganoon ba?” ang sagot ko.

“B-bakit pala kayo nagpupustahan tungkol sa akin?”

Bigla namang nagkatinginan ang dalalawa na halatang nagulat sa aking tanong. “A-anong pinagpustahan?” sagot ni Ver.

“Iyong sa birthday niya, na dapat mapaibig na niya?”

Bigla naming humalakhak ang dalawa. Sumagot si Mario. “Ah… hindi ikaw iyon! Iyong mataray na dalagang anak ng landlady namin! Niligawan ko kasi iyon, kaso busted ako. Ok lang naman sana. Ang masakit, nanlait pa, at sobrang minamaliit ang pagkatao ko. Syempre, pinsan ako ni Marjun kaya nasaktan din iyong tao.”

“G-ganoon ba?” ang gulat na gulat kong sabi.

“Oo. Kaya noong may isang beses na mag-inuman kami, nakapagbitiw siya ng salita na liligawan niya angbabaeng iyon at kapag nababaliw na sa kanya, hindi na niya pansinin ito upang maranasan niya ang naramdam kong pagpapahirap sa lupit niya. Actually, hindi niligawan ni Marjun iyon. Kami lang ni Ver ang gumawa ng paraan. Nireregards-regards kunyari ni Ver ang babae, dinadalhan ng bulaklak na galling kunyari kay Marjun. At kumagat naman ang babae, kilig na kilig. At noong birthday ni Marjun, doon sana kami mag-inuman sa boarding house upang ipakita sa babae na na-onse namin siya. Kaso nga, hindi natuloy kasi, gusto mo raw na sa apartment mo siya magcelebrate, at kasali ka. Kaya doon ko ipinabasa kay Marjun ang sulat ng babae na sinagot na niya si Marjun.”

Parang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo. Naisip ko kasi ang pag-iiyak ko sa banyo. Wala palang kwenta ang lahat ng pagdadrama ko. At ang paghalik ko pa kay Marjun sa harap pa nilang dalawa. Kaya pala parang natulala sila. Kaya pala para silang nakakita ng multo sa ginawa k okay Marjun. “E… “ ang naisagot ko. Sobrang pagkahiya ko kasi sa sarili na mali-mali ang aking mga hinala. Dagdagan pa sa halikan scene. “S-sensya na din sa inyo, k-kasi sa harap pa ninyo ko hinalikan si Marjun…”

Natawa sila. “Oo nga. Sobrang pagkagulat namin noong nakitang hinalikan mo talaga sa bibig si Marjun at gumanti rin ang hayup. Ngunit OK lang sa amin kasi, bago pa man iyon, nasabi na sa amin ni Marjun na nalilito na rin daw siya sa naramdaman niya para sa iyo… Sobrang bait mo daw kasi, at naaawa din daw siya sa iyo. Ngunit di talaga namin ini-expect na magsyota na pala kayo… Noong iniwanan mo na nga kaming nag-inum dahil natulog ka na, binibiro-biro ko na rin itong si Ver na halikan na rin niya ako e. Kaya kami nagtawanan.”

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

12 comments:

  1. Very nice Sir Mike. That's what we call "vague and false apprehension".

    ReplyDelete
  2. ayan kasi padalosdalos. Hindi muna makinig sa paliwanag. Jugdemental,Nagbulagbulagan. nagbibingibingihan. Ngayn ano ka 'te?! Napala mo! Iniwan ka ng tuluyan! Tapos iiyak-iyak ka dyan! Hala bilisan mo. Puntahan mo sia. Bago pa mahuli ang lahat. Wag ka nang mag inarte di ka naman kagandahan. lol

    ReplyDelete
  3. Ewan ko sayo Aldred! Ayun na eh, ayun na. Minsan naman makinig ka sabi nga eh Give him the benefits of the doubts.

    ReplyDelete
  4. kuya mike nkaka excite, ang ganda nito sobra. Kahit itong story na 'to muna ang iupdate mo ok lng, khit wag muna yung dalawa na nka pending. Haha! Biro lang. Ganda kasi tlaga nito. Sana may kasunod na mamaya.

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. O ngayon, napano ka Aldred?! Iiyak-iyak ka?! Kse... Hmmmp... Wala kang tiwala isip mo lahat kse manloloko.

    ReplyDelete
  6. T.T

    wala na.. di kasi nilinaw laht.. :(

    ReplyDelete
  7. ganda... ay sunod na sir mike... love it...
    hehehheehehe

    hintayin ko ung sunod nito...
    more power po...

    ReplyDelete
  8. hahaha natatawa ako sa mga sinabi sa taas..hehehe pero tama nga naman sila lahat...dapat kasi naghihintay muna ng paliwanag..hehe ganda..hehehe

    ReplyDelete
  9. lesson! dapat makinig muna sa side ng iba..at wag magpadaloy daloy ng aksyon..kuya..tnx a lot..

    ReplyDelete
  10. lol para mong iniyakan ang isang basong gatas na ininom ng kalaro, un pla gatas un ng kalaro m tas ung sau maaus na nkpatong pa sa mesa xD

    kakahya naman un lolz

    ReplyDelete
  11. nakaboto n po ulit me for the third time (631 vote place me)pwede pala pagmatagal kna bomoto,wag naman sana sa +comelec.
    ...teka parang na windang ako s revelation ng frend ni marjun,
    ...parang gusto ko n agad takbuhin c marjun sa bukid,sayang sana nagpaliwanag kc c marjun/pinaglaban b.
    ...nku parang ngayon palang na fe-feel ko sad ending na naman ito,
    ...wag lang sana matulad k byron c marjun.
    thanks kuya mike.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails